"Kai, come here for a bit."Tumigil sa paglalakad si Kaiser nang tinawag siya ni Ren. Nasa hideout siya ng grupo dahil katatapos lang ng meeting nila. Kababalik lang ni Rowan kahapon at nagpatawag agad ng meeting sa mga miyembro ng Alpha Dós.Pumasok sa control room si Kaiser kung saan ito lagi naglalagi. Magaling sa computer si Ren at sa mga bagay na may koneksyon sa teknolohiya. Kung hindi siya nagkakamali ay ito rin ang nangunguna na hacker sa buong Asia. Ito ang dahilan kung bakit ito ni-recruit ni Rowan sa grupo. Bukod sa magaling ito sa larangan na iyon ay iisa rin ang kanilang mga paniniwala kaya madali lang ito na nakumbinsi ni Rowan na sumali.Humila siya ng swivel chair at umupo. "What's up?"Mula sa kaharap na mga monitor ay bumaling sa kanya si Ren. "May nakalap akong impormasyon kanina lang. Nag-hire pala ng private investigator si Gio upang paimbestigahan si Miss Katya Chua.""Ano?" Nasapo niya ang kanyang noo. "Bakit naman niya iyon gagawin?""Hindi ba ay nagkita na ang
Malakas na hinigit ni Katya ang kanyang braso na hawak ni Gio."Pwede bang huwag mo akong pakialaman? Sino ka ba ha? Mind your own business!" singhal din niya pabalik dito.Hindi niya alam kung ano ang kalagayan ng anak niya kaya nagmamadali siyang puntahan ito tapos heto ang lalaki na ito at pagsasabihan siya ng kung anu-ano? Sa tingin ba nito ay hindi niya alam na mapanganib dito sa labas? Alam niya pero wala siyang pakialam! Handa niyang suungin ang kahit na ano mang panganib para sa anak niya! At hindi iyon naiintindihan ng lalaking ito!Nagtiim bagang ang binata at walang salita na kinaladkad siya papasok sa sasakyan nito."Ano ba? Nakikinig ka ba?! Kailangan kong puntahan ang anak ko!""I know. Just stay still at ihahatid kita doon. Those fvckers randomly shoot citizens in the streets too. The entire area is not clear yet. Hindi pa sigurado ang kaligtasan ng lahat. Unless you want to kill yourself?" baling sa kanya ni Gio sa malamig na boses.Hindi nakahuma si Katya kaya nagbaba
"Okay na po ang anak niyo, miss Chua. Nagkaroon lang siya ng panic attack kaya nagdugo ang ilong niya at nawalan ng malay. Ang kailangan lang niya ngayon ay sapat na pahinga."Nakahinga ng maluwag si Katya sa narinig. "Salamat po, Doc.""Walang anuman. Sige at may titingnan pa akong ibang mga pasyente."Muling ginagap ni Katya ang kamay ng anak at mahinang umusal ng pasasalamat. Akala niya ay mawawala na ito sa kanya. Sobra talaga siyang nag-alala."Paano mo nalaman na nandoon si Connor?" tanong ni Gio na nakatayo lang sa gilid at tahimik na pinagmamasdan ang dalawa."Sa CR talaga siya pumupunta upang magtago kapag natatakot siya," sagot niya habang pinagmamasdan ang anak. Sobrang putla ng mukha nito. Katulad ng hinala niya ay nasa CR nga si Connor. Ang matindi nga lang doon ay nasa kisame pa ito ng banyo at hindi na niya alam kung paano pa umakyat ang anak doon. Naglambitin siguro sa bintana. Wala naman silang lahing unggoy. Sinulyapan niya si Gio. Ito siguro ang may lahi ng uranggut
Dahil sa nangyaring pamamaril noong nakaraang araw ay itinigil na muna pansamantala ang operasyon ng restaurant ng isang linggo dahil sa mga nasirang gamit. Kailangan muna nila itong ayusin bago mag-operate muli at ganun na rin sa paaralan.Mabuti na lang at kahit na wala silang pasok ay bayad pa rin ang mga araw nila na siyang lubos na ipinagpapasalamat ni Katya at ng mga katulad niyang empleyado.Ang ikinalulungkot lang niya ay hindi na natuloy ang birthday celebration ng anak. Excited pa naman si Connor pero sa hospital na ito nagdiwang ng kaarawan."Mommy, sino po siya?" tanong ni Connor sa kasama niya.Ngumiti siya dito. "Siya ang ate Danica mo. Simula ngayon ay siya na ang magbabantay sa iyo. Lagi mo siyang kasama sa school at kung saan ka man pumunta. Danica, ito naman ang anak ko, si Connor," pagpapakilala niya sa dalawa."Hello, Connor. Nice to meet you."Wala sana siyang balak na kumuha ng nanny pero napilitan siya dahil sa nangyari noong isang linggo. Hanggang ngayon ay nan
"Danica, nakapagpalit na ba si Connor?""Opo ate. Bababa na rin po iyon mamaya," anito at tinulungan siya sa paghahanda ng agahan.Tinitigan ni Katya ang pinipritong itlog. Halos hindi siya makatulog sa bawat gabi sa kakaisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Ngunit sa huli ay pumayag din siya sa gusto ng mga magulang. Natatakot siya sa kung ano ang maaaring gawin ng mga ito kapag hindi siya pumayag lalo na at alam ng mga ito kung saan sila nakatira. Hindi na importante kung nagsisinungaling ang mga ito. Ayaw niyang isaalang-alang ang kaligtasan nila ng anak."Sigurado ka ba ate sa gagawin mo? Bakit hindi ka na lang magsumbong sa mga pulis?"Naisip na niya iyon pero problema ito ng kanyang pamilya. Hindi naman ito gaano kalaki upang magpabantay pa siya sa mga pulis.Pumayag siya sa gusto ng mga magulang pero siya ang pumili ng lugar kung saan sila magkikita. Siniguro niyang sa publikong lugar sila magkikita at kung saan madami ang mga tao. Isasama rin niya ang anak pero hindi niya
Madaling bumalik sa kainan si Katya upang komprontahin ang ina pero pagdating niya sa kanilang mesa ay wala na ito doon. Wala na rin ang mga sandamakmak na pagkain. Kumuyom ang mga kamao niya sa matinding galit.May kinalaman ang mga magulang niya sa pagkakadukot sa anak niya!Hindi man niya alam kung bakit may kamukha si Gio pero nasisiguro niyang hindi ito ang binata. Hindi na rin niya ma-contact si Danica."Ma'am, mabuti at bumalik po kayo. Tumakbo na lang po kasi ang kasama niyo kanina nang makuha ang mga pinabalot niyang pagkain. Hindi na nagbayad. Mama niyo po ba iyon? Bakit ganun? Ito nga po pala ang bill."Hindi na nagreklamo pa si Katya nang makita kung magkano ang babayaran niya. Wala na siyang oras doon. Mabilis siyang dumukot ng pera sa wallet niya. Doon niya nakita ang business card na ibinigay sa kanya ni Ren noon.Biglang pumasok sa isip niya si Kaiser. Siya lang ang nakikita niyang pwedeng lapitan ngayon. Kakapalan na niya ang kanyang mukha. Wala ng oras pa para sa hiy
"Kai, get a gun inside that bag," utos ni Gio sa pinsan nito.Kinuha ni Kaiser ang bag at mula doon ay naglabas ito ng dalawang baril. Ikinasa nito ang isa habang ang isa naman ay ibinigay kay Gio.Hindi naman napigilan ni Katya ang panginnginig nang makakita ulit ng baril. Mukhang nagkaroon na ata siya ng trauma dahil sa nangyari ilang linggo na ang nakakaraan."Ren, the location?" si Kaiser sa kausap na kaibigan gamit ang earpiece na suot nito. Actually ay meron silang tig-iisa upang marinig ang mga impormasyon na sinasabi nito."Affirmative. Just go to the location that I've sent you."Tumingin sa labas ng bintana si Katya. Base sa daan na tinatahak nila ay palabas na sila ng siyudad. Papunta ngayon sila sa lugar kung saan na-trace ang kinaroroonan ni Danica. Mabuti na lang at nakabukas ang GPS ng cellphone nito kaya madali lang ito na nahanap ni Ren."Huwag na huwag kang bababa ng sasakyan, Katya. Sinunod ko na ang gusto mo kaya ikaw naman ang sumunod sa akin ngayon," matigas ang
Dinaluhan nila si Gio na nakahandusay na sa sahig matapos mapabagsak ni Kaiser ang lalaking humataw dito."Okay ka lang?" tanong niya Kay Danica."Opo ate."Sunod na binalingan ni Katya si Gio. Nag-aalala siya. Isang hampas nga lang iyon pero sobrang lakas naman. May umaagos na rin na dugo sa ulo nito."Gio.. Gio." Tinapik tapik niya ang pisngi ng binata pero hindi ito gumagalaw. Umarangkada ang tibok ng puso niya. Patay na ba ito?"Goddamnit, Ren! Akala ko ba ay kami lang ang nandito?!" humihingal na sigaw ni Kaiser. "Ako na diyan, Katya. Don't worry, hindi pa siya patay."Inakay ni Kaiser ang pinsan habang si Danica naman ang tinulungan ko.Hindi pa sila nakakalayo nang nagsimula na silang barilin ng mga kalaban. Napasigaw sila ni Danica habang si Kaiser naman ay napamura."Bwisit! Bilisan niyo! Pumunta kayo sa rooftop at magtago!" sigaw ni Kaiser habang nakikipagpalitan ng putok ng baril.Halos hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil sa lakas ng huni ng mga putukan pero alam ni
"Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n
"Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h
Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n
Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero
Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko
Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba
"Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n