Patuloy sa tahimik na pag-iyak si Katya. Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha niya habang nasa loob sila ng kanyang anak sa taxi. "Mommy please, tama na po. Huwag ka na pong umiyak," pag-aalo nito sa kanya pero umiling siya.Hindi na niya kaya pang pigilan pa ang kanyang mga luha. Sobrang sakit ng loob niya sa mga salita na binitawan kanina ng ina ni Gio. Tinawag na nga siyang malandi, sinabihan pa siyang makati. Na kababae raw niyang tao, may anak pero siya pa raw ang may lakas ng loob na kumalantari sa anak nito. Ang mga katulad daw niya ang peste sa lipunan.Pinahamak pa raw niya ang buhay ni Gio.Hindi man lang siya nakapagsalita o naipagtanggol ang kanyang sarili dahil kulang na lang ay sipain siya ng ginang palabas sa kwarto ng binata. Sinubukan din ito ni Kaiser na pakalmahin pero sampal din ang inabot nito.Napigilan pa niya ang emosyon kanina pero ngayon ay hindi na niya kaya pang bumuhos ang mga ito.Nagkakamali ito. Aminado siyang pinahamak nga niya ang buhay ng anak nit
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Katya. Ang daming bumabagabag sa isip niya kaya heto at dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Nagpasya na lang siyang bumangon at silipin ang anak sa kabilang silid. Napangiti siya nang makita na mahimbing ang tulog nito. Bumalik ulit siya sa kanyang kwarto at nagpasyang mag-empake na ng ilan sa kanilang mga gamit.Sa makawala ang plano niyang pag-alis nila ng anak. Akala niya ay makakapagsimula sila ng bagong buhay dito. Nanghihinayang siya. Madami na siyang nakilalang mga kaibigan dito. Maganda rin ang trabaho niya pero kung mapapahamak lang sila dito ay huwag na lalo na at sumali pa sa gulo ang mga magulang niya.Kinuha niya ang malalaking maleta at nagsimula nang ilagay ang ilan niyang niyang mga damit doon. Nasa kalagitnaan si Katya sa ginagawa nang biglang tumunog ang doorbell nila. Tumigil siya at kumunot ang kanyang noo. Malalim na ang gabi ah. Sino naman kaya ito? Baka si Juliet ulit. Ang kaibigan lang naman ang naiiis
Pagkaalis ni Gio ay mabibilis ang mga hakbang na pumanhik sa itaas si Katya. Kulang na lang ay liparin na niya ang distansya mula sa sala hanggang sa kwarto niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kani-kanina lang. Bumalik na ang mga alaala ni Gio!Gustuhin man niya na harapin ang katotohanan pero hindi pa siya handa. Kapag mangyari iyon ay madami ang magbabago sa buhay nila ng anak niya. Kailangan muna niya ng panahon upang mag-isip at hindi niya iyon magagawa kapag pini-pressure siya ng binata. Nalilito siya kaya kailangan nila munang umalis pansamantala.Parang kidlat sa bilis ng mga galaw na ipinagpatuloy ni Katya ang pag-iimpake. Aalis sila ng anak sa madaling araw.Samantala, ang tatlumpong minuto na biyahe sana papunta sa bahay ni Kaiser ay naging sampong minuto na lang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Gio. Mabuti na lang at wala ng gaanong sasakyan sa daan. Hindi na niya ipinark ng mabuti ang kanyang sasakyan at ibinalibag pa ang pintuan nun nang makarating sa
Kasalukuyang umiinom ng alak si Gio. Nilulunod niya ang sarili sa alak dahil hindi kayang iproseso ng isip niya ang lahat ng mga nangyari sa gabing ito. Alcohol lang ang kakampi niya sa mga oras na ito. Nangangati ang kanyang mga paa na bumalik ulit sa tinutuluyan ni Katya. Gustong-gusto niyang yakapin ang anak niya ng mahigpit. Gusto niyang ipadama dito kung gaano niya ito kamahal, kung gaano siya nagsisisi na hindi niya nasuportahan ang mga ito. Gusto niyang humingi ng tawad at tanggapin siya sa buhay nito bilang ama.Muli na namang nag-init ang ulo niya nang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng penthouse na iyon. Pati si Ren ay naglihim sa kanya! Ang dalawang bugok na iyon! Kung hindi niya lang pinsan at kaibigan ang mga ito ay baka nasa sementeryo na ang dalawang gagong iyon!Nasa hideout siya. Ayaw muna niyang umuwi sa bahay o pumunta sa condo niya. Paniguradong bubungangain na naman siya ng kanyang ina. Gusto muna niyang mapag-isa at mag-isip.Muling naglakbay ang isip niya sa
"Hey, bakit hindi ka pa natutulog?"Nasa veranda si Gio, nakatingin sa langit at tulala. Kasalukuyan siyang humihithit ng sigarilyo nang marinig ang malamyos na boses ni Shannon sa kanyang likuran.Agad niyang pinatay ang sigarilyo at naglagay ng mentos sa kanyang bibig. "Hey."Niyakap siya ng dalaga mula sa likod at hinagkan ang kanyang pisngi."You're smoking. May problema ba?"Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa bago sumagot. "Nothing. Stress lang sa trabaho," pagsisinungaling niya.Nasa condominium siya ni Shannon at dito niya naisipan na papalipasin ang magdamag. Ang buong araw niya ay ginugol sa bahay nila Katya upang maka-bonding ang anak. Wala man siyang tulog pero parang nasa langit naman ang pakiramdam niya.Masaya na sana ang buong araw niya nang maalala na kailangan pala niyang maghugas ng kanyang kamay sa kanyang nobya. Nakokonsensya siya sa nagawang pagtataksil dito. It was not intentional but there's no denying it that he cheated and he felt really bad.Napakabait
"I can tie na my own shoes, mommy. Hindi na po ako bata."Kinuha ni Connor ang sapatos na hawak ni Katya at siya na ang naglagay nun sa paa. Naaaliw na pinanuod niya ang anak. Hindi pa bumabalik si Danica kaya hands on na muna siya ngayon sa anak. Sabi pa nito ay baka hindi na raw ito payagan ng mga magulang na bumalik sa pagtatrabaho sa kanya. Personal pa siyang pumunta sa bahay ng mga ito upang humingi ng dispensa sa nangyari sa anak ng mga ito. Mababait naman ang mga magulang ni Danica pero hindi niya masisisi ang mga ito kung hindi na nga bumalik pa ang dalaga.Muling humarap si Katya sa salamin at pinasadahan ang suot na simpleng dress.Kinakabahan siya. Maya-maya lang ay darating na si Gio upang sunduin sila. Ngayong gabi ang napag-usapan na pagpunta nila sa bahay ng mga Allesandro para sa family dinner. Hindi na siya nagtanong pa ng ibang detalye dahil lalo lang siyang kakabahan. Basta ang sigurado niya ay kasama ang mama at lolo nito."Mommy, you look really pretty in your dre
Bago pa magsimula ang hapunan at bumalik ang mama ni Gio ay ngpaalam muna saglit si Katya sa mga kasama niya sa hapag. Hinila niya ang anak palabas ng kusina. Nag-aalala kasi siya dahil wala na itong kaimik-imik. "Katya." Pigil sa kanya ni Gio.Nilingon niya ang binata. "Don't worry. Hindi kami aalis. Kailangan lang naming lumanghap ng sariwang hangin."Tahimik na pinanuod ng tatlo ang pag-alis ng mag-ina. Napabuntong hininga si Gio pagkatapos."What's with Tita? You didn't tell her the real reason? Na si Rossi ang may kasalanan ng lahat?" si Shannon."No. I tried pero galit na galit siya at ayaw niyang makinig," mababa ang boses na wika ni Gio."Kakausapin ko mamaya si Venus. Hindi naman tama na ganun ang mga sinabi niya. Pinahiya niya ang mag-ina. Kita mo ang apo ko? Nawalan na ng sigla," anang Gramps niya.Napansin nga rin niya iyon. They didn't deserve those words from his mother. Alam niyang nasaktan si Katya. Gusto niya sanang sundan ang mga ito pero mas makakabuti na muna na b
"Yuri naman! Bakit hindi ka man lang nagsaing? Anong kakainin natin nito?" himutok ni Rossi sa kapatid. Pagod siyang umuwi galing trabaho, gutom na gutom at gusto nang kumain pero heto ang naabutan niya. Nakadekwatro ang kapatid niya habang nakasalang ang paborito nitong telenobela sa TV! Ang masaklap pa doon ay hindi man lang ito nagluto ng kanin!"I'm tired. Kagagaling ko nga lang din sa school. Madami kaming ginawang activities ngayon. Hinihintay nga kita upang may magluto eh," sagot naman nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Napadaing si Rossi at inis na nagmartsa papunta ng kusina. Kung nagkataon lang talaga na lalaki ang kapatid niya ay kanina pa niya ito sinakal-sakal ng magtanda.Hinubad niya ang coat at basta na lang na inihagis sa kung saan. Ganun din ang ginawa niya sa long sleeve polo niya. Pupulutin na lang niya iyon mamaya.Gutom na gutom na ang pakiramdam niya at kahit na panis na pagkain ay sisimutin niya talaga.Ngunit pagbukas ni Rossi ng imbakan nila ng
"Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n
"Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h
Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n
Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero
Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko
Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba
"Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n