Share

Chapter 2

Author: SUMMERIASWINTER
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Sunod-sunod na d*****g si Katya nang maramdaman ang matinding pananakit ng kanyang buong katawan.

Ano ba ang nangyari at parang binugbog ang pakiramdam niya?

Nasa kwarto siya pero rinig na rinig niya ang galit na galit na boses ng kanyang mga magulang mula sa labas. Akma sana siyang tatayo upang magtungo sa banyo nang sumidhi ang matinding kirot sa pagitan ng kanyang mga hita.

Napabalik siya sa kama sa nanlalaking mga mata. Bakit masakit ang parte ng katawan niya doon? Nangingitim din ang ilang parte ng balat niya.

Sinusubukan na alalahanin ni Katya kung ano ang nangyari nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok ang Papa niya na madilim ang mukha.

"Pa—"

"Malandi kang babae ka!"

Tumabingi ang ulo niya at halos mabingi siya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Agad na tumulo ang mga luha niya. Hindi pa siya nakakabawi nang sinubunutan siya ng kanyang ama at kinaladkad palabas ng kanyang kwarto.

"Ang paalam mo kahapon ay may meeting ka! Pinayagan kita pero lumipas na ang buong gabi ay hindi ka pa rin umuuwi! Hindi ka rin matawagan! Tapos ano? Makikita ka na lang namin sa labas ng pintuan na natutulog? Masyado ka bang nasarapan at hindi mo na magawang pumasok ng bahay?!"

Sunod-sunod siyang umiyak habang umiiling. "Hindi ko po alam kung ano ang nangyari. M-May kumidnap po sa akin—"

Humalakhak ang kanyang ina na si Brenda. "Kumidnap? At sino naman ang magkakainteres na kumidnap sa iyo? Huwag ka nang magkaila dahil kitang-kita namin ang ebidensya! Walang hiya naman, Kat! Inalagaan ka namin ng maayos para sa lalaking nakatakda para sa iyo pero heto at nagpariwara ka? Isa kang kahihiyan! Hindi naman ako malandi pero bakit ganyan ka?!"

Walang magawa si Katya kundi ang umiyak. Gustong-gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili pero alam niyang wala rin naman iyong silbi. Ayaw man lang na alamin ng mga ito ang totoong nangyari at pinaratangan pa siya ng kung anu-ano. Sobrang sakit na wala man lang pakialam sa kanya ang kanyang mga magulang.

Hinablot ng kanyang ama ang braso niyang nananakit at mariin iyong pinisil. "Pasalamat ka at darating ngayon si Mister Lim dahil kung hindi ay baka madagdagan ko yang mga pasa mo sa katawan."

"Magbihis ka at ayusin mo yang sarili mo. Bibisita dito ang mapapangasawa mo at ayaw kong makita na ganyan ang pagmumukha mo. Pakitinguhan mo siya ng mabuti kung ayaw mong samain sa akin mamaya."

"You disappointed me, Katya. Akala ko pa naman ay matino kang babae," puno ng pagkadiri na wika ng kanyang ina.

Nang mawala na ang mga magulang sa kanyang harapan ay nagtatakbo siya papasok sa loob ng kanyang kwarto at doon ibinuhos lahat ang kanyang mga luha.

Naalala na niya ang lahat ng mga nangyari. Sa bakanteng bodega, ang isang lalaki na malabo sa kanyang paningin at kung paano siya nito inangkin.

Nandidiri siya sa kanyang sarili dahil sa kinahinatnan niya. Nakaka trauma. Ngunit kung hindi niya ito tatanggapin at lalagpasan ay baka mabaliw siya. Kailangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa dahil wala siyang ibang aasahan na tutulong sa kanya kahit na ang sarili niyang mga magulang.

"Ito ang anak na sinasabi ko sa iyo, Mister Lim," pagpapakilala ng kanyang Papa sa matandang lalaki na kanilang kaharap.

Ngumiwi si Katya. Mas gugustuhin na lang niya na kumuha ng tali at magbigti kaysa sa magpakasal sa matandang ito! Jusme, para na niya itong Lolo!

Nakasuot ito ng itim na business suit. Panot ito at bilugan ang mga mata. Maliit na nga, ang laki pa ng tiyan! Buntis ba ito?

Humagikgik ang tinawag na Mister Lim na siyang lalong ikinangiwi ni Katya. Para itong nuno sa punso na naglalakad sa mundo ng mga tao.

"Maganda anak mo personal. Mas ganda sa litrato iyo bigay," sabi ni Mister Lim.

Muntik na siyang matawa kung hindi lang siya siniko ng kanyang ina. Purong intsik nga pala ito kaya ganun na baluktot ang salita. Dito sa Pilipinas ang napili nitong pagpatayuan ng mga negosyo dahil mas lalago raw ang pera niya dito.

"Ako swelte sobrang ganda mapangasawa," natutuwa nitong wika at bahagya pa siyang nilapitan.

Napaatras si Katya pero naging maagap ang Papa niya upang pigilan siya.

"Kausapin mo. Magpakilala ka. Subukan mong pumalpak at tatamaan ka sa akin," mariin nitong bulong kaya kahit na ayaw niya ay wala siyang magagawa kundi ang sumunod.

"M-Magandang tanghali po. Ako po si Katya."

Maagap na hinawakan ni Mister Lim ang kanyang kamay at pinisil at inamoy iyon. Kinilabutan siya. Sinubukan na hilain ni Katya ang kanyang kamay pero ayaw na pakawalan iyon ng matanda!

"Gusto ko tawag mo ako sweethalt."

Malakas na hinila ni Katya ang kamay at dahil hindi iyon inaasahan ng matanda ay muntik na itong masubsob sa sahig.

"Katya!" galit na boses ng kanyang mga magulang.

Tumawa si Mister Lim kaya natigil ang dalawa sa akmang pangdedesiplina sa kanya.

"Ikaw gusto ko sobla. Gusto ko kasal agad tayo sunod na buwan."

Hindi lang si Katya ang natigilan sa gulat kundi pati na rin ang kanyang mga magulang. Biglang lumiwanag ang mga mukha ng mga ito at inulan ng mga papuri si Mister Lim.

Nahahapo siyang umupo sa sofa. Sa sunod na buwan na ang kasal nila? Akala niya ay sa sunod na taon pa? Bakit bigla-bigla naman ata? Makakatakas pa ba siya?

Naglandas ang mga luha sa pisngi ni Kaya sa kawalan ng pag-asa.

"Anong iniiyak-iyak mo diyan na babae ka? Dapat nga ay magpasalamat ka pa na pinaaga ni Mister Lim ang kasal niyo!"

"Kayo lang naman ang may gusto na makasal ako sa kanya. Hindi niyo man lang tinanong kung gusto ko ba siya—"

"Gaga ka ba? Hindi kailangan ang opinyon mo dito! Mawawala ang negosyo natin kung hindi ka magpapakasal sa kanya! At ayaw mo ba nun? Magiging Donya ka! Hihiga ka sa salapi! Ginagawa rin naman namin ito para sa iyo!" sumbat naman ng kanyang ina.

Umiling si Katya at tahimik na umiyak. Bingi na ang kanyang mga magulang. Simula pa noon ay ang mga ito na ang nagdedesisyon sa buhay niya. Makasarili ang mga magulang niya na pati ang kaisa-isang anak ng mga ito ay kaya nilang isakripisyo.

Isang araw din na nagpagaling si Katya. Bukod sa masakit ang kanyang katawan ay natatakot na siyang pumasok. Natatakot siya na baka maulit muli ang nangyari sa kanya.

Niyakap ni Katya ang sarili habang naglalakad sila pauwi ni Juliet.

"May problema ka ba, Kat? Noon ko pa napapansin na lagi kang matamlay at walang buhay," puno ng pag-aalala na wika ng kaibigan.

Umiling siya. Hindi niya sinabi dito ang nangyari sa kanya. Walang nakakaalam na nagahasa siya. Ang tingin naman ng mga magulang niya ay may lalaki siya kaya simula ng araw na iyon ay bahay at paaralan lang siya.

Busy na rin ang mga ito sa paghahanda ng nalalapit niyang kasal. Gusto niyang maiyak sa sitwasyon na kinakaharap niya.

Kinabukasan ay nagising si Katya na parang hinahalukay ang sikmura niya. Natutop niya ang bibig at dali-dali na tumakbo papuntang banyo. Itinulak pa niya ang Mama niya na naglilinis doon at nagsimulang magsusuka.

Dumilim naman ang mukha ng ina ni Katya habang pinagmamasdan ang anak. Nabitawan pa nito ang hawak na panglinis.

"Bakit ka nagsusuka na umagang-umaga? Buntis ka?"

Hindi agad nakaimik si Katya. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Naalala niya ulit ang nangyari noon ng gabing iyon. Tuluyan na siyang humagulgol nang maisip na maaaring nagbunga nga ang nangyaring panggagahasa sa kanya noon.

"Buntis ka?!"

Marahas na niyugyog ng kanyang ina ang kanyang balikat habang todo ang pag-iling niya. Kahit na alam niyang iyon nga ang totoo ay ayaw niyang tanggapin, ayaw niyang umamin. Natatakot siya na baka itapon siya ng mga magulang palabas sa kanilang pamamahay.

"H-Hindi po. Masakit lang po ang ulo ko kaya—"

"Sinungaling! Lumandi ka na nga, hindi ka pa nag-iingat! Hindi man lang ba naisip ng lalaki mo na bumili ng condom?! Mga iresponsable!"

"Ano ang nangyayari dito? Umagang-umaga ay ang iingay ninyo!" Pumasok ang kanyang Papa sa banyo na lalo lang na ikinahagulgol niya ng iyak.

Binato siya ng kanyang ina ng tabo sa sobrang gigil.

"Iyang anak mo, buntis! Kapag nalaman ito ni Mister Lim ay paniguradong iuurong nito ang kasal!"

"Ano?" Nahintakutan si Katya nang lumapit sa kanya ang kanyang ama.

"Ipalaglag mo iyan," madiin ang boses na sabi nito.

Namilog ang mga mata niya. "P-Po?"

"Ipalaglag mo iyang nasa tiyan mo! Mawawala sa atin si Mister Lim. Kailangan mo iyang tanggalin bago pa niya ito malaman."

"P-Papatayin ko ang bata? Pero—"

"Anong pero?! Nakikinig ka ba, Katya? Ang kabuhayan natin ang nakasalalay dito! Isipin mo naman kaming mga magulang mo!"

"Huwag ka nang pumasok ngayon. Dito ka lang sa bahay at maghahanap ako ng pwedeng magtanggal iyang nasa tiyan mo," malamig ang boses na wika ng kanyang Papa. Hindi ito sumisigaw kaya alam niya na seryoso na ito ngayon.

Tiningnan ni Katya ang kanyang ina upang humingi ng tulong pero hindi na niya itinuloy nang makita ang pandidiri sa mga mata nito.

Nagyuko ng ulo si Katya at tahimik na umiyak. Hindi siya makapaniwala na magagawa ng kanyang mga magulang na ipalaglag ang nasa tiyan niya. Ganun na ba sila kawalang puso?

Bumalik si Katya sa kanyang kwarto. Dumako ang tingin niya sa maleta at natulala saglit. Binuksan niya ang kanyang closet at mabilis na nag-impake.

Kailangan na niyang umalis bago pa mahuli ang lahat.

Kaugnay na kabanata

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 3

    Walang kasiguraduhan kung mabubuhay siya. Iyon ang kasalukuyan na tumatakbo sa isip ni Katya habang hila-hila ang kanyang maleta.Naunahan man siya ng emosyon sa paglayas pero buo pa rin ang desisyon niya. Hindi niya kayang ipalaglag ang anghel na nasa tiyan niya. Sabihin man na nagawa ito dahil sa isang trahedya pero anak niya pa rin ito. Dugo at laman niya ito. Hindi niya ito kayang ipalaglag."Bakit ka naman naglayas, Katya? May nangyari bang hindi maganda sa inyo at nag-alsa balutan ka?"Si Juliet lang ang tanging malalapitan niya sa mga oras na ito. Tinawagan niya ang kaibigan kanina at agad siya nitong pinuntahan kahit na may klase pa ito.Hinawakan niya ang mga kamay ni Juliet at nagmamakaawa na tumingin dito. "B-Buntis ako. Gustong ipalaglag nila Mama ang dinadala ko kaya tumakas ako. Wala akong pwedeng mapuntahan kundi ikaw.""B-Buntis ka?!" gulat nitong bulalas. "Paano nangyari iyon eh wala ka namang boyfriend?!"Walang nagawa si Katya kundi ang isalaysay ang lahat ng mga na

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 4

    "Bilisan niyo ang mga galaw niyo! Madami tayong mga customers ngayon!""Donna! Kunin mo ang mga orders ng mga bagong dating!""Kung wala kayong ginagawa ay tumulong kayo doon sa kusina! Maghugas kayo ng mga pinggan!"Pinunasan ni Katya ang pawis sa kanyang noo at madaling nagtungo sa kusina. Ibinigay niya ang hawak na tray sa nakasalubong na si Eddie."Saan ka pupunta? Madaming mga bagong dating na customer ah," puna nito pero kinuha pa rin ang ibinigay niyang tray."Doon muna ako sa kusina. Mas kailangan ng tulong doon," sagot niya at iniwan ito.Aligaga sa pagkilos ang lahat ng mga trabahante na naabutan ni Katya sa kusina ngunit malamig na tubig agad ang hinanap niya."Ano yung amoy nasusunog? Tingnan niyo ang mga niluluto niyo! Sayang 'yang mga nasisirang pagkain na yan!""Katya! Bakit nakatayo ka lang diyan? Madaming mga hugasin doon sa lababo! Tulungan mo si Karen doon!"Tumango siya at agad na dinaluhan si Karen na busangot ang mukha."Kung bakit kasi ayaw magdagdag ng trabahad

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 5

    Dahil sa labis na pagkagulantang at pagkalito ay hindi na namalayan pa ni Katya na sumakay na pala siya sa tricycle at umuwi. Ini-lock pa niya ang pintuan ng apartment nang makapasok siya. Sumandal siya doon habang pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng puso.Ilang minuto siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagpasya siyang umupo sa kanyang katre at kumpirmahin muli ang nakita kanina. Parang nababaliw na tiningnan ni Katya ang kanyang bag. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang hinawakan ang zipper ng bag upang buksan ito.Ilang sandali nga ay bumulaga muli ang dalawang bungkos ng tig-iisang libo na pera. Napalunok si Katya habang hawak-hawak iyon. Two hundred thousand! Ang laking pera nito!Bakit ito napunta sa bag niya? Sino ang naglagay? Sinadya ba ito? Madaming katanungan ang bumabagabag sa isip ni Katya at hindi niya alam ang sagot sa mga iyon. Akala niya ay nanakawan siya pero siya pala itong nabiyayaan ng napakalaking halaga.Mahigpit niyang hinawakan ang pera.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 6

    "Mommy, will I meet new friends there? I don't want to leave our home," nakanguso na wika ng anak niya habang nakapangalumbaba ito na nanunuod sa ginagawa niya.Tumigil si Katya sa pag-eempake ng kanilang mga gamit at tiningnan ang anak. Bahagyang namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina. Ayaw ng anak niya na umalis sila sa lugar na ito pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Palaki na ito. Hindi na sasapat pa ang maliit niyang sahod para sa kanilang dalawa. Kailangan na nilang bumalik sa siyudad.Nilapitan ni Katya ang limang taong gulang na anak. "Of course baby. Ang cute cute mo kaya. Siguradong madami ang gustong makipagkaibigan. sa iyo," aniya at marahan pa na pinisil ang tungki ng ilong nito.Sobrang gwapo ng anak niya. Abo ang kulay ng mga mata nito at sobrang tangos din ng ilong. Doon niya natanto na magandang lalaki ang ama nito. Bahagya pa siyang nagtatampo noon dahil wala man lang nakuhang pisikal na katangian ang anak sa kanya ni isa. Magaling din itong magsa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 7

    Malaki ang ngiti ni Katya matapos ang interview niya. Nasabihan na rin siya na nakuha na siya sa trabaho at magsisimula na rin agad siya kinabukasan. Pagkatapos nun ay nagkaroon ng kaunting briefing sa kanila na mga baguhan na empleyado. Pinagpili pa sila kung day o night shift ba ang gusto nila. Mas malaki man ang sahod sa night shift pero pinili pa rin ni Katya ang day shift para mabantayan ang kanyang anak."Yey! Ang sarap nitong cake, Mommy!" masaya na wika ni Connor habang nilalantakam ang cake na binili niya pauwi. Naisipan lang niya na bumili para ipagdiwang kahit papaano ang mga masasayang nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw."Tama na iyang nasa plato mo, Con. Hindi pwede sa iyo ang kumain ng madaming matatamis. Bukas na lang itong iba, okay? Babaunin mo na lang sa school.""Yes po."Nangalumbaba si Katya at pinagmasdan ang anak na kumakain. Hindi naging madali ang pagiging single parent niya pero nakatulong ng malaki ang pera na nakuha niya noon. Hindi na siya nak

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 8

    Sa sunod na araw ay iba na nga ang head waitress nila na ayon sa bali-balita ay si Mr. Del Valle rin daw mismo ang pumili."Mabuti naman. Dapat ay noon pa talaga tinanggal ang bruha na iyon. Kung makapagsalita ay parang siya ang boss. Ni ang mga boss natin ay hindi ganun ang mga pananalita at ang babait pa," sansala ni Raffy. Medyo may katagalan na rin itong nagtatrabaho dito sa restaurant."Ewan ko ba kung bakit nakalusot iyon dito. Ayaw pa naman ng mga Del Valle ang mga ganung klaseng pag-uugali.""Ang sabihin mo ay swerte itong si Katya at napadaan si Sir Dallas dito. Kung hindi ay malamang na napatalsik na siya ni Mrs. Santos dito."Break nila kaya nasa quarters sila at nagmemeryenda. Pinag-uusapan din ng kanyang mga kasamahan ang nangyari noong nakaraang araw.Ayon sa mga ito ay mababait daw ang pamilya ng mga Del Valle sa mga mahihirap at naaapi pero mabagsik sa mga taong walang konsensya.Mabait si Mrs. Lopez, ang bagong head waitress nila. Nasa mid forty na ito pero mas bata

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 9

    Sa isang coffee shop napadpad ang dalawa. Hindi man ito kalayuan sa restaurant pero sapat na ang distansya upang makapag-usap silang dalawa ng masinsinan."What do you want to drink?" tanong ng binata kay Katya pagkaupo nila."Wala.""Two cappuccino please," ngiti nito sa waiter.Pinanuod lang ni Katya ang lalaki. Nakakamangha talaga na wala man lang itong ipinapakita ni isang pagkabahala. Naguguluhan talaga siya sa mga pangyayari noon ngunit isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang ama ng anak niya pero may koneksyon ang mga ito sa isa't-isa. Nang umalis na ang waiter ay hinarap siya ng lalaki at nagpakilala. "My name is Kaiser.""I'm Katy—""I already know years ago," pagpuputol nito sa sinasabi niya.Itinikom ni Katya ang kanyang bibig at seryoso itong tinitigan. "May alam ka ba sa nangyari sa akin noon? Sa... pagkakakidnap at pagkakagahasa ko?" tanong niya sa mababang boses.Matagal na iyon at nalimot na niya. Pero ngayon na nakita niya ulit ito ay hindi niya mapigilan ang saril

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 10

    "Tumawag kanina si Ross. Nag-aayaya na gumimik," imporma ni Gio kay Kaiser habang nasa gym ang mga ito."I'll pass for now. Alam mo naman na hindi pwede sa akin ang uminom ng madaming alak."Tumawa siya sa sinabi nito. "Hindi lang naman alak ang meron sa club ah."Sinamaan siya ng tingin ni pinsan. "Pwede ba? Huwag mo akong itulad sa inyo na mga babaero.""Hindi naman ako babaero ah.""Hindi nga ba? Sandali nga, tinigilan mo na ba sa kasusunod si Miss Chua?" naniningkit ang mga mata na tanong ni Kaiser.Hindi agad nakasagot si Gio lalo na nang muling naalala ang nakitang reaksyon ng dalaga sa regalo na gusto niyang ibigay dito. Wala naman siyang masamang intensyon pero mukhang natakot niya ito. Hindi naman ganun kamahal ang kwintas na iyon."Giovanni my brother!" Inakbayan siya ni Rossi at dinala sa VIP table nila ng barkada. May tama na ang mga ito at si Paxton lang ang tangi pa na matino. Kababalik lang ng mga ito galing sa Sicily nitong umaga."Nasaan si Kaiser? Bakit hindi mo siy

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • My Son's Father Has Amnesia    Epilogue

    "Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 40

    Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 39

    Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 38

    "Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 37

    Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 36

    Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 35

    Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 34

    Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 33

    "Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n

DMCA.com Protection Status