Andrea
What a great morning. Hindi ako nakatulog nang ayus dahil sa mga pesteng hayop na may sala sa mga nangyari.
Tinatamad akong pumasok ngayon kaya hindi muna ako papasok sa school. First time kong tamarin na pumasok. Ngayon lang ako tinamad sa tanang buhay ko.
Lumabas ako nang kwarto ko nang hindi nagpapalit nang damit. Naka panjama at oversized shirt lang ako. Tinatamad din akong magpalit nang damit kaya hindi na ako nagpalit.
Wala na akong taong nakita sa loob nang bahay dahil anong oras na din. Malamang ay nasa eskwelahan na sina kuya at nasa restaurant naman sila mama.
Kumuha lang ako nang cereals sa ref at gatas. Hindi ko talaga trip ang mga gatas pero wala akong choice dahil wala namang pagkain dito na nakahain.
Matapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko at inilock ang pinto nito. Ayokong maistorbo habang nagtatrabaho.
Hahanapin ko kung sino ang gumawa nun kay Cassandra. Makapaghihintay naman ang kaso ni hagdan, kaya 'yung kay Cassandra muna ang uunahin ko.
Bago ko pa mabuksan ang laptop ko ay biglang tumunog ang phone ko, may kung sinuman ang nag-text sa akin.
Nang damputin ko ang phone ko para tignan kung sino ang nag-text ay unknown number ang nakalagay. Tinignan ko ang message na sinend nang hindi ko alam kung sino at ito ang nakalagay.
'Yan ang mga pangalan na nakasulat dito. Sino sino naman kaya ang mga ito? Bakit kasi walang picture.
Inabot ako nang hapon sa pagbabasa nang lahat nang nakasulat sa journal ni papa. Nakaramdam ako nang gutom nang natapos ako.
Hindi pala ako nakakain nang tanghalian dahil busy ako dito. Makababa nga at makahanap nang pwedeng kainin.
Nang lumabas ako sa kwarto ko ay nakita sa sala ang lahat nang kaibigan ko kasama sila Azalea at Dave.
Anong ginagawa nila dito?
Lumapit ako sa kanila para marinig ko kung anuman ang pinag-uusapan nila. Nagtago ako sa isang dingding para hindi nila ako mapansin. Dahil sobrang tutok sila sa pakikinig ay hindi nila ako napansin.
"Hindi talaga siya pumasok?" Tanong ni kuya Andrew.
"Hindi. Akala nga namin late lang siya, eh. Tapos hindi rin siya umattend sa iba pa naming klase." Sagot ni Jake.
"Sandali." Paalam ni Andrei saka umakyat sa taas.
Nagtago ako para niya ako makita. Bumalik siya na pailing iling.
"Nasaan kaya 'yon?" Tanong ni kuya Andrew.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko saka ako nagsalita. "Sinong hinahanap niyo?" Tanong ko sa kanila.
Para naman silang nakakita nang multo nang makita nila ako.
"Saan ka ba galing?" Tanong ni kuya sa akin.
Tinuro ko ang dingding kung nasaan ako nagtatago kanina.
"Anong ginagawa mo do'n?" Tanong naman ni kuya Andrello.
"Nakatayo." Maikli kong sagot.
"Bakit ka nakatayo doon?" Tanong naman ni Andrei.
"Gusto ko lang."
"Pinainom niyo ba nang gamot 'yan?" Tanong ni Jake saka umupo sa sofa.
Naupo na rin ang iba pa sa sofa at nanatiling nakatingin sa akin.
"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ni kuya Andrew.
"Tinatamad ako." Deretso kong sagot.
"Tinamad ka yata? Himala." Sabat ni Jake.
"Sa tinamad ako, eh."
Napabuntong hininga sila kuya saka naupo na din sa sofa. Naupo na din ako dahil lahat sila ay nakaupo na.
"Anong ginagawa niyo at nandito kayong lahat?" Tanong ko sa kanila.
"Akala kasi namin kung ano na ang nangyari sa 'yo." Sabi ni Jake.
"Ano namang mangyayari sa 'kin?" Tanong ko.
"Baka mapatay ka na sa susunod nung nagtatangka sa buhay mo."
Nginisian ko siya. "Kahit sa panaginip niya hindi niya ako mapapatay." Sabi ko.
Naalala ko kung bakit nga pala ako bumaba dito. 'Yun ay ang kumain. Naramdaman ko lang muli ang gutom kaya ko iyon naalala.
Hinimas ko ang tiyan ko saka ako tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Andrei.
"Sa kusina." Sagot ko saka nagdere-deretso.
May naramdaman akong sumunod sa akin. Nang makarating kami sa kusina ay si hagdan pala 'yon.
"Are you okay?" Tanong niya.
Tumango ako bilang sagot.
Kumuha ako nang pinggan at naglagay nang kanin doon. May pagkain dito sa lamesa na iniwan siguro nila mama.
Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin mula sa likod habang naghahain ako nang pagkain ko.
"No, you're not." Bulong niya sa tenga ko habang nakayakap sa akin mula sa likod. "What's wrong?"
Napabuntong hininga ako saka inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at humarap sa kaniya.
Yumakap ako sa kaniya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi nung kung sinuman sa text.
Bakit ako malalapit sa disgrasya kapag naging close ako kay hagdan? Bakit?
"Okay lang ako, 'wag kang mag-alala." Sabi ko.
"You can tell me your problems. I can help you with that." Sabi niya.
Alam ko naman 'yon. Pero ang kaso ni Cassandra ay mag-isa kong lulutasin.
"I'll tell you if I need your help. But now, let me face it alone." Sabi ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga bago ako inilayo sa kaniya. "Always remember that I'm here. I will help you in every way I can." Aniya saka ako muling niyakap at hinalikan sa noo bago siya umalis.
Alam ko na nariyan silang lahat para sa akin, pero ngayon. Sa kasong ito ay kami na munang mga Smith ang bahala dito.
Ayoko na aksayahin ang oras nila. Ayoko na mahirapan sila. Hahayaan ko muna silang e-enjoy ang buhay nila. Ganun naman talaga ang dapat nilang ginagawa kung hindi lang nila ako nakilala.
Andrea Naglakbay na naman ang utak ko kung saan saan. Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi nang texter. Alam din niya ang pangalan ko. Nabasa ko ang Andrea doon sa text niya. Sino ka ba? "Hey." Tawag ni Alistair sa akin na pumitik pa sa harap ko. Bumalik naman ako sa huwisyo at napatingin sa kanila nang nagtatanong. Nasa rooftop na pala kami. Hindi ko napansin na nakaakyat na kami dito. "Ayus ka lang ba, pikon?" Tanong ni Jake. "She's not, it's obvious." Wika ni Blake. "Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Lexa habang paupo kami. Napabuntong hininga ako saka umiling. Ayokong bigyan sila nang problema. Ayus na, na ako nalang. Paniguradong matatakot sila kapag nalaman nila ang laman nang text message na natanggap ko. "Iniisip ko lang kung sino ang nasa likod nang pagbaril kay hagdan.
Andrea "Ang tapang mo, Andrea na hamunin ang taong nasa likod nito." Wika ni Alexa. Hindi ako magpapakaduwag dahil lang sa isang taong hindi ko naman kilala. "Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Tristan. "Wala sa bokabularyo niya ang salitang 'yan, kaya 'wag niyo nang asahan na masisindak siya sa mga pinaggagagawa nang taong nasa likod nito." Si Jake ang sumagot. Natatakot din naman ako minsan, pero mula nung nasanay ako nang martial arts, nawala na nga ang salitang 'yon sa bokabularyo ko. Bakit ako matatakot kung kaya ko namang lumaban? Bakit ako matatakot kung nalabanan ko na noon si kamatayan? Sila ang dapat na matakot sa akin. Isa akong anghel na kayang maging demonyo basta sinaktan ang kung sinumang malapit sa akin lalong lalo na ang pamilya ko. Makakaharap nila ako pero hindi ko sila hahayaan na makalapit pa sa
Andrea "Aray!!!" Daing ko dahil binatukan ako ni Andrei. Nahulog sila sa kalokohan na pumasok sa isip ko. Akala talaga nila ay nagka-amnesia na ako. Oo nga at malakas ang pagkaka-untog ko pero hindi 'yon sapat para mawalan ako nang ala-ala. "Alam mo bang alalang alala kami sa 'yo?" Tanong ni mama sa 'kin. "Sorry na, 'ma. May pum---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sumigaw si mama. "May kalokohan na pumasok sa isip mo?!" Galit na siya sa 'kin. 'Yung isip ko naman kasi nahawa na kay Jake, eh. Yumakap ako kay mama. "'Ma, sorry na. Gusto ko lang naman na marinig kayong magkwento sa 'kin nang buhay ko nung bata pa ako." Palusot ko, pero totoo 'yon. Gusto ko talaga na marinig at makita 'yung expression nila mama habang nagkukwento sila tungkol sa pagka
Syempre, para umalis siya at umuwi sa bahay para magpahinga ay um-oo ako. 'Yun din naman talaga ang gagawin ko. Hindi naman ako pupunta sa kwarto ni hagdan dahil ang sabi niya ay siya na daw ang pupunta sa akin mamayang madaling araw. Andrew "Kamusta si Andrea, 'ma?" Tanong ko habang kumakain kami nang hapunan. Umalis na kami nang ospital dahil 'yun ang gusto ni Andeng. Gusto daw niya na sa bahay kami magpahinga at 'wag doon sa kwarto niya. Wala naman daw kasi kaming matutulugan doon. Kahit na nagpumilit sila mama ay ayaw niyang pumayag. Kaya wala na kaming nagawa kung 'di ang umuwi at sa bahay magpalipas nang gabi. Bumuntong hininga muna si mama bago sumagot. "Ayus naman daw siya." Sabi niya saka bumuntong hininga ulit. "Bakit ba ang tigas nang ulo nang kapatid niyong 'yon?" "Likas n
Author "Mayayari tayong lahat kapag nagising at nakawala 'yan." Sabi nang isa sa mga kasama niya. Si Andrea ang kanilang tinutukoy. Ito ay kanilang dinukot dahil ito ang utos nang kanilang pinuno. Noong una ay ayaw nila dahil alam na nila kung sino ito, pero ayaw maniwala sa kanila nang kanilang pinuno kaya sa huli ay wala silang nagawa. Ang sinasabi nang kanilang pinuno ay naduduwag lang daw sila dahil napatumba ang dalawa sa kanila kaya gumagawa ito ng kwento. "Mayayari talaga tayo. Ba't naman kasi ayaw maniwala ni boss, eh." Sabi nang isa pa. "Anong binubulong bulong niyo diyan?" Tanong nang pinuno nila sa kanila. Nagkatinginan ang dalawa saka sabay na umiling. Alam kasi nila na masasaktan na naman sila kapag nagsalita pa sila. "'Wag kayong matakot diyan, babae lang 'yan. Kayang kaya nat
Andrea Nakabalik na kami sa ospital at ngayon ay nilalagyan na naman nila ako ng dextrous. Sawang sawa na ako sa dextrous. Sinasabi ko na ayus na ako pero ayaw maniwala nila mama. Kailangan ko pa daw magpahinga. Ang sabi ko ay sa bahay nalang pero ayaw nilang pumayag. Nakalaban na nga ako kanina, eh. Takte naman 'yan, oh. "Sabi ko naman kasi sa 'yong babantayan kita, eh. Ang tigas tigas kasi nang ulo mo." Sabi ni mama. Pinagagalitan ako. "Wala ka rin namang magagawa kung sinamahan mo ako dito, eh. Baka nasaktan ka pa." Sagot ko. "At least makakahingi ako nang tulong." "Sa tingin mo ba ay hahayaan ka nilang makahingi nang tulong? Baka saktan ka na nila at ang malala pa ay baka patayin ka." Wika ko na nakapagpatigil sa kaniya. Hindi ko intensyon na takutin siya pero posible iyon. "May punto si Andre
Bata pa noon si Blaine gaya ko. 13 years old pa lang ako nun. Balak nung mga siraulong lalaki na pagsamantalahan si Blaine Cuevas pero nahuli sila nang kuya nito na si Luke kaya hindi nila nagawa ang gusto nila. Ang kaso lang ay hindi sila kaya ni Luke mag-isa dahil sobrang dami nila. Sana beinte yata sila noon at ang dalawa sa kanila ay may dala pang baril. Doon na ako nakielam. Naalala ko kasi doon 'yung nangyari sa amin ni Cass kaya gusto kong tumulong. Ayoko na mapagsamantalahan ang batang walang kalaban laban. Inuna namin patumbahin ni Luke 'yung dalawang may baril, para hindi na nila magamit pa ang baril ay kinalas na naming pareho ang mga parte nun. Saka namin sinunod 'yung mga punyetang adik. Muntikan pa nga kaming makulong noon dahil sa ginawa namin, pero dahil kay Blaine Cuevas ay hindi. Self defense lang naman ang ginawa namin. Kaya walang karapatan
AndreaNasa library ako ngayon dahil may research kami na kailangang gawin. Ang tagal na rin nang huli akong nakapunta dito.Nakakamiss din pala ang tahimik na lugar na ito. Kumuha ako ng libro na kailangan ko para sa research ko.Habang kumukuha ako ay may napansin akong isang lalaki na nakatingin sa akin. Nang mapansin niya na nakatingin din ako sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.Problema nun?Bumalik nalang ako sa table ko at ginawa kung ano ang dapat kong gawin.Habang gumagawa ako ay may nararamdaman akong nakamasid sa akin. Alam kong hindi si Cassandra 'yon dahil iba ang nararamdaman ko ngayon.Nung si Cassandra ang nagmamasid sa akin ay hindi sumagi sa isip ko na nasa panganib ako o may balak gawing masama sa akin ang taong 'yon.Pero ngayon ay iba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may balak na gawin a
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d
AndreaNakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa."'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huming
AndrelloDan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito."Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin."Bibigyan
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo