Andrea
"Aray!!!" Daing ko dahil binatukan ako ni Andrei.
Nahulog sila sa kalokohan na pumasok sa isip ko. Akala talaga nila ay nagka-amnesia na ako.
Oo nga at malakas ang pagkaka-untog ko pero hindi 'yon sapat para mawalan ako nang ala-ala.
"Alam mo bang alalang alala kami sa 'yo?" Tanong ni mama sa 'kin.
"Sorry na, 'ma. May pum---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sumigaw si mama.
"May kalokohan na pumasok sa isip mo?!"
Galit na siya sa 'kin. 'Yung isip ko naman kasi nahawa na kay Jake, eh.
Yumakap ako kay mama.
"'Ma, sorry na. Gusto ko lang naman na marinig kayong magkwento sa 'kin nang buhay ko nung bata pa ako." Palusot ko, pero totoo 'yon.
Gusto ko talaga na marinig at makita 'yung expression nila mama habang nagkukwento sila tungkol sa pagkabata ko.
"'Yan kasi." Narinig kong bulong ni kuya Andrew.
"Magpanggap ka pa." Bulong naman ni Andrei.
Si kuya Andrello ay tahimik lang na nakamasid sa amin. Ngingisi-ngisi siya habang pinanonood kami.
"Kahit na. Hindi maganda 'yung ginawa mo, alam mo ba 'yun? Kinabahan kaming lahat, tapos nagpapanggap ka lang pala." Sabi ni mama saka ako niyakap pabalik.
"Kaya nga, sorry na. Hindi ko na uulitin." Malambing kong sabi.
First time kong lambingin si mama. Sana umepekto.
"'Ba, nauntog ka lang, naging malambing ka na. Baka may kulang na sa turnilyo mo, ah?" Pang-aasar ni Andrei.
Sinamaan ko siya nang tingin.
"Ikaw naman, minsan na nga lang maglambing ang ate mo, eh. 'Wag mo nang pansinin." Saway ni papa. "Pero, Andeng. Hindi rin ako natuwa sa ginawa mo. May kasalanan ka din sa 'kin." Nagtatampong sabi ni papa.
Kumalas ako sa yakap kay mama at si papa naman ang niyakap ko. "Alam mo, 'pa. 'Wag ka nang magtampo. Sorry na. May kasalanan ka din sa 'kin kasi hindi ka nagkwento. Si mama lang ang nagkwento, eh." Nakangusong sabi ko.
Natawa naman silang lahat. Tss.
"'Wag ka nang ngumuso, ate. Hindi bagay." Pang-aasar ni Andrei habang pailing-iling na tumatawa.
"Ang panget mo." Sabi naman ni kuya Andrello kaya sinamaan ko siya nang tingin.
Minsan na nga lang ako ngumuso nang-aaway pa sila. Tss. Hindi na ako ngunguso.
"Inaaway niyo naman ang prinsesa ko. Ang cute kaya niya." Sabi ni mama saka yumakap din sa 'kin.
"Naiinggit na 'ko." Nakangusong sabi ni Andrei. "Kanina niyo pa yakap si ate, ako hindi niyo niyayakap."
Natawa kami sa kaniya. Pati ba naman iyon ay kaiinggitan niya? Wala 'yon sa bokabularyo nang pamilya namin.
Nagkatinginan kaming lahat bago sumigaw.
"GROUP HUG!"
Nagyakap kaming lahat nang may ngiti sa mga labi namin. Sa wakas ay naulit din.
Nagpunta ako sa kwarto ni hagdan nang iwan ako saglit nila mama. Hindi naman siguro masama kung dadalaw ako sa kaniya saglit.
Dala dala ang dextrous ko ay nagpunta ako sa kwarto ni hagdan. Tinanong ko sila kuya kanina kung saan ang room ni hagdan at sinabi naman nila sa akin.
Kaya ngayon ay hindi ko na kailangan magpunta sa information desk para magtanong.
Kumatok ako nang tatlong beses pagtapat ko sa pinto. May isang tao naman na nagbukas nito para sa 'kin.
Nakita ko ang tuwa sa mukha niya nang ako ay kaniyang makita.
"Look who's here!" Wika niya saka binuksan nang malaki ang pinto.
Doon ko lang nakita ang mga kaibigan ko na mga nakangiti pa. Ang ngiti nila ay napalitan nang mas malaki pa nang ako ay makita nila.
"Andrea!" Tawag nila Raia at Alexa sa pangalan ko saka tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.
Sa sobrang higpit nang yakap nila ay halos hindi na ako makahinga.
"Pasyente ako." Nahihirapang sabi ko.
Doon lang sila kumalas sa yakap.
"Sorry." They awkwardly said.
Nakita ko si Al na nakangiti ngunit may pag-aalala sa mukha niya. Nilapitan ko siya.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin.
"Hmm." Sagot ko. "Ikaw? Kamusta ang pakiramdam mo?"
"I'm fine." sagot niya.
Katahimikan ang namayani sa aming lahat. Nag-aabangan kung sino ang magsasalita.
"I heard from kuya Andrew that you have an amnesia." Sabi ni Alistair.
Noong una ay nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya 'yon.
Nagulat sila Alexa sa sinabi ni hagdan. Napatakip pa nga nang bibig si Alexa.
Tumawa lang ako sa kanila. "Acting ko lang 'yon" sabi ko.
Nagliwanag bigla ang mukha ni hagdan at sa isang mabilis na kilos ay yakap na niya ako.
'Yun lang pala ang ipinag-aalala niya. Akala ko pa naman ay kung ano na.
"It's not a good joke." Sabi niya pagkahiwalay namin sa yakap.
"Sorry." Sabi ko.
"Akala ko naman totoo." Sabi ni Alexa.
"Oo nga, katakot naman 'yon. Niyakap ka pa naman namin kanina tapos hindi mo pala kami kilala." Sabi naman ni Raia.
"Nahawa ka na yata sa kalokohan ni Jake at Tristan." Sambit ni Blake na tumingin pa nang saglit kay Tristan.
"Bakit sa 'kin? Ang bait ko, eh. Walang kalokohan sa isip ko, 'no." Depensa si Tristan.
"Mabait? Sa'ng banda?" Tanong ni hagdan.
"Sa buong pagkatao ko, bro." Sagot nito.
Nagpatuloy pa sila sa pag-iinisan. Si Tristan ayus, napikon kaya naisipan na bumili nang makakain.
Hindi ko alam na may pagka pikon minsan si Tristan. Pinagtulungan naman kasi siya nang mga kaibigan niya tapos pati girlfriend niya na akala niyang tutulong sa kaniya ay nakitulong sa pang-aasar.
Kaya sa huli, sumuko siya. Siya lamg mag-isa, eh. Wala siyang kakampi kaya wala siyang choice kung 'di ang sumuko dahil alam niyang hindi siya mananalo sa mga kaibigan niya.
Lalong lalo na sa girlfriend niya.
Nang maka-alis sila Alexa ay doon kami nag-usap ni hagdan.
"Love, sorry." Sambit ni hagdan sa akin habang nakaupo kami sa kama niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"I didn't check my car before I rode it with you. That's why we got in an accident."
Humarap ako sa kaniya at hinarap ko siya sa akin dahilan para magtagpo ang mga mata namin.
"Hindi mo kasalanan 'yon, ang may sala ay ang taong sumira nang break ng kotse mo." Wika ko.
Kung sinuman ang punyetang 'yon ang may sala at hindi si hagdan. Walanghiyang punyeta siya.
"How sure you are that someone broke my car's break?" Nakakunot noong tanong niya.
"Alam mo naman na may mga taong gustong mawala ako, 'di ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Pero kahit na. Baka nasira ang break nang kotse ko nang hindi ko nalalaman. Baka pure accident lang kaya kasalanan ko pa rin 'yun." Aniya.
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d