Author
"Mayayari tayong lahat kapag nagising at nakawala 'yan." Sabi nang isa sa mga kasama niya.
Si Andrea ang kanilang tinutukoy. Ito ay kanilang dinukot dahil ito ang utos nang kanilang pinuno.
Noong una ay ayaw nila dahil alam na nila kung sino ito, pero ayaw maniwala sa kanila nang kanilang pinuno kaya sa huli ay wala silang nagawa.
Ang sinasabi nang kanilang pinuno ay naduduwag lang daw sila dahil napatumba ang dalawa sa kanila kaya gumagawa ito ng kwento.
"Mayayari talaga tayo. Ba't naman kasi ayaw maniwala ni boss, eh." Sabi nang isa pa.
"Anong binubulong bulong niyo diyan?" Tanong nang pinuno nila sa kanila.
Nagkatinginan ang dalawa saka sabay na umiling. Alam kasi nila na masasaktan na naman sila kapag nagsalita pa sila.
"'Wag kayong matakot diyan, babae lang 'yan. Kayang kaya natin 'yan." Sabi nang pinuno nila.
"Eh, boss. Siya nga si Lethal." Sabi nang isa.
"Hindi siya si Lethal, mga BOBO!" Bulyaw nang boss nila sa kanila. "Si Lethal ay hindi mapapatulog nang isang pukpok lang sa ulo."
"Baka nakakalimutan mong pasyente siya at kagagaling lang niya sa aksidente kaya maaring nanghihina pa siya." Sabat nang isa pa sa mga pinuno nila.
Dalawa silang pinuno nang grupo na ito ngunit mayroon silang tunay na iisang pinuno. Ang pinaka-utak nang lahat nang ito.
"Pati ba naman ikaw ay naniniwala?" Tanong nito sa kapwa ni pinuno.
"Hindi kasi malabo na siya nga si Lethal. Kung nakita mo lang sana kung paano niya ako pinabagsak sa iilang segundo ay baka maniwala ka." Sagot nito.
"Hindi siya si Lethal. Kung gusto niyo ay patutunayan ko 'yan sa inyo." Mayabang na sabi nang lalaki.
"Paano mo gagawin 'yon?"
"Pakakawalan ko siya at mag wa-one-on-one kami."
Andrea
Nang magmulat ako nang mata ay nasa isang lugar ako na hindi ko alam kung saan.
May isang table doon, isang mahabang lamesa na may laptop sa ibabaw. Hindi ko matatawag na abandonado ito dahil maayus ang lugar at malinis.
Walang kalat na makikita. Makintab pa nga ang sahig na semento nito. Ang tanong lang ay, ano ang lugar na ito?
Nasaan ako? Mga punyeta 'yon. Hindi marunong lumaban nang patas.
Naka-upo ako ngayon sa isang upuan at nakatali ang mga kamay ko sa likod.
"Gising ka na pala." Sabi nang isang lalaki.
Ang lalaking nagpanggap na doktor kanina. Siya ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Kasama niya ang mga lalaking sumugod at lumuhod sa harap ko kanina. Ang kaninang mga lalaking lumuhod sa harap ko ay mga nakayuko lang at hindi ako matignan sa mga mata.
Mga natatakot na siguro sila dahil kilala na nila ako. Pero naglakas loob pa rin silang dakpin ako kaya malilintikan din kayo sa 'kin.
Lumapit sa akin ang lalaking pinuno yata nila na nagpanggap bilang doktor kanina. Nakangisi siya habang naglalakad palapit sa akin.
"Alam mo, maganda ka, eh. Sayang nga lang. Kailangan mo nang mawala dito sa mundo." Aniya.
Nginisian ko rin siya. "Bakit ko kailangang nawala kung pwede namang ikaw?" Tanong ko.
Natawa siya nang bahagya dahil sa sinabi ko. Akala mo siguro ay niloloko kita? Pwes, nagkakamali ka.
Dahil sa oras na makawala ako dito, papatayin ko kayong lahat. Pangako 'yan.
"Paano mo 'ko mapapatay kung nandyan ka at nakatali sa upuan?" Tanong niya.
"Pakawalan mo 'ko at 'wag kang duwag. Babae lang ako gaya nang sabi mo kaya bakit hindi mo 'ko pakawalan at gawin natin ang sinasabi mong 'one-on-one'?"
Narinig ko ang usapan nila kanina kaya alam ko ang mga 'yan. Kanina pa ako gising, nagpapanggap lang akong tulog para marinig ko ang usapan nila.
Baka sakali kasing sabihin nila kung sino ang nasa likod nito, edi ayus 'yun.
Lumapit siya sa akin habang nakangisi. "Bago tayo maglaban. Titikman ka muna namin." Sabi niya saka hinawakan ang hita ko.
Kinuha ko ang oportunidad na iyon para tuhudin ang mukha niya. "Bastos!" Sigaw ko sa kaniya saka ko ibinalibag sa mga kasama niya ang bangko na kanina kong inuupuan.
Ang bobo lang nila dahil hindi nila alam na habang nakikipag yabangan ako sa kanila ay tinatanggal ko na ang taling nakatali sa mga kamay ko.
Hindi ganun kahigpit iyon dahil hindi talaga hinigpitan nang mga kasama niya iyon. 'Yung mga lumuhod sa akin kanina ang tinutukoy ko.
Narinig ko kanina na sinabi nang isa sa kanila na hindi mahigpit ang ginawa nilang pagkakatali sa akin para makatakas ako.
Ayaw pa daw nilang mamatay kaya tinutulungan nila ako na makatakas. Sige, pagbibigyan ko sila na makatakas.
Pero sa susunod na makita ko sila na gumagawa nang masama ay papatayin ko na din sila.
"Umalis na kayo." Utos ko sa mga ito na agad nilang sinunod.
"Mga inutil!" Sigaw sa kanila nang lalaking kanina ay tinuhod ko.
"Ngayon mo 'ko labanan." Hamon ko.
Natawa siyang muli saka ngumisi. "Mayabang ka masyado. Akala mo ba ay kaya mo kaming dalawa?" Tanong niya.
May naiwan siyang kasama. Ang kaninang may hawak nang baril na sinipa ko at pinatulog nang walang kahirap-hirap.
"Nagawa ko nga kayong patulugin nang walang kahirap-hirap, eh. Ngayon pa kaya?" Mayabang kong tanong.
"Yabang mo. Sino ka ba sa tingin mo?" 'Yan na naman ang tanong na iyan. Kung sino ba ako.
Ngumisi ako sa kaniya bago sumagot. "Im Lethal. The Queen of Dauntless." Sagot ko.
Agad siyang natigilan ngunit nakabawi din mula doon.
"'Wag mo kong lokohin. Hindi ikaw si Lethal." Aniya.
"Labanan mo ako nang malaman mo ang totoo." Saad ko.
Ayaw niyang tanggapin na ako si Lethal tapos ayaw naman akong labanan. Baliw yata ang isang ito.
Biglang bumukas ang pinto nang kinaroroonan namin kaya agad kaming napatingin doon.
Tatlong lalaking nakamaskara ang pumasok. Ang isa ay kalahating puti at kalahating itim ang maskara. Ang isa ay may kalahating buwan ang maskara at ang isa naman ay kulay itim na maskara ang suot.
Kilala ko kung sino ang mga ito. Nang tignan ko ang dalawa ay nangangatog na ang mga tuhod nila sa takot.
"Kami ang kalabanin niyo at 'wag ang babaeng nasa harap niyo." Ani nang isa sa kanila saka naglakad papalapit sa pwesto namin.
Kakatwang nagagawang ibahin nang maskarang suot nila ang kanilang mga boses.
"Aalis kayo o lalabanan niyo kami? Mamili kayo." Tanong nang isa sa mga nakamaskara.
Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na tumakbo palabas. Nagtawanan tuloy kaming mga natira.
Andrea Nakabalik na kami sa ospital at ngayon ay nilalagyan na naman nila ako ng dextrous. Sawang sawa na ako sa dextrous. Sinasabi ko na ayus na ako pero ayaw maniwala nila mama. Kailangan ko pa daw magpahinga. Ang sabi ko ay sa bahay nalang pero ayaw nilang pumayag. Nakalaban na nga ako kanina, eh. Takte naman 'yan, oh. "Sabi ko naman kasi sa 'yong babantayan kita, eh. Ang tigas tigas kasi nang ulo mo." Sabi ni mama. Pinagagalitan ako. "Wala ka rin namang magagawa kung sinamahan mo ako dito, eh. Baka nasaktan ka pa." Sagot ko. "At least makakahingi ako nang tulong." "Sa tingin mo ba ay hahayaan ka nilang makahingi nang tulong? Baka saktan ka na nila at ang malala pa ay baka patayin ka." Wika ko na nakapagpatigil sa kaniya. Hindi ko intensyon na takutin siya pero posible iyon. "May punto si Andre
Bata pa noon si Blaine gaya ko. 13 years old pa lang ako nun. Balak nung mga siraulong lalaki na pagsamantalahan si Blaine Cuevas pero nahuli sila nang kuya nito na si Luke kaya hindi nila nagawa ang gusto nila. Ang kaso lang ay hindi sila kaya ni Luke mag-isa dahil sobrang dami nila. Sana beinte yata sila noon at ang dalawa sa kanila ay may dala pang baril. Doon na ako nakielam. Naalala ko kasi doon 'yung nangyari sa amin ni Cass kaya gusto kong tumulong. Ayoko na mapagsamantalahan ang batang walang kalaban laban. Inuna namin patumbahin ni Luke 'yung dalawang may baril, para hindi na nila magamit pa ang baril ay kinalas na naming pareho ang mga parte nun. Saka namin sinunod 'yung mga punyetang adik. Muntikan pa nga kaming makulong noon dahil sa ginawa namin, pero dahil kay Blaine Cuevas ay hindi. Self defense lang naman ang ginawa namin. Kaya walang karapatan
AndreaNasa library ako ngayon dahil may research kami na kailangang gawin. Ang tagal na rin nang huli akong nakapunta dito.Nakakamiss din pala ang tahimik na lugar na ito. Kumuha ako ng libro na kailangan ko para sa research ko.Habang kumukuha ako ay may napansin akong isang lalaki na nakatingin sa akin. Nang mapansin niya na nakatingin din ako sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.Problema nun?Bumalik nalang ako sa table ko at ginawa kung ano ang dapat kong gawin.Habang gumagawa ako ay may nararamdaman akong nakamasid sa akin. Alam kong hindi si Cassandra 'yon dahil iba ang nararamdaman ko ngayon.Nung si Cassandra ang nagmamasid sa akin ay hindi sumagi sa isip ko na nasa panganib ako o may balak gawing masama sa akin ang taong 'yon.Pero ngayon ay iba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may balak na gawin a
RaiaDays have passed since Blake and I broke up. We're still seeing each other of course. We're classmate, eh.We're also seatmate in our class. Nakakailang but, it's okay.The scar that he made will heal soon, I know. I can make it. I'll be fine not now but soon.Hindi na rin muna ako sumasabay sa kanila every break. I don't want to hurt myself.Seeing him happy because of someone else, it hurts. I know that it's because of me. I let him go.I'm stupid to feel hurt kahit na ako naman ang may gusto nito. Ako ang may kasalanan.Every break ay nasa library ako. I find it as my comfort zone since the day we broke up.Ang tahimik dito at walang gumugulo sa akin. I now know why Andrea like this place. It's relaxing here.Naglabas nalang ako ng libro. Wattpad book ang nilabas ko. You know, I'm a wattpad reader.
AndreaKasama ko si Cassandra sa bahay nila. Wala naman daw ang mga magulang niya dito dahil nasa trabaho.Doktor pareho ang mga magulang niya kaya madalang daw umuwi. Ginawa na daw bahay ang ospital."Baliw ka talaga, eh." Sabi ko sa kaniya habang iiling-iling.Biruin mo kasi, naghiwalay 'yung dalawa dahil sa ginawa niya."I don't know that she will take that seriously." Depensa niya."Hindi mo naman kasi kilala 'yon. Dapat nung una pa lang hindi mo na ginawa 'yung kalokohan mo na 'yon."Umirap siya sa 'kin saka kumuha ng juice. Nasa dining area nila kami dahil nagugutom daw siya."Okay, I admit that I don't know her very well. But I just want to tease her and see on how is she going to react. She's not like Alexa. Sumasakay sa mga trip ko si Lexa but, that Raia is not."Baliw talaga 'to, eh. Malamang hin
Andrea"Ano nangyari sa plano mo?" Tanong ko kay Cassandra.Plano daw niya na pagbalikin na 'yung dalawa. Ewan ko lang kung success o failed."Failed." Sabi niya saka isinalpak ang sarili sa kama ko.Napabuntong hininga naman ako. Pumalpak yata siya ngayon. Lahat ng plano niya ay successful, eh.Ano kayang nangyari?Ayaw na ba talaga ni Raia o ano?"Bakit?" Tanong ko saka ako naupo sa tabi niya."Because of that Lucas guy." Iritable niyang sabi.Inis na inis siya. Puro inis ang makikita sa mukha niya. Ano naman kaya ang ginawa nung Lucas na 'yun at asar na asar 'tong babaeng 'to?"It looks like he's courting Raia." Sambit niya.May pagka mind reader talaga ang babaeng 'to. Hindi ko naman tinatanong sa kaniya kung ano ang ginawa nung Lucas na 'yon pero sumagot siya.
Andrea"Kailan mo gagawin ang plano mo?" Tanong ni kuya Andrew sa 'kin.Nasa sala kaming magkakapatid kasama si Jake para pag-usap 'yung tungkol sa plano ko.Hindi ko sinasabi sa kanila ang plano ko dahil gusto ko a masorpresa sila."Mamaya." sagot ko.Mamaya na ang tamang oras para magkakilala na kaming dalawa. Kung sinuman siyang punyeta siya ay malalaman ko na mamaya.Hindi ako 100 percent sure pero 'yun ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko na makikilala ko na siya mamaya. Nararamdaman ko na magiging successful ang plano ko."Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak sa gagawin mo?""Hindi."Agad nila akong sinamaan ng tingin dahil sa sagot ko. Hindi naman kasi talaga ako sigurado kung hindi ako masasaktan."Kung hindi ka sigurado 'wag ka nang tumuloy." Sabi ni kuya Andrew.
Andrea"Kayo lang ba?" Nakangising tanong ko sa mga g*go."Nakukontian ka pa ba sa 'min?" Taas noong tanong nung isa.Nginisian ko siya. "Oo, eh. Baka nga hindi pa ako pawisan bagsak na kayo." Mayabang kong sabi sa kanila."HAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"Nagtawanan naman sila. Akala yata ng mga ito ay nagbibiro ako. Nagtawanan sila ng nagtawanan hanggang sa makuntento.Magsaya na kayo dahil ipinangangako ko, na hindi matatapos ang gabing ito ng hindi kayo nalalagutan ng hininga."Nagbibiro ka ba?" Tatawa tawang tanong ng isa."Hindi ako sanay magbiro." Seryosong sabi ko sa kanila saka ko sila sinamaan ng tingin.Nakita ko ang iba na natakot ngunit ang iba ay nginisian lang ako. Ang pangit naman ng ngisi nila.Lalo silang naging mukhang aso!
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d
AndreaNakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa."'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huming
AndrelloDan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito."Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin."Bibigyan
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo