Share

Chapter 42

Andrea

Kaarawan ni Madam Arcardia ngayong araw at imbitado ako sa selebrasyong magaganap mamaya.

Kailangan daw ay pormal ang suotin naming damit at hindi ko alam kung ano ang isusuot ko.

Sasamahan daw ako nila Raia at Lexa na humanap ng damit na susuotin ko mamaya. Paniguradong sila na naman ang pipili ng damit.

"Oyy, pikon." Tawag sa akin ni Jake.

Nasa garden kami ng eskwelahan namin at nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga halaman sa paligid.

Siya ang kasama ko ngayon dahil may inaasikaso si Al na project nila. Hindi kasi sila gumawa sa bahay kaya sa library sila gumagawa ngayon.

Hindi pa nila tinapos sa bahay, mga tamad kasi kaya ngayon ay nagmamadali silang tapusin ang ginagawa nila.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sa tingin mo, matatapos nila 'yun ngayon?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang ginagawang project nila Hagdan.

Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung matatapos ba nila 'yun ngayon. Ang dami pa naman nung gagawin nila dahil sa lahat ng subject namin ay ngayon ang pasahan ng project.

Sa lahat din ng subject ay wala pa silang nagagawa kahit isa. Wala pa silang nasisimulan kahit isa. Mga pasaway.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Malay." Maikli kong tugon.

"Buti nalang kami nakagawa." Aniya.

"Mga tamad naman kasi ang magkakaibigan na 'yon, eh." Saad ko.

Natawa naman ng bahagya si Jake. "Bakit kasi hindi nalang kayong dalawa ni Crimson ang magka-grupo?" Natatawa niyang tanong.

"Ayaw kasi nila, Lexa. Ayaw nilang pumayag na mahiwalay ako sa grupo nila."

"Ayaw ba nilang kagrupo ang mga syota nila?"

"Aba'y, malay ko sa mga iyon. Alam mo namang mga luka 'yon." Sabi ko saka kami sabay na natawa.

Mga luka naman talaga kasi ang mga 'yon. Sino ba namang ayaw maging kagrupo ang mga syota nila?

Matapos ang klase ay dumeretso ako sa bahay namin para makapagpalit ng damit. Pumunta agad ako sa mall pagkapalit ko.

Sabi kasi nila Lexa ay kailangan na maaga kami sa venue para mabati namin agad ang Madam ng mga Arcardia.

Gusto daw kasi ng Madam na ang pamilya niya ang unang bumabati sa kaniya. Ayaw niya na ang guest o ang kung sino man na hindi niya pamilya ang unang bumabati sa kaniya.

Gusto niya na nabati na siya ng lahat ng miyembro ng pamilya niya bago siya batiin ng kaniyang mga kaibigan at kasama sa business world.

"You should wear this." Ani Lexa na inabot sa akin ang isang pink dress.

Pa off-shoulder style siya pero may sumusuporta sa kaniya sa balikat para hindi masyadong expose ang balikat.

Pwede na rin.

Kinuha ko ang damit saka ako nagpunta sa fitting room. Hindi naman mahirap isuot iyon kaya saglit lang ay lumabas na rin ako.

"It suits you well." Nakangiting sabi ni Raia.

"Mas lalong maiinlove si Al sa 'yo." Wika ni Lexa.

Mga nambola pa ang mga ito.  Wala naman akong pake kung maganda ba o hindi ang suot ko. Ang mahalaga ay may damit.

Bumalik na ako sa bahay namin pagkabili ko ng damit na susuotin ko. Hindi pala ako ang bumili, si hagdan. Nagbigay pala siya ng pera kay Lexa para iyon ang ipangbayad sa damit na bibilin ko.

Pagbalik ko sa bahay namin ay naligo agad ako at nag-ayus. Anong oras na din kasi no'ng maka-uwi ako dahil bago kami pumunta sa mall ay pumunta muna kami sa café na lagi naming pinupuntahan para kumain.

Bakit ba kasi kailangan pang maaga? Nagagahol tuloy ako ngayon sa pag-aayus.

Sinundo ako ni hagdan sa bahay namin. Kotse ang dala niya noong sunduin niya ako. Bagong kotse.

Hindi ko alam kung kailan niya ito binili pero natitiyak ko na bago ito dahil sa kintab ng sasakyan at ngayon ko lang ito nakita.

May kotse pa naman siyang ginagamit, tatlo pa nga, eh tapos bumili pa siya ng isa pang kotse. Aksayado siya masyado sa pera.

Inalalayan niya ako pasakay ng kotse niya. Pinagbuksan ako saka inalalayan ang ulo ko para hindi ako mauntog. Akala naman niyang mauuntog ako.

Hindi pa rin ako sanay sa pagiging gentleman ni hagdan. Gentleman naman talaga siya kahit nung hindi pa kami, pero hindi pa rin ako sanay.

Kay Jake sanay ako pero sa kaniya hindi.

"You look gorgeous tonight." Nakangiting aniya habang nakatingin ng deretso sa daan.

"Salamat." Sambit ko.

Gorgeous gorgeous pa ang sinasabi niya, eh naiilang nga ako sa suot ko. Ang akala ko ay ayus ito kapag nasuot ko, hindi naman pala. Medyo expose pa din ang balikat ko.

Nakakainis! Punyeta.

Tahimik kami sa byahe ni Al hanggang sa dumating kami sa venue ng party. Madami na din ang mga bisitang tao dito meron ding bisitang hayop.

Bakit hayop? Kung makangiti kasi ay ngiting aso kaya hayop. Nakakasuya silang tignan. Halatang ayaw nila sa kausap nila pero kinakausap pa rin nila.

Ang iba ay makikita mong tunay ang ngiti kaya tao ang tawag ko sa kanila. Ang iba naman ay ngiting aso at kaplastikan ang ngiti na ipinakikita kaya hayop ang tawag ko sa kanila.

Lumapit kami sa mga magulang ni hagdan na nakikipag usap sa isang mag-asawang sigurado akong taga business world.

"Thank you, Mr. Lim." Nakangiting sabi ni Mr. Crimson.

"It's our pleasure." Nakangiting tugon ng lalaking nasa harap nila saka nagpaalam.

"Hey, mom." Tawag ni Al sa kaniyang ina.

Humarap ito sa amin na nakangiti pa rin. "Oh, son. You're here." Nakangiting ani ni Mrs. Crimson saka hinalikan sa pisngi ang kaniyang anak.

Kompleto pala ang pamilya Crimson dito. Nandito pati sila Mir at ate Sandra.

Yumuko ako ng bahagya kay ate Sandra. 'Yun ang aking pagbati sa kaniya.

Nag-usap sina hagdan at ang magulang niya. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako nakikinig.

Wala akong pake sa pinag-uusapan ng iba basta hindi ito tungkol sa akin.

"By the way, mom. My girlfriend." Pagpapakilala ni Al sa akin sa kaniyang ina.

Yumuko ako ng bahagya kay Mr. and Mrs. Crimson upang magbigay galang. "Magandang gabi ho." Saad ko.

"Good evening too." Sambit ni Mr. Crimson.

"Is she really your girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Crimson na tinugunan ng tango ni hagdan.

"Yieee, welcome to our family." Animong kinikilig na sambit ni Mrs. Crimson saka ako niyakap.

"I'm so happy, tonight. Parang ako ang may birthday ngayon. Nakatanggap ako ng isang napakagandang regalo." Wika ni Mrs. Crimson pagkakalas niya sa pagkakayakap niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status