Share

Chapter 1

Hindi maganda ang daloy ng araw ko ngayon. Sobrang daming gawain ang ibinigay sa'min ng mga professor namin at kinakailangan matapos ko 'yon kaagad. Ngayon gabi naman ay may importante akong bagay na kailangan puntahan, inimbitahan kasi ako ng mga magulang ko para sa isang dinner night. Sa totoo lang, wala talaga akong balak pumunta d'on pero pinipilit ako ni Mommy na sumalo sa kanila ngayong dinner. Nagawa pa nga akong ipasundo sa driver namin para lang masiguradong makapunta ako at hindi tatakas sa napag-usapan.

Kakatapos lang ng huling klase namin ngayon, naghahadali na akong magligpit ng gamit ko dahil nagmessage na ang driver na susundo sa'kin. Abala sa pag-aayos nang mapaigtad ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likod ko si Ate Karla pero nagpanggap na lang ako na hindi ako na apektuhan sa biglaan niyang pagsulpot.

“Ayenne, are you heading home na?” Ate Karla asked while I was putting my things inside my bag. After I make sure that all of my things were inside, I carried my bag then gave her a small smile.

“Yeah,” maikling sagot ko. I arranged the place of my bag hanging in my shoulder to make myself comfortable while carrying it.

Naghahadali na ako. Kailangan ko nang umalis kaagad dahil baka nag-aantay na ang driver ko sa may parking lot.

"I'm sorry, bawi ako next time." I said apologetically. 

Hindi na ako pinigilan pa ni Ate Karla dahil mukhang halata na niya na nagmamadali ako umalis. Tumango na lamang si Ate Karla sa'kin at tinapik ang balikat ko and she mouthed 'come with us next time'

Paalis pa lang sana ako but unexpectedly, Jenna saw me and rushed to me with eyes widened. “Why are you going home too early? Aren’t you coming with us?” ang mga mata nito ay nagtatanong na tumingin sa'kin.

"I'm sorry… maybe next time? " ngumiti ako ng tipid sa kan'ya. I really need to go. My driver is already outside and waiting for me! 

Lalakad na ulit ako para makaalis na but Jenna held my bag, trying to stop me from leaving. I cracked a laugh and tried to remove her hands from my bag but her grip is too tight, I can't remove it.

“Come on, Jenna, I need to come home early. My parents were expecting me to join them for dinner.” Pagpapaliwanag ko sa kan’ya, medyo napapatawa pa dahil sa kakulitan nito. 

Jenna pouted and stooped her head. “Aw, man, but I want you to hang with us!” She looked at me with her puppy eyes, sinusubukang baguhin ang isip ko gamit ang mga tingin niyang 'yon.

I shook my head. “I’m sorry, honey, but I can’t,” I saw Jenna's eyes being hopeless. She let me go although she doesn't want me to leave. I felt a bit guilty whenever I look at Jenna's disappointed face… Hindi ko naman mapagbigyan ang gusto niya dahil may lakad nga ako.

Dahan-dahang kumalas ang pagkakahawak ni Jenna sa bag ko kaya nakawala na ako sa kan'ya. I flashed a smile to her and waved my hand before I turned my back to them. Lumabas na ako sa may building namin, tumatakbo para mapabilis ang pagpunta ko sa may parking. Nakakahiya kung pag-aantayin ko ng matagal ang driver namin. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa kan'ya para magpa-special. 

Nang makalabas ako sa building namin ay hingal akong naglakad. Inaayos ko ang itsura ko dahil nagulo ang suot ko sa pagtakbo kanina. Kinuha ko ang panyo ko sa may bulsa ng pants ko para punasan ang pawis ko sa may leeg. Ang lagkit ko na!

Nilakad ko na lang ng mabilis. Hindi na ako tumakbo dahil magugulo na naman ang ayos ko at mapapagod ako. Ayaw ko namang magmukhang dugyot sa harapan ng mga magulang ko, sabihin nila ay hindi ako naaalagaan ng maayos.

Pagkarating ko sa may parking lot, inilibot ko ang paningin ko habang naglalakad. I stopped walking after I saw a familiar vehicle. From there, I saw Kuya Jerik na bumaba sa kotse. Luminga-linga siya na parang may hinahanap. Nang makita niya ako ay kaagad nagpakawala si Kuya Jerik ng isang maliit na ngiti saka tumango ng marahan sa'kin. 

Kaagad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. “Kuya Jerik, how’s your day po?” Bungad ko sa kan’ya. Binigyan ko siya ng ngiti para naman hindi masungit ang dating ko sa kan'ya.

Kuya Jerik scratched his nape, getting awkward by my presence. He smiled at me shyly before opening the door for me. “Ayos lang po ma’am,” Simpleng sagot niya.

After I got inside the backseat, Kuya closed the door for me and hurried to the driver’s seat to start the engine and moved the car.

The silence filled inside the car, wala sa'min ang gustong magsalita. Kuya Jerik was really focused on the road habang ako naman ay nakatuon ang atensyon sa pagtingin ng mga sasakyan sa labas ng bintana. May nakita kasi akong nag-counterflow na isang vehicle tapos muntik nang mabunggo, siya pa galit at nagsisisigaw d'on sa sasakyan na muntik nang makabunggo sa kan'ya. Parang tanga lang.

“Kuya, have you eaten na?” I asked without looking at Kuya Jerik's direction. Nasa labas pa rin ng sasakyan ang atensyon ko habang nakasandal ang sintido sa may salamin ng bintana. I felt an awkward feeling between us. Hindi pa kami sanay sa presensya ng isa't-isa kaya siguro nagkaka-ilangan kami.

Napatingin ako sa may rearview mirror and I saw Kuya glance at me. “Hindi pa po ma’am,” he replied. 

"Do you want us to go to the nearest drive thru? Hindi ka po dapat nagpapagutom Kuya lalo na't nagd-drive ka." Concern na sabi ko sa kan'ya.

Nahihiyang napangiti si Kuya sa'kin."Okay lang po ako, ma'am." 

"Are you sure? Hindi ka ba gutom Kuya?" Pagtatanong ko muli. 

"Ayos lang po." Puro ayos lang at okay lang ang sagot niya. Gutom si Kuya, tinitiis niya lang siguro ay iniisip niya na maabala ang byahe namin. 

Hindi ko na tinanong pa si Kuya Jerik ulit dahil baka makulitan ito sa'kin at ibangga pa ang sasakyan dahil napeperwisyo siya sa mga tanong ko. Sobrang focused pa naman niya sa daan tapos na di-distract lang siya kakasagot sa mga tanong ko.

Kuya Jerik is our newly hired driver. He became our driver a month ago dahil 'yung dati namin driver, which is si Manong Robert ay nagretired na sa katandaan. Hindi na siya pwede pang maging driver namin dahil sa lumalabo na rin ang mata ni Manong Robert at marami na rin siyang iniindang karamdaman. Sayang nga lang, umalis na si Manong. Naging masyadong attached ako sa kan'ya dahil bukod sa siya na ang naging driver namin simula bata pa ako, napakabait ring tao ni Manong. Natatandaan ko na lagi niya akong pinagtatakpan sa tuwing tatakas ako kay Daddy…Naging kakampi ko si Manong sa oras na kailangan ko ng tulong lalo na sa tuwing na bu-bully ako sa school noon. Nakakamiss na makasama siya pero mas kailangan niya na ng pamilya sa ngayon. Mabait din naman si Kuya Jerik at alam ko na magkakasundo rin kami soon pero hindi ko siya pwedeng pilitin sa ngayon dahil ayokong maging uncomfortable siya sa'kin.

“Ayenne!” Mommy rushed to me after seeing me got out of the car. She immediately locked me in her arms that almost took my breath sa sobrang higpit ng yakap niya sa'kin. I gently tapped her shoulder and smiled after she released me from her breathtaking embrace.

"I'm glad you're here, sweetie." Mommy's voice is gentle and soothing. Hindi matanggal ang ngiti sa mukha niya habang inaayos ang buhok ko. 

“Let’s go inside!” Mommy's expression change. She excitedly lead the way for me papasok sa loob ng mansion.

Papasok pa lamang kami sa loob nang bumungad sa'kin ang luxurious ambiance ng bahay dahil sa malaking chandelier na nakasalubong sa may entrance hall. May iilan din kaming nakakasalubong na mga katulong na marahang napapayuko habang papadaan kami. 'Yung iba ay gulat pang napapatingin sa'kin dahil sa tagal akong hindi nakita, hindi siguro sila makapaniwala na makakatungtong pa ulit ako sa bahay na ito sa isang taon kong hindi bumibisita.

May kung ano-anong kinukwento si Mommy sa'kin habang naglalakad kami but I didn’t bother myself na makinig dahil puro tungkol ‘yon sa mga designer items na nabili niya nung nagpunta sila ni Daddy sa Paris noong nakaraang linggo. I am not fond on designer items kaya hindi ko masabayan ang kwento niya. Addicted kasi si Mommy sa mga designer brands na para niyang trophy ang mga 'yon kaya sobrang proud siya sa collection niya at wagas kung maka-kwento. 

Pagkarating namin ni Mommy sa may dining area, d’on sa gitna ng lamesa ay nakaupo na sa may hapag si Daddy na kanina pa nag-iintay. Sobrang talim ng mga matang bumungad sa'kin papasok sa dining area. Mariin akong sinuri ni Daddy mula ulo hanggang paa at sinusundan ang paglakad ko. Pero nagbago rin ang reaksyon niya, he sighed and rolled his eyes nang marinig na dinadaldal ako ni Mommy papasok. Mukhang iritable na naman si Daddy as usual. I go straight to my seat, pumwesto na rin si Mommy sa katabing side ni Daddy para makakain na kami.

Umupo na kami sa kan'yang-kan'yang pwesto, the maids started to serve our dinner. We all silently eat na tanging tunog lamang ng kubyertos at kaluskos ng pinggan ang maririnig sa loob ng dining area. Walang nagsasalita sa'min samantalang ang mga katulong ay nasa loob lamang ng kusina, hindi lumalabas. Lalabas lamang sila kung mags-serve ng pagkain sa mesa. 

I noticed na kapag may maid na lumalapit para magserve kay Daddy ay hindi ito makatingin at para bang nanginginig ang mga kamay nito habang naglalagay ng pagkain sa lamesa. Tanging pagyuko lamang ang ginagawa nila habang sa lapag ang tingin ng mga ito, sinusubukan iwasan ang mata ni Daddy. Our maids obviously fear my dad because he is known for being strict and ruthless to others, probably because he's a prominent business man in the corporate industry wherefore, he needs to keep his stern image. While my mom, in the other hand, is prominent in the modeling industry because she was a super model when she was young and now, she's a pediatric doctor…Compared to my Dad, Mom is the total opposite of him. She's so nice and always lively sa ibang tao kaya marami ang nagiging kaibigan ni Mommy at marami ang prefer si Mommy kaysa kay Daddy. 

My mom is the sweetest person you'll encounter but to be honest, I never trust her. That face of hers, it's fake… I know it is. You'll never know what her true intention is and that is the creepy part…that no one can read what's behind those masks.

“Sweetie, how’s the school?” Mommy broke the iceberg. Interesado ang mga mata nitong nakatingin sa'kin habang sumusubo ng kan'yang pagkain. Gusto ko sanang isagot na school pa rin pero baka mapalayas kaagad ako. Ayoko namang magka-eskandalo at mapalayas kaya aayusin ko ang sagot ko.

I shrugged my shoulders habang abala sa paghiwa sa steak na kinakain ko. “Still the same, nothing’s new,” I replied in a dead tone.

I am trying to be cautious in front of my parents. I also often taking a glance at them while eating, trying to catch their gazes. Panaka-naka ko kasing napapansin na napapatingin sa'kin kaya tinatapunan ko rin sila ng tingin…Para kaming nagbabantayang tatlo. Kailangan ko maging maingat kung hindi maibabalik na naman nila ako sa impyernong bahay na 'to.

“You should be the best among the other students. Remember, I do not accept failures, Ayen.” Singit ni Daddy gamit ang malamig na tonong paalala niya sa'kin. Ni hindi ako tinapunan ng tingin nito at abala lamang sa pagkain.

I stooped and nodded. There is always an intimidating aura surrounding at my father. Pakiramdam ko ay iba ang hangin na hinihingahan niya kaya gan'yan kabigat ang pakiramdam sa tuwing malapit siya sa'kin… Whenever he speaks, you will sense the authority in every word he says that will send fear to your whole system. 

"You will be a lawyer, you should learn to be competitive. I don't want to receive any faults from you... you must be the finest of all." Wika niyang muli. Nagtama ang tingin namin. Ang talim ng mga matang 'yon, nataranta ako kaya kaagad kong inalis ang mga mata kong naka konekta sa kan'ya. Tumingin na lamang ako sa kinakain ko, umaaktong hindi ako na apektuhan ng presensya niya.

Ayun na naman kami sa 'you should' niya… lagi na lang. Paulit-ulit niyang pinapaalala na kailangan ako ang pinakamagaling… dapat ako ang nangunguna sa lahat dahil anak niya ako at wala siyang anak na talunan. That is one of the reason why I moved out, dahil nasasakal na ako sa pressure at responsibilities na ibinibigay niya sa'kin! Because I will never been enough! My best will never been enough for him to satisfy! Kailangan magaling ka… hindi ka pwedeng maging pangalawa, you should be the best among the rest… Pucha! Pagod na ako! I already agreed on taking law at maging abugado kahit labag sa loob ko. Hindi ko gusto maging abugado! Pero kailangan… kailangan ko 'yon para manatiling malaya…malayo sa impyernong bahay na ito. 

I silently finished my food and waited for them to end this dinner night. I felt lonely dahil hindi ako interesado sa kung ano ang pinag-uusapan ni Mommy at Daddy. Ayoko ring makisawsaw dahil una sa lahat ay hindi naman ako involve sa kung anong business ang pinag-uusapan ng mga magulang ko at mas lalong ayoko i-link ang sarili ko sa kahit anong negosyo ang meron silang dalawa. Ano mang negosyo ang pinapatakbo nila ay labas na ako d'on.

Mukhang napansin ata ni mommy na tapos na ako sa kinakain ko kaya pinalabas niya sa mga maid ang dessert. Sila na lang talaga ang inaantay ko matapos para makapagpaalam na. Tahimik kong ipinalibot ang tingin sa dining area habang sumusubo sa tiramisu na binigay sa'kin. Sinusubukan kong i-compose ang sarili dahil iba ang awrang pumapalibot sa dining table. I hate this kind of presence, it’s choking me…I couldn't breathe! I can’t wait for them to finish their dinner so I can go back to my condo. I tap my legs to distract myself while having a mouthful of tiramisu. Everyone is silent na para bang magkakalayo kaming tatlo sa hapag. Naiinis ako tuwing ganito ang set-up naming pamilya. Hindi ko maunawaan kung paano natitiis ng mga magulang ko ang ganito.

“How’s your life with your boyfriend, Ayen?” Daddy suddenly asked after he wiped his mouth using his napkin. He already finished eating his dinner and put down his cutlery before staring at me.

Those cold eyes...He's giving me chills just by looking at me. Although, I couldn't see any emotions in his eyes, he seems directly looking to my soul and slowly demolishing my inner self. My father is showing his superiority kahit wala pa itong ginagawa bukod sa pagtitig sa'kin. Alam kong hindi ko siya malalamangan dahil siya mismo ang kahinaan ko. Isang tingin lang ni Daddy sa'kin ay nagagawa kong sumunod sa kan'ya, isang sabi niya lang. I look at Mommy’s direction trying to break an eye contact to my Father. Mommy look at me with interest pooling in her eyes. Pati rin si Mommy ay naintriga sa tanong ni Daddy.

I swallow the lump on my throat. I had a second thought about kung sasagot ba ako o hindi. Bakit pakiramdam ko ay may hinahanap siyang sagot sa'kin? May inaalam siyang bagay sa pagsasama namin ng boyfriend ko… He's inspecting something and didn't even bother to stash his intention. Talagang alam ni Daddy kung anong tanong ang magpaparamdam sa'kin ng uncomfortable. 

“We're both fine…To be honest, he took good care of me so there’s nothing to worry about.” I assured them.

Alam ko na may hinahalungkat si Daddy at intensyonal niyang ipinapaalam sa'kin ang bagay na gusto niyang alamin. I know him to well… Hindi gan'on ang way niya ng pagtatanong, kaya bakit? Hindi niya man lang ako papaikutin katulad noon? Imposible, may balak siya at kung ang balak niyang 'yon ay ang pabalikin ako sa bahay na 'to, hindi ako papayag…Ayoko. Hinding-hindi na ako babalik pa rito kahit na kailan! Maayos na ang lagay ko kasama ang boyfriend ko. Masaya na 'ko kaya bakit kailangan pa nilang mangulo?

"By the way, Hon, Congressman Henry came here earlier, he's looking for you but you're not here so I told him to go back tomorrow." Pag-iiba ni Mommy sa topic. Napatingin ako sa gawi niya at nginitian lamang ako ni Mommy sabay baling ulit kay Daddy. 

Sadya niyang ginawa 'yon… ramdam niya siguro ang pagiging uneasy ko sa bawat tanong ni Daddy. Gan'on niya ako kadaling nabasa.

Sino raw 'yung binanggit ni Mommy? Congressman Henry? Henry Agoncilio? Siya 'yung corrupt na congressman, ah. Bakit hinahanap niya si Daddy? Anong meron sa kanila?

Iwinaksi ko sa isip ang kung anong ugnayan ang meron kay Henry Agoncilio at kay Daddy. I am out of their business, hindi ako dapat makialam sa kung anong mayroon ang dalawa.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko, kailangan ko na ring umuwi dahil nag-aantay na sa'kin ang boyfriend ko. Earlier, I received a text message from him asking kung kailan ako makakauwi kaya naghadali na akong umalis. Nagpahatid na lang din ako kay Kuya Jerik papunta sa condo since mahirap na mag-abang ng taxi dahil gabi na rin. Si Mommy rin naman ang nag-insist na magpahatid ako kay Kuya Jerik para alam niyang safe akong naka-uwi.

Kuya Jerik dropped me in front of my condo building pero bago ako pumasok, I bid him goodbye and told him to drive safely before he drove back to the mansion.

I was in front of my condo unit, busy finding the keys inside my bag when suddenly the door opened. I was shocked to see my boyfriend who’s eyes also widened, he looked surprised to see me infront of our door. His expression changed right away and turned into a soft smile forming in his lips.

“Hi love,” he greeted me without eliminating his smile. I also smiled back at him and clung my arms on his nape to hug him.

“Hi,” I giggled. He wrapped his arms on my waist and pulled me even closer before giving me a deep kiss and dragged me inside.

Si Toby, boyfriend ko simula highschool. Mahigit limang taon na kami magkasama ni Toby until now na college na kami. He's a second year Civil Engineering student and a Judo athlete in UST. 

A lot of woman piling up on Toby yet he's with me. That's why I am wondering why he chose me. Sino ba namang hindi magkakaroon ng second thought kung bakit naging kami? Matalino si Toby, matangkad, mabait, gwapo. Tapos ako, wala. College student na walang social life at puppet ng mga magulang niya… nakakahiya.

Even so, Toby and I agreed on getting married after we finish college. He plans on building our own house kapag naging ganap na Engineer na siya. Sweet? Nah. Ang sabi niya ay gagawa niya ang bahay namin sa isang masikip na iskinita na tanging isang tao lamang ang makakapasok para iwas magnanakaw! 

“So, how’s the dinner with your parents?" He led the way inside our condo. Patuloy lang siya sa paglalakad habang nakasunod ako sa likod niya. Nagtungo si Toby sa may kusina para kumuha ng tubig sa fridge. Umupo na lang ako sa stool para magpahinga. Naghalumbaba ako sa may countertop habang pinapanood si Toby na uminom ng tubig habang nakatalikod sa'kin.

I sighed, recuring in my mind that I accepted my parent’s dinner invitation, goodness! Parang lalagnatin ako!

“Good, I guess?” Hindi siguradong sagot ko.

I will admit, hindi ko gusto ang presensya kanina sa dinner namin nila Mommy. Daddy clearly just wanted to know if I did well in my studies, which made him obvious to invite me for a dinner. It sucks...It really does. Knowing that your parents are way more concerned about your studies rather than to their child. Kailangan kong i-maintain ang grades ko dahil sobrang taas ng expectations sa'kin ni Daddy na magiging abugado ako at sobrang nakakasakal 'yon. Laking pasalamat ko na umalis ako d'on at piniling tumira kasama si Toby, kahit papaano ay masasabi kong naging masaya ako sa buhay ko.

Malaki rin ang pagpapasalamat ko kay Mommy dahil siya ang nagsuggest na magcondo ako. Naalala ko pa na inuto niya si Daddy n'on para payagan akong bumukod. Ang sabi ni Mommy ay para rin naman sa'kin 'yon, para makapag-focus ako sa studies. Sa huli, pumayag si Daddy at hinayaan na lang ako. Mommy is my savior, alam niyang matinding pressure ang nararamdaman ko kay Daddy so she did every best she can do para maging comfortable ako sa mga bagay-bagay.

“Akala ko ba ayos ‘yung dinner mo with your parents? Why does your face tell otherwise?” He raised his brow to me. 

Natauhan ako dahil sa boses niya. I don't know why but after I looked at him, I cracked up… I laughed because of his hilarious facial expression. Naka-awang kasi ang labi nito at nakataas ang isang kilay niya habang ang kamay ay nasa dibdib, mukha siyang meme! This man always making my day complete. Kahit na wala siyang ginagawa, kahit humihinga lang siya, natutuwa ako.

"Wow," he scoffed while looking at me in disbelief.

Tumigil na ako sa pagtawa dahil sumadakit na ang panga ko. I tried to act serious dahil mukhang naiinis na sa'kin si Toby.

“I said it turns out good pero wala akong sinabi na nag-enjoy ako.” I said and winced.

Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko sa stool. Ang sakit sa pwet. Kanina pa ako naka upo, e, saka nangangati na ako sa suot ko. Kanina ko pa suot 'to kaya naglalaban ang amoy ng araw at kalsada sa damit ko. 

Inamoy ko ang manggas ng damit ko. Legit, mabaho na ako pero slight lang naman…Fresh pa naman ako.

"You should change your clothes, Love, you already stink," He scrunched his nose, umaktong nababahuan. 

Matalim kong tinignan si Toby. "Para namang sobrang baho ko sa'yo!" Inis na sigaw ko.

Because Toby teases my odor, although it wasn't true. I still smell fresh pa rin naman, epal lang talaga si Toby. I went to my room to change my clothes. 

I quickly undressed myself and I was half naked when I reached my closet to pick my clothes. I only wear my undies habang iniisa-isa ang mga damit sa loob ng closet. I pulled out the black and gray checkered pajama and white oversized t-shirt.

“Sexy,” Napaiktad ako nang may biglang nagsalita. Lumingon kaagad ako sa may pinto at nakita si Toby. He was leaning on the open door, pinapanood akong pumili ng damit habang may ngisi sa kan'yang mukha. Kahit kailan napakamukhang manyakis ng lalakeng 'to.

Mukhang natutuwa si Toby sa pinapanood. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa na parang ina-analisa ang buong katawan ko bago siya kumagat sa ibabang labi. Nainis ako sa itsura niya. Mukhang manyak ang pucha!

“Out!” binato ko siya ng damit na nahawakan ko sa loob ng closet. 

May nakalagay pang hanger 'yon para lang itaboy palabas si Toby pero hindi ito umalis. I walk towards him, half-naked, and tried to push him away pero hindi man lang ito gumagalaw kahit pa itulak ko ito ng buong lakas ko. I hit him really hard on his arm but it looks like he's not affected to my blows. He just laughed off my punches. Sumuko na ako sa pagtataboy sa kan'ya dahil hindi ko ito mapalayas. Tinatawanan lang ako! I crossed my arms and my brows knitted.

"Okay, okay, lalabas na." He surrendered. He even put both his hands up and started to walk outside.

Pagkalabas ni Toby, I immediately went to the bathroom to have some quick shower to freshen my body. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko dahil sa dumi na nakalap ko mula sa labas. 

Pagkatapos maligo ay dumeretso kaagad ako sa may kama dahil doon ko inilagay ang mga damit na pinili ko kanina. Kaagad aking nagbihis, pinatuyo ang buhok ko at nagsuklay. Pagkatapos ko mag-ayos ay naging mukhang disente rin ako sa wakas. After that, I went outside and go straight ahead to salas where I saw Toby who's comfortably watching T.V.

"Ah! Toby!" I whined. I held my ass and looked at him with a stern expression. He smacked my ass after I passed in front of him and he just laughed at me! Ang lakas pa nung palo niya! Bwisit na 'to!

"Pervert!" I said and hit him on his arms. Sinalag niya ang hampas ko kaya hindi siya tinamaan.

Masama pa rin ang tingin sa kan'ya nang umupo ako sa may sofa, medyo malayo sa tabi niya dahil baka may gawin na naman itong kalokohan. Kabisado ko na si Toby, alam ko na may balak pa siya.

Tahimik akong nanonood ng T.V pero nakadamdam ako ng uneasy feeling kaya binaling ko ang tingin ko sa gawi ni Toby and I saw him giving me a side glance and smirked. I bit the insides of my cheeks to control my temper. I tried so hard not to hit him although he keeps annoying me. He's really testing my patience! 

Tinapik ni Toby ang balikat ko. "I love you," pang-aamo nito. 

I look at him, scowling. He flashed a wide smile. His hand reached for my cheek then squeezed it.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakakurot na sa pisngi ko. Pinaghahampas ko ang kamay niya dahil masyadong mahigpit na ang pagkurot niya sa pisngi ko pero imbis na bumitaw sa pisngi ko ay narinig ko pa itong tumawa.

"You look more adorable when you're scowling." Mapang-asar na saad niya.

"He! Nang-uuto ka na naman!" Inis na saad ko.

Tinulak ko siya palayo at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. Napahawak kaagad ako sa pisngi kong sumasakit gamit ang isang palad. Pakiramdam ko ay namamaga na 'yon sa pagkurot niya at halos maluha na rin ako sa sobrang sakit nung pisngi ko!

I look at Toby and he looks surprised dahil sa pagsigaw at patulak ko sa kan'ya. I rolled my eyes to him and raised my middle finger on him before I slump myself on the end corner of the couch, lumalayo para hindi niya ako maabot pa.

He held his chest and looked at me with eyes widened. "Nang-uuto? No! I did not uto you! I am saying the truth!" He denied and pouted. 

I blinked twice, looking surprised on what be did. I didn't expect him to do that duck face thing and I found it adorable. Wala na, hindi na ako makakapagtampo, p*****a.

Parang nalimutan ko ang inis ko sa kan'ya dahil nauto na naman ako nito gamit ang pagpapacute niya. 

I shifted my seat and moved closer to him. I reached for his hand and intertwined our fingers. I looked directly into his eyes and flashes a smile to him. "How's your day, by the way?" I changed the topic. 

O, putang ina. Guard, may marupok na dito. 

His expression quickly shifted and became serious. Nag-aantay ako sa kan'ya na magkwento but he suddenly stole a peck of kiss from me at biglang umaktong nag-iisip. He left me… stunned. Nakatitig lamang ako sa mukha niya, gulat dahil sa biglang paghalik nito sa'kin.

"My day? Katulad ng dati… full of works. I studied the whole day." He said in monotone.

Bumitaw si Toby sa kamay ko at biglaang umusog para makahiga sa hita ko. He made my legs as a pillow, he even squeezed it. "It was a tiring yet boring day for me, plus, you weren't around. The silence is killing me." Kwento niya sa'kin.

I chuckled, witnessing him being adorable in front of me and the way he complained about his day. It must be dreary but he was able to crack a joke and even acting playful around me. I can't help myself but to smile while I was staring at him, surveying him while he continually complaining.

I was completely occupied, hindi ko na nga nauunawaan nang maigi ang mga hinaing na kinukwento niya sa'kin. Nakatitig lamang ako sa kan'ya at sinusuklay ng marahan ang kan'yang buhok habang siya naman ay nakahiga sa mga hita ko hanggang sa matapos siya magkwento at nanonood na lamang siya ng horror movie. My whole attention was stuck on him and didn't notice the time. It was already 11:20pm… past bedtime pero busy pa sa panonood si Toby. Ayoko sanang pigilan siya kaya inaantay ko na lang siya matapos pero ang tagal n'on kaya mas lalo kong naramdaman ang antok. I tried to hide my drowsiness but it betrayed me afterward.

I yawned. "Love, let's sleep na." Paanyaya ko.

He nodded and turn off the T.V "Are you already sleepy?" He pinch the tip of my nose. 

Tumayo na siya at inalok ako ng kan'yang kamay para inalalayan rin akong makatayo. I really feel sleepy since I haven't slept much last night dahil sa pag-aaral ko magdamag kagabi.

Alam kong nag-aral din siya magdamag. Ang hindi ko alam ay kung saan siya kumukuha ng energy para maging madaldal. Napaka-energetic ni Toby. Hindi ba siya nakakaramdam ng pagod?

"Let's go," yaya ni Toby.

I walked towards my bedroom nang mapansin ko na nakasunod sa'kin si Toby. I frowned at him. "Bakit ka nakasunod?"

He scratched his nape and smiled awkwardly. "I want to sleep with you," halos patanong na wika ni Toby.

"No, you can't sleep with me. May sariling kwarto ka, Toby, d'on ka matulog," pagbabawal ko sa kan'ya pero binawi ko rin 'yon dahil bigla na lamang nagpaawa si Toby. Hindi raw siya makakatulog sa kwarto niya, makakatulog lamang daw siya kapag katabi ako.

Pucha naman, napaghahalataang masyado akong uto-uto sa lalakeng 'to!

We both went to my bedroom, nauna pa nga siya sa'kin humiga sa kama at tinapik ang bakanteng side d'on. "Here, Love,"

Humiga na rin ako sa pwesto ko sa tabi niya. He pulled my waist closer to him then hugged me from the back saka ibinaon ang mukha sa may balikat ko before he fitted me with the blanket.

"Love, we should often sleep together.  I can easily fall asleep whenever I am next to you." Mahinang boses na sabi niya.

Napatawa naman ako ng mahina. "Palusot mo Tobias," 

Napaangat tuloy si Toby ng tingin dahil sa sinabi ko. "It is not a palusot! Totoo nga 'yon!" Pagdepensa niya.

Natawa na lang ako sa kan'ya dahil umaakto itong parang bata.

"That is also the word you used to me when I confessed to you before." Pabulong na wika ni Toby bago muling ibaon ang mukha sa balikat ko.

Hindi ko na lang pinatulan ang kalokohan ni Toby dahil sobrang inaantok na ako. Nang hindi na ako sumagot ay saka ito nanahimik. 

Hindi na muling umimik pa si Toby. Hindi ko namalayan na nauna na palang nakatulog kaya ipinikit ko na rin ang mga mata ko saka nagpatanggay sa antok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status