Halos itumba ko na ang buong condo unit dahil sa paghalughog ko sa bawat sulok ng buong condominium namin. Ramdam ko na rin ang matinding hilo sa kakapabalik-balik pero hindi ko pa rin makita 'yung hinahanap ko!
"Kasi naman! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, ha!" Naiinis na saad ko kay Toby. Umamba ako na hahampasin siya pero humakbang na kaagad paatras si Toby.
Kanina ko pa hinahanap ang phone ko sa kung saan-saan. Simula pagkagising ko kanina ay wala na 'yon. Ang alam ko ay hindi ko naman nilabas sa bag ko 'yon kagabi nang makauwi ako. Malamang ay tinago ng siraulong 'to pero ayaw niyang umamin kung saan niya inilagay!
Kinalkal ko na lahat ng drawers pati ilalim ng kama ay kinalikot ko na rin. Lahat ng paghalughog ko ay nag-iiwan ng kalat sa sala. Hindi na talaga ako natutuwa sa kalokohan ni Toby ngayon! Baka nagmessage sila Caitlyn! Hindi pa naman ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila kagabi na uuwi ako. Malamang ay hinanap ako ng mga 'yon o 'di kaya ay nag-aalala sa'kin dahil bigla akong nawala nang walang pasabi.
"Yari ako nito…Baka mamaya magalit na sa'kin si Caitlyn. She might think that I ditch her." Bulong ko sa sarili.
Tinignan ko nang masama si Toby na nakatayo lang sa gilid ko bago tanggalin lahat ng cusion na nakalagay sa couch. Naka-arko lamang ang kilay ni Toby, mukhang balisa na hindi mo malaman.
"I'm telling you! Hiding my phone ain't funny!" Bulyaw ko sa kan'ya habang kinakalkal muli ang sulok ng couch.
Toby scratched his nape, looking frustrated on how he will explain things to me. "I told you innumerably, Love, I didn't hide your phone." He used his gentle voice to explain. Pumalatak pa ang dila niya.
I know he's lying. He always doing this to me everytime na bored siya! Mas lalong sumama ang tingin ko sa kan'ya at wala na lamang nagawa si Toby bukod sa bumuntong hininga at mapakamot sa kan'yang ulo. This liar. Ayaw pa niya aminin kung saan niya inilagay!
Lumapit ako kan'ya at kinurot si Toby sa tagiliran. Napangiwi ito saka bahagya siyang lumayo habang hawak ang parte sa tagiliran niya na kinurot ko. Mas lalong humakbang palayo si Toby sa'kin dahil alam niyang uulitin ko ang pagkurot sa kan'ya kung hindi pa ito aamin.
"Nasaan na sabi?! Sinasabi ko sa'yo, Psalm Tobias! Hindi ako natutuwa!" Toby flinched dahil alam nito na totoo na ang galit ko sa kan'ya. Talagang hindi na ako natutuwa dahil nahihilo na ako kakahanap sa phone ko!
Sinandal ko ang kamay ko sa backrest ng sofa. "Toby, nahihilo na ako kakahanap. Ilabas mo na kasi para tapos na. Gan'yan din ang ginawa mo sa'kin noon, inantay mo pang umiyak ako bago mo ilabas kaya akin na, ibalik mo na ngayon din."
Nakaramdam na ako ng pagod dahil kanina pa ako nagkakalkal. Alas-nuebe pa lang ng umaga ay kung ano-ano na ang ginagawa ko para lang mahanap ang cellphone ko. Nakakapikon talaga 'tong lalakeng 'to. Pa'no niya natitiis na makita akong nahihirapan sa kalokohan niya?!
"Love naman," he tried to reach me but I hit his hand before it touched me. He makes a sad face but that irritates me more. "Believe me, I did not hide anything."
"I'm telling you, if you don't give back my phone… I'm telling you! You wouldn't like the outcome of this stupid prank of yours!" I outburst in annoyance. I saw the horror on his face. He wanted to utter a word but he didn't bother since I'm already mad at him.
"Ang lakas mo talaga mang-asar. Ang aga mo bumungad." Saad ko sa kan'ya bago maglakad paalis.
I walked, stomping my feet and went in my room. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang kalat ko sa labas. I have a ton of works to do and I have no time for his little games na nakakairita.
Pagpasok ko sa kwarto ay kaagad kong ni-lock 'yon. Hindi ako lalabas hanggang hindi niya binabalik ang cellphone ko!
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga saka minasahe ang sintido ko. "Marami pa akong kailangan gawin. Hindi ko muna talaga dapat isipin 'yong kalokohan ni Toby na 'yon… okay, Ayen, breath in…breath out…breath in…mare, 'wag ka paka-stress dahil maaga pa at marami kang aaralin ngayong araw." Pagpapakalma ko sa sarili ko. Hinampas ko pa ang dibdib ko para i-cheer ang sarili.
I walked towards my study table at umupo kaagad sa tapat n'on. I massage my temple and let out a few sighs before unfolding my laptop. I have a lot of things to do as a psychology major. Readings, memorization ng nga theories and terms and a damn oral recitation! I must be prepared! Wala sa plano ko ang bumagsak this year. Kahit na hindi ako nakakakuha ng sapat na tulog dahil puro basa, memorization at aral lang ang ginagawa ko sa tuwing may free time ako kaya kahit sa sariling kasiyahan ay wala na sa priorities ko. Hindi ko na iniisip pa ang magliwaliw ng sarili kung kapalit n'on ay magandanv grado. Kailangan kong manguna sa klase at retain ang grades ko in order to maintain my freedom.
I took my books and get some highlighter from my pen organizer. I highlighted the important details and information of the book na makakatulong sa'kin. Mas nauunawaan ko kasi ang binabasa ko kapag naka color code…mas napapadali ang pag-aaral ko kung gan'on ang method. Pero wala pa 'ko sa kalahati ng dapat babasahin ko, nanga-ngamote na kaagad ako.
Inulit ko pa ang pagbasa pero hindi nagsi-sink in sa utak ko ang binabasa ko. Napakamot na lamang ako sa ulo ko gamit ang highlighter na hawak habang mariing nakapikit ang mga mata. Kainis naman. Hindi naman ako pinanganak na matalino, bakit kailangan ko mag effort ng gan'to?
Halos tanggalin ko na ang anit ko sa kakakamot sa ulo ko. Wala akong kuto pero parang ramdam ko ang paggapang ng kabobohan sa ulo ko. Nakatitig lang ako sa libro ko habang nakasabunot ang dalawang kamay sa'king buhok.
"Nakakainis! Bakit ngayon pa?! AaaaAaaaAh!" Nagpapadyak ako sa inis.
Bakit gan'to? Bakit ngayon pa? Kailangan ko mag-aral! Masyado ata akong occupied sa kalokohan ni Toby kaya hindi ko magawang maunawaan ang binabasa ko. Kainis!
Nagsisimula na akong mag-breakdown. Nanginginig ang kamay na inilipat ko ang page ng libro at muling sinimulan magbasa. Itinutok ko ang highlighter sa libro, balak ko sana magsimulang maghighlights pero kaagad rin ako huminto at naguguluhan sa gagawin ko. Ano ba ang iha-highlight ko? Pucha? Alin dito?
"Oh my god. Ayen, you fcked up… What is happening to you?" Bulong ko sa sarili ko.
Pinakatitigan ko ang binabasa ko, ina-analisa kung anong detalye ba ng libro ang dapat naka emphasize. Tila ba mga normal na letra lamang ang nasa libro at tanging alpabeto lamang ang nakikita ko. Sadyang hindi ko maunawaan ang mga salita na nakasaad d'on. Ano ba 'ko? Highschool? Elementary? I supposed to know this words pero bakit wala akong maunawaan?! Mas lalo akong nainis nang biglang kumatok si Toby sa kalagitnaan ng kabobohan ko!
Wala na nga akong maintindihan sa inaaral tapos may bwisit pang nang-aasar sa'kin na pilit sinisira ang umaga ko! Konti na lang lalayasan ko na talaga ang lalakeng 'to!
"What do you want?!" Sigaw ko. Nakatingin pa rin ang mga mata sa binabasa ko.
Tuloy lang ito sa pagkatok ng malakas, tila sinasadya talagang inisin ako. "If you don't stop, you'll see a flying sleeper aiming at your damn face!" Pagbabanta ko dito. Dahil sa banta ko, d'on lamang tumigil ang pagkatok niya.
Sandaling natahimik si Toby bago ito magsalitang muli.
"Love, your phone's calling me," Malumanay na saad niya.
Napahinto ako sa ginagawa ko. Minahal ko naman ng tama ang lalakeng 'to pero sadyang malakas ang sapak niya sa ulo.
I inhaled a large amount of air before I stood up to open the door for him. I opened it in a slammed way kaya napabalikwas si Toby. The crease on my forehead is still visible. Whenever I look at him, he seems innocent but I will never fall for that trap anymore. I'll gonna hit him hard if this is one of his stupid tricks.
"What do you want?" Tinaasan ko siya ng isang kilay, inaantay na sabihin niya ang pakay.
He pursed his lips then showed me his phone. When I looked at the screen of Toby's phone, he was right, my phone's calling him. If he's not the one who's taken my phone, then, who?
I held out my palm and without a second thought, Toby lend it to me.
I answered the phone. "Hello?" Bungad ko sa tumawag.
[Oh, hi,] bati nung tumawag.
Halos hindi ko marinig ang boses nito nang magsalita siya dahil bumungad sa'kin ang malakas na tugtugan at hiyawan ng mga tao sa background. Ang sakit sobra sa taenga! Nasaan ba 'to? Party? Sobrang ingay! Hindi ko marinig 'yung sinasabi ng kausap ko dahil may pa background music pang ungol!
"Who's this? Why did you have my phone?" I emphasize the word ‘my phone’.
I tried to recall what happened last night and where I misplaced my phone. I really don't remember that I misplaced it kagabi. Ang alam ko ay kumpleto naman ang gamit ko nung nagcheck ako ng bag, o baka hindi? Hindi ko ba napansin kagabi na wala sa bag ko 'yung cellphone ko? Nagiging ulyanin na ata talaga ako.
[You already forgot me? Damn, that hurts me.] He said dramatically. I rolled my eyes and massage the bridge of my nose. The caller is undeniably annoying, ang dami nitong pasakalye.
Toby was still standing in front of me, looking expectant. He's staring at me cluelessly and his eyes filled with curiosity. Now that I am staring at his innocent face, the guilt start digging into me for what I did to him earlier.
"Hindi kita kailangan alalahanin pero ang alam ko ay cellphone ko 'yang gamit mo." Barumbadong saad ko pero tinawanan lang ako nito.
[I should expect this bago kita tawagan. I thought you'll be thankful kasi ibabalik ko ang phone mo,]
Naiinis akong kausap ang lalakeng 'to, panay tawa pa sila ng mga kasama niya sa kabilang linya. Ang ingay… Sobrang ingay na para silang mga unggoy na nakawala sa kulungan. Ang dami kong narinig na bulong-bulong, usapan at may ungol pa akong narinig sa kabilang linya. Saan ka ba naman makakakita ng caller na gustong-gusto sa gitna ng ingay makipag-usap? Baka magkaunawaan nga kami nito.
"Why should I be thankful? Malay ko ba kung sadya mong ninakaw sa'kin 'yan?" Pagbibintang ko sa kan'ya. "Ibalik mo ang cellphone ko."
[Oh, yeah, your phone, haha] Pagtawa nitong muli.
Anong nakakatawa? May joke ba siya? Anong sabi? Sana sinabi niya kung saan ang joke, makitawa sana ako.
"Yes, that is my phone," pag-uulit ko. Nababagot na ako sa pakikipag-usap dito dahil paulit-ulit na lamang ako sa pagbigkas na sa akin ang cellphone na gamit niya!
[I'll give this back to you in one condition,]
Nakapamewang ako habang nakakunot ang noo, inaantay ang sasabihin ng kausap ko sa kabilang linya.
Sumasakit na ang ulo ko habang tumatagal ang usapan namin. Hindi lamang sa background noise ako naiirita kung hindi sa kausap ko dahil nililiko nito ang usapan! Dinadaan ako sa tawa! Magtawanan na lang kaya kami? Kaya nga siya tumawag, para ibalik ang phone ko pero ang dami niyang kwento!
"What is it? If you need cash, I can just give you money in return for my phone." Diretsahang wika ko sa kan'ya.
[Kiss me,] biglaang sagot nito at narinig ko pa ang malakas na hiyawan ng mga kasama niya.
Tila ba naramdaman kong pumutok ang ugat ko sa ulo. Marahas kong ipinikit ang aking mata. Nangangati ang kamay ko, gusto kong manakit ng tao. Tangina, ginagago na lang talaga ako ng lalakeng 'to. Akala ba nito ay biro lang ako?
Nanginginig na rin ang kamay ko na nakahawak sa phone. I tried to calm myself dahil nang dumapo ang paningin ko kay Toby, kita ko na nakakunot ang noo nito, alalang-alala sa'kin.
[What do you think? Is the condition fine with you?] Tanong nitong muli.
D'on na ako nawalan ng kontrol sa emosyon ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako at umuusok na ngayon ang ilong ko sa sobrang galit.
"Alam mo, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo! Kung ayaw mo ibigay, e'di huwag mo!" I said furiously. "Hindi kita pinipilit ibalik 'yan! Ikaw ang tumawag tapos puro tawa ka pa! Napakasaya mong tao pero hindi ako naliligayahan sa'yo kaya ayusin mo ang tabas ng dila mong bwisit ka!"
Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo ko mula sa ulo dahil sa sobrang yamot ko. I already panting because of the extreme emotion that I've released by ranting the caller. He's getting beyond boundary! Anong akala niya?! Close kami para biru-biruin niya ako ng gan'on?! Hindi ko nga siya kilala, e! Gago ba siya?!
Dahil sa biglaang pagsigaw ko ay na-alarma ko si Toby. Bakas sa ekspresyon ni Toby na naguguluhan siya sa kung ano ang gagawin nang sumigaw na ako. I watched him rush to the kitchen to get me something that can make me calmer. Then, he came back holding a glass full of cold water and handed it over to me. Nakatitig lamang siya sa'kin at inoobserbahan ako kung kumakalma na ba ako o hindi pa. He also mouthed ‘okay ka lang?’ with a full concern reflecting on his eyes. I nodded in response to him para malamang ayos lang ako and I also give him a thumbs up.
I slowly took a sip on the glass of water and tried to do some breathing method. I tried to pattern my breath to maintain myself from being cold-headed.
Narinig ko na naman ang hagikhik niya sa kabilang linya. [Okay, okay, don't be mad….Chill. Magkita tayo sa school niyo, aantayin kita after ng class niyo then I'll take your phone back, don't worry. Besides, I have no interest in someone's belongings.]
"Sino ka ba?" Maangas na tanong ko. Medyo kalmado na ako ngayon pero kapag umulit pa 'to, bababaan ko na kaagad ng tawag. Ayoko pa ma-ospital dahil sa highblood.
[You still doesn't have a clue of who am I? Wow… Nakakasakit ka na talaga, Ayen. Kagabi lang tayo nagkakilala tapos nalimutan mo na kaagad ako? Ako 'to! 'yung gwapong kausap ng kaibigan mo!] I partially closed my eyes to recall him.
Now, I know who he was. He was Caitlyn's date kagabi. Siya 'yung mayabang na makapal ang mukhang crush ni Caitlyn!
"Too full of yourself," bulong ko. Mukhang hindi naman ata niya narinig dahil hindi nito dinepensahan ang sarili kaya safe ako. Ang layo ng itsura niya kumpara sa kine-claim niyang mukha niya. Kadiri.
"Ibalik mo sa'kin and please, stay your hands off my phone. Baka malagyan ng germs, mahirap mag-sanitize. And most importantly, there's a lot of essential files and photos inside that phone baka madisgrasya mo pa kaya paki-ingatan." Utos ko.
[Ay, sige po madam. Iingatan ko po. Salamat sa'kin kasi nagmagandang loob ako na ibalik pa 'yung cellphone mo, ha… Itapon ko 'to.] Napapikit ako at inilayo ang phone dahil mas lalong umingay ang background niya. Biglang nagsigawan ang mga tao sa kabilang linya. May narinig pa akong umaalulong na parang aso. Nasaan zoo ba siya?
Balak ko na sanang ibaba ang tawag since alam ko na kung na kanino ang phone ko at kung paano ko kukunin ng bigla na naman itong magsalita.
[I'll be at your university on Monday. I will just keep in touch with Cai so that I can return your phone. Don't worry. As I said, I don't have any interest in someone's belongings so I will not tamper with your phone.] He said before hanging up the call. Bastos, ako dapat ang unang magbababa ng phone!
I hand over the phone to Toby na nagulat pa nang bigla kong i-abot sa kan'ya 'yon, masyado itong invested sa panonood sa'kin makipag-usap. He tried to open his mouth to ask questions but immediately shut it to prevent himself from releasing words. I know he is curious about my conversation between the caller but he decided to be silent. Siguro ay naisip ni Toby na overwhelmed pa rin ako at mainit pa ang ulo sa mga kagaguhang pinagsasabi sa'kin nung Gaius, date ni Caitlyn kagabi.
Buo na ang desisyon ko. Ayokong mapasama si Caitlyn sa lalakeng 'yon. Ni hindi ko nga ma-imagine si Caitlyn na kasama 'yung lalakeng 'yon! Baka turuan niya ring umalulong katulad nung narinig ko kanina. Baka maging abnormal din ang kaibigan ko!
I walk to the sala and sat on the couch. Sumunod na naman sa'kin si Toby at umupo siya sa tabi ko. I look at him, his stares making me feel more guilty.
I hold his hand. "I'm sorry, Love. I accused you without thinking." I said apologetically.
He just let out a small sigh then smiled at me. He drew closer to me to hug me tight. I rested my head on his shoulder then closed my eyes, feeling his embrace while gently caressing my hair.
"It's fine, love," he assured and then kissed my forehead.
It mealting me feel the way he cared for me. Although I told him hurtful words, he didn't get mad at me. Instead, he understands my frustrations.
Pinakawalan na niya ako sa pagkakayakap niya. I stare at his eyes down to his lips. I smiled softly before giving him a gentle peck of kiss.
"You know that I can't be mad at you. I love you so much." He beamed a soft smile before pinching my cheek.
He's been like this since the first time I met him. Hindi pa kami masyadong close n'on sa isa't isa but he really do care for me…for everyone dahil natural ang pagiging mabait ni Toby sa lahat.
"I love you more than you do!" I said boastfully. He chuckled because of my sudden mood changes.
He cupped my face and kissed me in my forehead. I closed my eyes to feel the warmth coming from his kiss. It sent butterflies in my stomach… I love this certain feeling.
When I opened my eyes, I saw him staring at me, still cupping my face. I slightly hit him on his arm and he just laughed.
Today is Sunday, Toby and I decided to go out for a date because we noticed that these past few weeks, we've been busy to the point that we barely talk to each other because we almost spent our time inside of each other's rooms.
Parang hindi kami nag-away kahapon kung maka-akto kaming parang walang nangyari. Nagawa pa naming magplano kung saan kami pupunta and now we're heading to Manila Ocean Park where Toby insisted. Kahapon niya pa ako kinukulit na pumunta kami sa Ocean Park dahil hindi pa kami nakakapunta d'on. He also said he wanted to see various water creatures kaya pumayag na rin ako sa huli. Gusto ko sana na mag-coffee date kami pero ito ang unang beses na nag-insist si Toby na gusto niyang puntahan sa isang date kaya pinagbigyan ko na.
Habang papunta sa Manila Ocean Park, ramdam ko na ang excitement na nanggagaling kay Toby dahil sa loob pa lang ng sasakyan ay todo na ang ngiti niya.
"Love, look at the stingray!" Toby exclaimed and pointed to the stingray. He drew even closer to the aquarium to see the stingray even more clearly.
We're currently here at the Oceanarium. Toby was really fascinated by the stingrays and sharks. Kanina pa niya ako tinatawag sa tuwing may dadaang stingray o pating sa harap niya.
I chuckled. He looks so adorable. Para itong bata na sobrang excited na makakakita ng gan'on. I think I need to take a picture of this scene.
I silently took my phone out of my pocket and took a candid photo of him. He was too busy looking at the stingray so he didn't notice that I took a picture of him. His eyes were sparkling and his smile reaches his ears, it is obvious that he is really happy seeing those creatures…He looks so amused seeing different sea animals. Kamag-anak ata ni Aquaman ang boyfriend ko.
After that, we stayed in the Oceanarium for a couple of minutes dahil pinagmasdan pa nito ng matagal ang iba't ibang marine creatures d'on. Panay nga siya tawag sa'kin sa tuwing namamangha siya. Nang magsawa na si Toby sa Oceanarium, he suddenly held my hand and dragged me to the fish spa.
"Love, come here!" Yaya niya but I refused. "Love, please, dali na!" Pagpupumilit nito.
Toby immediately took off his socks and shoes, then dipped his feet in the water full of small fishes. I want to join, too, but I am terrified to go to. Seing those fishies, I might kill them because of fear. Baka matapakan ko sila!
"Love, no!" Sigaw ko ng subukan nitong ilublob ang paa ko sa tubig. "Love, please, ayoko. Look, hindi pa ako nakakahawak ng buhay na isda." Hindi ko inisip ang sinabi ko at basta na lamang akong sumigaw kaya napatingin ang ibang tao sa'kin.
He laughed. "Hindi mo naman hahawakan, Love." He held my hand, trying to calm me down so I don't freak out. "Just try it, you will lose nothing." Pangungumbinsi niya sa'kin.
Wala na akong nagawa kung hindi ilublob rin ang paa ko r'on tulad nung ginawa niya. No'ng una, halos gusto ko nang umalis doon dahil hindi ko gusto ang pakiramdam ng mga isdang umaaligid sa paa ko pero kalaunan ay ayos naman. Nag-overreacted lang ata ako kanina.
Napaka-energetic ni Toby ngayon. Halos hindi ko masabayan ang excitement na bumabalot sa kan'ya. Nauubos ang enerhiya na natitira sa'kin kakayaya ni Toby magpunta sa kung saan-saan. Turo ito nang turo, daig pa ang mga batang kasabayan namin d'on. 'yung mga bata nga ay nakatulog na sa pagod pero siya ay buhay na buhay pa rin.
"Love, can we go to the world of creepy crawlies? I heard they will let us touch the Iguanas. I want to try it, Love!" The extreme excitement is visible to Toby's voice. I couldn't resist him being adorable so I agreed to come to the world of creepy crawlies as he wished.
Pagkapunta pa lang namin d'on bubungad na kaagad ang iba't ibang animals like iguanas, frogs, snakes, turtle and many more. We wandered around and I can see the deep amazement in Toby's eyes.
Kumikislap ang mga mata nito lalo na nung nakita niya ang iguana… Kaagad nagtungo si Toby sa terrarium ng iguana at kinatok 'yon kaya napatingin sa kan'ya ang reptile. Ang weird, kasi hindi 'yon kumukurap kaya na challenge si Toby at nakipag-staring contest na sa iguana.
"Love, I think we had a connection." Biglaang saad ni Toby. Lakas talaga ng tama ng lalakeng 'to.
Para bang gusto niyang iuwi ang iguana na nasa loob ng lagayan nito at ipuslit sa bulsa niya sa sobrang titig nito d'on. Tila ba nagco-communicate ang dalawa sa pamamagitan nang pagtitig…Walang gustong magpatalo. Hindi kumukurap ang iguana kaya gan'on din ang ginawa ni Toby. D'on pinakanagtagal si Toby, sa pakikipagtinginan sa iguana.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid. Ang daming makikitang iba't ibang types ng reptile. Sa hindi inaasahan, may isang reptile na nakakuha ng atensyon ko. Biglaan na lamang ako napatitig sa isang terrarium, it caught my attention dahil mukhang pamilyar sa'kin ang reptile na nasa loob n'on. Tumingin ako kay Toby na busy pa rin sa pagtitig sa iguana.
Hindi na rin ata humihinga ang lalakeng 'to. Talagang wala siyang kagalaw-galaw. As if naman mananalo siya r'on sa iguana, e, mukhang pinagt-tripan siya n'on.
I tugged Toby's sleeve to get his attention. "Love, is that a tuko?" I pointed to the small four legged animal that seemed like a tuko. I am uncertain if it is tuko or not. Malay ko ba sa gan'on, mukhang pamilyar lang naman sa'kin.
"Love, that's a gecko," Toby corrected me without breaking the staring contest with the iguana.
Hindi niya nga tinignan! Pa'no niya nasabi na gecko 'yon?!
"Aren't they the same?" I confusedly asked.
"I don't know? What I know is the name of that reptile is indicated near on its container."
Oh wow, what was that? Gan'on ba ko katanga para sabihin niya kung nasaan ang pangalan n'on? Syempre alam ko na may gan'on! Sinigurado ko lang! Pa'no kung nagkamali sila, di'ba? E'di pwede naming sabihin sa staff na mali!
Hindi na ako nakipagtalo kay Toby. Pinagmukha akong tanga, e. Nainis ako.
I roamed my eyes around and I saw a bayawak. I pulled Toby on the hem of his shirt and walk over to see the bayawak. Because I dragged him together with me, naputol ang contest nila ng iguana. He force to bid his goodbyes to his bestfriend, iguana. He even named it Poochi even though they just met a few hours ago.
Habang papalapit ako ay mas lalo kong nakikita ang kabuuang itsura nung bayawak. Napuno ako ng pagkamangha nang makita ko kung ga'no kalaki 'yon. Ramdam ko ang kaba at sobrang excitement ng makita ko ito.
"Wow," I awed.
"You're interested in monitor lizards, Love?" Tanong nito habang ako naman ay abala sa pagtingin d'on sa bayawak.
Napatingin ako kay Toby at napakunot ng noo. "Ha? Hindi ba bayawak 'to?" Hindi ako makapaniwala. Hindi ba bayawak 'yan?! Pinagti-tripan na lang ata ako ng lugar na 'to, e!
Nainis naman ako sa nakakaasar na tawa nito sa'kin. Ano bang pinagkaibahan ng monitor lizard sa bayawak? E, iisa lang din naman 'yon! Parehas silang may apat ba paa, jusko naman!
I puffed my cheeks and tried to control my temper. Pinanood ko lamang na tumawa si Toby at inaantay na matapos. Habang abala sa pagtawa si Toby ay napansin ko na napapagawi ng tingin sa kan'ya ang ibang tao na napapadaan.
Anong problema ng mga 'to? Ngayon lang ba sila nakakita ng masayahing tao? Hindi naman kasama sa attraction ang boyfriend ko sa Ocean Park!
Nang hindi tumigil sa pagtawa sa'kin si Toby ay hinatak ko na ito paalis d'on para matigil na ang pagtingin sa kan'ya ng mga tao. Saka, gusto ko rin libutin ang ibang parte ng Ocean Park pero hindi pa kami nakakalayo ay nagpapigil umalis si Toby, gusto niya pa raw hawakan 'yung iguana, 'yung bestfriend niya.
Hindi niya na nahawakan ang iguana dahil umalis na kami r'on nang tuluyan dahil hinatak ko siya. It's either aalis kami o iiwan ko siya at uuwi ako mag-isa. Abusado, eh. Ginawa akong clown.
It's almost 4pm. Our last destination is the Jellies Exhibit. Once we entered the Jellies Exhibit, our eyes filled with different colors coming from the tank of Jellies… It is tantalizing in my eyes. Para siyang Christmas lights sa dami ng kulay na pumapalibot sa'min.
We wander ourselves inside the Jellies Exhibit. Namangha ako sa bawat jellyfish na nakikita ko dahil ang ganda ng mga kulay nila. Pa'no kaya nila nagawa 'to? Parang malaking lava lamp na may iba't ibang kulay ng bawat tank at mas lalo ring nakakamangha ang tila ba nagsasayaw na mga jellyfish. May iba't ibang haba at laki ang mga jellyfish na nandoon.
Kinalabit ako ni Toby kaya nawala ang atensyon ko sa mga jellyfish. "Love, let's take a picture here." Anyaya niya. Iginaya niya ako sa tapat ng isa sa mga tank ng jellyfish.
"You want to take a picture? Wait," I took out my phone and extend my hand, ready to take a picture of the both of us nang pigilan ako nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kan'ya. Akala ko ba magpi-picture kami?
"Let's ask someone to take a picture of us, wait for me here." Tumakbo paalis si Toby ng walang pasabi. Lumabas ito at iniwan ako r'on mag-isa.
Inantay ko siya ng ilang minuto habang nililibang ang sarili ko mag-isa. Natutuwa ako at na re-relax habang pinapanood ang mga jellyfish na gumalaw. Ang babaw naman ng kaligayan ko.
"Ayen!" Sigaw ni Toby sa pangalan ko. Pagtingin ko sa kan'ya ay tumatakbo ito habang hawak ang kamay nung hatak niyang isang lalake.
Nagtataka naman ako kung bakit grabe kung makahatak si Toby. Mukhang close niya ata 'yung lalake. Kaibigan niya ba 'yon? Hindi ko pa nakita o nakilala 'yon simula noon. Hindi naman kinuwento o 'di kaya pinakilala sa'kin ni Toby 'yang kaibigan niya na 'yan.
Dinukot ni Toby sa bulsa niya ang phone niya saka inabot ang 'yon sa lalake. "Pre, pa-picture kami sandali."
Pumayag naman 'yung lalake kaya tumakbo na papunta sa'kin si Toby. I already pose for the picture when suddenly Toby held my waist and pull me a little bit closer to him. Nailang naman ako dahil sa ginawa niya. Nang mapagtantong hindi ako naka-pose tumingin sa'kin si Toby and mouthed 'Love, pose for the cam' then made a peace sign. Ginaya ko na lang siya at medyo pilit na ngumiti sa harap nung camera. The guy utter 'okay na pre, isa pa'.
Ready na sana ako magpose pa ng isa nang biglang hawakan ako ni Toby sa magkabilang balikat para iharap ako sa kan'ya. Holding both of my shoulders, his hands get down to my waist again then he kissed me on my forehead.
Nakaramdam ako ng matinding init sa mga pisngi ko kaya nang tignan ni Toby ang mukha ko ay tumawa siya ng parahan saka pinisil ang tungkil ng ilong ko. His sudden actions took me off guard! Hindi ba siya nahihiya? Nandyan sa harap namin 'yung friend niya.
"Okay na, pre!" Sigaw nung nagpicture sa'min.
After taking pictures, the guy rushed to our direction para isauli ang cellphone ni Toby. Toby tapped his shoulder and thanked him bago umalis ang lalake at nagpaalam.
I look at Toby. "Do you know him? Mukhang close kayo. Hindi mo naman pinakilala sa'kin. Sayang, umalis kaagad." Nanghihinayang na sabi ko.
"Hindi ko nga kilala 'yan, e," he laughed. "Nakita ko lang 'yan d'on, nakatayo lang kaya naki-usap lang ako magpapicture, pumayag naman."
Syems, akala ko close sila. Mukhang friend sila kung pagbabasehan ang way ng pakikipag-usap nila sa isa't isa. Hindi naman pala kilala ng loko-lokong 'to 'yung hinatak niya.
Pagkatapos ng nakakapagod na lakad namin napagdesisyunan namin na umuwi na pero bago kami umuwi ay napadaan muna kami sa may souvenir shop para bumili mg penguin na stuffed toy. Hindi kasi kami nakapunta sa Trails to Antarctica dahil pagod na kami ni Toby. Gusto sana namin makita 'yung mga penguins pero hindi na namin kayang pumunta d'on kaya stuffed toy na lang ang bibilhin namin, parehas din namang penguin 'yon. Naubos na kasi namin pareho ang energy na natitira sa katawan namin kakalibot kaya parehas na naming gustong umuwi at magpahinga.
Tinamad na rin kami pumunta sa restaurant para kumain kaya nag takeout na lang kami at mapagkasunduang kumain na lang sa bahay para iwas hassle dahil parehas na din kaming pagod sa byahe.
"Ayen…" I felt someone was tapping my cheek continuously. I groaned at sinubukang hawiin ang kamay na gumagambala sa'king pagtulog."Love, wake up," I tried to cover my face with the pillow but he tried to get me up by pulling my arms up however, his plan did not affect since I am heavy."Love, please! Get up!" I heard he said something but it is inaudible. I don't understand anything except wake up!I am drained! I can't even open my eyes! Ayoko pa bumangon, pakiramdam ko aysobrang pagod ng katawan ko at hindi ko kayang tumayo mula sa pagkakahiga."LooooOooove! Come on! Get up, NOW!" He held my both shoulders and shook me.Nagpapadyak ako dahil napakakulit nito. Ayaw akong tigilan at panay alog sa'kin!I opened my eyes and the first thing I saw was Toby. He now gently patting my shoulder, trying to wake me up again. Napangiti si Toby nang makitang bahagyang dumilat na ako saka siya umayos ng upo sa may kama ko.
"Ayen!" Napalingon ako kay Cai na tumawag sa'kin. Malaki ang ngiti nito sa kan'yang labi saka lumulukso-lukso pa ito nang lumapit sa'kin. Ipinulupot nito ang braso sa braso ko at isinandal ang pisngi sa balikat ko. "Guess what?" Ano na namang kalokohan nito? Susulpot para magpahula, e, hindi pa naman ako marunong manghula."Malay ko sa'yo, Caitlyn. Uuwi na ako kaya bumitaw ka na." Pwersahan kong tinanggal ang kamay niya. Ano ba 'to? Sawa? Grabe kung makakapit! Ayaw bumitaw!Hanggang sa paglalakad ko ay tila ba ahas si Caitlyn. Ni ayaw ako nitong bitawan at mas lalo pa nga ng hinihigpitan ang kan'yang kapit sa'king braso."Why are you so grumpy? Did you and Toby fight? Aw, too bad." She said using her baby voice. Anong kinalaman n'on? Pa'no napasok 'yan sa usapan?"Just let go of me," I said blandly."Tsk, I just want to spread good news to you!" Masayang wika niya. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay."Get your hands off me. Mabigat ka." Kanina pa ako nabibigatan sa kan'ya dahil idin
Unang linggo ng bakasyon. Wala naman akong mahalagang gagawin ngayong araw...Hindi ako sanay sa ganito. Buong araw kong inubos ang oras ko sa unit ng wala ni isang ginagawa. Buong araw ko rin ininda ang pangungulit sa'kin ni Toby. Magbakasyon daw kami at siya na raw ang bahala sa buong gastusin basta sumama lang daw ako. "Loooooove, dali naaaaa, sama ka na!" Inalog-alog niya ang isang balikat ko. Inis ko namang tinanggal ang kamay niya d'on. Ang itsura nito ay mukhang nagpapa-awang tuta. Inirapan ko lamang 'to saka binalik ang sarili sa pagbabasa ng isang article.But this man beside me was too persistent. He doesn't even take a no's as an answer."Love, please? I want to take a vacation! I don't want to stay here in the middle of summer! We need to go to the beach or even go to the province to gather some fresh aaaaaaaair!" Nagpapapadyak pa ito na parang batang nagmamaktol. Napahilot ako sa sintido ko. Why would I always go through this every time summer comes? Laging ganito si Tob
Nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe. Nagising na lang ako, nadatnan ko na gabi na at isa-isa na ring binababa ni Toby ang mga gamit namin. Nakapark na rin ang sasakyan. Nagstretch ako para kahit papaano ma-kondisyon ang katawan ko saka ako bumaba sa sasakyan para tulungan si Toby sa likod."Let me carry this," sinubukan kong kunin ang bag na hawak niya pero iniwas niya 'yon. Nagtataka akong tumingin sa kan'ya."You don't have to carry anything. Go to the lobby first, Love. I'll carry all the baggage," Isinukbit niya sa magkabilang balikat ang dalawang backpack, sunod naman niyang binuhat ang dalawang weekender bag. Tinitigan ko pa lang kung paano niya buhatin ang mga 'yon, parang ako ang nabibigatan para sa kan'ya."Are you sure? Isn't that very heavy? I can help naman." I am sincere of helping him. Seeing him carrying all those bags, it must be very heavy."I'm fine, don't you trust my muscles, Love?" His brows gestured up and down while smirking at me. He's too full of himself."O
"Toby! Ayoko! Baka malaglag ako d'yan!" Hinampas ko ang kamay ni Toby para hindi niya ako mahawakan.Instead of pagaanin ang loob ko ay tinawanan lang ako ng malakas ni Toby. "No! You're not going to fall! You haven't even ridden yet!" Malakas akong napasigaw ng subukan akong isakay ni Toby sa kayak. Hindi naman talaga ako takot magkayak. Takot ako sa kasama ko magkayak! Nagbabalak kasi si Toby na itulak ako, pinagbantaan ako na kapag nasa malalim na bahagi na raw kami ng dagat ay sadya niya raw akong itutulak at iiwan!"Sasampalin kita, Toby! Kapag ako sadya mong hinulog, 'wag ka na magpapakita sa'kin!" Pagbabanta ko."Ayoko! Ayoko d'yan sa harap mo!" Sobrang ingay at panay sigawan ang ginawa namin ni Toby na pati 'yung naga-assist sa'min sumakay sa kayak ay natatawa. In the end nakasakay din kami at ngayon ay nagp-paddle sa gitna ng dagat.The sun was scorching. The heat that came from the sun felt like needles stabbing my skin. I should wear the longsleeve rash guard rather than
"Toby! Restrain yourself from eating too much!" Saway ko dahil sunod-sunod ang pagkain nito. Punong-puno na ang bibig nito pero hindi pa rin siya tumitigil kakalagay ng pagkain sa bibig niya. Balak ko sanang agawin 'yung bowl ng garlic shrimp na nasa harapan niya para pigilan ito sa sobrang pagkain kaso naunahan ako nitong kunin 'yon at iniwas niya sa'kin para hindi ko makuha. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi ito nagpatinag. Talagang inasar pa ako nito dahil inilapit nito ng kaunti ang mukha niya at kinain niya ng dahan-dahan sa mismong harapan ko.I grimaced. Nanunubok siya ng pasensya. Kapag ba sinampal ko 'to rito, makapang-aasar pa kaya siya?I pointed at him. "Kapag may nangyaring masama d'yan sa tyan mo, bahala ka na sa buhay mo," pagbabanta ko. Sumimangot si Toby saka inabot ang baked mussels para ipagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung na apektuhan ba ito o nananadya lang siya.Si Toby lang ang kumakain sa'ming dalawa. Hindi na rin natuloy ang plano ko na magswimsu
Kinabukasan, mga tanghali kaming pumunta ni Toby sa mall para maglibang dahil masyado na ata akong babad sa loob ng unit samantalang si Toby, e, sobrang busy. Titingin na rin ako sa pet shop dito sa mall dahil baka may magustuhan ako d'on."Can we pass by the pet shop?" Tanong ko. Magkahawak ang kamay namin ni Toby na nag-lilibot sa loob ng mall. Isini-swing pa niya ang kamay namin.Tumingin sa'kin si Toby at ngumiti. "Okay," pagpayag niya. "Are you planning to pick a dog today?" Umiling ako. "Nah, I'll just take a look. Hindi kaagad ako kukuha, pag-iisipan ko na lang muna."Napatawa naman ito ng mahina. "Why'd you need to think of it? Buy it now and think after." Nakangiting suwestyon ni Toby.Tinignan ko siya nang matalim saka inirapan. Ipapahamak pa ako. Puro na lang talaga kalokohan ang binabanggit ng lalakeng 'to.Nang mapadaan kami sa may bookstore, kaagad kaming pumasok d'on. May specific din kasi akong libro na gustong bilhin at mga stationeries. Gan'on din si Toby, bibili ri
First-day ng pagbabalik namin sa university. Pagkapasok ko pa lang kumaway na kaagad sa'kin si Jenna ng makita ako nito. Nakangiti ito at sumenyas sa'kin na sa tabi niya ako uupo.Mabilis naman akong nagtungo sa pwesto niya. Ngumit siya sa'kin pagkaupo ko pa lang."How's the vacation?" Bungad nito. Napakamot naman ako sa ulo ng tanungin niya sa'kin 'yon. Naalala ko kasi kung ano ang mga nangyari. Sobrang gulo, napakagulo lalo na at puro sakit ng ulo ang binigay sa'kin ni Toby n'ong bakasyon. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa tuwing naalala ko 'yon."Well, kind of disaster I guess?" Awkward pa akong napatawa sa kan'ya."Hey, girls, what's the tea?" Napalingon kami kay Ate Karla na may malapad ang ngiting nakatayo sa gilid ko. Kaagad akong niyakap nito at nakipag beso, gan'on din ang ginawa niya kay Jenna at umupo sa kabilang side nito."Seems like Caitlyn is late again? On the first day of class. Well, as usual of her. What's new?" Ate Karla rolled her eyes. Napatawa naman kami n
Nakatingin sa ibaba, naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada at hindi iniinda ang mga dumaraang sasakyan sa gilid ko.Palakad-lakad lamang ako, hindi alam kung saan o hanggang kailan ako dadalhin ng mga paa kong tila hindi nakakaramdam nang pagod.Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko kung ano ang nangyari kanina. Pa'nong umabot sa gan'on ang magandang intensyon ko na dalawin ang kaibigan ko? Wala akong ginawang masama. Hindi totoo ang mga ibinibintang ni Jenna sa'kin dahil kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na ipagkalat ang nalalaman ko sa kahit kanino!"She took the blame on me that easily…" napatingin na lamang ako sa kulay bughaw na langit habang mabagal na naglalakad. "I did not do the allegations she said I did… but, how could I explain myself to prove my side? Kung idinidiin niya na ako kahit pa hindi pa niya naririnig ang paliwanag ko?"Napahinto ako sa paglalakad. Naisip ko na kanina d'on sa bahay ni Jenna ay ipinapaliwanag ko na ang sarili ko kaya nga lang…ang mga matang
"Do you need anything else, Tita?" I asked as I placed the cup of green tea on the coffee table.She just waved her hands to me, refusing my offer. "I came here just to check on my son. There's no need to make an extra effort. Besides, I won't stay here for too long. I'll leave immediately." Malamig na tonong wika ni Tita.Napatikhim ako upang pigilan ang sarili na dumaldal pa dahil mukhang hindi ito natutuwa na makita ako.I excused myself to Tita at naglakad na lang ako patungo kay Toby na nag o-organize ng mga groceries. "Nandyan si Tita, oh. Ako na d'yan, pumunta ka na r'on para makapag-usap kayo." Bulong ko. He nodded and stood up. "Just leave those cans there." Turo niya sa mga lata na nasa ibabaw ng counter. "I'll take care of it later," Tinalikuran niya na ako at nagtungo sa salas kung na saan si Tita.I organized our groceries silently. I heard their conversation but chose not to eavesdrop and mind what I'm doing right now."Son, you're too young to live yourself alone. Can'
Abala ako ngayong umaga sa pag-aasikaso kay Gio. Kakatapos lamang nitong maligo dahil nagdumi ito. Pa'no kasi, bumili ng dragon fruit si Toby at ipinakain 'yon kay Gio kaninang madaling araw! Hindi man lang nilinisan 'yung aso! Ang hirap pa namang tanggalin nung stain ng dragon fruit! Ngayon ay nasa sala kami ni Gio habang pinupunasan ko ang basang balahibo nito. Laking pasalamat ko talaga na kulay brown si Gio at nadala sa baking soda paste ang pagtanggal sa stain nung dragon fruit."All clean!" Masayang wika ko nang matapos kong punasan ang buong katawan ni Gio.Nagkakawag ito upang patuyuin ang sarili kaya tumilansik ang butil ng tubig mula sa kan'yang balahibo na tumama naman sa'king mukha. Pinunasan ko ang tubig na tumalsik sa mukha ko bago bigyan ng headpat si Gio."Do you want me to dry your fur, baby? I know you love playing with blowers, wait," hindi mapakali at nagtatakbo paikot si Gio nang marinig niya ang salitang 'blower'. Tumayo na ako para kunin ang blower sa kwarto k
Nakatulog kaagad ako pagkahatid sa'kin ni Gaius. Nalimutan ko nga kumain dahil inantok kaagad ako. Dahil maaga ako nakatulog kagabi kaya ngayon ay gising ako ngayong madaling araw. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako dinadalaw pa ng antok.Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Gio. Ngayong madaling araw ay napagdesisyunan kong lumabas kasi nagutom ako pagkagising ko kanina. Naramdaman kong nagwala kaagad ang tyan ko kanina. Ang sabi ng mga staff ay may malapit daw na night market dito. Meron ding convenient store at Jollibee na pwedeng lakarin, walking distance lang. Malamig sa labas kaya nagsuot ako ng dark blue na pang-ibabang pajama at oversized na hoodie na kulay yellow. Nakatali rin ang buhok na pa-ponytail at nagsuot ako ng cap na kulay beige.Nang masigurado ko nang maayos ang suot ko bago lumabas, kinuha ko na ang wallet ko sa loob ng bag saka dahan-dahang naglakad papunta sa pinto para iwasan ang gumawa ng ingay at magising si Gio.Successful ang paglabas ko. Madilim
"Gio! Stop chewing my shoe!" Saway ko kay Gio nang napagtripan nitong kagat-kagatin ang heels na sapatos ko.Abala ako sa paglalagay ng hikaw ko. Hindi nakinig sa'kin ang pasaway na aso at patuloy sa pagkagat sa sapatos ko. Nang matapos kong ilagay ang hikaw ko ay kaagad kong inawat si Gio. Galit na galit ito sa sapatos ko na parang may personal itong sama ng loob."Baby, stop, okay? Wala na akong gagamiting sapatos kapag nasira mo 'yan," sermon ko sa kan'ya pero nagpupumiglas si Gio sa pagkakahawak ko sa kan'ya at ayaw magpaawat. Wala na akong choice, inilapag ko si Gio at nang tangkain niyang balikan ang sapatos na nasa lapag ay kaagad ko 'yon kinuha. Napatingin naman si Gio sa sapatos na inangat ng kamay ko.Napakunot ang noo ko. "What's wrong with you, huh?" Ang weird ng kilos ngayon ni Gio. Iretable ito masyado at napaka-unusual sa'kin n'on dahil kadalasan ay antukin ito.Panandalian kong ipinatong ang sapatos sa may round table dahil hindi ko pa naman gagamitin. Niluhod ko ang i
Nagising ako na tila ba binuhusan ako nang malamig na tubig nang makita ko kung anong oras na. Late na ako! Papasok pa naman ako ngayon! Bakit ngayon pa nagtaksil ang alarm ko!Nakahiga si Gio sa gilid ng kama ko. Napabangon ito nang marahas akong tumayo at naggagahol na nagtungo sa bathroom para maligo. Habang naliligo ako, halos hindi ko na masyadong kinuskusan ang sarili ko dahil ayokong magtagal. Sobrang late na ako sa pagpasok! Sayang ang lesson! Naka missed na ako ng isa, hindi pwedeng dumalawa pa!Nang makalabas ako sa bathroom. Basang-basa akong lumabas na tanging twalya lang ang nakabalot sa'king katawan. Sobrang basa pa ang buhok ko at tumuto pa ito pababa sa'king katawan. Naglakad na ako patungo sa harap ng closet ko para kunin ang susuotin ko. Muntik pa nga akong madulas dahil sa kalokohang pinaggagagawa ko! Buti kamo napakapit ako sa may closet kaya hindi ako tuluyang nadulas!Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos at dali-daling sinuot ang damit ko. I didn't bother to app
First-day ng pagbabalik namin sa university. Pagkapasok ko pa lang kumaway na kaagad sa'kin si Jenna ng makita ako nito. Nakangiti ito at sumenyas sa'kin na sa tabi niya ako uupo.Mabilis naman akong nagtungo sa pwesto niya. Ngumit siya sa'kin pagkaupo ko pa lang."How's the vacation?" Bungad nito. Napakamot naman ako sa ulo ng tanungin niya sa'kin 'yon. Naalala ko kasi kung ano ang mga nangyari. Sobrang gulo, napakagulo lalo na at puro sakit ng ulo ang binigay sa'kin ni Toby n'ong bakasyon. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa tuwing naalala ko 'yon."Well, kind of disaster I guess?" Awkward pa akong napatawa sa kan'ya."Hey, girls, what's the tea?" Napalingon kami kay Ate Karla na may malapad ang ngiting nakatayo sa gilid ko. Kaagad akong niyakap nito at nakipag beso, gan'on din ang ginawa niya kay Jenna at umupo sa kabilang side nito."Seems like Caitlyn is late again? On the first day of class. Well, as usual of her. What's new?" Ate Karla rolled her eyes. Napatawa naman kami n
Kinabukasan, mga tanghali kaming pumunta ni Toby sa mall para maglibang dahil masyado na ata akong babad sa loob ng unit samantalang si Toby, e, sobrang busy. Titingin na rin ako sa pet shop dito sa mall dahil baka may magustuhan ako d'on."Can we pass by the pet shop?" Tanong ko. Magkahawak ang kamay namin ni Toby na nag-lilibot sa loob ng mall. Isini-swing pa niya ang kamay namin.Tumingin sa'kin si Toby at ngumiti. "Okay," pagpayag niya. "Are you planning to pick a dog today?" Umiling ako. "Nah, I'll just take a look. Hindi kaagad ako kukuha, pag-iisipan ko na lang muna."Napatawa naman ito ng mahina. "Why'd you need to think of it? Buy it now and think after." Nakangiting suwestyon ni Toby.Tinignan ko siya nang matalim saka inirapan. Ipapahamak pa ako. Puro na lang talaga kalokohan ang binabanggit ng lalakeng 'to.Nang mapadaan kami sa may bookstore, kaagad kaming pumasok d'on. May specific din kasi akong libro na gustong bilhin at mga stationeries. Gan'on din si Toby, bibili ri
"Toby! Restrain yourself from eating too much!" Saway ko dahil sunod-sunod ang pagkain nito. Punong-puno na ang bibig nito pero hindi pa rin siya tumitigil kakalagay ng pagkain sa bibig niya. Balak ko sanang agawin 'yung bowl ng garlic shrimp na nasa harapan niya para pigilan ito sa sobrang pagkain kaso naunahan ako nitong kunin 'yon at iniwas niya sa'kin para hindi ko makuha. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi ito nagpatinag. Talagang inasar pa ako nito dahil inilapit nito ng kaunti ang mukha niya at kinain niya ng dahan-dahan sa mismong harapan ko.I grimaced. Nanunubok siya ng pasensya. Kapag ba sinampal ko 'to rito, makapang-aasar pa kaya siya?I pointed at him. "Kapag may nangyaring masama d'yan sa tyan mo, bahala ka na sa buhay mo," pagbabanta ko. Sumimangot si Toby saka inabot ang baked mussels para ipagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung na apektuhan ba ito o nananadya lang siya.Si Toby lang ang kumakain sa'ming dalawa. Hindi na rin natuloy ang plano ko na magswimsu