Unang linggo ng bakasyon. Wala naman akong mahalagang gagawin ngayong araw...Hindi ako sanay sa ganito. Buong araw kong inubos ang oras ko sa unit ng wala ni isang ginagawa. Buong araw ko rin ininda ang pangungulit sa'kin ni Toby. Magbakasyon daw kami at siya na raw ang bahala sa buong gastusin basta sumama lang daw ako. "Loooooove, dali naaaaa, sama ka na!" Inalog-alog niya ang isang balikat ko. Inis ko namang tinanggal ang kamay niya d'on. Ang itsura nito ay mukhang nagpapa-awang tuta. Inirapan ko lamang 'to saka binalik ang sarili sa pagbabasa ng isang article.But this man beside me was too persistent. He doesn't even take a no's as an answer."Love, please? I want to take a vacation! I don't want to stay here in the middle of summer! We need to go to the beach or even go to the province to gather some fresh aaaaaaaair!" Nagpapapadyak pa ito na parang batang nagmamaktol. Napahilot ako sa sintido ko. Why would I always go through this every time summer comes? Laging ganito si Tob
Nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe. Nagising na lang ako, nadatnan ko na gabi na at isa-isa na ring binababa ni Toby ang mga gamit namin. Nakapark na rin ang sasakyan. Nagstretch ako para kahit papaano ma-kondisyon ang katawan ko saka ako bumaba sa sasakyan para tulungan si Toby sa likod."Let me carry this," sinubukan kong kunin ang bag na hawak niya pero iniwas niya 'yon. Nagtataka akong tumingin sa kan'ya."You don't have to carry anything. Go to the lobby first, Love. I'll carry all the baggage," Isinukbit niya sa magkabilang balikat ang dalawang backpack, sunod naman niyang binuhat ang dalawang weekender bag. Tinitigan ko pa lang kung paano niya buhatin ang mga 'yon, parang ako ang nabibigatan para sa kan'ya."Are you sure? Isn't that very heavy? I can help naman." I am sincere of helping him. Seeing him carrying all those bags, it must be very heavy."I'm fine, don't you trust my muscles, Love?" His brows gestured up and down while smirking at me. He's too full of himself."O
"Toby! Ayoko! Baka malaglag ako d'yan!" Hinampas ko ang kamay ni Toby para hindi niya ako mahawakan.Instead of pagaanin ang loob ko ay tinawanan lang ako ng malakas ni Toby. "No! You're not going to fall! You haven't even ridden yet!" Malakas akong napasigaw ng subukan akong isakay ni Toby sa kayak. Hindi naman talaga ako takot magkayak. Takot ako sa kasama ko magkayak! Nagbabalak kasi si Toby na itulak ako, pinagbantaan ako na kapag nasa malalim na bahagi na raw kami ng dagat ay sadya niya raw akong itutulak at iiwan!"Sasampalin kita, Toby! Kapag ako sadya mong hinulog, 'wag ka na magpapakita sa'kin!" Pagbabanta ko."Ayoko! Ayoko d'yan sa harap mo!" Sobrang ingay at panay sigawan ang ginawa namin ni Toby na pati 'yung naga-assist sa'min sumakay sa kayak ay natatawa. In the end nakasakay din kami at ngayon ay nagp-paddle sa gitna ng dagat.The sun was scorching. The heat that came from the sun felt like needles stabbing my skin. I should wear the longsleeve rash guard rather than
"Toby! Restrain yourself from eating too much!" Saway ko dahil sunod-sunod ang pagkain nito. Punong-puno na ang bibig nito pero hindi pa rin siya tumitigil kakalagay ng pagkain sa bibig niya. Balak ko sanang agawin 'yung bowl ng garlic shrimp na nasa harapan niya para pigilan ito sa sobrang pagkain kaso naunahan ako nitong kunin 'yon at iniwas niya sa'kin para hindi ko makuha. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi ito nagpatinag. Talagang inasar pa ako nito dahil inilapit nito ng kaunti ang mukha niya at kinain niya ng dahan-dahan sa mismong harapan ko.I grimaced. Nanunubok siya ng pasensya. Kapag ba sinampal ko 'to rito, makapang-aasar pa kaya siya?I pointed at him. "Kapag may nangyaring masama d'yan sa tyan mo, bahala ka na sa buhay mo," pagbabanta ko. Sumimangot si Toby saka inabot ang baked mussels para ipagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung na apektuhan ba ito o nananadya lang siya.Si Toby lang ang kumakain sa'ming dalawa. Hindi na rin natuloy ang plano ko na magswimsu
Kinabukasan, mga tanghali kaming pumunta ni Toby sa mall para maglibang dahil masyado na ata akong babad sa loob ng unit samantalang si Toby, e, sobrang busy. Titingin na rin ako sa pet shop dito sa mall dahil baka may magustuhan ako d'on."Can we pass by the pet shop?" Tanong ko. Magkahawak ang kamay namin ni Toby na nag-lilibot sa loob ng mall. Isini-swing pa niya ang kamay namin.Tumingin sa'kin si Toby at ngumiti. "Okay," pagpayag niya. "Are you planning to pick a dog today?" Umiling ako. "Nah, I'll just take a look. Hindi kaagad ako kukuha, pag-iisipan ko na lang muna."Napatawa naman ito ng mahina. "Why'd you need to think of it? Buy it now and think after." Nakangiting suwestyon ni Toby.Tinignan ko siya nang matalim saka inirapan. Ipapahamak pa ako. Puro na lang talaga kalokohan ang binabanggit ng lalakeng 'to.Nang mapadaan kami sa may bookstore, kaagad kaming pumasok d'on. May specific din kasi akong libro na gustong bilhin at mga stationeries. Gan'on din si Toby, bibili ri
First-day ng pagbabalik namin sa university. Pagkapasok ko pa lang kumaway na kaagad sa'kin si Jenna ng makita ako nito. Nakangiti ito at sumenyas sa'kin na sa tabi niya ako uupo.Mabilis naman akong nagtungo sa pwesto niya. Ngumit siya sa'kin pagkaupo ko pa lang."How's the vacation?" Bungad nito. Napakamot naman ako sa ulo ng tanungin niya sa'kin 'yon. Naalala ko kasi kung ano ang mga nangyari. Sobrang gulo, napakagulo lalo na at puro sakit ng ulo ang binigay sa'kin ni Toby n'ong bakasyon. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa tuwing naalala ko 'yon."Well, kind of disaster I guess?" Awkward pa akong napatawa sa kan'ya."Hey, girls, what's the tea?" Napalingon kami kay Ate Karla na may malapad ang ngiting nakatayo sa gilid ko. Kaagad akong niyakap nito at nakipag beso, gan'on din ang ginawa niya kay Jenna at umupo sa kabilang side nito."Seems like Caitlyn is late again? On the first day of class. Well, as usual of her. What's new?" Ate Karla rolled her eyes. Napatawa naman kami n
Nagising ako na tila ba binuhusan ako nang malamig na tubig nang makita ko kung anong oras na. Late na ako! Papasok pa naman ako ngayon! Bakit ngayon pa nagtaksil ang alarm ko!Nakahiga si Gio sa gilid ng kama ko. Napabangon ito nang marahas akong tumayo at naggagahol na nagtungo sa bathroom para maligo. Habang naliligo ako, halos hindi ko na masyadong kinuskusan ang sarili ko dahil ayokong magtagal. Sobrang late na ako sa pagpasok! Sayang ang lesson! Naka missed na ako ng isa, hindi pwedeng dumalawa pa!Nang makalabas ako sa bathroom. Basang-basa akong lumabas na tanging twalya lang ang nakabalot sa'king katawan. Sobrang basa pa ang buhok ko at tumuto pa ito pababa sa'king katawan. Naglakad na ako patungo sa harap ng closet ko para kunin ang susuotin ko. Muntik pa nga akong madulas dahil sa kalokohang pinaggagagawa ko! Buti kamo napakapit ako sa may closet kaya hindi ako tuluyang nadulas!Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos at dali-daling sinuot ang damit ko. I didn't bother to app
"Gio! Stop chewing my shoe!" Saway ko kay Gio nang napagtripan nitong kagat-kagatin ang heels na sapatos ko.Abala ako sa paglalagay ng hikaw ko. Hindi nakinig sa'kin ang pasaway na aso at patuloy sa pagkagat sa sapatos ko. Nang matapos kong ilagay ang hikaw ko ay kaagad kong inawat si Gio. Galit na galit ito sa sapatos ko na parang may personal itong sama ng loob."Baby, stop, okay? Wala na akong gagamiting sapatos kapag nasira mo 'yan," sermon ko sa kan'ya pero nagpupumiglas si Gio sa pagkakahawak ko sa kan'ya at ayaw magpaawat. Wala na akong choice, inilapag ko si Gio at nang tangkain niyang balikan ang sapatos na nasa lapag ay kaagad ko 'yon kinuha. Napatingin naman si Gio sa sapatos na inangat ng kamay ko.Napakunot ang noo ko. "What's wrong with you, huh?" Ang weird ng kilos ngayon ni Gio. Iretable ito masyado at napaka-unusual sa'kin n'on dahil kadalasan ay antukin ito.Panandalian kong ipinatong ang sapatos sa may round table dahil hindi ko pa naman gagamitin. Niluhod ko ang i