Share

My Love, My Ali
My Love, My Ali
Author: KillerNamedMortem

Prologue

last update Last Updated: 2022-04-01 13:09:35

Nakaupo lamang ako sa dulo ng kama, masyadong abala sa pagtitig sa larawan ng aking asawa. Bahagya ko rin iyong pinupunasan upang linisin ang frame dahil may manipis na alikabook na nakadikit. Nagpakawala ako ng ngiti pagkatapos kong mapunasan ang larawan saka iyon hinalikan. Umaasang sana ay narito siya sa'king tabi.

Napaka-espesyal ng larawang 'yon sa'kin. Kami 'yon ng asawa ko magkasama at nakayakap kami sa isa't isa habang nakatingin sa kamera. Kuha ang larawang 'yon sa isang sunflower field sa Baguio.

Ibinalik ko ang larawan sa ibabaw ng side table katabi ng aking kama bago itapon ang tingin kay Elisa na nakatayo sa may pinto, hawak ang telepono sa isang kamay habang sumesenyas sa'kin.

“Maya, Mendez is phoning you,” Mahinang sabi ni Elisa. Bahagyang nakalayo ang telepono sa kan'yang tenga para hindi marinig ng tumawag ang sinabi niya.

I stood up and immediately took the phone in her hands. "Thank you. I can handle this. you can go now, Eli," Tumango ako sa kan'ya upang ipaalam na maari niya na akong iwan. Sumunod si Elisa at tahimik na umalis sa silid ko.

“Hey, how’s the business trip?” Bungad ko sa tumawag. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. Napakunoot ang noo ko dahil sa narinig ko. He sounds so drained. 

[It goes…pretty well,] he answered in a tired tone of voice.

Ramdam ko ang pagod sa kan'yang tono na ikinaalala ko dahil ilang linggo na itong nasa Canada at inaasikaso ang kumpanya. Wala akong masyadong balita sa kung ano ang ginagawa niya. Ayaw rin naman magkwento sa'kin kung kumusta na siya o kung napapagod na siya, basta ang lagi niya lang sinasabi sa'kin ay ayos lang siya. Pa'no kung pinapabayaan niya ang sarili niya r'on at puro trabaho na lamang ang inaasikaso niya?

“And seems pretty tiring, isn’t it? Nakapag pahinga ka na ba?” Tanong ko. 

[Yes, Love, nakapaghinga naman ako before calling you,] He said trying to stop me from worrying about his state. 

Biglaan ang pagpunta niya sa ibang bansa dahil sa hindi inaasahang nagkaproblema d’on. Hindi raw alam ng kan'yang sekretarya ang gagaawin dahil na aapektuhan na raw ang kanilang kumpanya kaya’t na palipad ito papuntang Canada. He had no choice kung hindi pumunta kaya kahit ayaw ko man siyang umalis ay hinayaan ko na dahil responsibilidad niya 'yon bilang may-ari.

“You must not force yourself to work,” Paalala ko. Gusto ko siyang pagalitan pero ayokong dumagdag pa sa stress niya ang sermon ko.

I heard him sighed. [I am the one who should be worried here. In your state, I should not leave you there alone.] Bakas ang pag-aalala sa tono nito. 

Parehas pala kaming nag-aalala sa sitwasyon ng bawat isa. Siya rin pala ay nam-mroblema sa sitwasyon ko dahil naiwan nga lang ako mag-isa pero kasama ko naman si Elisa na lagi akong inaasikaso. 

I chuckled. “You should not worry about my situation. Besides, Elisa was here to take care of me kaya hindi ako nababagot.” I assured him.

Panandaliang na tahimik kaming dalawa sa pag-uusap. Nang dahil sa katahimikang nanaig sa'min ay nakaramdam ako ng bagay na para bang may nalimutan ako. I frowned dahil sa pilit ko ‘yong inaalala. I tilted my head, iniisip pa rin ang bagay na nakalimutan ko. 

“Kailan ang uwi mo?” Pagbasag ko sa katahimikan. Hindi na kasi siya nagsasalita kaya nagtanong na ako sa kan'ya.

Medyo natagalan ito sa pagsagot sa tanong ko dahil mukhang may kausap itong iba sa kabilang linya. May narinig akong ibang boses panlalaki na kausap niya. 

[Hello?...Uhm, probably next month? It is kind of busy here at the company, marami pa akong kailangang ayusin.] Tugon niya. 

I was ready to bid goodbye to him when he suddenly spoke. [Take care of yourself, Ayen. I'll be back soon…I really miss you, Love,] Pahabol nito. Ang boses niya ay tila ba hinehele ako sa sobrang lambing ng pagkakasabi niya n'on. 

I smiled because of his thoughtfulness.

“I will. Don’t worry about me anymore. I can take care of myself.” 

Naririnig kong muli boses ng kan'yang sekretarya na kinakausap siyang muli. May kung anong pinag-uusapan silang dalawa na hindi ko na inabala pang pakinggan. Gustong-gusto ko na magpaalam dahil nararamdaman ko na nagiging hadlang na ako sa trabaho niya.

[Are you still taking your meds? Do you feel any better now?] hirit na tanong nito. 

I paused for a while, looking at my medicines na hindi ko pa naiinom na nasa ibabaw lamang ng bar table sa harap ng kama ko. Ngayon ay naalala ko na kung ano ang nalimutan ko. Napakamot ako sa ulo ko dahil napapansin ko na nagiging ulyanin na ata ako. Marahil sa sobrang occupied ng utak ko kaya siguro ay nalilimutan kong uminom ng gamot.

I had a second thought but still, I replied. “Oo, nainom ko na,” Pagsisinungaling ko dito. Naubo pa ako dahil nilalamig na ako. Masyado kasing malamig dito.

"Your secretary needs you, I need to hang this up.” pagpapaalam ko sa kan'ya. Kanina ko pa kasi naririnig na may pinapaliwanag ang sekretarya niya pero mukhang hindi ito nakikinig dahil masyado siyang invested sa pakikipag-usap sa'kin.

[Okay Love, take good care of yourself, I love you.] Bakas ng panghihinayang sa kan'yang boses nang mamaalam sa'kin ito. Marahil ay masyado na itong sabik na maka-usap ako at ngayon lang siya na bigyan ng pagkakataon pero sandali lang kami nakapagkamustahan. 

I smiled. “Goodbye,” Ibinababa ko na ang telepono at ilagay ‘to sa ibabaw ng kama.

Tumayo ako sa’king pagkakaupo, nagbabalak na umalis sa'king kwarto. Nag-unat ako ng aking mga binti at braso bago naglakad palabas ng silid pero hindi pa man ako nakakalabas ng silid ay kaagad na bumungad sa’kin si Elisa na saktong dumaan sa harap ng aking pintuan. 

Napabaling ang tingin nito sa’kin. “Where you going, Maya?” Tinignan ako mula ulo hanggang paa, nagtataka kung ano ang gagawin ko. May dala-dala itong basket ng mga damit. Mukhang balak ata nito maglaba.

“I’m planning to go outside, magpapahangin lang.” Pagpapaliwanag ko. Marahang tumango si Elisa sa’kin at binigyan ako ng malawak na daan ng tumabi siya sa may pasilyo para paunahin ako.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbaba sa hagdan, konti na lang ay makakalabas na ako ng bahay nang biglaan ko na maisipan na isama ang larawan ng aking asawa sa’king paglabas kaya’t agad akong tumakbo pabalik sa'king kwarto at kinuha ang larawan niya kung saan ko ito inilagay kanina. Para kahit man lang sa paglabas ko ng bahay ay kasama ko siya.

"Akala mo iiwan kita? Hindi! Dapat magkasama tayo kahit saan ako magpunta!" Kausap ko sa larawan.

"Aray!" Tumalikod na ako para umalis pero natalisod ako sa may bandang pintuan.

Sinasadya ata! Paalis pa lang ako, e!

Tinaas ko ang larawan ng asawa ko, pinaningkitan at tinitigan ng masama na para bang matatakot ang imahe niya d'on. "Sinadya mo 'yon? Kung ayaw mo sumama, magsabi ka. Hindi 'yung ididisgradya mo pa ako."

Yakap-yakap ang larawan naming dalawa ng asawa ko saka ako lumabas ng bahay at d’on umupo sa may patio. Naka pwesto lamang ang patio sa tapat ng bahay namin sa may bakuran kung saan tanaw ang magandang hardin namin.

May kalawakan ang hardin ng bahay at sa gitnang parte nito nababalutan ng kulay berdeng damo, ewan ko kung anong damo 'yon. Pwede kaya sa hayop 'yon? Ano ba pinagkaibahan ng damo ng Switzerland at Philippines? Taste test natin mamaya baka lasang expenses 'yung damo dito sa Zurich.

May mga puno rin na matataas at may iilang daisy rin na makikita sa kung saan-saan. Hindi ko alam kung tinanim ba 'yon pero nung napunta ako sa bahay namin dito ay meron na talagang daisy flowers. Hindi ko alam kung sadya bang inakit ako ng bahay na ito at mukhang alam niyang makukumbinsi akong tumira rito dahil sa daisy flowers, paborito ko kasing bulaklak 'yon.

Dahil wala akong kausap, ramdam ko ang kapayapaan na nakapalibot sa'kin. Awtomatiko na lamang akong napangiti ng bahagyang maramdaman ko ang daplis ng hangin sa'king mukha. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa larawan ni Ali, ang asawa ko.

Muling nagpakitangilas sa'kin ang hangin, pilit tinatangay ang buhok ko paalis sa'king mukha. I closed my eyes to feel the cold wind slapping my skin. "I miss you... I do," ani ko na tila ba may kausap. Muli kong idilat ang aking mga mata at pinanood kung panoy umindayog ang mga puno sa ritmo ng hangin.

Habang nakatanaw sa banayad na tanawin, unti-unti ring ginugunita ng aking isip kung paano umabot sa ganito. Wala akong kaide-ideya nung una na hahantong sa ganito. Kung bakit ba hinayaan kitang umalis at iwan ako mag-isa rito. Halos araw-araw akong dinadalaw ng lungkot. Hindi ako mapakali kahit pa kasama ko si Elisa ay ramdam kong nag-iisa ako. 

Habang mag-isang nagmumuni-muni, namataan ko si Elisa na dumaan sa'king gilid. Diretso itong nagtungo sa katabing upuan habang bitbit ang tray ng tsaa. Tinignan ako nito, nagtatanong kung nais ko bang tikman ang gawa niya.Tumango na lamang ako sa kan'ya dahil nakakahiya kung tatanggihan ko pa ang pagmamagandang loob nito.

Nagsimula nang magsalin si Elisa ng tsaa. Umuusok pa 'yon habang isinasalin sa tasa at halatang bagong gawa lamang. Matapos akong salinan ng tsaa, umupo na si Elisa sa bakanteng upuan. Parehas kaming tahimik, ni walang gustong ibuka ang bibig upang magsimula ng pag-uusapan. 

"Drink it before it gets cold." Mahina at halos pabulong na sabi ni Elisa.

Kinuha ko ang tasa saka sumimsim doon pero nagkamali ako sa pag-inom. Napapikit ako ng mariin ng maramdamang dumapo ang init ng tsaa sa'king dila. Tinignan ko si Elisa, mukhang hindi niya na halata na napaso ako.

Dahan-dahan kong ibinaba ang tasa, umaaktong kunwari hindi napaso upang hindi mapahiya.

Sa tahimik naming dalawa, hindi ko napigilan ang sariling pagmasdan si Elisa.

Sa pagkakaalam ko ay dalawang taon ang tanda ko sa kan'ya at nasa edad bente-singko na. Napakatahimik na tao, literal na hindi makabasag pinggan. Magsasalita lamang kung kailan kailangan o kung papagalitan ako. Hindi mo mababakas ang edad niya kumpara sa mga akto niya. Para kasi itong matanda. Ni-hindi ko nga narinig na tumawa si Elisa o kung tumatawa ba siya. Hindi ko maunawaan kung unang kilala pa lang namin ay napansin ko kaagad na ilag si Elisa. Hirap ito maglabas ng emosyon at takot din magsalita na ani mo ay may masasabi siyang hindi ko dapat malaman.

Sa totoo lang, napakagandang babae ni Elisa at ‘di hamak naman na mas maganda ang kutis at kulay ng balat nito kumpara sa’kin. Mukhang alagang-alaga ito sa kanilang bahay kaya nakakapagtaka na pinili nitong maging serbidora sa bahay ko. Matangos ang ilong ni Elisa, maganda ang face structure na halatang may lahi bagama’t sinabi sa’kin nito na purong Pilipino siya. Mas matangkad din ito kumpara sa’kin dahil hanggang tenga lamang ako nito. May maganda at mahabang buhok na straight si Elisa na aabot hanggang balakang. Maari mo na nga siyang mapagkamalang modelo sa ganda. Nahiya ako dahil kumpara sa’min ni Elisa ay ‘di hamak namang ako ang mukhang serbidora sa’ming dalawa.

Sa pagtitig ko, hundu ko namalayan na nagpakawala na pala ako ng mahihinang tawa na napansin ni Elisa. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya, nahihiya. Hindi ki alam kung saan ko igagawi ang tingin ko para lang hindi magtama ang aming mga mata. Hindi ako makapaniwalang tumawa ako! Mukha aking baliw! 

"May naalala lang ako," palusot ko sa kan'ya. Tumango lamang ito at hindi na lamang pinansin ang nangyari.

Inilapag ko ang larawan ni Ali sa lamesa na nasa gitna namin, kanina ko pa kasi yakap 'yon. Kung si Ali talaga 'yon, kanina pa siya patay sa suffocation dahil sa sobrang pagyakap ko. 

Napansin ko ang pagsunod ng mga tingin ni Elisa sa larawan. Malalim ang tingin at masyado itong nakatitig sa larawan ng asawa ko kaya napangiti ako. Mukha kasi siyang interesado sa sobrang lalim ng tingin nito sa larawan niya.

“Gwapo, ‘no? Asawa ko 'yan." Proud na wika ko. Hindi tumugon si Elisa, halatang walang paki sa sinabi ko.

Hindi ko na lamang inunawa si Elisa, nilibang ko na lamang ang sarili ko dahil alam kong wala akong makukuhang magandang usapan sa kan'ya.

“You miss him?” tanong ni Elisa na nakatingin na sa'kin, tila ba sinusuri niya ang pagkatao ko base sa tingin niyang 'yon. Hindi ko alam kung maiilang ako o ano dahil hindi kumukurap si Elisa habang naka tingin sa'kin... Medyo creepy.

Sinubukan ko naman ngumiti sa kan'ya kahit pa naiilang ako sa tingin na ibinibigay niya. “Oo naman, sino ba naman ang gustong mawalay sa asawa niya? kung alam ko lang na gan’on katagal siya mawawala, e’di sana, sumama na ako sa pag-alis niya.” malungkot na wika ko.

Hindi niya pa rin inaalis gawi ng kan’yang tingin sa’kin. Hindi ko mabasa ang iniisip ni Elisa kaya ngiti na lamang ang naibigay ko sa kan'ya. 

Humugot ng malalim na hinga si Elisa bago umayos sa kan’yang pagkakaupo. “Did you take your medicine?” Pag-iiba niya sa usapan. Kaagad akong kinabahan nang magtanong siya tungkol sa gamot. 

Pa'no ko sasabihin na nalimutan kong inumin ang gamot ko? Magagalit ito sa’kin kapag nalaman na nalimutan ko na namang inumin ang gamot ko. Balak ko sanang magsinungaling kaso alam kong malalaman niya rin kaya hindi na ako nag-effort pa. 

Napangiti ako ng alinlangan sa kan'ya. “H-Hindi pa,” sagot ko at napakamot sa’king ulo. “Nakalimutan ko, e,” nagpakawala pa ako ng pilit na tawa ngunit hindi ito umepekto kay Elisa na ramdam ko na nag-iba ito ng awra.

Walang pasabi tumayo sa kan’yang kinauupuan si Elisa at pumasok sa loob ng bahay, iniwan ako rito mag-isa.

Sa hindi inaasahan, muling umihip ang hangin ngunit mas malakas ito kumpara sa kanina. Bahagya nitong tinatangay ang suot kong dress. Napapahaplos ako sa’king braso sa tuwing humahampas ng malakas ang hangin. Mukhang pinagsisisihan ko na ang pagsusuot ng ganitong klaseng damit. Maging ang buhok ko ay natatanggay din! Wala pa naman akong panali! Kaya ko pa naman hindi tinali ang buhok ko ay para maganda at dramatic habang nasa labas ako kaso napupunta sa mukha ko 'yung sarili kong buhok kaya panay hawi ako… Nakain ko pa 'yung ilang hibla! Bwiset! Nagmumukha tuloy akong tanga kakahawi!

May kalamigan talaga dito sa Switzerland, sobrang lamig kumpara sa Pilipinas. Kahit ilang taon na akong namamalagi dito ay kahit kailan hindi ako masanay-sanay sa klima na meron sila. Aware naman ako na malamig dito ngunit nagpumilit pa din ako na magsuot ng ganitong damit. Ayos lang naman dahil nagsuot din ako ng puting medyas na abot hanggang hita saka kulay powder blue na knitted-cardigan kaya kahit papaano ay nakakalaban ako sa lamig sa labas.

Dito sa Zurich, Switzerland, hindi taste ng mga tao ang light colored na damit at mga dresses. Ang preferred nila dito ay puro darker colors, shirt at pants. E, bakit ba? Gusto ko magsuot ng dress, e, pero minsan lahat ng desisyon natin nakakakapagsisi, lalo na kapag pala desisyon ka.

Sinundan ko ng tingin si Elisa nang dumaan ito sa'king harapan, bitbit nito ang mga gamot na dapat ay kanina ko pa ininom.

Inilapag niya ang tray ng gamot sa may lamesa kasama ang isang basong tubig sa harap ko. 

Napaangat ang tingin ko kay Elisa na nakatayo. Para akong tuta na nagmamakaawa.

Isa-isa kong ininom ang mga gamot na kan'yang ibinigay. Si Elisa naman ay mariin lamang akong pinapanood, sinisiguradong lahat ng gamot ay nainom ko at wala akong ni-isang dinaya sa mga 'yon.

Nang makampanteng lahat ng gamot ay na inom ko, muling umupo si Elisa sa kabilang upuan. Inaayos niya ang baso na pinag-inuman ko sa tray. Ni-hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito.

“You must take your medicine continuously.” Seryoso ang tonong paalala nito sa’kin. Hindi na ako nagsalita at tumango na lamang upang maka-iwas sa dagdag sermon. Hindi ko alam ang isasagot dahil ako ang nakakalimot na uminom ng gamot at lagi niya iyong pinapaalala sa’kin. "If you want to recover, then, don't forget to take your vitamins and meds daily. But if you want to go back to the doctor, tell me immediately. I'll call him."

Normal lang naman na magalit sa'kin si Elisa dahil trabaho niya ang alagaan at siguraduhin na nakakainom ako ng gamot sa araw-araw. Hindi ko naman sadyang makalimutan ang pag-inom ng mga gamot ko pero sa tingin ko ay epekto ng pag-inom ko ng multiple medicines per day ay ang pagiging malilimutin. Madalas akong maguilty dahil madali akong makalimot sa dapat kong gawin na kailangan pa akong alalayan ni Elisa para maalala ko 'yon.

Hindi na muling nagsalita pa si Elisa. Alam kong kaya nasa labas siya ay dahil gusto niya lang akong samahan at iparamdam sa'kin na hindi ako mag-isa. Kahit na and'yan pa si Elisa, hindi n'on mapapawi ang pangungulilang nararamdaman ko para kay Ali. Kadalasan, hindi maiiwasan na maramdaman ko na mag-isa lamang ako at parang may kulang. Hindi problema ang lugar dahil napakaganda sa Switzerland. Nakakaaliw ang mga tanawin dito at pangarap ito ng karamihan. Marahil, sadya lamang akong nasanay sa Pilipinas na pagkalabas mo ay may babati na kaagad sayong kapitbahay. Maingay man ngunit masaya. Dito kasi, walang pansinan. Walang pakielamanan. 

"Ang tahimik, 'no? Alam mo ba kung kailan balik nila Carol? Sana makabalik na sila para naman may iba pa tayong kasama." Bakas ang lungkot sa'king tono. Sinabi lamang ni Elisa na hindi niya alam kung kailan uwi nung dalawa.

Apat kaming magkakasama rito. Si Kuya Bert, Carol, Elisa at ako pero nung nakaraang buwan ay inalok ko silang umuwi sa kan'ya-kan'yang pamilya dahil matagal na rin silang hindi nakakauwi ng Pilipinas. Ang dalawa ay pumayag sa alok ko pero nagpaiwan si Elisa upang magbantay sa'kin.

“Elisa,” pagpukaw ko sa kan'yang atensyon. Pinihit ni Elisa ang ulo upang tignan ako.

“Can we go to strawberry farm? Mamasyal naman tayo. Lagi na lang tayong nasa bahay, e, nababagot na ko.” Nakangusong paanyaya ko. 

Without even thinking, she nods. Then I saw her corner lips partially raised. Indicating that she's favor to my idea. Gan’on ngumiti si Elisa, very limited at hindi halata na parang ngiwi lang ang ngiti niya. Hindi ko ba alam sa batang ‘to. She’s only 25 years old but I wonder if she knew how to do fun things. Para kasing lagi siyang may sama ng loob sa mundo which is nakasanayan ko rin naman kalaunan nung una kaming nagkakilala. She’s too young to be that stiff.

Mukhang pabor kay Elisa ang plano ko na mamasyal kami. Dahil sa bibihira lamang ang paglabas ko sa bahay, masyado na akong nababagot. Hindi naman nila ako hinahayaan umalis mag-isa sa takot na mapaano ako kung saan.  Sa tuwing binabalak ko magpaalam kay Elisa ay tinitignan ako ng masama! 

Today is Sunday, sa sobrang sabik ko sa pamamasyal maaga akong nagising kanina upang mag-ayos. Ngayon ay nandito aio sa loob ng kwarto at nagkakalkal ng damit mula sa'king closet. Inilabas ko ang damit na natipuhan ko d’on. I decided to wear my cream loose polo shirt at pinatungan ito ng brown fold pleated sleeveless dress partnered with my black chunky platform pumps with strap and a pair of white socks na hangang legs ang haba. 

Tumayo ako sa tapat ng salamin na katabi lang din ng closet ko para siguruhin kung ayos lang ba ang suot ko.

“It looks quite nice,” puri ko sa suot kong damit habang inaayos ang collar ng polo-shirt na suot ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng mapansing parang may kulang.

Agad akong nagtungo sa may bedside table upang kunin ang kulay maroon na box d’on. Mula sa kahon, inilabas ko ang kwintas na may daisy pendant at sinubukang isuot sa sarili 'yon ngunit hindi ko magawa dahil nahihirapan akong ikabit sa’kin ang kwintas.

"Kumawit ka na…Ako nanga-ngawit dito, e," reklamo ko. 

Napatigil ako sa pagsusuot ng kwintas nang may kumatok. “Come in,” Pagbigay ko ng permiso. Nang bumukas ang pinto ay nakita ko ang dahan-dahang pagpasok ni Elisa. 

Ipinagpatuloy kong muli ang pagsusuot sa’king kwintas kahit pa nangangawit na ang braso ko. Hindi ko talaga makawit 'yung lock, e! Napapagod na ang mga braso ko pero ayaw pa rin ma-lock nung kwintas! Ayoko na nga suotin 'to!

"Ayoko na nga!" inis na wika ko. "Kainis naman!"

Nakita kong bahagyang napakunot ang noo ni Elisa nang makita akong nahihirapan sa pagsusuot kaya naglakad ito papunta sa kinaroroonan ko saka pumwesto sa likuran ko upang boluntaryong isuot sa'kin ang kwintas.

Tinapik niya ang balikat ko nang matapos niyang isuot 'yon sa'kin.

“Are you ready?” Tanong ni Elisa. 

Nahiya naman ako dahil mukhang kanina pa niya ako inaantay. Nakaayos na kasi si Elisa samantalang ako ay hindi pa handa.

“Yes, I'm sorry if I took so long to prepare,” paghingi ko sa kan’ya ng paumanhin pero hindi niya ito pinansin. Naglakad lamang ito palabas sa’king silid ng walang sinasabi.

Sa sobrang sanay ko kay Elisa, hindi ako nagagalit sa kung ano ang mga inaakto niya at patuloy ko siyang inuunawa kahit pa may mga araw na hindi ko maintindihan ang kan'yang ugali. Imbis na magreact, sinundan ko na lamang sa paglabas si Elisa. 

Naghahadali akong naglakad sa may pasilyo ng ikalawang palapag ng bahay namin at dali-dali akong bumaba ng hagdan. D’on, natanaw ko ang bukas na pintuan, sa labas ay nakita ko si Elisa na nakatayo at nag-aantay lamang sa tapat.

Naglakad ako papalapit kay Elisa at tinapik ang balikat nito. “Tara na? Ano pang inaantay mo d'yan?” Inayos ko pa ang shoulder bag ko at chineck kung kumpleto ko bang nailagay ang gamit ko d'on.

“Sandali lang,” ani ni Elisa.

Napakunot naman ang noo ko sa pagtatakang inangat ang tingin sa kan'ya. "Bakit? Sinong inaantay natin?"

“Bert,” maikling tugon niya.

“Bumalik na sila?” Parang batang tanong ko sa kan'ya. Ngayon naman ay hindi na nag-abala pang sumagot si Elisa at tango na lamang ang isinagot sa’kin. 

Kuya Bert is our driver and a gardener. Wala sila nung nakaraan dahil sinabihan ko sila na magbakasyon muna. Tanging si Elisa lang ang hindi umalis dahil ang sabi niya hindi raw ako pwedeng maiwan mag-isa kahit pa sinabi kong kaya ko ang sarili ko, hindi talaga umuwi sa pamilya niya. Siya pa ang mukhang galit dahil sa pagpilit ko sa kan'yang magbakasyon kaya hinayaan ko na lang siya magstay. 

“Si Carol ba naka balik na rin?” Masayang tanong ko. Nang hindi ako sinagot ni Elise ay napasimangot ako. Nagtatanong lang, e. Sungit.

"Uy, ano nga? Nandyan na si Carol?" Pangungulit ko sa kan'ya. Ayaw niya talaga akong sagutin. Simpleng oo o hindi lang naman ang sagot, e, ayaw niya man lang ako kibuin!

Pero hindi ko na kailangan pa mangulit kay Elisa dahil biglang lumabas mula sa bahay si Carol, naghahadali upang pagbuksan ng gate si kuya Bert na siyang nagd-drive ng kotse.

Papalapit sa kinaroroonan namin si kuya Bert. “Goodmorning, ma’am” agad na bati nito sa’kin na may kasamang ngiti. 

"Magandang umaga, Maya," yumakap sa'kin si Carol pagkalapit. "Kamusta ka na? Ayos ka na ba?"

Tumango ako. "Oo, ayos na ayos na ako! Konti na lang, gagaling na!" Masayang wika ko habang nakangiti ng malapad.

Na miss ko silang dalawa ni Carol. Mahigit isang buwan din silang nawala nang bumalik sila sa pilipinas. Sabi ko nga ay magbakasyon sila sa Boracay kasama ang pamilya nila at sagot ko na ang bayarin basta kuhanan lang ako ng buhangin dahil balak ko magtayo ng sarili kong Boracay dito sa Switzerland. Tawanan daw ba ako! Akala siguro nagbibiro ako pero hindi! 

Nang makalapit sa'min si kuya Bert, dali-dali nitong pinagbuksan kami ng pinto. Nakita ko na sumenyas si Elisa sa'kin na mauna na ‘ko kaya nauna akong pumasok sa may backseat at siya namang umupo sa may shotgun seat.

Nang masigurong nakasakay na kami, muling binuksan ni Kuya Bert ang makina saka nagdrive paaalis. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa’ming tatlo kaya nagkusa akong basagin ang nakakabinging katahimikan.

“Kuya Bert, may alam ka bang catholic church dito? Gusto ko sana magsimba.” Isinandal ko pa ang baba ko sa likod na upuan ni Kuya Bert para tignan siya.

Mahigit pitong taon na ako dito sa Switzerland pero hindi ko alam kung saan ang mga catholic churches dito. Natatakot kasi ako pumunta sa mga simbahan nila rito, baka mamaya ibang relihiyon pala sila tapos nakiki-belong ako. Hindi ko pa kasi masyadong kabisado ang mga lugar na may catholic churches dito sa Switzerland. Ang asawa ko lang naman ang nakakaalam ng pasikot-sikot dito.

“Naku, sa Lucerne lang ang alam kong may gan’yang simbahan,” Sagot ni kuya Bert at kumamot pa sa batok niya. “Punta po ba tayo, ma’am?”

Nanahimik na lang ako at umiling. 40 minutes bago pa kami makapunta ng Lucerne tapos maliligaw pa kami kaya ‘wag na lang. Minsan si Kuya Bert hindi rin kabisado ang daan sa Switzerland kasi medyo bago pa lang si Kuya Bert dito. Mga two years pa lang ata kaya understandable naman na hindi niya pa masyadong kabisado.

Inilibot ko na lamang ang aking tingin sa labas ng mapadako ang tingin ko sa upuan ni Elisa. Sumulyap ako sa kan'ya, nakasuot lamang ito ng skinny jeans at t-shirt na pinatungan ng gray na jacket. Napakasimple lamang ng suot niya ngunit bumagay. Model na model.

Nakarating na kami sa strawberry farm dito sa Sunnehof Farm na pwede kang pumitas ng strawberries.

Bumaba na kami ng sasakyan ni Elisa at umikot para kunin ang sarili naming basket mula sa likod ng sasakyan. Si Elisa rin ang nag-asikaso para makapasok kami sa strawberry farm. Nag-antay lamang ako sa tabi ng sasakyan. Pagkabalik ni Elisa ay may dala-dala na itong dark blue na bota, nakita kong nakapagpalit na rin siya ng bota niya dahil naka heels pala ito kanina. Siguro ay naisip niya na parehas kaming hindi makakapaglakad kung parehas kaming may takong ang sapatos. Ang hindi ko lang alam ay kung saan niya 'yon nakuha o nabili.

Inilapag niya sa harapan ko ang bota, tinulungan pa niya akong suotin 'yon dahil natutumba ako kapag sinusuot. Para akong bata na bawat galaw ay inaasikaso niya, nahihiya na ako kay Elisa dahil parang lahat na lang ay obligasyon niya sa'kin.

Ngayon ay naglalakad kami sa strawberry farm. Panandalian kaming naghiwalay ni Elisa dahil sabi niya ay pipitas din daw siya dahil mukhang may balak siyang gawin sa strawberries na pinipitas namin. Sinabihan pa ako nito na ayusin ang pagpitas ko. Ang panggatong naman ni Kuya Bert sa banta sa'kin ni Elisa, kung hindi daw maayos pipitasin ko ay 'yon din ang kakainin ko mamayang hapunan. Napaka-bully! Alam kasi nilang hindi ako magaling sa pagpili ng strawberries kaya pinagbabantaan ako!

Nasa kalahati na ang laman ng basket ko nang tumigil ako sandali, inilapag ko ang basket saka kumuha ng isang strawberry sa basket para kainin. Naka pamewang pa ako habang kumakain, pinapanood ang iilang tao maging ang dalawang bata na pumipitas din ng strawberry.

"Look! Stephen, rocks!" Itinaas nung isang batang lalake ang dalawang kamay na parehas may hawak na bato para ipakita sa isa pang bata.

Lumapit ang bata na nagngangalang Stephen saka kinuha ang bato sa kamay ng kapatid sabay tinapon 'yon sa lapag. "Mommy said we should pick strawberries only. We can't keep rocks, Arlan." 

Napanguso si Arlan sa kapatid niya at mukhang nagtatampo dahil tinapon nito ang pinulot niyang bato.

Natatawa ako sa way ng pag-uusap ng dalawang bata. Nagtatalo pa sila dahil gusto talaga nung Aralan na mag-uwi ng bato instead na strawberries. Ang isa naman ay gustong sundin ang utos ng mama niya na tanging strawberries lang ang pwede nilang iuwi.

Nanlaki ang mata ko nang biglang itulak ni Arlan si Stephen at parehas silang umiyak na dalawa kahit pa si Arlan ang nanulak ay naki-iyak din siya kay Stephen. Natapon din ang strawberries na pinitas ng bata.

Balak ko na sanang tumulong nang bigla akong mapahinto. “Tngina!” Nawindang ako dahil sa may biglang yumakap sa’kin.

Marahas kong tinanggal ang kamay nung yumakap sa'kin saka ako tumalikod para tignan ang bwisit na sawang pumulupot sa'kin.

Bigla akong hindi nakagalaw, hindi ko alam ang sasabihin. Napaawang ang labi ko, nakatulala habang nakatingin sa mukha niya. Ramdam ko na nagtatangka nang kumawala ang luha ko. Nginitian ako nito ng malapad saka muli akong ikinulong sa kan'yang mga braso. Para akong kakapusin ng hininga, gulat pa rin sa biglaang pagsulpot niya sa'king harapan.

“Ali,” tawag ko sa pangalan niya. 

Kumawala sa pagkakayakap sa’kin si Ali. D’on na isa-isang kumawala ang patak ng mga luha ko at napahagulgol ako ng impit. Hinawakan ni Ali ang magkabilang pisngi ko saka ako hinalikan sa noo bago punasan ang mga luhang pumatak mula sa mata ko. Parang bata na pinunasan ko rin ang luha ko gamit ang likurang kamay ko. Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nakatingin ako sa kaniya, pilit pinoproseso ang mga pangyayari sa isip ko.

“Kahit na umiiyak ka hindi mo pa rin mabitaw-bitawan ‘yang hawak mo.” pagbibiro nito kaya mas lalong lumakas ang hagulgol ko. Pati ba naman 'yung kinakain ko, e, pakikielaman!

“Bakit ngayon ka lang umuwi!” pagrereklamo ko pero tinawaan lang ako nito saka muling niyakap.

“Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon,” paliwanag niya. Naramdaman ko na sinandal niya ang baba niya sa tuktok ng ulo ko. 

Dinama ko ang yakap ni Ali dahil sa tagal kong hindi naramdaman ang init na nagmumula sa kan’ya. Amoy sandalwood and mint ito na pinakagusto ko. He smells so manly. I missed this, I really missed him.

Pero nainis ako kay Ali ng hawakan nito ang kamay ko para makagat niya 'yung strawberry na hawak ko. Hinampas ko siya sa braso at tinignan nang masama pero natawa lang ito habang nginunguya 'yung strawberry ko.

Hindi ko pa rin matanggal ang tingin ko sa kan'ya…Gan’on pa rin ang itsura niya. Ang gwapo pa rin nito lalo na sa suot niyang jeans, brown na jacket at black na t-shirt na kita dahil kalahati lang ng jacket niya ang naka bukas.

“Totoo ka ba?” hindi makapaniwalang tanong ko dahil hanggang ngayon ay hindi naniniwala ang isip ko na nandiyan na siya sa harap ko.

Kinuha ni Ali ang mga kamay ko at inilagay sa kan'yang pisngi. "Totoo na ba ako sa'yo, Maya?" Mariing nakatitig sa'king mga mata si Ali na tila ba kinakausap ako nito gamit ang mata.

“Totoo ka nga, naka-uwi ka na,” Parang kahapon lang ay halos maiyak-iyak na ako sa pangungulila tapos ngayon, nahahawakan ko na siya.

“Yes baby, I’m back.” malumanay na tonong saad nito.

Nakangiti ako sa kan'ya habang sinusundot ko ang pisngi nito na siyang ikinatawa ni Ali. 

“Uwi na tayo,” anyaya ko. “Ali, uwi na tayo?” Hinuli ko ang kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit. 

Ginulo niya ang buhok ko.“Yes baby, uuwi tayo.” 

Binitbit ni Ali ang basket na nilapag ko kanina at hinawakan ang kamay ko. “Let me help you fill your basket.” boluntaryong pagyaya ni Ali. 

Sabay kaming namitas ni Ali ng strawberries, nagtawanan habang naglalakad at nagku-kwentuhan tungkol sa mga pangyayaring nakaligtaan namin dahil magkahiwalay kaming dalawa. Habang nag-uusap kami ni Ali ay napansin ko na kanina pa kami tinitignan ng dalawang bata na kanina ay nag-aaway. Mukhang bati na sila kaya nginitian ko na lamang ang dalawang bata pero nagtataka ako kung bakit nila kami sinusundan nang tingin habang naglalakad. Siguro ay na fascinate sila kay Ali, matangkad kasi siya sobra, tapos pansinin pa.

Napuno namin ni Ali ang basket at ‘di katulad kanina mas magaganda na ang mga napitas namin. Magaling talaga pumili si Ali ng strawberries, hindi katulad ko na hindi pa ready 'yung strawberry ay pinitas ko na kaagad. Pinapagalitan niya kaya ako sa tuwing hahawak ako ng strawberry na hindi red ang kulay! 

Naglalakad kami ngayon sa field habang magkahawak pa rin ang kamay. Masayang-masaya ang pakiramdam ko ngayon na kasama ko si Ali. Hindi ko alam kung pa'no ba itatago ang galak na nararamdaman ko ngayon. Ito ang matagal kong hinihiling at pinakahihintay, ngayon, nandito na at katabi ko pa.

“Hindi talaga kita malalamangan sa pagpili ng strawberries.” Mahinang sabi ko na ikinahinto niya sa paglalakad. 

Napatingin si Ali sa’kin at nilakihan ako ng mata.“You must be kidding me,” hindi makapaniwalang sambit niya. “Baby, we’re doing this very often when we're together before!” Exaggerated na saad niya. Napahilot pa siya sa sintido, umaaktong problemado. Hindi ko alam kung disappointed ba siya sa'kin o ano.

Masyadong mahilig si Ali sa strawberry kaya alam niya kung paano mamili ng magandang pipitasin. Masyado kasi siyang pihikan. Ewan ko ba d'yan. Malaki raw pinagkaibahan ng lasa ng red na strawberry kaysa doon sa strawberry na may halo raw na kulay yellow. Maarte masyado ‘yan, e.

Napatawa naman ako ng may kalakasan dahil sa reaksyon niya. “Totoo nga! Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin ako.” Pag-amin ko. 

“My poor baby,” Ibinaba nito ang basket sa may tabi niya at saka naglakad papalapit sa'kin para yakapin ako. Natatawa naman ako dahil mukha itong tanga sa inaakto niya.

Marahas nitong tinanggal ang yakap niya at kunot noong tumingin sa’kin.“Why are you laughing?” Mas lalo akong natatawa habang umiiling. Kinagat ko pa ang labi ko para pigilin ang sarili na mas lalo pang tumawa. Masama talagang nahihipan ng hangin itong si Ali, bigla-biglang nagiging siraulo.

Ginaya rin ako ni Ali at umiling din siya. Hinampas ko siya dahil sa sobrang tawa lalo na't ginaya pa ako habang naka pamewang pa. “Anong?” tanong niya at agresibong umiling ulit.

Mas lumakas ang tawa ko dahil sa kalokohang ipinapamalas nito kaya napatakip ako ng aking bibig upang kahit papaano ay mapigilan ko ang paghagalpak ng tawa ko.

“D’yan…" Turo nito sa'kin. "D’yan ka magaling Maya, pagdating sa kalokohan tawang-tawa ka.” Totoo naman kasing nakakatawa siya. Lalo na ang ekspresyon na ginagawa nito.

Na wala naman kaagad ang ngiti ko. “Hoy, ang sama ng ugali!” pagrereklamo ko. Akmang hahampasin ko ang balikat niya pero umilag kaagad ito at lumayo sa'kin kahit pa hindi ko pa siya nahahampas.

Sumimangot si Ali sa’kin. “Eto, ginagawang hobby ang panghahampas.” Humakbang ito palayo sa'kin at naka handa ang kamay sa pagdepensa sa sarili.

Napatitig ako kay Ali saka humakbang papalapit. Naguguluhan itong tumingin sa'kin at sinubukang lumayo sa pag-aakalang sasaktan ko siya, ngumiti lang ako sa kan'ya saka hinuli ko ang dalawang pisngi nito at tumingkayad upang mahalikan ito sa labi. 

“I love you,” sambit ko.

Panandaliang hindi nakapagsalita si Ali at nakita ko ang pamumula ng kan'yang tenga kaya napahagikhik ako ng mahina.

Umarko ang kilay ni Ali.”Ikaw na babae ka, nasa labas tayo!” may kalakasang sabi niya na ikinangiti ko. “Mahiya ka, Maya! Sinasamantala mo ‘ko!” Walang hiya niyang sabi at umakto na niyakap ang sarili na parang inabuso ko ang puri nito. 

Pinaghahampas ko siya sa kan'yang braso pero ngayon ay hindi na ito umiwas pa at patawa-tawa pa ang loko-loko. “Ang kapal mo talaga kahit kailan!” sigaw ko sa kanya sa inis. Napa-walkout ako dahil sa kalokohan niya. Takbo-lakad ang ginawa ko para makalayo kay Ali pero kaagad din itong naka habol sa’kin dahil 'di hamak na mas mahaba ang mga legs nito sa'kin.

Tumatawa pa rin ito ng marahan akong hatakin sa’king pulsuhan. “Sorry na, sorry.” Dispensa niya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Napasimangot ako sa kan'ya at ambang sasapakin siya.

“Halika na, baka inaantay ka na ni Elisa.” Muli niya nang binuhat ang basket namin. hinawakan ko ang kamay niyang bakante at naglakad kami.

Nang makalabas kami ni Ali sa strawberry field, inabot niya sa’kin ang basket ng strawberry na siyang ikinataka ko. Napakunot ang noo ko at dinapo ang tingin sa basket na inaabot niya sa'kin.

Naramdaman ni Ali ang pagtatakha ko kaya napaiwas siya sa'kin ng tingin, mukhang balisa at hindi alam ang gagawin. “You need to go home first.” Sinubukan niya tumingin ng direkta sa mga mata ko, kita ko mula sa repleksyon ng kan'yang mga mata na naghahalo ang kaba at pangamba sa kan'ya.

Ang masayang mukha ko ay kaagad napalitan ng lungkot ng sabihin ni Ali ‘yon. Kaagad akong binalot ng matinding takot.

“Aalis ka ulit?” My voice broke. Nagsimula nang manubig ang mga mata ko dahil sa naghahalong emosyon na nararamdaman ko. Nakakainis naman! Hindi ko naman gustong umiyak nang umiyak pero dahil sa lalakeng 'to, mauubos na ang luha na mayroon ako! 

Naglakad papalapit sa'kin si Ali. He took the basket out of my hand and put it down to tightly hugged me. “Shhh,” pag-aalo nito. “Babalik ako kaagad, titignan ko lang ‘yung bahay natin sa Basel at Geneva.” Pagpapaliwanag niya sa'kin. Hindi ako naniniwala, aalis siya at pupunta sa malayo. Hindi niya ipapaalam sa'kin kung saan ang tunay na destinasyon niya. 

Tiningala ko siya at nagpaawa.“Can I come with you?” Para akong tuta na nagmamakaawang 'wag iwan ng kan'yang amo. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit para iparating dito na ayaw ko siyang umalis.

Umiling si Ali. “No, baby, you can’t come. Remember your health, naggagamot ka.” Bakas sa mukha ni Ali ang pag-aalala sa kalagayan ko. Ayaw ko! Aalis siya, iiwan na naman ako mag-isa tapos ilang bwan na naman akong mag-aantay sa pag-uwi niya na walang kasiguruhan kung kailan ang balik.

“But I want to!” pangungulit ko.

Marahas na nagpakawala si Ali ng buntong hininga. “Maya, mahaba ang byahe pa Basel at Geneva.” Sinubukan niyang magpaliwanag pero hindi ko tatanggapin 'yon, alam ko na ang gan'yang paraan niya. Intensyonal niyang iniiwas ang tingin sa'kin para hindi madala sa pagpapa-awa ko.

“Iiwan mo lang ulit ako, e,” Nakaramdam na ako ng matinding tampo dahil sa nangangamba ako na baka matagal na naman ito bago bumalik at nagpapalusot lamang ito upang hayaan ko siyang umalis. 

"Alam mo, kinakasanayan mo na ang pagiging sinungaling, Ali." Madiing sabi ko habang direktang nakatitig sa mga mata ni Ali.

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang mga salitang binitawan ko. He tried to utter a word but he couldn't speak because my words made him stunned.

Ali's eyes became more softer while staring at me. Parehas kaming nakatitig sa isa't isa, nag-aantay kung may sasabihin pa. Inaasahan ko na magsasalita siya at sabihing nagbago ang isip niya… na hindi na siya aalis at sasama na sa'kin.

"Baby…" mahinang tawag niya. He tried to reach me but I step back, refusing him to hold me. "I am not lying, Maya." He tried to explain himself pero ayoko. Iikutin na naman niya ako sa salita niya.

He attempted to touch me again pero lumayo ako lalo. Dali-dali kong binuhat ang basket ng strawberry sabay mabilis na naglakad palayo kay Ali ng walang iniiwang salita. Masama ang loob ko. Paano kung hindi na naman siya bumalik? Mag-aantay ulit ako? e, kauuwi niya nga lang! Ilang bwan na naman niya planong magtagal bago ulit umuwi.

Balak ko na sanang bumalik sa kotse nang mapahinto ako dahil may humigit sa braso ko. Muntik pa matapon ang mga strawberries sa basket dahil sa biglaang pagtigil ko.

Si Ali 'yon na mariing nakatitig sa'kin…Hinabol ako nito. Mahigpit ang pagkakahawak ni Ali sa braso ko pero hindi gan'ong kahigpit para masaktan ako, sapat lamang ang lakas n'on upang hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko matatanggal ang pagkakahawak niya sa'kin pero sinubukan ko pa ring tanggalin dahil gusto ko nang makalayo sa kan'ya. Nasasaktan ako sa habang tumatagal ang usapan namin. Hindi ko na kaya.

“I’ll be home later evening or tomorrow.” Bakas ang takot sa mata ni Ali. Tinignan ko siya nang hindi nagpapakita ng ekspresyon sa'king mukha. Kung aalis siya, dapat 'wag na siyang magpaalam!

“Kung aalis ka ulit, umalis ka. Sana hindi ka na lang umuwi.” Galit na saad ko sa kan'ya. Ramdam ko ang lungkot ni Ali dahil nagbago ang emosyon nito. Nasaktan siya sa sinabi ko pero totoo naman, e, hindi na siya nanatili. Palagi siyang umaalis.

Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Ali sa braso ko, pagkakataon 'yon kaya tinanggal ko na ang kamay niya sa'kin saka naglakad na ako paalis at iniwan si Ali. Alam kong hindi niya na ako susundan dahil mahalaga ang pag-alis niya ng hindi ako kasama. 

Masama ang loob ko na pumasok sa kotse. And'on na si Elisa at nag-aantay sa'kin sa loob pati na din si kuya Bert. Nagdrive na si Kuya Bert pauwi dahil sinabi ko na pagod na ako.

Pagkauwi namin kaagad akong nagkulong sa kwarto ko. Kumakatok naman si Carol at inaaya ako kumain pero wala akong gana kaya tumanggi ako sa pagsabay sa kanila.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nagmamaktol pa rin. Galit ako kay Ali pero umaasa pa rin ako na uuwi siya ngayong gabi tulad ng ipinangako niya kanina. 

May kumakatok muli sa kwarto ko kaya nainis ako lalo dahil nasisira ang pagd-drama ko. “Ayoko kumain." Inis na sabi ko. 

Walang paalam man lang na dumere-deretsong pumasok si Elisa sa kwarto ko. May dala-dala itong dalawang paper bag at inilapag 'yon sa gilid ng kama.

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko at nakakunot noong nakatingin sa paperbag na inilapag ni Elisa. “Ano ‘to?” takhang tanong ko.

“Mga damit,” sagot niya. “ May nagpapabigay sayo.” 

Pagkatapos ibigay sa'kin ni Elisa ang paperbag ay kaagad naglakad na ito palabas.

Inabot ko ang isang kulay puting paperbag upang tignan ang laman n'on. Inilabas ko mula sa paperbag ang isang kulay blue na sweater samantalang sa isang paper bag naman na kulay itim ay A-line puffed sleeves na kulay lilac. Napansin ko rin sa ilalim ng isa sa paper bag na may sulat. Kinuha ko’yon at binasa. Sulat kamay ni Ali ‘yon at humihingi ito ng dispensa sa’kin dahil sa dalas niyang pag-alis.

Ibinaba ko sa kama ang mga paperbag at inilapag ang sulat niya sa may bedside table katabi ng cellphone ko.

“Akala mo mauuto mo ako sa pa bili-bili mo sa’kin ng damit at pasulat-sulat mo. Hindi!” sigaw ko saka marahas na tinalukbungan ang aking sarili ng kumot.

Nakarinig ako ng yabag kaya agad kong tinanggal ang kumot na naka balot sa’kin. Si Elisa ulit 'yon na pumasok at may dala-dala itong tray ng pagkain.

“Ayoko nga kumain,” nagmamaktol na wika ko. 

Bumuntong hininga si Elisa bago naglakad papalapit, nagpanggap siya na hindi narinig ang sinabi ko at nagpatuloy lang. Hinawi niya ang sulat saka ang cellphone ko para mailapag ‘yung tray na dala niya sa bedside table.

“You need to eat so you can take your medicines.” Pagpapaalala niya. Nakakainis naman! Nagd-drama ako, e! 

“Ayoko sabi, e,” pagmamatigas ko sa kan’ya.

Naramdaman ko ang pagbabago ng awra ni Elisa. Nang mapatingin ako sa kan'ya, nakita ko ang matalim at nagbabantang tingin nito. Hindi naman ako nagpatinag sa kan'ya at nakipagtitigan ako pero sa totoo lang, takot talaga ako kay Elisa. Sadyang mapagpanggap lang ako. Napahilot sa kan'yang sintido si Elisa saka muling ibinaling ang kan'yang tingin sakin.

“Do you want to get better or no?” May halong inis na tanong nito sa’kin. Kahit kailan talaga 'tong batang 'to! Mas matanda ako sa kan'ya pero parang tinuturing akong bata!

Ilang segundo ang naka lipas bago ako sumagot sa kan'yang tanong. “Oo naman, gusto."

Napaangat ang tingin ko sa kan'ya saka ngumuso. "Kakain na nga, e.” napipilitang saad ko.

Gusto kong gumaling, syempre! Ayokong mamatay na nandito lang sa bahay! Gusto ko rin lumabas, makapamasyal ng hindi inaalala na baka may mangyaring masama sa'kin dahil sa kalusugan ko at higit sa lahat, gusto kong makasama kay Ali.

“If you want to be better, then, help yourself,” Masungit na saad ni Elisa bago ako iwan muli mag-isa sa kwarto ko.

Hindi na ako pumalag pa at nagmatigas kaya kinain ko rin ang dinala ni Elisa. Kasama na sa tray na dinala niya ang gamot na iniinom ko. Pagkakain ay ininom ko kaagad ang gamot saka tumayo upang mag-unat ng katawan. Napakamot ako sa ulo ko pero nandiri ako bigla sa sarili kong buhok dahil sobrang lagkit n'on! Pucha, naligo naman ako kaninang umaga pero bakit ang dugyot ng buhok ko?!

Hindi ako makakaligo ngayong gabi dahil sobrang lamig at 10pm na rin. Kahit na malayo ang agwat namin sa mga kapitbahay at hindi kami nakatira sa apartment ay iniiwasan ko mag-ingay dahil dito sa Switzerland sa pagpatak ng 10pm ay kailangan iminimize na ang ingay na gagawin mo pero dahil hindi ko kayang tiisin ang lagkit ng buhok ko kaya napagdesisyunan ko na magshampoo na lang. Hindi ako makakatulog hanggang alam ko na naglalagkit ang buhok ko, 'no. Ang dugyot ko naman masyado!

Una muna ay inihanda ko ang damit na gagamitin ko, naglakad ako papunta sa closet ko upang kumuha ng pamalit na damit. Kinuha ko sa loob ang kulay gray na pajama at isang pares ng puting medyas saka ko ito pinatong sa ibabaw ng kama. Pagkatapos kong ihanda ang pamalit ko ay pumasok na ako sa bathroom.

Basa ang mukha at buhok nang lumabas ako sa bathroom. Pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang twalya bago inilabas ang blower sa loob ng cabinet ng vanity table ko. Marahan kong pinapatuyo ang buhok ko at hindi masyadong nagp-produce ng ingay ang hair blower ko. Nakakaproud kasi sobrang mahal ng bili ko d'on kaya dapat lang na gan'on ang quality niya, kung hindi ay nagreklamo na ako ng kapitbahay!

Sunod kong Isinuot ang pajama ko nang matapos ako magpatuyo ng buhok at nagskincare na bago humiga.

Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kisame bago ako makaramdam ng antok. Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko bago nagpatangay sa antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Madaling araw ng maalimpungatan ako. Mga alas-kwatro lamang ng magising ako para kumuha ng tubig sa ibaba. Naabutan ko rin si Elisa na gising din ng mga oras ding ‘yon at may kung anong hinahanda.

Nang makakuha ako ng tubig sa ibaba kaagad din akong bumalik sa kwarto ko upang matulog ulit. Wala akong ganang gumawa ng mga bagay-bagay lalo na’t hindi pa nakakauwi si Ali hanggang ngayon. Hindi talaga ako matatahimik hanggang hindi siya nakakauwi. Inasahan ko pa naman na sa paggising ko ay nar'yan na siya pero wala pa pala.

Pagkapasok ko sa kwarto muli akong bumalik sa kama upang matulog ng biglang mag-ring ang phone ko kaya dali-dali kong hinagilap 'yon sa bedside table. 

Ali’s Calling...

Kaagad kong sinagot ang tawag ni Ali. 

[Hello, baby?] bungad nito sa’kin. Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siya dahil nagtatampo pa rin ako. 

[Still sulking?] Malambing ang boses na tanong niya.

Talagang hindi ko siya sinasagot. Intensyonal 'yon dahil may sama pa rin ako ng loob sa kan'ya. Ang sabi niya uuwi siya?! Wala pa rin siya, anong oras na kaya!

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. [Alam ko na mas lalo kang magagalit sa’kin pero—]

I cut him off. “Hindi ka makakauwi na naman?” Madiing tanong ko, bakas sa boses ko ang bigat dahil sa galit. Siya naman ngayon ang tila na pipi dahil hindi makasagot sa tanong ko. “Sabi na. Sige na, gawin mo na gagawin mo.” 

[Baby, I’m—]

Hindi ko na pinatapos si Ali sa sasabihin niya nang babaan ko ‘to ng tawag. Hindi rin nagtagal ay tumawag ito ulit pero hindi ko na sinagot ‘yon.

Muli akong pumikit upang matulog ngunit sumabay ang pagpatak ng luha sa pagpikit ko. Hindi ko mapigilan ang humikbi dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Dati naman ayaw niya na naghihiwalay kami pero ngayon ay halos hindi na ito umuuwi. Nuunawaan ko na marami siyang trabaho at mga bagay na inaayos pero hindi man lang niya ako mabigyan ng konting oras na makasama siya. May iba na ba siya? Ayaw niya na ba sa'kin? 

Pucha naman… Ang aga ng iyak ko. Alas-kwatro pa lang ng umaga pero kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip na baka may iba na ang asawa ko sa dalas na hindi ko siya nakakasama. May posibilidad na naipagpalit na ata ako nito sa iba kaya hirap itong bumalik.

'Wag naman sana…Hindi ko kaya.

Sa sobrang bigat na nararamdaman ko at sinabayan pa ng iyak ay nakatulog akong muli. 

Mahimbing ang tulog ko ng maramdaman kong may mabigat na nakapatong sa’king tagiliran. Marahan kong idinilat ang mga mata ko kahit pa namamaga ‘yon sanhi ng matinding pag-iyak kagabi. Kinapa ko kung ano ang naka patong sa’kin at naramdaman ko na naka yakap sa'kin ‘yon kaya tumagilid ako. Hindi ko inaasahan ang nakita ko, si Ali na sobrang himbing ang tulog na nasa tabi ko habang nakayakap sa'kin.

Nagulat pa ako na naguguluhan dahil hindi na ito nag-abala magpalit ng damit. Suot-suot pa rin niya ang damit na suot niya kahapon at mukhang sobrang pagod ang itsura niya dahil ang gulo ng buhok nito.

Hinaplos ko ang pisngi ni Ali at pinakatitigan 'yon bago ko siya hinalikan sa noo. Kumunot ang noo nito habang nakapikit at hinigpitan ang yakap sa’kin, natutulog pa rin.

Pinakatitigan ko ang mukha ni Ali na halatang wala pa itong pahinga at wala na ring oras para makapagpalit. Lumalaki na rin ang dark circles nito. Siguro ay hindi na siya nakatulog kagabi dahil inalala nito ang ginawa ko. Ngayon ay nilalamon na ako ng matinding guilt dahil d'on.

Sa pagtitig ko kay Ali, hindi ko namalayan na nagising ito at nakatingin na sa’kin. Ngumiti siya sa’kin ng tipid habang papikit-pikit pa rin, halatang inaantok pa. “Goodmorning, baby” bati niya.

Ibinaon ni Ali ang mukha niya sa dibdib ko. “Akala mo hindi na ako uuwi?” natatawa niyang tanong. Hindi ako umimik sa bawat sinasabi niya at pinakikinggan ko lamang ang mga ito.

“I promised…Sinabi ko sayo na uuwi ako kaya…umuwi ako ngayon.” wika niya habang kumportableng nakapwesto sa dibdib ko. “Ayoko rin namang umiyak ka at magalit sa’kin kaya hindi na ako

nagpahinga…dumeretso na lang ako dito.” 

“Are you okay?” pangangamusta ko sa lagay niya. Nag-aalala pa rin ako sa kan'ya kahit na naging magaspang ang pag-uugali ang ipinakita ko rito kahapon.

Tumawa nang mahina si Ali. “Ako ang dapat magtanong sayo n’yan, hindi naman ako ang may namamagang mata ngayon.” Nakaramdam ako ng sobrang pagkahiya ngayon lalo na alam niyang iniyakan ko ang hindi niya pag-uwi.

Niyakap ko ng mahigpit si Ali na ngayon nakatulog na ulit sa dibdib ko. Gulong-gulo ang buhok ni Ali kaya marahan ko itong inayos. Nang naramdaman niyang itinigil ko ang paghaplos sa kan'yang buhok ay muli niyang kinuha ang kamay ko saka inilagay ulit sa ulo niya kaya wala akong nagawa kung hindi ipagpatuloy ang paghaplos sa kan'yang buhok.

Idinantay ko ang baba ko sa tuktok ng ulo niya, pumikit habang dinadama sa'king nga daliri ang sobrang lambot niyang buhok.

Ang mahalaga sa’kin ngayon nandito na si Ali. Sana hindi na muna siya umalis ulit dahil marami pa akong gustong gawin na kasama siya. Sana nga lang ay may sapat pa akong oras upang gawin ang mga ‘yon bago siya muling umalis.

Naka-uwi ka na, Ali. Andito ka na din sa wakas at yakap na kita.  

My husband is back and he's sleeping in my embrace.

Related chapters

  • My Love, My Ali   Chapter 1

    Hindi maganda ang daloy ng araw ko ngayon. Sobrang daming gawain ang ibinigay sa'min ng mga professor namin at kinakailangan matapos ko 'yon kaagad. Ngayon gabi naman ay may importante akong bagay na kailangan puntahan, inimbitahan kasi ako ng mga magulang ko para sa isang dinner night. Sa totoo lang, wala talaga akong balak pumunta d'on pero pinipilit ako ni Mommy na sumalo sa kanila ngayong dinner. Nagawa pa nga akong ipasundo sa driver namin para lang masiguradong makapunta ako at hindi tatakas sa napag-usapan.Kakatapos lang ng huling klase namin ngayon, naghahadali na akong magligpit ng gamit ko dahil nagmessage na ang driver na susundo sa'kin. Abala sa pag-aayos nang mapaigtad ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likod ko si Ate Karla pero nagpanggap na lang ako na hindi ako na apektuhan sa biglaan niyang pagsulpot.“Ayenne, are you heading home na?” Ate Karla asked while I was putting my things inside my bag. After I make

    Last Updated : 2022-04-01
  • My Love, My Ali   Chapter 2

    Hinihingal at mukhang pagod na pagod si Caitlyn nang makarating siya sa room namin kanina. Medyo gulo-gulo pa ang buhok nito at ang damit na suot niya ay sobrang lukot kaya akala namin ay na paano na siya dahil napakamukhang miserable ng itsura ni Caitlyn nang dumating siya kanina. Nagulat pa kami nang biglaan itong sumulpot sa gitna nang nagkakagulo naming mga ka-blockmates. Napahinto pa kanina ang pagku-kwentuhan ng mga ka-blockmates namin at napabaling ang karamihan sa kan'ya, nagtataka kung bakit mukhang galing sa marathon si Caitlyn. Wala pa kasi ang prof namin kaya panay chismisan lang ang ganap sa lecture room. Sakto kanina pagkapasok ni Caitlyn ay kasunod niya lang ang professor namin na dumating. Sandali lang ito naglecture sa'min bago umalis kaagad dahil sobrang sama raw ng pakiramdam niya. Hina-highblood ata dahil napakaputla ng itsura at pinagpapawisan nang dumating siya sa klase. "We're glad you made it, Caitlyn," Wika ko ng may halong pag-aalala. Sinubukan ko pang ay

    Last Updated : 2022-04-01
  • My Love, My Ali   Chapter 3

    Halos itumba ko na ang buong condo unit dahil sa paghalughog ko sa bawat sulok ng buong condominium namin. Ramdam ko na rin ang matinding hilo sa kakapabalik-balik pero hindi ko pa rin makita 'yung hinahanap ko! "Kasi naman! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, ha!" Naiinis na saad ko kay Toby. Umamba ako na hahampasin siya pero humakbang na kaagad paatras si Toby. Kanina ko pa hinahanap ang phone ko sa kung saan-saan. Simula pagkagising ko kanina ay wala na 'yon. Ang alam ko ay hindi ko naman nilabas sa bag ko 'yon kagabi nang makauwi ako. Malamang ay tinago ng siraulong 'to pero ayaw niyang umamin kung saan niya inilagay! Kinalkal ko na lahat ng drawers pati ilalim ng kama ay kinalikot ko na rin. Lahat ng paghalughog ko ay nag-iiwan ng kalat sa sala. Hindi na talaga ako natutuwa sa kalokohan ni Toby ngayon! Baka nagmessage sila Caitlyn! Hindi pa naman ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila kagabi na uuwi ako. Malamang ay hinanap ako ng mga 'yon o 'di kaya ay nag-aalala sa'kin dahil b

    Last Updated : 2022-04-01
  • My Love, My Ali   Chapter 4

    "Ayen…" I felt someone was tapping my cheek continuously. I groaned at sinubukang hawiin ang kamay na gumagambala sa'king pagtulog."Love, wake up," I tried to cover my face with the pillow but he tried to get me up by pulling my arms up however, his plan did not affect since I am heavy."Love, please! Get up!" I heard he said something but it is inaudible. I don't understand anything except wake up!I am drained! I can't even open my eyes! Ayoko pa bumangon, pakiramdam ko aysobrang pagod ng katawan ko at hindi ko kayang tumayo mula sa pagkakahiga."LooooOooove! Come on! Get up, NOW!" He held my both shoulders and shook me.Nagpapadyak ako dahil napakakulit nito. Ayaw akong tigilan at panay alog sa'kin!I opened my eyes and the first thing I saw was Toby. He now gently patting my shoulder, trying to wake me up again. Napangiti si Toby nang makitang bahagyang dumilat na ako saka siya umayos ng upo sa may kama ko.

    Last Updated : 2022-04-28
  • My Love, My Ali   Chapter 5

    "Ayen!" Napalingon ako kay Cai na tumawag sa'kin. Malaki ang ngiti nito sa kan'yang labi saka lumulukso-lukso pa ito nang lumapit sa'kin. Ipinulupot nito ang braso sa braso ko at isinandal ang pisngi sa balikat ko. "Guess what?" Ano na namang kalokohan nito? Susulpot para magpahula, e, hindi pa naman ako marunong manghula."Malay ko sa'yo, Caitlyn. Uuwi na ako kaya bumitaw ka na." Pwersahan kong tinanggal ang kamay niya. Ano ba 'to? Sawa? Grabe kung makakapit! Ayaw bumitaw!Hanggang sa paglalakad ko ay tila ba ahas si Caitlyn. Ni ayaw ako nitong bitawan at mas lalo pa nga ng hinihigpitan ang kan'yang kapit sa'king braso."Why are you so grumpy? Did you and Toby fight? Aw, too bad." She said using her baby voice. Anong kinalaman n'on? Pa'no napasok 'yan sa usapan?"Just let go of me," I said blandly."Tsk, I just want to spread good news to you!" Masayang wika niya. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay."Get your hands off me. Mabigat ka." Kanina pa ako nabibigatan sa kan'ya dahil idin

    Last Updated : 2022-05-11
  • My Love, My Ali   Chapter 6

    Unang linggo ng bakasyon. Wala naman akong mahalagang gagawin ngayong araw...Hindi ako sanay sa ganito. Buong araw kong inubos ang oras ko sa unit ng wala ni isang ginagawa. Buong araw ko rin ininda ang pangungulit sa'kin ni Toby. Magbakasyon daw kami at siya na raw ang bahala sa buong gastusin basta sumama lang daw ako. "Loooooove, dali naaaaa, sama ka na!" Inalog-alog niya ang isang balikat ko. Inis ko namang tinanggal ang kamay niya d'on. Ang itsura nito ay mukhang nagpapa-awang tuta. Inirapan ko lamang 'to saka binalik ang sarili sa pagbabasa ng isang article.But this man beside me was too persistent. He doesn't even take a no's as an answer."Love, please? I want to take a vacation! I don't want to stay here in the middle of summer! We need to go to the beach or even go to the province to gather some fresh aaaaaaaair!" Nagpapapadyak pa ito na parang batang nagmamaktol. Napahilot ako sa sintido ko. Why would I always go through this every time summer comes? Laging ganito si Tob

    Last Updated : 2022-05-12
  • My Love, My Ali   Chapter 6.2

    Nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe. Nagising na lang ako, nadatnan ko na gabi na at isa-isa na ring binababa ni Toby ang mga gamit namin. Nakapark na rin ang sasakyan. Nagstretch ako para kahit papaano ma-kondisyon ang katawan ko saka ako bumaba sa sasakyan para tulungan si Toby sa likod."Let me carry this," sinubukan kong kunin ang bag na hawak niya pero iniwas niya 'yon. Nagtataka akong tumingin sa kan'ya."You don't have to carry anything. Go to the lobby first, Love. I'll carry all the baggage," Isinukbit niya sa magkabilang balikat ang dalawang backpack, sunod naman niyang binuhat ang dalawang weekender bag. Tinitigan ko pa lang kung paano niya buhatin ang mga 'yon, parang ako ang nabibigatan para sa kan'ya."Are you sure? Isn't that very heavy? I can help naman." I am sincere of helping him. Seeing him carrying all those bags, it must be very heavy."I'm fine, don't you trust my muscles, Love?" His brows gestured up and down while smirking at me. He's too full of himself."O

    Last Updated : 2022-05-16
  • My Love, My Ali   Chapter 7

    "Toby! Ayoko! Baka malaglag ako d'yan!" Hinampas ko ang kamay ni Toby para hindi niya ako mahawakan.Instead of pagaanin ang loob ko ay tinawanan lang ako ng malakas ni Toby. "No! You're not going to fall! You haven't even ridden yet!" Malakas akong napasigaw ng subukan akong isakay ni Toby sa kayak. Hindi naman talaga ako takot magkayak. Takot ako sa kasama ko magkayak! Nagbabalak kasi si Toby na itulak ako, pinagbantaan ako na kapag nasa malalim na bahagi na raw kami ng dagat ay sadya niya raw akong itutulak at iiwan!"Sasampalin kita, Toby! Kapag ako sadya mong hinulog, 'wag ka na magpapakita sa'kin!" Pagbabanta ko."Ayoko! Ayoko d'yan sa harap mo!" Sobrang ingay at panay sigawan ang ginawa namin ni Toby na pati 'yung naga-assist sa'min sumakay sa kayak ay natatawa. In the end nakasakay din kami at ngayon ay nagp-paddle sa gitna ng dagat.The sun was scorching. The heat that came from the sun felt like needles stabbing my skin. I should wear the longsleeve rash guard rather than

    Last Updated : 2022-05-21

Latest chapter

  • My Love, My Ali   Chapter 14.2

    Nakatingin sa ibaba, naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada at hindi iniinda ang mga dumaraang sasakyan sa gilid ko.Palakad-lakad lamang ako, hindi alam kung saan o hanggang kailan ako dadalhin ng mga paa kong tila hindi nakakaramdam nang pagod.Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko kung ano ang nangyari kanina. Pa'nong umabot sa gan'on ang magandang intensyon ko na dalawin ang kaibigan ko? Wala akong ginawang masama. Hindi totoo ang mga ibinibintang ni Jenna sa'kin dahil kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na ipagkalat ang nalalaman ko sa kahit kanino!"She took the blame on me that easily…" napatingin na lamang ako sa kulay bughaw na langit habang mabagal na naglalakad. "I did not do the allegations she said I did… but, how could I explain myself to prove my side? Kung idinidiin niya na ako kahit pa hindi pa niya naririnig ang paliwanag ko?"Napahinto ako sa paglalakad. Naisip ko na kanina d'on sa bahay ni Jenna ay ipinapaliwanag ko na ang sarili ko kaya nga lang…ang mga matang

  • My Love, My Ali   Chapter 14

    "Do you need anything else, Tita?" I asked as I placed the cup of green tea on the coffee table.She just waved her hands to me, refusing my offer. "I came here just to check on my son. There's no need to make an extra effort. Besides, I won't stay here for too long. I'll leave immediately." Malamig na tonong wika ni Tita.Napatikhim ako upang pigilan ang sarili na dumaldal pa dahil mukhang hindi ito natutuwa na makita ako.I excused myself to Tita at naglakad na lang ako patungo kay Toby na nag o-organize ng mga groceries. "Nandyan si Tita, oh. Ako na d'yan, pumunta ka na r'on para makapag-usap kayo." Bulong ko. He nodded and stood up. "Just leave those cans there." Turo niya sa mga lata na nasa ibabaw ng counter. "I'll take care of it later," Tinalikuran niya na ako at nagtungo sa salas kung na saan si Tita.I organized our groceries silently. I heard their conversation but chose not to eavesdrop and mind what I'm doing right now."Son, you're too young to live yourself alone. Can'

  • My Love, My Ali   Chapter 13

    Abala ako ngayong umaga sa pag-aasikaso kay Gio. Kakatapos lamang nitong maligo dahil nagdumi ito. Pa'no kasi, bumili ng dragon fruit si Toby at ipinakain 'yon kay Gio kaninang madaling araw! Hindi man lang nilinisan 'yung aso! Ang hirap pa namang tanggalin nung stain ng dragon fruit! Ngayon ay nasa sala kami ni Gio habang pinupunasan ko ang basang balahibo nito. Laking pasalamat ko talaga na kulay brown si Gio at nadala sa baking soda paste ang pagtanggal sa stain nung dragon fruit."All clean!" Masayang wika ko nang matapos kong punasan ang buong katawan ni Gio.Nagkakawag ito upang patuyuin ang sarili kaya tumilansik ang butil ng tubig mula sa kan'yang balahibo na tumama naman sa'king mukha. Pinunasan ko ang tubig na tumalsik sa mukha ko bago bigyan ng headpat si Gio."Do you want me to dry your fur, baby? I know you love playing with blowers, wait," hindi mapakali at nagtatakbo paikot si Gio nang marinig niya ang salitang 'blower'. Tumayo na ako para kunin ang blower sa kwarto k

  • My Love, My Ali   Chapter 12

    Nakatulog kaagad ako pagkahatid sa'kin ni Gaius. Nalimutan ko nga kumain dahil inantok kaagad ako. Dahil maaga ako nakatulog kagabi kaya ngayon ay gising ako ngayong madaling araw. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako dinadalaw pa ng antok.Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Gio. Ngayong madaling araw ay napagdesisyunan kong lumabas kasi nagutom ako pagkagising ko kanina. Naramdaman kong nagwala kaagad ang tyan ko kanina. Ang sabi ng mga staff ay may malapit daw na night market dito. Meron ding convenient store at Jollibee na pwedeng lakarin, walking distance lang. Malamig sa labas kaya nagsuot ako ng dark blue na pang-ibabang pajama at oversized na hoodie na kulay yellow. Nakatali rin ang buhok na pa-ponytail at nagsuot ako ng cap na kulay beige.Nang masigurado ko nang maayos ang suot ko bago lumabas, kinuha ko na ang wallet ko sa loob ng bag saka dahan-dahang naglakad papunta sa pinto para iwasan ang gumawa ng ingay at magising si Gio.Successful ang paglabas ko. Madilim

  • My Love, My Ali   Chapter 11.2

    "Gio! Stop chewing my shoe!" Saway ko kay Gio nang napagtripan nitong kagat-kagatin ang heels na sapatos ko.Abala ako sa paglalagay ng hikaw ko. Hindi nakinig sa'kin ang pasaway na aso at patuloy sa pagkagat sa sapatos ko. Nang matapos kong ilagay ang hikaw ko ay kaagad kong inawat si Gio. Galit na galit ito sa sapatos ko na parang may personal itong sama ng loob."Baby, stop, okay? Wala na akong gagamiting sapatos kapag nasira mo 'yan," sermon ko sa kan'ya pero nagpupumiglas si Gio sa pagkakahawak ko sa kan'ya at ayaw magpaawat. Wala na akong choice, inilapag ko si Gio at nang tangkain niyang balikan ang sapatos na nasa lapag ay kaagad ko 'yon kinuha. Napatingin naman si Gio sa sapatos na inangat ng kamay ko.Napakunot ang noo ko. "What's wrong with you, huh?" Ang weird ng kilos ngayon ni Gio. Iretable ito masyado at napaka-unusual sa'kin n'on dahil kadalasan ay antukin ito.Panandalian kong ipinatong ang sapatos sa may round table dahil hindi ko pa naman gagamitin. Niluhod ko ang i

  • My Love, My Ali   Chapter 11

    Nagising ako na tila ba binuhusan ako nang malamig na tubig nang makita ko kung anong oras na. Late na ako! Papasok pa naman ako ngayon! Bakit ngayon pa nagtaksil ang alarm ko!Nakahiga si Gio sa gilid ng kama ko. Napabangon ito nang marahas akong tumayo at naggagahol na nagtungo sa bathroom para maligo. Habang naliligo ako, halos hindi ko na masyadong kinuskusan ang sarili ko dahil ayokong magtagal. Sobrang late na ako sa pagpasok! Sayang ang lesson! Naka missed na ako ng isa, hindi pwedeng dumalawa pa!Nang makalabas ako sa bathroom. Basang-basa akong lumabas na tanging twalya lang ang nakabalot sa'king katawan. Sobrang basa pa ang buhok ko at tumuto pa ito pababa sa'king katawan. Naglakad na ako patungo sa harap ng closet ko para kunin ang susuotin ko. Muntik pa nga akong madulas dahil sa kalokohang pinaggagagawa ko! Buti kamo napakapit ako sa may closet kaya hindi ako tuluyang nadulas!Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos at dali-daling sinuot ang damit ko. I didn't bother to app

  • My Love, My Ali   Chapter 10

    First-day ng pagbabalik namin sa university. Pagkapasok ko pa lang kumaway na kaagad sa'kin si Jenna ng makita ako nito. Nakangiti ito at sumenyas sa'kin na sa tabi niya ako uupo.Mabilis naman akong nagtungo sa pwesto niya. Ngumit siya sa'kin pagkaupo ko pa lang."How's the vacation?" Bungad nito. Napakamot naman ako sa ulo ng tanungin niya sa'kin 'yon. Naalala ko kasi kung ano ang mga nangyari. Sobrang gulo, napakagulo lalo na at puro sakit ng ulo ang binigay sa'kin ni Toby n'ong bakasyon. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa tuwing naalala ko 'yon."Well, kind of disaster I guess?" Awkward pa akong napatawa sa kan'ya."Hey, girls, what's the tea?" Napalingon kami kay Ate Karla na may malapad ang ngiting nakatayo sa gilid ko. Kaagad akong niyakap nito at nakipag beso, gan'on din ang ginawa niya kay Jenna at umupo sa kabilang side nito."Seems like Caitlyn is late again? On the first day of class. Well, as usual of her. What's new?" Ate Karla rolled her eyes. Napatawa naman kami n

  • My Love, My Ali   Chapter 9

    Kinabukasan, mga tanghali kaming pumunta ni Toby sa mall para maglibang dahil masyado na ata akong babad sa loob ng unit samantalang si Toby, e, sobrang busy. Titingin na rin ako sa pet shop dito sa mall dahil baka may magustuhan ako d'on."Can we pass by the pet shop?" Tanong ko. Magkahawak ang kamay namin ni Toby na nag-lilibot sa loob ng mall. Isini-swing pa niya ang kamay namin.Tumingin sa'kin si Toby at ngumiti. "Okay," pagpayag niya. "Are you planning to pick a dog today?" Umiling ako. "Nah, I'll just take a look. Hindi kaagad ako kukuha, pag-iisipan ko na lang muna."Napatawa naman ito ng mahina. "Why'd you need to think of it? Buy it now and think after." Nakangiting suwestyon ni Toby.Tinignan ko siya nang matalim saka inirapan. Ipapahamak pa ako. Puro na lang talaga kalokohan ang binabanggit ng lalakeng 'to.Nang mapadaan kami sa may bookstore, kaagad kaming pumasok d'on. May specific din kasi akong libro na gustong bilhin at mga stationeries. Gan'on din si Toby, bibili ri

  • My Love, My Ali   Chapter 8

    "Toby! Restrain yourself from eating too much!" Saway ko dahil sunod-sunod ang pagkain nito. Punong-puno na ang bibig nito pero hindi pa rin siya tumitigil kakalagay ng pagkain sa bibig niya. Balak ko sanang agawin 'yung bowl ng garlic shrimp na nasa harapan niya para pigilan ito sa sobrang pagkain kaso naunahan ako nitong kunin 'yon at iniwas niya sa'kin para hindi ko makuha. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi ito nagpatinag. Talagang inasar pa ako nito dahil inilapit nito ng kaunti ang mukha niya at kinain niya ng dahan-dahan sa mismong harapan ko.I grimaced. Nanunubok siya ng pasensya. Kapag ba sinampal ko 'to rito, makapang-aasar pa kaya siya?I pointed at him. "Kapag may nangyaring masama d'yan sa tyan mo, bahala ka na sa buhay mo," pagbabanta ko. Sumimangot si Toby saka inabot ang baked mussels para ipagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung na apektuhan ba ito o nananadya lang siya.Si Toby lang ang kumakain sa'ming dalawa. Hindi na rin natuloy ang plano ko na magswimsu

DMCA.com Protection Status