"No dad!! Hindi ako magpapakasal kahit kanino! Si Alexa ang mahal ko at sya ang pakakasalan ko!!" galit na sigaw ni Hyder.
"Susunod ka sa kasunduan at wala ka ng magagawa pa! Mag-ayos ka na dahil darating na sila ngayon" galit na utos ng kanyang ama.Hindi nagpatinag si Hyder."Ano bang karapatan mo dad para piliin ang babaeng pakakasalan ko? Hindi mo hawak ang isip ko lalo na ang puso ko!!!" diin na sagot ni Hyder sa kanyang ama.Isang malakas na suntok ang pinadapo ng kanyang ama kaya napasadlak sa sahig si Hyder."How dare you? Hindi kita pinalaki para bastusin ako ng ganyan! Anak lang kita! Kung gusto mong masunod ang gusto mo, gawin mo pero wala kang makukuha kahit na isang kusing na pamana!!" ani na kanyang ama at dinuro pa ito.Tumayo si Hyder habang hawak ang panga na sinuntok ng kanyang ama.Masama nyang tinitigan ang kanyang ama na nanginginig na sa galit."Iyan lang naman ang panakot nyo sa akin eh! Edi sa inyo na ang kayamanan mo! Dalhin mo hanggang sa libingan mo!!" sagot ni Hyder sa ama.Susuntukin pa sanang muli ni Senior Wilkerson si Hyder pero dumating na ang kanilang mga bisita."Hyder?" tawag ni Jihan. Pinagpalit palit nya ang tingin sa kanilang mag-ama.Marahas na tumingin si Hyder sa mga bisita.Hindi pa rin nawawala ang galit nya."Hinding hindi ako magpapakasal sa iba dad. Tandaan mo yan" wika ni Hyder at lumabas na ng mansion nila."Hyder!" sigaw ng kanyang ama."Ako na po ang kakausap sa kanya tito." wika ni Jihan. Nagpaalam sya sa kanyang magulang na susundan nya si Hyder.Nag-aalala man pero pumayag naman sila sa kagustuhan ni Jihan.Lumabas sya ng mansion at sumakay sa kotse na dala nya.Alam nya kung saan pupuntahan si Hyder lalo pa sa ganitong sitwasyon na marami syang problema. Magkaibigan naman sila ni Hyder pero hindi nila alam na nagkaroon na pala ng kasunduan ang mga magulang nila na silang dalawa ang ikakasal. Hindi din nila alam na magkakilala pala ang mga magulang nila at ang isa pa ay hindi rin alam ng mga magulang nila na magkaibigan na sila ni Hyder.Nagtungo si Jihan sa isang bar.Nilibot nya ang paningin at hindi nga sya nagkamali. Agad nyang nilapitan si Hyder at umupo sa upuang katapat nito."Sabi ko na nga ba nandito ka eh" nakangiting wika ni Jihan."Yeah, sorry kanina at ganoon ang nadatnan mo" paumanhin naman ni Hyder."Hindi ko alam na ikaw pala ang pinagkasundo sa akin ng magulang ko" mahinahong wika ni Jihan.Napabuntong hininga muna si Hyder at tinungga ang alak na hawak nito. Pinapanood lang sya ni Jihan."Jih, magkaibigan tayo diba at alam mong mahal ko si Alexa. Baka naman pwedeng kausapin mo ang magulang mo na huwag ng ituloy ang kasal natin o kaya ikaw na mismo ang tumutol." pakiusap ni Hyder sa dalaga.Nakaramdam ng kirot sa puso si Jihan dahil sa sinabi ni Hyder."Su- susubukan ko" matipid na wika ni Jihan at isang pilit na ngiti ang ginawa nya..May sumilay na luha sa mata nya na lihim nyang pinahid.Alam nyang wala talagang pag-asa na mahalin sya ni Hyder . Hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ng binata."Asahan ko yan ha" masayang ani ni Hyder."Hyder, Paano kung...??" ani ni Jihan pero hindi nya na itinuloy."Paano kung ano Jih?" kunot noong tanong ni Hyder."Wala, naisip ko lang na paano kung ituloy na lang natin yung kasal?" alinlangang wika ni Jihan."What?! Jih hindi pwede. No offense pero si Alexa ang mahal ko. Mahal kita Jih pero hanggang kaibigan lang" gulat na wika ni Hyder."Teka lang naman kasi.. Nagrereact ka kasi agad. Patapusin mo muna ako sa sasabihin ko. Wala naman akong sinabing magmahalan tayo haler?" pagpapanggap naman ni Jihan.Bahala na, yan na lang ang naiisip na tanging paraan para matali sa kanya ang lalaking mahal nya.Susugal sya sa larong walang kasiguruhan. Ang nasisigurado lamang ni Jihan ay ang sakit na titiisin nya habang kasama ang lalaking mahal nya."Ano bang sasabihin mo? Bakit bigla kang nagkainteres na pakasalan ako?" tanong ni Hyder kay Jihan.Bumuntong hininga si Jihan pagkatapos ay inagaw ang beer na hawak ni Hyder at ininom ito bilang pampalakas ng loob."Ganito kasi yan, narinig ko na hindi ka makakakuha ng mana pag hindi ka sumunod sa kasunduan. Syempre bilang kaibigan mo ako Ayaw ko naman na mangyari iyon sa iyo. " panimula ni Jihan.Tahimik lamang na nakikinig si Hyder at naghihintay sa mga susunod na sasabihin ni Jihan."Magpapakasal lang tayo para sa isang palabas. Pag kinasal tayo titira tayo sa iisang bubong pero magkahiwalay ang mga silid natin. Pag nasa public place tayo, we will act as a sweet couple. In short pagpapanggap lang ang lahat. Pag nakuha mo na ang mana mo then we can get divorce after two years" paliwanag ni Jihan kay Hyder.Nagulat man pero nagdadalawang isip si Hyder sa suggestion ni Jihan. Oo nga. Bakit hindi nya naisip iyon tutal naman magkaibigan sila ni Jihan. Wala namang malisya kung ganoon ang gagawin nya."Sigurado ka ba? Okay lang ba iyon sayo? Ayaw kong makasakit Jih" ani ni Hyder.(Hindi Hyder, hindi okay sa akin pero para sa iyo gagawin ko ito) wika ni Jihan sa isip nya."Oo naman. Ano ka ba magkaibigan tayo hindi ba? Ang kailangan lang nating gawin ay kausapin natin si Alexa at ipaliwanag sa kanya na set-up lang ang lahat at isa pa hindi ako maiinlove sayo no" dagdag pang muli ni Jihan. Salungat ang sinasabi ng kanyang bibig sa sinasabi ng puso nya.Mabigat man sa dibdib pero kailangan nyang tiisin ang sakit.Hindi na nya papayagan na makawala pa si Hyder sa kanya gayong may pagkakataon ng binigay sa kanya ang tadhana."Ako na ang magpapaliwanag kay Alexa. Maiintindihan naman nya iyon. Para rin naman sa amin ito. Maraming salamat sa Jih. Isa ka ngang mabuting kaibigan" nakangiting wika ni Hyder.Nagpaalam naman na si Jihan kay Hyder dahil may aasikasuhin pa daw ito.Pero ang totoo ay hindi na kinakaya ng puso nya ang naririnig na mga salita mula kay Hyder.Hindi naman na sya makakaatras pa dahil nasimulan na nya ang plano nya.JIHAN'S POV"Ay girl. Sorry for the word ha pero ang tanga mo sa part na yan" maarteng wika ni Trina matapos kong ikwento ang napag-usapan ni Hyder."Aray naman. Kung maka-tanga ka naman" nakanguso kong wika.Nandito ako sa condo ni Trina dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Si Trina lang din naman kasi ang tanging kaibigan ko na napagkakatiwalaan ko kahit pa nga ba daig pa ng dila nya ang talim ng kutsilyo sa sobrang prangka."Alam mo naman na kasing may girlfriend na sya eh tapos isisiksik mo ang sarili mo sa kanya. Kahit magpakasal pa kayo Jih, kung iba naman ang mahal nya , masasaktan at masasaktan ka lang" sermon nya sakin.Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napaiyak na ako.Nararamdaman ko ang awa ni Trina habang niyayakap nya ako."Masisisi mo ba ako kung mahal ko sa Hyder?" tanong ko kay Trina. Isang malakas na buntong hininga ang narinig ko mula kay Trina."Jih, walang mali sa pagmamahal pero ang isang napakalaking mali ay yung isisiksik mo ang sarili mo sa taong
HYDER'S POV"Mabuti naman iha, napabago mo ang isip ng anak ko" masayang wika ni daddy kay Jihan habang pinagsasaluhan namin ang tanghalian.Nandito ang pamilya ni Jihan para pag usapan ang kasal namin.Nagkatinginan kami ni Jihan at binigyan namin ng matamis na ngiti ang isa't isa.Muling tumingin si Jihan sa aking ama."Naipaliwanag ko po kasi kay Hyder ng mabuti. Naiintindihan naman po nya kaya pumayag na rin po sya kalaunan" nakangiting wika naman ni Jihan."Pagkatapos ng kasal nyo, bigyan nyo ako ng maraming apo ha" ani daddy kaya bigla akong nasamid at napaubo."Iho okay ka lang ba?" tanong ng ina ni Jihan sa akin."Okay lang po ako" sagot ko at kinuha ang isang baso ng tubig na inabot Jihan.Nang maayos na ang pakiramdam ko, hinawakan ni Jihan ang kamay ko at muling hinarap ang aking ama.Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang aming mga palad.Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang palad nya."Tito...." tawag ni Shin sa aking ama."Dad, call me dad iha" pa
"Sigurado ka na ba? Pwede ka pang umatras habang may oras pa" tanong ni Trina sa kaibigan nyang si Jihan habang inaayusan ito.Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Hyder.Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman nya. Masaya dahil sa wakas ay mapapasakanya na ang lalaking mahal nya.Malungkot naman sa kabilang banda dahil alam nyang hindi sya ang nilalaman ng puso ng mapapangasawa nya."Wala ng atrasan ito Trin" desididong sagot ni Jihan.Sa garden lamang ng mansion nila Senior Wilkerson gaganapin ang kasal nila.Tanging pamilya lang ng magkabilang panig at ilang mapagkakatiwalaang kaibigan lamang ang nandito upang maging witness.Wala silang nilabas sa publiko na kahit na anong impormasyon tungkol sa kasal dahil iyon ang hiling ni Jihan.........."Now, I pronounced you husband and wife. Hyder you may kiss the bride" ani ng judge bilang pagtatapos ng seremonya.Isang smack lamang ang ginawa ni Hyder kay Jihan at nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon. Walang pagsidlan ang kasiyah
JIHAN'S POVOne week later...Alas Dos ng madaling nang maalimpungatan ako dahil sa gutom. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.Tinignan ko ang cellphone ko at binuksan ito.Nakita ko message ni Hyder na gagabihin sya sa pag-uwi. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Sino bang babae ang hindi maiinlove sa katulad ni Hyder lalo pa't kahit na alam nyang kasal kasalan lang ang nangyari sa amin ay hindi nya kinakalimutang mag-update.Maliit na bagay para sa iba pero para sa akin aykasiyahan sa puso ko ang dulot nito.Lumabas ako para magtungo sa kusina dahil kanina pa umaangal ang sikmura ko.Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang dalawang taong walang humpay sa pag-ungol.Kumabog ng malakas ang dibdib ko at lakas loob na lumapit sa pintuan ng silid ni Hyder.Bahagyang nakabukas ito kaya dinig na dinig ang palitan nila ng ungol.Sumilip ako sa pintuan at doon na nagsimulang maglaglagan ang mga luha ko.Nasaksihan ko kung paano magniig ang asawa ko at ang babaeng mahal nya
HYDER'S POV"Bakit hindi mo na lang i-divorce si Jihan kung ganoon naman pala?" tanong ni Ash sa akin.Hindi ko rin naman alam sa sarili ko bakit hindi ko iyon ginagawa."Oo nga naman Hyder. Bilyonaryo ka. Kayang kaya mo namang bayaran ang abogado para ma-divorce kayo ni Jihan at saka maimpluwensya ka no. Para lang sa ordinaryong tao ang maghintay pa ng dalawang taon para makapagfile ng divorce." pakli naman ni Nexxus."Hihintayin ko na lang na sya ang unang sumuko.Papahirapan ko pa sya para naman maipamukha ko sa kanya na hindi nya ako makukuha" galit na wika ko."No dude. Hindi tama ang paglaruan ang asawa mo" kontra ni Ash sa akin."She's not my wife. Masyado lang syang makasarili at desperada" sagot ko kay Ash."First of all, bakit ka pumayag sa plano nya kung ayaw mo? Kung mahal mo talaga si Alexa mas pipiliin mong maghirap na lang kesa pumayag sa gusto ni Jihan. Actually hindi ka naman maghihirap talaga eh, may sarili kang business kaya kahit hindi ka makatanggap ng mana, bilyo
JIHAN'S POV"Are you with me?" taas kilay na tanong ni Trina."Ha? Sorry. Ano ulit iyon?" tanong ko rin sa kanya."My God Jihan.. Nandito tayo sa Palawan para mag-enjoy hindi para dalhin ang problema mo dito" may inis na turan ni Trina."Sorry" tipid na wika ko at nagpatuloy sa paglalakad.Nakayuko lamang ako dahil naiisip ko pa rin ang sinabi ni Hyder na wala syang pakialam sa akin."Ouch!" sigaw ko nang mabunggo ako ng isang lalaki.Napatingin naman si Trina sa gawi ko dahil mas nauuna syang naglalakad papunta sa beach."Sorry miss" ani ng gwapong lalaki na nakabunggo sa akin."Sa susunod kasi tumingin kayo sa dinaanan nyo mga Mister" masungit na wika ni Trina habang papalapit ito sa amin."Pwede ba kumalma ka Trin?" awat ko kay Trina.Humarap naman ako sa dalawang lalaki ."Pasensya na kayo, ako naman ang may kasalanan. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" nakuyukong paumanhin ko sa kanila.Inangat ko ang mukha ko at napatingin sa lalaking nakabunggo sa akin.Nakatitig lang
HYDER'S POV"Hyder pwede ba tayong mag-usap??" tanong ni Jihan sa akin."Wala akong oras sayo Jihan. Sumunod kami dito para makasama ang girlfriend ko at hindi para makipag-usap sayo" matigas na boses ko."Hyder please" pakiusap nya."Bakit ba hindi mo maintindihan ang sinabi ko?" galit na wika ko kay Jihan habang nakahawak sa braso nya."Umayos ka Jih, wala pang alam si Alexa tungkol sa kagagawan mo kaya pwede ba wag kang mag-inarte sa harap ko!" gigil na wika ko.Pabalagbag kong binitawan ang braso nya. Nakita ko ang pagpahid nya ng luha ngunit binalewala ko lang ito."Pupunta si Dad bukas ng gabi sa mansion kaya ayusin mo ang sarili mo. Itutuloy mo ang pagpapanggap mo sa harap nya at umastang okay lang tayo. Naiintindihan mo?!" galit na tanong ko.Tango na lamang ang tanging naisagot nya kaya iniwan ko na syang mag-isa.Susulitin ko ang araw na to na kasama si Alexa.JIHAN'S POV"Panira naman ng moment yang ASAWA mo" inis na turan ni Trina na pinagdidiinan pa nya ang salitang asawa
HYDER'S POVAlas nueve na ng gabi nang makauwi ako.May malaking problema kasing kinakaharap ang kompanya na kailangan naming ayusin.Idagdag mo pa ang pressure na binibigay sa akin ni Daddy na dapat maayos ang problema sa lalong madaling panahon. Well this is the real life of a businessman. Full of pressure, madami kasing nakasalalay sayo hindi lang ang kapakanan ng kompanya pati na rin ang mga empleyadong umaasa lamang sa sahod nila na nakukuha nila.Akala ng iba purke bilyonaryo ka e masarap na ang buhay ang hindi nila alam gumugugol din kami ng pagod at oras."Kumusta ang trabaho? Kumain ka na ba? Halika kumain ka nagluto ako para sayo" masayang wika na bungad ni Jih sa akin.Sa halip na pansinin ko sya dumiretso lang ako sa paglalakad. Pagod ang katawang lupa ko pati ang isip ko kaya mas gusto ko na lang magpahinga."Paborito mo ang niluto ko kaya kumain kana..." ani nya pang muli habang nakabuntot sa likod."Hyder..." tawag nya sa akin."Jih I'm fucking tired! Bakit ba ang kulit