"Hyder, gusto kong magpasalamat sa lahat ng kabutihang nagawa mo para sa akin. Kahit sa sandaling panahon lang tayong nagkasama sa isang bubong, naging masaya ako sa piling mo.Masaya akong nagagawa ko ang obligasyon ko bilang asawa para sa iyo. Naisip ko na sana mayroon man lang kahit na isang araw na minahal mo ako. Pasensya ka na kung naging makasarili ako at naging makulit ako. Huwag kang mag-alala kailanman ay hindi ako nagtanim ng galit sa iyo. Deserve ko na naman ang pagtrato mo sa akin.Napag-isip isip ko na palayain ka na.Deserve ninyo ni Alexa na maging masaya kaya subukan mo ulit na ayusin ang relasyon nyo.Alam kong may isang tao na nakalaan din para sa akin. Isang taong magpapasaya sa akin at mahalin din ako.Sa mga oras na mabasa mo ito baka nasa malayo na ako. Ingatan mo sana ang sarili mo.Mahal na mahal kita Hyder. Hanggang sa muli.-Jih"Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at ang mga mata ko ay nalulunod na sa luha. Hindi mawari ng isipan ko na nakapagdesisyon
Galit na galit si Senior Wilkerson na nagtungo sa mansion ni Hyder.Nakarating na kasi sa kanya ang balita na umalis na si Jihan at iniwan pa nito ang pirmadong divorce paper. "Ano bang katarantaduhang ginawa mo sa asawa mo?!" galit na sigaw ni Senior Wilkerson.Hinaklit nya sa kwelyo ang kanyang anak habang nagliliyab ito sa galit.Hindi naman kumikibo si Hyder dahil alam nyang kasalanan naman nya kung bakit iniwan sya ni Jihan."Akala mo hindi ko alam na nakikipagkita ka pa kay Alexa!! Wala kang kwenta Hyder!!" bulyaw pa nito at isang suntok ang dumapo sa panga ni Hyder."Tito, please. Kumalma muna kayo" awat ni Ash sa ama ni Hyder."Pagsabihan nyo ang kaibigan ninyong yan ha. Oras na hindi bumalik si Jihan. Wala syang matatanggap na pamana mula sa akin!!" ani pa ni Senior Wilkerson at iniwan na muli si Hyder.HYDER'S POV"Grabe naman yang daddy mo dude" ani ni Nexxus habang naglalapat ng cold compress sa mukha ko."Paano mo naman hahanapin si Jihan nyan?" tanong naman ni Ash na na
"Bakit ganoon ang pananalita mo kay Hyder? May alam ka ba kung saan nagpunta si Jih?" tanong ni Nexxus kay Ash."Paano kung meron? Sasabihin mo ba kay Hyder?" malamig na wika nito at sumandal sa swivel chair.Nasa harap naman nya si Nexxus na nakatayo lamang. Naglalaban ang kanilang paningin sa isa't isa. Kaya kaya ni Ash na mahanap ang isang taong nawawala. Hawak nya ang isang grupo ng mga private investigator at iyon ang hindi alam ng mga kaibigan nya."Nakadepende sa sagot mo. Gusto ko munang malaman ang plano mo" seryosong turan naman ni Nexxus.Huminga ng malalim si Ash at tumayo ito.Naglakad sya ng dahan dahan patungo sa balcony ng kanyang opisina."Nag-utos ako sa isang private investigator para hanapin si Jih. Napag-alaman namin na lumipad silang dalawa ni Trina papuntang Japan. Ang magpinsang Doyle ang tumutulong sa kanila ngayon" paliwanag ni Ash habang nakatanaw sa malayo."Doyle?" ulit naman ni Nexxus."Yeah. Sila yung kasama nila Jih at Trina noong nagpunta tayo sa Pala
JIHAN'S POVDalawang buwan na rin ang lumipas mula ng lumipat kami dito ni Trina sa Japan.Tinutulungan naman kami ni Grey at Myer kung paano makapag-adjust dito. Hindi na rin nila kami sinisingil ng bayad dito sa unit namin dahil pagmamay-ari naman ito ni Grey. Tumatanggi kami nung una pero nagpupumilit sila kaya kahit nakakahiya man. Wala na kaming magawa ni Trina. Sabagay kung si Trina ay okay lang dahil boyfriend nya na itong si Myer.Ako? Medyo okay naman na ang puso ko. Unti unti ko nang natatanggap sa sarili ko na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Hyder.Ano kayang ginagawa nya ngayon?Namimiss kaya nya ako?Nagkabalikan na kaya sila ni Alexa?Siguro naprocess na ni Hyder ang divorce paper na iniwan ko. Wala na kasi akong balita. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Atty. Javier dahil baka magtanong sa kanya si Hyder "Ahhh nakakainis!" sambit ko at nagtalukbong pa ako ng kumot ko. Tinatamad akong bumangon ngayon. Gusto ko pang matulog pero nangungulit na si Trina."Hoy bruh
HYDER'S POVIt's been five months since Jih left me. I search her through my connections but she is nowhere to be found. It seems like she disappeared into thin air."Gosh!! Wala pa bang balita??" tanong ko sa private investigator ko na kausap ko sa telepono."Igihan nyo pa ang paghahanap ng mga lead para matunton ang asawa ko" utos ko dito at binaba ang phone call."Jih nasaan ka na ba??" ani ko at napasabunot pa sa sariling buhok.Napakagat ako sa labi at nag-isip ng malalim.Kinuha ko ang cellphone at sinubukan kong tawagan ang number ni Jih pero bigo pa rin ako. Ganoon din ang ginawa ko sa numero ni Trina pero hindi ko rin ito makontak."Saan ba kayo nagtatago? Bakit ang hirap nyong hanapin?" bulong ko sa kawalan.Sinubukan kong i-check ang background ng pamilya ni Trina. Marangya rin ang pamumuhay nila.Ang pinagtataka ko lamang ay kung saan sila kumukuha ng panggastos nila sa loob ng limang buwan. Kahit minsan ay hindi sila gumamit ng kahit anong card.Bigla akong tumayo at kinuh
JIHAN'S POV"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Grey dahil bigla na lamang nya akong sinama sa lakad nya.Huminto kami sa isang store na puro gamit at damit na pang-baby hanggang panglimang taong gulang kaya isang malaking ngiti ang sumilay sa aking labi."See? sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito. Tara na para makapamili na tayo" ani pa nya sa akin pero bigla akong napatigil."Bakit may problema ba?" tanong muli sa akin ni Grey.Napanguso naman ako dahil nahihiya akong magsabi sa kanya."Ano? Masakit ba ang tyan mo?" pag-aalala pa nya at hinawakan ang tyan ko."Hindi.. Ano kasi.. Hindi pa naman natin alam yung gender dba? Kaya paano tayo bibili ng gamit" alinlangang wika ko dahil ayaw kong mapahiya.Napakamot naman sya ng ulo habang natatawa."Oo nga pala. Tara magpaultrasound muna tayo" yaya naman nya sa akin.Hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.Mayroon namang OB-GYNE Clinic na malapit lang dito kaya doon kami nagpunta.Pagpasok pa lang namin ay agad nama
"No dad!! Hindi ako magpapakasal kahit kanino! Si Alexa ang mahal ko at sya ang pakakasalan ko!!" galit na sigaw ni Hyder."Susunod ka sa kasunduan at wala ka ng magagawa pa! Mag-ayos ka na dahil darating na sila ngayon" galit na utos ng kanyang ama.Hindi nagpatinag si Hyder."Ano bang karapatan mo dad para piliin ang babaeng pakakasalan ko? Hindi mo hawak ang isip ko lalo na ang puso ko!!!" diin na sagot ni Hyder sa kanyang ama.Isang malakas na suntok ang pinadapo ng kanyang ama kaya napasadlak sa sahig si Hyder."How dare you? Hindi kita pinalaki para bastusin ako ng ganyan! Anak lang kita! Kung gusto mong masunod ang gusto mo, gawin mo pero wala kang makukuha kahit na isang kusing na pamana!!" ani na kanyang ama at dinuro pa ito.Tumayo si Hyder habang hawak ang panga na sinuntok ng kanyang ama.Masama nyang tinitigan ang kanyang ama na nanginginig na sa galit."Iyan lang naman ang panakot nyo sa akin eh! Edi sa inyo na ang kayamanan mo! Dalhin mo hanggang sa libingan mo!!" sagot
JIHAN'S POV"Ay girl. Sorry for the word ha pero ang tanga mo sa part na yan" maarteng wika ni Trina matapos kong ikwento ang napag-usapan ni Hyder."Aray naman. Kung maka-tanga ka naman" nakanguso kong wika.Nandito ako sa condo ni Trina dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Si Trina lang din naman kasi ang tanging kaibigan ko na napagkakatiwalaan ko kahit pa nga ba daig pa ng dila nya ang talim ng kutsilyo sa sobrang prangka."Alam mo naman na kasing may girlfriend na sya eh tapos isisiksik mo ang sarili mo sa kanya. Kahit magpakasal pa kayo Jih, kung iba naman ang mahal nya , masasaktan at masasaktan ka lang" sermon nya sakin.Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napaiyak na ako.Nararamdaman ko ang awa ni Trina habang niyayakap nya ako."Masisisi mo ba ako kung mahal ko sa Hyder?" tanong ko kay Trina. Isang malakas na buntong hininga ang narinig ko mula kay Trina."Jih, walang mali sa pagmamahal pero ang isang napakalaking mali ay yung isisiksik mo ang sarili mo sa taong