Share

Chapter 2. Jihan's Obsession

JIHAN'S POV

"Ay girl. Sorry for the word ha pero ang tanga mo sa part na yan" maarteng wika ni Trina matapos kong ikwento ang napag-usapan ni Hyder.

"Aray naman. Kung maka-tanga ka naman" nakanguso kong wika.

Nandito ako sa condo ni Trina dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Si Trina lang din naman kasi ang tanging kaibigan ko na napagkakatiwalaan ko kahit pa nga ba daig pa ng dila nya ang talim ng kutsilyo sa sobrang prangka.

"Alam mo naman na kasing may girlfriend na sya eh tapos isisiksik mo ang sarili mo sa kanya. Kahit magpakasal pa kayo Jih, kung iba naman ang mahal nya , masasaktan at masasaktan ka lang" sermon nya sakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napaiyak na ako.

Nararamdaman ko ang awa ni Trina habang niyayakap nya ako.

"Masisisi mo ba ako kung mahal ko sa Hyder?" tanong ko kay Trina. Isang malakas na buntong hininga ang narinig ko mula kay Trina.

"Jih, walang mali sa pagmamahal pero ang isang napakalaking mali ay yung isisiksik mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal. Kaibigan lang ang turing ni Hyder sa iyo pero ikaw? Hindi lang kaibigan ang turing mo sa kanya. Kaya ka nasasaktan ngayon dahil na rin sa kagagawan mo" ani pa nyang muli.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay matuloy ang kasal namin.

Makasarili na kung makasarili pero mahal ko eh.

"Sinasabi ko sa iyo Jih. Kung mahal mo talaga si Hyder, palayain mo sya para makawala ka na rin sa sakit na nararanasan mo. Hindi pa nga kayo kinakasal nagkakaganyan ka na, paano pag kinasal pa kayo? Baka tuluyan ka ng malugmok" mahabang litanya pa ni Trina.

"Baka mahalin nya rin ako oras na magsama na kami" ani ko kay Trina.

"Hay naku, ang tigas naman ng ulo mo. Bahala ka kung ano ang gusto mo. Basta huwag mong kakalimutan na pinagsabihan na kita ha. Kaibigan kita at ayokong nakikita kitang nasasaktan at hindi rin naman kita kukunsintihin sa mga maling bagay na naiisip mo. Pero kung ipipilit mo pa rin yan. Wala na akong magagawa." inis na wika nya sakin.

Binigyan nya muna akong ng oras para mapag-isa baka daw sakaling maisip ko ang katangahang ginagawa ko.

Nahiga lang ako sa kama ni Trina habang yakap ang unan.

Naalala ko pa noong una kaming magkakilala ni Hyder nung pinagtanggol nya ako sa mga taong nambastos sakin.

FLASHBACK

"Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin dahil papatayin ko kayo!" sigaw ni Hyder sa mga lalaking nagtangka sa akin na ngayon ay tumatakbo na.

"Miss okay ka lang ba?" tanong nya sa akin.

Tumango naman ako dahil hindi pa ako makapagsalita. Nanginginig pa kasi ako sa takot.

"Ako nga pala si Hyder Jacob Wilkerson. " pakilala nya sa akin.

Inangat ko ang ulo ko at napanganga ako sa kagwapuhang taglay nya.

Wilkerson? Oh my God . Sya kaya nag unico hijo ng tanyag na Wilkerson?

"Jihan Rova Miller" pakilala ko naman sa kanya.

"Hindi ka dapat nag-iisa lalo na sa mga ganitobg lugar dahil madami ang masasamang loob tulad ng mga lalaki kanina" pag-aalala nya.

"Naliligaw kasi ako kaya napadpad ako dito. Wala rin akong matawagan dahil naiwan ko ang cellphone ko" nahihiyang wika ko sa kanya.

"Let's Go!" ani nyang muli at hinawakan ang kamay ko.

Nakaramdam ako ng kilig habang naglalakad kami na hawak nya ang kamay ko.

"Ihahatid na kita ,baka mapano ka pa" ani nya.

Tinanggihan ko na sya pero nagpupumilit pa rin sya kaya wala na akong nagawa.

Konsensya pa daw nya pag may nangyaring hindi maganda sa akin.

Nagpahatid na lang ako sa condo ko sa may Pasay City. Actually hindi naman talaga ako naliligaw kanina. Gusto ko lang maglakwatsa dahil tinakasan ko ang driver ko.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya habang nagmamaneho sya at lihim na napapangiti.

"Hindi kaya ako matunaw nyan?" tanong nya na kinagulat ko. Napapansin pala nya ang tingin ko.

"Pamilyar ka lang kasi sa akin.Hindi ba bilyonaryo ka? Parang nakita na kita sa magazine o kaya sa balita" palusot ko sa kanya hindi ko lang alam kung effective.

Natawa naman sya ng mahina habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

"Akala ko pa naman hindi mo ako makikilala" natatawang wika ni Hyder.

Sino ba namang makakalimot sa ganyang kagwapo?

Nakarating na kami sa Pasay City at binaba nya na ako sa harap ng building.

Nagpasalamat naman ako sa kanya. Kinuha na lang nya ang cellphone number ko bilang bayad daw sa paghatid nya sa akin.

Mula noon ay nagpapalitan na kami ng mensahe.

Hindi nagtagal ay mas lumalim pa ang nararamdaman ko kay Hyder ngunit isang araw ay pinakilala nya sa akin ang long time girlfriend nya.

Pinakita ko sa kanya na hindi ako apektado, na magkaibigan lang talaga kami.

END OF FLASHBACK.

Muli na namang tumulo ang luha ko ng maalala ang tagpong iyon.

Nag-assume ako na may gusto sa akin si Hyder dahil sa pinapakita nyang sweetness sa akin. Lagi kaming nagpapalitan ng mga mensahe.

Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung ano ang kulang sa akin. Kung ano ang meron sa Alexa na iyon na wala sa akin.

Kinakain ako ng mga insecurities ko pag naiisip kong hindi ako mamahalin ni Hyder.

Nag-beep ang cellphone kaya sinilip ko ito. Nakita ko na si Hyder ito kaya umarangkada na naman ang puso ko.

Inopen ko ang message nya at binasa ito.

"Jih, naipaliwanag ko na kay Alexa. Naiintindihan naman daw nya kaya pumayag na sya" - Hyder

Bumuntong hininga ako para ibsan ang bigat ng puso ko.

Ito na ang simula. Susubukan kong paibigin si Hyder para hindi na matuloy ang usapan naming divorce.

Wala namang magagawa si Alexa dahil kami naman ni Hyder ang pinagkasundong ikasal.

Sana kahit paano ay magawa nya akong mahalin.

Susubukan ko lang naman, after two years kung hindi nagbago ang pagtingin sa akin ni Hyder at kaibigan pa rin ang turing nya sa akin. Palalayain ko na sya ng tuluyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status