HYDER'S POV
"Mabuti naman iha, napabago mo ang isip ng anak ko" masayang wika ni daddy kay Jihan habang pinagsasaluhan namin ang tanghalian.Nandito ang pamilya ni Jihan para pag usapan ang kasal namin.Nagkatinginan kami ni Jihan at binigyan namin ng matamis na ngiti ang isa't isa.Muling tumingin si Jihan sa aking ama."Naipaliwanag ko po kasi kay Hyder ng mabuti. Naiintindihan naman po nya kaya pumayag na rin po sya kalaunan" nakangiting wika naman ni Jihan."Pagkatapos ng kasal nyo, bigyan nyo ako ng maraming apo ha" ani daddy kaya bigla akong nasamid at napaubo."Iho okay ka lang ba?" tanong ng ina ni Jihan sa akin."Okay lang po ako" sagot ko at kinuha ang isang baso ng tubig na inabot Jihan.Nang maayos na ang pakiramdam ko, hinawakan ni Jihan ang kamay ko at muling hinarap ang aking ama.Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang aming mga palad.Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang palad nya."Tito...." tawag ni Shin sa aking ama."Dad, call me dad iha" pagtatama ng aking ama."Okay po dad. Plano po kasi namin ni Hyder na magtayo muna kami ng bagong business pagkatapos ng kasal. Kaya kung mamarapatin po ninyo, iyon na lang po muna ang uunahin namin bago kami bumuo ng pamilya" ani ni Shin sa aking ama.Pasimple nya akong sinulyapan at kinindatan.Naunawaan ko naman agad ang ibig nyang sabihin."Yes dad. Family business naman ang gagawin namin para rin sa future namin ni Jihan., na magiging asawa ko at sa magiging anak ko" wika ko kay daddy."Balae, pagbigyan mo na sila. Pasasaan ba at magkakaanak rin naman sila" pakli naman ng Daddy ni Jihan."Okay, kung yan ang gusto nyo. Iyon ang masusunod. Sabagay makikita ng mga magiging anak nyo ang pinagpaguran nyo" pagpayag naman ni daddy.Masaya ako at maayos ang lahat ng pag-uusap.Gusto kasi ni Jihan na simple lang at pribado ang magiging kasal namin kaya walang ilalabas sa publiko para maiwasan din daw ang mga issue, bagay na pabor sa akin.Naintindihan naman ng aking ama ang kagustuhan ni Jihan kaya pumayag ito as long as kaming dalawa ang ikakasal."Nakakapressure pala ang daddy mo Hyder" wika ni Jihan kaya natawa ako."Ikaw ang nag-isip nito noh kaya dapat tapusin mo" pang-aasar ko sa kanya.Nandito kami sa boutique ngayon para samahan sya na mamili ng isang simpleng wedding dress."Dapat kasi ininform mo muna ako, parang gusto ko na tuloy umatras" wika nya pang muli.Ginulo ko ang buhok nya at inakbayan sya."Lumayo ka nga. Ang baho ng kilikili mo!" pang-aasar nya.Sa halip na pakawalan ko sya, mas lalo kong pinaamoy sa kanya ang kilikili ko.Wala kaming pakialam kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao.Wala namang malisya dahil magkaibigan kami ni Jihan at natural lang sa magkaibigan na mag-asaran.Nilibot pa namin ang boutique para makapamili na si Jihan."Ito na lang Hyder oh" wika ni Jihan at nilapitan ang isang simple but elegant na white dress."Sure, sukatin mo na para alam natin kung kailangan ng adjustment" ani ko sa kanya at inaassist na sya ng isang sales clerk sa fitting room.Natatawa naman ako sa kalokohan namin. Para kaming naglalaro ng kasal-kasalan.Legal ang magiging kasal namin ni Jihan. Napag-usapan naman namin na magdidivorce kami after two years kaya okay lang na ipagpatuloy namin ni Alexa ang relasyon namin."Halika na, okay na" ani ni Jihan.Nagtungo na kami sa cashier binayaran ko na ang dress na napili nya."Jihan?" tawag ko sa kanya ng makalabas kami sa boutique."Hmm Why ?" tanong naman nya."Okay lang ba na samahan mo ako kay Alexa?" tanong ko sa kanya."Why not? Tara. Nasaan ba sya?" magiliw na wika nya.Napangiti naman ako sa sagot nya."Nandoon sya sa restaurant na iyon oh" ani ko kay Jihan.Nagtungo na kami at pumasok na restaurant kung nasaan si Alexa.Masaya ako at masisilayan ko ulit ang mukha ng babaeng mahal ko."Jih thank you ha" nakangiting wika ng girlfriend ko na si Alexa."Next time may bayad na yan ha. Mahal ang talent fee ko sa pagiging third wheel" pabirong wika ni Jihan kaya natawa na lamang si Alexa."Babe, pasensya ka na ha. Kung ganito ang set up natin sa ngayon" ani ko kay Alexa habang hawak ko ang kamay nya."Okay lang. Naiintindihan ko naman. Madami na tayong pinagdaanan kaya balewala ang dalawang taong hihintayin ko" wika naman ni Alexa sa akin.Hinaplos ng kanang kamay ko ang pisngi nya at matamis ko syang tinitigan."Ehemmm" singit ni Jih.Napalingon naman ako sa kanya nang may pagtataka."Pasensya na po sa istorbo. Pwede po bang mag-order ako ng pagkain ko para hindi naman po ako mapanisan ng laway dito?" ani nya kaya nagkatawanan kami.Pinaunlakan ko naman ang request nya at tinawag ang waiter para makaorder na sya ng makakain nya.Napaawang na lang ang labi ko nang halos mapuno ang lamesa namin ng pagkaing inorder nya at take note, sa kanya lang daw iyon at ako pa ang magbabayad."Sige na take your time na makapag-usap basta ako kakain lang ako dito" ani nya habang natatakam sa mga pagkain at tinikman pa isa isa ang bawat dish."Mauubos mo ba lahat yan?" tanong ko sa kanya."Syempre hindi" prangkang sagot nya."Huh? tapos nag-order ka ng ganyang kadami?" hindi makapaniwalang wika ko.Nilapag nya ang mga kubyertos at diretso akong tinitigan."Hyder, gusto mong makasama si Alexa diba. Ibig sabihin matagal mo syang makakausap at makakasama hanggang sa maubos ko lahat ito. Ayos ba?" tanong pa nya habang sabay pa nyang tinaas taas ang dalawang kilay nya."Oo nga no? Matalino ka talaga Jih" masayang wika ko.Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ni Alexa at nakikain na rin kami sa mga pagkaing inorder ni Jihan."Pag nakalipat na si Jihan sa mansion namin. Pwede kang pumunta doon anytime mahal ko" ani ko kay Alexa."Okay lang ba sa iyo Jihan?" tanong naman ni Alexa kay Jih.Parang tuod lang si Jih sa tanong ng girlfriend ko. Nakatulala lang ito sa pinggan na nasa harap nya."Hoyy Jih, tinatanong ka ni Alexa" pukaw ko sa kanya."hmm? Teka lang ha. Sumasakit kasi ang tyan ko. Naimpatso yata ako. Pupunta muna ako sa rest room" paalam nya sa amin at iniwan muna kami sandali.Natawa naman ako dahil sa nangyari kay Jih. Pinairal kasi ang katakawan kaya ayun sinakitan ng tyan."Sigurado ka na ba? Pwede ka pang umatras habang may oras pa" tanong ni Trina sa kaibigan nyang si Jihan habang inaayusan ito.Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Hyder.Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman nya. Masaya dahil sa wakas ay mapapasakanya na ang lalaking mahal nya.Malungkot naman sa kabilang banda dahil alam nyang hindi sya ang nilalaman ng puso ng mapapangasawa nya."Wala ng atrasan ito Trin" desididong sagot ni Jihan.Sa garden lamang ng mansion nila Senior Wilkerson gaganapin ang kasal nila.Tanging pamilya lang ng magkabilang panig at ilang mapagkakatiwalaang kaibigan lamang ang nandito upang maging witness.Wala silang nilabas sa publiko na kahit na anong impormasyon tungkol sa kasal dahil iyon ang hiling ni Jihan.........."Now, I pronounced you husband and wife. Hyder you may kiss the bride" ani ng judge bilang pagtatapos ng seremonya.Isang smack lamang ang ginawa ni Hyder kay Jihan at nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon. Walang pagsidlan ang kasiyah
JIHAN'S POVOne week later...Alas Dos ng madaling nang maalimpungatan ako dahil sa gutom. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.Tinignan ko ang cellphone ko at binuksan ito.Nakita ko message ni Hyder na gagabihin sya sa pag-uwi. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Sino bang babae ang hindi maiinlove sa katulad ni Hyder lalo pa't kahit na alam nyang kasal kasalan lang ang nangyari sa amin ay hindi nya kinakalimutang mag-update.Maliit na bagay para sa iba pero para sa akin aykasiyahan sa puso ko ang dulot nito.Lumabas ako para magtungo sa kusina dahil kanina pa umaangal ang sikmura ko.Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang dalawang taong walang humpay sa pag-ungol.Kumabog ng malakas ang dibdib ko at lakas loob na lumapit sa pintuan ng silid ni Hyder.Bahagyang nakabukas ito kaya dinig na dinig ang palitan nila ng ungol.Sumilip ako sa pintuan at doon na nagsimulang maglaglagan ang mga luha ko.Nasaksihan ko kung paano magniig ang asawa ko at ang babaeng mahal nya
HYDER'S POV"Bakit hindi mo na lang i-divorce si Jihan kung ganoon naman pala?" tanong ni Ash sa akin.Hindi ko rin naman alam sa sarili ko bakit hindi ko iyon ginagawa."Oo nga naman Hyder. Bilyonaryo ka. Kayang kaya mo namang bayaran ang abogado para ma-divorce kayo ni Jihan at saka maimpluwensya ka no. Para lang sa ordinaryong tao ang maghintay pa ng dalawang taon para makapagfile ng divorce." pakli naman ni Nexxus."Hihintayin ko na lang na sya ang unang sumuko.Papahirapan ko pa sya para naman maipamukha ko sa kanya na hindi nya ako makukuha" galit na wika ko."No dude. Hindi tama ang paglaruan ang asawa mo" kontra ni Ash sa akin."She's not my wife. Masyado lang syang makasarili at desperada" sagot ko kay Ash."First of all, bakit ka pumayag sa plano nya kung ayaw mo? Kung mahal mo talaga si Alexa mas pipiliin mong maghirap na lang kesa pumayag sa gusto ni Jihan. Actually hindi ka naman maghihirap talaga eh, may sarili kang business kaya kahit hindi ka makatanggap ng mana, bilyo
JIHAN'S POV"Are you with me?" taas kilay na tanong ni Trina."Ha? Sorry. Ano ulit iyon?" tanong ko rin sa kanya."My God Jihan.. Nandito tayo sa Palawan para mag-enjoy hindi para dalhin ang problema mo dito" may inis na turan ni Trina."Sorry" tipid na wika ko at nagpatuloy sa paglalakad.Nakayuko lamang ako dahil naiisip ko pa rin ang sinabi ni Hyder na wala syang pakialam sa akin."Ouch!" sigaw ko nang mabunggo ako ng isang lalaki.Napatingin naman si Trina sa gawi ko dahil mas nauuna syang naglalakad papunta sa beach."Sorry miss" ani ng gwapong lalaki na nakabunggo sa akin."Sa susunod kasi tumingin kayo sa dinaanan nyo mga Mister" masungit na wika ni Trina habang papalapit ito sa amin."Pwede ba kumalma ka Trin?" awat ko kay Trina.Humarap naman ako sa dalawang lalaki ."Pasensya na kayo, ako naman ang may kasalanan. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" nakuyukong paumanhin ko sa kanila.Inangat ko ang mukha ko at napatingin sa lalaking nakabunggo sa akin.Nakatitig lang
HYDER'S POV"Hyder pwede ba tayong mag-usap??" tanong ni Jihan sa akin."Wala akong oras sayo Jihan. Sumunod kami dito para makasama ang girlfriend ko at hindi para makipag-usap sayo" matigas na boses ko."Hyder please" pakiusap nya."Bakit ba hindi mo maintindihan ang sinabi ko?" galit na wika ko kay Jihan habang nakahawak sa braso nya."Umayos ka Jih, wala pang alam si Alexa tungkol sa kagagawan mo kaya pwede ba wag kang mag-inarte sa harap ko!" gigil na wika ko.Pabalagbag kong binitawan ang braso nya. Nakita ko ang pagpahid nya ng luha ngunit binalewala ko lang ito."Pupunta si Dad bukas ng gabi sa mansion kaya ayusin mo ang sarili mo. Itutuloy mo ang pagpapanggap mo sa harap nya at umastang okay lang tayo. Naiintindihan mo?!" galit na tanong ko.Tango na lamang ang tanging naisagot nya kaya iniwan ko na syang mag-isa.Susulitin ko ang araw na to na kasama si Alexa.JIHAN'S POV"Panira naman ng moment yang ASAWA mo" inis na turan ni Trina na pinagdidiinan pa nya ang salitang asawa
HYDER'S POVAlas nueve na ng gabi nang makauwi ako.May malaking problema kasing kinakaharap ang kompanya na kailangan naming ayusin.Idagdag mo pa ang pressure na binibigay sa akin ni Daddy na dapat maayos ang problema sa lalong madaling panahon. Well this is the real life of a businessman. Full of pressure, madami kasing nakasalalay sayo hindi lang ang kapakanan ng kompanya pati na rin ang mga empleyadong umaasa lamang sa sahod nila na nakukuha nila.Akala ng iba purke bilyonaryo ka e masarap na ang buhay ang hindi nila alam gumugugol din kami ng pagod at oras."Kumusta ang trabaho? Kumain ka na ba? Halika kumain ka nagluto ako para sayo" masayang wika na bungad ni Jih sa akin.Sa halip na pansinin ko sya dumiretso lang ako sa paglalakad. Pagod ang katawang lupa ko pati ang isip ko kaya mas gusto ko na lang magpahinga."Paborito mo ang niluto ko kaya kumain kana..." ani nya pang muli habang nakabuntot sa likod."Hyder..." tawag nya sa akin."Jih I'm fucking tired! Bakit ba ang kulit
JIHAN'S POVMaaga akong gumising dahil makikipagkita ako sa isang importanteng tao ngayon.Humarap ako sa salamin sa loob ng banyo.Namamaga pa rin ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi.Ilang minuto lang ang nilagi ko sa banyo para maligo. Nagsuot lang din ako ng isang simpleng dress at nag-apply ng kaunting make up para matakpan kahit paano ang pamamaga ng mga mata ko.Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako.Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mansion mula sa hagdan.Pinikit ko ang mata ko at ninamnam ang katahimikan sa buong paligid.Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita ko si Manang Elma."Manang si Hyder po?" tanong ko dito."Kakaalis lang nya anak. Pinagbilin nya nga na iluto ko raw ang paborito mong almusal. Kaya halika na kumain ka muna" nakangiting wika ni Manang sa akin.Tinignan ko ang pagkaing nakahapag sa mesa at muli kong binaling kay Manang ang paningin ko."Pasensya na po Manang. Sa labas na lang po ako kakain kasabay ko po si Trina" pagsisinungaling ko kay
HYDER'S POV"Jih gising ka na pala. Halika magbreakfast na tayo" nakangiting bati ko kay Jihan.Ngumiti rin sya ng matamis pagkatapos ay naupo sa katapat na upuan."Here, kumain ka. Sabi ni Manang hindi ka mo raw kinain ang paborito mong breakfast kahapon" dagdag ko pang muli."Salamat." tipid na wika nya.Alam kong naninibago sya sa kinikilos ko at sa pagtrato ko sa kanya.Alam kong sumobra na ako kaya heto na ang pagkakataon ko para makabawi sa kanya.Gusto kong ibalik ang dating ngiti sa labi ni Jihan."Can I make a request?" tanong ko na nagpaangat sa mukha nya."Ano naman iyon Hyder?" kunot noo nyang tanong."Can you bring me lunch later? May meeting kasi kami nila Ash at Nexxus" ani ko sa kanya.Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Jihan.Ngiting totoo na matagal ko ng hindi nakikita sa kanya."Sure. Walang problema." masayang wika nya."From now on, gusto kong magkasabay na tayong magbreakfast. okay?Alam kong naging harsh ako sayo Jih but I want to make it up. I'm sorry for all