JIHAN'S POV
One week later...Alas Dos ng madaling nang maalimpungatan ako dahil sa gutom. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.Tinignan ko ang cellphone ko at binuksan ito.Nakita ko message ni Hyder na gagabihin sya sa pag-uwi. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi.Sino bang babae ang hindi maiinlove sa katulad ni Hyder lalo pa't kahit na alam nyang kasal kasalan lang ang nangyari sa amin ay hindi nya kinakalimutang mag-update.Maliit na bagay para sa iba pero para sa akin aykasiyahan sa puso ko ang dulot nito.Lumabas ako para magtungo sa kusina dahil kanina pa umaangal ang sikmura ko.Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang dalawang taong walang humpay sa pag-ungol.Kumabog ng malakas ang dibdib ko at lakas loob na lumapit sa pintuan ng silid ni Hyder.Bahagyang nakabukas ito kaya dinig na dinig ang palitan nila ng ungol.Sumilip ako sa pintuan at doon na nagsimulang maglaglagan ang mga luha ko.Nasaksihan ko kung paano magniig ang asawa ko at ang babaeng mahal nya.Halos panawan ako ng ulirat kaya dali dali akong bumalik sa silid ko. Doon ko na binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.Bakit ba ang sakit mong mahalin Hyder?Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal ko sa iyo?Ako ang asawa mo Hyder. Kasal na tayo.Unti unti na ring namimigat ang mga talukap ng mga mata ko kaya nilamon na rin ako ng antok.Kinabukasan..."Hi Jih, mag breakfast na tayo" nakangiting wika ni Hyder.Hindi ko sya pinansin at nagtuloy lang ako sa paglalakad.Bigla naman nya akong hinila kaya napaharap ako sa kanya.Malungkot na nagtatanong ang mga mata ko habang tinitignan ko sya. Nagsimulang maglaglagan ang mga luha ko."Jih bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Hyder sa akin.Hinawakan nya ng magkabilang pisngi at pinapahid ang mga luhang dumadaloy."Ang sabi mo sakin gagabihin ka sa trabaho,pero bakit nandito si Alexa kagabi?!" marahas na tanong ko.Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil parang sasabog ang puso ko."Jih Bakit mo tinatanong yan? Alam mong Girlfriend ko si Alexa" sagot nya sa akin."Pero asawa mo ako Hyder! Sarap na sarap ka pa kagabi sa ginagawa nya sayo!!" pagdidiin ko sa kanya."Jih Ano ba?! Palabas lang naman natin to hindi ba? Bakit ka nagkakaganyan?? Ikaw ang nag-isip ng ganitong set-up" inis na wika nya sa akin."So para sayo, palabas lang ang lahat ng ito! Nasasaktan ako Hyder! Lahat ng to ginagawa ko para sayo! Lahat ng sakit tinitiis ko makita lang kitang masaya! Dahil totoong mahal kita Hyder! Kung hindi mo kayang respetuhin ako bilang tao, respetuhin mo man lang sana ako bilang tao!!!" umiiyak na wika ko.Nanlaki ang mga mata nya sa binitawan kong salita."So kaya pala ganitong set up ang naisip mo para matali ako sayo! Makasarili ka Jih!. Pinaniwala mo ako na mabuting kaibigan. Yun pala may hidden agenda ka" kagat labi nyang tugon.Nararamdaman ko ang galit nya pero wala na akong pakialam pa doon. Ngayong sa akin na sya hindi ako makakapayag na malapitan ulit sya ni Alexa."Mabuti pang putulin na ninyo ni Alexa ang relasyon nyo" sarkastikong wika ko kay Hyder.Napangisi naman sya at matalim akong tinignan."Hindi ko puputulin ang relasyon ko kay Alexa dahil sya ang mahal ko at alam mo yan.Kahit kailan hindi kita magagawang mahalin. Mas pipiliin ko pa na maging pulubi kesa mahalin ka. Walang lugar sa puso ko ang mga katulad mo. Sa papel mo lang ako asawa at gagawa ako ng paraan para ikaw na mismo ang maglatag ng divorce paper sa harap ko!!" galit na wika nya at iniwanan nya na ako.Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang mga pangyayari."Hyder wait!!" sigaw ko ng mapagtanto ko ang mga sinabi ko.Shitt! Wrong move Jihan. wrong move.Pumasok ako sa silid ko at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Hyder.Ring lang ng ring ito hanggang sa tuluyan ng hindi ko ma-contact si Hyder."Hyder, sorry.. Please bumalik ka na" pagsamo ko sa kawalan.Awang awa ako sa sarili ko dahil para akong nanlilimos ng pagmamahal.Wala na. Nasira ko na ang tiwala ni Hyder.Mas lalo ko lang pinagulo ang sitwasyon.Natatakot ako na baka hindi na bumalik pa si Hyder."Okay lang sa akin kahit hindi mo ako mahalin. Kahit si Alexa pa ang mahal mo. Huwag ka lang mawala sa tabi ko." umiiyak na bulong ko sa sarili ko.Kasalanan ko ito, naging makasarili ako.Sana pala hindi ko na inamin na mahal ko sya.Gabi na, heto pa rin ako naghihintay sa pagbabalik ng asawa ko.Alam kong dito pa rin sya uuwi hanggang sa bumukas ang pintuan.Nakahinga ako ng maluwag dahil bumalik ang asawa ko."Hyder, mag-usap tayo please?" pakiusap ko sa kanya."Wala tayong pag-uusapan. Sapat na ang narinig ko mula sayo" malamig na wika nya."Gusto ko lang humingi ng sorry sa mga nasabi ko. Nadala lang ako ng emosyon ko" paumanhin ko kay Hyder."Damage has been done Jih, Mas mabuti pang dumistansya ka na lang sa akin kesa may magawa ako sayong hindi mo magustuhan" ani nya."Gagawin ko lahat mahalin mo lang ako." ani ko sa kanya."Jih please? kung may konting kahihiyan pa dyan sa sarili mo itigil mo na to. Bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo dahil si Alexa ang mahal ko. Mahal din kita pero hanggang kaibigan lang" paliwanag nya at tuluyan na akong iniwan sa living room.Walang humpay na naman sa pagdaloy ang aking mga luha habang tinitanaw si Hyder paakyat ng hagdan."No Hyder. Gagawin ko lahat para mabaling ang atensyon mo sa akin. Kung kailangang kulit kulitin kita sa araw araw gagawin ko." bulong ko sa sarili ko.Nakakabulag talaga ang pagmamahal. Darating talaga tayo kung minsan sa point na hindi na natin alam ang limitasyon natin.Asawa ko na si Hyder, pero bakit kailangan ko pang magmakaawa na mahalin ako ng sarili kong asawa?Ang tagal kong tiniis ang sakit sa tuwing makikita kong masaya sya sa piling ni Alexa.Ganito na lang ba ang papel ko sa mundo? Wala ba akong karapatang sumaya at mahalin ng taong mahal ko?Madalas naiisip ko na Sana ako na lang si Alexa.HYDER'S POV"Bakit hindi mo na lang i-divorce si Jihan kung ganoon naman pala?" tanong ni Ash sa akin.Hindi ko rin naman alam sa sarili ko bakit hindi ko iyon ginagawa."Oo nga naman Hyder. Bilyonaryo ka. Kayang kaya mo namang bayaran ang abogado para ma-divorce kayo ni Jihan at saka maimpluwensya ka no. Para lang sa ordinaryong tao ang maghintay pa ng dalawang taon para makapagfile ng divorce." pakli naman ni Nexxus."Hihintayin ko na lang na sya ang unang sumuko.Papahirapan ko pa sya para naman maipamukha ko sa kanya na hindi nya ako makukuha" galit na wika ko."No dude. Hindi tama ang paglaruan ang asawa mo" kontra ni Ash sa akin."She's not my wife. Masyado lang syang makasarili at desperada" sagot ko kay Ash."First of all, bakit ka pumayag sa plano nya kung ayaw mo? Kung mahal mo talaga si Alexa mas pipiliin mong maghirap na lang kesa pumayag sa gusto ni Jihan. Actually hindi ka naman maghihirap talaga eh, may sarili kang business kaya kahit hindi ka makatanggap ng mana, bilyo
JIHAN'S POV"Are you with me?" taas kilay na tanong ni Trina."Ha? Sorry. Ano ulit iyon?" tanong ko rin sa kanya."My God Jihan.. Nandito tayo sa Palawan para mag-enjoy hindi para dalhin ang problema mo dito" may inis na turan ni Trina."Sorry" tipid na wika ko at nagpatuloy sa paglalakad.Nakayuko lamang ako dahil naiisip ko pa rin ang sinabi ni Hyder na wala syang pakialam sa akin."Ouch!" sigaw ko nang mabunggo ako ng isang lalaki.Napatingin naman si Trina sa gawi ko dahil mas nauuna syang naglalakad papunta sa beach."Sorry miss" ani ng gwapong lalaki na nakabunggo sa akin."Sa susunod kasi tumingin kayo sa dinaanan nyo mga Mister" masungit na wika ni Trina habang papalapit ito sa amin."Pwede ba kumalma ka Trin?" awat ko kay Trina.Humarap naman ako sa dalawang lalaki ."Pasensya na kayo, ako naman ang may kasalanan. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" nakuyukong paumanhin ko sa kanila.Inangat ko ang mukha ko at napatingin sa lalaking nakabunggo sa akin.Nakatitig lang
HYDER'S POV"Hyder pwede ba tayong mag-usap??" tanong ni Jihan sa akin."Wala akong oras sayo Jihan. Sumunod kami dito para makasama ang girlfriend ko at hindi para makipag-usap sayo" matigas na boses ko."Hyder please" pakiusap nya."Bakit ba hindi mo maintindihan ang sinabi ko?" galit na wika ko kay Jihan habang nakahawak sa braso nya."Umayos ka Jih, wala pang alam si Alexa tungkol sa kagagawan mo kaya pwede ba wag kang mag-inarte sa harap ko!" gigil na wika ko.Pabalagbag kong binitawan ang braso nya. Nakita ko ang pagpahid nya ng luha ngunit binalewala ko lang ito."Pupunta si Dad bukas ng gabi sa mansion kaya ayusin mo ang sarili mo. Itutuloy mo ang pagpapanggap mo sa harap nya at umastang okay lang tayo. Naiintindihan mo?!" galit na tanong ko.Tango na lamang ang tanging naisagot nya kaya iniwan ko na syang mag-isa.Susulitin ko ang araw na to na kasama si Alexa.JIHAN'S POV"Panira naman ng moment yang ASAWA mo" inis na turan ni Trina na pinagdidiinan pa nya ang salitang asawa
HYDER'S POVAlas nueve na ng gabi nang makauwi ako.May malaking problema kasing kinakaharap ang kompanya na kailangan naming ayusin.Idagdag mo pa ang pressure na binibigay sa akin ni Daddy na dapat maayos ang problema sa lalong madaling panahon. Well this is the real life of a businessman. Full of pressure, madami kasing nakasalalay sayo hindi lang ang kapakanan ng kompanya pati na rin ang mga empleyadong umaasa lamang sa sahod nila na nakukuha nila.Akala ng iba purke bilyonaryo ka e masarap na ang buhay ang hindi nila alam gumugugol din kami ng pagod at oras."Kumusta ang trabaho? Kumain ka na ba? Halika kumain ka nagluto ako para sayo" masayang wika na bungad ni Jih sa akin.Sa halip na pansinin ko sya dumiretso lang ako sa paglalakad. Pagod ang katawang lupa ko pati ang isip ko kaya mas gusto ko na lang magpahinga."Paborito mo ang niluto ko kaya kumain kana..." ani nya pang muli habang nakabuntot sa likod."Hyder..." tawag nya sa akin."Jih I'm fucking tired! Bakit ba ang kulit
JIHAN'S POVMaaga akong gumising dahil makikipagkita ako sa isang importanteng tao ngayon.Humarap ako sa salamin sa loob ng banyo.Namamaga pa rin ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi.Ilang minuto lang ang nilagi ko sa banyo para maligo. Nagsuot lang din ako ng isang simpleng dress at nag-apply ng kaunting make up para matakpan kahit paano ang pamamaga ng mga mata ko.Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako.Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mansion mula sa hagdan.Pinikit ko ang mata ko at ninamnam ang katahimikan sa buong paligid.Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita ko si Manang Elma."Manang si Hyder po?" tanong ko dito."Kakaalis lang nya anak. Pinagbilin nya nga na iluto ko raw ang paborito mong almusal. Kaya halika na kumain ka muna" nakangiting wika ni Manang sa akin.Tinignan ko ang pagkaing nakahapag sa mesa at muli kong binaling kay Manang ang paningin ko."Pasensya na po Manang. Sa labas na lang po ako kakain kasabay ko po si Trina" pagsisinungaling ko kay
HYDER'S POV"Jih gising ka na pala. Halika magbreakfast na tayo" nakangiting bati ko kay Jihan.Ngumiti rin sya ng matamis pagkatapos ay naupo sa katapat na upuan."Here, kumain ka. Sabi ni Manang hindi ka mo raw kinain ang paborito mong breakfast kahapon" dagdag ko pang muli."Salamat." tipid na wika nya.Alam kong naninibago sya sa kinikilos ko at sa pagtrato ko sa kanya.Alam kong sumobra na ako kaya heto na ang pagkakataon ko para makabawi sa kanya.Gusto kong ibalik ang dating ngiti sa labi ni Jihan."Can I make a request?" tanong ko na nagpaangat sa mukha nya."Ano naman iyon Hyder?" kunot noo nyang tanong."Can you bring me lunch later? May meeting kasi kami nila Ash at Nexxus" ani ko sa kanya.Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Jihan.Ngiting totoo na matagal ko ng hindi nakikita sa kanya."Sure. Walang problema." masayang wika nya."From now on, gusto kong magkasabay na tayong magbreakfast. okay?Alam kong naging harsh ako sayo Jih but I want to make it up. I'm sorry for all
JIHAN'S POVMagkasama na naman kami ni Trina ngayon at napagdesisyunan naming maglibot sa mall.For the first time na pupuntahan ko ang kaibigan ko ng may ngiti sa labi."Sus, naniwala ka naman agad baka bukas lalapit ka na naman sa akin ng umiiyak." panunukso ni Trina sa akin.Kinwento ko kasi sa kanya ang naging usapan namin ni Hyder at ang pagbabago sa pakikitungo nya sa akin. Mula sa mabangis na tigre naging animo'y maamong tupa na lang ito."Huwag mo na ngang sirain ang araw ko. Minsan lang naman to eh" nakanguso kong wika kay Trina.Para kaming mga bata na nag-aasaran sa gitna ng hallway ng mall."pero sinasabi ko sayo ha. Magtira ka para sa sarili mo. Hangga't hindi nya tinatapos ang relasyon nya kay Alexa huwag kang pakakasiguro" payo sa akin ni Trina.Patuloy lang kami sa paglalakad ng bigla syang napahinto. Nakatingin lang si Trina sa loob ng nadaanan naming restaurant sa loob ng mall."Ano bang tinitignan mo dyan?" tanong ko Lumapit naman ako kay Trina at tumingin din sa d
JIHAN'S POV"Pasensya ka na Alexa kung naabala pa kita ha" paumanhin ko kay Alexa.Tinawagan ko talaga sya para makausap ng maayos tungkol sa nakita namin ni Trina kahapon.Sinadya kong dito makipagkita sa kanya sa parehong restaurant na kinainan nila ng kasama nyang lalaki."Wala iyon. Ano bang gusto mong pag-usapan at parang napakaimportante naman yata yan" natatawang sagot naman ni Alexa."Kain muna tayo? Parang masarap ang pagkain dito" nakangiting wika ko."Oo naman dito kami madalas ng boyfriend ko dahil paborito namin ang restaurant na ito" masayang wika nya subalit bigla syang natigilan.Narealize nya siguro ang binitawan nyang salita."Madalas kayo ni Hyder dito??" pagpapanggap ko naman."Ah eh. Oo eh. Hindi mo ba alam?" tanong nyang muli."Wala naman syang sinasabi sa akin. Pero nitong mga nakaraang araw kasi nagpapadala na lang sya ng lunch sa akin. Wala na daw kasi silang oras nila Ash at Nexxus na lumabas pa o kaya magpadeliver" patay malisya kong sagot sa kanya.Nararamd