Share

Chapter 6. Ipahiya si Jihan

HYDER'S POV

"Bakit hindi mo na lang i-divorce si Jihan kung ganoon naman pala?" tanong ni Ash sa akin.

Hindi ko rin naman alam sa sarili ko bakit hindi ko iyon ginagawa.

"Oo nga naman Hyder. Bilyonaryo ka. Kayang kaya mo namang bayaran ang abogado para ma-divorce kayo ni Jihan at saka maimpluwensya ka no. Para lang sa ordinaryong tao ang maghintay pa ng dalawang taon para makapagfile ng divorce." pakli naman ni Nexxus.

"Hihintayin ko na lang na sya ang unang sumuko.

Papahirapan ko pa sya para naman maipamukha ko sa kanya na hindi nya ako makukuha" galit na wika ko.

"No dude. Hindi tama ang paglaruan ang asawa mo" kontra ni Ash sa akin.

"She's not my wife. Masyado lang syang makasarili at desperada" sagot ko kay Ash.

"First of all, bakit ka pumayag sa plano nya kung ayaw mo? Kung mahal mo talaga si Alexa mas pipiliin mong maghirap na lang kesa pumayag sa gusto ni Jihan. Actually hindi ka naman maghihirap talaga eh, may sarili kang business kaya kahit hindi ka makatanggap ng mana, bilyonaryo ka pa rin." wika pa ni Ash..

"Nakikita namin na mahal mo si Jihan bro. Ginagamit mo lang si Alexa pangtanggal ng init ng katawan mo!" wika naman ni Nexxus.

"Wag kami Hyder. May mga stolen shots ka nga ng picture ni Jihan mula ng makilala mo sya" singit naman ni Ash.

"Girlfriend ko si Alexa at hindi ko sya ginagamit" dipensa ko naman sa kanila.

"Hindi ko alam bakit nagdedeny ka pa. Palayain mo na lang si Jihan kesa pahirapan mo sya.

Minahal ka lang naman nya. Baka sa bandang huli ma-karma ka pa" naiiling na wika ni Nexxus.

Napatingin ako kay Nexxus at isang ngisi ang ginawa ko.

"ako? makakarma? hindi naman ako ang nagsimula ng gulong to ah" inis na turan ko.

"Hindi nga ikaw ang nagsimula pero yang mindset mo ang magpapagulo lalo sa sitwasyon." ani ni Ash.

Minahal ko si Jihan? Oo, noon, hindi ko itatanggi yun pero dumating sa buhay ko si Alexa.

Lahat ng pangangailangan ko naibibigay nya.

Ang alam ko sa sarili ko mahal ko si Alexa at hindi ko sya kayang mawala. Wala din naman akong dahilan para iwan si Alexa.

Isang katok ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Iniluwa nito ang aking asawa. I mean si Jihan kaya naningkit ang mga mata ko.

"Ano ginagawa mo dito sa opisina ko? Alam mong nagtatrabaho ako?!" bulyaw ko kay Jihan.

Napayuko naman sya at humingi ng paumanhin.

"Baka kasi... Nagugutom ka na.. Heto nagdala ako ng pagkain" nakangiting wika nya.

"You know what? Mas pipiliin ko ng magutom kesa kainin ang pagkain na dala mo" sarkastikong wika ko.

Ganyan nga Jih. Namnamin mo ang kalupitan ko.

Araw araw mo mararanasan ang impyerno sa piling ko.

"Hay naku. Akin na yan Jih" ani ni Ash at kinuha ang paper bag na may lamang pagkain.

Nilabas naman isa isa ni Ash ang mga tupperware .

Kumuha naman si Nexxus ng paper plate at mga kubyertos.

"Kami na lang ang kakain nito Jih ah. Kanina pa kami gutom eh. Okay lang ba?" nakangiting wika ni Ash.

Nahihiyang tumango naman si Jihan at ngumiti sa kanila.

Naamoy ko ang pagkain na hinanda ni Jihan kaya nakaramdam na rin ako ng gutom.

"Huwag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang mga taong hindi nakakakita ng halaga mo Jih" parinig ni Nexxus sa akin kaya masama akong tumingin sa kanya.

Siniko naman sya ni Ash habang natatawa.

"Oy, magtabi tabi po ka baka makatama ka ng hindi nakikita" ani ni Ash at sabay pa silang tumawa ni Nexxus ng malakas.

Unti unting umaakyat ang dugo ko sa ulo ko dahil sa pang-aasar ng dalawang to.

Kung tutuusin ako ang biktima dito tapos pagkakaisahan pa nila ako.

"Hmmm, masarap ka pala magluto Jih" ani ni Nexxus na sunod sunod ang pagsubo.

"Tara sumabay ka na sa amin Jih." yaya naman ni Ash kay Jihan.

Ngumiti naman si Jihan pero tumanggi ito.

"Hindi na. Pupuntahan ko pa kasi si Trina kaya naisip ko lang na dumaan dito. Magpapaalam lang sana ako na sasama sana ako kay Trina sa Palawan" nakangiting wika nya sa akin.

"Wow, Palawan? Ilang araw kayo doon?" manghang wika ni Ash.

"Three days lang kami doon" sagot naman ni Jihan.

"You think, Do i Care? Wala akong pakialam kahit saan ka magpunta at wala akong pakialam kahit ilang araw ka pa doon. Mas mabuti nga na huwag ka ng bumalik eh. Tinitiis ko na lang na makita ang mukha mo kahit pa nasusuka na ako" pangmamaliit ko kay Jihan.

Yumuko ito kaya alam kong umiiyak na sya.

"Mauuna na ako" paalam nya habang pinapahid ang pisngi nya.

"Jih next time holy water ang dalhin mo panlaban sa masamang espirito " sigaw ni Nexxus kaya nagtawanan na naman sila ni Ash.

Tahimik lang ako na naupo sa tabi nila at tinignan sila.

"What? Gutom ka na? Mag-order ka na lang ng pagkain mo tutal ayaw mo ng luto ni Jih diba" ani ni Ash.

Hinablot ko naman ang plato at kutsara ni Nexxus at sunod sunod na subo ang ginawa ko.

Wala e. Gutom na talaga ako. Ayoko namang mag-order ng pagkain dahil aabutin pa ng kalahating oras sa paghihintay.

"Pagkain ko yan eh" angal ni Nexxus.

Hindi ko sya pinansin at nagtuloy lang sa pagkain.

"Sus. Hyder Jacob Wilkerson. Kanina ang dami mo pang kuda sa asawa mo tapos ngayon lalamon ka ng niluto nya" ani ni Ash habang umiiling

"Tumahimik na lang kayo. Nandito kayo sa opisina ko tandaan ninyo. " malamig na tono ko sa kanila.

Okupado ni Jihan ang isipan ko. Sumusobra na ba ako? Naging mabuting magkaibigan naman kami dati. Aaminin ko sa sarili ko na nasasaktan din ako pag umiiyak sya ng dahil sa akin pero sa tuwing iisipin ko na pinagplanuhan nya ang kasal namin hindi ko maiwasang magalit.

Dapat sinabi nya na lang nung una na may nararamdaman sya para sa akin.

Manhid ba ako para hindi maramdaman iyon o nabulag lang ako dahil kay Alexa.

Si Alexa ang nangingibabaw sa puso ko dahil tama sina Ash at Nexxus. Nabibigay nga ni Alexa ang pangangailangan ko bilang lalaki. Bagay na hindi kayang ibigay ni Jihan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status