Share

Chapter 4. Kdrama ang Dahilan

"Sigurado ka na ba? Pwede ka pang umatras habang may oras pa" tanong ni Trina sa kaibigan nyang si Jihan habang inaayusan ito.

Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Hyder.

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman nya. Masaya dahil sa wakas ay mapapasakanya na ang lalaking mahal nya.

Malungkot naman sa kabilang banda dahil alam nyang hindi sya ang nilalaman ng puso ng mapapangasawa nya.

"Wala ng atrasan ito Trin" desididong sagot ni Jihan.

Sa garden lamang ng mansion nila Senior Wilkerson gaganapin ang kasal nila.

Tanging pamilya lang ng magkabilang panig at ilang mapagkakatiwalaang kaibigan lamang ang nandito upang maging witness.

Wala silang nilabas sa publiko na kahit na anong impormasyon tungkol sa kasal dahil iyon ang hiling ni Jihan.

.........

"Now, I pronounced you husband and wife. Hyder you may kiss the bride" ani ng judge bilang pagtatapos ng seremonya.

Isang smack lamang ang ginawa ni Hyder kay Jihan at nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Jihan.

Masayang natapos ang kasal nila.

Nakalipat na rin sila sa mismong mansion ni Hyder.

"Wow ang ganda naman dito" manghang wika ni Jihan at nililibot ang paningin sa kabuuan ng mansion.

"Yeah, nagustuhan mo ba? Inilalaan ko ito para sa amin ni Alexa pero sa ngayon ikaw muna" pabirong wika ni Hyder.

Ang ngiti sa labi ni Jihan ay unti unting naglalaho.

Mabuti na lang ay magaling syang magpanggap.

"Huwag mo akong sisingilin ng renta dito ha" pabirong wika ni Jihan para hindi mahalata ni Hyder na nasasaktan sya.

"Basta galingan mo ang acting mo" ani naman ni Hyder.

"Eh ,yung tungkol nga pala sa business na sinabi natin sa daddy mo, itutuloy pa ba natin iyon ? tanong ni Jihan sa asawa.

"Yeah, wala namang problema doon. Isa pa, naiisip ko na si Alexa ang kukunin kong secretary ko para lagi kaming magkasama" masayang wika ni Hyder.

Napatango na lamang si Jihan sa tinuran ni Hyder.

Nagpaalam muna sya dito na magpapahinga muna sya sa silid nya.

JIHAN'S POV

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon umiyak ng umiyak. Wala ng ibang bukambibig si Hyder kung hindi si Alexa.

Ginagawa lang akong props ni Hyder para makasama nya si Alexa.

Ano pa bang magagawa ko? Ito ang pinasok ko kaya kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko.

Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang bigat na idudulot nito sa akin.

Sabagay nagsisimula pa lang naman kami. Mahaba pa ang dalawang taon at sigurado akong uukit din sa puso ni Hyder ang pangalan ko.

Tinext ko si Trina na pupuntahan ko sya kaya nag-ayos na ako ng sarili ko.

Sigurado akong homily na naman ni Mother Trina ang maririnig ko. Wala naman akong choice eh, kailangan ko lang ng malalabasan ng sama ng loob.

Nang matapos na akong mag-ayos. Tinext ko na lang si Hyder para makapagpaalam na pupuntahan ko si Trina.

Ayaw ko naman na makita nyang namamaga ang mga mata ko.

------

"Ano ? Nagsisisi ka na ba?" mataray na wika ni Trina.

"Huwag mo naman na akong sermonan please?" nakangusong wika ko kay Trina.

"Hay naku Jihan Rova, ikaw ang naglagay ng sarili mo dyan sa sitwasyon na yan kaya paanong hindi kita sesermonan? " prangkang wika nya.

Napahugot ako ng malalim na paghinga.

"Paano kung aminin ko sa kanya na mahal ko na sya?" tanong ko kay Trina.

"Ay gaga! Pag ginawa mo yan iiwasan ka lang ni Hyder. Alam mong suko hanggang langit ang pagmamahal nya kay Alexa" wika nito.

"Eh anong gagawin ko?" nalilitong tanong ko.

"Ipakita mo muna na isa kang ulirang asawa. Asikasuhin mo sya, ipagluto mo o kung ano. Pag nagbago ang pagtingin nya sayo, edi go! Pero kung hindi, palayain mo na sya.

Hindi naman kaduwagan kung susukuan mo ang isang tao Jih. Hindi rin naman sa lahat ng oras kailangan nating ipaglaban nating ang taong mahal natin lalo na kung nasa maling sitwasyon. Kailangan din nating matutong magpalaya para makawala na rin tayo sa bagay na nakakasakit sa atin. Acceptance lang ang kailangan natin kung minsan. Pag natanggap mo na sa sarili mo na hindi kayo para sa isa't isa , pati puso mo makakaramdam ng kalayaan" mahabang payo ni Trina sa akin.

May punto nga naman sya pero ngayon pa ba ako magpaparaya kung nakatali na sakin ang taong mahal ko?

Kay Hyder lang umiikot ang mundo ko ngayon.

Gabi na ng makauwi ako sa mansion ni Hyder.

Wala ako sa sarili dahil iniisip ko ang sitwasyon ko.

"Mabuti naman nakauwi ka na" bati ni Hyder sa akin.

Isang pilit na ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya.

"May problema ba? Bakit ganyan ang itsura mo? Namamaga pa ang mata mo" ani ni Hyder sa akin.

Mabilis naman akong nakaisip ng alibi ko.

"Paano ba naman kasi si Trina, Nagyaya manuod ng Kdrama. Tragical pa yung napili nya. Ayan tuloy para akong zombie" palusot ko kay Hyder.

Natawa naman sya sa sinagot ko.

Hindi sya siguro makapaniwala na magiging ganito ang itsura ko.

"Mahilig pa kayo sa Kdrama" ani nya.

"Ay oo ah. Lahat na yata ng Kdrama napanuod na namin" wika ko na lang.

Heto na naman Jihan. Magpanggap ka lang ng magpanggap. Hayaan mo lang na masaktan ka ng masaktan. Malay natin bukas bigla na lang mawala sa puso mo si Hyder.

"Kumain ka na ba? Tara sabay na tayo" yaya ni Hyder sa akin pero tinanggihan ko ito.

"Ayokong kumain. Wala akong gana. Nasasaktan ang puso ko sa napanuod ko kanina. Hindi ako makamove on" wika ko kay Hyder na kinatawa nya ng malakas.

"Bakit ka tumatawa? Masakit naman talaga yung nangyari ah. Ginawa nung bidang babae ang lahat para doon sa lalaki tapos bandang huli iba pa rin yung pinili nong lalaki. Diba masakit yun" makahulugang wika ko.

Bahala na kung ma-gets ni Hyder ang pinupunto ko.

"Hindi dapat ginawa ng bidang babae iyon. Dapat natuto rin syang magparaya kung mahal nya talaga yung lalaki" sagot ni Hyder na diretsong nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung tungkol ito sa Kdrama na tinutukoy ko o para sa akin na mismo ang sinabi nya.

"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status