Diane’s P.O.V.
Nagising ako sa matinding sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Bakit parang nasa ibang lugar ako? nagtataka kong tanong sa sarili bago ko iginala ang mga mata sa buong paligid.
Saka lamang nag-sink in sa akin ang lahat ng mga nangyari kagabi — that I ended up with Liam kaiiwas ko sa kanyang kapatid. Naubusan ng gas ang sinasakyan naming kotse at nag-check in kami rito sa apartel.
Speaking of Liam?
Tulog na tulog pa rin siya. I somehow felt guilty dahil baka kung anong oras na siya nakatulog kababantay sa akin kaninang madaling-araw. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin mawala ang phobia ko sa dilim na hindi ko naman alam kung saan nanggaling.
Doon ko lang napagtanto ang mga pwesto namin. Wala na ngayon ang mga unan sa pagitan namin na nagsilbing harang kagabi.
Magkayakap kami sa isa’t isa at ang kaliwa kong hita ay nakatanday pa talaga sa kanya. Nagulat pa ako nang mapansin kong nakaunan din ako sa kaliwa niyang braso.
Ang lakas pa rin ng dating niya kahit plain white T-shirt lang ang suot niya ngayon. Kagabi kasi ay naka-formal business attire siya nang una kaming magkita sa loob ng kotse niya hanggang sa makarating kami rito.
First time kong may makatabing lalaki sa pagtulog, pero bakit parang pakiramdam ko ay okay lang sa akin basta si Liam ang makakatabi ko? I guessed, he was right all along. I wouldn’t want to share bed with anyone else aside from him.
Argh! Ano bang mga iniisip mo, Diane? Umayos ka nga! Kagabi mo lang kaya nakilala si Liam! buwelta ng subconscious level ko.
Pero paano pa ako aayos kung alam kong nasa maayos pa rin naman akong pag-iisip? sagot naman ng utak ko.
Kahit kagabi ko lang siya nakilala ay komportable na ako agad sa kanya. There was something in him that captured my heart. There was something in him that made me want to fall in love.
Dahil doon ay pinagsawa ko pa ang mga mata ko habang tahimik lang na nakatitig sa kanyang mukha. I didn’t want to deny and be confused with my thoughts and feelings. This was the first time I felt this strange thing.
I like him.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, but I really liked him. Gano’n siguro talaga kapag gusto mo na ‘yong isang tao, hindi na importante kung paano pa kayo nagkakilala nito.
But just like the pillows that seemed to be the boundary between the two of us last night, may boundary din sa amin sa totoong buhay.
Mayaman siya, mahirap lang ako. Sikat na businessman siya, pero club dancer lang ako. Kahit kailan ay hindi niya ako maipagmamalaki sa ibang tao.
Nababagay lang din si Liam sa mga babaeng mayayaman at matataas ang propesyon, katulad nang sinabi ko noon kay Leandro. I didn’t expect to think like this but I got suddenly saddened by these thoughts.
I stayed by his side for a few more minutes, pero gustuhin ko mang manatili pa kami nang mas matagal sa ganitong posisyon ay dahan-dahan ko nang inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Salamat naman at hindi siya nagising.
Bumangon ako sa higaan at tiningnan kung anong oras na. Alas-siyete na pala. Inayos ko ang comforter sa ibabaw niya, bago ko siya muling sinulyapan.
Inayos ko naman ang sarili ko. Nagsuot ako ng blazer at pantalon, pagkatapos ay nag-toothbrush at naghilamos. Sinuklay ko ang buhok ko, pagkaraa’y lumabas na rin ako ng kuwarto.
It was a good thing na nakita ko agad si Dante. Mabuti na lang at nasa second floor lang ang kuwarto namin dahil bukod sa fear of the dark, I also had this fear of heights.
“Hi, Ma’am. Good morning po! What can I do for you?” nakangiting bungad niya sa akin.
“Hello, Dante! Hmm, itatanong ko lang sana kung anong nangyari kagabi? Particularly, bandang alas-dos ng madaling-araw?”
“Ah, iyong brownout po ba? Pasensiya na po ha? May naputol po kasing kable ng kuryente pero naayos na rin po bandang alas-kwatro ng madaling-araw.”
Tumango lamang ako sa kanya. “Ah okay, salamat. Anyway, pwede mo ba akong samahan sa pinaka-resto ng hotel mo? May maa-avail ba kaming free breakfast?” Hindi ako masyadong maalam sa mga gano’n, pero tingin ko’y dapat lang na may ma-avail kami rito.
“Sure, Ma’am... this way po,” aniya at bumaba kami sa hagdan. “Masyado nga pong malaki ang binayad ng asawa niyo kagabi. Kahit ano pong gusto niyong breakfast ay pwede niyong kunin,” pahabol niya na sinamahan ako sa ground floor.
Maliit lang ‘yong restaurant, pero malinis naman. Wala naman sa liit ‘yon eh. Ang importante, maraming pagkain at masarap!
“Ah, thanks sa pagsama... pero hindi ko siya asawa,” alanganin akong ngumiti habang nag-iinit ang aking mukha. Pareho lang sila ng nanay niya!
There was something in me na naiinis hindi dahil gano’n ‘yong tingin nila sa’ming dalawa, pero dahil alam kong hindi naman ‘yon magkakaroon ng katuparan. Magkaiba at sobrang malayo ang estado namin sa buhay ni Liam.
“Ay, gano’n po ba? Sorry po, Ma’am!” Napakamot tuloy siya sa ulo. “Mukha po kasi kayong itinadhana para sa isa’t isa.”
“Ah, eh... gano’n ba?”
Kung alam lang niya na kagabi nga lang kami nagkakilalang dalawa! Lalo lang tuloy akong nailang sa sinabi niya kung kaya’t iniba ko na lang ang usapan.
“Pwede mo ba akong samahan sa itaas? Doon na lang siguro kami mag-a-almusal,” sabi ko habang pumipili na ng mga pwede kong dalhin.
Tumango lang naman siya sa’kin.
Hay, hindi ko nga pala alam kung anong gusto ng isang ’yon. Bahala na nga!
Dahil hindi ko alam kung anong gusto ni Liam ay kumuha na lang ako ng mga sumusunod: dalawang garlic rice, isang plain rice, sausage and hotdogs, bacon and cheese, garlic bread, corned beef, scrambled eggs and pancakes, tuyo at champorado, mixed fruits, coffee and milk.
Mas mabuti na ring maraming pagpipilian, para hindi na ako muling bumaba pa kung may hanapin man siyang iba. Kung ayaw niya naman, eh ‘di ako na lang ang uubos ng lahat!
Pagkarating namin sa kuwarto, tulog na tulog pa rin si Liam. Nagpasalamat naman ako kay Dante sa pagtulong niya. Pagkatapos naming ilapag ang dalawang magkahiwalay na tray na puno ng mga pagkain sa maliit na mesang katapat ng sofa ay umalis na rin siya dala-dala ‘yong foodcart.
Naligo muna ako. Siyempre, wala naman akong ibang damit kaya iyon pa rin ang suot ko. Mabuti na lang at araw ngayon ng Linggo, kaya wala pa akong pasok. Mamayang gabi pa ang duty ko sa club at bukas pa ng hapon ang klase ko sa school.
Paglabas ko ng CR, mahimbing pa ring natutulog si Liam. Lumapit ako sa kama at saka maingat na tumabi sa kanya.
Bakit ang gwapo pa rin niya kahit ang gulo-gulo na ng buhok niya?
Alam kong sa oras na ihatid niya ako sa bahay namin ay hindi na ito mauulit pa. Malaki ang posibilidad na hindi na rin kami magkita kung kaya’t sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para titigan siya.
Patuloy ko pa ring pinagsasawa ang mga mata ko sa kanya hanggang sa...
Gisingin ko na kaya?
Lalamig na rin kasi ‘yong pagkain namin. Tapos, kailangan na rin naming umuwi dahil tiyak kong nag-aalala na sila Mama sa akin. ‘Yong kapatid ko ngang si David, ayaw pang maniwala sa’kin na na-stranded ako kagabi. Hindi naman daw kasi umuulan at may mga byahe pa ng jeep.
As if namang masasabi ko sa kanya na may kasama akong lalaki? Eh ‘di ‘pag nagkuwento siya kay Mama, baka atakihin na naman ulit ‘yon ng high blood!
Muli kong binalingan si Liam. I would like to wake him up pero sa itsura kasi niya, halatang puyat na puyat siya kung kaya’t napakahimbing ng tulog niya. Nakaka-guilty tuloy, anong oras na kaya siya nakatulog?
Bigla akong napabalikwas nang may tumunog na telepono. Sigurado akong hindi sa akin ‘yon dahil hindi gano’n ang ringtone ko. Hindi ko alam kung anong title ng kantang iyon, pero may ‘Will you marry me?’ na paulit-ulit na nababanggit.
Saka naman ako nag-daydream. Wala pa akong nagiging boyfriend, but I had dreamt of having a simple wedding. Kahit naman sino ay nangangarap na ikasal sa simbahan. Ang ipinagkaiba ko lang sa kanila, ayoko ng bongga.
Gusto ko ‘yong intimate but simple church wedding. ‘Yong ikakasal ako sa lalaking mahal ko sa harap ng mga mahal ko sa buhay. Si Liam kaya, gusto rin niya kayang maikasal? O mas gusto niyang maging forever bachelor na lang?
Hanggang sa kusang naputol na lang ‘yong tawag, pero hindi pa rin nagigising si Liam. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa kanya.
Aba, masama na ito ah! Baka kung ano na ang nangyari kay Liam. Humihinga pa ba siya?
Umakyat ako sa kama at mabilis ko siyang pinulsuhan, mayro’n naman. Naiilang man pero tumapat na rin ako sa dibdib niya at pinakinggan ang tibok ng puso niya, pero mayro’n din naman. Nag-aral ako ng short course sa First Aid and Basic Life Support para kay Mama, kaya alam ko kung paano gawin ‘yon.
Pag-angat ko ng ulo, nagulat na lang ako kasi gising na pala siya. Nagtama pa nga ang mga mata naming dalawa. Agad naman akong nakabawi ng tingin sa kanya, pagkaraa’y mabilis din akong umalis ng kama at dinala ang dalawang stainless tray na puno ng pagkain sa kanya.
“Hi! Good morning, Liam. Breakfast in bed?” nakangiting alok ko.
Liam’s P.O.V.
Nagising akong nasa dibdib ko ang ulo ni Diane. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Pag-angat niya ng ulo, siya pa talaga ang nagulat?
Hindi ba siya sanay makakita ng gwapong anghel sa umaga?
Pero ako naman ang nagulat nang nagmamadali siyang umalis at dinala sa kama ang dalawang tray na nasa mesa. “Hi! Good morning, Liam. Breakfast in bed?” nakangiting alok niya.
This would be the first time that I would be eating my breakfast in bed. Ayoko kasi sa lahat nang hinahatiran ako ng pagkain sa kuwarto ko, dahil bukod sa marurumihan lang ang kama ay sanay talaga akong kumain sa dining table.
Pero hindi ko ‘yon pwedeng sabihin kay Diane ngayon. I didn’t want to offend her. Napakaganda ng ngiti niya sa’kin at ayokong mawala ‘yon. Waking up with her really made me feel good in the morning. Maybe, I had to try having a breakfast in bed.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa totoo lang, antok na antok pa talaga ako. Around five in the morning na ako nakatulog dahil bawat oras na lang yata mula nang makatulog si Diane ay umuungol siya sa hindi ko malamang kadahilanan.
Janno even came at around three o’clock to check the car. They had it towed dahil hindi lang pala gas ang problema nito. I was confused because it was a brand new. Since Janno was always ready, he had our men bring my other three luxury cars na pwede kong pagpilian. I instructed him to leave the black sports car.
I was only calling him from the balcony, because I didn’t want to leave Diane here in the room knowing that it was still brownout. Isa pa, maya’t maya na lang kung umungol siya.
“Uy, Liam! Kilala mo pa ba ako?” she innocently waved her hand in front of my face.
Saka ako napangiti nang todo. No one had ever took care of me aside from my Nana. Grabe, ang dami namang pagkain nitong dinala ni Diane!
S anay akong tinapay at kape lang ang kinakain sa umaga. Ngayon, paano namin uubusin ito nang kaming dalawa lang?
“Pasensiya ka na, Liam ha? Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong kainin sa umaga kaya kinuha ko na lahat ng ‘yan para sa atin. Hmm... at saka, thank you nga pala kagabi. May nyctophobia¹ kasi ako eh, takot talaga ako sa dilim.” Saka siya nag-puppy eyes at nag-pout ng lips.
Umiwas naman ako ng tingin. ‘Pag ganyang mga senaryo, naiinis ako sa mga babae kasi pakiramdam ko ay nagpapa-cute at nagpapa-pansin lang sila. But Diane was different. This time, umiwas ako ng tingin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan siya.
“It’s okay. I told you I won’t leave you, right? So how was your sleep?”
“Nakatulog naman ako. May napanaginipan lang pero palagi naman akong gano’n,” at siya naman ang umiwas ng tingin. Maybe that was the reason kung bakit siya umuungol kagabi.
“Maiba ako... ang dami naman nito, Diane. Okay na ako sa garlic bread at coffee lang,” nakangiting sabi ko sa kanya. Bigla kasing nalungkot siya nang mabanggit ang tungkol sa panaginip niya.
“Okay lang, uubusin ko na lang lahat ng ‘yan ‘pag ayaw mo na. Tara, kain na tayo? Gutom na rin kasi ako eh,” sabi niya sabay hawak sa tiyan.
Nagulat naman ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang pinahalata.
What? Kaya niyang ubusin lahat ng ito? Ang seksing babae pero malakas kumain? Ibang klase ka talaga, Diane!
True enough, ibang klase talaga siya. I found her unique from all the girls I had met before. I hated to admit, but there was something about her that would make me want to break my previous promise to Leandro.
Ang akin ay akin. Ang kanya ay kanya. Depende sa kung sino ang nauna.
“Sige, tara!” delayed na sabi ko. I was ready to get my fair share of garlic bread when she suddenly tapped my hand.
“Teka, mag-pray muna tayo...” sabi niya kasabay nang pag-sign of the cross niya at para bang slow motion na pagpikit ng kanyang mga mata.
“Ah okay, sige...” atubili kong tugon. Napaghahalataan tuloy na hindi man lang ako nagdarasal bago kumain.
Tsk! Am I already a turn off for her?
Pagkatapos nga naming magdasal ay kumain na kami. I couldn’t read what was on her mind but I didn’t pray for myself. I prayed for her and that was the first time I prayed for other person.
Nakikita ko pa lang siyang kumain ay ginaganahan na rin ako. Imbes na garlic bread at coffee lang ang almusalin ko, ito ang unang beses na kumain ako ng kanin sa umaga. Sa sandaling panahon ay ang dami ko nang nagawang first-time kasama siya.
And above all, I wouldn’t forget na napakain niya ako ng tuyo. Masarap din pala ‘yon. Magre-request nga ako kay Nana minsan kapag umuwi ako sa mansion na ipagluto ako niyon.
Grabe, ang takaw nitong babaeng ’to! Saan ba niya nilalagay ang mga kinakain niya at bakit flat pa rin ang tiyan niya?
Kumain din ako ng pancakes at sausages, and the rest, ang babaeng nasa harap ko na ang umubos... lahat lahat! Feeling ko nga ay gutom pa siya. Pero kung kulang pa talaga ‘yon, pwede ko namang i-offer sa kanya ang sarili ko.
Ito ang pinakaunang beses sa buhay ko na mag-almusal ng gano’n karami. Niligpit na namin ang mga ‘yon at inayos ang kama. Maliligo na sana ako nang bigla niya akong hilain paharap sa kanya, at dahil nga na-out of balance ako ay pareho tuloy kaming bumagsak sa kama. Napadagan tuloy ang katawan ko sa ibabaw niya.
Bahagya kong nahalikan ang tungki ng kanyang ilong. How I wished that my lips landed on those natural red lips and not on her nose!
“Naku! Sorry, Liam. Sasabihin ko lang naman sana na taking a bath is a dangerous act after meals. You have to wait at least an hour bago ka maligo.”
Napangiti naman ako sa kanya, “Bakit? Nurse ka ba, Diane?”
“Hindi, there’s no way na magiging nurse ako. Mahilig lang talaga akong magbasa minsan at siyempre, nag-aral din ako ng First Aid short course. Accountancy student talaga ako,” sabi niya bago siya nagmamadaling umalis sa ilalim ko.
“Nag-aaral ka pa? No offense meant pero bakit ka nasa club kagabi?” curious na tanong ko sa kanya.
“Graduating na ako, Liam. Kailangan ko lang talagang maging working student kasi may dalawa pa akong pinapag-aral. Tapos para na rin sa medication ni Mama, palagi kasing inaatake ‘yon ng high blood.
Alam mo, minsan nga eh pumunta ka sa club para makita mo ako. Huwag kang mag-alala, sumasayaw lang ako roon. Tapos si Leandro lang ang kinakausap ko. ‘Pag pumunta ka, eh ‘di ikaw na ‘yong number two na kakausapin ko,” nakangiting sabi niya.
Habang nagsasalita siya, I found her more amazing than usual. I guessed, I had to know her more.
“You don’t have to explain yourself, Diane. ‘Pag graduate ka na at nakapasa ka na sa CPA board exam, would you like to work for me? I mean, in my company? How about a Cost Accountant or Payroll Supervisor?”
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Halos umabot hanggang tainga ang ngiti niya, bagay na lalong nakapagpaganda sa kanya. “Talaga, Sir? Oops, I mean—”
Hindi ko na tinapos pa ang kung ano mang sasabihin niya, dahil agad ko na siyang hinalikan. Kagabi pa ako nagtitiis at ngayon nga’y hindi ko na ‘yon napigilan. Mabilis na dampi lang naman ‘yon, pero bakit parang nagsisi ako na hindi ko ‘yon itinuloy into something deeper?
Natigilan siya pagkatapos niyon. Namumula ang kanyang mukha sa tindi nang hiya. Tahimik ding nagsusumamo ang mga mata niya na para bang tinatanong sa’kin kung bakit ko ‘yon ginawa.
Kinindatan ko naman siya bago ako nakangiting lumakad papasok sa banyo. “I told you. You will be punished the next time you will call me that endearment, Diane... and that’s your first punishment. Just wait here, I’ll take you home.” Hindi na matanggal ang mga ngiti ko bago ko sinara ang pinto ng banyo.
Naalala ko na naman tuloy ‘yong nangyari sa’min kagabi. If she would open the bathroom door and see me naked again, baka hindi ko na mapigil pa ang sarili ko seeing her wearing only a thin sleeveless shirt... braless.
_________________________
¹Nyctophobia is a phobia characterized by severe fear of the dark. It is triggered by the brain’s disfigured perception of what would, or could happen when in a dark environment.
Diane’s P.O.V.Simula nang hinalikan niya ako kanina, hindi na ako umimik. Ewan ko. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. First kiss ko ‘yon. Smack man ‘yon, kiss pa rin ‘yon.
Leandro’sP.O.V.God! Talaga bang nasasakal sa akin si Diane? Masama bang mahal ko lang talaga siya? Masama bang gusto ko lang siyang protektahan? Masama bang ako lang dapat ang palaging nasa tabi niya?
Diane’s P.O.V.“Lalabas tayo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Naroon na naman ‘yong dimple niya sa kanang pisngi.
Diane’s P.O.V.Be my girlfriend. Be my girlfriend. Be my girlfriend.
Diane’s P.O.V.Hay, Monday na naman! The worst day of all days!
Diane’s P.O.V.Tumango ako. Mabuti na sigurong sa akin na niya mismo malaman ang totoo.
Diane’s P.O.V.After what I heard from Lorenz, hindi na ako nakapag-concentrate pa sa klase.
Diane’s P.O.V.Hindi ak
DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses
Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!
Liam’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.
Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?
Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.
Diane’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.
Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.