Liam’s P.O.V.
Walang nagawa si Diane kung hindi ang sumama sa akin. I knew that it wasn’t easy for her to be with me in just one room considering the fact that we had only met today, but I thanked her for trusting me.
For that, I wouldn’t do anything that would break her trust. Kung kinakailangang sa sahig ako matulog ay gagawin ko, maging komportable lang siya sa sitwasyon namin ngayon.
Malinis naman ‘yong kuwarto at kumpleto rin ito sa mga gamit. May sariling bathroom, maliit na terrace, air-con, sofa, cabinet, fridge at TV. Iyon nga lang, isa lang talaga ang kama. It was only a double size — too far from my emperor size bed in my bachelor’s pad.
Kung tutuusin ay mas malaki pa sa triple nito ang kuwarto ko, pero wala naman akong magagawa dahil hindi ako makakauwi ngayon. I guessed, this would be much better knowing that I would be able to be with a lovely woman. I didn’t know the reason why, I just had this sudden feeling that I needed to protect Diane.
Tinawagan ko ang personal butler kong si Janno para asikasuhin ang sasakyan kong tumirik sa daan. Ibinigay ko na rin sa kanya ang address kung saan niya ‘yon matatagpuan.
“That should be working as early as five o’clock tomorrow, Janno. Thanks,” I told him before I ended the call.
Since he was my personal butler, he would be the one to contact the insurance company or anyone who should be involved. My car was the latest release from Delgz Automobiles and it was still under warranty, but I knew that it was only out of gas.
Tiningnan ko naman si Diane at nakita kong may kausap din siya sa kanyang cell phone. Napangiti ako. I must have done something good in my past life to be with her tonight.
“Dave, ‘wag makulit! Marunong ka na ngang manligaw, ang kulit mo pa rin! Na-stranded nga ako, okay? Uuwi rin ako first thing in the morning. Ikaw na muna ang bahala riyan ha?” utos niya sa kausap. “Okay, sige.” Tumango-tango lang siya bago niya pinatay ang tawag.
“Dave?” kunot-noong tanong ko. I was too curious.
She nodded. “Yup, kapatid kong lalaki. Fourth year high school,” sagot niyang hindi man lang tumitingin sa akin.
“Ah...” I secretly smiled. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. I thought, that Dave was her boyfriend.
Bigla ko tuloy naalala iyong nangyari kanina. The moment she accidentally got inside my car, alam kong may iba na agad akong naramdaman para sa kanya. I was swiftly stunned with her beauty kung kaya’t hindi ako nakapagsalita agad.
Alam kong hindi lang simpleng paghanga ‘yon. I was willing to take the risk of knowing her more... pero nang malaman kong siya ang babaeng nagugustuhan ng kapatid ko, kailangan kong pigilan ang damdamin ko dahil kapag nalaman ni Leandro ay tiyak na magkakagulo. Ayoko namang masaktan ang kapatid ko.
I always forgot to lock my car everytime I parked it. I did not expect that fate would let me meet her tonight, just because she entered my car. Sa totoo lang ay magpapa-gas na talaga ako, pero dahil kausap ko siya habang nagmamaneho ay bigla ko na lang nakalimutan ‘yon.
“Ikaw na lang dito sa kama, Liam. Kasya naman ako riyan sa sofa eh,” sabi niya sa akin nang nakangiti.
I found her voice too attractive. How much more her face? She looked like an angel to me. Napakaamo ng mukha niya at sadyang mapupula ang kanyang mga labi.
“No! Ako riyan sa sofa at ikaw ang matutulog sa kama. No buts, no ifs, Diane.” I said while getting some pillows from the bed. Mabuti na lang talaga at maraming unan. There was no way that I would let her sleep on the couch.
“Pero, Sir— I mean, Liam—” bahagyang pagtutol niya na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
Napatingin naman ako nang diretso sa kanya habang unti-unting lumalapit. “What did you just call me? Sir again?”
“H-Hindi ah! S-Sabi ko... Liam, Liam nga!” mariing pagtanggi niya.
Dahil doon ay natataranta siyang umatras. Ang mga pisngi niya ngayon ay agaran ding namula.
She continued stepping backwards until her back was pinned in the wall. I placed both of my hands at her sides for her not to escape anymore. Sa pagkakalapit naming ito, naamoy ko kung gaano siya kabango.
It wasn’t a perfume. I knew that it was a natural scent. Parang naestatwa tuloy ako at hindi ko na gugustuhin pang lumayo.
“You don’t remember anything about calling me Sir, huh?” I said using my husky voice. I genuinely smiled at her, habang sinusuyod ko nang tingin ang buong mukha niya.
Umiiwas siya nang tingin sa akin. Nakakatuwa lang kasi habang tinititigan ko siya, lalo lamang siyang nagmumukhang inosente sa aking paningin. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya, at nagulat na lamang ako nang mamayamaya lang ay pumikit siya.
Doon ko siya natitigan pa nang mas mabuti. Napakaganda ni Diane kaya hindi ako nagtataka na nagustuhan siya ng kapatid ko. It was a bad timing na nahuli ako.
Mahaba ang kanyang pilik-mata at mapula ang kanyang mga labi. Hindi katangusan ang kanyang ilong ngunit bumagay naman ‘yon sa korte ng kanyang mukha. Mukha ring malambot ang buhok niyang lagpas-balikat.
Maputi at makinis din ang balat niya. Nang makipagkamay nga ako sa kanya sa loob ng kotse ay sadyang napakalambot ng kamay niya. Hindi ko tuloy naiwasang hagkan ‘yon kanina.
Pinigilan ko ang sarili ko kahit na ang halikan siya ang inuudyok ng puso ko. Napakahirap lalo pa’t parang sinasabi ng pagpikit niya na okay lang sa kanya ang halikan ko. Napakahirap lalo pa’t tila nang-aakit at nang-iimbita ang mga labi niya ngayon.
I ended up resisting this unexplainable urge for Diane. Habang kaya ko pa ay kailangan ko itong labanan. Para kay Leandro ay kailangan ko itong pigilan.
As promised, I wouldn’t break her trust and I wouldn’t hurt my brother. Hinimas ko na lang ang kanyang pisngi at saka sinabing may dumi siya sa mukha. Namumula pa rin siya nang idilat niya ang kanyang mga mata.
“You will be punished next time, Diane. So if I were you, stop calling me... Sir,” sabi ko sabay kindat sa kanya, bago ako pumunta sa sofa at tuluyang humiga.
Diane’s P.O.V.
Nakakahiya ka, Diane. So what do you expect, na hahalikan ka niya? Sus, baka ‘yon pang kapatid niyang si Leandro, gawin ‘yon sa’yo! Agad-agad! Ora-mismo!
Pero si Liam? Asa ka pang magkakagusto ‘yan sa’yo! Hindi ang mga katulad mong babae ang type niyan. Kaya huwag ka nang umasa pa dahil masasaktan ka lang!
Peste naman talaga itong subconscious ko, ang daming sinasabi. Nakakainis!
Bigla tuloy akong nahiya sa sinabi niya. Dahan-dahan kong tinanggal ang sarili sa pagkakasandal sa pader at saka siya sinundan ng tingin.
Nakita kong humiga na sa maliit na sofa si Liam, pero dahil sa malaki ang pangangatawan niya ay hindi talaga siya roon magkasya. Tingin ko’y nahihirapan siyang mamaluktot, dahil ang dalawang paa niya ay lagpas-lagpasan na talaga sa sofa.
Maluwag naman ‘yong kama. Sigurado akong kasya kaming dalawa roon, kaso hindi ko pa nararanasan ang may makatabing lalaki sa pagtulog. Paano pa kaya kung unang pagkikita pa lang namin ngayon?
Ngumuso ako. Hay! Bahala na nga!
“Liam?” tawag ko sa kanya pero hindi siya umiimik. Mukhang nakatulog na.
Hmm, ang bilis naman yata? Agad-agad?
Nilapitan ko siya, “Liam?” Naka-fetal position ang higa niya sa sofa at halatang hirap na hirap siya sa posisyon niya, kaya paano naman siya makakatulog agad?
Siguro ay dahil napagod sa pagmamaneho. Dahil doon ay nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na tingnan siya habang natutulog.
Ewan ko ba. Magkamukha lang naman silang dalawa, pero ‘di hamak na gusto ko ang mukha niya kumpara kay Leandro. ‘Yong tipong ang bait-bait niya at hindi gagawa ng masama? Maaliwalas ang mukha ni Liam, sabihin man nating magkahawig sila.
Teka, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ang bilis magtiwala ng puso ko na mabuti siyang tao at wala siyang masamang gagawin sa akin? Bakit ang bilis kong magtiwala gayong unang pagkikita pa lang naman namin?
Hindi ko alam kung bakit tila ako nama-magnet sa pagkakatitig sa kanya hanggang hindi ko na nga napigilan ang sarili kong lalo pang ilapit ang aking mukha. May nag-uudyok sa’kin para hawakan ko ang pisngi niya, pero bigla akong napaupo sa sahig nang idilat niya ang kanyang mga mata.
“What are you doing?” nakangiting tanong niya sa akin. Lumabas na naman tuloy ‘yong dimple niya sa kanang pisngi, bagay na lalo pang nagpagwapo sa itsura niya sa aking paningin.
“W-Wala, Liam. A-Alam ko kasing nahihirapan ka na riyan eh. I suggest, sa kama na lang tayo. Maluwag naman ‘yon eh. I-Isa pa, pwede tayong maglagay ng unan sa gitna natin as boundary.”
It felt like my tongue had been twisted again. Something strange was happening to me at kailangan kong pigilan ‘yon sa lalong madaling panahon.
“Hmm, I like the idea. Isa pa, hirap din talaga ako rito sa sofa. But would you mind if I ask you something, Diane?” he asked as he looked at me straight in the eyes.
Shocks, bakit parang ang gwapo-gwapo niya? Na kahit anong pigil ko, tuluyan nang nalaglag ‘yong puso ko sa kanya...
“A-Ano ‘yon?” walang pikit-matang tanong ko.
“If it happened na ibang lalaki ang kasama mo ngayon, would you still share the same bed with him?” seryoso niyang tanong sa akin.
“Ha? Hmm...” Napaisip din tuloy ako.
Oo nga, ’no?
Kung nangyaring si Leandro ang kasama ko ngayon... well, malabong mangyari ‘yon dahil sa simula pa lang ay hindi na ako sasama sa kanya. But that was the point, I knew Leandro for two years already... pero bakit ako sumama kay Liam na kakikilala ko pa lang ngayong gabi?
Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko kung bakit malapit agad ang loob ko sa kanya.
Hmm, bakit nga ba? Ano bang meron siya na wala ‘yong kapatid niya?
Umiwas ako nang tingin, “Depende. Hmm... kapatid mo naman si Leandro eh kaya alam kong mabuti ka ring tao,” pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.
“Iniiwasan mo nga ang kapatid ko, ‘di ba? What makes you think na mabait din ako? If in the first place, it was really possible na magka-ugali lang kami... or I was even worse than him? What will you do?”
Tumingin akong muli sa kanya, pero lalo lang akong nahuhulog sa mga tingin niya. Lalo lang akong natutunaw.
Gustuhin ko mang matakot sa lalim ng pagkakatitig niya sa akin ay hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil para bang gusto ko pa ang ginagawa niyang ‘yon. Gustuhin ko mang bigla na lang lumayo ay para bang gusto ko pang lumapit sa kanya lalo.
“Alam mo, Liam... kung ano man ang maging kahihinatnan ng pagsama ko sa’yo ngayon, kasalanan ko na ‘yon. The time na pumasok ako sa kotse mo, hindi ako nag-isip. Pasok lang ako nang pasok without even checking kung ano ba talaga ang nature ng pinapasukan ko. So I guess, I really have to face the consequence.”
My goodness, hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga katagang ’yon! Si Diane pa ba ako?
“Hmm. You are just one lucky girl, Diane,” sabi niya. Lumapit siya sa akin at masuyo niya akong hinawakan sa baba, “I will not do you any harm. Good night!”
Kasabay nang aking pagkatulala ay saka siya humiga sa kama. Siya na rin ang nag-initiate na maglagay ng mga unan sa gitna. He was so gentleman, paano ako nito matatakot sa kanya?
Pero bakit parang na-disappoint ako nang mag-good night na siya sa akin?
Eh ano pa bang inaasahan mo, na i-goo-good night kiss ka pa niya?
Hay, nababaliw na ‘ata ako!
“Liam, saglit lang. Okay lang ba sa’yo na... na huwag nating patayin ‘yong ilaw? T-Takot kasi ako sa dilim eh.”
“I prefer without lights pero kung ‘yan ang gusto mo, then it’s fine with me. Don’t worry about me, I can still manage to sleep...” sabi niya nang nakapikit na ang mga mata.
“Okay... thanks,” ‘yon lang ang sinabi ko bago ako humiga nang patalikod sa kanya.
It was a good thing na may mga unan sa pagitan naming dalawa, para hindi ko rin masandalan ang katawan niya. I tried to sleep pero hindi talaga ako makatulog. Ayoko namang magpabaling-baling sa kama dahil baka magising ko lang siya.
After an hour, para akong naalimpungatan kung kaya’t bumangon ako at pumunta sa balcony ng kuwarto. Nagpahangin lang ako saglit, pagkatapos ay uminom muna ako ng tubig bago bumalik sa pagkakahiga ko. Malamig naman ang kuwarto dahil may air-con, pero hindi ko alam kung bakit init na init ako.
Hinubad ko ang blazer na suot ko at tinanggal ang panloob kong bra. Hinubad ko rin ang pantalon ko kaya ako’y naka-blouse at cycling na lang. Parang gusto ko munang mag-shower bago matulog, kung kaya’t kinuha ko ang tuwalya sa cabinet at dire-diretsong pumasok ng CR.
Pagbukas ko ng pinto ng CR ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksiyon sa tanawing bigla na lang tumambad sa harap ko.
Nakita ko ang hubo’t hubad na katawan ni Liam habang naliligo na dahilan ng panlalaki ng mga mata ko! Hindi ko alam kung ilang segundo akong natulala roon, bago ako napasigaw kasabay nang malakas kong pagsara sa pinto ng banyo.
Dahil doon ay mabilis akong pumunta sa fridge at humihingal na uminom ng maraming tubig. Natatapon na nga ‘yong tubig sa baba, leeg at damit ko sa aking pagmamadali.
Shit! Ang tanga mo naman talaga, Diane. Bakit hindi mo kasi napansing wala siya sa kama? Nakakahiya! Ano na lang ang mukhang ipapakita mo sa kanya? Naku naman talaga!
But in the first place, bakit kasi hindi siya nagla-lock ng pinto? Aba! Hindi niya kuwarto ito at may kasama pa siyang babae rito!
But oh my God! ‘Yong ano niya!
Napalunok tuloy ako nang sunod-sunod bago muling uminom. Hindi ko alam kung anong nararapat at kailangan kong gawin para lang mabura ang imaheng iyon sa isip ko. Unang beses kong makakita niyon at hindi ko maiwasang mag-isip kung ganoon ba talaga kalaki iyon!
Pagkalabas ni Liam ng CR ay dali-dali akong pumasok sa loob nito at ni-lock ang pinto. Pakiramdam ko ay pulang-pula pa rin ang mukha ko at nakita ko naman iyon sa harap ng salamin sa itaas ng lababo.
Hindi nagtagal ay tapos na rin akong mag-shower. Wala akong panloob kaya sigurado akong bakat na bakat ang malulusog kong dibdib sa sleeveless kong damit. Nakita ko pa nga si Liam na nanonood ng TV, pero ipinasya kong umiwas na lamang nang tingin.
“Forget about it, Diane...” narinig kong sinabi niya. Nakatalikod ako sa kanya.
“Forget about what?” tanong ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya habang nagsusuot ng bra.
“The thing you saw earlier,” he almost whispered.
“Wala naman akong nakita eh,” pagpapatay-malisya ko. Humarap na ako sa kanya.
He frowned. “Sigurado kang wala? Eh bakit napasigaw ka?”
“N-Nagulat lang ako. Akala ko kasi ay kung sino. Ang alam ko kasi ay nasa kama ka na at mahimbing nang natutulog,” pagsisinungaling ko.
“Okay, sabi mo eh. I’ll leave you with that. Ayoko lang na maging awkward ang trato natin sa isa’t isa nang dahil lang sa nangyari kanina,” sabi niya bago niya pinatay ang TV at humiga na ulit.
Hindi naman ako umimik.
Dahil lang? Gano’n lang kadali sa kanya ’yong nangyari kanina? Ang bilis niyang mag-move on, ha? Dahil sa kanya kung bakit hindi na virgin ang mga mata ko! hiyaw ng utak ko.
Napailing na lang ako. Pagkuwa’y inayos ko ang sarili ko at bumalik na ulit sa pagkakahiga na nakatalikod pa rin sa kanya. For a few minutes, I pretended that I was already asleep. Pero pagdilat ko, hindi ko alam kung bakit madilim ang paligid.
“Liam?” Wala akong nagawa kung hindi ang banggitin ang pangalan niya. “P-Pinatay mo ba ‘yong ilaw?”
“Nandito lang ako, Diane... and nope, I didn’t turn it off. Pero mukhang nag-brown out ‘ata.” Naramdaman kong gumalaw ang higaan senyales na bumangon siya at aalis sa kama, “Dito ka lang, titingnan ko lang sa labas kung ano ang nangyari ha?”
Agad akong bumangon para kapain siya. Nang mahawakan ko naman siya ay hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang siyang niyakap. Nakaluhod na ako ngayon sa kama habang yakap siya. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko pero hindi ko na ‘yon pinansin pa.
Sa sandaling panahon na nakilala ko siya, alam kong komportable na ako sa kanya.
“Teka, Liam... h-huwag mo ‘kong iwan. Takot ako sa dilim eh. Please... dito ka lang.”
Humigpit pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya nang magsimula na akong umiyak. Ganoon katindi ang takot ko sa dilim na hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula. Ganoon kagrabe ang takot ko na minsa’y hindi pa ako nakakahinga!
Hindi naman niya itinuloy ang pag-alis bagkus ay gumanti lang siya ng yakap sa akin. Bumalik kami sa pagkakahiga at nanatili na lamang siya sa aking tabi. “Hey! Don’t cry, okay? I’m just here. You can now go back to sleep,” masuyong sabi niya sa akin.
Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos-haplos iyon. His touch suddenly made me feel secure and at ease. I must admit that no one had ever made me feel like this.
Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi. “Mangako ka munang hindi ka aalis,” I told him. Medyo over acting pero takot na takot lang talaga ako sa dilim at para mapanatag ang loob ko ay kailangan ko ng assurance na hindi talaga siya aalis.
“Okay, I promise that I won’t ever leave you. I’ll make sure as well na hindi ako matutulog hanggang gising ka pa. I’ll be watching over you, Diane... so you don’t have to worry. As long as I’m here, you’ll be safe...” malambing niyang sabi.
Hindi ko nakikita ang ekspresyon niya sa mukha habang sinasabi niya ang mga katagang iyon, pero alam kong nakangiti siya ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito pero isa lang ang sigurado ko. Alam kong wala siyang masamang gagawin sa akin. Brown out man at medyo mainit pero nakatulog pa rin ako nang may ngiti sa aking mga labi.
In the middle of my sleep, I wasn’t sure if he really did this but I felt his gentle kiss on my forehead while whispering...
“I’ll protect you no matter what happens.”
Diane’s P.O.V.Nagising ako sa matinding sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Diane’s P.O.V.Simula nang hinalikan niya ako kanina, hindi na ako umimik. Ewan ko. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. First kiss ko ‘yon. Smack man ‘yon, kiss pa rin ‘yon.
Leandro’sP.O.V.God! Talaga bang nasasakal sa akin si Diane? Masama bang mahal ko lang talaga siya? Masama bang gusto ko lang siyang protektahan? Masama bang ako lang dapat ang palaging nasa tabi niya?
Diane’s P.O.V.“Lalabas tayo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Naroon na naman ‘yong dimple niya sa kanang pisngi.
Diane’s P.O.V.Be my girlfriend. Be my girlfriend. Be my girlfriend.
Diane’s P.O.V.Hay, Monday na naman! The worst day of all days!
Diane’s P.O.V.Tumango ako. Mabuti na sigurong sa akin na niya mismo malaman ang totoo.
Diane’s P.O.V.After what I heard from Lorenz, hindi na ako nakapag-concentrate pa sa klase.
DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses
Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!
Liam’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.
Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?
Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.
Diane’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.
Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.