Diane’s P.O.V.
“Nagustuhan mo ba?” nangingislap ang mga matang tanong sa’kin ni Leandro.
Tinutukoy niya itong mga bulaklak na ibinigay niya sa akin. Ang pulumpon ng mga pulang rosas na iniwan niya sa labas ng gate namin kanina.
Umalis daw siya agad sa tapat ng bahay namin dahil bigla siyang nahiya na magpakita sa akin. Hindi raw kasi naging maganda ang huli naming pag-uusap.
Nandito kami ngayon sa isang sulok ng club. Katatapos ko lang sumayaw at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinatanggal ang aking maskara. Ready na rin akong umuwi kaya dala ko na ang aking bag.
Maingay pa rin dahil sa lakas ng hiyawan at mga tugtog, pero nasanay na ang mga tainga ko rito. Hanggang alas-dos pa ng madaling-araw ang bukas nito. Mabuti na lang talaga at hanggang alas-diyes lang ako.
“Maganda ‘tong mga bulaklak pero hindi mo na ako dapat pang binigyan ng mga ‘to. Leandro, please understand. Wala na talaga akong kaya pang ibigay sa’yo kung hindi pagkakaibigan lang,” malungkot kong sabi habang ibinabalik ‘yong bouquet sa kanya.
Pero sa halip na tanggapin ‘yon ay hinawakan lang niya ang mga kamay ko. “Sorry sa mga nasabi ko sa’yo no’ng nakaraang gabi, Claire. Ang totoo niyan, kaya ko naman talagang maghintay... kahit gaano pa katagal. Basta ipangako mo lang sa akin na kapag handa ka nang magmahal, ako dapat ang nasa unahan ng listahan.”
Napabuntong-hininga na lang ako at nagkibit-balikat. Ito ang isa sa mga ugali ni Leandro na talaga namang ayaw na ayaw ko. Napaka-possessive niya kahit wala naman siyang karapatan.
Paano ko naman matuturuan ang puso kong mahalin siya at i-una pa sa sinasabi niyang listahan? Ano ‘yon? Mangungulekta ako ng mga lalaki at siya ang uunahin ko?
He was truly impossible! Kung siya man ang number one sa listahan ko, I would immediately jump to number two.
Ngayon ngang hindi naman kami ay talagang sinasakal na niya ako. How much more kung sakali mang maging kami? Hindi ako bagay at lalong hindi niya ako pagmamay-ari.
Minsan tuloy ay pinagsisisihan ko kung bakit napilit pa ako ni Tita Lucy na pakiharapan siya. Dapat noon pa lang ay nahalata ko nang may ugali na talaga siya, dahil wala namang malakas ang loob na manakot kay Tita Lucy rito sa club.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. I guessed, it was time to voice out my thoughts.
“Alam mo bang ‘yang ugali mong ‘yan ang isa sa mga bagay na ayaw ko sa’yo?” Diniretso ko na siya dahil hindi na ako makatiis. “Possessive ka masyado, Leandro. Hindi naman tayo pero sinasakal mo na ako. Alam mo ba ‘yon?”
I tried not to raise my voice but he already pushed me towards my limit. Bigla tuloy nanakit ang aking dibdib, dahil hindi ako sanay na magalit.
“Anong magagawa ko, Claire? Ang daming nakapaligid sa’yong mga lalaki. Ang daming nangangahas na manligaw sa’yo rito, alam mo rin ba ‘yon? Alam mo bang grabe na lang kung makatitig silang lahat sa’yo? Ang tanging lamang ko lang sa kanila ay sa akin ka lang pumapayag magpa-table. Pero hanggang doon lang! Paano na lang kapag sa labas na ng club o kaya naman ay sa school mo—” napahinto siya sa sinabi niya.
Kasabay nang pagkabigla ko ay tila nabigla rin siya sa mga detalyeng sunod-sunod na lumabas sa bibig niya.
I then narrowed my eyes before I scoffed, “A-Anong sinabi mo? Alam mo pala na nag-aaral ako? At mukhang alam mo rin kung saan ‘yong school ko. So talagang sinasakal mo ako to the point na sinusundan mo pa talaga ako? Tell me... ano pang alam mo sa akin, Leandro, bukod sa mga bagay na sinabi ko na sa’yo?”
I did not expect na aabot siya sa puntong susundan ako sa kahit saang lugar na pinupuntahan ko. Sabagay, the last time I checked, he told me that he had eyes everywhere.
Matagal naman siyang nanahimik. Hanggang sa... “Alam ko rin ang tunay mong pangalan, D-Dayanara,” sabi niya na hindi man lang tumitingin nang diretso sa akin. I knew for a fact that he was guilty.
That was it! Unti-unti nang namuo ang luha ko sa mga mata.
All this time, alam niya?
I suddenly felt betrayed. I trusted him more than anyone, but I guessed... he was not trustworthy enough.
Sabihin niyo nang maarte ako pero sa panahon ngayon, wala ka na talagang pwedeng pagkatiwalaan pa. Umiiling na lumayo ako sa kanya at saka ako nagmamadaling lumabas ng club.
Tinanggal ko na rin ang aking maskara at nilagay ‘yon sa sukbit kong shoulder bag. Tapos na rin naman ang duty ko dahil alas-diyes na. Pwede na akong diretsong umuwi pagkatapos kong mag-time out.
It was a good thing na nakapagbihis na rin ako bago ko siya kinausap hinggil sa mga bulaklak na iniwan niya sa labas ng gate namin. Kung hindi niya nagawang ibigay ‘yon nang diretso sa’kin, pwes, nagawa ko namang personal iyong ibalik!
“Diane, please... let me explain!” narinig kong habol niya sa’kin. Pati pala ang totoo kong palayaw ay alam niya rin.
Sinubukan niya akong sundan sa parking lot ngunit dala nang aking pagkataranta ay mabilis akong tumakbo. Pumasok ako sa isang itim na sasakyan nang bigla ko na lang mahila at mabuksan ang pintuan sa front seat nito. Dali-dali akong nagtago rito at dahil alam kong tinted ang salamin nito ay hindi ako basta-bastang makikita ni Leandro.
Nakita ko pang palinga-linga si Leandro habang naghahanap sa’kin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang pagkalipas lang ng ilang saglit, sumuko na rin siya sa paghahanap sa’kin. Sumakay na rin siya sa kotse niya at tuluyan nang umalis. Todo exhale pa talaga ako na akala mo’y nabunutan ng isang napakalaking tinik.
Saka ko naman naramdaman na may kasama pala ako rito sa loob ng kotse. Dahan-dahan kong binigyang pansin ang taong katabi ko sa kotse na tahimik lang na nakaupo sa driver’s seat. Mataman niya akong tinitigan at tila na-magnet din ang nanlalaki kong mga mata sa kanya.
Oh my God!
Natutop ko ang bibig ko. Kamukhang-kamukha niya si Leandro pero nakita naman ng dalawang mata ko kung paano umalis ang isang ‘yon!
Am I dreaming?
I blinked my eyes to make sure na hindi ako nagkakamali. Kinusot-kusot ko pa ang mga ito at tiningnan siyang mabuti.
Kamukha nga niya talaga si Leandro pero magkaiba sila ng mga mata. Mas nangungusap ang mga mata ng taong kaharap ko ngayon. Mas matangos pa ang ilong niya at maamo ang mukha. Malaki rin ang pangangatawan at sigurado akong mas matangkad din siya kay Leandro.
Lumunok muna ako bago nagsalita, “I... I’m sorry, Sir. Hmm, lalabas na po ako,” paghingi ko ng paumanhin.
Handa na sana akong lumabas ng kotse niya pero bago ko pa mapihit ang door handle sa loob ng kanyang sasakyan ay nai-lock na niya ito. Hindi naman ako sanay na sumasakay ng kotse kaya hindi ko alam kung paano i-unlock ‘yon. Bagay na nakapagpadulot sa akin ng hindi maipaliwanang na kaba at takot.
“Sir, h-hindi ko po talaga sinasadya ang biglaang pagpasok sa kotse niyo. M-May iniiwasan lang po talaga ako kanina. Lalabas na po ako,” pagpapaliwanag ko. Namamawis na tuloy ang mga kamay ko sa takot.
Baka kung anong gawin sa akin ng taong ’to!
“Miss, sa’yo na rin nanggaling na may iniiwasan ka, hindi ba? Kapag lumabas ka, sigurado ka bang hindi ka na niya makikita?” seryosong sabi niya.
I hated to admit it, pero bakit parang ang gwapo ng boses niya? At nang marinig ko ‘yon, bakit parang may kakaibang kumabog sa dibdib ko? Bakit bigla na lang din akong nailang sa saglit na pagkakatingin ko sa mga mata niya? Umiwas tuloy ako ng tingin kasabay nang mabibilis na pagtibok ng puso ko.
Tama naman siya roon, pero ni-lock na niya ‘yong pinto bago pa man niya marinig ‘yong paliwanag ko. There must be something wrong in here. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi ako dapat na magtiwala sa kanya.
Come on, Diane! Don’t trust him!
“Ah... eh... okay lang po, Sir. W-Wala na po siya. N-Nakita ko po siyang umalis na,” nagkakandautal na wika ko sa kanya. I was actually convincing him na sana ay palabasin na niya ako ng sasakyan.
“You must be referring to my brother, Miss. Sasakyan niya lang kasi ang nakita kong umalis dito sa parking lot pagkatapos mong pumasok sa kotse ko. By the way, I’m Liam. Liam Arthur Evangelista. Don’t be confused, hindi kami kambal ni Leandro... and you are?” Nakangiti niyang nilahad ang kanang braso upang i-abot ang kamay niya sa akin. Doon ko napansin ang dimple niya sa kanang pisngi.
Ang ganda ng pangalan niya... Liam Arthur.
So kapatid niya pala si Leandro? Kaya pala magkamukha sila. Pero ano namang ginagawa niya rito sa parking lot ng club? Sinusundan ba niya ang kapatid niya?
“D-Diane. Dayanara Clariz Rivera,” nahihiyang tinanggap ko ang kamay niya para makipag-shake hands. Hindi ko akalaing sinabi ko ang totoo kong pangalan. Gano’n na ba ako agad kakomportable sa kanya?
Pero pagkatapos niyon ay masuyo niyang hinagkan ang kamay ko na ikinagulat ko.
Agad ko namang binawi ‘yon sa kanya. Hindi ko alam pero bigla na lang nag-init ang dalawang pisngi ko, kaya sigurado akong namumula na ako. Dapat akong mailang sa kanya ngayon, pero bigla na lang akong may naramdamang hindi maipaliwanag na kuryenteng mabilis na dumaloy sa buong katawan ko.
“So bakit mo naman iniiwasan ang kapatid ko, Diane? I don’t want to tell you this but I think, it was Claire who he has been following around...” sabi niya sa’kin. He then started the car’s engine, hudyat na aalis na kami.
Teka, saan niya ako dadalhin? Sa loob-loob ko ay agad akong nag-panic.
At bakit kilala niya si Claire? Nakukuwento kaya ako sa kanya ni Leandro? Alam niya kaya na dancer ako?
“Hmm... Claire and I are just the same person. I’m working as Claire, Sir.” I tried to be at ease, pero nakakailang pa rin.
“Call me, Liam. Mas matanda lang naman ako ng isang taon kay Leand. Anyway, would you mind if I’ll take you home? But I don’t accept no for an answer, so you don’t have any other choice but to agree.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin siya sa akin. Kinindatan niya ako habang nakangiti. Lumabas lalo tuloy ‘yong dimple niya sa pisngi.
“Wala naman pala akong choice eh, bakit mo pa ako tinanong?” Napangiti na rin ako at nagsuot ng seatbelt, pero dahil ibang klase ang seatbelt niya ay inalalayan niya ako para maisuot ko ‘yon nang tama.
“Let me...” sabi niya. Bahagyang nagkalapit ang mga mukha namin at naamoy ko pa ang bango ng hininga niya. Saka naman siya nag-seatbelt at pinatakbo na ang sasakyan.
Hindi ko alam pero bigla na lang gumaan ang loob ko sa kanya. Kanina lang ay takot na takot pa ako, pero ngayo’y parang komportable na akong kasama siya. Ni hindi ko naramdaman ito sa kahit na sinong lalaki sa unang beses naming pagkikita.
“Well, mali nga ako eh. I supposedly did not ask that question dahil hindi rin naman kita hahayaang bumaba na lang sa kotse ko. Gabi na, baka mapaano ka pa sa daan. So tell me something about my brother para may mapagkwentuhan naman tayo. I promise, I won’t tell him anything.” He was still all-out smiling. Katatapos lang niyang magbayad ng parking fee at ngayon nga’y nasa main road na kami.
“Ah, eh... kaibigan lang talaga ang turing ko kay Leandro, pero makulit kasi ‘yong kapatid mo eh. Ayaw niya akong tantanan. Uy, wag mong sasabihin sa kanya ‘yan ha? Baka sabihin niya, hindi pa ako nakuntentong ipamukha ‘yon sa kanya, na pati sa kuya niya ay dinadaldal ko pa.” Napayuko ako habang nagkukutkot ng kuko.
“It’s okay. You’re safe with me— oh I mean, your statement is safe with me! Teka, saan ba tayo liliko?” sabi niya na naging dahilan para tumingin na rin ako sa daan. Pagkatapos ko kasing magkutkot ng kuko ay nakatingin na lang pala ako sa kanya.
“Naku, medyo malayo pa ‘yong bahay ko eh. Sana kasi ay hindi mo na lang ako hinatid, Sir. Naabala pa tuloy kita at saka, sanay naman akong mag-commute eh...” sagot ko.
“I told you to call me Liam, right? Isa pang tawag mo sa akin ng Sir, hahalikan kita!” pananakot niya pero nakangiti naman siya.
Malapad ang pagkakangiti niya kung kaya’t kitang-kita ko ang mapuputi niyang mga ngipin, na naging dahilan para mas lumalim pa ‘yong dimple niya sa pisngi.
Hay, bakit imbes na kabahan ako ay kinilig pa ako sa sinabi niya?
Ano ka ba naman, Diane? Kailan ka pa kinilig sa lalaki ha? my alter-ego asked.
Bigla akong bumalik sa aking katinuan nang mapamura siya. Kasabay niyon ang pagtirik ng sinasakyan naming kotse sa daan.
“Shit! I’m sorry, Diane. Nawalan tayo ng gas. Tsk, I should have it full next time!”
Hindi naman ako kumibo. Incidents happened when you were least expecting them and I understood the situation.
Luminga-linga siya pagkuwa’y lumabas siya ng kotse para magtanong siguro sa may tindahang natatanaw ko. “Wait, stay here.”
“Samahan na kita,” offer ko. Lumabas na rin ako ng sasakyan niya at sinundan siya. Tiningnan ko ang relo ko at mag-aalas-onse na.
“Naku! Malayo pa po ang gasoline station dito, Sir. Wala rin pong dumadaang taxi rito ‘pag ganitong oras na ng gabi. Kung gusto niyo po, magpalipas muna kayo ng oras sa malapit na apartel diyan sa gilid. Walking distance lang naman po ‘yon. Pababantayan ko na lang po sa asawa ko ‘yong sasakyan ninyo,” narinig kong sabi no’ng ale na nasa loob ng tindahan.
“Sige ho, maraming salamat. Bukas ko na lang ho kayo babayaran,” nakangiting sabi ni Liam.
“Naku, wala pong anuman. Ako nga po pala si Alma at ito naman ang asawa kong si Domeng. Siya po ang magbabantay sa kotse niyo,” baling nito sa matandang lalaki na ngumiti lang naman sa amin.
“Maraming salamat po, Aling Alma at Mang Domeng. Ako nga po pala si Liam... Liam Evangelista.”
“Naku, hijo... kaya naman pala parang pamilyar ka sa akin. Ikaw itong nasa d’yaryo oh?” ani Aling Alma sabay abot ng d’yaryo na binabasa ni Mang Domeng kay Liam.
Hindi ko ugaling mangialam o makiusyoso pero nakisilip na rin ako sa d’yaryo at ito nga ang nabasa ko sa headlines nito:
Rich and young business tycoon, Liam Arthur Evangelista, is now back in the Philippines.
“Ah, naku! Nakakahiya naman po pero sana po ay huwag na lang natin sabihin sa ibang tao na naririto kami. Okay lang po ba?” namumulang saad ni Liam nang ibalik ang d’yaryo sa matanda. Ayaw niya sigurong pagkaguluhan siya.
“Aba, pwedeng pwede, hijo. Makaaasa ka. Mabuti na lamang at anak ko ang may-ari ng malapit na apartel diyan kaya wala kayong magiging problema ng misis mo. Oh, Domeng! Ikaw na muna ang bahala rito at sasamahan ko lang sila saglit,” bilin ni Aling Alma sa asawa bago ito lumabas.
Nakangiti namang tumango lang ‘yong matandang lalaki at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng d’yaryo.
Sinamahan kami ni Aling Alma papunta sa apartel ng anak niya. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para magpakilala.
“Ako nga po pala si Diane at h-hindi ko po asawa si Liam,” alanganin akong ngumiti sa kanya. Mabuti nang klaro at baka matsismis pa kami rito, mahirap na!
“Ay naku, hija... pasensiya ka na sa akin ha? Bagay na bagay kasi kayo ni Sir Liam. Maganda at gwapo! Sigurado akong ang gaganda at ang gugwapo rin ng mga magiging anak niyo!” tuwang-tuwang sabi niya.
Inakbayan naman ako ni Liam at saka ngumiti nang pagkatamis-tamis, “Pasensiya na ho kayo rito sa girlfriend ko, Aling Alma ha? Masyadong mahiyain,” sabi niya sabay pabirong kumindat sa akin.
Hindi ako kumibo pero tahimik ko siyang siniko sa tagiliran. May pa-girlfriend-girlfriend na agad siyang nalalaman eh ito pa lang ang unang beses naming nagkita?
Nakarating na kami sa tapat ng eight-storey apartel na pagmamay-ari ng anak ni Aling Alma at hindi ko akalaing nakaakbay pa rin sa’kin si Liam. Lalaki pala ang anak niya kung kaya’t nakahinga ako nang maluwag.
At least, ‘di ba? Sure box na hindi tsismoso.
“Naku, paano po ‘yan? Isang kuwarto na lang po kasi ang bakante? Ber months na ho kasi eh,” nag-aalalang sabi ng anak ni Aling Alma na si Dante.
“It’s okay! We can stay in one room,” ani Liam sabay tingin sa akin.
Tama ba ang narinig kong sinabi niya? Pinandilatan ko tuloy siya ng mga mata.
A Aba, hindi pwede ito! Kakikilala ko pa lang sa kanya ngayon, tapos magkakasama na agad kami sa iisang kuwarto? Anong tingin niya sa akin? Easy girl? Basta-basta na lang sasama kung kani-kanino? No way! pagmamaktol ng isip ko.
“Hmm, Dante... baka pwede mo namang i-double check? Baka may nag-check out na pala kanina at hindi lang na-update ‘yong database?” pagpupumilit ko.
“Ma’am, pasensya na po. Isang kuwarto na lang po talaga ang available eh,” kumakamot sa ulong wika nito.
Nagkatinginan ulit kami ni Liam at saka naman siya makahulugang kumindat.
Liam’s P.O.V.Walang nagawa si Diane kung hindi ang sumama sa akin. I knew that it wasn’t easy for her to be with me in just one room considering the fact that we had only met today, but I thanked her for trusting me.
Diane’s P.O.V.Nagising ako sa matinding sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Diane’s P.O.V.Simula nang hinalikan niya ako kanina, hindi na ako umimik. Ewan ko. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. First kiss ko ‘yon. Smack man ‘yon, kiss pa rin ‘yon.
Leandro’sP.O.V.God! Talaga bang nasasakal sa akin si Diane? Masama bang mahal ko lang talaga siya? Masama bang gusto ko lang siyang protektahan? Masama bang ako lang dapat ang palaging nasa tabi niya?
Diane’s P.O.V.“Lalabas tayo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Naroon na naman ‘yong dimple niya sa kanang pisngi.
Diane’s P.O.V.Be my girlfriend. Be my girlfriend. Be my girlfriend.
Diane’s P.O.V.Hay, Monday na naman! The worst day of all days!
Diane’s P.O.V.Tumango ako. Mabuti na sigurong sa akin na niya mismo malaman ang totoo.
DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses
Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!
Liam’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.
Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?
Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.
Diane’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.
Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.