Home / Mystery/Thriller / My Dark Past / Glimpse 12: Liam's Girlfriend

Share

Glimpse 12: Liam's Girlfriend

Author: Nihc Ronoel
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Diane’s P.O.V.

Hay, Monday na naman! The worst day of all days!

Kahit ala-una pa ng hapon ang pasok ko sa university ay maaga akong gumising para mag-edit ng thesis namin. Sa akin nakatoka ang pag-edit at pag-double check ng mga computation. Average lang naman akong estudyante pero aaminin kong magaling ako sa Mathematics.

Suot ang sleeveless at maikling shorts, nakadapa ako ngayon sa kama, habang patuloy na nagtitipa sa laptop. Nakapungos ang buhok ko para hindi rin sa akin makaabala. May isang problema kasing dalawang oras ko na yatang ginugulungan pero hindi ko pa rin masagutan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagco-compute nang biglang tumunog ang cell phone ko. It was an unregistered number. Dahil nga hindi ko basta-bastang sinasagot ang mga tawag kapag galing sa mga numero na hindi ko naman kilala kung sino ang may-ari ay hinayaan ko na lang ito.

My phone rang and I ignored it again. But it kept on ringing... that I ignored it again, and again, and again. The call was still coming from that same unregistered number, but who could that be?

Muling tumunog ang cell phone ko and this time, I answered it.

“Hello? Who’s this?” tanong ko habang nagma-manipulate ng formulas.

“Hi, Diane. Thank God, you answered the call. Did I disturb you? How was your sleep?”

Napangiti ako. Hindi ko man nakikita ang taong kausap ko ngayon ay alam ko na kung sino siya at alam kong nakangiti rin siya habang kinakausap niya ako. At that point, automatic akong napatingin sa dream catcher na ngayon nga’y nakasabit sa bintana ng kuwarto ko.

That voice of a man na hanggang sa pagtulog ko ay gusto kong marinig?

Wondering how just by hearing his voice from the other line already made me feel so excited. I then fixed myself and sat properly in my bed.

“Diane? Is there anything wrong? Hindi ka na kasi umimik diyan eh.”

“Liam?” Hindi na nawala ang mga ngiti ko sa labi ngayon. Alam kong siya ‘yon... but still, I wanted to hear his voice more.

“Yes, it’s me. So, how are you?”

“I’m good,” I mean, better kasi narinig ko ang boses mo first thing in the morning, ”but how did you get my number?”

“Don’t be surprised, sweetie. I have connections.” Kung kaharap ko lang siya ngayon, malamang ay kikindatan na naman niya ako.

Teka, sweetie?

“Sweetie? Hindi pa nga tayo, may endearment na agad?” Kaunti na lang talaga ay aabot na ang mga ngiti ko sa aking dalawang tainga. Bigla pa akong napahiga at nagpagulong-gulong sa kama.

“Hindi pa? You mean, sasagutin mo na ako at soonest possible time?” Bakas sa boses niya ang excitement, and I guessed... I was caught!

“Hmm, pag-iisipan ko pa. Sige na. I’ll save your number na lang, may tinatapos pa kasi ako eh.”

Gustuhin ko mang makausap pa siya nang mas matagal ay hindi pwede, dahil kailangan kong tapusin ang documentary thesis namin. Ipapasa na ito mamaya at nakakahiya naman kay Karen at Lorenz kung hindi ko matatapos ‘yong nakatoka sa akin.

Thesis muna bago love life!

“Okay, pero tingin ka muna sa labas.” Ayaw pa rin niya talagang magpaawat.

“Labas? Bakit? Anong mayro’n sa labas?” nagtatakang tanong ko. Napakunot din tuloy ang noo ko.

“Basta,” pa-mysterious niyang sagot.

Hmm, ano na naman kaya ang pakulo nito?

Bumangon ako. Saka ako pumunta sa glass door ng kuwarto ko, hinawi ang kurtina at lumabas sa terrace. Nagulat ako! There he was, right in front of our gate leaning at the side of his car. Nakangiti pa siyang kumaway sa akin.

“Hey, what are you doing here? Wala ka bang pasok sa office?” Kausap ko pa rin siya sa cell phone.

“I’m the boss, remember? I can ditch work whenever I want to.” He was all out smiling at me, showing his gorgeous dimple.

“Yes I know, but it doesn’t mean na palagi ka na lang a-absent. Ano na lang ang sasabihin sa’yo ng mga empleyado mo? Paano ka nila tutularan?” panenermon ko.

Umalis ako sa terrace at nagsuot ng bra, habang nakaipit ang cell phone sa pagitan ng aking tainga at balikat. Mabuti na lang at medyo makapal ang sleeveless kong damit kaya hindi masyadong bumakat.

“Just this day. I just wanted to see you,” masuyong sabi niya. Lumabas ako ng kuwarto at mabilis na bumaba sa hagdan.

Shocks! Oh my God!

Sa sinabi niyang ‘yon ay kilig to the bones na naman ako. In-end call ko na lang ang tawag at lumabas ng bahay. Sayang pa ang load niya kung nandito rin naman siya. Pinagbuksan ko siya ng gate at sa sobrang excitement ko ay hindi ko na ‘yon na-lock.

Pinatuloy ko siya sa bahay at pinaupo sa sofa. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng pawis pero sobrang hot pa rin niya. Binuksan ko na lang ang ceiling fan para hindi na siya gaanong mainitan.

“Ikaw lang mag-isa?” tanong niya.

“Yup. Sinamahan ni Dave si Mama magpa-checkup samantalang nasa school naman si Denise,” sabi ko habang inaayos ang ilang kalat na nasa sahig. Mga paper dolls at bahay-bahayan na naman ng bunso namin.

“Hmm, ano ba ‘yong sinasabi mong tinatapos mo?” curious niyang tanong.

“Ah, ‘yong thesis namin. Double-checking of computations na lang naman ‘yon. Saglit lang ha?”

Pinatong ko muna ang mga gamit ni Denise sa ibabaw ng cabinet bago ako umakyat sa hagdan. Pumunta ako sa kuwarto ko at kinuha ang laptop. Ibinaba ko ‘yon sa mesang katapat niya, pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina.

Pagbalik ko, ibinigay ko sa kanya ang isa sa dalawang baso ng juice na hawak ko. Bumalik ulit ako sa kusina at kumuha naman ng home-made cookies na nasa loob ng refrigerator.

“Thanks. You know, I can help you on this one. This is just a Business Math. Teka...” Kinuha niya ang laptop at nagsimula nang magtipa rito. Tahimik lang naman akong nakatayo.

Pagkalipas ng ilang minuto, “There, it’s done...” sabi niya sabay abot sa akin ng laptop. Nanlalaki naman ang mga mata ko habang nire-review ‘yong ginawa niya.

Wow! Hindi nga? Bakit ang bilis? At accurate talaga ang mga solution niya ha? Paano niya nagawa ‘yon in just a short period of time? In fairness, ang galing niya sa MZ Xcel ha? Dalawang oras ko na kaya ‘tong ginugulungan!

“Akala ko ba, tutulungan mo ‘ko? Eh bakit ginawa mo na lahat?” nakangiting tanong ko sa kanya.

Tapos na tuloy ‘yong problema ko. Tama naman ‘yong formula ko, nagkamali lang ako ng kinuhang cell. Dahil doon, ready to print na ang thesis namin. Ise-send ko na lang sa e-mail ni Lorenz para siya na ang mag-print.

Uminom siya ng juice bago nagsalita, “Ayoko kasing mapagod ka. Halika nga rito, wala ba akong premyo for doing those calculations? Kahit isang kiss lang?” He spread his arms na parang gusto niya ng yakap.

Lumapit naman ako at tumabi sa kanya. “Aba, sinuswerte ka ha! Premyo mong mukha mo, ewan ko sa’yo!” Tumatawang hinawakan ko pa ang mukha niya para ilayo sa akin.

“Ah, gano’n?” Pareho naman niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at saka nakipagtulakan sa akin. Lumaban naman ako pero sadyang malakas si Liam... hanggang sa napahiga na lang ako sa sofa.

Matagal kaming nagkatitigan. Hanggang sa tumitig siya sa mga labi ko. Unti-unting bumaba ang mukha niya papalapit sa akin hanggang sa... hinagkan niya ang aking noo.

“Bumangon ka na nga riyan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ano pa ang magawa ko sa’yo.” Nakangiti niyang inalalayan ang likod ko sa pagbangon.

Sayang! Hay, sana itinuloy na lang niya ang kung ano mang balak niya sa akin! Ang landi ko lang. Tsk!

Hindi mo nga siya sinagot kagabi, tapos ganyan pa talaga ang mga iniisip mo? Okay ka lang, Diane? Iyan na naman ang aking subconscious.

“Sige na nga! Ito na ang premyo mo, pero sa pisngi lang ha? Pikit ka muna.” Kunwaring pakipot pa ako pero deep inside, sobrang kinikilig naman ako.

Pumikit naman siya at saka ko dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa kanya para halikan siya sa pisngi, pero hindi ko inaasahang bigla na lang niyang ibabaling ang mukha niya sa akin.

Sa ikatlong beses ay naglapat ang aming mga labi. Napapikit ako. Sa una ay simpleng halik lamang ‘yon, ngunit kalauna’y kanya nang binubuksan ang bibig ko para ipasok ang dila niya rito.

I let him opened my mouth. I let him caressed my tongue, before I returned the favor. I certainly loved the feeling... and from that very moment, I knew, I really loved Liam. I already loved him, even if it was just in two days. I suddenly realized that there was no point that I would make the situation hard for the both of us.

He suddenly stopped and we did an eye-to-eye contact. “I know masyadong mabilis but I think... I love you, Diane. I don’t know when. I don’t know how. I just love you,” malambing niyang sabi sa akin.

Bigla naman akong napayuko. “I—I love you too, Liam...” sabi ko. Sigurado akong pulang-pula na naman ang mukha ko ngayon.

Hinawakan niya ang aking baba at inangat ang aking mukha, “So ibig bang sabihin niyan—”

Hindi ko na siya pinatapos sa kung ano pa mang sasabihin niya. Nagulat siya nang bigla kong hinawakan ang magkabila niyang panga at saka siniil ng halik ang mga labi niya.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya kaya tumango ako. Sa puntong ito ay sigurado na ako sa nararamdaman ko. “Oo, Liam. Tayo na, sinasagot na kita...” naluluha pero nakangiti kong sabi.

“T-Talaga?” Hindi siya makapaniwala. Kitang-kita ko ang mga kislap sa mga mata niya.

Tumango ulit ako.

“Talagang-talagang-talaga?” makulit na tanong na naman niya. Daig pa niya ang teenager, ang cute!

“Oo nga! Gusto mo yatang bawiin ko ‘yong sinabi ko eh.” Inirapan ko naman siya.

“Of course not. Hindi lang talaga ako makapaniwala, Diane. Sobrang saya ko. Yes!” sigaw niya bago ako hinalikan sa noo. “I promise you, hinding-hindi ka magsisisi na sinagot mo ako kaagad. Hinding-hindi kita sasaktan. Araw-araw pa rin kitang liligawan kahit tayo na. I love you, Diane. I love you so much!” Saka niya ako niyakap at muling hinalikan sa aking mga labi. Lasap na lasap ko ang bango ng hininga niya na lalo pang nakapagpadarang sa akin.

Nakikipaglaban pa ng halikan ang mga labi namin sa isa’t isa nang...

“Anong nangyayari dito?” Isang boses ang sabay na nakapagpatingin sa aming dalawa ni Liam sa pinto.

There at the door, holding a bouquet of red roses was none other than Leandro.

“Leandro?” Iyon lamang ang tanging lumabas sa bibig ko sa tindi ng pagkagulat ko.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang itsura niya ngayon. Maayos naman ang pananamit niya, nakasuot pa nga siya ng formal suit and black shoes.

Ang kaso, sobrang halata naman na hindi pa siya nagsusuklay ng buhok. Nangigitim din ang ilalim ng kanyang mga mata, marahil ay dahil sa kakulangan sa tulog.

“Leandro, not here. Doon tayo sa bahay mag-usap!” Akmang lalapit si Liam sa kapatid niya nang...

“No!” sigaw nito. Padabog ding ibinagsak ni Leandro sa sahig ang bouquet na hawak-hawak, “Unless, you tell me... w-what’s going on here!”

Medyo natatakot na ako sa tono ng pananalita ni Leandro. Malayong-malayo na siya sa Leandro’ng unang nakilala ko. Hindi ko inasahan na pupunta siya rito at manggugulo.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Liam. Umiiling ako sa kanya, silently saying not to tell Leandro what was the real score between the two of us.

“Mahirap bang sagutin ang tanong ko kung kaya’t nagtititigan na lang kayong dalawa riyan, ha? Now, answer me! What?” muli nitong sigaw.

Huminga muna nang malalim si Liam bago siya nagsalita. “Kami na ni Diane. Sinagot na niya ako. Now, happy? Pwede na ba tayong umuwi?” diretsong sabi niya.

Pero ayaw pa rin nitong magpaawat. “No! Mag-isa kang umuwi! I want to talk to Diane. ‘Yong kaming dalawa lang!” Mahigpit na hinawakan naman ni Liam ang dalawang kamay ko as assurance na hindi niya ako iiwan.

“No, Leandro! If there’s anything you would like to say to her, tell them in front of me. Don’t be such a stubborn brat here! Grow up, bro! Diane is my girlfriend now and I have every right to speak for her from now on,” nagtatagis ang mga bagang na sigaw ni Liam. Napatayo na siya mula sa kinauupuan.

“Sige na, Liam. Lumabas ka na muna. Kakausapin ko lang si Leandro,” malumanay kong sabi.

As much as possible, ayoko ng eskandalo rito. Ako naman ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito. Baka ako rin ang makakaayos sa gusot na pinasok ko.

“But—” pagtutol niya. Umupo siyang muli at hinawakan ako sa magkabila kong pisngi.

Masuyo ko siyang hinalikan sa kanang gilid ng labi, bilang assurance naman na kaya ko na ang sarili ko. “You trust me, right?” tanong ko. Ayokong mag-away silang dalawa nang dahil sa akin pero nangyayari na iyon ngayon.

“I trust you but at this point, I don’t trust my brother.” Hinalikan niya ako sa noo at pagkaraa’y matalim na tumitig kay Leandro.

“Shut up! Now, leave!” sigaw ni Leandro na halos maputulan na ng ugat sa leeg.

Dahan-dahan namang lumabas si Liam. Hindi niya isinara ang pinto at alam kong sumisilip-silip lang siya roon, habang naiwan naman kaming dalawa sa sala ni Leandro.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ko binasag ‘yon.

“Now, talk...” mahinang saad ko.

Agad namang pinulot ni Leandro ang bouquet sa sahig at lumapit sa akin, lumuhod ito sa harapan ko at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. Papasok naman sana si Liam sa pinto pero sinenyasan ko na lang siya na kaya ko na ito.

“Diane, dalawang araw mo pa lang na nakikilala si Liam. Ako, dalawang taon na! Nalilito ka lang, Diane... kasi nga medyo magkahawig kaming dalawa pero alam kong ako talaga ‘yong gusto mo. Please, Diane... ako na lang. Mahal na mahal naman kita eh.” Nakita ko kung paano pumatak ang unang luha ni Leandro. This was the first time I saw him too miserable.

Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko, hinalikan pa nga niya ang mga iyon... hanggang sa ang kanyang mga luha ay wala nang tigil sa pagtulo.

“Leandro, I’m sorry. Alam mo naman na sa simula pa lang... wala na talaga akong nararamdaman para sa’yo, ‘di ba? Wala akong iba pang kayang ibigay sa’yo kung hindi pagkakaibigan lang. Kami na ni Liam, kami na ng k-kuya mo... why don’t you just be happy for us?” paliwanag ko. Umaasa ako na kaya kong baguhin kung ano man ang iniisip niya ngayon.

“Diane, hindi mo lang alam pero seventeen ka pa lang, mahal na kita. Hindi mo ba naaalala? Ako ‘yong nakatapon sa’yo ng softdrinks noon. Sinadya ko talaga ‘yon para lang mapansin mo. Please, Diane... ako na lang! Ako na lang ang mahalin mo. I promise, mamahalin kita nang higit pa sa inaakala mo. I won’t hurt you,” pagmamakaawa niya sa harapan ko.

Kung gaano kababaw ang kaligayahan ko, ganoon din kababaw ang mga luha ko. At dahil sa awang nararamdaman ko ngayon kay Leandro ay napaiyak na rin ako.

“Leandro, you don’t know what you are talking about. Please... kung talagang mahal mo ‘ko, maging masaya ka na lang para sa amin ng kuya mo. Marami pa namang mga babae riyan na mas karapat-dapat para sa’yo eh... ‘yong mas maganda, mas mabait at mas matalino.

Leandro, please. Ang pagmamahal, hindi pinipilit. Sa halip, isina-sakripisyo. Kailanman ay hindi ko matuturuan ang puso ko. Hindi ko gustong saktan ka pero mahal ko talaga ang kuya mo. Mahal ko si Liam. Hayaan mo naman sanang maging maligaya kami. Hayaan mo sanang maging masaya ako. ‘Yon lang ang tanging hihilingin ko sa’yo.”

Hindi ko namalayang hilam na rin pala sa luha ang mukha ko. Ginamit naman niya ang dalawa niyang mga palad para pahirin ‘yon. He cupped my face on what he did.

“Iyan ba talaga ang gusto mo, Diane? Magiging masaya ka ba talaga sa kanya?” tanong niya sa akin.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Annah Lhyn Bayhon
nice story ......
goodnovel comment avatar
Annah Lhyn Bayhon
Ang sweet ni Liam......
goodnovel comment avatar
Annah Lhyn Bayhon
Si Liam na sobrang pinakilig si Diane
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

  • My Dark Past   BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST

    DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses

  • My Dark Past   Glimpse 32: The Consequence

    Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!

  • My Dark Past   Glimpse 31: Signature Pen

    Liam’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 30: Diane's Amnesia

    Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.

  • My Dark Past   Glimpse 29: At Death Bed

    Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?

  • My Dark Past   Glimpse 28: Trip To Palawan

    Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.

  • My Dark Past   Glimpse 27: Liam's Proposal

    Diane’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 26: Schemed Surprise

    Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.

  • My Dark Past   Glimpse 25: Feeling Alone

    Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.

DMCA.com Protection Status