Home / Lahat / My Dark Past / Glimpse 11: Leandro's Rage

Share

Glimpse 11: Leandro's Rage

Author: Nihc Ronoel
last update Huling Na-update: 2020-08-17 15:48:46

Diane’s P.O.V.

Be my girlfriend. Be my girlfriend. Be my girlfriend.

Tapos na niyang sabihin ‘yon pero paulit-ulit pa ring tumatakbo ang mga katagang ‘yon sa isipan ko. I guessed, I was still in state of shock.

What I meant was... I wasn’t even expecting na aabot agad kami sa ganito. Masaya ako pero masyadong mabilis. I didn’t have any experience when it comes to having a boyfriend and of course, a relationship.

Ano ba ang dapat kong maging reaksiyon?

I was confused, but it doesn’t change the fact that I liked him. No. Actually, I loved him. Maybe, it was love at first sight. Sa kanya lang tumibok ang puso ko nang ganito. Sa kanya lang gumulo ang isip ko. Sa kanya ko lang naranasan ang mga bagay na ‘yon.

Pero sapat na ba ‘yon? Paano na lang kung masaya nga kaming dalawa, pero may masasaktan naman kaming ibang tao? I didn’t want to be selfish with Liam, pero siguro mas mabuti pang magiging magkaibigan na lang kaming dalawa.

“Diane, it’s okay if you’re going to reject me now. But at least give me a chance. Please... let me court you,” he pleaded. The way he said those words was actually mesmerizing. Natutunaw na naman ako sa mga lalim ng titig niya sa akin.

“P-Pero paano si Leandro, Liam? I’m sure, masasaktan siya kapag nalaman niya ang tungkol sa ating dalawa. Ayokong mag-away kayo nang dahil lang sa akin. Ayokong magkalamat ang relasyon niyong magkapatid,” nakayukong sabi ko sa kanya.

Naguguluhan ako. I truly felt something for Liam. Ni hindi ko nga gugustuhing makitang may kasama siyang iba. I was at my happiest sa tuwing kasama ko siya. Pero hindi ko naman gugustuhing may masaktan akong ibang tao... and worst, kapatid niya pa!

I felt that he heaved a deep sigh. “Please... take Leandro out of the picture, Diane. Do you think, hindi ko siya inisip? I tried to treat you as a friend dahil inisip ko rin ang mararamdaman ng kapatid ko. I promise you, I’ll talk to Leandro as soon as possible and clear things up!” Doon ako tumingin sa kanya.

Nagtataas-baba ang Adam’s apple niya habang nagsasalita, “Alam kong napakabilis ng mga pangyayari pero hindi ko na kaya pang pigilan ang kung ano mang nararamdaman ko para sa’yo. At kung iisipin mo lang palagi ang ibang tao, paano naman ang feelings mo? At ‘yong feelings ko para sa’yo? Now I will ask you again, Diane. Given the scenario that if you do not take me now, you will never see me anymore. Babalik ako sa America at lalayo ako sa’yo. Would you let me go?” Nangungusap ang mga matang tanong niya sa akin.

Can I really let him go? Can I?

Pero bakit gano’n? Isipin ko pa lang na lalayo siya, bakit parang hindi ko na kaya? Nalilito pa talaga ako sa kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya, pero ayoko namang umalis siya. Tapos sa America pa siya pupunta? Ang layo niyon!

“L-Liam naman, please... d-don’t make it hard for me,” usal ko. I felt like I was pressured.

Ngumiti siya. “Okay, you got me there! That was only a joke. I won’t go back to America, hangga’t hindi mo pa ako sinasagot. Basta I’ll give you time to decide, okay? Hindi kita mamadaliin, Diane. Alam kong katulad ko ay nabibilisan ka rin sa mga nangyayari and I’m so sorry for that. But one thing is for sure, I will still court you no matter what!” sabi niya.

Hinawakan niya ang magkabilang panga ko at masuyo niya akong hinalikan sa noo. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.

Lumabas ako dala-dala ‘yong binigay niya sa aking dream catcher. Binuksan niya ang likurang pinto ng kotse para naman kunin ‘yong bouquet at ‘yong mga ulam na iuuwi ko.

“Kaya mo bang dalhin ang lahat nang ito papasok sa bahay niyo?” tanong niya.

“Oo naman. Nagbubuhat nga ako ng malaking galon ng mineral water sa dressing room ng club kapag walang magsasalin sa dispenser eh. Sisiw na lang ang mga ‘yan. Anyway... thanks for treating me this way, Liam. I’m sorry din kasi hindi pa ako ready sa commitment. Masaya ako na nand’yan ka para sa akin and I wouldn’t trade that for anything else.”

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Dahil dala pa niya ‘yong bouquet at ‘yong paper bags kung saan nakalagay ‘yong mga ulam ay nahirapan siyang gumanti ng yakap sa akin. Naramdaman ko namang hinalikan na lang niya ang buhok ko.

“Next time, mang-utos ka na lang sa bouncer niyo sa club ha? Ayoko ng nagbubuhat ka ng mga mabibigat na bagay... or else, I’ll ditch my work and go straight to you. Ako ang magbubuhat ng mineral water, sige ka.”

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Get inside. Sleep tight and dream of me, of us...” sabi niya at ‘yon nga’t lumalabas na naman ‘yong dimple niya. Hinatid niya ako sa gate at binuksan ko muna ang padlock niyon bago niya ibinigay sa akin ‘yong mga dala niya.

Iyon lang at pumasok na ako sa loob ng gate namin. Hinintay niya pa akong makapasok talaga sa loob ng bahay namin bago siya umalis. Sumesenyas kasi siya na isara ko muna ‘yong pinto, pagkatapos niyon ay aalis na rin daw siya. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may gusto rin sa akin si Liam!

I unconsciously touched my chest. Then, my lips. I smiled as hidden feelings were about to be revealed. Our feelings were mutual, I guessed. Well, I didn’t know if I would be able to sleep tonight. I was just... too excited.

Liam’s P.O.V.

Hindi ko man napasagot si Diane ngayon, okay lang. I still liked her. Actually, I liked everything about her.

Sa totoo lang, I was really afraid of rejections and that was the reason why I always used that scheme sa mga naging girlfriend ko. Hindi ako marunong manligaw. It was only now or never... or take it or leave it!

And for the first time in history, I couldn’t believe na hindi gumana ang aking tactic knowing that we already kissed! I even lost my sanity and stupidly touched her. Mabuti na lang talaga at hindi siya na-turn off. Kaya lalo kong nagustuhan si Diane... dahil iba siya sa lahat. I was positive that she would give me a chance.

Pagkauwi ko sa mansiyon, nagulat na lang ako nang maabutan ko si Leandro na nasa sala pa at umiinom ng alak. Nagkalat sa sahig ang iba’t ibang chips at unan, pati na ang basurahan.

“Bro, what’s the matter?” Binati ko siya pero hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa pagtungga sa bote. “Okay, if you don’t want to talk... I’ll go ahead.” Kabisado ko na ang kapatid ko kapag nagta-tantrums. Kailangan ko lang siyang hayaan ngayon, dahil bukas lang ay alam kong okay na siya agad.

Didiretso na sana ako paakyat sa kuwarto ko nang biglang...

“Spare Diane, bro!” mahina pero madiin na sabi niya sa akin. Actually, he wasn’t even telling me... he was commanding me! Ramdam ko sa boses niya ang galit.

Tumigil ako sa paghakbang at nilingon siya. Hindi ako magtataka kung alam na niya ang namamagitan sa amin ni Diane. Hindi na ako magugulat kung alam na niyang nanliligaw ako rito. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya ang pwedeng pumalit kay Sherlock Holmes¹.

Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanya. “Bro, lasing ka lang. You don’t know what you are talking about,” sabi ko habang kinukuha sa kanya ang bote ng alak.

Ngumiti siya nang nakakaloko. “I k-know what I am t-talking about, Liam! Spare Diane or else, I’ll k-kill you! Akin lang siya, naiintindihan mo?” Ibinaba niya ang bote ng alak sa mesa at pasuray-suray akong inambahan ng suntok na agad ko namang nasalag. Ito ang unang beses na hindi niya ako tinawag na Kuya.

Nasalo ko ang kalahati ng katawan niya at ipinasya munang ihiga siya sa sofa. Lasing na lasing siya. Aakyat na sana ulit ako sa hagdan nang mamayamaya lang ay hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at saka umiyak na parang bata.

“Please, K-Kuya... akin si Diane. Akin lang siya. A-Ako naman ang nauna sa kanya eh. Seventeen pa lang siya, k-kilala ko na siya... g-gusto ko na siya. Ikamamatay ko ‘pag hindi siya mapupunta sa akin. Ipaubaya mo na lang siya sa akin! Kuya, please? I-Ibigay mo na lang siya sa akin,” sinisinok sa kalasingang pakiusap ni Leandro. Papikit-pikit na rin ang mga mata nito.

Tila dinudurog ang puso ko sa nakikita kong nangyayari sa kanya, pero hindi ko naman pwedeng ipagpalit ang nararamdaman ko para kay Diane. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I guessed, it was about time na isipin ko naman ang sarili ko bago si Leandro.

“Leandro, bukas na lang tayo mag-usap. Kapag okay ka na ha?” mahinahon kong saad bago ako humakbang para muling umakyat na sa itaas.

“Magiging okay lang ako kapag ipapangako mong hindi ka na makikipagkita pang muli kay Diane! Layuan mo na siya! Naiintindihan mo ba ako, ha!” biglang sigaw niya.

Bumangon siyang muli at saka mabilis na binato ang bote ng alak. Tinamaan niyon ang picture frame naming dalawa na nakapatong sa cabinet na nasa harap ng sofa. Nalaglag ‘yon at nabasag.

Napapikit ako at nakuyom ko na lang ang kanang palad ko. Medyo napuno na ako sa mga pinagsasasabi niya.

“Leandro, naririnig mo ba ang sarili mo ha? Hindi siya gamit na pwede nating pagpasa-pasahan, maliwanag ba? Hindi siya laruan na pwede nating pag-agawan! May damdamin din si Diane. Hayaan mo siyang mamili kung sino ang gusto niya.”

Ngumiti siya nang mapakla at saka ako kinuwelyuhan. “At s-sino ang gusto niya? I-Ikaw? Na kagabi lang naman niya nakilala? B-Bakit, Liam? Sabihin mo nga sa akin ha! May nangyari na ba sa inyo? Binigay na ba niya agad sa’yo?” At saka siya ngumiti nang nakakaloko.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin siya at baka sa ganoong paraan man lang ay mahimasmasan si Leandro. Hindi ko gustong gawin ‘yon pero sa unang pagkakataon, tingin ko ay naubusan na ako ng pasensiya sa kapatid ko. Pumutok agad ang kaliwang gilid ng labi nito at nagdugo ‘yon.

“Don’t you ever talk about Diane that way, dahil hindi siya gano’ng klase ng babae! Matagal mo na siyang kilala katulad nang sinasabi mo, ‘di ba? Then, you should have known her better than anyone!” I was gritting my teeth so hard that my jaws were about to break.

Ngingisi-ngisi lang siya sabay hawak sa sugatan niyang labi. “Kagabi lang kayo nagkita ha? So feeling mo, kilala mo na siya agad? Wow! A round of applause for Liam!” At saka siya parang baliw na pumalakpak.

“Alam mo kung anong ayaw sa’yo ni Diane, ha? ‘Yang ugali mo,” dinuro ko siya. Pagkatapos niyon ay saka ako umalis sa harap niya at pumuntang muli sa hagdan. “Let’s stop this nonsense issue, Leandro! Ilang beses pa ba kitang pagbibigyan para lang magtanda ka na ha?” tanong ko nang muli akong lumingon sa kanya.

Sinaksak naman niya ako ng masasamang tingin. “Bakit? Ibig bang sabihin ay mahal mo pa rin si Isabelle?”

Natigilan ako.

Si Isabelle ang isa sa mga babaeng nagustuhan ko sa America noon. She was a half-Pinay and half-Canadian model who also studied at Harston. Manliligaw na sana ako sa kanya noon nang makiusap si Leandro na ipaubaya ko na lang daw ito sa kanya. In the end, naging sila ni Leandro pero ipinagpalit niya rin ito sa isang artista.

“Stop bringing back the past, Leandro. We were no longer there anymore. We were not even living backwards so will you please grow up? This time, may the best man win na lang. Good night!” seryosong sabi ko at saka ko itinuloy ang pag-akyat sa kuwarto ko.

_________________________

¹Sherlock Holmes is a fictional character created by Scottish Author and Physician, Sir Arthur Conan Doyle, a graduate of the University of Edinburgh Medical School.

A London-based “consulting detective” whose abilities border on the fantastic. Holmes is known for his astute logical reasoning, his ability to adapt almost any disguise and his use of forensic science to solve difficult cases.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • My Dark Past   BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST

    DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses

  • My Dark Past   Glimpse 32: The Consequence

    Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!

  • My Dark Past   Glimpse 31: Signature Pen

    Liam’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 30: Diane's Amnesia

    Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.

  • My Dark Past   Glimpse 29: At Death Bed

    Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?

  • My Dark Past   Glimpse 28: Trip To Palawan

    Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.

  • My Dark Past   Glimpse 27: Liam's Proposal

    Diane’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 26: Schemed Surprise

    Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.

  • My Dark Past   Glimpse 25: Feeling Alone

    Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status