Home / Lahat / My Dark Past / Glimpse 10: Dream Catcher

Share

Glimpse 10: Dream Catcher

Author: Nihc Ronoel
last update Huling Na-update: 2020-08-17 15:23:46

Diane’s P.O.V.

“Lalabas tayo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Naroon na naman ‘yong dimple niya sa kanang pisngi.

Nakakakilig! Para na akong hihimatayin.

“Ah, okay. Sige, hintayin mo lang ako rito ha? Magpapalit lang ako. Sa’yo na muna ‘tong mga bulaklak. Saglit lang ako, promise!” sabi ko sabay abot sa kanya ng mga rosas.

Oh my God! Did I sound too excited?

Doon ko lang napansin na halos lahat ng tao sa club ay nakatingin lang sa amin. Grabe, bilang lang ang mga pagkakataong sobrang na-excite ako sa buhay ko, kaya pasensiya na sa kanila kung masyadong obvious.

Nakasalubong ko pa si Martina sa hallway papuntang dressing room at sinabi ko sa kanyang uuwi na ako kung kaya’t hindi ko siya mapapanood na sumayaw. Ngumiti lang naman siya nang tanggalin ko ang aking maskara. Napansin pa niya ang rosas na nasa kaliwa kong tainga.

Hindi ko pwedeng suotin ang damit na ito kasama si Liam dahil masyadong daring. Sinuot ko ang off-shoulder kong white blouse at faded blue jeans. Nilagay ko ‘yong red rose sa loob ng aking shoulder bag at dinala ko na lang din ang aking blazer. Pagkatapos niyon ay humarap ako sa malaking salamin. Hinayaan kong nakalugay ang lagpas balikat kong buhok at naglagay lang ng kaunting lipstick.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa dressing room at nakangiting sumama kay Liam. Nang makapunta kami sa parking lot ay nagulat ako na iba na naman ang sasakyan niya. Kulay pula naman.

Maingat niya akong inalalayan mula sa pagpasok dito hanggang sa pagkabit ng seatbelt ko. Pagkatapos niyon ay agad na kaming umalis doon. Sa isang five-star restaurant ako dinala ni Liam, pero nang nasa tapat na kami ng glass door ay nagtaka ako.

Bakit parang walang ibang mga customer?

Hindi pa naman gano’n kalalim ang gabi. Alas-onse pa lang. Isa pa, Linggo ngayon at sikat na restaurant ito, dapat nga ay marami pa ring mga tao kahit ganitong oras na rito.

“Well, I rented the whole place just for the two of us. Do you like it?” Liam said as if he had read what was on my mind. “Shall we?” Nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. Pakiramdam ko ay nakuryente ako sa hawak niyang ‘yon — kuryenteng mabilis na bumalot sa buo kong katawan.

“Yeah, I like it... pero hindi mo naman kailangang rentahan pa ‘yong buong lugar eh. Hindi naman tayo mauubusan ng pwesto rito.” Hinila ko ‘yong kamay ko sabay tapik sa balikat niya.

“For you, I will do anything...” sabi niya sabay hawak ulit sa kamay ko. Napangiti na lang tuloy ako habang tahimik na kinakausap ang aking puso.

Alam kong hulog na hulog ka na kay Liam pero heart, please lang... kumalma ka!

Ilang saglit pa ay narating na namin ang reserved table na para sa aming dalawa. Ang redundant lang — reserved na nga itong buong restaurant, reserved pa rin ang mesa? Sa huli ay hinayaan ko na lang.

Liam was such a gentleman. Hindi ka niya hahayaang buksan ang pinto ng kotse o kaya nama’y hilain ‘yong upuan. Siya ang gagawa niyon para sa’yo. Hindi ako nagkamali ng pagsama sa kanya dahil bukod sa sinimulan niya ang araw ko kanina, binuo rin niya ang gabi ko ngayon. Pakiramdam ko tuloy ay prinsesa ako!

Grabe, ang dami ring pagkaing dinala no’ng waiter. May kare-kare, buttered shrimp, kaldereta, eggplant omelette, fried chicken, pork sisig, liempo at beef nilaga. Nagtanong pa ‘yong waiter kung ilalabas na raw ba ‘yong desserts pero sabi ni Liam ay mamaya na lang.

“Alam ko kasi kung gaano ka kalakas kumain kaya ganyan karami ang in-order ko para sa atin,” sabi niya sabay kindat sa akin. “Alam mo, nakaka-amaze lang na ang lakas mong kumain pero ang sexy mo pa rin,” dugtong pa niya.

Siguradong pulang-pula na naman ang mukha ko. Sobrang init na kasi ng mga pisngi ko ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o nililinlang lang ako ng mga tainga ko. Saan ba ako kikiligin? Sa kindat niya o sa mga huling salitang sinabi niya sa akin?

Nase-sexy-han daw siya sa akin? Paano pa kaya ‘pag nakita na niya akong mag-pole dancing?

“Ngayon pa lang, nase-sexy-han ka na sa akin? Eh paano pa kaya kung makita mo akong mag-pole dancing?” Wala sa sariling nasabi ko ang laman ng isipan ko. Natigilan naman siya sa pagkain at natigilan din ako. “Oops, I’m sorry. Nagbibiro lang ako!”

“No, it’s okay, Diane. As I’ve said earlier, I want to see you dancing. But I was thinking too na kung pera lang naman ang dahilan ng pagtatrabaho mo sa club, why don’t you resign and work for me instead?”

Huh? Totoo ba ang mga naririnig ko? Ngayon pa lang ay ino-offer-an na niya ako ng trabaho?

“Kahit hindi ka pa graduate or CPA board passer, I’ll give you a part-time job. I’ll double your salary. Parang OJT, gano’n... and when you proved yourself that you’re one of the best assets of my company, I’ll promote you and double your rate. You are an accountancy student. You know what I mean. Isn’t it a good idea na kahit hindi ka pa man graduate eh magkakaroon ka na agad ng exposure sa business firm? Sa Finance Department ng Evangelista Group of Companies to be exact,” mahabang paliwanag niya. Ngumunguya pa siya niyon pero ang gwapo pa rin niyang tingnan.

Wow, nakakalula! Seryoso ba talaga siya?

Of course, I would like to work for him! I would love to. Kung alam lang niya na gustong-gusto ko nang umalis sa club at anytime ay pwede kong gawin ‘yon basta ba ay may malilipatan agad akong trabaho. Kung alam lang niya kung gaano ako kasaya na dumating siya sa buhay ko.

“I will not turn down your offer, Sir. But during Mondays to Fridays kasi ay may pasok pa rin kasi ako sa school kaya—” oops, did I call him ‘Sir’ again? Shit!

“You have to give me your schedule then. That way, I can arrange your part-time job with the finance team,” sabi niya bago uminom ng iced tea.

Hay! Mabuti na lang talaga na hindi niya narinig ’yong Sir. Nakakahiya naman kapag hinalikan niya ako rito sa restaurant dahil may mga crew pa rin na makakakita. “Thanks, L-Liam.”

Marami pa kaming napag-usapan habang kumakain. Parang getting to know each other lang ang peg namin. Grabe, ngayon lang yata lumobo ‘yong tiyan ko sa mga kinain ko, as in super dami talaga niyon. Busog na busog ako. Kahit hindi na nga ako kumain bukas, malamang ay busog pa rin ako.

Ang dami pang in-order ni Liam para dalhin ko pauwi. Grabe, puro mga bagong luto. Matutuwa nito sila Mama dahil ang dami naming pagkain bukas. Simula kasi nang mamatay si Papa ay hindi na kami nakakain pa sa mga mamahaling restaurant.

Hindi ako nag-uwi ng buttered shrimp dahil may allergy roon si Denise. Nakakatuwa kasi naalala pa talaga ni Liam na mahilig sa patatas ‘yong kapatid ko. Dahil doon ay pinadagdagan niya talaga ng maraming patatas ‘yong kaldereta at nilaga na iuuwi ko.

Maayos naman kaming nakarating sa bahay. Mabuti naman at hindi na siya naubusan ng gasolina. Nagulat pa nga ako dahil may subdivision sticker na agad ‘yong sasakyan niya na hindi ko napansin kanina. Kung paano nangyari ‘yon ay hindi ko alam. Pagkahinto ng makina ng sasakyan niya, saglit ding katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nagtatanggal na ako ng seatbelt nang magsalita siya.

“I have something for you aside from the bouquet, wait!” Lumingon siya at may kinuha sa likuran na paper bag. Inabot niya ‘yon sa akin, “Open it.”

“Huh? Ano naman ito?” I opened the paper bag and was surprised to see a red circular framed net with a hole in the center. It had three dangles which made up of colorful beads and feathers. Nangislap ang mga mata ko.

A dream catcher.

Natulala ako. Matagal ko nang gustong magkaroon nito, pero hindi ako nakakabili kasi inuuna ko ‘yong gamot ni Mama at tuition namin ng mga kapatid ko.

“S-Sa akin na ba talaga ito?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yeah, it’s all yours. It will surely help block your bad dreams and catch the good ones. I hope you like it, Diane.”

“I so love it! Thank you!” Dahil doon ay bigla kong tinawid ang pagitan naming dalawa at niyakap siya sa leeg. Naramdaman kong bigla namang nanigas ‘yong balikat niya. “Oops! Sorry, Liam.”

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, kung kaya’t matagal na katahimikan ang sumunod doon. Umayos na lang tuloy ako sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung lalabas na ba ako ng kotse, pero parang nasanay na kasi ako na pinagbubuksan niya ako palagi ng pinto. Tahimik nga pero sobrang lakas naman ng tibok ng puso ko ngayon. Nagsisimula na nga akong mabingi roon.

“Liam, thank you for making this day special ha? Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya.” Iyon na lang ang sinabi ko sa kanya para basagin ang katahimikang namamayani sa aming dalawa.

Pero tahimik pa rin siya. Tiningnan ko siya at doon ko lang napagtantong nakatingin din siya sa akin.

Oops, awkward!

Hindi ko alam pero sa tuwing tinititigan niya ako ng gano’n, hindi ko na mabawi ang mga tingin ko. Nakita ko na lang na dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa akin at saka niya hinawi ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha.

Patuloy pa siyang lumapit hanggang sa... naglapat ang mga labi naming dalawa.

Marahan, na kalauna’y naging mariin. Hindi lamang iyon simpleng smack kiss. Napapikit ako sa kakaibang nararamdaman ko ngayon hanggang sa ang halikan namin ay naging mapusok.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong ikawit ang mga braso sa kanyang batok, habang mainit ding ginagantihan ang mga halik na ibinibigay niya sa akin ngayon. Hindi ako marunong humalik pero parang automatic na tinuturuan niya ako.

Naramdaman kong pumasok ang dila niya sa bibig ko at nakipaglaro din naman ang dila ko roon. Bumaba ang mga kamay ko at nagsimulang tanggalin ang butones ng kanyang polo.

Ngayon ko lang naranasan ‘yong sinasabi nilang kakaibang sensasyong dulot ng pakikipaghalikan sa taong mahal mo. Gustong-gusto ko ‘yong pakiramdam. Masarap. Masaya. Wala na akong ibang mahihiling pa.

Naramdaman ko ang mga kamay niyang unti-unting tinatanggal ang butones ng blazer ko na sinuot ko kanina paglabas namin ng restaurant. Unti-unti na ring bumababa ang sleeves ng off-shoulder kong damit hanggang sa naramdaman kong hawak na niya ang isa sa aking mga dibdib na natatakpan ng bra. Dahil doon ay napasinghap ako dahil parang kakapusin ako ng hininga.

Naramdaman kong natanggal na niya ang blazer ko habang hindi pa rin nagbibitiw sa pagkakahinang ang aming mga labi. Hinahaplos niya rin ang mga pisngi ko, ang leeg ko at ang mga braso ko ng buong ingat at may kasamang pagmamahal.

Napapaungol at napapaliyad na ako sa ginagawa namin lalo na nang bumaba ang mga halik niya sa aking leeg. Gusto kong magpatianod sa kasalukuyang nagaganap sa aming dalawa pero hindi pwede. Alam kong hindi ito maaari. Hindi pa ako handa kung kaya’t hanggang kaya ko pang pigilan, ay dapat ko nang pigilan ang sarili ko bago pa ito lumala.

Dahil doon ay naitulak ko siya nang bahagya.

Napalunok ako habang humihingal.

“I’m sorry, Diane. The kiss was just supposed to be a punishment for calling me ‘Sir’ again. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko, I was carried away. In the first place, I should not go beyond that kiss. I’m really sorry,” sabi niya habang inaayos namin ang aming mga sarili. Bakas sa boses niya ang pagsisisi.

Hindi ko namalayang lahat pala ng butones ng polo niya ay natanggal ko. ‘Yong off-shoulder ko namang sleeves ay napunta na rin sa siko. Nakakahiya na litaw na pala ang strapless kong bra. Mabuti na lang at tinted ang salamin ng kotse niya.

“Okay lang ‘yon, Liam. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ko rin napigilan ang sarili ko,” nakayukong sabi ko nang maayos ko na ang damit ko at nagsuot na akong muli ng blazer.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, Diane... to think na kagabi lang naman kita nakilala. I don’t want to go beyond our friendship pero hindi ko na kasi maintindihan pa ang nararamdaman ko para sa’yo. Alam kong masyadong mabilis ang mga nangyayari but I think, I’m falling for you. I want you to stay with me. Kahit saan ako magpunta... gusto ko, kasama kita. Pero alam kong hindi pwede dahil wala naman akong karapatan.”

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa pagkatapos niyang magtapat sa akin. I was supposed to be happy pero bakit parang natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Kapatid niya si Leandro na matagal nang may gusto sa akin... at ayokong magkalamat ang relasyon nilang magkapatid nang dahil lang sa akin!

“Do you also feel something for me, Diane?” Mamayamaya lang ay tanong niya.

Pakiramdam ko, namumula na naman ako ngayon pero makalipas lang ang ilang segundo ay tumango rin ako sa kanya. Alam ko ang nararamdaman ko para kay Liam at napaka-ipokrita ko naman kung ide-deny ko pa.

“Then,” hinawakan niya ang mga kamay ko sabay sabing, “be my girlfriend.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • My Dark Past   BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST

    DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses

  • My Dark Past   Glimpse 32: The Consequence

    Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!

  • My Dark Past   Glimpse 31: Signature Pen

    Liam’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 30: Diane's Amnesia

    Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.

  • My Dark Past   Glimpse 29: At Death Bed

    Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?

  • My Dark Past   Glimpse 28: Trip To Palawan

    Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.

  • My Dark Past   Glimpse 27: Liam's Proposal

    Diane’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 26: Schemed Surprise

    Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.

  • My Dark Past   Glimpse 25: Feeling Alone

    Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status