Leandro’s P.O.V.
God! Talaga bang nasasakal sa akin si Diane? Masama bang mahal ko lang talaga siya? Masama bang gusto ko lang siyang protektahan? Masama bang ako lang dapat ang palaging nasa tabi niya?
Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko! Paano ba namang hindi ako mapa-paranoid? Unang-una sa lahat, hindi galing sa akin ang mga bulaklak na iyon!
Nagpanggap lamang ako sa harap ni Diane dahil ayokong mag-isip siya kung kanino galing ang mga iyon. Ayokong mag-isip siya ng ibang lalaki at lalong hindi dapat niya pinagtutuunan ng pansin ang ibang tao!
Pero kung sinabi ko kaya na hindi sa akin galing iyon, kukunin niya kaya iyon at itatago? Por que ba galing lang sa akin, ayaw na niya?
Nakakainis lang na may gusto pang umepal sa pagitan naming dalawa. Iyong ako nga lang ang manliligaw niya ay hirap na hirap na akong mapasagot siya, iyon kayang may e-extra pa? Tang-ina!
“Now that I found you, I will never let you go. Not now, not anymore!”
—L
Nanggigigil na nilukot ko ‘yong papel pagkatapos ay padabog na itinapon ‘yon sa pinakamalapit na basurahan. Malakas na sinipa ko pa ‘yong basurahan kaya agad ding kumalat ang mga basura sa may sala.
Ang lakas pa nang loob ng kung sino mang gagong nagsulat niyon na gamitin ang initial ko? Anak ng— bwisit talaga! So, anong feeling niya? Superhero siya na matagal nang naghahanap kay Diane, gano’n? Tang-ina niya!
Salamat na lang talaga at umiral na naman ang pagiging naive ni Diane sa mga ganitong bagay. Hindi niya naisip na ibang tao ‘yon at nag-focus lang siya sa initial na L. In other words... hindi niya na-gets na hindi naman talaga ako ‘yon dahil in the first place, hindi ko naman siya hinahanap!
Pangalawa. Hindi ko alam kung saan na lang siya basta sumuot kagabi nang iwasan niya ako sa club kaya pinuntahan ko na lang siya sa bahay nila.
Nakausap ko ‘yong kapatid niyang lalaki na nagsasara ng gate nang mga oras na iyon at nalaman kong hindi pa raw umuuwi si Diane dahil na-stranded daw! Like what the fuck?
Tang-ina! Mababaliw na ako kaiisip kung nasaan siya pero maging ang cell phone niya ay hindi ko rin ma-contact! Hindi naman umuulan para ma-stranded sa daan at lalong may mga biyahe pa ng mga sasakyan!
Leandro, relax! Now is the right time para puntahan mo na lang ulit sa kanila, bulong ng subconscious ko.
Tama! Iyon nga ang gagawin ko. Pupunta ako sa kanila para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari kagabi. Siguro naman ay nasa bahay na siya ngayon at sana man lang ay ligtas siyang nakauwi.
Agad akong lumabas ng mansion at dali-daling sumakay sa kotse ko. Halos paliparin ko na sa bilis ang aking sasakyan at wala akong pakialam kung mag-beating the red light man ako o may mabangga sa daan. Sila ang umiwas kung ayaw nilang mabangga!
Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa subdivision nila Diane at nag-park sa ‘di kalayuan. I had my connections kung kaya’t nakakuha ako ng subdivision sticker nila kahit hindi naman ako rito nakatira. Sa panahon ngayon, lahat ay nabibili na ng pera.
Excited na sana akong bumaba nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita kong niyakap ng isang estranghero si Diane. Hindi man ako sigurado pero tingin ko ay hinagkan din siya nito sa noo. Dahil doon ay biglang naningkit ang mga mata ko. Parang gusto kong makapatay ng tao!
Tang-ina! Anong karapatan niya para halikan si Diane?
Nakatalikod sa pwesto ko ang lalaking iyon kung kaya’t hindi ko nakita ang mukha niya. Kahit anong pilit kong silip sa magkabilang gilid nito ay hindi ko pa rin ‘yon maaninag.
Sa kanya kaya nanggaling ’yong mga bulaklak?
Lalabas na sana ako ng kotse ko para sugurin ang hayop na ‘yon, nang makita kong sumakay na siya sa kotse niya. Dahil doon ay napatingin naman ako kay Diane. Nakatulala pa ito noong una hanggang sa bigla na lang itong matauhan. Doon na ako lalong nasaktan. Ang puso ko’y daig pa ang sinaksak!
Bakit parang kinikilig siya? Bakit parang ang saya-saya niya?
Wala akong nagawa kung kaya’t nanatili na lamang akong nakaupo sa driver’s seat hanggang sa nilagpasan ako ng kotse ng taong iyon. Tinted ang salamin ng sasakyan kung kaya’t hindi ko nakita ang pagmumukha ng nagmamaneho niyon.
But from the very moment that car passed mine, I was very sure of one thing. Pamilyar sa akin ang kotseng ‘yon. Mazerati Ghiblee black sports car. Hindi ko nga lang maalala kung saan ko ‘yon nakita. Pilit ko pa ring pinipiga ang aking memorya hanggang sa... bigla na lang nanlaki ang aking mga mata!
Liam?
L din ang initial ni Kuya. Pero bakit naman niya hahanapin si Diane? Anong koneksiyon niya sa babaeng mahal ko? Si Diane ba ang rason ng agaran niyang pagbalik dito?
Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok dahil parang bigla na lang nanuyo ang lalamunan ko. Nakita ko kung paano ngumiti si Diane kanina — ngiting kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa tuwing ako ang kasama niya.
No! This can’t be real! Si Kuya L.A. nga ba ang kasama niya buong gabi?
Hindi. Hindi ko ito matatanggap! Of all people... bakit ikaw pa, Kuya?
Sa sobrang inis ko ay gusto kong magwala. Dahil doon ay sunod-sunod na pinaghahampas ko ang manibela.
Sana lang talaga ay mali ako.
Sana’y mali ako na sa lahat ng tao, ‘yong lubusang pinagkakatiwalaan ko pa ang magiging kalaban ko! Sana’y binabangungot na lang ako na sa lahat ng tao, sariling kapatid ko pa ang magiging karibal ko!
Diane’s P.O.V.
“Clariz, hindi ka raw muna sasayaw ngayon. Absent kasi si Shiela kaya ikaw raw muna ang kakanta,” sabi ni Martina habang naglalagay ng makeup. Nandito kami ngayon sa dressing room at kasalukuyan naman akong naglalagay ng maskara.
“Gano’n ba? Sige, salamat...” tugon ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
Si Shiela ang sikat na singer sa club. Sa sobrang ganda ng kanyang boses, baka magsi-uwian bigla ang mga customer ngayong gabi dahil ako muna ang papalit.
Paano pala ‘yon? Kung pupunta talaga si Liam ay hindi niya ako makikitang nagpo-pole dancing?
Iyon pa talaga ang naisip mo, ano? bulong ng subconscious mind ko.
Ipinilig ko tuloy ang aking ulo. Sa buong araw ay siya lang ang laman ng utak ko. Bakit ba kasi hindi ko siya magawang alisin sa isip ko?
“Siya nga pala, Clariz... sorry nga pala kapag may mga oras na inaaway kita ha?” Si Martina ulit. Hindi man ako nakatingin sa kanya, ramdam ko naman ang sinseridad sa mga sinabi niya.
Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti. “Okay lang ‘yon, ‘no? Sa loob ba naman ng dalawang taon, hindi pa ba ako masasanay sa’yo?”
“So, friends?” Nakangiting lahad niya ng kanang palad.
Nakangiti ko pa ring tinanggap ‘yon. “Matagal naman nang kaibigan ang turing ko sa’yo, ikaw lang eh. So for formality... okay, friends.”
“Thanks, ililibre kita minsan ng dinner to celebrate our friendship!” natutuwang sabi niya bago niya ako niyakap.
“Naku, huwag na. Huwag ka na lang mambully ng mga bagong dancer!” diretsong tugon ko naman sa kanya.
Dahil hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa kapwa ko, masaya ako na sa wakas ay wala nang naiinis sa akin dito. Mahirap din kasi ‘yong may naiinis sa’yo kahit wala ka namang ginagawang masama. Sa pagkakaayos namin ni Martina, lahat na ng tao rito sa club ay kaibigan ko na.
Nagkakatawanan kaming dalawa nang marinig naming sumigaw si Janina, “Claire, ikaw na raw!”
“Oh sige, una na ako. Magpaganda ka na riyan at number mo naman ang susunod,” paalam ko kay Martina. Ngumiti lang naman ito.
Tumayo na ako, inayos ang maskara pati na ang damit ko at lumabas na sa dressing room. Suot ang itim na sleeveless and fitted dress na hindi aabot hanggang tuhod, pumunta at umakyat na ako sa stage. Huminga muna ako nang malalim. Hindi ako usually kumakanta rito, pero aminado ako na medyo maganda rin naman ang boses ko.
O ako lang ang nagagandahan sa boses ko?
Bahala na. Hindi naman ako pakakantahin ni Tita Lucy kung alam niyang mapapahiya siya sa mga VIP customer ng club. Ica-cancel na lang niya siguro ang song number ni Shiela kung wala siyang tiwala sa akin at malamang na pasasayawin na lang niya ako rito katulad nang palagi ko nang ginagawa.
Luminga-linga ako sa paligid. Umaasa ‘yong puso ko na makikita ko siya pero ni anino niya ay hindi ko pa rin makita. Naghuhumiyaw ang utak ko dahil nakakalungkot isiping hindi niya pala ako mapapanood sa gabing ito. Wala sa sariling sinimulan ko na lang tuloy ang pagkanta ko.
Y ou’re the light that suddenly came to my life
You’re the color when the day becomes night
You’re the cure on every pain that I feel
Never knew you could mean so much to me, honey
Bakit pakiramdam ko ay siya ang pinag-aalayan ko ng kantang ‘to? Bakit siya ang nasa isip ko habang kumakanta ako? Hindi ko alam pero baka mabaliw na lang ako kapag nagpatuloy pa ito.
I don’t care about any obstacle that could ever come between us
All I care about is you
You have me and so, I have us
Please tell me you feel the same way too
Bakit pakiramdam ko ay match na match ang lyrics sa kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit hindi siya mawala sa aking isipan gayong kagabi lang naman kami nagkakilala? Bakit sa napakaraming lalaking nagtangkang manligaw sa akin, bakit nahulog ang puso ko sa kanya nang gano’n lang?
L ove me like there’s no tomorrow
Love me like I’m about to let you go
Love me like we will fight every hindrance together
Love me like this is our last chance on earth
Feel na feel ko ang emosyon ng kanta nang bigla akong napatingin sa isang sulok ng club at nakita ko ang naka-long sleeves polo na si Liam. Napakurap ang aking mga mata. Siya nga ba talaga ‘yon o ilusyon ko lang?
Napangiti ako habang kumakanta. Siya nga! Hindi ako nag-iilusyon lang! Pakiramdam ko, literal na tumalon ang puso ko. Biglang bumilis ang tibok nito na tila nagkaroon ng mga nagtatakbuhang kabayo.
Naghuhumiyaw ulit ang utak ko hindi na dahil sa lungkot, kung hindi sa sobrang excitement. Lalo ko pa tuloy ginandahan ang aking pag-awit. Hindi na naalis ang titig ko sa kanya habang ako ay tahimik na kinikilig.
I will always be here for you
I want to touch every inch of you
I want to claim that every part of you is mine
And we will be together until the end of time
Ikaw lang talaga, Liam... kahit kagabi lang tayo nagkakilala.
Alam kong hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa kung paano nagkakilala ang dalawang tao. Nasusukat ‘yon sa kung anong nilalaman ng puso. Hindi ko alam kung bakit pumunta talaga siya rito, pero gano’n din kaya ang nararamdaman niya para sa akin? Mahal na rin niya kaya ako?
I don’t understand myself now
I just met you yet no one can take your place here in my heart
Please promise on us
That whatever happens, we will never fall apart
Iniisip pa lang kita, nae-excite na ako sa mga posibleng mangyari. Hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko. Ikaw na lang kasi palagi ang nakikita ko. Ayokong umasa, pero sana... hindi ka mawala.
L ove me like there’s no tomorrow
Love me like I’m about to let you go
Love me like we will fight every hindrance together
Love me like this is our last chance on earth
Every part of me belongs to you
I love you, mi amor¹
Hanggang sa natapos ang kanta ay hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Sa kanya lang ako nakatingin, na parang wala nang ibang mga tao sa paligid. Hindi ko pa nararanasan ang ma-inspire sa isang tao bukod sa pamilya ko. Kung ito man ang feeling na ‘yon, ayoko nang matapos pa ang gabing ito.
Nagising na lang ang aking diwa nang pumalakpak na ang mga tao sa club. Ngumiti at nag-bow lang ako sa kanila. Pagkababa ko ng stage ay agad kong pinuntahan si Liam. Tinanguan ko lang ang ibang customer na nagtangkang lumapit sa akin.
Hindi naman ako masyadong excited?
Nang makapunta na ako sa harap niya ay binigyan naman niya ako ng dalawang dosenang palumpon ng mga naggagandahang bulaklak — full red roses. Sakto sa paborito kong kulay na red.
“Ang ganda! Ang dami naman nito, Liam?” Agad kong kinuha ang mga ‘yon sa kanya. Medyo mabigat pero carry lang. Hindi na tuloy naalis ang mga ngiti ko sa mukha. Pakiramdam ko tuloy ay napaka-special ko sa kanya.
First time ko yatang magustuhan ang mga bulaklak na ibinigay sa akin. Siguro kasi, dahil gusto ko rin ‘yong taong nagbigay sa akin ng mga ‘yon. Inamoy ko ang mga ito at nagustuhan ko naman ang samyo nito.
Ang bango!
“Kasing ganda mo at ng boses mo.” Kumuha siya ng isa, pinutol ang tangkay niyon at maingat na inilagay sa kaliwang tainga ko ang bulaklak. Para na tuloy akong ‘yong sikat na babae sa isang Mexican telenovela!
Hay, Liam naman! Why are you so sweet? Nag-iinit na naman tuloy ang magkabila kong pisngi.
“Binobola mo naman ako eh. Pole dancing talaga ang mastery ko rito. Eh kaso wala ‘yong singer namin kaya substitute muna ako,” sabi ko pagkuwa’y inamoy ko ulit ‘yong mga bulaklak.
“Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako pagdating sa’yo, Diane. At least, narinig ko ‘yong boses mo kahit minsan ka lang kumanta. Marami pa namang time para makita kitang sumayaw eh and I’m willing to wait. Anyway, tapos na ba ang duty mo?” tanong niya sa akin.
“Ah oo, Liam. B-Bakit?” tanong ko pabalik.
_________________________
¹I Love You, Mi Amor was the author’s own song composition on February 10, 2018 5:00 to 5:20 PM the first time she revised this chapter. Mi amor is a Spanish term for my love.
Originally, Diane was singing Love Me Like You Do by Ellie Goulding but the author had to remove it due to copyrights.
Diane’s P.O.V.“Lalabas tayo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Naroon na naman ‘yong dimple niya sa kanang pisngi.
Diane’s P.O.V.Be my girlfriend. Be my girlfriend. Be my girlfriend.
Diane’s P.O.V.Hay, Monday na naman! The worst day of all days!
Diane’s P.O.V.Tumango ako. Mabuti na sigurong sa akin na niya mismo malaman ang totoo.
Diane’s P.O.V.After what I heard from Lorenz, hindi na ako nakapag-concentrate pa sa klase.
Diane’s P.O.V.Hindi ak
Diane’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.Matuling
DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses
Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!
Liam’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.
Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?
Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.
Diane’s P.O.V.
Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.
Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.