Home / All / My Dark Past / Glimpse 08: Candid Feelings

Share

Glimpse 08: Candid Feelings

Author: Nihc Ronoel
last update Last Updated: 2020-08-17 15:22:21

Diane’s P.O.V.

Simula nang hinalikan niya ako kanina, hindi na ako umimik. Ewan ko. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. First kiss ko ‘yon. Smack man ‘yon, kiss pa rin ‘yon.

Hindi ko ma-explain. Nababaliw na yata ako. Gusto ko si Liam, pero hindi ko ine-expect na gagawin niya talaga ‘yon. Hindi ko naman sinasadya na matawag siyang ‘Sir.’

May nararamdaman din kaya siya sa’kin? tanong ko sa sarili.

Ah basta! Naguguluhan talaga ako! Bakit ba niya ginugulo ang isip ko?

Weh? Hindi nga? Nanghihinayang ka lang ‘ata kasi hindi niya tinuloy eh, sabat naman ng subconscious ko.

May parte sigurong gano’n. Hindi ko pa naranasang magkagusto sa lalaki kaya hindi ko alam. Lahat nga ng nagpapakita ng interes ay binabasted ko agad. Si Leandro nga na kung tutuusin ay boyfriend material na, hindi pa rin pumasa.

Kung tutuusin ay magkahawig lang naman silang dalawa ni Leandro. Pero anong mayro’n kay Liam para makaramdam ako sa kanya nang ganito? Bakit hindi ko mapigilan ang puso ko sa mabilis nitong pagtibok?

“Hey! I’m sorry for what happened a while ago. I told you not to call me Sir, right? Feeling ko kasi, ang tanda-tanda ko na ‘pag tinatawag akong Sir! Eh mukhang hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin,” sabi ni Liam habang nagmamaneho.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong nakangiti siya at nakalabas na naman ‘yong dimple niya sa kanang pisngi. Narinig ko lang ang boses niya, hindi na naman ako mapakali!

Lumunok muna ako bago nagsalita. Malamig naman dito sa loob ng kotse niya, pero hindi ko alam kung bakit ako naiinitan.

“Hmm... iliko mo na lang diyan sa kanan, pagkatapos ay pumasok ka sa main gate. From there, ‘yong pangalawang bahay, ‘yon na ang sa amin,” pag-iiba ko ng topic. Mabuti na lang at hindi naman niya napansin na iniiwasan kong mapag-usapan ‘yong naging halik niya sa akin.

Bago kami makapasok ay pinahinto muna kami ng guwardiya. Mabuti nga at safe talaga sa subdivision namin dahil hindi ka basta-basta makakapasok dito kung walang subdivision sticker ang kotse mo. Meaning, hindi ka tagarito.

Liam opened the windows at ako na lang ang kumausap sa gwardiya. Agad din naman akong namukhaan nito.

“Kuya Greco, ihahatid lang po niya ako...” paalam ko sa guwardiya.

“Diane, ikaw pala ‘yan. Boyfriend mo?” tanong naman nito.

“Uy, Kuya! Hindi ah, tsismoso ka!” pabiro kong sabi rito. Lagi ko nang nakakabiruan itong si Kuya Greco at parang tatay na rin ang turing ko rito. Ka-close niya kasi ang tatay ko, palagi niyang kasama sa inuman noon.

Nag-sign na si Kuya Greco ng go signal na pinadadaan na niya kami nang magulat ako dahil sumilip pa si Liam at kinausap ito. “Malay niyo po, maging boyfriend niya talaga ako.”

“Naku! Sinasabi ko sa’yo, hijo. Swerte ka riyan kay Diane. Wala pang nagiging boyfriend ‘yan!” Tumawa pa si Kuya Greco, pagkatapos ay pumasok na nga kami ni Liam sa main gate ng subdivision.

“Uy, ano ka ba? Pinatulan mo naman ‘yon. Nagjo-joke lang ‘yon, ‘no?” Pakiramdam ko ay sobrang nag-iinit ang mukha ko ngayon. Lalo pa ‘yong nag-init nang sabihin niyang...

“Eh pa’no kung ako ‘yong hindi nagjo-joke? Na seryoso ‘yong sinabi ko kanina? Hindi ba ako qualified para manligaw?”

Nag-iwas ako nang tingin dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Sa sobrang lakas tuloy ng pintig ng puso ko ay parang sasabog na ang aking dibdib.

Bakit ba siya ganyan? Oh my God, buhay pa naman ako pero bakit hindi na ako makahinga?

“Mamaya, pupunta ako sa club. Panonoorin kita.”

Sa sinabi niyang iyon ay tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin pero sa saglit na pagsulyap niyang iyon, alam kong nakakita ako ng kakaibang kislap sa mga mata niya.

Teka, seryoso ba siya?

“Naku, h-huwag na. Binibiro lang naman kita na pumunta ka roon. At saka hindi ka bagay sa mga lugar na gano’n,” natatarantang sabi ko sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung maiilang ba ako o matutuwa. Bigla rin akong na-conscious sa kakayahan kong sumayaw.

“I insist. At saka bakit naman hindi ako nababagay sa lugar na ‘yon? Hindi ba’t naroon din ako kagabi?”

“Oo nga pala, bakit ka nga pala nando’n?” curious na tanong ko.

Sinusundan mo ba si Leandro? gusto ko sanang idugtong.

“Hmm, katapat lang ng club ‘yong Delgz Service and Repair na talagang sadya ko. Kaso, puno na ‘yong parking spaces nila kaya sa club ako nag-park kahapon. Ang swerte ko nga kasi nag-park lang ako roon, tapos may nakilala na agad akong isang magandang babae. At hindi lang ‘yon, nakasama ko pa siya buong gabi.”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nagdulot iyon ng kakaibang init hindi lamang sa aking mukha... pati na rin sa buo kong katawan.

That smile with his dimple really made my day. Parang gusto ko nang makita ‘yon palagi. It brought me good vibrations. Napangiti na rin tuloy ako at para bang nakalimutan ko na lang bigla ang lahat ng mga iniisip ko.

Kahit walang kasiguraduhan kung magkikita pa kaming muli, hindi ko alam pero masaya pa rin ako. Masaya ako na nakilala ko si Liam.. at alam kong magiging parte na siya ng buhay ko kahit hindi na kami muling magkita.

“Ito na ba ang bahay niyo?” tanong niya pagkatapos niyang mag-park sa harap ng gate na kulay brown.

Akala ko ay hindi pa rin namin ito gate, pero nasa tapat na pala talaga kami ng gate namin. “Ay, oo... ito na nga!”

Lutang! Paano ba naman? Nawala na naman ako sa sarili nang dahil lang sa dimple niya. Hinanda ko na lang ang sarili para bumaba sa kotse niya.

Mas komportable ako rito kahit hindi ito ‘yong kotse na ginamit namin kagabi. Mayaman talaga si Liam, papalit-palit na lang ng kotse. Ni hindi ko nga alam kung sino ang nagdala nito sa kanya eh. Baka ‘yong tinawagan niya kagabi.

“So, is this goodbye?” pahabol niya.

Hindi ko siya tinitingnan ngunit tila may lungkot sa kanyang boses. Napakagat din ako ng labi.

Ano ba ang isasagot ko? Goodbye na nga ba ito? Tatanggapin ko na bang posibleng hindi na ulit kami magkita pagkatapos nito?

Ngumiti ako. “Hmm, not yet. Pasok ka sa loob, tara!” paanyaya ko sa kanya.

Bakas naman sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong maaaring isipin niya sa mga sandaling ito, pero alam ko sa sarili kong gusto ko pa siyang makasama... kahit saglit lang.

I would like to have that short time with him, that I could treat as a lifetime.

“Ano ka ba, Liam? Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pipikutin o kaya’y i-sha-shotgun wedding! Siguro, kung buhay pa si Papa, baka pwede pa! May nakatutok na agad sa’yong baril kahit hindi pa tayo nakakababa ng sasakyan.” I was supposed to be joking pero biglang namuo ang luha ko sa aking mga mata nang bigla kong maalala ang yumao kong pulis na ama.

“Hindi naman ‘yon ang iniisip ko. Baka kasi masanay ako rito. I’m sorry for what happened to your late father, huwag ka nang malungkot. I’ll accept the offer, pero saglit lang ako. Pupunta pa kasi ako sa office dahil marami pa akong aasikasuhin doon.” Lumabas siya ng kotse at mabilis siyang umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Linggong-Linggo, workaholic? Well, that explains the headlines — he’s such a well-known and successful business tycoon. Malamang ay palagi siyang subsob sa trabaho.

Hmm, mukhang kailangan ko na rin yatang i-ready ang sarili ko kapag siya ang magiging boyfriend ko! Kailangan kong intindihin ang napaka-hectic niyang schedule.

Ay, ano ba ‘tong mga iniisip ko? Ano ka ba naman, Diane? Kailan ka pa natutong lumandi at maging feelingera ha?

Pumasok kami sa gate dahil may susi ako roon. Papasok na sana kami sa pinto nang mapag-alaman kong naka-lock ‘yon sa loob. Pero mabuti na ‘yon. Iyon talaga ang palagi kong bilin sa kanila kapag wala ako. Kahit safe sa loob ng subdivision namin at wala pa namang nangyayaring krimen, God must forbid... mas mabuti nang doble pa rin ang pag-iingat namin.

“Ma? Dave? Denise?” tawag ko habang kumakatok sa pinto. “Ma?”

Hindi nagtagal ay binuksan din naman ‘yon ni Mama. Halata sa mukha niya ang labis na pag-aalala. “Anak, anong nangyari?” tanong niya sa akin sabay tingin kay Liam. “Sino siya?”

“Ma, na-stranded lang po kami ni Liam sa daan. Aksidente po kasi akong napasakay sa kotse niya kagabi eh. Ihahatid na sana niya ako rito kaso nawalan naman po siya ng gasolina. Iyon po, tumirik ‘yong kotse niya sa daan.” Hindi ko na sinabi ‘yong tungkol doon sa tinuluyan naming apartel at baka bigla na lang mag-hysterical si Mama, atakihin pa ng high blood.

“Ah gano’n ba, eh ano pang hinihintay niyong dalawa riyan? Pasok kayo, dali. Dave, maghain ka at may bisita si Ate Diane mo,” utos ni Mama kay Dave na agad namang sumunod.

Napangiti na lang ako. Kahit kailan talaga ay napaka-masunurin ng kapatid kong ‘yon at hindi ko naringgan ng kahit na anong reklamo. Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Mama kung saan kami natulog.

“Naku, huwag na po kayong mag-abala. Aalis na rin naman po ako. Hinatid ko lang po talaga si Diane,” nahihiyang sabi ni Liam na napahawak pa sa batok.

“Naku, hijo. Kaluluto ko lang, bawal tanggihan ang grasya,” pagpupumilit ni Mama sa kanya.

“Oo nga naman. Kumain ka kahit kaunti lang. Sige ka, baka magtampo ‘yan si Mama at hindi ka na makapunta pa ulit dito,” sabi ko naman nang nakangiti.

At the back of my head, I was silently praying na sana ay pumayag siya para naman makasama ko pa siya kahit ilang saglit. I had never been dependent to any other guy, but Liam was different.

Sa huli ay pumayag din naman siya at kulang na lang ay sumigaw na ang aking utak!

Si Liam ang unang lalaking dinala ko rito sa bahay. Hindi ko man siya boyfriend, pero siya pa rin ang unang lalaking ipinakilala ko sa pamilya ko. Sayang lang dahil wala na si Papa rito. Mabait ‘yon kahit may pagka-istrikto.

Nagluto si Mama ng specialty niyang pork adobo. Alam kong mas masarap pa ang mga kinakain ni Liam kaysa rito, kaya’t masaya akong makitang dire-diretso lang ang kanyang pagsubo.

Hindi ko alam pero ang sarap lang sa pakiramdam ‘yong kumain kami nang sabay-sabay kahit na may kasama kaming ibang tao. Pakiramdam ko nga ay mas close na agad sa kanya ang mga kapatid ko. Kuya na nga agad ang tawag nila kay Liam. Lalo na si David — ang dami pang tanong tungkol sa MathX app na kumpanya pala ni Liam ang may gawa.

“Talaga, Kuya Liam! Astig! Baka pwede po akong magtrabaho sa kumpanya niyo pagkatapos kong maka-graduate ng college?” David asked Liam.

“Uy, huwag ka ngang feeling close diyan. Dave, nakakahiya!” saway ko naman sa kanya.

“It’s okay, Diane...” sabi sa akin ni Liam bago siya muling bumaling sa kapatid ko. “Sure, Dave. I’ll reserve you a slot. But there’s a variety of jobs and it depends on your course, okay? Pag-usapan na lang ulit natin kung ano ang in-demand na course pagka-graduate mo ng high school.”

“Iyon oh! Don’t worry, Kuya Liam. Running for valedictorian ‘ata ito,” masiglang sabi ng kapatid ko.

“Weh? Ang sabihin mo, Kuya... baka valec-high school ka!” tumatawang sabat naman ng bunso naming si Denise habang ngumunguya.

Natapos kaming kumain at mamayamaya lang ay nagpaalam na rin si Liam. “Maraming salamat po, Ma’am. Ang sarap po ng luto niyo. Kung hindi ko nga lang po kailangang bumalik sa opisina ay baka abutin na ako ng hapunan dito. Pero sa susunod na lang po siguro, mauna na ho ako.”

“Oh, sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” Ngumiti si Mama sa kanya. Nagulat pa kaming lahat nang bigla siyang nagmano rito. At sa ginawa niyang ‘yon ay parang biglang natunaw ang puso ko. Mali... bigla pala niyang ninakaw at hindi ko alam kung makukuha ko pa iyong muli.

“Ang bait naman ni Kuya Liam. Gusto na kita para kay Ate!” Nagulat ako sa sinabi ni Denise. Pinandilatan ko ito ng mga mata pero hindi naman ako nito pinansin.

“Talaga? Anong gusto mong pasalubong ‘pag dumalaw ulit ako rito?” tanong ni Liam sa aming bunso.

“Chocolates, Kuya! At saka maraming patatas para magluluto ulit si Mama ng adobo,” sagot naman nito.

“Okay, copy that!” At talagang nag-appear pa silang dalawa.

Isa sa mga katangiang gusto ko sa lalaki ay magalang at sigurado akong taglay iyon ni Liam. Pangalawa, kagaya ko ay magaan agad ang loob ng mga kapatid ko sa kanya sa unang beses pa lang na pagkikita. Bakit ba ngayon ko lang siya nakilala?

Siguro, kung noon ko pa siya nakilala ay mahihiya akong pumasok sa club. Never kong inisip ang sasabihin ng ibang tao sa akin pero ngayon? Iniisip ko na kung paano niya ako maipagmamalaki sa ibang tao.

Hinatid ko siya sa kotse niya na naka-park lang sa labas ng gate namin. “Pasensiya ka na sa mga kapatid ko, ha? Nakulitan ka ba?”

“Okay lang ‘yon. Mga kapatid mo sila, so hindi na sila iba sa akin. Nakakatuwa nga eh, lalo na si Denise? Paano ba ‘yan, boto na raw siya agad sa’kin para sa’yo? Eh ‘di wala nang ibang makakapunta rito dahil magsusumbong agad sa’kin ‘yong kapatid mo?” There he goes again, smiling with that heart-melting dimple.

Ngumiti na lang tuloy ako at hindi na nakasagot.

“Pupunta ako mamaya, Diane... pero magtatago ako para hindi mo ako makita,” aniya sabay kindat sa akin.

“Nyek! Pumunta ka pa kung hindi ka rin lang naman magpapakita sa akin? Iba lang yata ang pupuntahan mo roon eh, hindi naman yata ako...” kunwaring nagtatampo pero nakangiting tugon ko. “Oh sige na, umuwi ka na at masyado na kitang naaabala! Marami ka pang aasikasuhin sa opisina, ‘di ba?” Pumunta ako sa likod niya at pabirong tinulak siya sa likod papalapit sa kotse niya.

Nang nasa gilid na siya, sa may labas ng driver’s seat ay tumalikod na ako para muling pumunta sa gate. Ngunit hinila niya ako paharap sa kanya at walang paalam na niyakap. Bigla naman akong natulala at para bang nanigas ang buo kong katawan. ‘Yong puso ko naman ay lalong gustong magwala!

Hinaplos-haplos niya ang buhok ko sabay bulong sa akin, “Hindi ka abala para sa akin, but I can’t promise to stay by your side. As much as I want to, I can’t. So please take care of yourself... for me.”

Ramdam ko ang kakaibang init ng hininga niya sa tainga ko. Pagkatapos niyon ay saka niya ako masuyong hinalikan sa noo. Pakiramdam ko ay sobrang lakas at bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ko na yata makakayanan ito.

Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang pumasok sa kotse niya at umalis. Saka naman ako nakabawi mula sa tingin ko’y matagal na pagkakatulala. Napaka-ipokrita ko naman kung sasabihin kong hindi ako kinilig at hindi ko ‘yon nagustuhan.

Dahil doon, wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Nakangiti na lang akong pumasok sa loob ng aming tarangkahan habang kumakanta-kanta pa ako na parang timang.

In the first place, gusto ko naman na talaga si Liam. I wouldn’t deny that!

Baka nga mahal ko na siya.

Related chapters

Latest chapter

  • My Dark Past   BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST

    DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses

  • My Dark Past   Glimpse 32: The Consequence

    Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!

  • My Dark Past   Glimpse 31: Signature Pen

    Liam’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 30: Diane's Amnesia

    Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.

  • My Dark Past   Glimpse 29: At Death Bed

    Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?

  • My Dark Past   Glimpse 28: Trip To Palawan

    Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.

  • My Dark Past   Glimpse 27: Liam's Proposal

    Diane’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 26: Schemed Surprise

    Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.

  • My Dark Past   Glimpse 25: Feeling Alone

    Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.

DMCA.com Protection Status