Home / Lahat / My Dark Past / Glimpse 13: Diane's Best Friends

Share

Glimpse 13: Diane's Best Friends

Author: Nihc Ronoel
last update Huling Na-update: 2020-08-17 15:50:08

Diane’s P.O.V.

Tumango ako. Mabuti na sigurong sa akin na niya mismo malaman ang totoo.

“Then, don’t cry anymore. I’m sorry for doing this to you, Diane. I still love you and if ever you’ll change your mind, I’m still here. I will be waiting for you.”

Simula niyon ay hindi na umimik pa si Leandro. It was as if tinanggap na niya ang pagkatalo. Hindi na niya ipinilit pa ang mahalin ko siya, bagkus ay hinagkan na lang niyang muli ang mga kamay ko. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at saka lumabas ng pinto.

“Hindi pa tayo tapos, Liam. Sa oras na saktan mo siya, babawiin ko siya sa’yo!”

Nakita kong dinuro pa niya si Liam na binalewala naman nito. Nasasaktan ako sa turingan nila sa isa’t isa ngayon pero anong magagawa ko? Hindi ko na kayang ipagsawalang-bahala pa ang nararamdaman ko. Mahal ko si Liam at kailanma’y hindi ko magagawang mahalin si Leandro.

“Hinding-hindi mangyayari ‘yon, Leandro. Isa pa, wala kang babawiin dahil wala namang naging iyo...” kampante namang sagot ni Liam.

Tuluyan nang umalis si Leandro. Narinig ko pa kung paano niyang padabog na sinara ang gate namin na para bang masisira ‘yon.

Agad naman akong pinuntahan at niyakap ni Liam sa sofa. “Ssh, tahan na. Everything will be alright now. You don’t have to worry about him, okay? Ako nang bahala sa kanya.”

Yakap pa rin niya ako nang dumating na sila Mama. “Diane, anong nangyari? Sino ‘yong siga na ‘yon at mukhang maninira pa ng gate natin?”

“Oo nga, Ate? Patatambangan ko na ba ‘yon? Stalker mo ‘ata ‘yon eh! Noong Sabado ng gabi, ‘yon yata ‘yong pumunta rito. Teka, ipapa-blacklist ko nga ‘yon kay Kuya Greco!” sabi naman ni Dave na lalabas na ulit sana ng bahay kung hindi lang ito pabirong piningot ni Mama sa tainga nito.

“Hayaan mo na ‘yon at asikasuhin mo na lang itong mga pinamili natin. Nandito ang Kuya Liam mo oh!” Tatawa-tawa lang naman ang kapatid ko. “Ay, Liam, siya nga pala... salamat doon sa mga ulam kagabi ha! ‘Yong bunso ko eh napuyat pa talaga dahil nilantakan ‘yong mga patatas sa nilaga,” baling nito kay Liam.

Nagmano na naman si Liam kay Mama. “Wala pong ano man, Ma’am. Basta po para kay Diane at sa pamilya niya, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”

“Pero ano bang nangyari dito kanina? At may bulaklak pa sa sahig oh! Sa’yo ba ulit ‘yan galing ha, Liam? Naku, mukhang magiging flower shop na kami rito.” Nakangiti si Mama habang sinasabi ang mga katagang ‘yon.

“Matagal na hong may gusto sa akin si Leandro, Mama. Siya ‘yong pumunta rito kanina at sa kanya galing ‘yang mga bulaklak na ‘yan. Kaso ang gusto ko naman po talaga ay si Liam.” Ikinuwento ko pa ang buong nangyari at agad naman niya akong niyakap.

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin nang makahulugan, bago nagpabalik-balik ang mga tingin niya sa aming dalawa ni Liam na nasa likod ko lang.

“Hindi mo na kailangang sabihin, Ate. Kayo na ni Kuya Liam, ano?” pang-aasar pa ni David sa akin.

Alanganin naman akong ngumiti kay Mama na para bang naghihintay muna ako ng blessing niya bago ako umamin. “Hay naku! Ang panganay ko eh may boyfriend na! Oh siya, sige! Basta ba’t huwag mong sasaktan ang anak ko, Liam ha! Kung hindi ay mananagot ka sa akin!”

Lalo namang humigpit ang yakap ko kay Mama, “Thank you, Ma!” Gusto kong maiyak sa tuwa.

“Opo, Ma’am. Kahit kailan ay hindi ko ho sasaktan si Diane. Thank you po sa pagtanggap niyo sa akin.”

“Naku, tawagin mo na lang din akong Mama. Boyfriend ka na nitong panganay ko, kaya hindi ka na iba sa akin.”

Ang bait talaga ni Mama! Sabagay, hindi pa ba niya ako papayagan eh twenty-one na ako?

Kumalas ako ng yakap kay Mama at saka tumabi kay Liam. Inakbayan naman niya ako at nilagay ko lang ang braso ko sa likod niya payakap sa baywang.

“Iyon oh! May kuya na talaga ako, astig!” sabat naman ni David. “Kuya, pahingi ng tips ha?”

“Sige, sasabihin ko sa’yo mamaya...” tumatawang tugon lang ni Liam. Kinurot ko ito sa baywang at pinandilatan.

“Hoy, Davido! Anong tips ang sinasabi mo riyan ha? ‘Yang Ate mo, matanda na ‘yan para magka-boyfriend. Ikaw, wala ka pang alam sa buhay. Mag-aral ka na lang!” nakangiting sabi ni Mama sa kapatid ko. Nakatanggap na naman tuloy siya ng pingot dito. Madalas siya nitong tawaging Davido lalo na ‘pag nabibigla ito.

Natuwa ako nang tinanggap nila nang buong puso si Liam bilang boyfriend ko, sa kabila ng maikling panahong pagkakakilala naming dalawa. Lahat tuloy ng masasakit na emosyong naramdaman ko kanina gawa nang pagpunta ni Leandro ay napalitan na ng saya.

Maging ang kapatid kong si David ay sobrang close na rin agad kay Liam. May nalalaman pa silang fist bump! Partida pa na wala rito si Denise. Naku, isa pa ‘yong close na agad sa kanya at mukhang maaagaw niya pa sa akin bilang kapatid.

[Copyright© Nihc Ronoel, 2020]

Hinatid ako ni Liam sa Quego del Mar Public University ng tanghaling iyon. Lahat tuloy ng nakatambay sa parking lot ng university ay napako ang tingin at napanganga na lang sa kotse niyang asul na Bugatee Vheyron.

Napairap ako. Hay, kung alam niyo lang na araw-araw pa kung magpalit ‘yan ng sasakyan. Iba’t ibang brand na, tapos latest model pa lahat!

“Dito ka pala nag-aaral?” tanong niya.

“Ah, oo. Bakit?” tanong ko naman pabalik.

“Wala naman. Diyan lang ako nag-aral ng college sa tapat — Quego del Mar School for Business and Finance. I probably graduated before you stepped into freshman.”

“Ah... yayamanin ka pala talaga. Mga mayayaman lang nag-aaral diyan sa tapat eh,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“But in my case, I’ll study here instead if that’s the shortest way to meet you.” He playfully poked my nose that made me close my eyes. “Don’t close your eyes like that, Diane. It looks like you’re inviting me to kiss you.”

Saka naman ako dumilat. “Hindi mo talaga nare-resist ‘yong charm ko, ano?”

Ngayong boyfriend ko na siya, sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. I would be honest with everything at hindi na ako mahihiya.

“I couldn’t resist it. Isa pa, maraming tao sa labas. Mas masarap sa feeling kung hahalikan kita nang tayo lang dalawa. I’m quite selfish, you know.”

Kita na naman ang dimple niya dahil halos umabot na sa tainga ang mga ngiti niya. Hinawakan ko siya sa pisngi at ang kamay ko namang iyon ay masuyo niyang hinalikan.

“Wait here,” sabi ni Liam bago siya bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. He was only wearing a simple polo shirt matched with rugged maong pants, pero ang lakas pa rin ng dating niya.

Pagkababa ko naman, nakita kong halos lahat yata ng babaeng nakatambay sa parking lot ay napako ang tingin sa kanya at mababasa agad sa kanilang mga mata ang paghanga. May isang babae ngang binatukan pa ng kasama nitong boyfriend dahil halos malaglag na ang mga panga kay Liam.

“Oh, who is he?”

“He’s so handsome, huh!”

“No, he’s yummy!”

“But where did she meet him?

Iyon at kung ano-ano pa ang mga narinig ko. Hindi ako selosang tao pero bakit naiinis ako ngayon? Ang sarap kasing paghihilahin ang buhok ng mga malalanding asungot na ito. Kung makatingin naman sila sa boyfriend ko ay akala mo hinuhubaran na nila, wala pa yata silang gustong itira!

Wew, boyfriend ko. Ang sarap lang sa pakiramdam. Oo, boyfriend ko na si Liam kaya sorry na lang kayo girls dahil taken na siya.

And what makes you guys think na pakakawalan ko pa siya? Duh! Bahala kayong mainggit diyan!

“I’ll pick you up at exactly five thirty in the afternoon.” Sinabi ko kanina na hanggang five thirty ng hapon ang klase ko kaya alam niya. Magha-half day na lang din daw siya sa opisina ngayong hapon. “You’ve got to study hard, okay? I love you, Diane...” at saka niya ako hinalikan sa mga labi ko.

Smack lang naman ‘yon pero dahil sa sadyang maraming intrimitida, usisera, tsismosa at mga walang magawa sa buhay kung hindi ang tumingin lang sa aming dalawa, feeling ko ay ang ganda-ganda ko na! Daig ko pa ang artista!

“I love you too,” sabi ko nang nakangiti.

Ang haba-haba talaga ng buhok ko at dinaig ko pa ang favorite character ni Denise na nakatira sa mataas na toreng walang hagdan. Hinawakan pa niya ang pisngi ko bago siya pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Kumaway pa siya sa akin bago siya nagmaneho palabas ng parking lot.

Saka naman nagsigalawan ang mga tao nang biglang sumigaw ang bestfriend kong si Karen na Cannery talaga ang tunay na pangalan, “Okay, cut! Tapos na po ang eksena. Galaw-galaw na tayo para hindi ma-stroke, okay? Bukas naman, balik ulit kayo ha! Ba-bye!”

Sarkastiko pa niyang kinawayan ang mga tao, pagkatapos ay tatawa-tawa siyang lumapit sa akin wearing her red pair of high-heeled boots kasama si Lorenz. Si Lorenz naman ang mayaman naming gay best friend at kagrupo sa thesis.

“Wow! Sistah, paano mo naman nakilala si Liam Arthur Evangelista? Alam mo bang isa siya sa mga sikat na business tycoon sa America at kahit dito sa Pinas?” kinikilig na tanong ni Lorenz sabay pilantik ng mga daliri niyang may manicure na pula. Kulang na lang ay maghugis puso pa ang mga mata niya.

May suot siyang pulang headband at may kaunting kolorete rin sa mukha. Ladlad na bakla talaga. All white ang uniform namin dito, blouse at palda, kahit hindi naman kami mga Nursing student. Siyempre, polo at pantalon sa mga lalaki pero kulang na lang ay mag-palda na rin sa kabaklaan itong si Lorenz.

On the other hand, Karen was so simple when it comes to her face. Wala man lang makeup o kahit na anong pulbo pero maganda pa rin. She was having a long hair with gold highlights and she always wore her killer red boots. Sa aming mga magkakaibigan kasi, dapat mayro’n kaming kulay pula na gamit o suot, kaya kulay pula rin ang bag ko.

“And based sa mga nakita namin kanina eh hindi mo lang siya basta kilala. Uy, bruha ka! Baka gusto mong magkuwento?” nakangiting sabat ni Karen.

No’ng una kaming magkakilala ay English-speaking ‘yan, Cebuana kasi eh — they only used either English or Cebuano dialect in Cebu. Mabuti na lang at sa paglipas ng panahon ay gumaling din siyang mag-Tagalog.

It was a good thing na pagkatapos ng parking lot ay building na namin agad ang unang makikita. Papasok na kami sa Accountancy building nang magsalita ako. “Boyfriend ko siya,” nakangiti kong sabi sa kanila.

“Weh? Hindi nga? Ang NBSB na si Diane, nagka-boyfriend na!” sabay na sabay pa talaga ‘yong sigaw ng dalawang bruha.

“Uy, ang ingay niyo!” nakangiting saway ko sa kanila.

“Teka, paano nangyari ‘yon?”

“Saan kayo unang nagkakilala?”

“Eh kababalik lang niya sa Pinas last week eh, you mean... walang ligawang nangyari?”

“Eh ano nang nangyari doon sa isa mo pang masugid na manliligaw?”

“Masarap bang humalik?”

“Malaki ba?”

Ang dami pa nilang follow-up questions! Ni hindi ko na nga alam kung sino sa kanila ang nagsasalita eh. Habang binabanatan pa nila ako ng mga tanong ay tumatawang sinusundot pa nila ang tagiliran ko. Hanep talaga ‘tong mga kaibigan ko, ang hahalay pa!

Hanggang sa makapasok na lang kami sa classroom ay hindi pa rin ako nagsasalita... at silang dalawa naman ay hindi pa rin ako tinatantanan! We moved our chairs to form a circle kung kaya’t kami ngayon ay magkakaharap na sa upuan.

“Uy, bakla! Ipinapaalala ko lang sa’yo na baka gusto mong magkuwento, ‘no? Magfe-fade na lang itong kyutiks ko ay hindi ka pa nagsasalita riyan. Pabebe lang?” Sa tono ni Lorenz ay halatang naiinis na siya sa pambibitin na ginagawa ko sa kanila.

“Long story eh but to cut it short, I just met him last Saturday night tapos sinagot ko siya kaninang umaga sa bahay,” kinikilig na sabi ko sa kanila. Napahawak pa tuloy ako sa mga labi ko nang maalala na naman ang naging halikan namin kanina.

“Aba! Two days lang? Anong ‘long’ doon?” Nariyan na naman ‘yong duet na sigaw nilang sa sobrang lakas ay makakabuhay na yata ng patay. Pagkatapos ay parang mga baliw pa na nagtawanan at nag-appear ang dalawa.

“Ssh, ang ingay!” saway ng iba naming kaklase na sa mga oras na ‘yon ay busy na sa pagbe-brainstorming sa kani-kanilang mga thesis.

Inirapan naman sila ni Karen bago ito sumigaw, “Kung gusto niyo ng tahimik, doon kayo sa sementeryo! Isa pang saway riyan at mababato ko kayo ng boots ko!” Mapagpatol talaga ‘tong kaibigan kong ‘to.

“Huwag mo na ngang patulan. Ang ingay niyo naman kasing dalawa eh!” sabi ko.

“Ang swerte mo, girl! Ang yaman kaya niyan ni Fafa Liam! Alam mo bang isa rin siya sa mga major stockholder sa kumpanya ni Dad? Hay naku, pasalamat ka lang talaga’t hindi ako naging babae! Kung hindi ay baka in-arrange marriage na ako ni Daddy sa kanya. Oh my God! Ako pa ang magiging numero uno mong karibal!” ani Lorenz na malanding pasulyap-sulyap pa sa pink na salamin niya habang inaayos ang bangs.

“Ang landi mo talagang bakla ka! Gusto mong ilibing kita nang buhay?” sabat naman ni Karen. “Aagawan mo pa ang sisterette natin eh first boyfriend niya ‘yan! Sa wakas, kasi kahit galit ako sa mga lalaki... wala nang NBSB sa atin!”

“Tang-ina, bakla! May pumatol sa’yo?” pambabasag ni Lorenz kay Karen.

“Tang-ina mo rin, mas walang papatol sa’yo!” sigaw ni Karen sabay malakas na batok ang pinakawalan sa ulo ni Lorenz na halos ikinadikit na ng mukha nito sa arm rest.

“Aray, masakit ‘yon ha! Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa mga pangit. Bwisit na ‘to, ginulo pa ‘yong buhok ko!”

“Thank you, ulol! Ito ka oh,” at nag-dirty finger pa talaga si Karen kay Lorenz. Ganyan talaga ‘yang mga ‘yan sa isa’t isa, pero masarap silang kasama at sobrang swerte ko sa kanila.

“Pero, Diane... hindi ko lang maintindihan, ‘no? Magkapatid lang naman ‘yang si Fafa Liam at Fafa Leandro — na kung tutuusin ay two years pang nanligaw sa’yo, eh bakit hindi mo sinagot ‘yong isa? Eh para nga lang silang kambal?” Si Lorenz ulit.

“Alam mo... buti ka pa, Lorenz ‘no? Hindi pa nga ako nagkukuwento pero alam mo na agad na magkapatid sila,” natatawang sabi ko.

“Aba, malamang! Lagi ko kaya silang nakikitang magkasama three years ago every time na nando’n ako sa kumpanya ni Daddy! Hanggang sa... oh my God!” Biglang natigilan si Lorenz, natutop ang sariling bibig at saka nag-aalalang tumingin sa akin. Bakas ko ang kakaibang kaba at takot sa paraan niya ng pagkakatingin.

“Uy, bakla! Huwag kang pabitin ha! Hindi mo love story ito,” sabi naman ni Karen. “Makakaltukan na naman kitang hinayupak ka!”

“Manahimik ka nga muna riyan. Gagang ‘to, seryoso ako!” hinampas niya ang kamay ni Karen bago ako seryosong hinarap, with matching hawak pa sa magkabila kong balikat, “Girl, gaano mo na kakilala si Fafa Liam?”

“Hmm... aaminin ko na hindi pa talaga gano’n kalalim ang pagkakakilala ko sa kanya. It was only two days ago nang magtagpo ang mga landas namin pero hindi ko alam kung bakit malapit agad ‘yong loob ko sa kanya, Lorenz eh. I really don’t know why but I think, it’s enough reason for me to say yes to him. Bakit ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam pero unti-unti na akong kinabahan.

“I don’t know if I have the right to say this but—” muli siyang natigilan. Bakas ko talaga sa mga mata niya ang pag-aalala.

“Ang alin ba?” naiiritang tanong ko. Medyo naiinis na rin kasi ako sa pambibitin niya.

“Isa pang bitin mo, bakla! Sinasabi ko sa’yo, haharap na talaga ‘yang mukha mo sa likod.” Naiinis na ring sabi ni Karen dito.

Lorenz swallowed a lump on his throat before he spoke, “T-There was a rumor that circulated inside my father’s company before... that the main reason why Fafa Liam went to the States was because of drug addiction.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • My Dark Past   BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST

    DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses

  • My Dark Past   Glimpse 32: The Consequence

    Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!

  • My Dark Past   Glimpse 31: Signature Pen

    Liam’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 30: Diane's Amnesia

    Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.

  • My Dark Past   Glimpse 29: At Death Bed

    Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?

  • My Dark Past   Glimpse 28: Trip To Palawan

    Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.

  • My Dark Past   Glimpse 27: Liam's Proposal

    Diane’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 26: Schemed Surprise

    Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.

  • My Dark Past   Glimpse 25: Feeling Alone

    Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.

DMCA.com Protection Status