....and They Lived Happily Ever After!
Mira POV Nasa Tagaytay kami ngayon dahil kasali kami sa team building ng Engineering Department ng school namin. Tutal ay di pa naman nagsisimula ang team building ay naisipan namin ng kaklase kong si Janet na mamasyal muna sa isang park. Kanina ko pa nararamdaman na parang puputok na ang aking pantog dahil ihing ihi na talaga ako. Sobrang haba ng pila sa public restroom. Madami kasing grupo na mga eskursyonista ang dumating dito sa park. Aksidente pang na-lock ang pintuan ng banyo kaya hinihintay pa naming dumating ang guard na siyang may hawak ng susi. Hindi ko na yun mahihintay kaya umalis na ako sa pila. “Mira, san ka pupunta?” tanong ni Janet. “Sandali, hahanap lang ako ng signal. Tumatawag kasi ang tyahin ko.” pagsisinungalin ko. Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa si Janet dahil dali-dali na akong umalis sa lugar na yun at nang wala ng nakakakita sa akin ay nagtatakbo ako papalayo. Naalala ko na may nadaanan kaming kubo kanina sa di kalayuan. Baka may banyo sa loob
Mira POV“Bye sir!” halos sabay sabay na binigkas namin ng lumabas ang kanilang guro at isa-isa na rin kaming naglabasan.“May trabaho ka ba ngayon?” tanong ni Janet sa akin habang naglalakad kami palabas ng silid aralan.“4 hours ang shift ko ngayon. Ikaw ba?” sagot ko.Nagtatrabaho ako ngayon sa isang coffee shop. Ilang oras lang naman ang trabaho ko kaya naisisingit ko ito sa pag-aaral.“Naku night shift ako, siguradong puyatan na naman to.” ani Janet. Stocker naman sa isang groceries ang kanyang part time job.Paglabas namin ng silid ay agad naming nakitang nakasandal sa pader ng hallway si Jake at nakahalukipkip. Hindi na rin kataka- takang nakatambay pa rin ang mga kaklase kong babae sa hallway, dahil andun lang naman ang heartthrob ng school. Nang magsalubong ang aming mga mata ay dumiretso ito sa pagkakatayo.“Ayan na boyfriend mo.” bulong ni Janet.“Excuse me hindi ko siya boyfriend no.” mariin kong tanggi.“Eh bakit, ipinagkakalat niya na girlfriend ka na daw niya?” anito.“S
Mira POV8:45 pm nang lumabas ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Tanaw ko na agad si kuya Alfred sa labas, ang aking nag-iisang kapatid. Nakatayo ito sa gilid ng kanyang motor. Sigurado akong kanina pa siya naghihintay sa labas.“Kanina ka pa no?” nakangiti kong bati sa kanya.“Kadarating lang.” tanggi nito.Inabot nya sa akin ang helmet upang isuot ko. Alam kong nagsisinungalin siya. Dahil kita ko sya mula sa loob ng coffee shop na kanina pa naghihintay. Nakapabait ng aking kapatid at sinisiguro nito na ligtas ako palagi kaya palagi niya akong sinusundo sa trabaho.Nakakalungkot lang na walang ibang nakakaalam na magkapatid kami dalawa. Anak siya sa pagkadalaga ng aking ina. Medyo may pagkamatapobre ang mga magulang ni papa kahit hindi naman sila kayamanan. Upang matanggap siya ng pamilya ni papa ay kailangan nitong ilihim na anak ni mama si kuya. Mag-lilimang taon pa lang noon si kuya nang magpakasal ang aking mga magulang. Pinalabas nilang anak siya ng katiwala. Lumaki kam
Mira POVNakasubsob ako sa aking inuupuan habang hinihintay namin ang pagdating ng aming professor sa Physics 71. Ganito ako kapag medyo puyat at pagod sa trabaho. Napatunghay ako ng kalabitin ako ng lalaking nasa likuran ko. Akala ko ay dumating na ang aming professor.“Mira, ikaw yata hinahanap niya.” anito na nakatingin sa pintuan.Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan nito. Nakita ko si Jake na nakatayo at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano nito nalaman ang schedule ko at kung nasaan ako. Tumayo ako upang lapitan siya. As usual, ay sa amin nakamasid ang mga mapang-usig na tingin ng mga kaklase kong babae.Bago pa man ako nagsalita ay hinawakan na agad ako ni Jake sa kamay at marahan akong hinila papalayo sa lugar na yun. Napasunod na lang ako sa kanya. Nauunawaan ko na ayaw nitong marinig ng iba ang pag-uusapan namin, dahil ganun din naman ang gusto kong mangyari.“Anong oras labas mo mamaya?” anito ng makalayo na kami.“Bakit?” takang tanong ko. Nakitang kong nataw
Mira POV“Napapayag mo na akong maging fake girlfriend mo kaya di mo na ako kailangang bolahin.” tugon ko sa kanya.“I'm serious. I’m physically attracted to you. I think you're very beautiful. Sabi mo nga diba nagugwapuhan ka sa akin? The feeling is mutual so bakit hindi na lang natin totohanin?” paliwanag nito.Oo nga, sa isip isip ko. Physically attracted din ako sa kanya pero hanggang doon lang. Ano naman kaya ang mangyayari sa amin kung magiging kami? Siguradong napakaboring nun.“Para sa nagmamahalan lang yun.” tugon ko sa kanya.“Pwede nating subukan, malay mo madevelop.” anito. Kung hindi ko lang alam na inlababo ito sa ibang babae ay iisipin ko na seryoso nga ito sa sinasabi niya.“Ayoko, baka hindi mo ako bayaran. Ikaw ha, para-paraan ka para makaligtas ka sa bayarin.” pabiro kong sabi.“Hindi ah, marami akong pera.”Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Hindi nakawala sa akin ang pantay pantay nitong ngipin na halatang alaga ng dentista. Ang gwapo lalo nito kapag tumatawa.
Mira POV“Hay salamat, natapos din natin. Akalain mo yun, one month pa ang due nitong project natin pero tapos na natin.” wika ko na pinapasadahan nang tingin ang blueprint na katatapos lang naming gawin ni Janet.“Buong araw ba naman nating gawin to, ewan ko na lang.” wika ni Janet na proud na proud sa sarili.“Worth it talaga kesa makigulo sa activities nila dyan sa labas.” dugtong ko pa.Kasalukuyang may nagaganap na Art Festival sa loob ng university kaya wala kaming klase ngayon. Sa halip na makisali sa kasiyahan ay pinili namin ni Janet na tapusin na lang ang aming proyekto. Sa mga kagaya naming working students ay napaka-importante para sa amin ang bawat minuto.“1pm pa lang, gusto mo sumilip tayo sa fest, bago tayo dumiretso sa mga trabaho natin?” suhestyon ni Janet.“Sige, bakit hindi.” tugon ko. Kahit hindi naman ako intresado sa mga ganung aktibidad at gusto ko ring makita kung ano ang nagaganap. Sisilip lang ako mabilis tapos didiretso na ako sa trabaho.Paglabas na paglaba
Mira POVTumingin si Mark sa akin at ngumiti. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.“Hi, I’m Mark.., Jake's best friend.” hindi na niya hinintay si Jake at kusa na nitong ipinakilala ang sarili. Mukhang mabait din itong si Mark. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Mas malakas nga lang ang dating ni Jake dahil mas maganda ang katawan nito kesa kay Mark at mas magaling pumorma. Samantalang si Mark ay simple lang manamit at natatakpan ng reading glasses ang gwapo nitong mukha.Nakipagkamay ako sa kanya.“Nice meeting you.” kiming ngiti ang iginanti ko sa kanya.“Finally, nameet ko na rin ang babaeng crush na crush ng kaibigan ko.” anito. Napakunot naman ang aking noo. Maging si Lindsay ay biglang napatingin sa nobyo.“What did you say?” mabilis na tanong ni Lindsay.“Kung alam mo lang, panay ang papansin nito sayo matagal na, panay ang pa-cute sayo pero hindi mo pinapansin. Nagulat na lang ako na kayo na pala. Paano ka na-uto ng kaibigan ko ha? Natatumbling ba siya sa harapan mo para mapan
Mira POVFrom Jake: Hi Mira, Ihahatid kita mamaya. See you soon!Kanina ko pa tinitingnan ang screen ng aking cellphone. Normal na text lang naman ito mula kay Jake pero kanina pa ako hindi mapakali. Kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Nais kong tuktukan ang aking ulo dahil sa aking ginawa. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kukote ko kahapon para biruin ng ganun si Jake. Kahit naman nerd ay may sense humor ako kaso masyado yata akong naging komportable sa kanya at hindi ko na naisip na medyo napasobra na yata ako sa pagbibiro.Wala lang naman sana ang birong yun kaso bigla lang itong nag-iba dahil sa reaksyon ni Jake. Akala ko nung una ay mauuwi lang kami muli sa kantyawan at tawanan kagaya ng dati. Hindi ko sukat akalain na seseryosohin niya yun.“Mira, You have no idea what I'm capable of. Lalo na at tayong dalawa lang dito kaya wag mo nang uulitin yan kung hindi mo kayang panindigan.”Umaalingawngaw pa rin sa aking utak ang mga salitang binitawan niya. Buong mag
Mira POV“Oi, bawal yan!” nagulat ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.Mariin akong napapikit. Nakakahiya!“Bat dyan ka umiihi, alam mo bang bawal dyan?” wika nito.Nilingon ko kung saan nagmumula ang pamilyar na boses. Laking gulat ko ng makita si Jake na nakatayo si gilid ko sa hindi kalayuan.OMG! Dejavu… si Jake na naman?!?!“Pwede ba umalis ka dyan!” sigaw ko rito.“Bakit ako aalis, eh mas nauna ako rito?” ani Jake. Kita ko sa mga mata nya ang nakakalokong ngiti.Oh God! Ganitong ganito ang nangyari sa first encounter namin.“Hoy lalaki, lumayas ka dyan!”“Infairness, amputi at ang kinis.” wika ni Jake at pilyong ngumiti. Ganitong ganito rin ang sinabi niya noon. Ni hindi man lang niya binago ang linya.“Hoy manyak! Ako ang ina ng anak mo kaya utang na loob, lumayas ka dyan. Sasabog na ang ihi ko.”“Okay, sa isang kondisyon.” ani Jake.Haaaay… Eto na naman siya sa kondisyon niya!“Ano?!?!”“Magpakasal ka sa akin.” anito.Nais kong matawa sa sinabi nito. Susuplahin ko pa san
Mira POV Inihatid ako ni mang Luis sa isang beach kung saan ginaganap ang team building. Nabanggit na rin ni Jake sa akin na kumuha siya ng private house para sa amin kaya dun na ako dumiretso. Nakabukod ito sa tinutuluyan ng mga empleyado kaya hindi ko sila nakita. Nangingiyak ngiyak na ako habang naglalakad upang harapin si Jake. Araw araw na lang siyang nagyayang magpakasal tapos may kababalaghan pala siyang ginagawa. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako ng makita ang buong pamilya ni Jake na naririto ngayon, ganun din sina Mark at Lindsay. Pati sina kuya Alfred at ate Myla ay naririto rin. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan ng dumating ako. Nakangiting tumayo si Jake ng makita ako upang lumapit. Yayakapin at hahalikan niya sana ako ngunit itinulak ko siya. “May babae ka ba?” tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito. Nawala ang tawanan at bigla tumahimik ang paligid. “Sagutin mo ako, may babae ka ba?” namumuo ang luha sa mga mata ko. “Babe.. anong sinasabi mo?”
Mira POV Isang araw bago ang team building ay dumating ang mga magulang ni Jake sa bahay ni lola Cecilia. Kagabi lang binanggit ni Jake ang tungkol kay Jacob kaya nagkukumahog ang mga ito na lumuwas ng probinsya para makita ang kanilang apo. Halatang halata sa mga ito na ang kasabikan na makita si Jacob. Mas lalo pa ang mga itong hindi magkandatuto nang makita kung gaano kataba at kacute ang apo. Wala rin kasing kaduda duda na mag-ama sila ni Jake dahil para silang pinagbiyak na bunga. “Napakaganda naman pala ng nobya mo.” magiliw na sabi ni Maritha Santillanes ang ina Jake. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang buong puso nitong pagtanggap sa akin, ganun din ang ama nitong si Jake Santillanes Sr. Nagtungo kami sa restaurant ni Lindsay ng gabing yun upang doon kaming lahat magdinner. Naroon din si Jasmine ang anak ni Lindsay. Ilang beses na rin silang nagkita ni Jacob para sa playtime at magkasundong magkasundo ang dalawa, palibhasa ay magkaedad lang ang mga ito. Bago magsimula an
Mira POVPara akong napako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga matang napatingin kay lola. Bigla akong kinabahan, dahil ngayon ko lang narealized na hindi pa nga pala ako dinadatnan ngayong buwan.Napatingin ako kay Jake na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata.“O, hindi ka na nakasagot dyan?” ani lola.“La, hindi pa naman po sigurado.” ani Jake na nakalapit na agad sa akin. Halata sa mukha nito ang nag-aalala para sa akin.Isang malakas na lagapak ang nangyari nang hampasin ni lola ng hawak nitong pamaypay ang braso ni Jake.“Hind yun ang punto kong damuho ka. So, ginagapang mo pala si Mira sa kwarto nila!”“La, mali ka. Siya ang gumagapang sa kwarto ko.” nakakalokong sabi ni Jake. Alam kong nagbibiro lang ito pero baka sabihin ni lola na ako talaga ang gumagapang sa kanya.“Ang kapal mo! Kinukulit mo kaya ako kahit katabi ko si Jacob, alangan namang dun natin gawin.”Lumawak ang ngiti ni Jake samantalang natutop ko naman ang aking bibig dahil sa nasabi ko. Si lola naman ay nan
Mira POVSi lola Cecilia ang pinakamabait na lola na nakilala ko. Ngunit ibang klase siyang dumisiplina. Kahit sarili nitong apo ay hindi kinukunsinti ang kamalian. Hindi siya nakakalimot na paalalahanan ako na huwag akong basta lalambot kay Jake. San-ayon naman ako sa kanya na dapat paghirapan nitong makuha muli ang aking pagtitiwala, according sa utak ko.Kaso iba ang binubulong ng puso at katawan ko. Masyado akong marupok pagdating kay Jake. Siguradong madidisappoint si lola sa akin kapag nalaman niyang ilang linggo na kami ni Jake na gumagawa ng milagro gabi-gabi. Kapag tulog na ang lahat ay patago kaming nagtatagpo sa kanyang silid.Balak ko namang sabihin sa kanya ngunit naghihintay lang ako ng mga 2 o tatlong linggo pa para hindi naman hindi masyadong halata na maaga akong bumigay sa apo niya. Hanggang ngayon kasi ay tinitiis niya ang kanyang apo. Tinataray tarayan pa rin niya si Jake at kinukutusan tuwing may pagkakataon.“Hanggang kelan mo ba gagawin to?” tanong ni Jake nang
Mira POVNang medyo nahimasmasan ay tumayo na ako at lumabas ng bangko. Paglabas na paglabas ko ay nakita ko ang pagbaba ng isang pamilyar na mukha mula sa isang sasakyang nakaparada sa harapan ng banko. Walang iba kundi si Lindsay!Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya. Parang nabiyak ang aking puso nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit ako iniwan ni Jake. Ang babaeng mahal na mahal ng nag-iisang lalaki sa buhay ko.Napatingin siya sa direksyon ko at nagkasalubong ang aming mga mata. Lumiko ako upang hindi ko siya makasalubong. Hindi ko rin alam kung kilala ba niya ako? Ilang beses lang naman kami nagkaharap. Binilisan ko ang aking paglalakad. Ang sakit pala na makita ang babaeng mahal ni Jake.“Mira!” narinig kong tinawag niya ako. Hindi ako lumingon dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.Nakita kong mabilis itong naglakad at hinabol ako. Bakit niya ako hinahabol? Aawayin ba niya ako dahil inaagaw namin ni Jacob ang atensyon ni Jake sa kanilang mag-ina?“Mira!” ani
Mira POVKatatapos lang naming mag-almusal kaya narito na ulit ako sa banyo upang ayusin ang aking sarili. Muli kong kinuha ang concealer at pinahidan ko muli ang aking leeg. Sabi ko na nga bat at magiging tsikinini to eh.Sa susunod ay pag-iingatin ko na si Jake. Sa susunod? Baliw na nga talaga ako.Kanina sa lamesa habang nag-aalmusal kami ay hindi kami nag-iimikan ni Jake na akala mo ay walang kababalaghang nangyari kagabi upang hindi kami mahalata ni lola. Siguradong magagalit ito sa akin.Nung ipagtapat kasi namin kay Jacob na si Jake ang kanyang tunay na ama at iniwan namin sila para magkasarilinan ay kinausap naman ako ni lola nang masinsinan. Mahal daw niya si Jake ngunit gusto daw niyang turuan ito ng leksyon kaya nais niyang tulungan ko siya. Hiniling niya sa akin na pahirapan ko muna ang apo niya.“Lola kahit po hindi nyo sabihin sa akin, yan po talaga ang gagawin ko. Hindi na po ako ang dating Mira na madali niyang mapapasunod. Sa tindi po ng pinagdaan kong hirap, imposibl
Mira POVBago mag-alas singko ay nagmessage sa akin si Jake na hihintayin niya ako sa kabilang kanto para sabay na raw ulit kaming umuwi. Hindi na ako nagreply dahil napagpasyahan kong hinding hindi na talaga ako sasabay sa kanya. Hindi pwedeng palagi na lang siya itong nananalo sa aming dalawa tapos ako naman itong namomroblemaNang oras na nang labasan ay sumabay ako sa mga katrabaho ko kagaya ng dati ko nang nakasanayan. Kahit alam kong naghihintay si Jake sa kabilang kanto ay mabilis akong sumakay sa nakaparadang jeep. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ang jeep. Wala pang 15 minutes ang biyahe papunta sa bahay ni lola kung may sariling sasakyan, inaabot naman ng 30 minutes o higit pa kung sa pampasaherong jeep ako sasakay, depende sa traffic.Ilang beses kong narinig na nagring ang aking cellphone sa loob ng bag pero hindi ko yun sinagot dahil alam kong si Jake lang yun. Manigas siya! Dapat ay kahapon ko pa ito ginawa, masyado na siyang namimihasa sa kabaitan ko.Si lola, napar
Mira POVKanina pa ako gayak para pumasok sa trabaho ngunit hindi ako makalabas ng silid. Siguradong nag-aalmusal na sina lola at Jake sa kusina. Hindi na lang ako kakain at didiretso na lang ako sa trabaho. Hindi ko kayang makasabay si Jake sa pagkain. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi. Tinuktukan ko ang aking sarili, bakit ba naman kasi hinayaan ko siyang gawin yun sa akin kagabi at ang malala pa ay tumugon ako sa halik niya. Siguradong narinig din niya ang pag-ungol ko. Napatakip ako ng mukha at nagpapadyak. Ang bilis kong bumigay. Nakakahiya!Napaigtad ako ng may marinig akong mahihinang katok. Hindi ako kumilos, aalis din yung kumakatok kung di ako sasagot. Malay ko ba kung sino yung nasa labas, baka si Jake yun, lalong hindi ko siya pagbubuksan.“Mira..” boses ni ate Ester.Mukhang walang balak umalis si ate Ester kaya napilitan akong buksan ang pintuan.“Buti gising ka na, akala namin natutulog ka pa.”“May inaayos lang po ako.”“Pinabababa ka na ni lola, kumakain na sila.”