Mira POV
Tumingin si Mark sa akin at ngumiti. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
“Hi, I’m Mark.., Jake's best friend.” hindi na niya hinintay si Jake at kusa na nitong ipinakilala ang sarili. Mukhang mabait din itong si Mark. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Mas malakas nga lang ang dating ni Jake dahil mas maganda ang katawan nito kesa kay Mark at mas magaling pumorma. Samantalang si Mark ay simple lang manamit at natatakpan ng reading glasses ang gwapo nitong mukha.
Nakipagkamay ako sa kanya.
“Nice meeting you.” kiming ngiti ang iginanti ko sa kanya.
“Finally, nameet ko na rin ang babaeng crush na crush ng kaibigan ko.” anito. Napakunot naman ang aking noo. Maging si Lindsay ay biglang napatingin sa nobyo.
“What did you say?” mabilis na tanong ni Lindsay.
“Kung alam mo lang, panay ang papansin nito sayo matagal na, panay ang pa-cute sayo pero hindi mo pinapansin. Nagulat na lang ako na kayo na pala. Paano ka na-uto ng kaibigan ko ha? Natatumbling ba siya sa harapan mo para mapansin?” halata sa boses nito ang excitement habang nagkkwento.
“Anong ibig mong sabihing panay ang papansin niya?” tanong ni Lindsay. Nagtataka naman ako dahil parang ito pa yata ang mas intresado sa kwento kesa sa akin.
“Kapag nakikita niya si Mira, para-paraan yang si Jake. Kagaya minsan sa library, 30 minutes na siya sa tabi ni Mira pero ni hindi siya nito pinapansin kasi mas gwapo yata yung nasa libro kesa kay Jake.” nakatawang nagkukwento si Mark.
“Alam mo bang nagmember si Jake sa Science Club dahil member nun si Mira? Hatest subject pa naman nyan is Science….. Hay naku marami pa, isa na yung kunyari aksidente ka niyang nabato ng bola. Yung bola tiningnan mo pero siya hindi.” patuloy nito, na nakakaloko ang tingin kay Jake habang binibisto ang kaibigan. Napakamot naman ng ulo si Jake.
Nabanggit na nga sa akin ni Jake na nagpapapansin siya sa akin dati pero dahil sa nachachallenge lang ito sa akin. Wala namang ibig sabihin yun base sa pagkakaunawa ko. Napansin kong medyo nakasimangot na ang napaka gandang mukha ni Lindsay.
“Babe, mind coming with me to that booth? I need to check something.” malambing na binigkas nito kay Mark.
Agad namang tumalima si Mark at sinamahan ang girlfriend. Selos ang rumehistro sa mukha ni Jake, mabilis lang yun at mabilis na binawi pero nakita ko lahat yun. Naiiling na lang ako. Hindi ako tanga para hindi makita na parehong may gusto sa isa’t isa sina Jake at Lindsay. Pinagseselos ni Jake si Lindsay gamit ako at ito namang si Lindsay ay pinagseselos si Jake sa pamamagitan ng pagiging sweet kay Mark. Ang gulo ng buhay ng tatlong ito. Masyado nilang pinakokomplikado ang mga buhay nila. Wala ba silang ibang problema kaya marami silang panahon sa mga kakornihan?
“Hay… ang sarap sigurong maging mayaman.” Nakangiti kong bulong sa aking sarili.
“Bakit ka nakangiti?” tanong ni Jake nang maiwan kaming dalawa.
“Selos ka no?” biro ko. Nakatingin kami sa magkasintahan.
“Hindi ah.” tanggi nito na halatang halata naman na nagsisinungalin.
“Okay, sinabi mo eh.” humakbang ako palayo dahil kanina pa naman ako nakapag paalam sa kanya. Humabol ito sa akin.
“Sandali, bakit kaba nang-iiwan? Sandali lang, kukunin ko ang sasakyan ko.” hindi na nito hinintay ang sagot ko at mabilis na itong umalis. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad dahil alam ko na kung saan ko siya tatagpuin.
Maya maya pa ay huminto ang sasakyan sa tapat ko at alam kong kay Jake yun. Hindi na ako naghintay na alukin at kusa na akong pumasok sa loob.
“Bakit mo naman ako iniwan kanina? Ikaw yata tong nagseselos eh.” anito pagkasakay na pagkasakay ko.
“Lakas ng tama mo.” natatawa kong sabi.
“Talaga? Hindi ka nagseselos” nanghahamong tanong nito. Lihim akong natawa dahil napaka-assuming ng lalaking ito.
“Bakit naman ako magseselos? Oy, bayad na kaya ito.” tugon ko sa kanya.
“Sige nga. Kung hindi ka nagseselos, kiss mo nga ako.” pahabol nitong biro.
Bigla ko siyang nilingon at napatingin naman ito sa akin.
“Okay sige, halika.” sinadya kong maging seryoso ang aking boses, ganun na rin ang aking mukha.
Dumukwang ako palapit sa driver’s seat. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya ng ilang pulgada lang ang layo. Inilapat ko ang aking hintuturo sa kanyang baba at bahagyang iniangat yun kaya napatingala siya sa akin. Pagkuway binigyan ko siya ng malagkit na tingin at ngiting nang-aakit. Tinitigan ko ang kanyang mga labi.
“Gano katagal mo ba gusto?” mapang-akit ang boses na ginamit ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jake at nanlaki ang kanyang mga mata. Ramdam ko ang pagtigil ng hininga nito.
“M-mira…” anito sabay lunok.
Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang teynga at bumulong.
“Sabi ko na nga ba virgin ka pa.”
Pagsabi ko nun ay bumalik ako sa pagkaka-upo at tumawa ako ng tumawa. Ang yabang niyang maghamon pareho lang naman yata kaming virgin. Sumakit ang aking tiyan sa katatawa.
Napansin kong hindi ito tumutugon at ng lingunin ko sya ay nakakunot ang kaniyang noo kaya itinigil ko ang aking pagtawa.
“Wag mo nang uulitin yun.” mariing sabi nito.
Natahimik na lang ako ng makita ang itsura nya na napakaseryoso. Nag-alala ako na baka napasobra yung biro ko at nasaling ko ang pagkalalakî niya.
“Sorry!” mahina kong sambit.
“Mira, You have no idea what I'm capable of. Lalo na at tayong dalawa lang dito kaya wag mo nang uulitin yan kung hindi mo kayang panindigan.” matiim ang tingin na ibinigay niya sa akin. Para akong napaso sa tingin niya kaya iniwas ko ang aking mga mata.
Kasabay nun ay kumabog ang aking dibdib dahil sa sinabi niya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkailang sa kanyang presensya. Parang nagkaroon ng kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa na hindi ko maipaliwanag. Wala kaming imikan buong biyahe hanggang sa maihatid niya ako sa aking trabaho. Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng coffee shop.
“Mira…”
“Bye.” yun lang ang sinabi ko at mabilis akong bumaba ng sasakyan nang hindi siya nililingon upang takbuhan ang sitwasyon namin. Mabilis akong pumasok sa coffee shop at pagdating ko dito sa loob ay parang ngayon lang ako nakahinga. Sapo sapo ko ang aking dibdib na walang tigil sa pagtambol.
Muli akong napalingon sa labas at nakita kong naroon pa rin ang sasakyan ni Jake, na hindi naman nito normal na ginagawa. Dapat ay kanina pa ito nakaalis. Bigla na naman kumabog ang aking dibdib at mabilis akong pumasok sa backroom.
Mira POVFrom Jake: Hi Mira, Ihahatid kita mamaya. See you soon!Kanina ko pa tinitingnan ang screen ng aking cellphone. Normal na text lang naman ito mula kay Jake pero kanina pa ako hindi mapakali. Kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Nais kong tuktukan ang aking ulo dahil sa aking ginawa. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kukote ko kahapon para biruin ng ganun si Jake. Kahit naman nerd ay may sense humor ako kaso masyado yata akong naging komportable sa kanya at hindi ko na naisip na medyo napasobra na yata ako sa pagbibiro.Wala lang naman sana ang birong yun kaso bigla lang itong nag-iba dahil sa reaksyon ni Jake. Akala ko nung una ay mauuwi lang kami muli sa kantyawan at tawanan kagaya ng dati. Hindi ko sukat akalain na seseryosohin niya yun.“Mira, You have no idea what I'm capable of. Lalo na at tayong dalawa lang dito kaya wag mo nang uulitin yan kung hindi mo kayang panindigan.”Umaalingawngaw pa rin sa aking utak ang mga salitang binitawan niya. Buong mag
Mira POVKatakot takot na kantyaw ang narinig ko mula sa kanya bago kami nakaalis sa school at niyaya niya akong lumabas. Nakatambay kami ngayon sa park na lagi naming pinupuntahan. Parehong bubble tea ang iniinom namin.“Sa tingin ko, may gusto sayo si Lindsay. Iba yung tingin nya sayo eh.., kita ko rin yung lungkot nung ipakilala mo ako sa kanya.”Mapaklang natawa si Jake.“Believe me, yan din ang akala ko kaya nga umasa ako. Ganun lang talaga si Lindsay. Maamo lang talaga ang mukha nya kaya akala mo malungkot.”“Ewan ko, pero sa tingin ko talaga pareho lang kayong may gusto sa isa’t isa. Sayang naman.” nanghihinayang kong sabi.“Parang tayong dalawa? Pareho naman nating crush ang isa’t isa, Sayang naman.” anito na parang ginaya lang ang sinabi ko.Umikot ang aking mata dahil eto na naman siya. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Jake.“I’m serious Mira, I really like you. Why don't we give it a chance?” anito na nakatingin sa akin.“Nagde-date naman tayo ah, ano pa bang ipinagka-ib
Jake POVItetext ko sana si Mira upang alamin kung nasa school siya ngayon at yayain siya mag-ikot ikot dahil may Art fest ngayon sa university ng lumapit si Lindsay sa akin.“Jake, samahan mo naman ako sa fest, male-late ng kasi ng konti si Mark.” anito.“May pupuntahan kasi ako ngayon.” mabilis kong tugon.Nang tingnan ko siya ay parang naluluha ang kanyang mga mata.“Kailangan ko lang ng makakausap.”Tatanggihan ko pa sana siya ngunit nang makita ko ang maamo at malungkot niyang mukha na parang nagsusumamo ay wala na akong nagawa kundi ang umoo. May problema na naman siguro ito sa bahay nila. Isinuksok ko sa bulsa ng aking pantalon ang aking cellphone at sinamahan siya.Ilang minuto rin kaming naglakad lakad sa mga booth.“I’m glad na pumayag ka Jake. Ang saya ko ngayon.” nakangiti ito sa akin. Kung hindi lang niya ako binasted ay iisipin ko talaga na inlove siya sa akin dahil sa kung paano siya tumingin. Dahil din doon kaya nahulog ang loob ko sa kanya.“You know I’m always here w
Mira POV“Ang landi mo girl!” nakabungisngis na sabi ni Janet habang pinagmamasdan ako sa suot ko para sa ball.Nasa apartment nya ako ngayon dahil nagpatulong ako sa kanya na ayusan ako. Sideline kasi ni Janet ang pagmemake-up sa mga ikinakasal. Light make up lang ang ipinagawa ko sa kanya.Maluwang na ngiti ang iginanti ko sa kanya.“Backless na nga, ang haba pa ng slit…. Oh etong n*pple tape, baka mamaya lumuwa yang dibdib mo sa baba ng cut nyan sa harapan.”Kinuha ko ang n*pple tape at ipinatong sa ibabaw ng aking dibdib.“Masagwa ba?” bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.“Hindi naman. Elegante ka pa rin kahit sexy.., kaya lang…, baka dika na iuwi ng boyfriend mong hilaw. Pag ikaw puyat bukas, alam ko na kung anong ginawa nyo.”“Grabe ka naman! Hindi agad ako bibigay sa kanya no.”“Hindi agad? So eventually, bibigay ka rin?” pilyang tanong ni Janet.“Sira, magkaibigan lang kami.”Tumaas ang kilay ni Janet.“May kaibigan bang inaakit?" tanong nito.Natahimik ako sa sinabi niya. Ba
Mira POV“Jake, san tayo pupunta, bakit tayo umalis dun?” taka kong tanong habang nagda-drive ito.“I have better things to do than go to that nonsensical dance ball.” anito na tutok na tutok sa pagd-drive.“Sayang naman yung ipinambili mo ng damit, mahal pa naman yata to?” nanghihinayang kong winika.“Hindi ako nagsayang ng pera para ibang mata lang ang mag-enjoy.”“Anong sinasabi mo?”“Babe, you look absolutely stunning tonight. You look hot as hell and I don’t want any guy drooling over you.”Wala akong ibang naintindihan sa mga sinabi niya maliban na lang sa salitang Babe. Bigla akong kinilig sa sinabi niya kaya natahimik na lang ako at hindi na nagsalita.Malayo pa ay tanaw ko nang naging pula ang traffic light. Mabuti na lang at pareho kaming naka seatbelt dahil muntik na kaming mapasubsob ng pumreno si Jake dahil sa bilis nang patakbo nito.“Dahan dahan Jake, baka mabangga tayo.” sita ko sa kanya.Hindi siya sumagot. Napansin ko na pabaling baling siya sa paligid at parang hind
Mira POVNagising ako sa liwanag ng araw na tumatagos sa bintana. Sobrang inaantok pa ako at nais ko pang matulog lalo na at napaka komportable ng kamang hinihigaan ko ngayon. Kinapa ko ang aking gilid ngunit bakante ito at mag-isa na lang ako sa kama. Umupo ako mula sa pagkakahiga, nakaramdam ako ng bahagyang kirot mula sa pagitan ng aking hita.Napansin ko ang dugo sa kobre kama patunay na nawala na ang aking pinakakaiingatang pagk@babae. Napakabilis kong ipinagkaloob kay Jake ang aking sarili ngunit wala akong nakakapang anumang pagsisisi. Ginusto ko ang nangyari sa amin ni Jake kagabi. Ilang beses niya akong inangkin at ilang beses ko rin yung ipinagkaloob sa kanya na buong puso.Tumayo ako upang hanapin si Jake. Kinuha ko ang kumot upang ipantakip sa aking katawan. Inikot ko ang aking mata sa paligid. Marahil ay ito ang tinitirhan ni Jake dahil parang isang bachelor pad ang lugar na ito. Halatang lalaki ang nakatira dahil na rin sa mga kagamitan.Umikot ikot ako sa paligid ngunit
Mira POVNagkatinginnan kami ni kuya.“Boyfriend mo?” tanong niya. Napayuko ako at dahan dahang tumango.“Sorry!” nahihiya kong tugon.“Gwapo ah.” nakangiting sabi ni kuya. Umaliwalas ang aking mukha dahil sa positibong reaksyon niya.“Inlove na ang kapatid ko.” pabirong winika ni kuya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.Muli kaming napalingon kay Jake ng makalapit na siya sa amin. Nakatingin ito kay kuya Alfred.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Saka pa lang niya ako nilingon.“Sinusundo ko ang girlfriend ko. Ihahatid kita pauwi.” anito at muling tumingin kay kuya.“Si kuya Alfred nga pala.” pakilala ko.“Kapatid mo?” tanong ni Jake. Sasagutin ko sana siya ngunit inunahan na ako ni kuya.“Kababata niya.” ani kuya. Kumunot ang noo ni Jake.“Para ko na siyang kapatid. Lumaki kaming parang magkapatid.” paliwanag ko dahil parang kakaiba na ang kunot ng noo ni Jake.“Kuya.., si Jake–”“Boyfriend nya!” ani Jake.Inilahad ni kuya ang kanyang kamay at inabot naman yung inabot ni
Mira POV“Dito ka na lang tumira.” wika ni Jake habang magkapulupot ang aming katawan sa sofa at nanonood ng tv sa loob ng kanyang pad.“Gusto mong mag live in tayo?” gulat kong tanong.“Bakit hindi, ala namang pinagkaiba yun sa ginagawa natin ngayon. Araw araw naman kita dinadala rito, ang pinagkaiba nga lang dito ka na matutulog sa gabi.”Ilang linggo na rin simula nang maging kami ni Jake. Araw araw niya akong dinadala rito after ng school at palaging may nangyayari sa aming dalawa. Ihahatid niya ako sa trabaho pagkatapos at susunduin niya ako. Ilang beses din na may nangyari sa amin sa loob ng sasakyan bago niya ako ihatid sa tinitirhan ko. Hindi ko siya pinapapasok sa bahay dahil ayaw kong malaman ni tiya Carmen ang tungkol kay Jake.“Eh parang mag-asawa na yun ah.”“Dun din naman ang punta natin.” anito“Ewan ko Jake.” alinlangan kong sagot. Siniil niya ako nang halik sa labi.“Sige na please para naman hindi tayo nabibitin palagi.” bulong nito sa aking teynga.Napailing ako sa