Share

Chapter 8

Mira POV

From Jake:

Hi Mira, Ihahatid kita mamaya. See you soon!

Kanina ko pa tinitingnan ang screen ng aking cellphone. Normal na text lang naman ito mula kay Jake pero kanina pa ako hindi mapakali. Kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Nais kong tuktukan ang aking ulo dahil sa aking ginawa. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kukote ko kahapon para biruin ng ganun si Jake. Kahit naman nerd ay may sense humor ako kaso masyado yata akong naging komportable sa kanya at hindi ko na naisip na medyo napasobra na yata ako sa pagbibiro.

Wala lang naman sana ang birong yun kaso bigla lang itong nag-iba dahil sa reaksyon ni Jake. Akala ko nung una ay mauuwi lang kami muli sa kantyawan at tawanan kagaya ng dati. Hindi ko sukat akalain na seseryosohin niya yun.

“Mira, You have no idea what I'm capable of. Lalo na at tayong dalawa lang dito kaya wag mo nang uulitin yan kung hindi mo kayang panindigan.”

Umaalingawngaw pa rin sa aking utak ang mga salitang binitawan niya. Buong mag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status