Mira POV“Jake, san tayo pupunta, bakit tayo umalis dun?” taka kong tanong habang nagda-drive ito.“I have better things to do than go to that nonsensical dance ball.” anito na tutok na tutok sa pagd-drive.“Sayang naman yung ipinambili mo ng damit, mahal pa naman yata to?” nanghihinayang kong winika.“Hindi ako nagsayang ng pera para ibang mata lang ang mag-enjoy.”“Anong sinasabi mo?”“Babe, you look absolutely stunning tonight. You look hot as hell and I don’t want any guy drooling over you.”Wala akong ibang naintindihan sa mga sinabi niya maliban na lang sa salitang Babe. Bigla akong kinilig sa sinabi niya kaya natahimik na lang ako at hindi na nagsalita.Malayo pa ay tanaw ko nang naging pula ang traffic light. Mabuti na lang at pareho kaming naka seatbelt dahil muntik na kaming mapasubsob ng pumreno si Jake dahil sa bilis nang patakbo nito.“Dahan dahan Jake, baka mabangga tayo.” sita ko sa kanya.Hindi siya sumagot. Napansin ko na pabaling baling siya sa paligid at parang hind
Mira POVNagising ako sa liwanag ng araw na tumatagos sa bintana. Sobrang inaantok pa ako at nais ko pang matulog lalo na at napaka komportable ng kamang hinihigaan ko ngayon. Kinapa ko ang aking gilid ngunit bakante ito at mag-isa na lang ako sa kama. Umupo ako mula sa pagkakahiga, nakaramdam ako ng bahagyang kirot mula sa pagitan ng aking hita.Napansin ko ang dugo sa kobre kama patunay na nawala na ang aking pinakakaiingatang pagk@babae. Napakabilis kong ipinagkaloob kay Jake ang aking sarili ngunit wala akong nakakapang anumang pagsisisi. Ginusto ko ang nangyari sa amin ni Jake kagabi. Ilang beses niya akong inangkin at ilang beses ko rin yung ipinagkaloob sa kanya na buong puso.Tumayo ako upang hanapin si Jake. Kinuha ko ang kumot upang ipantakip sa aking katawan. Inikot ko ang aking mata sa paligid. Marahil ay ito ang tinitirhan ni Jake dahil parang isang bachelor pad ang lugar na ito. Halatang lalaki ang nakatira dahil na rin sa mga kagamitan.Umikot ikot ako sa paligid ngunit
Mira POVNagkatinginnan kami ni kuya.“Boyfriend mo?” tanong niya. Napayuko ako at dahan dahang tumango.“Sorry!” nahihiya kong tugon.“Gwapo ah.” nakangiting sabi ni kuya. Umaliwalas ang aking mukha dahil sa positibong reaksyon niya.“Inlove na ang kapatid ko.” pabirong winika ni kuya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.Muli kaming napalingon kay Jake ng makalapit na siya sa amin. Nakatingin ito kay kuya Alfred.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Saka pa lang niya ako nilingon.“Sinusundo ko ang girlfriend ko. Ihahatid kita pauwi.” anito at muling tumingin kay kuya.“Si kuya Alfred nga pala.” pakilala ko.“Kapatid mo?” tanong ni Jake. Sasagutin ko sana siya ngunit inunahan na ako ni kuya.“Kababata niya.” ani kuya. Kumunot ang noo ni Jake.“Para ko na siyang kapatid. Lumaki kaming parang magkapatid.” paliwanag ko dahil parang kakaiba na ang kunot ng noo ni Jake.“Kuya.., si Jake–”“Boyfriend nya!” ani Jake.Inilahad ni kuya ang kanyang kamay at inabot naman yung inabot ni
Mira POV“Dito ka na lang tumira.” wika ni Jake habang magkapulupot ang aming katawan sa sofa at nanonood ng tv sa loob ng kanyang pad.“Gusto mong mag live in tayo?” gulat kong tanong.“Bakit hindi, ala namang pinagkaiba yun sa ginagawa natin ngayon. Araw araw naman kita dinadala rito, ang pinagkaiba nga lang dito ka na matutulog sa gabi.”Ilang linggo na rin simula nang maging kami ni Jake. Araw araw niya akong dinadala rito after ng school at palaging may nangyayari sa aming dalawa. Ihahatid niya ako sa trabaho pagkatapos at susunduin niya ako. Ilang beses din na may nangyari sa amin sa loob ng sasakyan bago niya ako ihatid sa tinitirhan ko. Hindi ko siya pinapapasok sa bahay dahil ayaw kong malaman ni tiya Carmen ang tungkol kay Jake.“Eh parang mag-asawa na yun ah.”“Dun din naman ang punta natin.” anito“Ewan ko Jake.” alinlangan kong sagot. Siniil niya ako nang halik sa labi.“Sige na please para naman hindi tayo nabibitin palagi.” bulong nito sa aking teynga.Napailing ako sa
Jake POVNarito ako ngayon sa venue ng engagement party nina Mark at Lindsay. Bilang malapit na kaibigan ay dapat narito ako para suportahan sila. Tanggap ko na, na para sila sa isa’t isa. May girlfriend na ako at masaya kaming dalawa. Alam kong mahal na mahal ako ni Mira at napakahalaga niya sa akin.Nang dumating ako dito ay pinagmasdan ko si Mark. Larawan siya ng isang lalaking punong puno ng pagmamahal. Halatang halata ang excitement sa mukha nito na pormal nang ma-engage kay Lindsay. Bukal sa loob ko nang batiin ko siya at alam kong ramdam niya yun ng walang pag-aalinlangan.Kung si Lindsay naman…, hindi ko alam. Dahil mag-iisang oras na ay wala pa rin ito. Nakikita ko na ang pagkabahala sa mukha ng mga magulang nina Lindsay ganun din si Mark. Ang excitement nito kanina ay punong puno na ng pangamba ng may lumapit at bumulong dito.Maya maya pa ay pumasok muli sa venue si Arthur Ledesma, ang ama ni Lindsay at nagsalita hawak ang mikropono.“I offer my sincerest apologies for any
Jake POVMabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan patungo sa address na ibinigay ni Mark dahil sa pag-aalala kay Lindsay, napaka hina pa naman ng loob nito. Sana ay maabutan ko siya dahil baka umalis agad ito at mahirapan kaming makita sya ulit. Nagtungo daw ito sa isa sa mga kaibigan nito.Pagdating ko sa bahay ng kaibigan niya ay pinapasok agad ako ng magpakilala ako.Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad si Lindsay at mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako. Umiyak ito ng umiyak habang nakayakap sa akin.Nang mga oras na yun ay iyak ni Mira ang naririnig ko. Parang tinusok ang aking puso nang maalala ko ang pagpatak ng luha niya ng tanuning niya kung mahal ko pa si Lindsay at tango ang aking isinagot.“Salamat Jake at dumating ka.” umiiyak na sabi ni Lindsay. Kahit umiiyak ay kita kong masaya ang mukha nito dahil sa pagdating ko.Biglang rumehistro sa akin ang mukha ni Mira na ubod ng lungkot habang pumapatak ang mga luha. Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng aking mga
Mira POVNasa Tagaytay kami ngayon dahil kasali kami sa team building ng Engineering Department ng school namin. Tutal ay di pa naman nagsisimula ang team building ay naisipan namin ng kaklase kong si Janet na mamasyal muna sa isang park.Kanina ko pa nararamdaman na parang puputok na ang aking pantog dahil ihing ihi na talaga ako. Sobrang haba ng pila sa public restroom. Madami kasing grupo na mga eskursyonista ang dumating dito sa park. Aksidente pang na-lock ang pintuan ng banyo kaya hinihintay pa naming dumating ang guard na siyang may hawak ng susi. Hindi ko na yun mahihintay kaya umalis na ako sa pila.“Mira, san ka pupunta?” tanong ni Janet.“Sandali, hahanap lang ako ng signal. Tumatawag kasi ang tyahin ko.” pagsisinungalin ko.Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa si Janet dahil dali-dali na akong umalis sa lugar na yun at nang wala ng nakakakita sa akin ay nagtatakbo ako papalayo.Naalala ko na may nadaanan kaming kubo kanina sa di kalayuan. Baka may banyo sa loob nito
Mira POV“Bye sir!” halos sabay sabay na binigkas namin ng lumabas ang kanilang guro at isa-isa na rin kaming naglabasan.“May trabaho ka ba ngayon?” tanong ni Janet sa akin habang naglalakad kami palabas ng silid aralan.“4 hours ang shift ko ngayon. Ikaw ba?” sagot ko.Nagtatrabaho ako ngayon sa isang coffee shop. Ilang oras lang naman ang trabaho ko kaya naisisingit ko ito sa pag-aaral.“Naku night shift ako, siguradong puyatan na naman to.” ani Janet. Stocker naman sa isang groceries ang kanyang part time job.Paglabas namin ng silid ay agad naming nakitang nakasandal sa pader ng hallway si Jake at nakahalukipkip. Hindi na rin kataka- takang nakatambay pa rin ang mga kaklase kong babae sa hallway, dahil andun lang naman ang heartthrob ng school. Nang magsalubong ang aming mga mata ay dumiretso ito sa pagkakatayo.“Ayan na boyfriend mo.” bulong ni Janet.“Excuse me hindi ko siya boyfriend no.” mariin kong tanggi.“Eh bakit, ipinagkakalat niya na girlfriend ka na daw niya?” anito.“