Share

Chapter 6

Mira POV

“Hay salamat, natapos din natin. Akalain mo yun, one month pa ang due nitong project natin pero tapos na natin.” wika ko na pinapasadahan nang tingin ang blueprint na katatapos lang naming gawin ni Janet.

“Buong araw ba naman nating gawin to, ewan ko na lang.” wika ni Janet na proud na proud sa sarili.

“Worth it talaga kesa makigulo sa activities nila dyan sa labas.” dugtong ko pa.

Kasalukuyang may nagaganap na Art Festival sa loob ng university kaya wala kaming klase ngayon. Sa halip na makisali sa kasiyahan ay pinili namin ni Janet na tapusin na lang ang aming proyekto. Sa mga kagaya naming working students ay napaka-importante para sa amin ang bawat minuto.

“1pm pa lang, gusto mo sumilip tayo sa fest, bago tayo dumiretso sa mga trabaho natin?” suhestyon ni Janet.

“Sige, bakit hindi.” tugon ko. Kahit hindi naman ako intresado sa mga ganung aktibidad at gusto ko ring makita kung ano ang nagaganap. Sisilip lang ako mabilis tapos didiretso na ako sa trabaho.

Paglabas na paglabas namin ng library ay sumalubong na agad sa amin ang ingay ng mga estudyante. Bawat department at organisasyon ay may kanya kanyang booth at may kanya kanyang ganap. Merun palaro, nabebenta ng pagkain at nagtitinda ng ibat ibang produkto. Isa rin yun sa mga dahilan kung bakit wala akong ganang magtungo rito. Ayoko kong gumastos, sayang ang pera.

May beinte minutos na rin kaming naglalakad lakad ni Janet at nagmamasid masid nang nakaramdam ako ng pagkabagot.

“Punta na lang ako sa trabaho, dun na lang ako tatambay.” winika ko kay Janet.

“Ako rin, wala naman ako makitang kainte-interes dito.” ani Janet na mukhang bagot na rin.

“Walang interes o walang pambili?” pabiro kong sabi. Tumingin sa akin si Janet at natawa ito. Agad din naman itong tumigil sa pagtawa nang may umagaw ng atensyon nito.

“Look, ang boyfriend mong hilaw.” anito na nakatingin sa bandang kanan namin. Sinundan ko ang direksyon na kanyang tinitingnan at natanaw ko si Jake.

“Mukhang kasama ang dream girl niya ah.” ani Janet.

Magkasama si Jake at Lindsay. Napakaputi at napakaganda ni Lindsay. Para itong anghel na bumaba ng lupa. Napaka sosyal din ng dating kahit simple jeans at blouse lang ang suot. Hindi na nakakapagtaka kung bakit na-inlove dito si Jake na ngayon ay hindi maitatago ang kasiyahan sa mukha na kasama ang babaeng itinatangi. Bagay na bagay talaga sila sa isip ko.

“Susugurin ba natin dahil may kinakatagpong ibang babae?” pabulong na sinabi ni Janet.

“Sira ka talaga. Hayaan mo siyang pumorma, wag kang basag.” natatawang tugon ko.

Nilingon kong muli sina Jake at Lindsay. Kaya naman pala hindi nagtetext si Jake sa akin. 1 week na kaming nagpapanggap at bandang 12 noon ay magtetext ito kung ihahatid niya ako o hindi. Kaya naman pala mag-aalas dos na ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kanya.

“Tara na.” yaya ni Janet.

“Mira!” narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming napalingon ni Janet sa sumigaw. Nakita ko si Joseph, isa sa mga kaklase ko sa Physics na nagpapatutor sa akin paminsan minsan. Isa yun sa mga sideline ko. Nakapwesto ito sa likod ni Jake kaya naman narinig din nya yun at napalingon ito sa akin. Ayoko makaabala sa kanya dahil alam kong pumoporma ito sa dalaga kaya kunyari na lang ay hindi ko siya napansin.

Mabilis na nakalapit sa amin si Joseph. Inabot nito sa akin ang isang notebook.

“Salamat dito ha, nung isang araw ko pa sana ibibigay sayo yan kaso ilang araw naman akong absent. Tutal dala ko naman kaya ibabalik ko na sayo baka maiwala ko pa.” anito. Kinuha ko sa kanya ang aking notebook.

“Salamat!” nakangiting sabi nito na nakatitig sa aking mukha. Palihim akong siniko ni Janet. Alam ko kung anong tumatakbo sa isipan nito, palagi kasi niya akong itinutukso kay Joseph. Gusto lang daw nitong pumorma kaya nagpapatutor sa akin. Hindi ko naman yun pinansin dahil ang habol ko lang dito ay ang perang ibabayad nito.

Tumikhim si Joseph bago nagsalita.

“Pwede ba kitang yayain sa–”

“Mira.” boses ni Jake. Sabay sabay kaming napalingon sa kanya.

Napansin ko agad kung paano niya ako tinawag. Tinatawag lang niya akong Mira kapag kaming dalawa lang pero kapag may ibang estudyanteng nakakarinig ay “wifey” kung tawagin niya ako. Palibhasa ay katabi nito si Lindsay ngayon kaya siguro ganun ang sinabi nito.

Mabilis na nakalapit sa amin si Jake at hinawakan niya agad ang kamay ko. Hindi nakawala sa aking paningin ang palihim na pagsulyap ni Lindsay sa aming mga kamay. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko ang rumehistrong lungkot sa mga mata nito ngunit mabilis din na binawi. Samantalang si Jake naman ay nakangiting humarap kay Lindsay.

“Lindsay, meet my girlfriend Mira. Mira siya si Lindsay ang kababata ko.”

Ngumiti si Lindsay sa akin ngunit ramdam ko na napipilitan lang ito at bahagya pa nga itong napakagat ng labi. Inabot ko ang aking kamay upang makipagkamay sa kanya. Tinanggap naman niya ito at muli na namang nagpakawala ng tipid na ngiti na parang hindi naman bukal sa loob.

Kaya siguro ako hinawakan ni Jake sa kamay ay para pagselosin si Lindsay. Kung hindi tanga si Jake ay makikita nito na tagumpay siya na pagselosin ang dalaga.

“Nice meeting you.” anito at ganun din ang itinugon ko sa kanya. Napakalambot ng kanyang kamay. Kamay pang mayaman.

“Mga kaibigan ko nga pala, sina Joseph at Janet.” pagpapakilala ko sa aking mga kasama.

Nakipagkamay naman kina Jake at Lindsay ang dalawa.

“Mira, mauna na ako. Text na lang kita” singit ni Joseph. Nginitian ko ito.

“Okay, salamat.” tugon ko sa kanya bago ito tuluyang umalis.

“Ako rin, una na ako.” si Janet naman ang sunod na nagpaalam.

“Kita na lang bukas ha.” sagot ko at kumaway .

Hinarap ko sina Jake at Lindsay at nginitian ko sila.

“Mauna na rin ako. Nice meeting you again Lindsay. ” paalam ko sa kanilang dalawa para mabigyan sila ng privacy. Alam kong mahalaga ang pagkakataong ito para kay Jake kaya ayaw kong makasira ng diskarte niya.

“Mira sandali, ihahatid na kita.” habol ni Jake sa akin.

“Naku wag na, may dadaanan pa kasi ako.” nais ko sanang senyasan si Jake na okay lang ako. Parang tanga naman kasi ito, dapat ay sinasamantala niya ang pagkakataon kesa pagselosin ito. Sasayangin lang ba niya ang pagkakataon na makasama sana ito?

“Jake, hindi mo ba ako ipapakilala sa girlfriend mo?” biglang sumulpot si Mark mula sa likod. Ang boyfriend ni Lindsay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status