Share

Chapter 4

Mira POV

Nakasubsob ako sa aking inuupuan habang hinihintay namin ang pagdating ng aming professor sa Physics 71. Ganito ako kapag medyo puyat at pagod sa trabaho. Napatunghay ako ng kalabitin ako ng lalaking nasa likuran ko. Akala ko ay dumating na ang aming professor.

“Mira, ikaw yata hinahanap niya.” anito na nakatingin sa pintuan.

Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan nito. Nakita ko si Jake na nakatayo at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano nito nalaman ang schedule ko at kung nasaan ako. Tumayo ako upang lapitan siya. As usual, ay sa amin nakamasid ang mga mapang-usig na tingin ng mga kaklase kong babae.

Bago pa man ako nagsalita ay hinawakan na agad ako ni Jake sa kamay at marahan akong hinila papalayo sa lugar na yun. Napasunod na lang ako sa kanya. Nauunawaan ko na ayaw nitong marinig ng iba ang pag-uusapan namin, dahil ganun din naman ang gusto kong mangyari.

“Anong oras labas mo mamaya?” anito ng makalayo na kami.

“Bakit?” takang tanong ko. Nakitang kong natawa si Jake sa sinabi ko.

“Magboyfriend tayo kailangan ko malaman schedule mo para alam ko kung kelan tayo pwedeng lumabas o kaya ay magdate.” anito.

Napaisip kasi ako kung bakit kailangan pa ng date eh hindi naman tunay ang relasyon namin.

“Kailangan ba talaga may date pa? Hindi ba pwedeng ganito lang? kunyari nag-uusap tayo.” suhestyon ko sa kanya.

“Syempre naman, para kahit paano magkakilala rin tayo. Paano na lang kung bigla tayong matanong ng mga kaibigan ko at wala tayong maisagot? Kailangan natin maging komportable sa isat isa.” paliwanag nito sa akin.

Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi ito ang inaasahan ko. Akala ko ay ipapakilala lang ako na girlfriend, hindi ko naman sukat akalain na dapat may activities din. Malaki naman ang ibabayad niya sa kaya walang problema sa akin yun.

“Araw araw may trabaho ako, 5pm hanggang gabi na yun. MWF 2:30 pm and then TTH 3pm wala na akong klase so yun lang ang available ako na makipagkita sayo. Tumango tango si Drake.

“So 2:30 labas mo ngayon?” tanong nito.

“Oo pero sasaglit muna ako sa library dahil may kailangan akong tapusing project, dun mo na lang ako puntahan mamaya.” saad ko.

“Okay.” anito at inabot sa akin ang cellphone niya.

“Paki-type mo phone number mo para mas mabilis ang communication natin.” patuloy nito.

Matapos kong itype ang number ko ay ibinalik ko sa kanya ang cellphone nya. Dinayal niya ang number na ibinigay ko at nagring agad ang aking cellphone.

“That’s me.” anito at parang sinesave na rin niya ang number ko.

“Wi..fey..” anito habang nakatingin sa kanyang cellphone. Mukhang WIFEY pa talaga ang inilagay niya sa phonebook. Sinave ko rin ang number niya, ITLOG naman ang inilagay kong pangalan sa phonebook ko. Bahagya akong natawa sa ginawa ko.

“Bakit ka tumatawa? Anong inilagay mo dyan?” dudang tanong nito sa akin at muntik na nyang agawin ang cellphone ko, mabuti na lang at mabilis ang aking kamay at naipasok ko agad ito sa aking bag.

“HEARTTHROB, yun ang sinave ko.” pagsisinungalin ko.

“Maniwala ako sayo.” diskumpiyadong sabi nito.

“Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap baka ma-late nako sa klase ko.” paalam ko rito.

“Walang kiss?” narinig kong sinabi nito.

“May bayad.” sagot ko at tuloy tuloy akong bumalik sa classroom. Narinig ko ang pagtawa niya bago ako tuluyang nakalayo.

Nang oras ng tanghalian ay nagtungo ako sa labas ng school at kumain sa malapit na kainan upang doon mananghalian. Dahil nagtitipid ay pansit na lang ang binili ko. Yun naman palagi ang kinakain ko, mga budget meals kagaya ng sopas , spaghetti at ngayon nga ay pancit. Kailangan ko lang nang pantawid ng gutom at mamaya sa bahay ay babawi na lang ako ng kain sa pagkain ng maraming kanin. Minsan naman ay nakakalibre ako ng pastry sa coffee shop.

“Yan lang kakainin mo?”

Nagulat ako ng makitang umupo sa harapan ko si Jake na may hawak na tray ng pagkain. Marami itong dalang pagkain at isa-isang inilapag sa lamesa.

“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba mamayang 2:30 pa tayo magkikita?” tanong ko.

“Napadaan lang ako tapos nakita ko na yan lang ang kinakain mo kaya ibinili kita ng pagkain.” anito. Napatingin ako sa kanya. May pagkapakialmero din pala ang lalaking ito.., in a good way.

“Hindi kasi ako kagaya mong maraming pambili. Salamat sa concern.” tapat kong sabi sa kanya.

“Ayoko lang na nagugutom ang girlfriend ko.” nakangiting sabi nito habang sinasandukan niya ako ng pagkain at inilalagay sa pinggan ko. Bahagya akong napatawa. Mukhang kinacareer na nga talaga nito ang palabas namin ah.

“Kumain ka, diko kayang ubusin yan.” alok ko sa kanya.

“Subuan moko.” anito at todo ang ngiti.

“Ang baduy naman ng drama mo.” natatawa kong sabi.

“Basta gawin mo na.” anito at ngumanga pa.

Mukhang tanga, sa isip isip ko. Sumandok ako ng pagkain at isinubo yun sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa dahil sa kakornihan nito. Kahit naman sya ay natawa na rin. Sabay kaming napabungingis.

“Oh diba mukhang tanga.” biro ko. Tumingin ito sa braso niya at hinaplos yun.

“Tumataas ang balahibo ko.” anito na kinikilabutan sa kanyang kakornihan. Muli na naman kaming nagtawanan.

“Hindi ka pa siguro nagkaka-girlfriend no? Parang hindi mo rin alam kung paano makipagdate kasi ang korni mo.” puna ko.

Tumango tango naman si Jake. Pinagmasdan ko siya, napakagwapo niya at maganda rin ang pangangatawan pero napaisip ako, so ibig sabihin ang laking tao nito pero virgin pa rin? May first kiss na kaya siya?

Nanlaki ang mga mata ni Jake at biglang bumilog ang bibig.

“Itigil mo yang iniisip mo, hindi nako virgin kung yan ang inaakala mo. Wala pa nga akong nagiging girlfriend pero marami naman akong karananasan sa babae.” tuloy tuloy na salaysay nito na parang napaka defensive.

“Wala naman akong sinasabing ganun.” natawa ako dahil parang nabasa niya ang iniisip ko. Ganun ba ako ka- transparent?

“Kitang kita ko dyan sa mga mata mo.” naniningkit ang mga mata nito na parang nagbababala na itigil ko na kung ano man ang iniisip kong mali tungkol sa kanya.

“Masyado kang defensive.” Pabiro kong sabi.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Ibang iba talaga siya sa mga naririnig ko mula sa kwento ng iba na suplado daw ito. Masaya palang kausap si Jake at madaling makagaanan ng loob. Pakiramdam ko ay magiging magkaibigan kami kahit tapos na ang trabaho ko sa kanya.

************

“Kailan kaya may mag-aalok sa akin na magpanggap ng gilrlfriend. Kahit 5k tatanggapin ko lalo na at may pa-free lunch pa.” nagbibirong sabi ni Janet. Nasa library kami ngayon at ikinwento ko kay Janet ang kasunduan namin ni Jake dahil alam kong mapapagkatiwalaan ko siya.

“Iba talaga pag mayaman, balewala lang sa kanila ang gumastos ng malaking halaga para sa mga walang kwentang bagay.” wika ko.

Para sa akin ay hindi naman ganun katindi ang problema ni Jake para gumastos ng malaking halaga. Palibhasa mga mayayaman, ayaw nilang nayayapakan ang kanilang pride.

“Ingat ka baka ma-inlove ka.” ani Janet. Pagak akong napatawa.

“Hindi mangyayari yun, marunong akong tumanggap ng realidad. Imposibleng magustuhan niya ako, at kahit konti ay wala akong nararamdaman kahit anong kilig pag magkasama kami.”

“Sa ngayon— O ayan na pala bf mong hilaw.” wika ni Janet na nakatingin sa lalaking papalapit.

Nakita ko si Jake na naglalakad papalapit sa akin.

“Mauna nako ha. Tandaan mo, bawal mainlove.” bulong nito bago umalis.

Umupo sa tabi ko si Jake habang isa isa kong isinisilid sa bag ang aking mga gamit.

“Bakit ka naririto?” tanong ko sa kanya.

“Diba sabi mo 2:30 ang labas mo at dito sa library kita pupuntahan?” tugon nito

“Oh… kala ko date na yung kanina?”

“Ikaw ha, binabarat mo ko.” pabirong sabi nito. Napatawa ako dahil tama naman siya. Akala ko ay makakalusot lang na hindi na namin kailangang lumabas pa.

Awtomatikong hinawakan niya ang kamay ko ng maglakad kami patungo sa sasakyan niya. Nagtungo kami sa park. Noong una ay gusto niyang sa restaurant kami magpunta ngunit busog pa ako kaya ako ang nagyaya na dito na lang kami sa park.

“So, sinong gusto mong pagselosin?” pag-uusisa ko kay Jake.

“Making her jealous isn't what I'm trying to do. Like what I told you, ayoko lang magmukhang kawawa. Kababata ko pareho sina Mark and Lindsay. Lagi kaming magkakasama simula pagkabata, now that the’yre dating ayokong maging third wheel after na bastedin niya ako.”

“Di hamak naman na mas gwapo ka dun sa Mark, bakit ka nabasted? May diperensya siguro siya sa utak.” balewala kong sabi. Tumingin naman sa akin si Jake at may ngiting sumilay sa mga mata nito.

“So, nagu-gwapuhan ka sa akin?” tanong nito

“Oo naman, anong palagay mo sa akin, bulag? Scholar ako kaya hindi ako kagaya ng babaeng mahal mo na may tama sa utak.” tugon ko sa kanya.

“So crush mo ko?” mabilis na tanong ni Jake sa akin.

“Hindi no, nagugwapuhan lang.” pagtatama ko.

“Sakit naman nun, kasi ako crush kita.” ani Jake.

Natigilan ako sa narinig at napatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin sa aking mukha.

“Hindi naman kita aaluking maging girlfriend ko kung hindi ako attracted sayo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status