Share

Chapter 3

Mira POV

8:45 pm nang lumabas ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Tanaw ko na agad si kuya Alfred sa labas, ang aking nag-iisang kapatid. Nakatayo ito sa gilid ng kanyang motor. Sigurado akong kanina pa siya naghihintay sa labas.

“Kanina ka pa no?” nakangiti kong bati sa kanya.

“Kadarating lang.” tanggi nito.

Inabot nya sa akin ang helmet upang isuot ko. Alam kong nagsisinungalin siya. Dahil kita ko sya mula sa loob ng coffee shop na kanina pa naghihintay. Nakapabait ng aking kapatid at sinisiguro nito na ligtas ako palagi kaya palagi niya akong sinusundo sa trabaho.

Nakakalungkot lang na walang ibang nakakaalam na magkapatid kami dalawa. Anak siya sa pagkadalaga ng aking ina. Medyo may pagkamatapobre ang mga magulang ni papa kahit hindi naman sila kayamanan. Upang matanggap siya ng pamilya ni papa ay kailangan nitong ilihim na anak ni mama si kuya. Mag-lilimang taon pa lang noon si kuya nang magpakasal ang aking mga magulang. Pinalabas nilang anak siya ng katiwala. Lumaki kami sa ganung set-up. Nang mamatay ang katiwala namin ay pinalabas na kinupkop na lang ng mga magulang ko si kuya. Habang tumatanda ay nauunawaan ko ang nakakaawang sitwasyon niya kaya mas lalo ko pa siyang minahal. Lumaki kaming malapit sa isa't isa.

Maayos naman siyang tinrato ni papa habang lumalaki ngunit ng sabay namatay ang aking mga magulang mahigit isang taon na dahil sa car accident. Sariwa pa sa akin ang sugat ng kanilang pagkawala. 19 years old na ako ngayon ngunit ang masaya sanang buhay ko bilang teenager ay hindi ko na nararanasan.

Bago sila namatay ay nakapasa na ako bilang scholar sa university na pinapasukan ko. Kahit pa nawala na sila ay itinuloy ko pa rin ang pag-aaral dahil bata pa lang ako ay pangarap ko nang maging isang engineer. Hindi rin naman ganun kadaling matanggap na scholar sa paaralang pinapasukan ko. Sa dami ng nagapply ay iilang lang kaming nakapasa. Suportado rin ni kuya ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral tutal ay wala naman akong tuition f*e na poproblemahin. Inaabutan ako ni kuya ng baon noong una nung hindi pa ako nagtatrabaho. Ngayon ay hindi na ako umaasa sa kanya ng pang-araw na araw kong gastos. Kahit mga pambili ko ng project at libro ay nabibili ko narin kaya naman galit na galit si tiya Carmen dahil sa halip na ibigay ko kanya ang buong sweldo ko ay napupunta pa raw ito sa pag-aaral ko.

Hindi naging maganda ang pakitungo kay kuya Alfred ng nag-iisang kapatid ni papa na si tiya Carmen. Alila ang tingin niya dito. Hindi na ako magtataka kung ganun niya tratuhin ang aking kapatid, dahil kung ako ngang kadugo na nila ay parang alila din kung ituring ng mga ito. Panay ang sumbat na naririnig ko sa kanila kaya minabuti ko na rin na magtrabaho para wala silang masabi sa akin.

Kung tutuusin ay malaki ang nagiging pakinabang nila sa aming magkapatid ngunit ganunpaman ay hindi nila yun nakikita.

Wala na rin akong lolo at lola bago pa man mamatay ang aking mga magulang kaya kay tiya Carmen kami naiwan. Biyuda ang aking tiyahin at kaedad ko ang nag-iisa nitong anak na babae. Ipinagbili niya ang bahay ng aking mga magulang at umupa ng mas maliit. Sa sofa natutulog si kuya Alfred kaya kapag may bisita si tiya Carmen ay kailangang maghintay ni kuya na makaalis ang mga ito bago siya matulog. Mabuti nga at hindi siya pinalayas. Syempre, dahil may pakinabang sila sa kapatid ko.

Nagtatrabaho si kuya sa construction company na gumagawa ng mga building. Nakapagtapos siya ng vocational course bago mamatay sina mama at papa. Natanggap siyang messenger sa kompanya kaya kahit hindi kalakihan ang sweldo ay malaking tulong na rin yun at tuwing sahod nito ay ibinibigay niya yun sa aking tyahin. Ganun din ang sitwasyon ko, isinusumite ko sa kanya ang aking sweldo, hindi pwedeng hindi. Upa daw namin yun at bayad sa pagkain.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may bank book kami ni kuya at nag-iipon kami unti-unti para makalayo na sa kanila. Ngunit paano kami makakaipon kung palagi nilang kinukuha ang sweldo namin? Yung ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang alok ni Jake. 50k pa lang ay sobra sobra na kung tutuusin.

Nadatnan ko si tiya Carmen na nanonood ng tv ng dumating kami. Naawa na naman ako kay kuya dahil siguradong maghihintay na naman itong matapos ng aking tyahin ang pinapanood bago pa siya matulog. Kapag ganun ay umuupo na lang ito sa may kusina at doon nakakatulog. Lumilipat siya sa madaling araw kapag naalimpungatan at wala ng ibang tao sa salas.

“Akina sweldo mo.” yun agad ang bungad ni tiya Carmen sa akin.

Inaasahan ko na yun kaya kanina ko pa inihanda ang pera. Inabot ko ang sobre sa kanya. Kumunot ang noo nito.

“Bakit 2000 lang?” hindi masaya ng tono ng boses nito.

“Konti lang po kasi yung oras na ibinibigay nila sa amin.” paliwanag ko ngunit ang totoo ay bumawas ako upang idagdag sa aking ipon. Lalagpasan ko pa sana siya ng muli itong nagsalita.

“Pacollege-college ka pa kasi kaya hindi ka makakuha ng permanenteng trabaho. Wala ka namang mapapala dyan sa pag-aaral na yan at sa pag-aasawa din lang naman ang bagsak mo.” pagtataray nito.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil sanay na ako sa pagsesermon nito. Dumiretso ako ng kusina upang maghugas ng mga pinggan. Hindi mo maaasahang maghugas ng kanilang pinagkainan sina tiya Carmen at anak nitong si Deserie. Pagpasok ko ng kusina at nakita kong hinuhugasan na ni kuya ang mga pinggan.

“Ako na bahala dito, magpahinga ka na.” anito na abala sa mga hugasin sa lababo.

“Kuya…” nahihiya kong sabi. Tumingin si kuya sa akin at ngumiti.

“Dito rin naman ako tatambay hanggang sa matapos sa panonood si tyang kaya ako nang bahala rito.”

“Salamat, basta bukas ako naman ha.” wika ko.

Tumango lang ito para patahimikin ako dahil siguradong uunahan na naman niya ako bukas. Nagpaalam ako kay kuya bago ako umakyat sa kwarto. Naabutan kong may kausap si Deserie sa telepono. natutulog kasi kami sa iisang kwarto. Dalawa lang ang silid dito sa bahay na inuupahan namin. Sa double deck kami natutulog ni Deserie at nakapwesto ako sa itaas. Tumigil ito sa pagsasalita ng makita ako.

“Mira, paki-plantsa ng uniform ko para bukas.” anito at muli na namang bumalik sa pakikipag-usap sa telepono.

Kinuha ko ang plantsa at sinimulang plantsahin ang school uniform nito. Graduating ito ng senior high school. Nasa college na rin dapat ito ngunit bumagsak ito at hindi naka-graduate kaya balik senior high ngayong taon.

Matapos kong plantsahin ang kanyang uniporme ay sarili ko naman ang inasikaso ko. Bumaba ako upang linisin ang aking katawan sa banyo bago matulog. Maswerte nga ako ngayon araw dahil hindi ako nakatanggap ng pamamalo mula kay tiya Carmen. Kung nagkataong lasing ito o kaya ay talo sa sugal, baka pinaghahampas na naman ako nito dahil maliit ang perang inabot ko sa kanya. Ganito ang araw araw kong buhay.

Bago mag-alas sais ng umaga ay gising na ako upang magluto ng aalmusalin ni Deserie. Wala itong kaalam-alam sa gawaing bahay. Lahat ay asa na lang sa iba. Si kuya naman ay paalis na para magtrabaho. Ipinaghanda ko siya ng tanghalian niya. Inilagay ko sa lumang container ang kanyang pagkain at isinilid ko sa kanyang bag na pangtrabaho.

Tanghali na kung gumising si tiya Carmen kahit pa may tindahan ito sa palengke kaya palaging tanghali na itong magbukas. Sinasamantala ko naman ang oras na yun upang magbasa at gumawa ng homework. Kapag nasa paligid lang sina Deserie at tiya Carmen at minamabuti kong umalis na lang, pumasok ng maaga at tumambay sa library o kaya naman ay sa trabaho para lang umiwas sa mga ito dahil wala silang ibang gagawin kung di ang utusan ako. Kaya nga ganun na lang inis ko nang pati sa school ay sinusundan ako ng problema. Yun sana ang lugar kung saan ako makakahanap ng kapayapan upang kalimutan ang problema sa bahay.

Pansamantala ay pinagtitiisan ko muna ang ganitong sitwasyon namin ni kuya. Hindi magtatagal ay aalis din kami at magpapakalayo layo. Malayo dito sa Manila, para maka-pamuhay kami ng malaya kapag sapat na ang aming ipon. Kapag natapos ko na ang trabaho ko kay Jake ay maaari na kaming umalis ni kuya Alfred at magsimula.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status