Share

Chapter 2

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mira POV

“Bye sir!” halos sabay sabay na binigkas namin ng lumabas ang kanilang guro at isa-isa na rin kaming naglabasan.

“May trabaho ka ba ngayon?” tanong ni Janet sa akin habang naglalakad kami palabas ng silid aralan.

“4 hours ang shift ko ngayon. Ikaw ba?” sagot ko.

Nagtatrabaho ako ngayon sa isang coffee shop. Ilang oras lang naman ang trabaho ko kaya naisisingit ko ito sa pag-aaral.

“Naku night shift ako, siguradong puyatan na naman to.” ani Janet. Stocker naman sa isang groceries ang kanyang part time job.

Paglabas namin ng silid ay agad naming nakitang nakasandal sa pader ng hallway si Jake at nakahalukipkip. Hindi na rin kataka- takang nakatambay pa rin ang mga kaklase kong babae sa hallway, dahil andun lang naman ang heartthrob ng school. Nang magsalubong ang aming mga mata ay dumiretso ito sa pagkakatayo.

“Ayan na boyfriend mo.” bulong ni Janet.

“Excuse me hindi ko siya boyfriend no.” mariin kong tanggi.

“Eh bakit, ipinagkakalat niya na girlfriend ka na daw niya?” anito.

“Sira-ulo yan!”

Simula kasi nung bigyan nya ako ng itlog na pula ay instant celebrity agad ako sa school at hindi ko ikinatutuwa yun, dahil ang tahimik kong mundo ay nagulo. Hindi ko na-enjoy ang gabing yun sa team building dahil ako ang naging tampulan ng tsismis ng mga estudyanteng Marites. Magaling sana kung maganda ang naririnig ko ngunit puro panlilibak lang ang natatamo ko sa mga kapwa estudyante.

“What does he see in her?”

“Gosh! She’s so cheap.”

“Wala siyang panama kay Lindsay”

Umuwi kami galing team building last Sunday. Wednesday na ngayon at ngayon ko lang ulit nakita itong si Jake. Noong Monday ay kumalat na boyfriend ko daw si Jake dahil sa bibig pa raw mismo nito nanggaling na kami na.

Si Jake ay dream boyfriend ng mga kolehiyala. Yung ma-link lang sa isang Jake Santillanes, kahit pa hindi totoo ay isang kasiyahan na para sa ibang babae. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay sobrang nagwapuhan na ako dahil hindi naman ako bulag pero kahit minsan ay hindi ko siya pinantasya o kahit sino mang lalaki dahil napakarami kong pinagdaraanang problema sa buhay upang isipin ang tungkol sa usapang puso.

Mas maraming importanteng bagay ang umookupa sa utak ko ngayon. Mamaya pag-uwi ko ng bahay, malamang ay may panibago na naman akong poproblemahin. Gustong gusto kong pumapasok sa school at magtrabaho dahil pakiramdam ko ay nakawala ako sa hawla ng problema ngunit sinira ito ni Jake.

“Sa kabila tayo dumaan” bulong ko kay Janet. Tumalikod kami upang hindi kami mapadaan sa harapan niya.

“Wifey!” sigaw ni Jake at hinabol ako.

Nagkatinginan kami ni Janet sa narinig at pareho pa kaming napangiwi.

“Kadiri!” kinikilabutan kong sabi. Ang cheesy! Tawang tawa naman si Janet.

Mabilis na nakalapit sa amin si Jake at nasa harapan ko na agad ito.

“Pwede ba tayong mag-usap?” aniya.

“Una na ako, may daraanan pa ako sa library.” wika ni Janet.

Alam kong iniwan lang talaga niya ako para magkasarilinan kami ni Jake. Hindi ko pinansin si Jake at dire-diretso ako sa paglalakad. Alam ko namang susunod pa rin ito dahil kita ko sa mukha niya na determinado ito sa gustong mangyari.

“Maghanap ka na lang ng ibang pwede mong gawing panakip butas.” agad kong sinabi sa kanya.

Alam ko naman kung ano ang pinaplano ng lalaking ito. Ang palabasin na girlfriend ako upang hindi siya magmukhang kawawa dahil binasted siya ni Lindsay. Hindi ako naging scholar para hindi ko agad magets ang obvious naman na plano nito.

“Diba pumayag ka na? Wag mong sabihing umaatras ka?” ani Jake habang naglalakad kami.

Kami lang dalawa ang nagkakarinigan pero kita kong nakatingin sa amin ang mga estudyante sa paligid.

“Sinabi ko lang naman yun para umalis ka dahil ihing ihi na ako. Saka ano namang mapapala ko sayo.” sagot ko.

“Andaya mo, wala na dapat bawian yun. Alam na rin ng buong campus na tayo na.” ani Drake.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

“Pwede ko namang ipagkalat ng break na tayo. Isang sigaw ko lang ngayon na break na tayo, malalaman na nila.” wika ko dito.

Binigyan ko siya ng sarkastikong ngiti. Hindi niya ako basta mapapasunod sa childish game niya. Ngumiti naman ito ng nakakaloko. Hinugot nito ang cellphone sa kanyang bulsa at itinaas.

“May video ako dito na umiihi ka.” nakakalokong sabi nito.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Mabilis kong tinalon ang kanyang cellphone upang agawin yun ngunit napakatangkad ni Jake at hindi ko ito maabot. Hindi ako sigurado kung may video nga ba ito o wala pero kailangan kong makasiguro.

Sa katatalon ko ay napasubsob ako sa kanya at napayakap. Kinawit ng kaliwang kamay niya ang likod ng aking beywang upang alalayan akong huwag matumba habang ang kanang kamay nito ay nakataas pa rin hawak ang cellphone.

“Burahin mo na please!” naiiyak kong sabi dito habang yakap pa rin niya ako.

Napansin niya marahil ang pagpiyok ng aking boses dahil nakita ko na rumehistro ang pag-aalala sa mga mata nito. Lumuwag ang pagkakayakap niya at lumayo ako.

“Walang video. Hindi ko gagawin yun” pag-amin nito.

Bigla akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niya.

“Sorry na, wag ka nang umiyak. Baka sabihin nila kabago bago natin, pinaiiyak na agad kita.” mahinahong sabi nito.

"Hindi naman kasi nakakatawa yang joke mo." saad ko na nakatingin sa kanya.

"Sorry!" sinserong winika nito.

Pinahid ko ang namumuong luha sa aking mga mata.

“Ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Bakit mo ba ito ginagawa?” mahinahon kong tanong sa kanya.

“Binasted ako ng nililigawan ko, ayokong magmukhang kawawa. Babayaran kita pumayag ka lang.” mabilis na salaysay nito.

“Bakit ako? Bakit kailangan mo pang magbayad eh isang sabi mo lang sa mga babae dyan siguradong may instant gf ka na agad?” tanong ko sa kanya.

“It’s very obvious that you have no interest in me. Any other women I choose will likely be clingy and want a commitment” paliwanag niya.

“And also, you're gorgeous. Even in a fake relationship, I have to choose someone I can show off.” patuloy nito habang nakatitig sa aking mukha.

Napailing ako sa sinabi niya. Talagang bobolahin pa ako para lang mapapayag niya.

Tutal balita na rin naman ako sa buong school at puro panlilibak mula sa mga estudyanteng babae ang natatanggap ko ay mabuti pang mapakinabangan ko na rin ito. Kailangan ko pa naman ng pera ngayon.

“Magkano?” tanong ko. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Jake.

“25 thousand pesos.” tugon nito.

“Doblehin mo papayag ako.” hirit ko sa halagang binaggit niya. Malaking halaga na para sa akin ang 25k pero sinusubukan ko lang kung lulusot ang hirit ko.

“Okay.” anito na hindi na nag-isip pa. Muntik na akong mapanganga ng pumayag agad ito.

“Okay pero one month lang.” pagkaklaro ko sa kanya.

“Hindi ba pwedeng 2 or 3 months para hindi halata?” tawad pa ni Jake.

“Basta ba babayaran mo ‘ko eh.” wika ko. Siya ang may kailangan sa akin kaya ako ang magdedemand.

“Sure, I’ll pay you 50k in advance and then 50k each month. Basta 3 months kitang girlfriend.” mabilis nitong sagot.

Lihim akong napailing. Mabuti pa ito, balewala lang na gumastos ng ganung kalaking halaga na ni hindi man lang kumukurap. Samantalang ako, ilang buwan ko pa kailangang pagtrabahuhan para lang magkarun ng ganung kalaking halaga. Okay na nga ako kahit sa 25k lang eh. Nakalusot lang yung hirit ko kaya mas pabor sa akin.

“Okay deal.” nakangiti kong sabi. Hindi mo iisipin kanina lang ay muntik na akong umiyak.

Inilahad ko ang aking kamay bilang pakikipagkasundo sa kanya at inabot niya ito. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang dadampian niya ng halik ang ibabaw ng aking kamay. Never pa akong nagkaboyfriend at ni minsan ay ni hindi ko pa naranasan kahit pa ang makipagholding hands sa lalaki maliban na lang sa aking kapatid.

“Maraming nakamasid, hindi naman nagsh-shake hands ang magboyfriend.” wika ni Jake matapos niya bitawan ang aking kamay.

“Mauna na ako, may trabaho pa ako.” paalam ko at tinalikuran ko na siya. Hindi naman ako nagmamadali pero gusto ko lang umiwas dahil ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa aking kamay.

“Ihahatid na kita.” alok nito habang sumasabay ng lakad sa akin.

“Hindi na kailangan, basta bayaran mo na lang ako.” tanggi ko sa kanya.

“Kailangan kong gawin ito dahil ang alam ng lahat, girlfriend kita.” pagpupumilit niya.

May kakulitan din pala ang lalaking ito. Ibang iba talaga ito sa impresyon ng mga estudyante na suplado ito. Mukha din naman siyang mabait kaya hidi rin ito nahirapan ng kumbinsihin ako. Hindi ako tumugon pero alam niyang sumasang-ayon ako sa gusto niya.

Nagulat na naman ako ng hawakan niya ang aking kamay. Napatingala ako sa kanya at ngumiti lang ito sa akin. Hindi na ako nagsalita dahil alam kong parte lang ito ng pagpapanggap namin. Naramdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib, wala akong karanasan sa mga ganitong bagay kaya ang simpleng paghawak ng kamay na balewala lang para sa kanya ay napakalaking bagay na para sa akin. Nais ko sana na sa unang kasintahan ko ito maranasan. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na kamay lang naman yun at hindi kabawasan sa aking págkababae.

Pinagbuksan ako ni Jake ng pintuan ng kanyang sasakyan bago ito nagtungo sa driver’s seat. Ramdam ko ang inggit sa mga matang nakatingin sa akin hanggang sa makasakay ako sa sports car niya. Hindi naman ako yung tipo na magpapa-apekto sa sasabihin ng ibang tao dahil may ibang laban ako sa buhay na mas pinagtutuunan ko ng pansin. Isa pa ay kailangan ko ng pera para makalayo na kami ni kuya Alfred sa napaka-lupit kong tiyahin.

Kara Nobela

Kayo po ay nagbabasa ng MY CEO'S REGRETS --- Author:KARA NOBELA

| 54
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Nan
Nice story
goodnovel comment avatar
buj gqab
naku huh..dear kakaibang kwento to
goodnovel comment avatar
8514anysia
nako po mrming pwdng mngyari s 2-3months gurl...ingat hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 3

    Mira POV8:45 pm nang lumabas ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Tanaw ko na agad si kuya Alfred sa labas, ang aking nag-iisang kapatid. Nakatayo ito sa gilid ng kanyang motor. Sigurado akong kanina pa siya naghihintay sa labas.“Kanina ka pa no?” nakangiti kong bati sa kanya.“Kadarating lang.” tanggi nito.Inabot nya sa akin ang helmet upang isuot ko. Alam kong nagsisinungalin siya. Dahil kita ko sya mula sa loob ng coffee shop na kanina pa naghihintay. Nakapabait ng aking kapatid at sinisiguro nito na ligtas ako palagi kaya palagi niya akong sinusundo sa trabaho.Nakakalungkot lang na walang ibang nakakaalam na magkapatid kami dalawa. Anak siya sa pagkadalaga ng aking ina. Medyo may pagkamatapobre ang mga magulang ni papa kahit hindi naman sila kayamanan. Upang matanggap siya ng pamilya ni papa ay kailangan nitong ilihim na anak ni mama si kuya. Mag-lilimang taon pa lang noon si kuya nang magpakasal ang aking mga magulang. Pinalabas nilang anak siya ng katiwala. Lumaki kam

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 4

    Mira POVNakasubsob ako sa aking inuupuan habang hinihintay namin ang pagdating ng aming professor sa Physics 71. Ganito ako kapag medyo puyat at pagod sa trabaho. Napatunghay ako ng kalabitin ako ng lalaking nasa likuran ko. Akala ko ay dumating na ang aming professor.“Mira, ikaw yata hinahanap niya.” anito na nakatingin sa pintuan.Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan nito. Nakita ko si Jake na nakatayo at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano nito nalaman ang schedule ko at kung nasaan ako. Tumayo ako upang lapitan siya. As usual, ay sa amin nakamasid ang mga mapang-usig na tingin ng mga kaklase kong babae.Bago pa man ako nagsalita ay hinawakan na agad ako ni Jake sa kamay at marahan akong hinila papalayo sa lugar na yun. Napasunod na lang ako sa kanya. Nauunawaan ko na ayaw nitong marinig ng iba ang pag-uusapan namin, dahil ganun din naman ang gusto kong mangyari.“Anong oras labas mo mamaya?” anito ng makalayo na kami.“Bakit?” takang tanong ko. Nakitang kong nataw

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 5

    Mira POV“Napapayag mo na akong maging fake girlfriend mo kaya di mo na ako kailangang bolahin.” tugon ko sa kanya.“I'm serious. I’m physically attracted to you. I think you're very beautiful. Sabi mo nga diba nagugwapuhan ka sa akin? The feeling is mutual so bakit hindi na lang natin totohanin?” paliwanag nito.Oo nga, sa isip isip ko. Physically attracted din ako sa kanya pero hanggang doon lang. Ano naman kaya ang mangyayari sa amin kung magiging kami? Siguradong napakaboring nun.“Para sa nagmamahalan lang yun.” tugon ko sa kanya.“Pwede nating subukan, malay mo madevelop.” anito. Kung hindi ko lang alam na inlababo ito sa ibang babae ay iisipin ko na seryoso nga ito sa sinasabi niya.“Ayoko, baka hindi mo ako bayaran. Ikaw ha, para-paraan ka para makaligtas ka sa bayarin.” pabiro kong sabi.“Hindi ah, marami akong pera.”Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Hindi nakawala sa akin ang pantay pantay nitong ngipin na halatang alaga ng dentista. Ang gwapo lalo nito kapag tumatawa.

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 6

    Mira POV“Hay salamat, natapos din natin. Akalain mo yun, one month pa ang due nitong project natin pero tapos na natin.” wika ko na pinapasadahan nang tingin ang blueprint na katatapos lang naming gawin ni Janet.“Buong araw ba naman nating gawin to, ewan ko na lang.” wika ni Janet na proud na proud sa sarili.“Worth it talaga kesa makigulo sa activities nila dyan sa labas.” dugtong ko pa.Kasalukuyang may nagaganap na Art Festival sa loob ng university kaya wala kaming klase ngayon. Sa halip na makisali sa kasiyahan ay pinili namin ni Janet na tapusin na lang ang aming proyekto. Sa mga kagaya naming working students ay napaka-importante para sa amin ang bawat minuto.“1pm pa lang, gusto mo sumilip tayo sa fest, bago tayo dumiretso sa mga trabaho natin?” suhestyon ni Janet.“Sige, bakit hindi.” tugon ko. Kahit hindi naman ako intresado sa mga ganung aktibidad at gusto ko ring makita kung ano ang nagaganap. Sisilip lang ako mabilis tapos didiretso na ako sa trabaho.Paglabas na paglaba

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 7

    Mira POVTumingin si Mark sa akin at ngumiti. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.“Hi, I’m Mark.., Jake's best friend.” hindi na niya hinintay si Jake at kusa na nitong ipinakilala ang sarili. Mukhang mabait din itong si Mark. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Mas malakas nga lang ang dating ni Jake dahil mas maganda ang katawan nito kesa kay Mark at mas magaling pumorma. Samantalang si Mark ay simple lang manamit at natatakpan ng reading glasses ang gwapo nitong mukha.Nakipagkamay ako sa kanya.“Nice meeting you.” kiming ngiti ang iginanti ko sa kanya.“Finally, nameet ko na rin ang babaeng crush na crush ng kaibigan ko.” anito. Napakunot naman ang aking noo. Maging si Lindsay ay biglang napatingin sa nobyo.“What did you say?” mabilis na tanong ni Lindsay.“Kung alam mo lang, panay ang papansin nito sayo matagal na, panay ang pa-cute sayo pero hindi mo pinapansin. Nagulat na lang ako na kayo na pala. Paano ka na-uto ng kaibigan ko ha? Natatumbling ba siya sa harapan mo para mapan

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 8

    Mira POVFrom Jake: Hi Mira, Ihahatid kita mamaya. See you soon!Kanina ko pa tinitingnan ang screen ng aking cellphone. Normal na text lang naman ito mula kay Jake pero kanina pa ako hindi mapakali. Kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Nais kong tuktukan ang aking ulo dahil sa aking ginawa. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kukote ko kahapon para biruin ng ganun si Jake. Kahit naman nerd ay may sense humor ako kaso masyado yata akong naging komportable sa kanya at hindi ko na naisip na medyo napasobra na yata ako sa pagbibiro.Wala lang naman sana ang birong yun kaso bigla lang itong nag-iba dahil sa reaksyon ni Jake. Akala ko nung una ay mauuwi lang kami muli sa kantyawan at tawanan kagaya ng dati. Hindi ko sukat akalain na seseryosohin niya yun.“Mira, You have no idea what I'm capable of. Lalo na at tayong dalawa lang dito kaya wag mo nang uulitin yan kung hindi mo kayang panindigan.”Umaalingawngaw pa rin sa aking utak ang mga salitang binitawan niya. Buong mag

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 9

    Mira POVKatakot takot na kantyaw ang narinig ko mula sa kanya bago kami nakaalis sa school at niyaya niya akong lumabas. Nakatambay kami ngayon sa park na lagi naming pinupuntahan. Parehong bubble tea ang iniinom namin.“Sa tingin ko, may gusto sayo si Lindsay. Iba yung tingin nya sayo eh.., kita ko rin yung lungkot nung ipakilala mo ako sa kanya.”Mapaklang natawa si Jake.“Believe me, yan din ang akala ko kaya nga umasa ako. Ganun lang talaga si Lindsay. Maamo lang talaga ang mukha nya kaya akala mo malungkot.”“Ewan ko, pero sa tingin ko talaga pareho lang kayong may gusto sa isa’t isa. Sayang naman.” nanghihinayang kong sabi.“Parang tayong dalawa? Pareho naman nating crush ang isa’t isa, Sayang naman.” anito na parang ginaya lang ang sinabi ko.Umikot ang aking mata dahil eto na naman siya. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Jake.“I’m serious Mira, I really like you. Why don't we give it a chance?” anito na nakatingin sa akin.“Nagde-date naman tayo ah, ano pa bang ipinagka-iba

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 10

    Jake POVItetext ko sana si Mira upang alamin kung nasa school siya ngayon at yayain siya mag-ikot ikot dahil may Art fest ngayon sa university ng lumapit si Lindsay sa akin.“Jake, samahan mo naman ako sa fest, male-late ng kasi ng konti si Mark.” anito.“May pupuntahan kasi ako ngayon.” mabilis kong tugon.Nang tingnan ko siya ay parang naluluha ang kanyang mga mata.“Kailangan ko lang ng makakausap.”Tatanggihan ko pa sana siya ngunit nang makita ko ang maamo at malungkot niyang mukha na parang nagsusumamo ay wala na akong nagawa kundi ang umoo. May problema na naman siguro ito sa bahay nila. Isinuksok ko sa bulsa ng aking pantalon ang aking cellphone at sinamahan siya.Ilang minuto rin kaming naglakad lakad sa mga booth.“I’m glad na pumayag ka Jake. Ang saya ko ngayon.” nakangiti ito sa akin. Kung hindi lang niya ako binasted ay iisipin ko talaga na inlove siya sa akin dahil sa kung paano siya tumingin. Dahil din doon kaya nahulog ang loob ko sa kanya.“You know I’m always here wh

Latest chapter

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Last Chapter

    Mira POV“Oi, bawal yan!” nagulat ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.Mariin akong napapikit. Nakakahiya!“Bat dyan ka umiihi, alam mo bang bawal dyan?” wika nito.Nilingon ko kung saan nagmumula ang pamilyar na boses. Laking gulat ko ng makita si Jake na nakatayo si gilid ko sa hindi kalayuan.OMG! Dejavu… si Jake na naman?!?!“Pwede ba umalis ka dyan!” sigaw ko rito.“Bakit ako aalis, eh mas nauna ako rito?” ani Jake. Kita ko sa mga mata nya ang nakakalokong ngiti.Oh God! Ganitong ganito ang nangyari sa first encounter namin.“Hoy lalaki, lumayas ka dyan!”“Infairness, amputi at ang kinis.” wika ni Jake at pilyong ngumiti. Ganitong ganito rin ang sinabi niya noon. Ni hindi man lang niya binago ang linya.“Hoy manyak! Ako ang ina ng anak mo kaya utang na loob, lumayas ka dyan. Sasabog na ang ihi ko.”“Okay, sa isang kondisyon.” ani Jake.Haaaay… Eto na naman siya sa kondisyon niya!“Ano?!?!”“Magpakasal ka sa akin.” anito.Nais kong matawa sa sinabi nito. Susuplahin ko pa san

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 53

    Mira POV Inihatid ako ni mang Luis sa isang beach kung saan ginaganap ang team building. Nabanggit na rin ni Jake sa akin na kumuha siya ng private house para sa amin kaya dun na ako dumiretso. Nakabukod ito sa tinutuluyan ng mga empleyado kaya hindi ko sila nakita. Nangingiyak ngiyak na ako habang naglalakad upang harapin si Jake. Araw araw na lang siyang nagyayang magpakasal tapos may kababalaghan pala siyang ginagawa. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako ng makita ang buong pamilya ni Jake na naririto ngayon, ganun din sina Mark at Lindsay. Pati sina kuya Alfred at ate Myla ay naririto rin. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan ng dumating ako. Nakangiting tumayo si Jake ng makita ako upang lumapit. Yayakapin at hahalikan niya sana ako ngunit itinulak ko siya. “May babae ka ba?” tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito. Nawala ang tawanan at bigla tumahimik ang paligid. “Sagutin mo ako, may babae ka ba?” namumuo ang luha sa mga mata ko. “Babe.. anong sinasabi mo?”

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 52

    Mira POV Isang araw bago ang team building ay dumating ang mga magulang ni Jake sa bahay ni lola Cecilia. Kagabi lang binanggit ni Jake ang tungkol kay Jacob kaya nagkukumahog ang mga ito na lumuwas ng probinsya para makita ang kanilang apo. Halatang halata sa mga ito na ang kasabikan na makita si Jacob. Mas lalo pa ang mga itong hindi magkandatuto nang makita kung gaano kataba at kacute ang apo. Wala rin kasing kaduda duda na mag-ama sila ni Jake dahil para silang pinagbiyak na bunga. “Napakaganda naman pala ng nobya mo.” magiliw na sabi ni Maritha Santillanes ang ina Jake. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang buong puso nitong pagtanggap sa akin, ganun din ang ama nitong si Jake Santillanes Sr. Nagtungo kami sa restaurant ni Lindsay ng gabing yun upang doon kaming lahat magdinner. Naroon din si Jasmine ang anak ni Lindsay. Ilang beses na rin silang nagkita ni Jacob para sa playtime at magkasundong magkasundo ang dalawa, palibhasa ay magkaedad lang ang mga ito. Bago magsimula an

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 51

    Mira POVPara akong napako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga matang napatingin kay lola. Bigla akong kinabahan, dahil ngayon ko lang narealized na hindi pa nga pala ako dinadatnan ngayong buwan.Napatingin ako kay Jake na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata.“O, hindi ka na nakasagot dyan?” ani lola.“La, hindi pa naman po sigurado.” ani Jake na nakalapit na agad sa akin. Halata sa mukha nito ang nag-aalala para sa akin.Isang malakas na lagapak ang nangyari nang hampasin ni lola ng hawak nitong pamaypay ang braso ni Jake.“Hind yun ang punto kong damuho ka. So, ginagapang mo pala si Mira sa kwarto nila!”“La, mali ka. Siya ang gumagapang sa kwarto ko.” nakakalokong sabi ni Jake. Alam kong nagbibiro lang ito pero baka sabihin ni lola na ako talaga ang gumagapang sa kanya.“Ang kapal mo! Kinukulit mo kaya ako kahit katabi ko si Jacob, alangan namang dun natin gawin.”Lumawak ang ngiti ni Jake samantalang natutop ko naman ang aking bibig dahil sa nasabi ko. Si lola naman ay nan

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 50

    Mira POVSi lola Cecilia ang pinakamabait na lola na nakilala ko. Ngunit ibang klase siyang dumisiplina. Kahit sarili nitong apo ay hindi kinukunsinti ang kamalian. Hindi siya nakakalimot na paalalahanan ako na huwag akong basta lalambot kay Jake. San-ayon naman ako sa kanya na dapat paghirapan nitong makuha muli ang aking pagtitiwala, according sa utak ko.Kaso iba ang binubulong ng puso at katawan ko. Masyado akong marupok pagdating kay Jake. Siguradong madidisappoint si lola sa akin kapag nalaman niyang ilang linggo na kami ni Jake na gumagawa ng milagro gabi-gabi. Kapag tulog na ang lahat ay patago kaming nagtatagpo sa kanyang silid.Balak ko namang sabihin sa kanya ngunit naghihintay lang ako ng mga 2 o tatlong linggo pa para hindi naman hindi masyadong halata na maaga akong bumigay sa apo niya. Hanggang ngayon kasi ay tinitiis niya ang kanyang apo. Tinataray tarayan pa rin niya si Jake at kinukutusan tuwing may pagkakataon.“Hanggang kelan mo ba gagawin to?” tanong ni Jake nang

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 49

    Mira POVNang medyo nahimasmasan ay tumayo na ako at lumabas ng bangko. Paglabas na paglabas ko ay nakita ko ang pagbaba ng isang pamilyar na mukha mula sa isang sasakyang nakaparada sa harapan ng banko. Walang iba kundi si Lindsay!Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya. Parang nabiyak ang aking puso nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit ako iniwan ni Jake. Ang babaeng mahal na mahal ng nag-iisang lalaki sa buhay ko.Napatingin siya sa direksyon ko at nagkasalubong ang aming mga mata. Lumiko ako upang hindi ko siya makasalubong. Hindi ko rin alam kung kilala ba niya ako? Ilang beses lang naman kami nagkaharap. Binilisan ko ang aking paglalakad. Ang sakit pala na makita ang babaeng mahal ni Jake.“Mira!” narinig kong tinawag niya ako. Hindi ako lumingon dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.Nakita kong mabilis itong naglakad at hinabol ako. Bakit niya ako hinahabol? Aawayin ba niya ako dahil inaagaw namin ni Jacob ang atensyon ni Jake sa kanilang mag-ina?“Mira!” ani

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 48

    Mira POVKatatapos lang naming mag-almusal kaya narito na ulit ako sa banyo upang ayusin ang aking sarili. Muli kong kinuha ang concealer at pinahidan ko muli ang aking leeg. Sabi ko na nga bat at magiging tsikinini to eh.Sa susunod ay pag-iingatin ko na si Jake. Sa susunod? Baliw na nga talaga ako.Kanina sa lamesa habang nag-aalmusal kami ay hindi kami nag-iimikan ni Jake na akala mo ay walang kababalaghang nangyari kagabi upang hindi kami mahalata ni lola. Siguradong magagalit ito sa akin.Nung ipagtapat kasi namin kay Jacob na si Jake ang kanyang tunay na ama at iniwan namin sila para magkasarilinan ay kinausap naman ako ni lola nang masinsinan. Mahal daw niya si Jake ngunit gusto daw niyang turuan ito ng leksyon kaya nais niyang tulungan ko siya. Hiniling niya sa akin na pahirapan ko muna ang apo niya.“Lola kahit po hindi nyo sabihin sa akin, yan po talaga ang gagawin ko. Hindi na po ako ang dating Mira na madali niyang mapapasunod. Sa tindi po ng pinagdaan kong hirap, imposibl

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 47

    Mira POVBago mag-alas singko ay nagmessage sa akin si Jake na hihintayin niya ako sa kabilang kanto para sabay na raw ulit kaming umuwi. Hindi na ako nagreply dahil napagpasyahan kong hinding hindi na talaga ako sasabay sa kanya. Hindi pwedeng palagi na lang siya itong nananalo sa aming dalawa tapos ako naman itong namomroblemaNang oras na nang labasan ay sumabay ako sa mga katrabaho ko kagaya ng dati ko nang nakasanayan. Kahit alam kong naghihintay si Jake sa kabilang kanto ay mabilis akong sumakay sa nakaparadang jeep. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ang jeep. Wala pang 15 minutes ang biyahe papunta sa bahay ni lola kung may sariling sasakyan, inaabot naman ng 30 minutes o higit pa kung sa pampasaherong jeep ako sasakay, depende sa traffic.Ilang beses kong narinig na nagring ang aking cellphone sa loob ng bag pero hindi ko yun sinagot dahil alam kong si Jake lang yun. Manigas siya! Dapat ay kahapon ko pa ito ginawa, masyado na siyang namimihasa sa kabaitan ko.Si lola, napar

  • My CEO's Regrets (Tagalog)   Chapter 46

    Mira POVKanina pa ako gayak para pumasok sa trabaho ngunit hindi ako makalabas ng silid. Siguradong nag-aalmusal na sina lola at Jake sa kusina. Hindi na lang ako kakain at didiretso na lang ako sa trabaho. Hindi ko kayang makasabay si Jake sa pagkain. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi. Tinuktukan ko ang aking sarili, bakit ba naman kasi hinayaan ko siyang gawin yun sa akin kagabi at ang malala pa ay tumugon ako sa halik niya. Siguradong narinig din niya ang pag-ungol ko. Napatakip ako ng mukha at nagpapadyak. Ang bilis kong bumigay. Nakakahiya!Napaigtad ako ng may marinig akong mahihinang katok. Hindi ako kumilos, aalis din yung kumakatok kung di ako sasagot. Malay ko ba kung sino yung nasa labas, baka si Jake yun, lalong hindi ko siya pagbubuksan.“Mira..” boses ni ate Ester.Mukhang walang balak umalis si ate Ester kaya napilitan akong buksan ang pintuan.“Buti gising ka na, akala namin natutulog ka pa.”“May inaayos lang po ako.”“Pinabababa ka na ni lola, kumakain na sila.”

DMCA.com Protection Status