Hindi ko alam kung ano ang sakit ng boss ko. Seriously, galit siya pero ginugulo niya ang isip ko. Bakit matapos niya akong durog-durugin, gaganunin niya ako? Sinabunutan ko ang sarili ko habang nahihibang sa mga iniisip. Ano ba ang plano niya? This isn't right! “Sinabi ko na kay mama,” rinig kong sinabi ni Serenity kay Scarlet. Nasa sala sila kasama ko. Dapat ay sa kwarto ako pero masisiraan ako ng bait sa loob ng kwarto ko kaya lumabas ako. Akala ko madi-distract ang isipan ko kung dito ako sa labas pero bumabalik pa rin sa akin ang isipan tungkol kay Alaric. Lumiban ulit ako. At alam ko sa sarili ko na sa susunod na lunes na ako babalik. Pero nagu-guilty din ako dahil maliit ang maitutulong ko sa gastusin sa bahay. Bumuntung hininga ako at saka sinabunutan ang sarili. Hindi ko namalayan ang pag-upo ni mama sa tabi nina Serenity kaya nakita niyang nababaliw ako. “Sabi ko naman mama eh. Noong lunes pa yan ganyan,” sumbong ni Serenity. Umupo ako ng tuwid. I glared at Serenity
Pinatay ko ang tawag matapos kong sagot-sagutin ang boss ko. Kaya lang makaraan ang ilang minuto, medyo kinabahan ako matapos kong ma-realize kung bakit ko ginawa ‘yon. Boss ko siya pero he’s also a CEO! Makapangyarihan ang pamilya! Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at saka sumigaw. “Baliw ka ba, Seraphina? Gagaya ka pa sa lolo mo!” sermon ko sa sarili. “Kaya tayo mahirap ay dahil nakipag-away ang lolo mo sa isang maimpluwensyang pamilya!” Sumigaw ulit ako dahil sa mga napag tanto. Gaga! Baka hindi lang ako masibak sa trabaho. Baka pahirapan pati ang pamilya ko! Hindi na ako bumalik sa pagtulog. Nilamon ako ng sobrang pag-iisip. I walked back and forth inside my room. “Putang ina! Bakit ko ginawa ‘yon?” Kinagat ko ang kuko ko sa index finger dahil sa stress. “May pinagmanahan ako… si lolo na nakipag away sa mayamang angkan kaya mahirap kami ngayon… at baka mas maging mahirap pa kami sa daga dahil sa ginawa ko!” Sumigaw ulit ako sa frustration. Inabot ako ng tanghalian sa ka
Tinuptup ko ang labi ko ng marinig ang tawa ni Alaric. I thought he would be mad because of what I said pero hindi siya nagalit. He looked at me with amusement on his face. Na para bang hindi kapani-paniwala na ganun ko siya pagsalitaan. “You are not afraid of being fired, hmmm?” sinabi niya. Kinalas niya ang nakahalukipkip niyang kamay at saka ako mariin na tinitigan. Gusto kong sumabat. Kaya lang ay nagdadalawang isip ako. It was fine to retort rudely the first time but I was hesitant to repeat it. Baka kasi magaya ako sa lolo ko! This person is a CEO at anong laban ko? Tinaasan niya ako ng kilay at saka ngumisi. Nakakainsulto ang ngisi niya kaya hindi ko na napigilan. I tried to stop myself from saying things pero kasi sinusubok ako ng lalaking to. And I also have this thinking that it's okay to lose my job. Kaya balewala ang pagtitimpi ko. “Like I care if you fired me! Mag resign pa ako eh!” Inirapan ko siya. I want him to know that I'm no longer the same person he used to hu
Agad kong inasikaso ang gagawin ko kinabukasan. I was told na pwede ko ng kunin ang allocated budget for the project. Matapos kong kunin ay tumulak na ako papunta sa venue na pangyayarihan ng event. It’s a charity event na kailangan puntahan ng mga negosyante for socialite at the same time give their charity. Hindi ako ang nag-decide ng venue. Mula umpisa pa lang sinabihan na ako kung saan ang venue ng pangyayarihan. I just did some plan on how am I going to execute the event successfully na inabot pa ng maraming araw para ma-approve!Nanlaki ang mata ko ng marating ko ang hotel na pagdarausan ng event. It was a five star hotel at malawak ang tanggapan. “Pero available po ba ito three months from now?” tanong ko sa manager.Buti nalang ay pumunta ako kaisa makipag usap sa kanila sa online. Ang sabi ng manager ay fully book na ang venue this month and the next. May mga naka-schedule na din sa susunod pang buwan pero mabuti at availabe pa ang date kung saan dapat gaganapin ang charity
Hindi ko ipinaalam kay Alaric na wala akong passport. Wala akong balak pumunta sa Italy! Kulang na nga ang sweldo ko, gagastos pa ako sa trip na yan? And let say sagot ng kumpanya ang gastos, ayoko pa rin. Alone trip with Alaric? Never! Baka ano pa ang mangyari sa akin.Sa sumunod na araw, tuluyan kong kinalimutan ang tungkol sa trip sa Italy at ibinaling ang oras sa mga dapat kong gagawin. Dalawang buwan pa gaganapin ang charity event pero para na siyang gaganapin bukas sa dami kong inaasikaso. I groaned in annoyance. “Bakit ba ayaw niya akong bigyan ng team? This isn't fair!” reklamo ko. Kumakalam na ang sikmura ko dahil sa nalipasan na naman ako ng gutom. Kagagaling ko lang sa marketing team para makita ang ginawa nila. “Seraphina, hindi ka na sumasabay sa amin mag-lunch,” salubong ni Sara sa akin ng nasa workstation ko na ako. Kita ko ang nagkalat na maraming papeles sa table ko at wala na ito sa matinong ayos. “Kaya nga eh. Kinukulang na ako ng oras,” wala sa sariling sagot k
Kinaumagahan, kung hindi pa ako ginising ni Serenity ay hindi pa ako magigising. Si mama ay walang planong gisingin ako kaya si Serenity ang gumawa. It's weird kasi tanghali pa siya nagigising kapag wala siyang pasok. Tapos ngayon ay maaga siya. “Sis, don't forget to send me the pictures,” sigaw ni Serenity ng pasakay na ako ng taxi. I forgot what she said she would do in the pictures. Tumango nalang ako para matapos na. I arrived at the company around 7:40 in the morning. Na-werduhan pa ang bodyguard ng makita niyang may binaba akong malaking maleta pagbaba ko ng taxi. Hindi pa nag-aalas otso ay may dumating na SUV sa tapat ng tanggapan ng kumpanya. Hindi na ako pumasok sa loob ng lobby dahil mahihirapan pa akong iangat ang maleta ko sa iilang hakbang papasok sa kumpanya. May bumabang tauhan galing sa SUV at saka kinuha ang maleta ko. Doon lang ako natauhan na ito na yong sasakyan ni Alaric. He was waiting in the backseat. Nakakahiya na may bumabaling na mga empleyado sa kotse a
Kabang-kaba ako sa sinabi ni Alaric. I was starting to breathe heavily when he laughed so loud. Doon ko napagtanto na pinagtitripan niya ako. I rolled my eyes in annoyance at saka siya iniwan. There are two rooms inside the suite. Kaya pala okay lang sa kanya na iisa kami ng room kasi may dalawa palang kwarto. Hindi ko alam kung alin ba ang sa kanya kaya kung ano ang napasukan ko ay doon na ako nagkulong. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog pagkahiga ko sa malambot na kama. Kinaumagahan, inabot ako ng madaling araw. Maybe because I was too tired for the 15 hours trip kaya napasarap ang tulog ko. Matapos kong magbihis, inasikaso ko pa ang mga laman ng maleta ko at nilagay sa provided na kabinet. Kaya inabot ako ng ala-una ng bumaba ako. Gutom ako at saktong pagbaba ko ay nakita ko si Alaric. Kakababa niya lang ng cellphone niya galing sa katawagan. “Let's go out. We will have our lunch outside.” I glared at him for making me overthink last night but he didn't spare me a gla
Matapos naming kumain, bumalik kami sa suite. Plano ko sanang mamasyal kahit sa kalapit lang nitong hotel pero after seeing Magnus, nawalan ako ng gana. Alaric got busy with lots of calls. Base sa mga naririnig kung usapan nila, may ka-deal siyang businessman dito. Nagkulong ako sa kwarto. Kahit anong pigil ko, hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil sa pagkakita sa ex ko. Magnus is a family friend. Malapit ang pamilya ko sa pamilya niya. They have business just like ours before… cargo company. Kahit pareho ng business ang lolo ko sa kanila hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan ang pamilya ko sa pamilya nila. I was so close with him and he takes care of me simula pa noong bata kami. Kaya hindi ko kailanman naramdaman na mahirap kami dahil palaging nandyan sa tabi ko si Magnus. If I needed money, he wouldn't think twice to give me. If papa needs help, Magnus' parents are there to help. Kaya lang ay hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala. I don't know anything I
Umaalon ang paningin ko habang tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ni Ryker. “Let me go! You jerk!” sigaw ko. Hindi ko matanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Masyado niyang hinihigpitan ang kapit sa akin.“You are drunk, Serenity. You can't drive!” sigaw niya din sa akin. Nanlilisik ang mata. “Oh please!!! I can manage! I'm not that drunk!” sigaw ko pero muntik na akong mabundol dahil sa konting hilo. Mabuti at hawak niya ako. Nang dumating kami sa parking lot, dumeritso siya sa kotse niya. Binuksan niya ang passenger seat at saka minuwestra niya sa akin na pumasok sa loob. I glared at him. “Nasa banda roon ang kotse ko.” Itinuro ko ang banda kong nasaan ako naka-park. And it was a wrong move. Naputol siguro ang pagtitimpi niya. Hinawakan niya ako sa balikat at saka pwersahang pinapasok sa loob ng kotse niya. “Awtch! Can you be gentle? Kita mong lasing ako!” inis kong sinabi. He groaned. “Stop being stubborn. I told you that you can't drive because you're fucking drunk!”
Serenity POVHindi naman sa gusto ko ang plano ni Ryker pero para makasigurado ay nagpasya akong pumunta sa hospital para magpa-Depo. Para kung hindi ako makatakas sa kamanyakan niya ay hindi ako mabubuntis. It's weekend at may plano kaming lumabas ng mga kaibigan ko mamayang gabi. Kaya aasikasuhin ko ngayong umaga ay ang pagpapaturok. Matapos kong mag-breakfast ay dumiretso na ako sa pupuntahan ko. Hindi naman ako nagtagal doon. Tinanong lang ako ng OB-GYN tungkol sa menstrual cycle ko at saka ako tinurukan matapos. Dahil gabi pa naman kami lalabas ay tumulak na ako sa isa pang appointment ko. May eme-meet akong babae. Nahirapan pa akong mangalap ng imporamsyon tungkol sa kanya pero dahil desperada ako ay nahanap ko. It was said that she was an ex of Ryker. Nahanap ko ang account niya at agad kong kinausap para magmeet kami. Nginitian ko siya nang makita kong nakaupo na siya sa table. Diko kami sa cafe shop nagmeet para malapit na rin sa hospital na pinuntahan ko. “Anong gusto m
Ryker POVKasalukuyan akong nakatayo sa lobby kausap ang isang board member ng kumpanya. We were talking about the possible collaboration we have with Crestline Realty, when I saw a familiar girl enter the lobby. Nawala ang focus ko sa usapan namin ng katabi ko at nanoot ang mata ko sa papalapit na babae. She was so unaware how many guys were eyeing her. I don't know if she wasn't really aware of it or she just ignored that fact. Nonetheless she always gains attention every damn time. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pati ako ay napapatingin sa kanya. Fuck! Marami ng dumaan sa akin na babae… with an hourglass body and big boobs and booty. Puro lahat maganda kaya hindi ko maintindihan. Those girls were willingly throwing themselves into my arms. I don't have to lift a finger to get them into my bed. Pero ang isang to, alam naman niya sigurong ako ang CEO ng kumpanya pero hindi niya magawa gawang bumati man lang! “Nasa lobby na ako. I'm not that late,” rinig kong kau
Tumatawang lumapit si Eloisa nang makita niyang busangot na ang mukha ko. She close the site at siya na ang nag-send ng kailangan kong document. “Ayan, na-send na.” Nagpipigil siya ng tawa. “Hindi ko naman alam na mao-offend ka pala sa mga ganong story,” nakangisi niyang sinabi. Inirapan ko siya. Hindi naman ako mao-offend. It's just that I feel like it's a sign na magiging sex slave nga ako! But there's no way in hell! They said… there's no such thing as coincidence. Everything happens for a reason. Is that means kaya ko nakita tong binabasa ni Eloisa ay para maghanda ako na maging ganon? Noooo! Matapos kong maidagdag ang document na sinend ni Eloisa, nag-browse ako sa internet. Nag search ako ng mga job hiring. Marami namang hiring. I immediately edited my resume at nang matapos ay nag-apply ako sa mga job na nakikita ko. Hindi ko na nabilang kung ilang job ang inaplayan ko. Basta marami! After that ay nag craft ako ng resignation letter. Ni print ko na rin matapos kong gawi
Halos hindi ako makatulog sa gabi. Hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa ng Ryker na yon sa akin! How could a CEO act like that? Parang walang pinag-aralan! Power tripping!Kaya kinaumagahan, late na akong nagising. Hindi ko na nagawang mag-breakfast dahil late na ako sa trabaho. Matapos kong maligo at magbihis, agad akong tumulak sa opisina. Tumatawa si Eloisa nang makita niyang halos patakbo na akong naglalakad. “You're thirty minutes late, my friend,” she said, stating the obvious. Hingal na hingal ako nang maupo ako sa swivel chair ko. Hindi ko siya nasagot dahil sa paghahabol ng hininga. “Nagpuyat ka ba kaya ka na-late?” curious niyang tanong. “Alam mo, Eloisa. Ang dami mong tanong. Kita mong hindi na ako makahinga sa hingal,” sagot ko ng medyo nakakahinga na ako ng maganda. Tinawanan niya ako at saka umiling. Tumigil siya sa pagtatanong at ibinaling ang mata sa computer niya. Huminga ako ng malalim at saka pinaandar na rin ang computer ko. Magbabasa na sana ako ng email
Agad akong nagbihis ng lumabas siya. I gritted my teeth as I fixed myself.Tangina niya! Ilang beses ko siyang minura-mura. Hindi mawala-wala ang galit ko.Matapos kong magbihis ay lumabas ako sa restroom. Nadatnan ko siyang nakaupo sa table niya, nagtatrabaho. Isang beses niya akong tinignan bago bumalik ang mata niya sa monitor ng laptop niya. I glared at him. I badly want to middle finger him pero pinigilan ko. Mabibigat ang paa ko palabas ng opisina niya. Kuyom na kuyom ang kamay ko habang naglalakad. Padabog kong isinara ang pintuan niya ng lumabas ako. Mabilis ang mga lakad ko papunta sa elevator. Kita kong curious akong tinitigan ng secretary niya kaya mas lalo pa akong nairita. Agad kong pinindot ang floor namin. Kinalma ko ang sarili habang nasa elevator. Ayokong tanungin ako ni Eloisa kung bakit ako galit. Pero natigilan ako sa reflection ko sa elevator nang makita ko ang labi ko. It's a bit swollen! At dahil naisip ko ang halik ng gagong lalaking yon, naramdaman ko din
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Did I hear it right? He wants me to sleep with him? Nababaliw na ba siya? Tulala ako sa kanya ng ilang minuto. Hindi ko maibuka ang bibig ko kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko. “Parating na ang mga pulis. It's your choice if you want to go to jail or you want to do the deal,” nakangisi niyang sinabi. He was staring at me intently as he played with his lower lips with his thumb. Hindi nagtagal ay biglang umingay sa labas. Kumalabog ang puso ko. Agad akong bumaling sa pinanggalingan ng ingay ay nakita ko ang mga pulis na naglalakad palapit sa opisina niya. “Time is kicking. Once they enter my office… there's no more deal.” My heart skipped a beat. Gulong-gulo ako kung ano ang sasabihin ko. Papayag ba ako? Pero kung hindi ako papayag, sa kulungan ang bagsak ko! Before the police could enter, I agreed to his deal. Nanginig ang labi ko. “O..okay fine… I'll sleep with you. Palayasin mo lang ang mga pulis,” kabado kong sinabi.Hindi ko alam
Serenity’s POV Kasalukuyan akong nasa restroom. Dapat ay kanina pa ako nag-cr pero may ginagawa akong trabaho kaya ngayon lang ako nagbanyo. Para ako nahimasmasan ng matapos akong umihi. Ang hirap palang magpigil! Tumayo ako ng natapos ako. As I was about to push the flush, natigilan ako. May narinig akong mga babae sa labas. They were talking loud kaya nahinto ako sa gagawin. I thought I was alone inside. “Girl, you know what… may kumakalat na chismis. Sinabi sa akin ni Caramina na nandito raw ang anak ng mga Esperanza!” gulat na gulat na balita ng babae. Shit! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad kumalabog ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko na nagawang mag-flush dahil sa kabang nararamdaman. “Totoo ba? Imposible naman yan!” Ayaw maniwala ng kasama niya. “Esperanzas are very private people. Ni wala ngang nakakakilala sa unica hija nila.” “Kaya nga hindi pinaalam sa mga empleyado kasi pribado!” siguradong sigurado na sinabi ng babae. Biglang may tumawa na i
Alaric’s POV The pristine beach of Maldives is perfect for relaxation. The wind blows but it's not that harsh on the skin. The ocean is so clear you are able to see the corals below. The white sand is gentle to our feet. Dumating na sina mama at ang pamilya ni Seraphina. Nagpahinga lang sila sa umaga dahil dumating sila ng madaling araw. Natulog lang sila sandali bago sila nagpasyang maligo. Simula nang may gawin si Eliza sa anak ko, nagsimulang maging close ang pamilya ko at ang pamilya ni Seraphina. Palaging dumadalaw sina mama sa penthouse at ganun din ang magulang ni Seraphina. Because of Levi, nagawang mag-usap ni mama at ang mama ni Seraphina. Sa una, nagkakailangan pa. Pero ng paulit-ulit silang nagkikita sa penthouse, dumarami na rin ang napag-uusapan nila. Hanggang sa isang araw dalawa silang nagluto. Mama bake a cake while Seraphina’s mother cook for foods. Doon na naging close ang dalawa. Nakaupo kami ngayon ni Seraphina sa sun lounge. Kaharap namin ang malawak na dag