Chapter: Kabanata 128Agad akong nagbihis ng lumabas siya. I gritted my teeth as I fixed myself.Tangina niya! Ilang beses ko siyang minura-mura. Hindi mawala-wala ang galit ko.Matapos kong magbihis ay lumabas ako sa restroom. Nadatnan ko siyang nakaupo sa table niya, nagtatrabaho. Isang beses niya akong tinignan bago bumalik ang mata niya sa monitor ng laptop niya. I glared at him. I badly want to middle finger him pero pinigilan ko. Mabibigat ang paa ko palabas ng opisina niya. Kuyom na kuyom ang kamay ko habang naglalakad. Padabog kong isinara ang pintuan niya ng lumabas ako. Mabilis ang mga lakad ko papunta sa elevator. Kita kong curious akong tinitigan ng secretary niya kaya mas lalo pa akong nairita. Agad kong pinindot ang floor namin. Kinalma ko ang sarili habang nasa elevator. Ayokong tanungin ako ni Eloisa kung bakit ako galit. Pero natigilan ako sa reflection ko sa elevator nang makita ko ang labi ko. It's a bit swollen! At dahil naisip ko ang halik ng gagong lalaking yon, naramdaman ko din
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 127Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Did I hear it right? He wants me to sleep with him? Nababaliw na ba siya? Tulala ako sa kanya ng ilang minuto. Hindi ko maibuka ang bibig ko kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko. “Parating na ang mga pulis. It's your choice if you want to go to jail or you want to do the deal,” nakangisi niyang sinabi. He was staring at me intently as he played with his lower lips with his thumb. Hindi nagtagal ay biglang umingay sa labas. Kumalabog ang puso ko. Agad akong bumaling sa pinanggalingan ng ingay ay nakita ko ang mga pulis na naglalakad palapit sa opisina niya. “Time is kicking. Once they enter my office… there's no more deal.” My heart skipped a beat. Gulong-gulo ako kung ano ang sasabihin ko. Papayag ba ako? Pero kung hindi ako papayag, sa kulungan ang bagsak ko! Before the police could enter, I agreed to his deal. Nanginig ang labi ko. “O..okay fine… I'll sleep with you. Palayasin mo lang ang mga pulis,” kabado kong sinabi.Hindi ko alam
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 126 - SerenitySerenity’s POV Kasalukuyan akong nasa restroom. Dapat ay kanina pa ako nag-cr pero may ginagawa akong trabaho kaya ngayon lang ako nagbanyo. Para ako nahimasmasan ng matapos akong umihi. Ang hirap palang magpigil!Tumayo ako ng natapos ako. As I was about to push the flush, natigilan ako. May narinig akong mga babae sa labas. There were talking loud kaya nahinto ako sa gagawin. I thought I was alone inside. “Girl, you know what… may kumakalat na chismis. Sinabi sa akin ni Caramina na nandito raw ang anak ng mga Esperanza!” gulat na gulat na balita ng babae. Shit! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad kumalabog ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko na nagawang mag-flush dahil sa kabang nararamdaman. “Totoo ba? Imposible naman yan!” Ayaw maniwala ng kasama niya. “Esperanzas are very private people. Ni wala ngang nakakakilala sa unica hija nila.”“Kaya nga hindi pinaalam sa mga empleyado kasi pribado!” siguradong sigurado na sinabi ng babae. Biglang may tumawa na isa pang baba
Huling Na-update: 2025-01-16
Chapter: Kabanata 125Alaric’s POV The pristine beach of Maldives is perfect for relaxation. The wind blows but it's not that harsh on the skin. The ocean is so clear you are able to see the corals below. The white sand is gentle to our feet. Dumating na sina mama at ang pamilya ni Seraphina. Nagpahinga lang sila sa umaga dahil dumating sila ng madaling araw. Natulog lang sila sandali bago sila nagpasyang maligo. Simula nang may gawin si Eliza sa anak ko, nagsimulang maging close ang pamilya ko at ang pamilya ni Seraphina. Palaging dumadalaw sina mama sa penthouse at ganun din ang magulang ni Seraphina. Because of Levi, nagawang mag-usap ni mama at ang mama ni Seraphina. Sa una, nagkakailangan pa. Pero ng paulit-ulit silang nagkikita sa penthouse, dumarami na rin ang napag-uusapan nila. Hanggang sa isang araw dalawa silang nagluto. Mama bake a cake while Seraphina’s mother cook for foods. Doon na naging close ang dalawa. Nakaupo kami ngayon ni Seraphina sa sun lounge. Kaharap namin ang malawak na dag
Huling Na-update: 2025-01-16
Chapter: Kabanata 124Alaric's POV Kasalukuyang nakatayo si Cole sa unahan ko habang nilalagyan ko ng cream ang mga pasa ko. Nakahalukipkip siya at nakataas ang isang kilay. Pinuntahan niya ako rito sa kung saan ako nag-aaral ng mix martial arts dahil gusto niya akong imbitahang mag-bar. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang siya pumunta mag-isa. “I don't have a time for fucking bar, Cole!” I said, pissed off. Ako ang mapuruhan ngayon sa training. Puro pasa ang katawan ko dahil sa pambubugbog ng kalaban ko. Masyado ko siyang nagalit at hindi ko alam na matagal na pala siya nagma-martial arts.He laughed sarcastically. “And you have time for this? You're a mess, dude!” disappointed niyang sinabi. Hindi na sapat na puro alak lang at sleeping pills ang nagpapatulog sa akin. I've come to a point that even those two are not effective enough to distract me from thinking about Seraphina. There are times when I drink lots of doses of sleeping pills just so that I can sleep. At nang nalaman ni mama ay galit n
Huling Na-update: 2025-01-15
Chapter: Kabanata 123Alaric's POVIt's been a year since Seraphina was missing. And my life has been miserable. Ginawa ko ang lahat para lang mahanap siya. I've used all my resources and my fucking connections but I couldn't find her. Imposible naman na mawala siya kasi walang natagpuang bangkay. At hindi ako naniniwalang patay siya. Lahat ng kasamahan niyang tauhan ay nahanap pero hindi siya… kaya paano ako maniniwala? She must have been fucking hiding! “Sir, pinuntahan namin yung tinutukoy mong bangkay pero hindi po siya,” bungad sa akin ng tauhan pagpasok niya ng opisina ko. Naikuyum ko ang kamay ko. Agad pinag-initan ng ulo. Part of me was happy that the body is not her and part of me is mad because we're the hell is she? Kailan pa siya magpapahanap? Isang taon na wala pa rin siya!Niluwagan ko ang necktie ko at iritadong tumingin sa tauhan. Nandilim ang paningin ko sa kanya. Umatra siya ng isang beses nang makita niyang galit ako. “I'll do my best to find her, sir!” agad niyan sinabi bago pa ako m
Huling Na-update: 2025-01-15
Chapter: Kabanata 9Nang makasakay ako at nakaupo na ay agad na pinaandar ni Darius ang bangka. Kumapit ako ng mahigpit nang medyo bumibilis na ang andar nito. Nakalimutan ko pang magdala ng pantali sa buhok kaya napapapikit ako dahil nililipad ng hangin ang buhok ko papunta sa mukha ko. “Lumipat ka dito para hindi lumilipad sa mukha mo ang buhok mo,” utos ni Darius nang makita niyang hindi ako makakita dahil sa buhok ko. Paupo akong lumapit kasi natatakot ako na baka mahulog ako. Paglipat ko ng kabilang dulo ay nililipad na ng hangin ang buhok ko palikod. Wala ng sagabal sa mukha ko kaya kita ko na ang kagandahan ng dagat. Nang ma-steady ang andar ng bangka ay bumaba si Darius at saka hinanda ang lambat na gagamitin namin. “You know, I don't know how to fish. Huwag mo akong sisihin kapag wala tayong mahuli,” banta ko sa kanya. Baka mamaya, sabihan na naman ako ng useless! He just laughed at me. Nang hindi niya pinabulaan ang reklamo ko ay nagreklamo ulit ako. “I'm sure iitim ako dahil sa hangin
Huling Na-update: 2025-01-18
Chapter: Kabanata 8Matapos naming mamili ay agad akong umuwi. Excited para i-try ang mga pinamiling appliances. Sa sobrang pagka-excite ay hindi na ako nakapagpasalamat kay Darius. Kusa ko na lang kinuha ang mga binili niya sa akin at agad siyang iniwan. Pagdating sa kwarto ay una kong sinubukan ang electric fan. Napangiti ako ng maramdamang maganda ang buga nito ng hangin. Hindi na ako maiinitan sa hapon. Kahit hindi na ako gumising maghapon ay hindi na ako maiinitan pa. Hindi ko muna sinubukan ang mini fridge kasi wala pa naman akong pagakin na mailalagay. Bibili ako mamaya pang-dinner at isasabay ko na ang pang-umagahan para hindi na ako lalabas. Nakahiga ako habang nakatutok sa akin electric fan. Kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako. Matagal siguro akong natulog kasi paggising ko ay gabi na. Binalingan ko ang oras at nakita kong alas sais na. Dali-dali akong bumangon at tinignan kung bukas pa ba ang karinderya ni Aling Merna. Laking pasasalamat ko nang makita kung bukas pa. “Sandy, may pagk
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 7Seryoso akong pumasok. Kahit ayaw ko ay mapilit siya. Matapos niya akong pagurin at ganon-ganonin mag-iimbita siya na kakain kami? May sira talaga itong lalaking to!Inimuwestra niya sa akin ang bakanteng upuan nang dumating kami sa kusina niya. Nakahain na roon ang pagkain naming dalawa. Nang hindi ako gumalaw ay hinigit niya ang upuan para sa akin. “Come on girl. Don't be stubborn,” sabi niya sa akin. He smiled at me and urged me to sit on the chair.I rolled my eyes. Kahit ayaw ko ay umupo nalang ako. Kita ko rin na masarap ang pagkain. It was seafood together with pasta. Dahil pagod ako ay mabilis akong magutom. Nagamit ko lahat ng energy ko kaya nangalam ang sikmura ko sa nakikita. I heard him laugh when he saw me sit. Agad ko siyang pinanliitan ng mata. Pero nang makita niya ako ay tumigil siya. Kunwari siyang nauubo. “Let's eat,” he said, smirking. Mabilis akong kumuha nung pasta at ng shrimp. Kita kong kumukuha pa siya nang hindi ko napigilan at kumain na ako. Sunod-sunod
Huling Na-update: 2025-01-15
Chapter: Kabanata 6Nanlalaki ang mata ko nang kaladkarin niya ako. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero di hamak na mas malakas siya kaisa sa akin!“Bitawan mo ako,” sigaw ko pero wala siyang pakialam. Mas lalo pa niyang hinihigit ang kamay ko. “Tulong!” sigaw ko sa mga tao.Pero hindi ko alam kung bakit walang nangahas na tumulong sa akin. May nakakakita sa ginagawa niya pero tumitingin lang sila. Nanonood! It's as if they couldn't see him kidnapping me!“Ate, tulong!” sigaw ko sa dinaanan naming babae. Pero laking gulat ko nang tinaasan pa niya ako ng kilay.“May ginawa ka kaya galit sayo si Darius! Hindi yan mananakit ng tao kung wala kang ginawa!” akusa niya. Pinanliitan niya ako ng mata.“Pero wala akong ginawa!” maghalong kaba at inis na sigaw ko sa babae. She just shrugged and turned her back on us. “Bitawan mo nga ako!” sigaw ko ulit.Nanlilisik na mata akong binalingan si Darius. I could feel him wanting to shut me up. Agad natupok ang galit ko nang makita kong nagliliy
Huling Na-update: 2025-01-15
Chapter: Kabanata 5Matapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpasya akong lumabas. Wala pa akong kagamitan sa kwarto kaya hindi pa ako makapagluto ng kakainin ko. Saktong papalabas na ako nang makaamoy ako ng nilulutong pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Plano kong maghanap ng karinderya para doon kumain pero nang nasa tapat ako ng gate, palabas na nang mapagtanto kong karinderya pala ang unang bungad ng gate. Kita ko si Aling Merna na may kausap sa mga kumakain sa loob. Agad akong huminto at sumilip. Saktong pagsilip ko ay nakita ako ni Aling Merna. Agad niya akong nginitian. “Jessica, hija. Kumain kana ba?” tanong niya.Nginitian ko rin siya pabalik. “Wala pa po.” “Dito kana kumain kung ganon. Masarap ang mga pagkain dito.” Dahil gutom ako ay pumasok na ako. Hindi rin naman gaano karami ang tao sa loob. May bakante pang mga lamesa. “Sandy, kunin mo ang order ni Jessica,” sigaw ni Aling Merna sa isang tao. Agad na lumapit sa akin ang tinawag niyang Sandy. “Ano pong sa inyo, ma’am,” nakangiti ni
Huling Na-update: 2025-01-09
Chapter: Kabanata 4Tumayo siya matapos niyang itanong ang pangalan ko. Agad siyang pumunta sa paanan at may kinalikot sa makina ng bangka. Ilang minuto siyang may ginawa roon hanggang sa narinig kong nabuhay ang engine. By this time, ilang bahing na ang nagawa ko. Para pa akong lalagnatin. Mabilis niyang pinaandar ang bangka patungo sa islang pupuntahan namin. Wala na siyang imik. It took us 20 minutes to arrive at the place. Pagbaba ko ng bangka, bigla akong kinabahan dahil wala akong alam sa lugar. Tapos ay nilalamig pa ako. Nagsisimulang bumaba ang araw kaya mas lalong lumamig ang paligid. Pinagmasdan ko ang paligid. Payapa ang lugar, hindi matao. Perfect place kung ikaw ay sawa na sa city life. Hawak-hawak ko ang twalya nang biglang umihip ang malakas na hangin. Agad akong nanginig nang tumama yon sa katawan ko. Bumaling ako sa dagat para sana tingnan kung nasaan na ang kasama kong lalaki kanina pero laking gulat ko nang wala na siya sa bangka. Nakaparada na ang bangka sa dalampasigan pero wala
Huling Na-update: 2025-01-09