Share

Kabanata 5

Gusto kong mag absent sa trabaho. Masyado akong nawindang sa nangyari sa opisina ni Alaric. I can't believe he did that! Putang ina niya! Ano ba ang plano niya? Bakit niya ako ginaganito? Kung galit siya, galit lang dapat. Bakit may mga paganon siya? Bakit!

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko, tinansya kung gusto ko bang pumasok, pero my body, mind and soul all agree that I shouldn't, that I don't want to go to work.

“Kahapon pa yan nababaliw,” rinig kong sinabi ni Serenity kay Scarlet, isa ko pang kapatid.

“Talaga!”

Serenity nodded with conviction. “Malala ngayon…may pahawak-hawak na sa labi. Kahapon tumatawa-tawa lang yan ng wala sa sarili,” pag-iimbento niya ng storya.

Nagtawanan silang dalawa. Matalim ko silang binalingan dahil sa pagtawa nila. How could they laugh at my misery!

“Will you please mind your own business? Kung wala kayong mapag-usapan, huwag ako!”

“Oh please… Concern lang ako, ate,” maarteng sinabi ni Serenity. “You are not with your usual self.”

I'm the oldest. Sumunod sa akin si Serenity at ang bunso namin ay si Scarlet.

“Totoo. Hindi mo napapansin pero kumukunot ang noo mo kahit wala ka namang kaaway. Why ba, ate?” curious na tanong ni Scarlet.

“I told you already, sis. Nababaliw na nga!” sabat ni Serenity.

Umirap ako sa kanila. “Will you two shut up!”

Dahil wala na ako sa wisyo, hindi ako pumasok. Hindi ko alam kung paano ko haharapin pa ang boss ko matapos niya akong e-threaten na tatanggalin sa trabaho tapos ay halikan.

Gusto kong gawing one week ang absent ko, pero kawawa ang sweldo ko. Mahirap lang kami. Goodness! Kung wala lang nakaaway ang lolo at lola ko, marangya sana ang buhay ko.

We used to be an alta. Mayaman ang ancestor ko pero nagsimulang mawala ang yaman ng pamilya namin dahil sa away. Maraming lupa at real estate ang nabenta para isalba ang kumpanya ng lolo at lola ko pero hindi daw naisalba. Sadly, mayaman at ma-impluwensya ang naging kaaway ng lolo ko. Kwento ni mama nagbanta daw ang pamilyang kaaway namin na sisiguraduhin daw nilang maghihirap ang lahat ng Salazar.

Nagtagumpay naman sila dahil hindi ko ma-afford na mag-absent pa ng isang araw. Kukulangin kami sa gastos.

Kinabukasan, kabado akong pumasok sa opisina. Habang nakasakay ako ng jeep ay panay isip ako kung paano ba ako makakaiwas sa boss ko. Iniisip ko pa lang na makakaharap ko siya, para na akong hihikain sa kaba.

“Okay ka lang, hindi ka pumasok kahapon,” agad na tanong ni Sara ng makita ako. Katabi niya si Lina nang datnan ko sila.

Lina nodded. “Pinapatawag ka pa ng boss mo kahapon, teh. Tinawagan kita nang makadalawa ka niyang hinanap pero hindi ka ma-contact.”

My breath hitched at what I heard. Dalawang beses? Anong kailangan niya sa akin?

“May sakit ka noh? Namumutla ka.” Panghuhula ni Sara.

Almost instantly, I think of an idea.

“Yes… hindi sana ako papasok ngayon pero naiisip ko ang sweldo ko,” kunwaring nanghihina kong sinabi. Hinawakan ko pa ang tiyan ko na kunwari ay masakit. “I also have a bad stomach. Pero keri naman kaya pumasok na ako.”

Kita kong nanlaki ang mata ni Sara. “Hala, dapat kumuha ka nalang ng medical certificate. Baka lumala yan,” concern niyang sinabi.

Umiling ako. “Kaya ko to.”

Una kong inasekaso ang hindi ko natapos na pinapa-review ni Alaric. Baka naman kaya niya ako pinapahanap ay dahil dito.

O baka din kaya niya ako pinapahanap ay dahil tatanggalin niya ako sa trabaho? Agad akong napailing-iling sa naisip. Hindi ko dapat siya makasalamuha ngayon.

Nananakit ang likod ko ng natapos ko ang lahat ng naiwan sa aking documents. Nagkunwari akong nanghihina ng bumaling ako kay Sara. Mabuti at nakatingin na siya sa akin ng lumingon ako sa kanya.

“Can I ask for a favor?” kunwari nahihiya at nanghihina ako.

“Oo naman. Ano yon? May masakit sayo?” agaran niyang tanong.

“Ano kasi… Iaabot ko kasi sa boss ko itong mga papeles. Pero nanghihina ako. Baka naman pwedeng ikaw ang mag abot… Kung okay lang sayo.”

Nakahinga ako nang maluwag ng makita ko siyang pumupunta sa opisina ni Alaric dala ang mga ni-review ko.

I bit my lower lip at saka sumandal sa swivel chair ng mawala siya sa paningin ko.

I took Sara fifteen minutes before she arrived. Malaki ang ngiti niya at nagniningning ang mata ng dumating siya.

“Seraphina! I think I'm in love,” namumula niyang sinabi. “Ang gwapo niya sa malapitan… Kung hindi lang niya ako pinalabas ay gusto kong doon na ako!”

Kumunot ang noo ko sa hindi mapangalanang dahilan. Pero hindi ko na ipinahalata dahil mabuti pa nga at hindi ko na mahaharap ang lalaking yon.

Na akala ko lang pala. Dahil isang oras matapos ipasa ni Sara ang mga papel, lumapit si Basty sa akin at sinabing pinapatawag daw ako ng boss ko. Hindi ko pa daw naipapasa ang bagong plan ko sa project.

Matapos kong e-print ang documents, kunwari ay nanghihina akong bumalik sa table ko. Akala ko kailangan ko pang mag-enarti pero hindi na pala.

“Ako na ang mag-aabot niyan sa boss mo,” masayang inako ni Sara. She didn't even wait for my response. Agad niyang kinuha ang folder at saka pumunta sa opisina ni Sir.

This time, hindi siya nagtagal. Parang kakapasok pa lang niya ay lumabas din agad. Busangot siyang bumalik sa table niya.

“Anong sinabi ni Sir? Bakit ang bilis mong bumalik?” naguguluhan kong tanong.

My boss clearly told me na agaran niyang echi-check ang bawat revision ko para agad kong nalalaman ang dapat baguhin. Palagi niyang hinihinto ang ginagawa niya para e-check on the spot ang gawa ko. How come na ang bilis ni Sara lumabas ngayon?

“Wala, tinanong niya kung bakit ako ang nag-abot at bakit hindi ikaw. Sinabi kong masama ang pakiramdam mo,” busangot niyang sinabi. “Tapos pinalabas na ako matapos niyang kunin,” may pagtatampo niyang sinabi.

Tumahimik siya ng ilang segundo pero nagsalita din ulit.

“I can't understand why he got mad. Sinabi ko lang naman na masama ang pakiramdam mo pero nagalit ata siya.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status