“DON’T mind them,” bulong sa kanya ni Lance.
Kung hindi lang niya napigilan ang kanyang sarili’y napatalon na siya. Wari kasi’y ayaw nitong may ibang makarinig nang ibinulong nito sa kanya pero kakaibang reaksyon naman ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Para kasing may naramdaman siyang kuryente na dumaloy sa kanyang katawan nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang tenga.
Bakit ba ganoon ang reaksyon niya kay Lance samantalang kapag kay Mark Wayne ay kampante lang naman ang tibok ng kanyang puso kahit ganoon din sila kalapit? May pagkakataon nga na nakakatabi niyang matulog ang kanyang matalik na kaibigan pero balewala pa rin sa kanya. Kaya nga ayaw niyang maniwala sa mga romance writer kapag sinasabing kakaibang damdamin ang mararamdaman mo kapag nagdaiti ang balat ninyo, ngunit, bakit ngayon ay ganoon ang kanyang nararamdamdaman gayung hindi naman magkadikit ang kanilang mga balat. Bumulong lang sa kanya si Lance pero sobra na siyang naapektuhan!
“Pwede ba namang hindi, eh, parang gusto na nila akong hilahin at pagsasampalin.” Gusto sana niyang sabihin ang mga katagang iyon sa tonong nagbibiro pero nakaramdam siya ng inis sa babaeng nag-’hi’ kay Lance saka pinaglakbay ang mga daliri sa braso nito. Halatang nang-aakit.
Nakaramdam naman siya nang tuwa ng pasimpleng pagpagin iyon ni Lance at hinila siya palapit sa katawan nito tapos pinulupot pa nito ang braso sa kanyang beywang. Lumingon siya rito para tanungin kung bakit nito ginawa iyon pero hindi siya nakapagsalita dahil nang ibaling niya rito ang kanyang tingin ay nakatingin din ito sa kanya kaya’t malapit na malapit lang ang pagitan ng mukha nila. Tapos langhap na langhap pa niya ang amoy nito.
Shucks, mas nakaramdam siya ng pagkataranta!
“Hindi ko hahayaan na mapahamak ka, okay,” mariing sabi nito sa kanya.
Isang bahagi man ng isipan niya ang tumatanggi pero parang gusto niyang kiligin sa ipinahayag nito. Para kasing seryosong-seryoso ito at talagang paninindigan ang sinabi.
“Gusto mo bang magkaroon tayo ng deal?” walang anu-ano’y tanong nito.
“Deal, anong deal?” maang niyang tanong kay Lance. Kahit na 5’8” na ang kanyang height, kinailangan pa rin niyang tumingala rito dahil mas mataas pa rin ito sa kanya ng ilang pulgada. Para tuloy gusto niyang isipin na anumang sandali ay bababa ang labi nito sa kanyang labi. KUng bakit ba naman kasi nagsalubong pa ang kanilang mga mata at na-realize niyang ang pupungay ng mga mata ni Lance kaya parang nahihipnotismo siya.
Hindi ito agad kumibo. Sa halip ay umiwas ito ng tingin sa kanya matapos mag-inhale. Bigla tuloy siyang na-conscious sa ginawi nito. Pakiramdam niya ay nabahuan ito sa kanyang hininga gayung three times a day siyang nagtu-toothbrush, may mouth spray pa siyang mint flavor at tiyak niyang walang sira ang kanyang mga ngipin.
“Halika rito,” wika nito bago siya igiya palayo sa kanilang mga kaklase na nakatingin sa kanila. Alam niyang si Lance ang sinusundan ng tingin ng mga ito pero sobra siyang naku-conscious dahil alam niyang may kakaibang kahulugan ang tingin ng mga ito.
Well, hindi naman kataka-taka kung bakit nakatingin sa kanila ang mga ito na parang takang-taka. First year pa lang sila ni ay sanay na ang mga itong nakikita silang nagbabangayan. Palagi kasi siyang inaasar ni Lance at siya naman ay sobrang pikon. Sa isip niya kasi ay isa itong kaaway na hindi dapat pagkatiwalaan. Ngunit, ngayon ay wala siyang lakas na awayin ito. Bukod sa ito ang naging karamay niya nu'ng ma-broken hearted siya kay Mark Wayne, hindi rin niya maintindihan kung ano itong nararamdaman niya kay Lance ngayon.
“Lance --,” hindi niya napigilang ibulalas nang bumaba ang tingin niya sa mga kamay nilang magkahugpong. Bakit sila magka-holding hands? Dapat sana’y bawiin niya ang rito ang kamay at magalit siya sa kapangahasan nito pero parang wala siyang lakas na gawin iyon. Ewan din niya pero parang masarap sa pakiramdam na nakakulong ang palad niya sa kamay nito.
Humigpit pang lalo ang pagkakahawak nito sa kanyang palad. “Alam mo naman sigurong maraming babae ang nagkakandarapa sa akin at hindi ko rin gustong bastedin sila isa-isa. Ang kailangan lang ay makita nilang taken na ako. At ikaw ang magiging girlfriend ko.”
Sa sobrang pagkabigla niya’y gusto niyang bawiin ang kanyang kamay pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak doon. Para ngang natatakot itong tumakbo siya at iwanan ito.
Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. “May sampung minuto pa ako para ipaliwanag sa’yo ang gusto kong mangyari.”
Kung ang sinasabi nito ay ang pagdating ng prof nila sa RTV 11, sigurado siyang hindi iyon darating on time dahil sa kabilang building pa ang isa nitong klase.At tiyak din niyang alam iyon ni Lance kaya walang pagmamadali ang kilos nito. Para ngang gusto nitong salubungin lang ang kanyang titig.
“Kailangan kitang maging girlfriend para maitaboy ko ang mga babaeng nagkakagusto sa akin. Ayoko silang saktan kaya hindi ko masabi sa kanilang hindi ko sila type. At sa tingin ko rin, kailangan mo akong maging boyfriend para ma-realize ni Mark Wayne na mahal ka niyang higit pa sa pagiging bestfriend."
Hindi siya ang tipo ng tao na nanggagamit para lang makuha ang kanyang gusto pero sa palagay niya'y kailangan talaga niya ang tulong ni Lance para makuha ang atensyon ni Mark Wayne kaya namalayan na lang niyang tumango siya.
"Tayo na?" sabik na tanong sa kanya ni Lance.
Buong pagtataka siyang napatingin dito dahil nakaramdam siya ng excitement sa boses nito at hindi niya naiwasan ang sobrang magtaka. Hindi kasi ang tono nito ang nanghihingi ng pabor. KUng umasta kasi ito ay para itong nakatanggap ng napakagandang balita.
"Para ma-realize agad ni Mark Wayne na ako ang mahal niya," wika na lang niya pagkaraan. Ewan lang niya kung bakit niya sinabi iyon. Dahil ba sa iyon talga ang nararamdaman niya o dahil defense mechanism lang niya iyon dahil may damdamin siyang gustong itago kay Ysmael Lance Madrigal.
KINUROT ni Mark Wayne ang ilong niya kaya bumalik sa kasalukuyan ang utak niya. “Para saan ang ngiting ‘yan?"
“Naisip ko lang na tama si Lance,” nakangiting sabi ni Jillian sa asawa. Nang ma-realize niya ang kanyang sinabi ay agad niya iyong dinugtungan. Siyempre, ayaw niyang isipin ng kang asawa na bumabalik pa ang damdamin niya sa kanyang ex-boyfriend. “Na kapag pinagselos kita ay mari-realize mong ako ang mahal mo.”
“At nangyari naman iyon,” masuyong sabi sa kanya ni Mark Wayne. Ilang sandali siya nitong tinitigan saka madamdaming sinabi ang mga katagang, “Kaso nang matauhan ako, iba na ang mahal mo.”
Hindi siya agad nakakibo dahil ayaw niyang magsinungaling dito pero ayaw naman niya itong saktan. Kaya, humugot muna siya nang malalim na hininga bago sumagot. “Kahit sa anong panahon ay mahal kita. Hindi magbabago iyon.”
Niyakap siya nito ng sobrang higpit. “Gusto ko lang malaman mo na kahit nu’ng panahong dumidistansiya ako sa’yo, ikaw lang ang nasa puso ko. Hindi ko lang kasi alam kung paano ko sasabihin sa’yo na mahal kita. Natatakot akong matalo kapag sumugal ako dahil baka mas mawala ka sa akin. Ayokong isipin mo na tinraydor kita dahil hinayaan kong ma-in love ako sa'yo..Mabuti na lang na hanggang sa huli ay tayo pa rin ang magkasama.”
“Bestfriends for life tayo, eh.” Nahagilap niyang sabihin saka pinasigla ng husto ang boses.
Umiling si Mark Wayne. “No, we’re more than bestfriends.”
Ngumiti siya dahil sinang-ayunan niya ang sinabi nito. “Mag-asawa na tayo, eh.”
“Legally married,” mariing sabi nito.
“My Wayne…”
“Ang tagal ko ng hindi naririnig sa’yo ang endearment na ‘yan.”
Natigilan naman siya sa sinabi ni Mark Wayne. Na-realize niyang totoo iyon. NU'ng mag-bestfriends pa lang sila o mas tamang sabihin na nu'ng crush na crush niya ito ay panay ang tawag niya rito ng My Wayne samantalang nu'ng kasal na sila ay Mark Wayne na lang ang tawag niya rito.
“Sus, samantalang dati, ayaw mong tinatawag kitang My Wayne.” Nanunudyong sabi niya. Hindi naman siya nito sinasaway sa pagtawag niya rito ng My Wayne ay alam niyang hindi nito nagugustuhan iyon dahil sumasama ang mukha nito.
“Duwag kasi ako,” inis nitong sabi sa sarili. “Natatakot akong umasa na may ibig sabihin ang salitang My Wayne. But now, I’m your Wayne and you are my Jillian.”
Napangiti siya sa sinabi nito pero hindi niya naiwasan ang magtaka, bakit parang hungkag pa rin ang nararamdaman niya? Sa halip parang mas gusto niyang masiyahang pakinggan ang mga salitang My Love, My Destiny.
“ANONG ginagawa mo rito?” manghang-manghang tanong ni Jillian nu’ng bumaba siya at matiyak niyang si Ysmael Lance Madrigal ang kanyang bisita. Nang sabihin nga kanina ng katulong nilang si Catalina na may bisita siya'y gusto pa niyang magtaka na hindi pa umaakyat si Mark Wayne sa kanyang silid gayung sanay naman itong maglanas masok sa kanyang kuwarto.
Iniabot muna nito sa kanya ang isang bouquet ng red roses, isang malaking pink teddy bear at isang box ng chocolates. “Dinadalaw ang girlfriend ko,” parang walang anumang sabi nito.
Maang siyang napatingin dito. Buong akala niya kasi’y sa university lang ang palabas nila. Dahil sa hindi niya inaasahan ang sinabi nito'y ang lakas ng pintig ng kanyang puso. Hindi nga lang niya malaman kung dapat ba siyang masiyahan o mainis.
"Wala naman ito sa usapan natin," mariin niyang sabi. Nais sana niyang isipin na kinaiinisan lang niya ang presensiya ni Lance ngunit hindi naman niya ito kayang ipagtabuyan. Marahil dahil iyon ang unang pagkakataon na mayroong lalaking nagpapakilig sa kanya. BIro mo ba namang kung anu-anong binigay sa kanya para lang maramdaman niya na importante siya sa buhay nito.
“I’m doing this for you,” anitong tumabi ng upo sa kanya.
“Ano?” mangha pa rin niyang bulalas. Nang bumulong ito sa kanya ay daig pa niya ang linya ng kuyenteng nagkabuhul-buhol. Para kasing nagkaroon ng short circuit ang utak niya.
“Kapitbahay mo si Mark Wayne kaya importanteng makita niya ako para malaman niyang akin ka na,” mariin niyang sabi.
"Possessive?"
"Yes."
"Feeling possessive."
"So, kinikilig ka na?"
"Palabas lang naman ito, hindi ba?"
"Alam mo ba kung bakit nagkakaroon ng trophy ang mga artista?" kunwa'y tanong ni Lance.
Kumunot naman ang noo niya sa tanong nito. Talaga kasing hindi niya ma-gets ang ibig nitong sabihin. "Kasi magaling silang umarte," wala sa loob na sabi niya rito pagkaraan.
"Magaling silang umarte dahil ninanamnam nila ang karakter na kanilang ginagampanan."
"So, anong ibig mong sabihin?"
"Pagbutihin natin ang pagpapanggap. Kailangang pati ang lahat ng tao sa paligid natin ay maniwalang magkarelasyon tayo."
Nang mga oras na iyon ay parang gusto niyang tutulan ang sinasabi nito. Hindi naman kasi siya pinalaking sinungaling ng kanyang mga magulang ngunit gusto rin naman niyang ma-realize ni Mark Wayne na mahal siya nito. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan para siya ay maging maligaya.
“So, do we have a deal?” tanong sa kanya ni Lance.
“Effective ba talaga ang planong ‘yan?” duda niyang tanong. Ngunit, mayroon siyang hindi maintindihan sa kanyang nararamdaman. Dapat ay ma-excite siya dahil magseselos si Mark Wayne kapag nalaman ang 'relasyon' nila ni Lance ngunit pakiwari niya'y mas excited siyang magpanggap silang magkarelasyon ni Lance.
Nagkakagusto ba siya sa mortal na kaaway ng kanyang bestfriend? mangha niyang tanong sa sarili.
No! mariing sabi niya sa sarili. Kung ganoon, bakit hindi niya magawang alisin ang titig niya kay Lance? At may saya siyang nararamdaman dahil nakatitig din sa kanya si Lance na para bang siya ang pinakamagandang babae sa paningin nito.
“Ehem...ehem…” wika ng boses na nagpaistorbo sa kanila. Si Mark Wayne. Hindi niya napansin sa nasa loob na ito ng kanilang bahay. Kung bakit ba naman kasi hindi nila nagawang alisin ni Lance ang tingin sa isa’t isa.
“May bisita ka pala,” seryosong tanong sa kanya ni Mark Wayne.
Hindi siya agad nakakibo dahil nakita niyang sakit sa mga mata ni Mark Wayne. Sa isang sandali tuloy ay gusto niyang isipin na nagtagumpay siyang mapagselos si Mark Wayne ngunit may isang bahagi naman ng isipan niya ang gustong makasiguro kaya’t kailangan niyang panindigan ang usapan nila ni Lance.
“Si Lance…” sabi niya. Gusto niyang sabihin na 'boyfriend' niya si Lance pero parang nautal siya. Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne kaya parang hindi niya talaga kayang magsinungaling dito.
“Of course I know him. Bakit siya nandito? Hindi ko alam na close na kayo ni Ysmael Lance Madrigal,” madiing sabi ni Mark Wayne na para bang ang gusto talagang sabihin ay ang mortal nitong kaaway.
Sobra naman kasing mapang-asar si Lance mula pa pagkabata at dahil bestfriend niya si Mark Wayne, palagi niya itong ipinagtatanggol. Dahilan kaya mas inaasar ito ni Lance. Para raw kasi hindi makaalis si Mark Wayne sa saya ng nanay.
“I’m her boyfriend.” wika ni Lance saka hinagilap ang kanyang palad.
“Boyfriend?” sarkastikong tanong ni Mark Wayne.
Pinisil ni Lance ang kanyang palad na para bang inuutusan siya nitong kumpirmahin niya ang sinabi nito.
"Y-yes. He's my boyfriend."
"Hindi mo sinabing nanliligaw siya sa'yo."
"Masyado ka kasing busy ng mga nakaraang linggo," nahagilap niyang sabihin.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakita siyang kumislap sa mga mata ni Mark Wayne. Luha ba iyon? Naiiyak ba si Mar Wayne dahil inakala nitong may iba na siya.Gusto niyang lumapit kay Mark Wayne at amining hindi naman sila totoong magkarelasyon ni Lance. Na gusto lang niyang makita kung magseselos ito kapag nagkaroon siya ng ibang lalaki na bibigyan niya ng atensyon pero hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Lance.
TULUYAN na talagang nagbago ang relasyon nina Mark Wayne at Jillian. From bestfriends to strangers na. Para kasing hindi na nila kilala ang isa’t isa muli ng sabihin ni Lance dito ang tungkol sa kanilang ‘relasyon’.
Ibig niya tuloy isipin na palpak ang plano ni Lance na pagselosin si Mark Wayne. Kung talaga kasing may damdamin sa kanya si Mark Wayne, nakasisiguro siyang aaminin na ito bago pa man siya tuluyang nawala sa buhay nito.
“Itigil na natin ito.” sabi niya kay Lance habang kumakain sila sa park. Sabi niya sa sarili, kapag ibinulalas niya ang salitang iyon dapat ay mariin para makita nitong determinado siya, kaya lang, sa kaisipang hindi na niya makikita at makakasama si Lance ay parang gusto na niyang umiyak sa sobrang pangungulila.
Sa loob kasi ng isang buwang pagiging 'magkarelasyon' nila ni Lance ay masyado na siyang nasanay sa presensiya nito. Kahit nga maghapon na silang magkasama ay parang hindi pa rin siya kuntento kapag hindi niya ito ka-text o ka-chat bago matulog. At dahil doon, natatakot na siya sa kanyang nararamdaman.
Pakiwari niya kasi'y hindi na niya magagawang panindigan pa ang feelings niya para kay Mark Wayne. Hindi na rin niya maiwasang makaramdam ng guilt dahil bonding time talaga nila ni Mark Wayne ang Sabado pero si Lance ang kanyang kasama para mag-picnic.
“Why?” gulat na tanong ni Lance.
“Useless na rin naman.” Nahagilap niyang sabihin. Talaga naman kasing hindi na niya alam kung gusto pa ba niya talagang pagselosin si Mark Wayne.
“Akala ko ba gagawin mo ang lahat para makuha ang pag-ibig ni Mark Wayne. Bakit ngayon sumusuko ka na?” gulat na tanong ni Lance pero parang may panic siyang naaaninag sa tono ng pananalita nito.
Malalim na buntunghininga muna ang kanyang pinawalan bago nagsalita. Ewan din niya kung bakit parang naninikip ang kanyang dibdib.“Immature kasi ang naisip nating paraan para sabihin kay Mark Wayne na mahal ko siya,” aniyang hindi makatingin ng diretso kay Lance. Alam niya kasing sa ilang linggo na pagpapanggap nila’y unti-unting nagbago ang feelings niya para kay Ysmael Lance Madrigal.
Palagi kasi nitong ipinararamdam sa kanya na napakaespesyal niya. Ang mga mata at atensyon ni Lance ay nakatutok lang sa kanya. Kapag may babaeng lumalapit dito at nagpapakita ng interes ay sinasabi ni Lance na hindi na ito available. Kahit tuloy alam niyang gusto lang nitong maitaboy ang mga babaeng iyon, hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng kilig. Pakiramdam kasi niya, sobrang loyal sa kanya ni Lance.
Hindi rin niya mapigilan ang sariling ikumpara si Lance kay Mark Wayne at lalo siyang nakakaramdam ng takot. Nito kasing mga nakalipas na buwan ay parang balewala na siya sa matalik niyang kaibigan.
Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Lance pagkaraan. “Talaga bang hanggang ngayon ay walang ibang laman ang puso mo kundi si Mark Wayne Toledo?” naiinis nitong tanong sa kanya.
Maang siyang napatingin dito dahil parang ang bigat-bigat ng dinadala ni Lance. Hindi rin niya alam kung para saan ang sakit na nakikita niya sa mga mata gayung kani-kanina lang ay masayang-masaya sila habang pinagsasaluhan nila ang mga pagkaing inihanda ni Lance.
Monthsary raw ng kanilang ‘relasyon’ kaya dapat lang na mag-celebrate sila. Si Lance ang nagluto ng fried chicken, inihaw na bangus, lumpiya at fried rice kaya siniguro nitong marami siyang makakain. Well, talagang masarap ang mga pagkaing nakahanda kaya talagang busog na busog siya.
“Nang magpanggap tayo, iyon ang goal ko. Ang mapansin ni Mark Wayne.” Ngunit, hindi na iyon ang gusto ko ngayon, sabi niya sa sarili at hindi siya makatingin ng diretso kay Lance.
“Mahal kita,” mariing sabi ni Lance.
Hindi niya inasahan ang sinabi ni Lance kaya lumipad ang tingin niya rito tapos natulala siya. Talaga kasing may pagkakataon na iniisip niyang mahal siya ni Lance at hindi nagpapanggap lang.
“I’m telling the truth. Matagal na kitang gusto. Mga bata pa lang tayo ay crush na crush na kita pero wala kang ibang nakikita kundi si Mark Wayne. Iyon nga ang dahilan kung bakit badtrip na badtrip ako sa bestfriend mo kaya lagi ko siyang tinatalo sa lahat ng bagay mula sa pagiging valedictorian at sa basketball dahil gusto kong makita mo na I’m better than him.”
“Hindi mo naman kailangang gawin iyon.”
“Dahil nasasaktan ko ang bestfriend mo?” marahas na buntunghininga ang pinawalan nito. “Pero, kahit yata anong gawin ko ay hindi ko matatalo si Mark Wayne sa puso mo.”
“Mali ka,” halos pabulong niyang sabi.
“Anong ibig mong sabihin?”
Hindi siya agad nakakibo pero parang gusto niyang mahawa sa excitement na nakikita niya sa mga mata ni Lance. Kaya hindi rin niya napigilang ibulalas ang mga katagang, “Mahal na din yata kita.”
NANLALAMIG pa rin ang kamay ni Mark Wayne kahit pa-take off na ang eroplano. “Relax,” masuyong sabi ni Jillian. Saisipan niya ay nag-flashback ang hitsura nila nu'ng sampung taong gulang pa lang nila na nasa tuktok ng nag-malfunction na ferris wheel.Iyak nang iyak si Mark Wayne habang siya’y piniling magpakatatag kahit gusto na rin niyang umiyak. Alam niya kasing walang mangyayari kung magiging mahina siya. Kaya, kahit natatakot siya ay pinayapa niya si Mark Wayne na sobrang nagpa-panic na. “Andito ako. Hindi kita pababayaan,” pangako niya kay Mark Wayne pero may isa ring imahe na nag-flash sa isipan niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ipinilig niya ang ulo. Nagbabakasakali siyang maitaboy rin niya sa isipan ang mukhang iyon. Si Mark Wayne ang kasama niya kaya dito lang niya kailangang itutok ang kanyang atensyon. Nang magkaroon ng acrophobia, sinisi niya ang kanyang sari. Pakiramdam niy
MASAKIT na masakit na ang ulo ni Jillian sa kakaiyak pero hindi pa rin niya magawang huminto hangga’t hindi nauubos ang lahat ng tubig sa kanyang katawan. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung panay naman ang painom ng tubig sa kanya ni Mark Wayne? Talagang kahit kailan ay para itong super hero na maaasahan. Agad itong dumating ng tawagan niya. Sobra nga itong nataranta nang makitang umiiyak siya tapos agad pa niya itong niyakap nang lapitan siya ng tanungin siya kung anong nangyari. Siyempre, hindi niya ito nasagot agad dahil ang sikip-sikip ng dibdib niya. Hindi niya talaga inakala na lolokohin lang siya ng kauna-unahang lalaking minahal niya. Masyado kasi siyang nadala sa mga I love you nito, sa sobra nitong ka-sweet-an. Sa maiinit at mahihigpit nitong mga yakap na dama niyang unti-unting naglalaho habang tumatagal. At ngayon ay nasagot na ang katanungang
MAAARI ngang ang limang taon ay napakatagal na panahon na para sa marami ngunit para kay Ysmael Lance Madrigal ay hindi sapat ang panahon na iyon para paghilumin ang sugat na nasa kanyang puso mula ng araw na talikuran siya ni Jillian Cordova para sa bestfriend nitong si Mark Wayne Toledo. Hindi niya kasi talaga inasahan na magagawa pa iyon sa kanya ni Jillian dahil damang-dama naman niya ang pag-ibig nito. Nakikita niya ang ningning sa mga mata nito kapag siya'y tinititigan. Ganoon din kasi ang tingin niya rito. Parang may nakatambay na stars sa kanyang mga matakapag kasama niya ito't kausap.Ngunit, kahit na alam niyang may pagtingin na sa kanya si Jillian, parang hindi pa rin nabubura sa isipan nito na si Mark Wayne ang una nitong minahal. Pero, mahal din naman siya ni Jillian. Iyon ang gusto niyang paniwalaan. Nang araw kasing sabihin sa kanya ni Jillian na mahal siya nito'y umasa siya na tuluyan na niyang natalo s
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang malaman niya sa kanyang ama ang tunay na dahilan kung bakit pinabalik sila nito sa Pilipinas -- si Lance. Naglagak ito ng 200 milyon sa Mabuhay Bank at ngayon ay gusto na sana nitong kunin kung di lang nakiusap ang kanyang ama. Kahit na gusto sana niyang magalit sa kanyang ama dahil hindi muna nito kinunsulta sa kanya ang tungkol sa pagbibigay ng mataas na interes sa bawat depositor ay wala na siyang magagawa pa. "Pasensiya ka na sa kapalpakan ko, anak?" nahihiyang sabi ng kanyang ama. Bahagyang sulyap na lang ang ibinigay niya kay Denmark Toledo dahil ang isip niya ngayon ay nakatuon na sa kung anong binabalak na gawin ni Lance. Alam niyang masyadong nasaktan ang pride nito dahil tinalikuran ito ni Jillian at nagawa niyang manalo sa laban na ginawa nito. Ngunit, talaga nga bang nanalo siya? Sarili lang niya ang kanyang lolokohin kung sasabihin niyang oo dahil talaga na
"HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr. Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt. Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala naman
HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon. Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne. But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust
WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi
"ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis. May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple. Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama