MAAARI ngang ang limang taon ay napakatagal na panahon na para sa marami ngunit para kay Ysmael Lance Madrigal ay hindi sapat ang panahon na iyon para paghilumin ang sugat na nasa kanyang puso mula ng araw na talikuran siya ni Jillian Cordova para sa bestfriend nitong si Mark Wayne Toledo.
Hindi niya kasi talaga inasahan na magagawa pa iyon sa kanya ni Jillian dahil damang-dama naman niya ang pag-ibig nito. Nakikita niya ang ningning sa mga mata nito kapag siya'y tinititigan. Ganoon din kasi ang tingin niya rito. Parang may nakatambay na stars sa kanyang mga matakapag kasama niya ito't kausap. Ngunit, kahit na alam niyang may pagtingin na sa kanya si Jillian, parang hindi pa rin nabubura sa isipan nito na si Mark Wayne ang una nitong minahal.
Pero, mahal din naman siya ni Jillian. Iyon ang gusto niyang paniwalaan.
Nang araw kasing sabihin sa kanya ni Jillian na mahal siya nito'y umasa siya na tuluyan na niyang natalo si Mark Wayne sa puso nito lalo na't maraming beses na nitong ibinigay sa kanya ang sarili. Inihanda na nga niya ang magiging wedding proposal niya kay Jillian dahil talagang wala na siyang gusto pang makasama sa habambuhay kundi ito lang. Ini-imagine na nga rin niya na magkakaroon sila ng anak. Na magsasama sila sa isang bubong at magiging maligaya habambuhay.
Ngunit, parang pinasabog ang lahat ng pangarap niya nu'ng araw na makita niyang magkayakap sina Jillian at Mark Wayne. Dapat ay ipinaramdam niya sa mga ito ang kanyang presensiya pero hindi niya iyon nagawa dahil natakot siya. Naisip niya kasing baka kaya magkayakap ang dalawa ay dahil nagsabi na si Mark Wayne na mahal nito ang bestfriend.
Isang araw kasi ay nilapitan siya ni Mark Wayne para sabihing huwag niyang lolokohin si Jillian. Wala naman talaga siyang gawin iyon dahil mahal na mahal niya ang bestfriend nito pero hindi niya naibulalas. Inamin kasi sa kanya ni Mark Wayne na mahal nito si Jillian kaya kung lolokohin lang niya ay tinigilan na niya.
Nang sabihin ni Mark Wayne ang mga salitang 'Mahal ko si Jillian' bigla siyang kinabahan. Hindi lang pala kaba ang naramdaman niya, kundi sobrang takot. Sa simula pa lang kasi, alam niyang mahal ni Jillian si Mark Wayne.
Shit! Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot na mawala sa kanya ang taong mahal na mahal niya. Kaya naman, lahat ng paraan ay ginawa niya para lang mapaibig niya si Jillian. Bakasakaling ang lahat ng pagmamahal na naramdaman nito kay Mark Wayne ay makalimutan na nito. Ngunit, siya itong hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimot. Wala siyang ibang gustong makatabi sa pagtulog kundi ang unan ni Jillian.
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinakawalan niya. Kung may makakaalam lang ng tumatakbo sa kanyang puso't isipan, siguradong mapagtatawanan siya. Hindi naman kasi ang isang Ysmael Lance Madrigal ang dapat na makaramdam ng takot dahil mula pa nu'ng ipinanganak siya ay matuturing ng suwerte siya. Kaya lang, hindi naman lahat ng makapagpapaligaya sa tao ay makukuha sa pagiging guwapo at mayaman niya.
Bata pa lang siya ay crush na niya si Jillian Cordova kaya kung maaari lang ay ayaw niyang mapahiwalay dito. Kaya naman mula elementary hanggang highschool ay sinikap niyang maging kaklase ito at laking tuwa niya ng kumuha rin ito ng AB Masscommunication dahil iyon ang kursong kailangan niyang kunin dahil nga sa tv station ang pinakamalaking negosyo na pag-aari ng kanilang pamilya na kailangang matutukan ng husto.
Muli, napabuntunghininga siya. Kahit naman kasi nasa paligid lang siya, ang atensyon pa rin ni Jillian ay na kay Mark Wayne. Walang ibang gustong kausap at kasama si Jillian kundi ang bestfriend nito na para bang ang lalaking iyon lang ang dapat na pagkatiwalaan. Kaya naman sa inis niya ay palagi niyang binu-bully si Mark Wayne. Alam niya kasing iyon lang ang paraan para makuha niya ang atensyon ni Jillian.
Hindi naman niya gustong laging napipikon o naiinis sa kanya si Jillian ay mas okay na iyon para sa kanya kaysa naman hindi nito pansin na nag-i-exist pala siya sa mundong ibabaw. But things become different mula nang makita ni Jillian na may kahalikang ibang babae si Mark Wayne. Hindi niya tuloy napigilang mag-alok dito ng 'tulong' pero iba naman talaga ang kanyang intensyon.
Ang gusto niya talaga ay maibaling ni Jillian sa kanya ang pag-ibig nito dahil talagang mahal na mahal niya ito. Hindi lang niya alam kung paano niya iyon sasabihin sa dalaga dahil hindi siya nakasisigurado kung papaniwalaan siya nito o mababasted lang siya. Kaya, ang pinili pa niyang idahilan dito para magkaroon sila ng kunwaring relasyon ay para ma-realize ni Mark Wayne na mahal nito si Jillian.
At sa tingin nga niya ay iyon ang nangyari kaya parang gumuho ang mundo niya ng makitang nakayakap dito si Jillian. Para kasing ang ibig sabihin nu'n ay kinalimutan na rin ni Jillian ang mga pinagsamahan nila. Ang pagsasabi nito na mahal siya. Ang maiinit nitong yakap at halik sa kanya.
Nang mga sandaling handa ng siyang lulunin ang kanyang pride ay saka ipinamukha sa kanya ni Jillian na si Mark Wayne ang talagang mahal nito. Simula noon ay nag-iwasan na sila at hindi na nag-usap. Ngunit, dahil ibig niyang pagselosin si Jillian ay sinadya rin niyang maging sweet sa ibang babae kapag nakikita niya ito. Ngunit, mas magseselos pala siya kapag nakikita niyang ka-holding hands nito si Mark Wayne. Tapos biglang nag-alsa balutan ang mga ito papuntang America at matapos lang ang ilang buwan ay nagpakasal na ang mga ito. Nang malaman niya iyon ay nagkadurog-durog ang kanyang puso.
Kahit tuloy mahal na mahal pa rin niya si Jillian ay ginusto na niya itong patayin sa kanyang puso dahil alam niyang balewala na ang pagmamahal niya rito. Kasal na ito at Mark Wayne at may anak na ang mga ito. May mga pagkakataon kasi na hindi niya napipigilan ang sariling alamin ang nangyayari sa buhay nito. Ewan nga lang kung bakit napapangiti siya kapag napagmamasdan niya ang mag-ina.
Marahil dahil minsan ay pinangarap niyang dalhin ni Jillian ang kanyang magiging anak. Iyon nga lang, hindi nangyari iyon dahil sa huli ay pinili nito si Mark Wayne. Kaya, naman hindi niya alam kung hanggang kailan ba siya makaka-recover sa pagkabigo. Ayaw naman niyang ituon lang ang atensyon niya sa pag-inom dahil alam niyang wala naman iyong magiging epekto sa kanya. Saka, ayaw din niyang magpakita ng kahinaan sa iba.
Ang atensyon niya tuloy ibinuhos na lang niya sa pamamalakad ng kanilang tv station. Isa na siyang CEO kaya naman kailangan niyang magseryoso sa buhay. Gayunpaman, pinili niyang umiwas sa mga babae dahil kahit anong gawin niya, iisang mukha lang ang gusto niyang makita at maangkin.
Damn!
"May naisip na ba kayong paraan para maitaas naman ang rating ng news program sa hating gabi." maawtoridad niyang tanong sa kanyang mga tauhang bumubuo ng Midnight News. Dapat ay sa negosyo niya ituon ang kanyang atensyon para naman hindi bigla-biglang sumusulpot sa isip niya ang ex-girlfriend na mahal na mahal pa rin niya hanggang ngayon. Naalala niya kasing kapag may problema sa kanilang group project ay laging may solusyon si Jillian.
Kung ang ibang programa ay pasara sa mga oras na iyon, siya ay pinili pang magkaroon ng huling balita dahil naniniwala siyang marami pa rin naman ang gising kahit alas-dose na. Iyon ay ang mga taong mayroong insomia. Bagamat alam niyang iilan na lang halos iyon ay pinili pa rin niyang sumugal. Marahil, dahil gusto pa niyang magkaroon ng maraming pera dahil sa palagay naman niya ay doon na lang siya magaling. Sa paggawa ng maraming pera. At alam din naman niyang marami pa rin siyang taong nabibigyan ng trabaho.
"Makatutulong din po ang pag-interview sa mga matagumpay na tao. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa." Narinig niyang sabi ng isang segment editor na nagngangalang Arnold.
"Like whom?" walang kainteres-interes niyang tanong.
"Jillian Cordova."
"Fuck!" hindi niya napigilang ibulalas nang marinig niya ang pangalan ng kaisa-isang babaeng nakabandera sa kanyang puso.
Nang mapatingin siya sa nagsalita ay nakita niyang namutla ito. Siguradong dahil sa pagmumura niya. Marahil inisip nito na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Well, talaga naman kasing hindi nagustuhan ng kanyang puso ang narinig. Bigla na naman kasing pumintig iyon na para bang hinahabol ng maligno.
"Go on," sabi niya. Hindi dahil sa interesado siyang mapataas ang rating kundi dahil sa gusto niyang makarinig ng update tungkol kay Jillian Cordova na alam niyang sikat na manunulat na rin sa America. Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi nito ginagamit sa apelyido ni Mark Wayne sa mga libro nito.
Kahit noong nag-aaral pa sila ay hilig na talaga ni Jillian ang magsulat at kalimitan nga raw siya ang bida sa mga horror stories na ginagawa nito lalo na kapag bad trip na bad trip ito sa kanya. Hindi naman niya makuhang magalit sa ipinagtapat ni Jillian. Ang totoo ay natuwa pa siya. Biro mo, kahit galit ito sa kanya ay nakukuha pa siya nitong isipin.
May pagkakataon tuloy na tinutukso niya itong hindi naman talaga ito nagagalit sa kanya dahil palagi niyang inaaway si Mark Wayne kundi dahil noon pa lang ay pinaglalabanan na nito ang attraction na nararamdaman sa kanya.
"Maraming tao ang nangangarap na maging manunulat kaya kung mai-interview natin si Miss Jillian ay siguradong maraming manonood. Filipino pride din siyang maituturing sa larangan ng pagsusulat. Para ngang si Jillian Cordova ang JK Rowling ng Pilipinas. Kahit iilan pa lang naman ang librong isinulat niya, naging best seller naman."
"Bibiyahe pa ang mga manunulat, reporter at cameraman natin sa America?" sarkastikong tanong niya.
Si Carmela naman ang sumagot, isa ring segment editor. "Fina-follow ko po si Jillian Cordova kaya alam kong nandito na silang mag-anak sa Pilipinas."
"Nandito na si Jillian sa Pilipinas?" hindi niya napigilang itanong. Bigla tuloy napatingin sa kanya ang mga tauhan niya. Hindi kasi niya nagawang itago ang pananabik sa kanyang boses kaya naman hindi niya napigilang singhalan ang kanyang sarili. Kahit kasi hindi siya nakaharap sa salamin ay naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha dahil alam niyang mistulan siyang teenager na biglang nag-blush.
"Yes, Boss." sagot nito na nakakunot ang noo. Siguro ay nagtaka ito dahil sa inasal niya.
"M-medyo masama ang pakiramdam ko," nahagilap niyang ikatwiran. Kung naniwala man ang kanyang mga kaharap ay wlala na siyang pakialam. Saka, alam niyang wala naman ni isa sa kanyang mga kaharap na maglalakas ng loob na magtanong sa kanya. "So, bumalik na pala ang mag-asawa."
"Sino pong mag-asawa?" hindi nakatiis na tanong ng isa niyang tauhan. Hindi lang niya natukoy kung sino ang nagsalita. Wala din naman kasi siyang balak kausapin ang kahit sino
"Interesting." Nakangisi niyang sabi dahil ang utak niya ay naglalakbay na sa kung saan. Sa paghihiganting pinlano niya noon pa man. At sisiguraduhin niyang higit na magdurusa si Mark Wayne Toledo.
"Boss?" wika ng kanyang mga tauhan. Ilang minuto rin kasi siyang natulala.
"Welcome back, My Beloved," hindi niya nabigilang sabihin kaya nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang kanyang mga tauhan.
'MUKHANG good mood ang unico hijo ko, ah," nakangiting sabi ng kayang Papang. He's 70 years old pero malakas pa. Alaga rin naman kasi ni Lancelot Madrigal ang katawan nito. Saka, wala naman itong pinuproblema sa buhay. Ngunit, kahit hindi na ito nagpupunta sa Channel 26 ay maaga pa rin itong nagigising gaya niya kaya palagi silang magkasalo sa breakfast.
Bahagya rin niyang tinapunan ng tingin ang kanyang ina, si Esneralda, na tahimik na kumakain matapos siyang aayain na parang walang kagana-gana. Dalawampung taon ang tanda ng kanyang Papang kaya kahit simple lang ang ayos nito ay lutang na lutang pa rin ang kagandahan nito. Ngunit kahit na mamahalin ang damit nito ay alam niyang wala pa ring dating iyon sa kanyang ina.
Napabuntunghininga siya. Kung noong bata siya'y palagi niyang tinatanong ang sarili kung bakit kahit nakangiti ang kanyang ina ay parang ang lungkot-lungkot pa rin ng mga mata nito, ngayon ay alam na niya ang dahilan. Hindi nito mahal ang kanyang ama. Napilitan lang itong magpakasal sa kanyang Papang dahil nagbanta ang kanyang lolo't lola na itatakwil ito't isusumpa kapag ibang lalaki ang pinakasalan.
Sa tuwing naririnig niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang, nalalaman niyang hindi siya bunga ng pag-ibig. Alright, mahal ng Papang niya ang kanyang Mamang pero may ibang mahal ang kanyang ina at nagawa nitong talikuran iyon dahil kailangan nitong sundin ang mga magulang.
Ayon sa kuwento ng kanyang Papang, alam daw nitong walang mangyayari kung ang Mamang niya ang liligawan nito dahil may kasintahan ang kanyang ina kaya naman ang lolo't lola niya ang niligawan ng kanyang Papang. At dahil nga multi-milyonaryo ang mga Madrigal ay ginusto ng pamilya ng kanyang ina ang kanyang ama.
"Marami na naman sigurong perang pumasok sa kanyang bank account," wika ng kanyang ina sa tonong nakikipagkuwentuhan.
Kahit na walang kabuhay-buhay palagi ang mga mata ng kanyang ina, alam niyang mahal siya nito. Nu'n ngang panahon na na-brokenhearted siya kay Jillian ay ito ang kanyang naging karamay. Nagawa nitong paglinawin ang kanyang utak kahit na dumating na siya sa puntong gusto na niyang kidnapin si Jillian para lang magkaroon ng happy ending ang kanilang lovestory.
"Kung hindi ka na mahal ni Jillian, tanggapin mo na lang dahil magiging miserable lang ang buhay ninyo kung kayo ang magkakatuluyan."
"Ganyan ba ang nararamdaman mo, Mamang?" tanong niya sa kanyang ina nang balingan niya ito. Masama ang loob niya ng mga oras na iyon kayahindi niya kontrol ang kanyang sarili. Ang nakakatawa lang, para siyang lasing kapag nagseselos siya pero kahit na lumaklak siya ng sangkaterbang alak ay walang epekto sa kanya. Napakataas daw kasi ng alcohol tolerance niya. Gayunman, hindi naman niya piniling magpakalunod sa alak porke hindi siya nalalasing dahil tiyak naman niyang hindi siya si Superman para hindi masunog ang kanyang atay.
Hindi naman ito kumibo pero nasaktan pa rin siya dahil alam niyang 'oo' ang gustong isagot ng kanyang Mamang. Dahil tuloy doon ay nasabi niyang hindi niya gugustuhing maging miserable si JIllian sa kanyang piling. Kung si Mark Wayne talaga ang mahal nito ay magpaparayan na lang siya.
"Kung gusto mo talagang maging masaya, kailangan mong maging selfish," sabi naman ng kanyang Papang nu'ng mag-open siya rito. Ito rin ang nagsuhestiyon sa kanyang kidnapin niya si Jillian hanggang sa ma-realize nitong wala itong mahal kundi siya.
Marahil kung hindi siya Mark Wayne ang lalaking pinili ni Jillian ay talaga ipaglalaban pa niya ang kanyang ex-girlfriend pero dahil sa alam niyang hindi naman sasaktan ni Mark Wayne si Jillian ay pinili na lang niyang magpaubaya.
Ni hindi na nga niya tinangka pang lumapit kay Jillian kahit na magkaklase sila. Gusto lang niyang magtaka kung bakit kahit na si Jillian ang may kasalanan sa kanya ay parang ito pa ang galit na galit sa kanya. Palagi kasing matalim ang tingin nito sa kanya.
Nang dumating ang araw na handa na sana siyang -approach si Jillian ay saka naman niya nalamang umalis na ito papuntang America kasama si Mark Wayne.
"Hindi lang naman pera ang makapagpapaligaya sa tao," walang gana niyang sabi sa kanyang ina. Mahal niya ang kanyang Mamang, alright. Pero, hindi niya mapigilan ang magdamdam dito dahil pakiramdam niya'y hindi nito ginawa ang lahat para mahalin ang kanyang ama.
"Pero, ang pera ang dahilan kaya makukuha natin ang ating kaligayahan," makahulugang sabi ng Papang matapos sulyapan ang kanyang ina.
Ang tv station nila ay maayos na maayos niyang napapatakbo kaya bihira na rin itong makialam sa tv station, maliban na lang kung hihingi siya rito ng tulong. Dahil nga sa ayaw niyang laging naaalala ang kabiguan niya sa pag-ibig ay itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa kanilang negosyo.
Bigla na naman niya tuloy naalala si Jillian. Maging isang mahusay na manunulat ang pangarap nito kaya siguro kung sila ang nagkatuluyan ay...
Hindi na niya dapat pang isipin iyon dahil wala na si Jillian sa kanyang buhay kaya lang parang hindi niya gustong pawalan na lang ito basta-basta. Siguro nga ay masokista siya kaya kahit alam niyang pagmamay-ari na ito ng iba'y gusto pa rin niyang pumasok muli sa buhay nito. Well, ibig din naman kasi niyang tumaas ang rating nila at alam niya malaki ang maitutulong ni Jillian sa Channel 26.
"Masisingil ko na kasi ang mga taong may utang sa akin," nakangising sabi niya habang naglalagay ng kanin at ulam sa kanyang plato.
"Kailan ka pa nagpautang?" maang na tanong ng kanyang Mamang.
"Are you referring to your ex-girlfriend?" nakangising tanong ng kanyang ama.
"And to her husband. Her bestfriend," mariin niyang sabi. Kasabay noon ay bumalik sa kanyang alala ang dahilan kung bakit kailngan muling tumapak nina Jillian at Mark Wayne sa Pilipinas. Dahil iyon ang kondisyon na hiningi niya kay Toledo Sr.
Siya ang dahilan kung bakit kinailangang bumalik nina Jillian at Mark Wayne dito sa Pilipinas. Naglagak siya sa Mabuhay Bank ng 200 milyon, four years ago. Hindi dahil sa malaki ang interes na makukuha niya rito kundi dahil alam niyang isang araw ay magkakaproblema ang banko ng mga Toledo.
Inakala kasi ng matandang Toledo na good move ang pagbibigay ng malaking interes para dumami ang kanilang depositor. Nangyari naman iyon kaso nasira sila ng husto ng kumuha sila ng endorser tapos nasangkot sa malaking eskandalo. Nagumon sa sugal kaya naman pati ang Mabuhay Bank ay nadamay. Dahil doon maraming depositor ang biglaang nag-withdraw. At dahil ang promo ng mga Toledo ay maibibigay na ang interes sa unang anim na buwan ay kinailangan nilang maglabas ng pera para mabayaran ang utang.
At dahil sa malaking na-deposit niya sa Mabuhay Bank ay sobrang nataranta ang tatay ni Mark Wayne nang sabihin niya ritong gusto na rin sana niyang i-withdraw ang kanyang pera. Sigurado kasing mas mababaon ang mga ito dahil malaki rin ang babayaran sa kanya. Kaya naman todo ang pakiusap nitong huwag niyang kunin ang kanyang pera. Pinagbigyan naman niya ito pero mayroon siyang kondisyon. Ibig niyang bumalik sa Pilipinas ang mag-asawang Mark Wayne at Jillian.
Wala naman siyang planong agawin pa si Jillian kay Mark Wayne lalo na't may anak na ang mga ito. Ang ibig lang talaga niya ay makita rin ni Jillian ang kanyang narating. Hindi dahil sa anak siya ng may-ari ng higanteng network kundi dahil sa nagawa niyang pagyamanin ang kanilang negosyo.
Iyon nga lang ba ang dahilan? sarkastikong tanong niya sa sarili.
Ah, siguro nga ay masokista siya dahil gusto pa rin niyang makita at makasama si Jillian kahit na pag-aari na ito ng iba.
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang malaman niya sa kanyang ama ang tunay na dahilan kung bakit pinabalik sila nito sa Pilipinas -- si Lance. Naglagak ito ng 200 milyon sa Mabuhay Bank at ngayon ay gusto na sana nitong kunin kung di lang nakiusap ang kanyang ama. Kahit na gusto sana niyang magalit sa kanyang ama dahil hindi muna nito kinunsulta sa kanya ang tungkol sa pagbibigay ng mataas na interes sa bawat depositor ay wala na siyang magagawa pa. "Pasensiya ka na sa kapalpakan ko, anak?" nahihiyang sabi ng kanyang ama. Bahagyang sulyap na lang ang ibinigay niya kay Denmark Toledo dahil ang isip niya ngayon ay nakatuon na sa kung anong binabalak na gawin ni Lance. Alam niyang masyadong nasaktan ang pride nito dahil tinalikuran ito ni Jillian at nagawa niyang manalo sa laban na ginawa nito. Ngunit, talaga nga bang nanalo siya? Sarili lang niya ang kanyang lolokohin kung sasabihin niyang oo dahil talaga na
"HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr. Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt. Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala naman
HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon. Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne. But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust
WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi
"ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis. May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple. Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si
HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina. Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino. Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. "Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne. Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi si
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan. O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili. Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso. "Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wh
"LANCE..." "What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa. "I love you," wika nito. "I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba. Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito. Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama