MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang malaman niya sa kanyang ama ang tunay na dahilan kung bakit pinabalik sila nito sa Pilipinas -- si Lance. Naglagak ito ng 200 milyon sa Mabuhay Bank at ngayon ay gusto na sana nitong kunin kung di lang nakiusap ang kanyang ama.
Kahit na gusto sana niyang magalit sa kanyang ama dahil hindi muna nito kinunsulta sa kanya ang tungkol sa pagbibigay ng mataas na interes sa bawat depositor ay wala na siyang magagawa pa.
"Pasensiya ka na sa kapalpakan ko, anak?" nahihiyang sabi ng kanyang ama.
Bahagyang sulyap na lang ang ibinigay niya kay Denmark Toledo dahil ang isip niya ngayon ay nakatuon na sa kung anong binabalak na gawin ni Lance. Alam niyang masyadong nasaktan ang pride nito dahil tinalikuran ito ni Jillian at nagawa niyang manalo sa laban na ginawa nito. Ngunit, talaga nga bang nanalo siya?
Sarili lang niya ang kanyang lolokohin kung sasabihin niyang oo dahil talaga namang hindi. Kahit na siya ang kasama ni Jillian, alam niyang sa puso nito ay si Lance pa rin ang nandoon. Kaya naman ibig niyang mas magalit sa kanyang sarili at sisihin ang kanyang 'kapansanan'. Kung may kakayahan nga lang sana siyang makipag-sex ay alam niyang may tsansa pang maagaw niya ang puso ni Jillian.
"Wala na tayong magagawa pa," sabi naman ng kanyang ama.
"Kayo ni Jillian ang..."
"Huwag na ninyong intindihin iyon. Ako na ang bahalang makipag-usap kay Lance," napapailing niyang wika. Alam naman niyang iyon ang gustung-gustong ipagawa sa kanya ni Lance, ang magmakaawa siya rito.
Kung inaakala ni Lance na hindi niya makakayang gawin iyon, nagkakamali ito. Kung maaari nga lang din na magmakaawa siya sa puso ni Jillian na kalimutan na niya si Lance ay ginawa na sana niya. Ngunit, alam niyang bago niya hilingin iyon ay kailangan din muna niyang ayusin ang kanyang sarili.
Sa pagbabalik nila ngayon sa Pilipinas ay nagpasya na rin siyang harapin ang kanyang kinatatakutan. Tanging iyon lang kasi ang paraan para hindi mawala sa kanya ang pamilya, higit sa lahat, si Jillian.
Sa palagay niya, ang tanging dahilan na lang kaya hindi siya nagagawang mahalin ni Jilliang buung-buo ay dahil hindi pa niya napapanindigan ang pagiging asawa niya rito. Oo nga't siya ang nag-aalaga at nagsusuporta sa mag-ina pero alam niyang hindi sapat iyon. Kaya naman nakapagdesisyon na siya, lalabanan niya ang takot na kanyang nararamdaman.
Nais niyang ipasuri ang kanyang pagkalalaki sa isang magaling na urologist. Isa kasing espesyalista rin sa New York ang sumuri sa kanya na nagsasabing magagawa niyang paganahin muli ang kanyang pagkalalaki. Ang kailangan lang para itama ito ay ang wastong pagkain, tamang ehersisyo at sapat na vitamin.
Alam niyang kapag nagawa na niyang maibigay kay Jillian ang sarili niya ng buung-buo ay magagawa na ring mabura sa puso't isipan nito ang lahat ng alaalang mayroon ang asawa kay Lance.
Mabubura nga ba ang lahat? sarkastikong tanong niya sa sarili. Paanong mangyayari iyon kung may Apple na makakapagpaalala kay Jillian na may Lance na dumating sa buhay nito. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Siya rin naman kasi ang dahilan kung bakit naibaling ni Jillian ang pag-ibig nito kay Lance. Kaya kung nasasaktan man siya ngayon, dapat lang talaga na magdusa siya.
Isa pa pakiramdam niya ay siya ang nagpahamak kay Jillian. Kung hindi niya iniwasan noon si Jillian ay hindi magkakaroon ng pagkakataon si Lance para gamitin si Jillian para siya ay paghigantihan.
Mga bata pa lang sila ay alam na niyang mabigat ang dugo ni Lance sa kanya kaya lagi siyang tinatalo. Hindi naman big deal sa kanya kung nagagawa siya nitong talunin sa pagiging valedictorian at sa basketball. Sa lahat naman kasi ng bagay ay may nananalo at may natatalo. Tanggap naman niya iyon pero hindi niya maiwasan ang matuwa dahil palaging nasa tabi niya si Jillian at handa siya nitong ipaglaban kay Lance.
Si Jillian Cordova ay bestfriend niya na talaga namang mahal na mahal niya at hindi niya ipagpapalit kahit kanino. Bata pa nga lang sila ay pinangarap na rin niyang ito ang kanyang magiging bride pagdating ng araw. Kaya lang, nakaramdam siya ng takot ng malaman niyang 'kapansanan' niya. At ayaw naman niyang dumating ang araw na pagsisihan lang ni Jillian kung mamahalin siya. Kaya, mas ginusto niya itong itaboy palayo.
Hindi naman kasi siya manhid para di niya maramdaman na may pagtingin sa kanya si Jillian ng higit sa pagiging mag-bestfriend nila at hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot dahil doon. Kaya, ginawa niya ang lahat ng paraan para mawala ang anumang nararamdaman nito sa kanya. Pinakita niya na mayroon siyang mga babae. Na hanggang kaibigan lang talaga ang nararamdaman niya rito.
Ngunit, kapag nakikita niyang nasasaktan niya si Jillian, mas nasasaktan siya kaya lang kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. Naisip niya kasing mas magiging masaya si Jillian sa piling ng iba. Iyon nga lang, nang makita niyang nagkakalapit na ito at si Lance ay para ring dinudurog ang kanyang puso lalo na kapag nakikita niyang nagniningning ang mga mata ni Jillian sa labis na kaligayahan.
At alam niya, nagagawa ng agawin sa kanya ni Lance ang kanyang bestfriend at sobrang sakit pala. Pakiramdam niya'y para siyang pinapatay sa sobrang sakit, ngunit, wala siyang magagawa at walang ibang dapat na sisihin kundi siya.
Yes, kasalanan niya!
Kahit tuloy lalaki siya, parang gusto niyang umiyak kapag nakikita niya ang kislap ng pag-ibig sa mga mata ni Jillian. Parang kailan lang kasi ay nakikita rin niya ang kasiyahang iyon sa mga mata ni Jillian kapag tumititig sa kanya pero minabuti niyang itaboy ito dahil sa takot na naramdaman niya. At ng kumpirmahin sa kanya ni Jillian na mahal nga nito ang mortal niyang kaaway ay parang dinurog ang kanyang puso.
Sa panahong inakala niya na tuluyan ng mawawala sa kanya si Jillian ay saka nalaman ni Jillian ang panloloko rito ni Lance. Kahit gusto niyang sabihin noon kay Jillian na makabubuting kausapin muna niya si Lance para makapagpaliwanag ito, hindi niya ginawa. Pakiramdam niya ay malaking katangahan lang iyon.
Siguro nga ay iyon na ang senyales sa kanya ng tadhana na kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang 'relasyon' nila ni Jillian. Sabi niya sa sarili, siya lang naman talaga ang magmamahal ng totoo kay Jillian na tatagal panghabambuhay kaya minabuti niyang kapag naka-recover na si Jillian sa kabiguan kay Lance ay saka niya ito liligawan ng husto. Ang importante lang naman ay alam na rin ni Jillian ang damdamin niya para rito.
Kaya nga lang natuklasan niyang buntis ito kay Lance. Parang gusto na namang gumuho ng mundo niya dahil natakot siyang tawagan lang Jillian si Lance para ipaalam dito ang kalagayan nito. Muli, napabuntunghininga siya dahil siya rin naman kasi ang nag-suhestiyon kay Jillian na gawin iyon, mabuti na lang at hindi nito sinunod. Alam niyang kahit na mahal na mahal ni Jillian si Lance ay natatakot din itong ma-reject.
Kahit naman nakikita niyang minahal naman ni Lance ang kanyang matalik na kaibigan base sa tingin at pag-aasikaso ni Lance kay Jillian ay ikinatuwa pa rin niyang ayaw na ni Jillian na magtiwala pa rito at iyon na ang pagkakataon niya para patunayan niya sa kanyang matalik na kaibigan kung gaano niya ito kamahal.
Iyon ang dahilan kaya inalok niya ng kasal si Jillian nu'ng malaman niyang buntis ito. Desidido na siyang angkinin ng buung-buo ang pag-ibig nito at alam niyang mangyayari iyon kapag nagpakasal sila. Ayaw nga sana ni Jillian na ipaako sa kanya ang anak nito pero sinabi niya ritong kung hindi niya ito pakakasalan ay sasabihin niya kay Lance ang tungkol sa anak nito. Siyempre, hindi naman niya gagawin iyon pero kinagat iyon ni Jillian kaya natuwa siya.
Mahal na mahal niya si Jillian kaya naman langit ang pakiramdam niya ng mag-I do ito sa kanya. Hindi na niya gustong isipin na hindi naman pag-ibig ang dahilan ni Jillian ng pakasalan siya, mahal na mahal naman niya ito kaya magiging mabuti siyang asawa at ama.
Asawa?
Napamura siya dahil alam niyang hindi siya naging asawa sa tunay na kahulugan noon. Hanggang yakap at halik lang siya kay Jillian. Alam niya kasing hindi ito magiging habambuhay na magiging kanya.
Kaya naman mas kinakabahan siya sa pangalang Ysmael Lance Madrigal.
Marahas na buntunghininga na naman ang pinawalan niya. Kailangan niyang itaboy ang takot na nararamdaman sa kanyang puso dahil kahit pa alam niyang mahal pa rin ito ni Jillian ay malalim naman ang pinagsamahan nila ni Jillian. Sa sobrang lalim ng kanilang pagkakaibigan ay alam niyang hindi nito sisirain iyon. Minsan na ngang pinatunayan sa kanya ni Jillian na mas importante rito ang kanilang samahan kaysa sa pag-ibig nito sa mortal niyang kaaway kaya naman walang dahilan para makaramdam siya ng takot.
Yes, dapat ay makampante siya na hinding-hindi siya ipagpapalit ni Jillian kahit pa sa tunay na ama ng kanilang anak.
"MY Wayne..."
Kahit na pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya sa problemang kinakaharap dahil kay Lance Madrigal, hindi pa rin niya napigilan ang mapangiti nang pagkatamis-tamis nang salubungin siya ni Jillian ng mahigpit na yalap kaya naman ginantihan din niya ng sobrang higpit na yakap. Ayaw na niya talaga itong pakawalan dahil pakiramdam niya kapag ginawa niya iyon ay mawawala ito sa kanya.
Nasisiguro niyang may matinding dahilan si Lance kaya gustong pumasok muli sa buhay nila ni Jillian. At hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Matinding takot. Kaya ngayon pa lang ay nasasaktan na siya.
"A-anong problema?" nag-aalalang tanong ni Jillian.
"Si Lance," hindi niya napigilang sabihin. Alam niyang importanteng malaman ni Jillian ang tungkol sa problema ng negosyo ng kanilang pamilya.
"S-si Lance?" gilalas nitong tanong. Bahagya pa siyang naitulak para matitigan siya.
Wala pa man siyang apelyidong binanggit pero parang nakaaninag na siya ng takot sa boses nito. Maaari kasing kapag nabanggit na ang Lance ay iisang tao lang ang papasok sa utak ng kanyang asawa. Si Ysmael Lance Madrigal, ang ex-boyfriend nito. Dahil doon, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng panibugho.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Kailangan niya iyong paglabanan dahil ayaw niyang isipin ng kanyang misis na mahina siya dahil kay Ysmael Lance Madrigal kahit iyon naman ang kanyang nararamdaman.
"Siya ang dahilan kaya tayo pinauwi ni Dad."
"Ano?" manghang tanong nito. Kita niyang pagrehistro ng takot sa mukha nito at alam niyang dahil iyon sa katotohanang itinago nila sa lahat ng tao. Maging ang mga magulang niya ay hindi alam na hindi siya ang tunay na ama ni Apple.
Noon pa naman kasi ay pinipilit na siya ng kanyang mga magulang na kumuha pa ng ibang opinyon ng doktor tungkol sa kanyang 'kapansanan' pero tumanggi siya. Ayaw kasi niyang malaman na wala na siyang pag-asa. Ngunit, nagawa rin niyang makahingi ng opinyon nu'ng nasa New York sila. Ang dahilan, nais na niyang maging normal ang pagsasama nila ni Jillian. At ngayon nga ay nagkakaroon siya ng pag-asa dahil maaari pang maayos ang kanyang 'kapansanan'.
Ayaw man niyang maglihim ay hindi pa niya sinasabi rito ang 'pagpapagamot' niya. Siyempre, nais niyang sorpresahin ito. Saka, ayaw din niyang matakot ito o ma-pressure. Saka, hindi pa naman siya nakakasigurado na gagaling na siya.
"Nag-deposit siya ng 200 milyon sa Mabuhay Bank."
Kumunot ang noo ni Jillian kaya napangiti siya. Kahit kasi lukot ang mukha nito ay magandang-maganda pa rin ito sa kanyang paningin. Maamo naman kasi ang mukha ni Jillian tapos kutis labanos pa kaya sa paningin niya ay isa itong anghel.
"What's wrong, hindi ba dapat good news iyon?" nagtatakang tanong ni JIllian.
"Good news kung hindi niya iwi-withdraw ang pera kaso iyon ang balak niyang gawin kung hindi ako ang mag-aasikaso sa Mabuhay Bank."
ANG lakas nang pagsinghap ni Jillian nang pumasok sa isipan niya ang sinabing iyon ni Mark Wayne. Talaga kasing kinabahan siya. Kahit ilang buwan lang naman silang nagkaroon ng relasyon ni Lance ay kilalang-kilala na niya ito. Lahat ay gagawin nito para lang masunod ang gusto nito.
Ewan niya kung bakit kahit na matagal nang tapos ang kanilang relasyon ay may kaba pa rin siyang nararamdaman kapag nababanggit ang pangalang Lance. Kung hindi nga lang niya nakagat ang dila kanina'y parang gusto niyang maluha. Bigla rin kasing pumasok sa kanyang isipan ang mga alaalang nabuo nilang dalawa.
"Bakit ba wala ka ng ginawa kundi awayin si My Wayne?" inis niyang tanong kay Lance. Tulad niya'y eleven years old lang din ito pero kahit na kaklase nila ito ni Mark Wayne at malapit lang din ang tinitirhan nitong Mansyon sa kanilang two-storey house ay hindi sila naging malapit na magkaibigan. Lagi kasi nitong inaaway ang matalik niyang kaibigan kaya kaaway na rin niya ito.
Kahit tuloy guwapo ito ay hindi niya naa-appreciate ang hitsura nito dahil para sa kanya, si Mark Wayne ang kabuuan ng lalaking dapat na pangarapin.
""Kasi lampa siya kaya ayaw ko siyang kakampi sa basketball dahil natatalo lang ang team namin." Ngunit kasi na sinasabi ni Lance ang mga salitang iyon ay hindi naman nito inaalis ang tingin sa kanya. Para ngang bituin na nagniningning ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.
"Hindi kasalanan ni My Wayne ko kung nadapa siya, tinulak mo siya," inis na inis niyang sabi ngunit hindi naman talaga siya sigurado kung talagang sinadya iyon ni Lance. Binalya din naman kasi ito ng kalaban kaya tumalsik din ito.
Ngunit, dahil sa gusto niyang ipaglaban din ang kanyang matalik na kaibigan ay hindi rin niya inaalis tingin kay Lance. Gusto niyang ipakita na nagagalit siya sa pang-aaway nito kay Mark Wayne kaya naman titig na titig din siya sa mapupungay nitong mga mata.
Mapupungay? inis niyang tanong sa sarili. Hindi dapat ganoong paglalarawan ang dapat niyang sabihin. Hindi naman kasi siya nagagandahan sa mga mata nitong parang diyamanteng kumikinang habang nakatingin sa kanya. Para sa kanya, mas maganda pa rin ang mga mata ni Mark Wayne dahil tsinito.
Dapat talaga ay wala siyang maramdaman kay Lance kundi matinding inis kaya naman kapag nasasalubong niya ito ay lagi na lang niya itong iniingusan. Ayaw na ayaw kasi niyang tinititigan siya ni Lance dahil masyado siyang naaapektuhan. Ngunit, para itong doberman na lagi na lang nakabuntot sa kanilang dalawa ni Mark Wayne mula kinder hanggang highschool tapos nu'ng mag-college sila ay naging magkaklase rin sila.
Kaya kahit hindi naman siya inaaway ni Lance tulad ng pang-aaway nito kay Mark Wayne ay inis na inis pa rin siya rito. Siguro dahil kung pumorma ito ay parang isang matinee idol. Kaya lagi na lang sinusundan ng tingin ng mga kababaihan.
Hindi naman niya crush si Lance pero hindi niya magawang awatin ang sarili niyang sundan ito ng tingin kapag dumadaan sa harapan niya. May kasama man itong babae o wala. At ewan din niya kung bakit naiinis siya sa mga babaeng parang tuko kung mangunyapit kay Ysmael Lance Madrigal.
Hanggang isang araw ay bigla na lang siyang sabihan ni Lance na kailangan nilang magpanggap na magkarelasyon para magselos si Mark Wayne at ma-realize nitong mahal siya nito. Kahit na nga hindi naman sila magkaibigan ni Lance ay agad siyang pumayag sa balak nito. Marahil, talagang gusto niyang magselos si Mark Wayne kaya pumayag siya. Hindi nga lang niya maiwasan ang magtaka kung bakit sa pagkalipas ng araw ay wala na sa isip niyang pinagseselos lang nila ni Lance si Mark Wayne.
Nararamdaman na lang niyang kinikilig siya kayag tinatanong siya ni Lance ng, "Kumain ka na, My Beloved?"
Nang una ay My Loves ang tawag sa kanya ni Lance pero may iba raw itong naringgan na tinatawag ding My loves kaya pinalitan nito ng My Beloved ang tawag sa kanya. At sobra siyang kinikilig doon. Para kasing hindi na pagpapanggap ang kanilang ginagawa at hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot.
Hindi na kasi mawala sa isipan niya si Lance, lagi na niya itong hinahanap-hanap kaya nakaramdam na siya ng takot. Kaya't isang araw, habang nagpi-picnic sila ni Lance ay naisipan na niyang makipagkalas dito ngunit hindi ito pumayag. Ikinabigla pa niya nang sabihin nito sa kanyang mahal siya ni Lance.
Kahit na itinuring niya itong kaaway ay hindi niya naisip na niloloko lang siya ni Lance nang mga oras na iyon. Sa halip, inamin pa niya rito ang kanyang nararamdaman. Na naging daan para magsimula ang kanilang lovestory na inakala niyang wala ng katapusan. Sobrang saya naman kasi nila kapag nagkakasama sila ni Lance. Pakiwari niya ay lagi siyang nakalutang sa alapaap. Well, pakiramdam niya talaga ay nakatuntong siya sa langit kapag inaangkin siya nito.
Akala nga niya ang pag-iibigan nilang iyon ni Lance ay wala ng katapusan pero nagkamali siya dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay narinig niya ang sinabi ng bestfriend nitong si Franco na ginamit lang siya ni Lance para patunayan sa sarili na kayang-kaya nitong kunin ang pag-ibig niya kay Mark Wayne.
Nang mga oras na iyon lang niya napagtanto na mortal na kaaway nga pala ang turing nito kay Mark Wayne kaya posible talagang ginamit lang siya ni Lance para sa ego nito at sobra siyang nasaktan doon. Mahal niya kasi ito. Buung-buo na niya itong minahal kaya hindi niya ito magawang komprontahin dahil natatakot siyang ipagsampalan lang nito sa kanyang mukha ang tunay nitong atensyon.
Saka, kailangan din naman niyang panindigan ang pagiging bestfriend niya kay Mark Wayne. Hindi niya hahayaan na masaktan ito kahit pa ng lalaking mahal na mahal niya kaya naman sa halip na komprontahin niya si Lance ay nakipag-break siya rito at sinabing si Mark Wayne talaga ang mahal niya.
Siguro nga ay magaling talaga siyang artista kaya naman nagawa niyang sabihin ang mga katagang iyon habang nakatitig siya sa mga mata ni Lance na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Marahil, ay hindi nito akalain na mauuna itong masasaktan. NGunit ang totoo, habang bawat masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya ay mistulang punyal na sumasaksak sa kanyang puso.
Ibig pa sana niyang magpanggap na balewala na sa kanya si Lance kaya lang para siyang mamamatay kapag nakikita niya itong may kasamang iba. Para kasing ipinamumukha nito sa kanya na lahat ng namagitan sa kanila ay isang palabas lang. Kaya naman kahit na hindi pa tapos ang klase ay nagpasya na siyang magpunta sa America upang tuparin ang kanyang pangarap, kasama si Mark Wayne.
"HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr. Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt. Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala naman
HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon. Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne. But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust
WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi
"ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis. May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple. Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si
HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina. Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino. Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. "Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne. Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi si
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan. O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili. Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso. "Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wh
"LANCE..." "What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa. "I love you," wika nito. "I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba. Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito. Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit
YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. Pero, hindi nito ginawa. Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Fra
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama