HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina.
Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino.
Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak.
"Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne.
Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi siya nito linginin ay nakikita naman nito sa peripheral vision nito ang kanyang pagtitig. Sobra siyang nata-touch sa ginagawa ni Mark Wayne para sa kanilang mag-ina.
Ngunit kahit na pilit pinasisigla ni Mark Wayne ang boses, di pa rin nakakaligtas sa kanyang pansin sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. Ayaw niyang isipin na dahil iyon sa pagsulpot na naman ni Lance sa kanilang buhay dahil kahit anong mangyari, si Mark Wayne ang pipiliin niya ng paulit-ulit. Kaya tiyak niyang may kinalaman sa Mabuhay Bank ang piuproblema nito ngayon.
"Sige, hindi na kita susulyapan dahil baka matunaw ka. Ayaw ko yatang mawala ka sa buhay ko."
Hinagilap nito ang kanyang palad at pinagsalikop pa iyon habang nagmamaneho ito. Pakiramdam niya tuloy ay may kung anong pumintig sa kanyang puso. Talaga kasing gumagaan ang kalooban niya kapag hinahawakan siya ng ganoon ni Mark Wayne. Oakiramdam niya'y kayang-kaya siya nitong protektahan sa anumang sakit kahit na mayroon din itong pinagdaraanan.
Bukod sa problemang kinakaharap nila ngayon, alam niyang ang pinakamalaking insecurity ni Mark Wayne ay ang pagkakaroon nito ng kapansanan. Kaya't hindi na siya magtataka kung sasabihin man ni Mark Wayne na sobra itong natatakot sa pagbabalik ni Lance ngunit siyempre, hindi naman niya hahayaan na isipin nitong dahil lang sa kapansanan nito ay magagawa na niya itong iwanan.
Hindi niya gagawin iyon kahit na may kung ano siyang naramdaman sa paghaharap nilang muli ni Lance. Ayaw niya kasing isipin na kaya ganoon ang naramdaman niya ay dahil nag-flashback sa isipan niya ang nakaraan nila ni Lance.
Nang makita niya kasi si Lance kanina ay parang bumalik sa alaala niya ang mga pinagsaluhan nilang maiinit na sandali at higit siyang naapektuhan dahil mas gumuwapo at kumisig si Lance. Kaya naman, naisip niyang mas masarap sigurong makulong sa maiinit nitong halik at yakap. Oh, nang maisip niya ang mga salitang iyon ay parang gusto niyang batukan ang sarili.
Pinakasalan niya si Mark Wayne kaya nararapat lang na maging tapat siya palagi rito. Hindi lang sa salita, pati rin dapat sa isip at gawa. Kaya, kailangan niyang burahin ang anumang atraksyon na nararamdaman pa niya kay Lance. Saka nakakasiguro naman siyang hindi na pag-ibig ang nararamdaman niya rito kundi pagnanasa.
"Mahal kita, My Wayne," wika niya. Alam niyang mahal niya ang kanyang asawa kaya alam niyang hindi siya nagsisinungaling dito ng sabihin niya ang mga salitang iyon.
Saglit siyang sinulyapan nito. "I know."
"Talaga bang handa ka na sa mangyayari mamaya?" tanong niya kay Mark Wayne na pilit na pinasigla ang tinig.
Sa kasalukuyan kasi ay dapat niya munang pag-ukulan ng pansin ang kasiyahang dapat na maramdamn ni Apple sa kanilang pamamasyal. Ang agam-agam na nasa kanyang puso ay kailangan muna niyang itaboy dahil alam niyang hindi iyon makakatulong sa kanya. Hindi dapat magulo ang kanyang emosyon dahil lang kay Lance.
Humalakhak si Mark Wayne pero alam niyang nasa boses ang kaba. Pagkaraan ay tumingin ito sa kanya. "Basta kasama ko kayo ni Apple, lahat ng takot sa puso ko nawawala. We are family, right?" mahinang tanong nito sabay sulyap kay Apple na nasa kanilang likuran.
"Yes, at hindi mababago iyon."
Ngumiti naman sa kanya si Mark Wayne pero ang lungkot ay hindi pa rin naalis sa mga mata nito.
ANG gusto ni Lance ay makita siya ni Jillian na okay na okay ang katayuan sa buhay. Na kaya na naman niyang talunin si Mark Wayne kung gugustuhin niya. Iyon nga ang dahilan kaya nag-deposito siya sa banko ng mga ito ng daan-daang milyon dahil gusto niyang sa huling sandali ay magmakaawa ang mga ito sa kanya.
Nangyari naman ang gusto niya. Magagawa niyang mapasunod si Jillian ngunit, bakit hindi lubos ang kasiyahang kanyang nararamdaman?
Marahas na buntunghininga ang kanyang sinagot. Alam niya kasing napasunod lang niya si Jillian dahil gusto nitong matulungan si Mark Wayne sa abot ng makakaya nito. Ganoon katindi ang pagmamahal na naramdaman ni Jillian sa lalaking iyon.
Damn it!
Kahit na lumipas na ang mga taon ay masyado pa rin siyang nasasaktan. Hindi niya kasi inakalang ang relasyon nila ni Jillian ay magwawakas na lang sa isang iglap. Kahit naman kasi sa una pa lang ay alam na niyang si Mark Wayne ang laman ng puso ni Jillian, umasa pa rin siya na nagawa na niyang palitan si Mark Wayne sa puso nito.
At ngayon ngang nakita niyang buo na ang pamilya ng mga ito, para pa ring may malaking kamay na dumaklot sa kanyang puso. Habang nakatitig kasi siya kanina sa anak nina Jillian at Mark Wayne ay hindi niya napigilan isipin, ano kayang pakiramdam ng maging isang ama?
Alam niyang isang malaking kalokohan kung iisipin pero parang gusto niyang isipin na siya ang ama ng anak ni Jillian kung ang pagbabasehan lamang ay ang pakiramdam. Ang gaan kasi ng loob niya sa bata. Para ngang gusto niyang kargahin, yakapin at halikan pero tiyak niyang mabubugbog siya ni Mark Wayne kapag ganoon ang kanyang ginawa.
"Ang lalim naman ng iniisip mo," wika ng kasalubong niya.
Kung hindi pa siya huminto, malamang nabangga na niya si Bianca na matamis na matamis ang ngiti sa kanya. Ngunit, kahit na sabihin pang pang Miss Universe ang mukha nito at katawan ay parang wala pa rin itong dating sa kanya. Ni hindi nga siya naaapektuhan sa presensiya nito kahit na yumakap at humalik pa ito sa kanya. Iyon nga lang kahit na palagi niya itong ipinagtatabuyan ay hindi pa rin ito umaalis sa kanyang tabi.
Wala raw itong balak na tantanan siya dahil mahal na mahal siya nito. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Ayaw niyang maniwala sa binibigay nitong katwiran sa kanya dahil sigurado siyang hindi siya nito minamahal sa tunay na kahulugan noon dahil masyado itong spoiled para magbigay ng pagmamahal sa ibang tao.
Si Bianca Francisco ay nag-iisang anak ng business tycoon na si Rodolfo Francisco na nagmamay-ari ng pinakamalaking amusement park sa bansa. Bukod doon ay may iba-iba pang negosyo ang mga ito kaya naman lahat ng gusto ni Bianca ay nagagawang ibigay ng ama nito. Maliban lang sa kanya. Ilang beses ng sinabi sa kanya ni Rodolfo na gusto siya nitong maging manugang pero mariin niyang sinasabi rito na hindi nabibili ang puso ng tao.
Kahit naman kasi may asawa na si Jillian ay wala siyang planong palitan ito sa kanyang puso. At kahit na mag-asawa siya ay sigurado naman siyang hindi siya magiging tapat dito kaya minabuti na lang niyang huwag ibuhos sa lovelife ang kanyang atensyon dahil alam naman niya kung sinong nagmamay-ari ng kanyang puso.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Nasa lobby na sila noon ng Channel 26.
"Para makita ka."
"I'm busy," matabang niyang sabi. Talaga kasing plano niyang ibuhos na lang sa trabaho ang kanyang atensyon. Kailangan na rin niyang ibalita sa kanyang Midnight team na pumayag na si Jillian na magpa-interview at kailangan nila iyong paghandaan.
"Sa tingin ko, hindi mo magagawang makapagtrabaho today. Masyado ka kasing hanggard ngayon, o. Parang pasan-pasan mo ang bigat ng earth," pa-OA na sabi ni Bianca sa kagustuhan nitong makuha ang kanyang atensyon.
Ngunit, tama naman ito. Talagang hindi niya makakayang ituon ang atensyon sa trabaho dahil ang utak niya ay okupado ni Jillian. Hindi rin niya maiwasan ang makaramdam ng pananabik na makikita niya ito at makakasama.
Hindi siya talaga nagduda na tatanggihan nito ang kanyang proposal na hindi niya kukunin ang na-deposit niyang pera basta makakasama niya ng isang buwan si JIllian. At siyempre dahil sa gagawa sila ng teleserye ay sisiguraduhin niyang mai-extend ng husto ang pananatili nito sa kanyang kumpanya.
Sa kabila lang na pananabik na kanyang nararamdaman, hindi niya napigilan ang makaramdam ng inggit kay Mark Wayne. Para kasing ang tindi ng pagmamahal ni Jillian dito dahil gagawin nito ang lahat para lang matulungan si Mark Wayne. Hindi rin nito alintana kung makakaharap siyang muli na para bang balewala rito ang kanilang nakaraan.
"Samahan mo na lang ako."
Malalim na buntunghininga ang pinawalan niya. Dahil nga abala ang utak niya kay Jillian, hindi niya namalayan na kasunod pa rin pala niya si Bianca na tila hindi nararamdaman na hindi siya interesado rito.
Nang dumaan siya sa harap ng secretarya niya ay kita niyang bahagya nitong pagngiwi nang masulyapan si Bianca. Minsan kasi ay sinugod din ito ni Bianca para sabihing huwag na huwag itong magkakamali na agawin siya mula rito. Mayroon ng asawa ang kanyang secretary kaya alam niyang hindi nito gagawin ang sinasabi ni Bianca.
"Saan?" tanong niya kaya kahit siya sa sarili ay nagulat.
Usually ay agad siyang nagsasabi rito ng 'no' dahil ayaw naman niyang paasahin ito kahit katiting na may pag-asa itong makuha ang kanyang puso pero nang mga oras na iyon ay parang wala siyang lakas na tumanggi. Pakiramdam niya kasi'y masisira ang kanyang ulo dahil wala siyang ibang naiisip kung hindi si Jillian.
"Gusto kong maging masaya ngayon kaya punta tayo sa amusement park namin," wika nito.
Sa tingin niya rin ay kailangan niyang maging masaya kahit na kaunti kaya hindi na siya tumutol sa gusto nito.
Ngunit, bago niya inayunan ang gusto nito ay tinawagan muna niya ang kanyang secretary para sabihing bukas nang umaga ay kailangan niyang makausap ang Midnight tean nila. Talaga kasing wala siya sa mood ngayon kaya tiyak niyang hindi rin gagana ang kanyang utak dahil wala siyang ibang maiisip kundi ang pagkikita nila ni Jillian. Nang tanungin siya ni Claire kung ano ang agenda ng meeting, sinabi rin niya rito na payag na si Jillian Cordova na mai-interview nila.
Pumayag o pwersahan niyang napapayag? sarkastikong tanong niya sa sarili.
Napangiwi lang siya nang biglang tumili si Claire sa kanyang sinabi. Todo-todo naman ang pagpapaliwanag na ginawa nito pagkaraan. Hindi lang niya naiwasan ang mangiti ng sabihin nitong idol kasi nito si Jillian Cordova.
Nawala lang ang ngiti niya nang pagbaling niya kay Bianca na nakaupo sa client's chair, nakakunot kasi ito na para bang hindi nagustuhan ang kanyang pagngiti, Kaya naman tinitigan din niya ito at binigyan ng piping banta na wala silang relasyon kaya huwag itong maging possessive. Gayunman, natitiyak niyang kung si Jillian ang magiging possessive sa kanya'y hindi siya magrereklamo.
"Sa Monday siya magi-start,"
"Ng interview?"
"Hindi pa agad. Pero, mag-i-stay siya rito ng isang buwan. Kaya bukas na bukas ay ayusin itong opisina. Kailangan ko ng mesa swivel chair at computer table para kay Jillian," mariin niyang sabi.
"'Yun ho bang lumang table lang ang gagamitin."
"No mag-order ka ng bago. Ayokong may masabi si JIllian na luma ang ipinapagamit natin sa kanya. International writer siya kaya dapat lang na lahat ng the best ay ibibigay sa kanya." Napabuntunghininga nga lang siya dahil wala siyang kakayahan na gawin iyon kay Jillian dahil hindi siya ang pinili nitong makasama sa buhay.
Nang ibaba na niya ang telepono at bumaling na siya kay Bianca ay bigla itong nguiti sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"I'll drive," sabi na lang niya.
"Great," sabi naman ni Bianca.
Habang papunta sila sa Kingdom of Fun ay hindi niya napigilang mapangiti. Sa isipan kasi niya ay bumalik sa kanyang alaala ang date nila ni Jillian nu'ng magpunta sila sa amusement park five years ago.
"MAG-FERRIS wheel tayo," sabi niya kay Jillian.
Napahinto siya sa kanyang paglakad nang huminto ito sa paghakbang. Maang tuloy niya itong tinitigan. Kanina lang kasi ay masayang-masa ito habang nagba-bumped car sila at enjoy na enjoy silang namamasyal habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Oh, pakiramdam niya ay nasa langit siya sa piling nito.
"Why?" nagtatakang tanong niya.
"Kinakabahan ako, eh."
Hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin. Nakita pa niyang bahagya itong namutla kaya hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at naramdaman nga niyang sobra itong nanlalamig.
"Saan ka kinakabahan?" nag-aalalang tanong niya. Luminga-linga pa siya sa paligid. Baka kasi mamaya ay may kung sino itong kinatatakutan. Ang una nga niyang naisip ay baka may stalker si Jillian na hindi sinasabi sa kanya. Siyempre, hindi naman siya papayag na may kung sinong magtatangka ng masama sa kanyang minamahal.
Kung mayroon mang mang-aagaw sa kanya kay Jillian, hindi niya iyon hahayaan. Hanggang sa mayroon siyang pag-asa na maangkin niya ang puso nito'y ipaglalaban niya ang pagmamahal niya.
"Sa ferris wheel."
"Ha?"
"Natatakot kasi akong sumakay sa ferris wheel. Noon kasing bata kami ni Mark Wayne, na-trapped kami sa taas at nagka-phobia si Mark Wayne."
Sa inis tuloy niya'y hindi niya napigilan na pasupladong sabihin dito na si Mark Wayne naman pala ang phobia, eh. Ngunit, makaraan ang ilang sandali ay nag-sorry siya rito. Talaga kasing umiinit ang ulo niya kapag sinasabi ni Jillian ang mga karanasan nito kasama si Mark Wayene.
Kahit naman kasi mag-bestfriends lang ito ay hindi niya mapigilan ang magselos. Ang nais kasi niya, siya ang palagi kasama ni Jillian pero alam niyang imposible iyon dahil bata pa lang sina Mark Wayne at Jillian ay magkasama na. Ngunit, ngayon, sisiguraduhin niyang sila naman ni JIllian ang bubuo ng mga alaala.
"Matagal na iyon at ako naman ang kasama mo ngayon." malambing niyang sabi rito pero parang gusto niyang mainis dahil nabanggit na naman ang lalaking iyon. Mistulan kasing punyal na humihiwa sa kanyang puso kapag binabanggit ni Jillian sa kanya ang pangalan ng bestfriend nito.
Kahit kasi siya ang kasintahan ngayon ni Jillian, parang hindi pa rin siya nakakasigurado na kanya na talaga ang puso nito. Paano ba naman unang minahal ni Jillian ang bestfriend nito at may palagay siyang kapag nagkaroon ng pagkakataon ay makukuha muli sa kanya ni Mark Wayne si Jillian.
At hindi niya iyon hahayaang mangyari. Kaya, kailangan ay tuluyan niyang maangkin ang puso ni Jillian para magtapos na lang sa pagiging bestfriend ang damdamin nito kay Mark Wayne Toledo.
"Lance..."
"Please?"
Tinitigan siya nito.
Alam naman niyang hindi ganoon katindi ang takot ni Jillian sa pagsakay sa ferris wheel kaya nagawa niya itong mapilit. Kung talaga kasing makikita niyang talagang natatakot ito sa ride na iyon ay hindi niya ito pipilitin ngunit gusto niyang mabura sa isip ni Jillian ang masamang alaala nito sa ferris wheel na iyon kaya mas maiging siya ang kasama nito.
Naisip din niyang kung mabubura niya sa isip nito ang takot nito sa ferris wheel habang siya ang kasama ay baka sakaling maalis din sa puso ni Jillian ang pag-ibig nito kay Mark Wayne kaya nang makasakay na sila ni Jillian sa ferris wheel ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at sinabi ritong hindi niya ito pababayaan.
Nang maramdaman din niyang nanginginig ang katawan ni Jillian habang paakyat ang ferris wheel ay kinabig niya ito at binigyan ng mainit na halik sa labi. Ang gusto niya, siya lang ang maiisip ni Jillian kapag makakakita ito ng ferris wheel.
"ANG saya-saya ko talaga dahil kasama kita ngayon," ngiting-ngiting sabi ni Bianca habang naglalakad sa amusement park.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Sa ilang sandali ay parang gusto niyang magsisi na pumayag siyang sumama kay Bianca. Bukod kasi sa lalo lang niyang naisip at na-miss si Jillian, kinaiiritahan pa niya ang pagiging clingy nito. Kung hindi nga lang niya napipigilan ang kanyang sarili, parang gusto na niya itong itulak at layasan.
"Hindi ka ba naiinitan ng ginagawa mo?" inis niyang tanong. Mistulan na kasi itong sawa na nakapulupot sa kanya.
"Bakit, nag-iinit ka na ba?"
Bigla tuloy siyang napamura sa sinabi nito. Kahit tuloy gusto niyang magpaka-gentleman, napuwersa siyang kumalas sa pagkakahawak nito. Kailanman ay hindi niya ito gustong paasahin na maaari silang magkaroon ng relasyon.
"Lance..."
"Uuwi na lang ako," mariin niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata nito. "Iiwanan mo ako rito."
"Sumama lang ako rito dahil niyaya mo ako. Dahil gusto lang kitang pagbigyan ngayon pero kung mami-misinterpret mo lang ako. Mabuti pang umalis na lang ako," inis niyang sabi rito. Dahil sa tingin niya ay lumalabas ang pagiging spoiled brat ni Bianca, hindi siya nakaramdam ng awa rito kahit tingin niya ay iiyak na ito.
"Huwag ka naman ganyan," wika nito saka nagpalinga-linga na para bang gusto nitong magpaawa sa mga taong makakakita rito.
"Kung ayaw mong mag-walk out ako, tigilan mo ang mga ginagawa at sinasabi mo. Ayaw ko na ulit-ulitin sa'yo pero uulitin ko pa rin sa'yo ngayon para tumatak sa utak mo. Wala kang mapapala sa akin kaya tigilan mo ako."
"Okay, sige. Basta huwag mo lang akong iiwanan dito," anito sa tonong nagmamkaawa.
"Good," sabi niya ngunit wala siyang awa na naramdaman dito. Hindi naman dahil sa matigas talaga ang kanyang puso kundi dahil sa alam niyang dinadramahan lang siya nito at ayaw na niya sa mga taong magaling lang umarte.
Kaya, kahit na magkasama sila ay hindi na ito kumapit pa sa kanya. Tama na sa kanya 'yung magkasabay silang lumakad habang ito'y nagtuturo ng mga gusto nitong sakyan. Kahit wala na siyang gana na sumakay sa rides na gustung-gusto niyang sakyan kapag si Jillian ang kasama niya'y hindi siya nito napilit mag-rides kaya naman kumain na lang sila habang namamasyal. Lumayo lang sa kanya si Bianca nang makakita ito ng kakilala.
Gusto sana siya nitong ipakilala sa mga kausap nito pero hindi siya lumapit sa mga ito. Kumaway lang siya at itunuon sa ibang direksyon ang kanyang tingin. Hanggang sa makita niya ang isa pigura na lagi niyang pinananabikan -- si Jillian.
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan. O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili. Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso. "Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wh
"LANCE..." "What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa. "I love you," wika nito. "I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba. Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito. Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit
YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. Pero, hindi nito ginawa. Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Fra
"FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne. Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito. "Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapa
JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay roman
"SO, anong gagawin ko rito?" nakahalukipkip na tanong ni Jillian kay Lance na wala yatang gagawin maghapon kundi ang titigan siya. Paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat maapektuhan sa ginagawa nito sa kanya pero parang may sariling utak ang kanyang pakiramdam. Sobra siyang naapektuhan sa titig nito kahit sa ibang direksyon naman ang kanyang tingin. "Look at me," marahang sabi nito. Ayaw sana niya itong tingnan pero parang napakahirap gawin noon lalo pa't nakikiusap ang boses nito. At nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang mapasinghap dahil hindi niya akalain na nasa likod na pala siya nito halos. Hindi lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa mabilis nitong pagkilos. Kunsabagay, talagang magiging mabilis ang pagkilos nito dahil nakaupo ito sa swivel chair. "Bakit ba kailangan pa kitang tingnan?" naiinis niyang tanong. Kahit tuloy gusto niyang makita ang magaganda nitong mga mata, matangos na ilong, mapupulang
AKALA ni Jillian ay tutunganga lang siya sa unang araw ng pag-i-stay niya sa Channel 26 pero alas-diez emedya ay nagpatawag ng meeting si Lance kasama ang Creative Department nito para mapagplanuhan daw ang nobela na kanyang isusulat. Game naman siya palagi basta pagsusulat kaya kahit pakiramdam niya'y binubuwisit siya ni Lance dahil wala siyang ginagawa ay ngumiti na lang siya. Ipinakita pa nga niya ritong nagiging excited siya. "Oh," bulalas niya pagpasok niya sa Conference Room. Hindi dahil sa nandoon na ang mga ka-meeting nila kundi dahil sa mga pagkain na nakahain. Buffet style iyon kaya naman biglang kumalam ang kanyang sikmura. Paano banab kasi, ang mga nakahain doon ay mga paborito niya -- kare-kare, lumpiyang shanghai, fried chicken, inihaw na isda at liempo. Mayroon pang kanin at fried rice. Ang inumin naman ay iced tea at coke. "Kumain muna tayo," wika naman ni Lance. Humakbang na ito palap
"I love you," wika ni Mark Wayne nu'ng nasa restaurant na sila. Buong tiim itong nakatingin sa kanya na para bang kinakabisado pa ang kanyang hitsura. Mabilis naman niya itong sinagot. "Mahal din kita." Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling siya rito kaya sinalubong niya ang tingin nito. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nagsisinungaling kapag sinasabi niyang mahal niya ito dahil talaga namang mahal niya ito. Ibang level nga lang. Ngunit, alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay dahil sanay na siyang lagi itong kasama. At sa kanila ngang pagsasama ay kabisadong-kabisado na nila talaga ang isa't isa. Hindi na nga kailangang tanungin ni Mark Wayne kung ano ba ang gusto niyang kainin kapag pumapasok sila sa restaurant dahil alam na nito kung ano ang kanyang gusto kaya hinahayaan na lang din niyang ito ang mag-order para sa kanya. "Alam mo bang sa bawat araw ay paganda ka ng paganda," wika nito. Matami
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama