MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan.
O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili.
Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito
She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso.
"Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wheel dahil doon sila sumakay ni Lance dati.
"M-may naalala lang ako," hindi niya napigilang sabihin pero naging mailap naman ang mga mata niyang tingnan ito pagkaraan. Nangangamba kasi siyang makita nitong si Lance ang naalala niya at alam niyang masasaktan lang si Mark Wayne.
Kahit naman kasi sila ang magkasama ni Mark Wayne ngayon, alam niyang sobra pa rin ang insecurity na nararamdaman nito kay Lance dahil sa 'kapansanan' nito. Para sa kanyang My Wayne, hindi nito makakayang paligayahin siya anuman ang gawin nito.
Ewan nga lang niya kung nakakatulong kapag sinasabi niyang hindi naman niya ito pinakasalan lang dahil sa 'sex' dahil iba naman talaga ang dahilan kaya pinakasalan niya ito. Gusto niyang may kilalaning ama si Apple. At ang isa pang dahilan ay maipakita sa lahat na kaya rin nitong maging ama.
Ngunit, tiyak niyang hindi lang iyon ang dahilan. At sinabi rin nito sa kanyang mahal na mahal siya nito kaya gusto siyang pakasalan. Ibig nitong magkaroon din ng happy ending ang relasyon nila bilang mag-bestfriend.
Dahil sa tingin naman niya ay wala na siyang ibang kakayanin pang mahalin ay pumayag na rin siya. Saka, minsan din naman niyang pinangarap na magkaroon sila ng forever ni Mark Wayne kaya't alam niyang isang araw ay manunumbalik din ang pagmamahal niya kay Mark Wayne kaya naman masaya rin siya nang magpalitan sila ng I do.
Dahil sa alam ng mga magulang nila na mag-bestfriends lang naman sila ay gulat na gulat ang mga ito ng sabihin nilang nagpakasal na sila. Gayunpaman, tuwang-tuwa ang mga magulang sila sa kanilang ibinalita. Wala naman daw kasing idinadalangin ang mga ito kundi ang maging isang pamilya sila.
Kaya naman, nag-concentrate siya sa kanilang pamilya. Kailangan niyang ipadama kay Mark Wayne na mahal niya ito at kahit kailan ay hindi niya ito iiwanan.
"I bet 'yung pagkaka-trap natin sa ferris wheel," sabi sa kanya ni Mark Wayne.
Ayaw man niyang magsinungaling dito, hindi naman niya napigilan ang sariling tumango. Naisip niya kasing mas maigi na iyon kaysa naman malaman nitong si Lance ang naalala niya kapag pumupunta siya sa amusement park. Anyway, hindi naman nalaman ni Mark Wayne na dinala siya ni Lance dito para palisin din ang takot niya sa ferris wheel.
"Sakay na po tayo sa ferris wheel," excited na sabi ni Apple.
Gusto na rin sana niyang magsabi ng let's go pero hindi niya nagawa nang makita niyang pamumutla ni Mark Wayne. Alam niyang kahit na gusto naman talaga nitong mapaligaya si Apple ay hindi pa rin naalis sa dibdib nito ang matinding kaba.
"Later na tayong mag-ferris wheel. Try na muna natin ang mga pambatang rides," sabi niya kay Apple. Hindi nga lang niya alam kung sinabi ba niya iyon para aliwin si Apple o para maihanda pa ang kalooban ni Mark Wayne na malabanana ang takot na nararamdaman nito.
"Halleluyah, salamat!" pa-OA na sabi ni Mark Wayne. -
Hindi niya malaman kung hahagalpak siya nang tawa nang marinig niya ang marahas na pagsabi ni Mark Wayne ng mga katagang iyon. Alam niyang kahit paano ay nakalmante ito pero kailangan din talaga nitong ihanda ang sarili kung nais talaga nitong mapasaya si Apple. Sa ngayon ay nakontento muna sila sa pagsakay sa carousel, bumped car at paglalaro ng games.
Kung may takot si Mark Wayne sa ferris wheel ay bumawi naman siya sa mga laro lalo na sa target shooting dahil nakakuha sila ng malaking stuffed toy. Isang malaking teddy bear. Muli ay nakagat na naman niya ang kanyang labi dahil bumalik na naman sa alaala niya ang binigay na stuffed toy noon ni Lance dahil nanalo din sila sa target shooting. Isang malaking unggoy naman ang sa kanya.
"Handa ka na ba?" tanong niya kay Mark Wayne.
"P-pwede bang...?"
Nawala ang kanyang ngiti. alam niya kasing gustong sabihin ni Mark Wayne. At ngayon pa lang ay sigurado na niyang madi-disappoint si Apple.
"Daddy..." nagrereklamong sabi ni Apple. Tulad niya, alam na alam nitong gustong sabihin ni Mark Wayne.
"Kasi..."
"Pwedeng ako na lang ang sumama sa mag-ina mo?" tanong ng boses na nagpalingon sa kanya -- si Lance.
"MOMMY, tumataas na tayo!" patiling sabi ni Apple kaya awtomatikong napangiti siya dahil sa kasiyahan nito. Hindi tuloy niya napigilan ang mapasulyap kay Lance na buong tiim na nakatingin sa kanya.
Ibig sana niyang sawayin si Lance sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya pero dagling nagbago ang kanyang isip. Naisip niya kasing baka maging daan iyon para mahalata nito na may nararamdaman pa siyang pagkailang dito. Kahit tuloy natutuwa siya sa kasiyahang nakikita ni Apple sa mga mata ay parang gusto niyang mainis kay Mark Wayne na hinayaan sila ni Apple na makasama si Lance.
"Daddy," sigaw nito kahit hindi naman ito maririnig ni Mark Wayne dahil nakasarado iyon. Sa tingin naman niya ay nakasunod din ang tingin sa kanila ni Mark Wayne kaya talagang ayaw niyang sulyapan man lang si Lance kahit gustung-gusto na niya iyong gawin.
"Umupo ka lang nang maayos." Marahang saway niya kay Apple. Hangga't maaari ay ayaw niyang lumingon kay Lance dahil talagang naiilang siya. Ayaw niyang salubungin ang mapupungay nitong mga mata dahil nangangamba siyang mahipnotismo na naman siya habang nakatitig sa mga mata nito.
Marahang tawa ang pinawalan ni Lance.
"What?" inis niyang tanong kay Lance. Ayaw na sana niya itong pansinin pero kapag tumatawa ito ay nag-iinit ang kanyang ulo. Pakiramdam niya kasi'y siya ang pinagtatawanan nito. Natanong tuloy niya ang sarili, kung nalaman kaya nitong nabukingniya ito, pagtatawanan lang kaya ni Lance na minahal niya ito?
"Huwag kang masyadong matakot, hindi naman kayo mapapahamak."
"Sinong may sabi sa'yo?" inis niyang tanong dito na sinabayan pa ng pag-irap.
"Basta kasama n'yo ko hindi kayo mapapahamak."
"Iyon din ang akala ko dati," hindi niya napigilang sabihin. Bigla tuloy siyang kinabahan nang mapasulyap siya rito. Nakakunot noo kasi ito na para bang pinag-iisipan nitong mabuti kung ano ang kanyang sinabi.
"Ang tagal namang umandar."
"Kailangan muna kasing mapuno," wika naman ni Lance.
"Fine," wika niya rito sabay irap. Siyempre, alam naman niya iyon. Talaga lang kailangang may masabi siya para naman maibaling niya sa iba ang kanyang atensyon. Gusto sana niyang tingnan na lang si Mark Wayne sa baba pero parang tumatanggi ang mata niyang sulyapan ang asawa. Siguro'y dahil nagi-guilty din siya dahil hindi niya kayang pigilan ang kanyang damdamin.
KUng bakit ba naman kasi masyadong mapaglaro ang tadhana. Sa dinami-rami ng makikita ay si Lance pa ang makikita niya rito.
"Sinusundan mo ba kami?" mataray niyang tanong kay Lance kahit hindi naman niya maitaas ang tono. Siyempre, kasama niya si Apple kaya ayaw niyang maisip nitong nakikipag-away siya.
"Nope."
"Talaga?"
"Gusto mo bang sundan kita?" natatawang tanong nito.
Shucks, hindi niya napigilangsabihin dahil napatitig siya sa mga mata nito. Mistulan na naman iyong bumbilyang umiilaw. Naalala tuloy niyang madalas niyanghaplusin ang paligid ng mga mata nito habang sinasabing, hindi ko pagsasawaang titigan ang mga mata mo.
"Walang dahilan para gawin mo iyon."
"Kahit talaga nagtataray ka, ang ganda-ganda mo pa rin."
Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Lance kaya naman naramdaman niyang biglang nag-init ang kanyang mukha. Kahit kasi pigilan niya, alam niyang apektado pa rin siya sa presensiya ni Lance.
"Tigilan mo nga ako," inis niyang tanong dito.
"Akala ko nga, kaya kitang tigilan. Hindi pala," wika nitong titig na titig sa kanya.
Huwag kang magpapadala sa matatamis na salita ng lalaking 'yan, mariing sabi ni Jillian sa sarili. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Kailangan kasi niyang tandaan na kahit 'mabuti' ang intensyon ni Lance na samahan sila ay hindi nangangahulugan na wala itong maitin na balak.
Ang tiwala na naramdaman niya kay Lance ay nasira na'ng malaman niya ang plano nito. Kaya, ang bawat gawin at sabihin nito ay dapat niyang pagdudahan.
"Bakit nag-e-enjoy ka bang makitang nahihirapan ako?" masama na loob niyang tanong dito pero bigla siyang natigilan.
"Anong sinasabi mo?"
Hindi niya nasagot ang tanong ni Lance dahil biglang napapalakpak si Apple. "Wow, nasa tuktok na tayo."
"Dito ka kay Mommy."
"Dito lang ako," wika ni Apple.
Ang lakas nang magsinghap niya ng tumayo pa ito at sumilip sa may bintana. Wala naman siyang dapat na ipag-alala dahil close naman ang ferris wheel na iyon kaso nga lang talagang nanunumbalik sa isipan niya ang nakaraan. Kunsabagay ang uri ng ferris wheel na sinakyan nila noon ni Mark Wayne ay open pa.
"Apple --,"
"Huwag kang masyadong mag-alala, nandito naman ako. Hindi ko kayo hahayaang mapahamak," wika nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"S-salamat," sabi na lang niya.
Habang pinagmamasdan niya sina Lance at Apple parang may kumurot sa kanyang puso. Dapat kasi sila ang magkakasama.
Shit, inis niyang sabi sa sarili.
Kahit kailan ay hindi na niya dapat pang isipin iyon dahil kahit pa si Lance ang tunay na ama ni Apple, kasal pa rin siya kay Mark Wayne kaya talagang makabubuti pang hindi na niya isipin ang katotohanang iyon. Hindi naman kasi dapat na mabago ang lahat kaya kailangan talagang walang makaalam ng katotohanan na itinatago nila ni Mark Wayne.
PAUWI na sila pero parang hindi pa rin makuhang makampante ng puso niya. Hindi kasi akalain ni Jillian na magkakaroon ng pagkakataon na magkakasama-sama sila nina Lance at Apple sa iisang lugar na para bang pamilya.
Nang sabihin sa kanila ni Lance na sasama ito sa kanila ni Apple na sumakay sa ferris wheel, gusto niyang tumanggi. Kahit naman kasi pinapangarap niya ang sandaling iyon ay gusto pa rin niyang intindihin ang nararamdaman ni Mark Wayne. Kaya nga lang, ito ang nagtaboy sa kanila na magpakasama kay Lance na labis niyang ikinabigla.
Alam naman kasi niya na galit na galit si Mark Wayne kay Lance pero parang madali itong nagtiwala ngayon. Para tuloy gusto niyang isipin na kaya ganoon ay dahil talagang hindi nito malabanan ang takot na nararamdaman. Kaya, nagpabigla-bigla na lang ito sa pagdedesisyon.
"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong sa kanya ni Mark Wayne.
"Nabubuwisit...sa'yo." O sa sarili mo? nanunudyong tanong niya sa sarili dahil talaga namang nakabubuwisit ang pintig ng puso niya na parang hindi na niya kayang rendahan at nangyari iyon muna ng magtagpo ang landas nila ni Lance.
Nginitian lang siya nito. "I'm sorry."
"Sorry pero nakangiti ka?" sarkastikong sabi niya rito. Kung bayolenteng tao lang siya, kanina pa niya ito nakalmot. ng pangako kasi nito sa kanya ay puprotektahan silang mag-ina pero parang itinaboy siya nito kay Lance. "Why?"
Hindi ito kumibo.
Alam niyang hindi siya dapat na magtanong habang nagmamaneho ang kanyang asawa pero hindi niya mapigilan. Pakiramdam niya kasi'y may pinaplano itong kung ano. Pagkaraan ay napabuntunghininga na naman siya. Sa palagay niya kasi'y naisip lang niya iyon dahil nagi-guilty din siya sa naramdaman niya kanina habang magkakasama sila.
"Para mapasaya si Apple." tila wala sa loob na sabi nito. Kahit na nakahinto ang sasakyan nila'y hindi pa rin siya nito sinulyapan.
"Kahit hindi ikaw ang kasama?" napapantastikuhan niyang tanong.
Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. Siguro'y naisip din nitong mali ang ginawa nito. "Sa pagsakay sa ferris wheel lang naman ninyo ako hindi nakasama. Saka, iyon na ang pagkakataon para magkaroon kayo ng closure."
Kumunot ang noo niya sa katwiran ng kanyang asawa. "Matagal ng natapos ang kabanata namin saka hindi ito ang magiging huli naming pagkikita," inis niyang sabi sa mahinang tinig. Ayaw din naman kasi niyang maistorbo ang pagtulog ni Apple sa kanyang tabi. Talaga lang kasing gusto niyang mailabas ang inis na kanyang nararamdaman. Kaya't wala siyang ibang gustong mapagbuntunan noon kundi si Mark Wayne.
"Nagagalit ka ba sa akin dahil hindi ko nalabanan ang takot ko sa ferris wheel o nagagalit ka dahil sa hanggang ngayon ay mahal mo pa rin si Lance at natatakot ka sa nararamdaman mo?" mahinahong tanong sa kanya ni Mark Wayne na talaga namang nagpatigalgal sa kanya.
"Pinagdududahan mo ba ako?" inis niyang tanong kay Mark Wayne nang makabawi siya sa matinding pagkabigla.
Ngumiti ito. "Wala ka namang maitatago sa akin. Kilala kita."
"Ikaw ang asawa ko at hindi mababago iyon," mariing sabi niya kahit gusto niyang itanggi kay Mark Wayne ang nararamdaman. Tulad kasi ng sinabi nito, kilala siya ng kanyang asawa kaya kahit tumanggi siya ay alam pa rin nito ang totoo. Kaya't mabuti pang hindi na siya magsinungaling pa.
DAMN it, shit! hindi rin kasi malaman ni Lance kung no ang sumapi sa kanya at lumapit siya sa mag-anak at mag-volunteer sa mag-inang Jillian at Apple na samahan niya ang mga itong sumakay sa ferris wheel. Siguro dahil alam niyang hindi talaga kakayanin ni Mark Wayne na sumakay sa ride na iyon at ayaw niyang makitang ma-disappoint si Apple.
Hindi man niya ito anak ay parang ayaw niyang makitang nalulungkot ito. Siguro dahil sa kamukhang-kamukha ito ni Jillian kaya parang hindi niya makayang makitang nasasaktan ito.
Nang una ay inasahan niyang tatanggi si Jillian subalit laking gulat niya ng ipagtulakan pa siya ni Mark Wayne na samahan ang mag-ina nito. Kahit nakaramdam siya ng katuwaan ay parang gusto itong sigawan. Para kasing madali lang dito na ipagkatiwala sa kanya ang mag-ina nito.
Kung siya kasi ang nasa katayuan ni Mark Wayne, hindi niya ipagkakatiwala ang mag-ina niya sa ibang lalaki lalo na't naging karelasyon ito ng kanyang asawa. Iyon nga lang, hindi siya si Mark Wayne. Siya si Lance at may kasiyahan din naman siyang naramdaman sa sandaling pagkakasama nila ni Jillian at ng anak nito. Parang gusto niyang isipin na isa silang pamilya ng mga sandaling iyon.
Ewan niya pero parang kaya niyang tanggapin si Apple bilang anak. Ewan lang niya kung dahil sa anak ito ni Jillian o baka naman...
Napamura siya ng maisip na baka paraan iyon ni Mark Wayne para ipamukha sa kanya na kahit na anong gawin niya ay hindi na niya makukuha pa si Jillian. Ibig lang ipaalala sa kanya ni Mark Wayne na kung itutuloy niya ang paghihiganting naiisip niya ay may isang bata na labis na maaapektuhan.
Napabuntunghininga siya. Well, tama naman si Mark Wayne kung iyon nga ang iniisip nito. Hindi rin naman siya ganoon kasama para tanggalan ng ina ang isang bata. Wala naman siyang balak na agawin si Jillian sa mag-ama nito. Talaga lang gusto niyang magkaroon siya ng pagkakataon na muling makasama si Jillian.
"I hate her," wika ng boses sa kanyang tabi.
Nang lingunin niya si Bianca ay nakita niyang nanlilisik nitong mga mata.
Napabuntunghininga na lang siya. Alam niyang si Jillian ang tinutukoy nito. Lagi siya nitong niyayayang sumakay sa mga rides pero tumatanggi siya tapos makikita nitong si Jillian ang kanyang kasama.
At kung marunong lang magbasa ng kilos si Bianca ay sigurado siyang makikita nitong masayang-masaya siya habang kasama ang mag-ina. Para kasing may humahaplos sa kanyang puso kapag nakikita niyang napapatili si Apple dahil sa labis na kasiyahan tapos ay papalakpak pa ito.
Kahit tuloy tumitingin sa kanya si Jillian ay na-enjoy pa rin niya ng husto ang pagsakay sa ferris wheel dahil nakikita niyang nag-e-enjoy si Apple.
"Sino ba ang babaeng iyon?" galit nitong tanong sa kanya. Nagpakawala pa ito ng mararahas na pag-inhale-exhale para ipakita ang galit nito.
"Siya ang babaeng mahal ko," mariin niyang sabi kay Bianca na talaga namang nagpatulala rito. Napanganga pa ito sa kanya kaya kung mayroon itong gustong sabihin, hindi na nito itinuloy.
"May anak na ang babaeng mahal mo?" hindi makapaniwalang tanong nito sabay tawa.
"Shut up!"
"At ang lalaking kasama niya ang ama ng kanyang anak, tama ba?"
"Parang gusto kong magsisi na sumama pa ako sa'yo, alam mo ba?" inis niyang tanong kay Bianca kahit hindi namn iyon talaga ang kanyang nararamdaman. Katunayan nga, gusto pa niyang magpasalamat kay Bianca dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mag-ina.
"Bakit naman kailangan mo pang mangarap sa babaeng mayroon ng asawa samantalang nandito naman ako. Promise, kapag ako ang minahal mo, ituturing kitang hari at hindi ako ako titingin sa iba. Iyong-iyo lang ako pero kailangan mo ring siguraduhin na walang iba dahil ayaw ko sa lahat ang may kaagaw. Kung noon, nakuha kong magparaya, ngayon, hinding-hindi ko na gagawin iyon. Nakahanda na akong pumatay para lang hindi ka mawala sa akin," mariing sabi nito kaya naman bigla siyang napapreno.
Maaari ngang hindi pa rin niya lubos na kilala si Bianca pero hindi niya gusto ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Para kasing hindi ang tulad ni Bianca ang hanggang pagbabanta lang dahil ito ang tipo ng tao na makakayang manakit kapag hindi nasunod ang gusto.
"Kaya please, ako na lang ang mahalin mo. Mahal na mahal kita kaya pakiusap lang, huwag mo na akong saktan," anito sa mababang tono na para bang pagkabait-bait. Kaya talagang kung ibang tao ang makikinig ay nagmimistulan itong maamong tupa.
"Wala namang tayo kaya hindi kita masasaktan, huwag kang mag-alala."
"Alam ko isang araw ay magagawa mo akong mahalin tulad ng pagmamahal mo sa babaeng iyon."
"Huwag kang umasa sa wala," inis niyang sabi kay Bianca.
"Pero, hindi ka niya mahal. Kung ikaw kasi ang mahal niya, ikaw dapat ang kasama niya," wika nitong inaasar siya. "Kaya, huwag mo na ipagpilitan pa ang sarili mo sa babaeng may pamilya na. Nandito naman ako at kailaman, hindi kita iiwan."
Marahas na paghinga ang pinawalan niya. "Hindi ako makikisama sa taong hindi ko mahal."
"LANCE..." "What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa. "I love you," wika nito. "I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba. Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito. Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit
YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. Pero, hindi nito ginawa. Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Fra
"FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne. Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito. "Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapa
JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay roman
"SO, anong gagawin ko rito?" nakahalukipkip na tanong ni Jillian kay Lance na wala yatang gagawin maghapon kundi ang titigan siya. Paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat maapektuhan sa ginagawa nito sa kanya pero parang may sariling utak ang kanyang pakiramdam. Sobra siyang naapektuhan sa titig nito kahit sa ibang direksyon naman ang kanyang tingin. "Look at me," marahang sabi nito. Ayaw sana niya itong tingnan pero parang napakahirap gawin noon lalo pa't nakikiusap ang boses nito. At nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang mapasinghap dahil hindi niya akalain na nasa likod na pala siya nito halos. Hindi lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa mabilis nitong pagkilos. Kunsabagay, talagang magiging mabilis ang pagkilos nito dahil nakaupo ito sa swivel chair. "Bakit ba kailangan pa kitang tingnan?" naiinis niyang tanong. Kahit tuloy gusto niyang makita ang magaganda nitong mga mata, matangos na ilong, mapupulang
AKALA ni Jillian ay tutunganga lang siya sa unang araw ng pag-i-stay niya sa Channel 26 pero alas-diez emedya ay nagpatawag ng meeting si Lance kasama ang Creative Department nito para mapagplanuhan daw ang nobela na kanyang isusulat. Game naman siya palagi basta pagsusulat kaya kahit pakiramdam niya'y binubuwisit siya ni Lance dahil wala siyang ginagawa ay ngumiti na lang siya. Ipinakita pa nga niya ritong nagiging excited siya. "Oh," bulalas niya pagpasok niya sa Conference Room. Hindi dahil sa nandoon na ang mga ka-meeting nila kundi dahil sa mga pagkain na nakahain. Buffet style iyon kaya naman biglang kumalam ang kanyang sikmura. Paano banab kasi, ang mga nakahain doon ay mga paborito niya -- kare-kare, lumpiyang shanghai, fried chicken, inihaw na isda at liempo. Mayroon pang kanin at fried rice. Ang inumin naman ay iced tea at coke. "Kumain muna tayo," wika naman ni Lance. Humakbang na ito palap
"I love you," wika ni Mark Wayne nu'ng nasa restaurant na sila. Buong tiim itong nakatingin sa kanya na para bang kinakabisado pa ang kanyang hitsura. Mabilis naman niya itong sinagot. "Mahal din kita." Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling siya rito kaya sinalubong niya ang tingin nito. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nagsisinungaling kapag sinasabi niyang mahal niya ito dahil talaga namang mahal niya ito. Ibang level nga lang. Ngunit, alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay dahil sanay na siyang lagi itong kasama. At sa kanila ngang pagsasama ay kabisadong-kabisado na nila talaga ang isa't isa. Hindi na nga kailangang tanungin ni Mark Wayne kung ano ba ang gusto niyang kainin kapag pumapasok sila sa restaurant dahil alam na nito kung ano ang kanyang gusto kaya hinahayaan na lang din niyang ito ang mag-order para sa kanya. "Alam mo bang sa bawat araw ay paganda ka ng paganda," wika nito. Matami
KUMUNOT ang noo ni Jillian pagkababa niya ng sasakyan, inihatid kasi siya ni Mark Wayne. Pakiramdam niya kasi ay may mga matang nagmamasid sa kanya kaya luminga-linga siya sa paligid. Nang wala naman siyang makitang nakatingin sa kanya, nagkibit na lang siya ng balikat. Malamang napa-paranoid lang siya. Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas-lakas pa rin ng kabog ng kanyang dibdib. Nang magsulat siya ng paranormal ay hindi na rin naging normal ang pakiramdam niya. May mga pagkakataon kasing bigla na lamang niyang kinakabahan at sa huli'y malalaman niyang may dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Maaaring may mapapahamak at sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y siya ang mapapahamak. "Okay ka lang ba?" Hindi niya inaasahan na may magsasalita sa kanyang harapan kaya naman napatili siya. Nakayuko pa siya habang mabilis na naglalakad kaya naman bumalibag siya sa matigas na bagay. Mabuti na lang ay bago pa man siya tumals
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama