Home / Romance / My Bestfriend's Enemy / Chapter Fourteen

Share

Chapter Fourteen

last update Last Updated: 2021-05-31 22:54:24

YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng  lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. 

Pero, hindi nito ginawa. 

Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya.   

Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. 

Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. 

Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Francisco ay makukuha niya dahil mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang at ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig. Kaya, naman bata pa lang siya ay kinaiinggitan na siya. Biruin mo ba naman, mayaman na siya, maganda pa. Hindi lang maganda, super ganda. Marami nga ang nagsasabing pwede siyang ihanay sa Miss Universe. Iyon nga lang hindi Pinay ang beauty niya dahil mestiza siya. 

Kaya naman ng main-love siya ay inakala niyang forever na ang nararamdaman niya kay Jason. Mahal na mahal naman kasi niya ito at alam niyang ganoon din ito sa kanya. Nu'ng una. Ewan nga lang niya kung saan siya nagkamali at nagpasya itong makipagkalas sa kanya. Gayungipinakita naman niya rito kung gaano niya ito kamahal at walang sinumang babae ang maaaring umagaw rito buhat sa kanya. 

Ilang beses na nga rin siyang nakipagsabunutan dahil kay Jason. Hindi naman kasi siya papayag na may kung sinong babaeng lalandi rito. Ngunit, hindi sapat iyon para mapigilan niya si Jason na humanap ng iba. 

Sobrang sakit ang naramdaman niya ng ipagpalit siya nito sa babaeng hindi naman kagandahan pero hindi naman nalalayo sa antas ng kanyang pamumuhay. Pakiramdam niya tuloy ay fling lang ng ex niya ang babaeng iyon ngunit kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa at balita niya ay ikakasal na. At wala na siyang pakialam doon. 

Maraming taon na rin naman kasi ang lumipas at ang pagmamahal niya ay nalipat na kay Lance kaya lahat ay ginawa niya para lang mapalapit dito. Iyon nga lang, kahit na todo ang pagpapaganda niya at halos maligo na siya ng pabango ay parang hindi siya nito nakikita bilang isang babae na kaakit-akit. Dahil doon, mas nagkakainteres siya rito at namalayan na lang niya na mahal na mahal na niya si Lance.

Kung dati'y inakala niya na hindi na niya makakaya pang magmahal muli, pwes nagkamali siya dahil ang pag-ibig niya ngayon para kay Lance ay doble pa sa naramdaman niya para sa kanyang ex. Kaya naman, hindi niya gugustuhin na may ibang babae itong pagtutuunan ng atensyon. 

Kaya naman nang makita niya kaninang may kausap itong babae ay parang gusto niyang magwala. Siya ang kasama ni Lance kaya sa kanya lang dapat ang atensyon nito. Ngunit, hindi na niya nabawi pa ang kanyang Lance nang sumakay ang mga ito sa ferris wheel kasama ang isang batang babae. 

Kung maaari lang ay magwala siya, ginawa na sana niya. Kaya lang, alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Lance. Ayaw niyang nagagalit ito sa kanya. At natatakot din siyang iwanan ito. Ngayon pa nga lang na nai-imagine na niyang aalis ito sa kanyang tabi ay nadudurog na ang kanyang puso. Kaya, tiyak niyang mamamatay siya kapag si Lance ang nang-iwan sa kanya. 

Siya, mamamatay? 

Oh, hindi niya ma-imagine ang sarili na nakahiga sa casket. Kaya lang sa imahinasyon niya ay nakita niyang nakahimlay sa itim na casket ang babaeng iyon. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangisi. 

Kung ang ex niya ay hinayaan niyang mapunta pa sa iba, hindi niya hahayaang maulit iyon ngayon. Binuo ni Lance ang kanyang puso kaya hindi na niya hahayaan pang madurog iyon. 

"So, who is she?" kunwa'y hindi interesado niyang tanong nang lumapit na sa kanya si Lance. Gayunman, hindi pa rin niya inaalis ang masamang tingin sa babaing iyon na parang gusto niyang isipin na magiging karibal niya. 

"Mind your business," inis nitong sabi sa kanya. 

Parang gustong madurog ng puso niya dahil nagawa siyang pagtaasan ng boses ng kanyang mahal dahil sa babaeng iyon. Kanina kasing kasama nito ang babaeng iyon ay abot tenga ang ngiti nito, pati nga ang mga mata nito ay nakatawa pero nang bumalik na ito sa kanya ay wala na ang kasiyahang nakikita niya kanina sa guwapo nitong mukha. 

"Mag-ina sila, hindi ba?" tanong niya sa halip. 

"Yes."

"At sure akong hindi ikaw ang ama ng bata," wika niya kahit hindi siya sigurado sa sinabi. Kahit hindi naman kamukha ni Lance ang bata ay para pa ring nakikita niya si Lance dito. Kaya, natawa siya. Para kasing ang gulo ng kanyang isip. Kasing gulo ng utak niyang parang gustong mabaliw sa selos.

Nang makita niya kasi ang mga ito kanina ay parang isang buong pamilya ngunit isang bahagi naman ng isipan niya ang tumatanggi. Ang alam niya'y single at walang anak si Lance. 

"Shut up!" wika nitong hindi naman talaga galit. Kung pagbabasehan niya ang hitsura nito'y alam niyang nasaktan ito. 

Tumahimik naman siya pero ang isip niya ay hindi na tumigil sa paggana lalo na nu'ng aminin sa kanya ni Lance na mahal nito ang babaeng iyon kahit na mayroon na itong sariling pamilya. Para tuloy gusto na niyang patayin ang babaeng iyon para makasigurado siyang hindi na nito maaagaw sa kanya si Lance.

Ahhh, talagang hindi na siya papayag na may lalaki na namang mawawala dahil sa ibang babae. 

Ngunit kahit gusto na niyang maghanap ng hired killer ay ipinilig niya ang kanyang ulo. Kung ngayon kasi siya kikilos ay alam niyang mapagdududahan lang siya ni Lance at hindi niya gugustuhing magalit ito sa kanya. 

So, ang kailangan niyang gawin sa ngayon ay huminto at mag-isip. Walang mangyayaring maganda kung magpapadalus-dalos lang siya. Sa pagkakataon kasing ito ay kailangan niyang gamitin ang kanyang utak. Gayunman, kailangan niyang malaman ang lahat tungkol sa kanyang kalaban. 

At hindi mahirap gawin iyon lalo na kung ikaw ay may perang maibibigay sa mga taong magagawa ang lahat ng paraan para malaman niya ang lahat ng detalye tungkol sa babaeng alam niyang banta sa pag-ibig niya kay Ysmael Lance Madrigal. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mabel Vieron
Grabe rin pala talaga magmahal si Bianca, mga ganitong klaseng tao nakakatakot magmahal. 🥲
goodnovel comment avatar
Mabel Vieron
Sige nga Bianca, try mo nga kung makukuha mo si Lance?🫣
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Fifteen

    "FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne. Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito. "Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapa

    Last Updated : 2021-06-01
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Sixteen

    JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay roman

    Last Updated : 2021-06-02
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventeen

    "SO, anong gagawin ko rito?" nakahalukipkip na tanong ni Jillian kay Lance na wala yatang gagawin maghapon kundi ang titigan siya. Paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat maapektuhan sa ginagawa nito sa kanya pero parang may sariling utak ang kanyang pakiramdam. Sobra siyang naapektuhan sa titig nito kahit sa ibang direksyon naman ang kanyang tingin. "Look at me," marahang sabi nito. Ayaw sana niya itong tingnan pero parang napakahirap gawin noon lalo pa't nakikiusap ang boses nito. At nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang mapasinghap dahil hindi niya akalain na nasa likod na pala siya nito halos. Hindi lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa mabilis nitong pagkilos. Kunsabagay, talagang magiging mabilis ang pagkilos nito dahil nakaupo ito sa swivel chair. "Bakit ba kailangan pa kitang tingnan?" naiinis niyang tanong. Kahit tuloy gusto niyang makita ang magaganda nitong mga mata, matangos na ilong, mapupulang

    Last Updated : 2021-06-04
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighteen

    AKALA ni Jillian ay tutunganga lang siya sa unang araw ng pag-i-stay niya sa Channel 26 pero alas-diez emedya ay nagpatawag ng meeting si Lance kasama ang Creative Department nito para mapagplanuhan daw ang nobela na kanyang isusulat. Game naman siya palagi basta pagsusulat kaya kahit pakiramdam niya'y binubuwisit siya ni Lance dahil wala siyang ginagawa ay ngumiti na lang siya. Ipinakita pa nga niya ritong nagiging excited siya. "Oh," bulalas niya pagpasok niya sa Conference Room. Hindi dahil sa nandoon na ang mga ka-meeting nila kundi dahil sa mga pagkain na nakahain. Buffet style iyon kaya naman biglang kumalam ang kanyang sikmura. Paano banab kasi, ang mga nakahain doon ay mga paborito niya -- kare-kare, lumpiyang shanghai, fried chicken, inihaw na isda at liempo. Mayroon pang kanin at fried rice. Ang inumin naman ay iced tea at coke. "Kumain muna tayo," wika naman ni Lance. Humakbang na ito palap

    Last Updated : 2021-06-05
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Nineteen

    "I love you," wika ni Mark Wayne nu'ng nasa restaurant na sila. Buong tiim itong nakatingin sa kanya na para bang kinakabisado pa ang kanyang hitsura. Mabilis naman niya itong sinagot. "Mahal din kita." Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling siya rito kaya sinalubong niya ang tingin nito. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nagsisinungaling kapag sinasabi niyang mahal niya ito dahil talaga namang mahal niya ito. Ibang level nga lang. Ngunit, alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay dahil sanay na siyang lagi itong kasama. At sa kanila ngang pagsasama ay kabisadong-kabisado na nila talaga ang isa't isa. Hindi na nga kailangang tanungin ni Mark Wayne kung ano ba ang gusto niyang kainin kapag pumapasok sila sa restaurant dahil alam na nito kung ano ang kanyang gusto kaya hinahayaan na lang din niyang ito ang mag-order para sa kanya. "Alam mo bang sa bawat araw ay paganda ka ng paganda," wika nito. Matami

    Last Updated : 2021-06-07
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty

    KUMUNOT ang noo ni Jillian pagkababa niya ng sasakyan, inihatid kasi siya ni Mark Wayne. Pakiramdam niya kasi ay may mga matang nagmamasid sa kanya kaya luminga-linga siya sa paligid. Nang wala naman siyang makitang nakatingin sa kanya, nagkibit na lang siya ng balikat. Malamang napa-paranoid lang siya. Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas-lakas pa rin ng kabog ng kanyang dibdib. Nang magsulat siya ng paranormal ay hindi na rin naging normal ang pakiramdam niya. May mga pagkakataon kasing bigla na lamang niyang kinakabahan at sa huli'y malalaman niyang may dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Maaaring may mapapahamak at sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y siya ang mapapahamak. "Okay ka lang ba?" Hindi niya inaasahan na may magsasalita sa kanyang harapan kaya naman napatili siya. Nakayuko pa siya habang mabilis na naglalakad kaya naman bumalibag siya sa matigas na bagay. Mabuti na lang ay bago pa man siya tumals

    Last Updated : 2021-06-10
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty One

    "NICE meeting you," matabang na sabi ni Jillian sa babaeng nagpakilalang Bianca Francisco. Kahit kasi nakangiti ito sa kanya ay hindi pa rin makuhang makampante ng kanyang kalooban. Pakiwari niya kasi ay may kung anong gagawin ito. Gayunman, hindi naman siya duwag kaya kahit na matalim na matalim ang tingin nito sa kanya ngayon ay hindi rin siya nagbaba ng tingin. "Sana nga maging nice tayo palagi sa isa't isa." Nakaingos na sabi nito sa kanya tapos tinaasan pa siya ng kilay. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit naman parang may pagbabanta akong naaaninag sa boses mo?" matapang niyang tanong dito Ang naglalarong ngiti sa labi ni Bianca Francisco ay biglang naglaho. Sigurado siyang hindi nito inasahan na magtatanong siya ng ganoon. Sa palagay niya kasi ay ito ang tipo ng taong palagi na ipinapadama sa iba kung gaano kalaki ang lamang nito at hindi rin naman siya ang tipo ng tao na nagpapatakot sa kung sino lalo na't wala naman siyang masaman

    Last Updated : 2021-06-13
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty-Two

    FEW minutes ago... Wala man ginagawang masama si Jillian, pero, bumilis ng husto ang tibok ng puso niya sanhi ng sobrang kaba. Sa talim ng tingin kanina ng babaeng nagngangalang Bianca Francisco, siguradong hindi ito papayag na makaganti sa kanya, kahit wala naman siyang ginagawang kasalanan dito. Talaga kasing naniniwala ito na isa siyang malaking banta sa relasyon nito kay Lance kahit sabihin pa niyang mayroon na siyang asawa. Sa tingin kasi niya, ang tipo nito ay yaong walang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili. "Jillian..." Narinig man niya ang nag-aalalang pagtawag sa kanya ni Lance, hindi niya ito agad nilingon. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya, sobrang kaba ang kanyang nararamdaman kaya gusto niyang makaramdam ng takot. Pakiramdam niya kasi'y may panganib na darating. "Jillian...talk to me." nakikiusap na sabi sa kanya ni Lance. Kahit narini

    Last Updated : 2021-07-10

Latest chapter

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty One 

    "MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty

    MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Nine 

    "BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Eight 

    "WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Seven 

    ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Six 

    "BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Five 

    "ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Four 

    GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Three

    "KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status