"FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne.
Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito.
"Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance.
Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapag nakapagdesisyon na siya. Alam din ni Mark Wayne na importanteng hindi isipin ni Lance na i-withdraw ang lahat ng pera nito sa Mabuhay Bank.
"Kaya, huwag mo na akong masyadong alalahanin."
"Pwede ba naman iyon, eh, asawa kita."
Ang pagbanggit nito sa katagang 'asawa kita' ay talagang mayroong diin. Siguro ay iniisip nitong walang ibang may karapatan sa kanya kundi ito lang. Well, totoo naman iyon. Nais niyang ialay dito ang buong buhay niya. Kay Mark Wayne at kay Apple.
Napabuntunghininga lang siya dahil sa isipan niya ay parang napapalitan ang mukha ni Mark Wayne. Talaga kasing malaki ang epekto sa kanya nu'ng nakasama nila ni Apple si Lance sa pagsakay sa ferris wheel ngunit alam niyang hindi tama iyon kaya't ang eksena ay pilit niyang binubura sa kanyang isipan.
"I love you," wika ni Mark Wayne.
"Love you too," hindi niya napigilang sabihin. Ewan nga lang niya kung sinabi niya ang ang mga salitang iyon dahil totoo sa loob niya o baka naman dahil alam niyang responsibilidad niya bilang asawa na sabihin ang mga katagang iyon.
Kahit naman kasi matagal niyang pinangarap ang pag-ibig ni Mark Wayne noon, biglang nagbago ang lahat nang pumasok sa buhay niya si Lance. Ipina- realize kasi nito sa kanya na walang-wala ang pag-ibig na naramdaman niya noon kay Mark Wayne. Iyon nga lang, nagawa pa rin niya itong iwanan dahil hindi niya makayang magamit para masaktan ang kanyang matalik na kaibigan.
"Kung hindi na kita mapipigilan pa. Okay lang naman siguro kung ihatid kita, hindi ba?" masuyong tanong nito sa kanya.
Malungkot na malungkot ang mga mata nito kaya alam niyang natatakot din ito sa kung ano ang mangyayari dahil sa pagsasama nila ni Lance sa isang kumpanya. Ngunit, kahit na sabihing may nararamdaman pa siya sa kanyang ex-boyfriend, hindi naman niya hahayaan na maging daan iyon para masira ang relasyon nila ni Mark Wayne.
At iyon ang kailangan niyang ipaintindi dito ng paulit-ulit. Kung hindi nito kayang pagkatiwalaan si Lance, siya ang dapat na pagkatiwalaan nito ng lubos dahil mahal niya ito at hindi kailanman sasaktan. Mas importante ang kanilang pinagsamahan kaysa sa kung ano ang sinasabi ng puso niyang maaaring maging dahilan pa para siya ay mapahamak.
"Siyempre naman," wika niya saka ito nilingon. "Okay na ba ang hitsura ko?"
"Ikaw ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo para sa akin," nakangiting sabi ni Mark Wayne pero halata naman ang kasiyahan ay hindi umaabot sa mga mata nito.
Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne kaya naman alam na alam niya kung anong nararamdaman nito ng mga sandaling iyon -- matinding pag-aalala at takot na rin. Alam kasi nito kung gaano niya minahal si Lance kaya hindi nakapagtataka kung binabalot man ng matinding takot ang puso nito ng mga sandaling iyon.
May mga pagkakataon tuloy na sinasabi nito palagi sa kanya na pinagsisisihan nito ng labis ang pag-iwas nito sa kanya noon at ang pananadya nitong saktan siya sa pamamagitan ng pakikipaghalikan sa ibang babae. Ang gusto daw kasi nito talaga ay makahanap siya ng iba na magiging karapat-dapat sa kanyang pagmamahal dahil alam nito na hindi siya nito mapapaligaya at mabibigyan ng pamilya.
Ngunit, mariin nitong sinabi sa kanya na bata pa lang sila ay mahal na mahal na siya nito. Kaya, nga daw mas gusto na nitong magsakripisyo para sa kanya. Kaya nga lang ay hindi nangyari ang gusto nito ng hiwalayan niya si Lance at mabuntis siya. Minabuti na nitong alukin siya ng kasal.
Kahit na tumatanggi ang kanyang puso ay minabuti niyang pumayag. Una, ibig niyang magkaroon ng ama si Apple. Pangalawa, gusto niyang matulungan si Mark Wayne para maitago sa lahat ang tungkol sa 'kapansanan' nito.
"Sa paningin mo ba, ako ang pinakapoging nilalang?" malambing na tanong nito.
"Siyempre naman," mabilis niyang sabi.
"Good to know," sabi na lamang nito nang malalayan siya palabas ng bahay at pasakay ng kotse. Hindi na sila nagpakita pa kay Apple dahil alam niyang magwawala ito kapag nakita silang umalis.
Okay lang naman kay Apple na makita silang umalis ng bahay ng hindi magkasama. Kapag kasi nakita nitong magkasama sila ang agad na pumapasok sa isip ng kanilang anak ay mayroon silang date at ayaw na nila itong makasama kaya kalimitan ay nagwawala. Mabuti na lang at kahit na ala siyete na ay natutulog pa ito. Siguro ay hindi pa talaga nakakapag-adjust ang body clock nito o marahil ay masyado lang itong napagod sa pamamasyal nila.
Hindi nga lang niya maiwasan ang mapangiwi dahil ang piakamasayang bahagi raw ng pamamasyal ng anak ay iyong pagsakay nito sa ferris wheel. Ibig sabihin, mas tumatak sa isipan ni Apple ang sandaling kasama nito si Lance kaysa kay Mark Wayne, na alam niyang bahagyang nagdamdam dahil sa pananahimik nito.
Kaya naman palagi niyang hinahawakan ang kamay ni Mark Wayne at niyayakap dahil gusto niyang maiparamdam dito ang kanyang pagmamahal. Ang problema lang, may guilt din siyang nararamdaman dahil masaya din siya na nakasama si Lance.
Ibig lang niyang isipin na dahil lang iyon kay Apple. Sapagkat kasi sa isang saglit ay naging isa silang pamilya. Ngunit, hindi dapat niya pansinin ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. At ang pinakaepektibong paraan para makalimutan niya iyon ay iyong ipaalala niya palagi sa kanyang sarili ang kasamaang nagawa nito sa kanya.
"Masyado ka namang tahimik diyan," hindi niya napigilang sabihin dahil mula pa nang sumakay sila ni Mark Wayne ay wala na itong kibo. Ang naisip niya tuloy niya ay nagdadalawang isip na itong ihatid siya sa Channel 26.
Kung sabagay, siya rin naman ay ganoon ang nararamdaman. Kahit na sinabi ni Lance na trabaho ang gagawin niya sa kumpanya nito ay may oras pa rin na magkikita at magkakasama sila. Gayunman, pilit niya iyong itinaktak sa kanyang isipan. Wala namankasing mangyayari kung siya'y magpapadaig sa takot.
"Para kasing mali itong gagawin natin. Alright, malaki ang tiwala ko sa'yo pero wala akong tiwala kay Lance. Alam kong may plano siyang maghiganti sa atin kaya niya ito ginagawa."
Hindi niya napigilang mapalunok sa sinabi ni Mark Wayne. Alam naman kasi niyang may punto ang kanyang My Wayne sa sinasabi nito. Hindi niya tuloy ito napigilang titigan kahit na nasa daan ang buong atensyon nito.
"At natatakot ako na maagaw ka niya sa akin."
"Hindi mangyayari iyon," mariin niyang sabi.
Sinulyapan lang siya nito at binigyan ng matipid na ngiti. Alam niyang gusto nitong maniwala sa kanyang sinasabi ngunit parang nagdududa. Para tuloy gusto niyang magalit. Hindi dahil sa pakiramdam nito ay hindi siya dapat pagkatiwalaan kundi dahil sa alam niyang may katwiran naman itong mangamba dahil habang palapit siya ng palapit sa Channel 26 ay talagang kinakabahan siya na muli silang magkakaharap ni Lance.
JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay roman
"SO, anong gagawin ko rito?" nakahalukipkip na tanong ni Jillian kay Lance na wala yatang gagawin maghapon kundi ang titigan siya. Paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat maapektuhan sa ginagawa nito sa kanya pero parang may sariling utak ang kanyang pakiramdam. Sobra siyang naapektuhan sa titig nito kahit sa ibang direksyon naman ang kanyang tingin. "Look at me," marahang sabi nito. Ayaw sana niya itong tingnan pero parang napakahirap gawin noon lalo pa't nakikiusap ang boses nito. At nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang mapasinghap dahil hindi niya akalain na nasa likod na pala siya nito halos. Hindi lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa mabilis nitong pagkilos. Kunsabagay, talagang magiging mabilis ang pagkilos nito dahil nakaupo ito sa swivel chair. "Bakit ba kailangan pa kitang tingnan?" naiinis niyang tanong. Kahit tuloy gusto niyang makita ang magaganda nitong mga mata, matangos na ilong, mapupulang
AKALA ni Jillian ay tutunganga lang siya sa unang araw ng pag-i-stay niya sa Channel 26 pero alas-diez emedya ay nagpatawag ng meeting si Lance kasama ang Creative Department nito para mapagplanuhan daw ang nobela na kanyang isusulat. Game naman siya palagi basta pagsusulat kaya kahit pakiramdam niya'y binubuwisit siya ni Lance dahil wala siyang ginagawa ay ngumiti na lang siya. Ipinakita pa nga niya ritong nagiging excited siya. "Oh," bulalas niya pagpasok niya sa Conference Room. Hindi dahil sa nandoon na ang mga ka-meeting nila kundi dahil sa mga pagkain na nakahain. Buffet style iyon kaya naman biglang kumalam ang kanyang sikmura. Paano banab kasi, ang mga nakahain doon ay mga paborito niya -- kare-kare, lumpiyang shanghai, fried chicken, inihaw na isda at liempo. Mayroon pang kanin at fried rice. Ang inumin naman ay iced tea at coke. "Kumain muna tayo," wika naman ni Lance. Humakbang na ito palap
"I love you," wika ni Mark Wayne nu'ng nasa restaurant na sila. Buong tiim itong nakatingin sa kanya na para bang kinakabisado pa ang kanyang hitsura. Mabilis naman niya itong sinagot. "Mahal din kita." Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling siya rito kaya sinalubong niya ang tingin nito. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nagsisinungaling kapag sinasabi niyang mahal niya ito dahil talaga namang mahal niya ito. Ibang level nga lang. Ngunit, alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay dahil sanay na siyang lagi itong kasama. At sa kanila ngang pagsasama ay kabisadong-kabisado na nila talaga ang isa't isa. Hindi na nga kailangang tanungin ni Mark Wayne kung ano ba ang gusto niyang kainin kapag pumapasok sila sa restaurant dahil alam na nito kung ano ang kanyang gusto kaya hinahayaan na lang din niyang ito ang mag-order para sa kanya. "Alam mo bang sa bawat araw ay paganda ka ng paganda," wika nito. Matami
KUMUNOT ang noo ni Jillian pagkababa niya ng sasakyan, inihatid kasi siya ni Mark Wayne. Pakiramdam niya kasi ay may mga matang nagmamasid sa kanya kaya luminga-linga siya sa paligid. Nang wala naman siyang makitang nakatingin sa kanya, nagkibit na lang siya ng balikat. Malamang napa-paranoid lang siya. Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas-lakas pa rin ng kabog ng kanyang dibdib. Nang magsulat siya ng paranormal ay hindi na rin naging normal ang pakiramdam niya. May mga pagkakataon kasing bigla na lamang niyang kinakabahan at sa huli'y malalaman niyang may dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Maaaring may mapapahamak at sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y siya ang mapapahamak. "Okay ka lang ba?" Hindi niya inaasahan na may magsasalita sa kanyang harapan kaya naman napatili siya. Nakayuko pa siya habang mabilis na naglalakad kaya naman bumalibag siya sa matigas na bagay. Mabuti na lang ay bago pa man siya tumals
"NICE meeting you," matabang na sabi ni Jillian sa babaeng nagpakilalang Bianca Francisco. Kahit kasi nakangiti ito sa kanya ay hindi pa rin makuhang makampante ng kanyang kalooban. Pakiwari niya kasi ay may kung anong gagawin ito. Gayunman, hindi naman siya duwag kaya kahit na matalim na matalim ang tingin nito sa kanya ngayon ay hindi rin siya nagbaba ng tingin. "Sana nga maging nice tayo palagi sa isa't isa." Nakaingos na sabi nito sa kanya tapos tinaasan pa siya ng kilay. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit naman parang may pagbabanta akong naaaninag sa boses mo?" matapang niyang tanong dito Ang naglalarong ngiti sa labi ni Bianca Francisco ay biglang naglaho. Sigurado siyang hindi nito inasahan na magtatanong siya ng ganoon. Sa palagay niya kasi ay ito ang tipo ng taong palagi na ipinapadama sa iba kung gaano kalaki ang lamang nito at hindi rin naman siya ang tipo ng tao na nagpapatakot sa kung sino lalo na't wala naman siyang masaman
FEW minutes ago... Wala man ginagawang masama si Jillian, pero, bumilis ng husto ang tibok ng puso niya sanhi ng sobrang kaba. Sa talim ng tingin kanina ng babaeng nagngangalang Bianca Francisco, siguradong hindi ito papayag na makaganti sa kanya, kahit wala naman siyang ginagawang kasalanan dito. Talaga kasing naniniwala ito na isa siyang malaking banta sa relasyon nito kay Lance kahit sabihin pa niyang mayroon na siyang asawa. Sa tingin kasi niya, ang tipo nito ay yaong walang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili. "Jillian..." Narinig man niya ang nag-aalalang pagtawag sa kanya ni Lance, hindi niya ito agad nilingon. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya, sobrang kaba ang kanyang nararamdaman kaya gusto niyang makaramdam ng takot. Pakiramdam niya kasi'y may panganib na darating. "Jillian...talk to me." nakikiusap na sabi sa kanya ni Lance. Kahit narini
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Malaki ang tiwala niya kay Jillian, alam niyang hindi siya nito kailanman pagtataksilan. Kaya lang, ang pangamba sa puso niya ay hindi niya magawang palisin. Alam niya kasing minsan ay minahal nito si Lance at maaaring dumating ang oras na ma-realize nitong hindi pa rin nawawala ang pag-ibig nito sa ex-boyfriend. Minahal ka rin naman niya, sabi niya sa sarili. Nang pumasok iyon sa kanyang isipan, hindi rin niya napigilan ang mapamura ng sunud-sunod. Hindi niya napigilan ang magalit sa kanyang sarili dahil pinawalan niya ang pagkakataon na makuha lang ang pag-ibig ni Jillian ng buong-buo. Ngunit, ginawa lang niya iyon dahil gusto niyang bigyan ng pagkakataon si Jillian na makahanap ng ibang lalaki na makakapagpaligaya rito. Well, nangyari naman iyon kaya lang hindi rin nagkaroon ng happy ending si Jillian dahil natuklasan ng matalik na kaibigan na niloko lang ito ni Lance. Pinaibig nito a
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama