Share

Chapter Sixteen

last update Huling Na-update: 2021-06-02 23:55:32

JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. 

Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. 

Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York  at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. 

Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay romance, science fiction, action at fantasy. At dahil sa magagandang reviews na natanggap niyang libro ay naging dahilan iyon para siya'y mas makilala. 

Nang magpunta siya sa America ay plano niya talagang mag-masteral lang pero hindi agad natupad ang gusto niya dahil ilang linggo pa lang sila doon ni Mark Wayne ay natuklasan na niyang buntis siya. Mabigat din lagi ang pakiramdam niya kaya nu'ng first trimester niya ay wala siyang gustong gawin kundi matulog at kumain. NGunit, ginusto niyang paglabanan ang kanyang 'katamaran'. Siyempre, mag-isa lang siyang bubuhay sa anak niya kaya kailangan ay mai-provide niya ang mga kailangan. 

Dahil sa paghihirap na kanyang nararanasan ng mga oras na iyon ay parang gusto na niyang tawagan si Lance para ipaalam dito ang kanyang kalagayan. Pakiramdam naman kasi niya ay minahal siya nitong talaga. Kaya lang naisip niya kung paano kung tama nga ang sinabi ni Mark Wayne na walang ibang gusto si Lance kundi ang manakit. 

Masasaktan lang siya kapag nakumpirma niyang pinaibig lang siya nito dahil ibig nitong patunayan kay Mark Wayne na siyang agawin ni Lance. Baka kapag nalaman ni Lance na buntis siya ay mas pagtawanan lang nito si Mark Wayne. Baka ipamukha lang nito sa kanya na wala siya talagang kuwenta dito. 

Oh, kapag nangyari iyon, hindi lang siya masasaktan. Baka hilingin na lang niya namamatay na siya dahil tiyak na madudurog lang ang kanyang puso. 

Kaya, minabuti na lang niyang tanggapin ang alok na kasal ni Mark Wayne. Siguro nga, mas maiging sila na lang ang magsama habambuhay tutal kilala naman nila ang isa't isa. 

Ngunit, kahit na kasal na sila ni Mark Wayne, hindi nman sila umaakto ni Mark Wayne na tunay na mag-asawa sa tunay na kahulugan nito. Kahit pa sabihin na may diprensyiya ang pagkalalaki nito ay wala itong anumang ginagawa sa kanya kundi halikan at yakapin siya. Siguro dahil alam din nito ang tunay niyang nararamdaman. Tiyak niyang hindi rin gugustuhin ni Mark Wayne na kahit ito ang kasama niya ay ibang lalaki pa rin ang nasa isip at puso nito. 

Kaya naman ang buong atensyon niya noon ay itinutok niya sa kanyang pagbubuntis at sa kanyang pangarap. Nakakita kasi siya ng publication doon na tumatanggap ng manuscript. Sinubukan niyang magsulat ng romance at pumasa. Naging bestselling pa ang unang librong sinulat niya kaya naman nagbigay iyon ng inspirasyon sa kanya na ipagpatuloy ang pagsusulat. 

At dahil nga sa isang interview sa isang sikat na magazine sa US ay nalaman na isa siyang Pilipina. Dahilan para magkainteres ang ilang tv station sa Pilipinas na ma-interview rin siya. Ayaw nga sana niyang tanggapin iyon dahil naman dapat siyang pag-ukulan ng pansin. Ang gusto lang naman niya ay makapagsulat para magawa niyang maibahagi ang kanyang talino kaya lang talagang hindi niya magawang tanggihan si Lance na alam niyang gagawin  ang lahat para masaktan si Mark Wayne. 

At hindi niya iyon hahayaan. Mahal niya si Mark Wayne. Ito ang kanyang matalik na kaibigan kaya naman kailangan din niya itong protektahan sa lahat ng paraang alam niya. 

"Good Morning," bati niya sa sekretarya ni Lance. 

"Magandang umaga rin," nakangiting sabi niya. Ipinakita pa niya ang kanyang the best smile dito dahil gusto niyang maging kumportable ito sa kanya. 

"Miss Jillian."

"Mrs. Jillian Toledo," pagtatama niya. "Jillian Cordova lang ang ginagamit kong pangalan dahil iyon ang penname mo."

"It is your real name."

"Pangalan ko nu'ng dalaga pa ako," sabi niya nang lingunin ang boses na kilalang-kilala niya. Saglit lang niyang tinapunan ng tingin si Lance dahil nangangamba siyang kapag tinitigan niya ito ay bumalik lang ang damdaming matagal na niyang dapat kinalimutan. Kaya, siguro ay tama lang na makaramdam ng takot si Mark Wayne kahit na madakas niyang sabihin sa asawa na wala naman siyang dapat na alalahanin. 

"Alam mo bang marami ang natuwa sa pagdating mo rito."

"Really?"

"Siyempre, super sikat ka."

Marahang tawa ang kanyang pinawalan. Hindi kasi niya inilalagay sa kanyang utak ang sinasabi nitong kasikatan dahil ayaw niyang lumaki ang kanyang ulo. Para sa kanya ay tama na iyong maraming sumusuporta sa gawa niya at kumikita siya ng malaki. Hindi nga lang niya akalain na maraming magpapa-autograph sa kanya sa kumpanya ni Lance.

"Iba talaga ang sikat, pinagkakaguluhan," wika ng boses na kilalang-kilala niya.

Nawala lang ang nakapaskil na ngiti sa kanyang labi nang mapatingin siya kay Lance. Masyadong tutok ang pansin niya sa mga bumabati sa kanya kaya naman hindi niya namalayan ang paglabas nito sa opisina. Tiyak niya kasi nu'ng dumating siya ay hindi pa niya ito nakikita. Dahil kung kanina pa niya ito napansin ay hindi siya mapapatulala sa kaguwapuhan nito. 

Sa loob naman kasi ng limang taon ay hindi nawala ang karisma nito. Sa katunayan ay mas tumingkad pa iyon dahil sa nababalutan na ito ng kapangyarihan kaya't nag-uumapaw na ang self confidence sa katauhan nito. Ngiting-ngiti nga ito sa kanya ngayon na para bang ikinatutuwa ang pagmamasid niya rito. 

"Welcome to my company," nakangiting sabi ni Lance sa kanya. 

Napangiwi siya dahil parang mas gusto niyang sabihing, welcome to hell. Kahit kasi malamig naman ang buga ng aircon ay parang ang init-init ng paligid.  At sa palagay niya ay hindi iyon makabubuti lalo na't isang buwan silang magsasama sa iisang lugar. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mabel Vieron
Pero, buti nga rin 'di sumagi sa isip niyang ipa-abort si Apple nu'ng time na 'yun. Kaya kudos sa iyo Jillian. 🫶...
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
exciting na dahil lagi na silang magkikita
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventeen

    "SO, anong gagawin ko rito?" nakahalukipkip na tanong ni Jillian kay Lance na wala yatang gagawin maghapon kundi ang titigan siya. Paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat maapektuhan sa ginagawa nito sa kanya pero parang may sariling utak ang kanyang pakiramdam. Sobra siyang naapektuhan sa titig nito kahit sa ibang direksyon naman ang kanyang tingin. "Look at me," marahang sabi nito. Ayaw sana niya itong tingnan pero parang napakahirap gawin noon lalo pa't nakikiusap ang boses nito. At nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang mapasinghap dahil hindi niya akalain na nasa likod na pala siya nito halos. Hindi lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa mabilis nitong pagkilos. Kunsabagay, talagang magiging mabilis ang pagkilos nito dahil nakaupo ito sa swivel chair. "Bakit ba kailangan pa kitang tingnan?" naiinis niyang tanong. Kahit tuloy gusto niyang makita ang magaganda nitong mga mata, matangos na ilong, mapupulang

    Huling Na-update : 2021-06-04
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighteen

    AKALA ni Jillian ay tutunganga lang siya sa unang araw ng pag-i-stay niya sa Channel 26 pero alas-diez emedya ay nagpatawag ng meeting si Lance kasama ang Creative Department nito para mapagplanuhan daw ang nobela na kanyang isusulat. Game naman siya palagi basta pagsusulat kaya kahit pakiramdam niya'y binubuwisit siya ni Lance dahil wala siyang ginagawa ay ngumiti na lang siya. Ipinakita pa nga niya ritong nagiging excited siya. "Oh," bulalas niya pagpasok niya sa Conference Room. Hindi dahil sa nandoon na ang mga ka-meeting nila kundi dahil sa mga pagkain na nakahain. Buffet style iyon kaya naman biglang kumalam ang kanyang sikmura. Paano banab kasi, ang mga nakahain doon ay mga paborito niya -- kare-kare, lumpiyang shanghai, fried chicken, inihaw na isda at liempo. Mayroon pang kanin at fried rice. Ang inumin naman ay iced tea at coke. "Kumain muna tayo," wika naman ni Lance. Humakbang na ito palap

    Huling Na-update : 2021-06-05
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Nineteen

    "I love you," wika ni Mark Wayne nu'ng nasa restaurant na sila. Buong tiim itong nakatingin sa kanya na para bang kinakabisado pa ang kanyang hitsura. Mabilis naman niya itong sinagot. "Mahal din kita." Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling siya rito kaya sinalubong niya ang tingin nito. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nagsisinungaling kapag sinasabi niyang mahal niya ito dahil talaga namang mahal niya ito. Ibang level nga lang. Ngunit, alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay dahil sanay na siyang lagi itong kasama. At sa kanila ngang pagsasama ay kabisadong-kabisado na nila talaga ang isa't isa. Hindi na nga kailangang tanungin ni Mark Wayne kung ano ba ang gusto niyang kainin kapag pumapasok sila sa restaurant dahil alam na nito kung ano ang kanyang gusto kaya hinahayaan na lang din niyang ito ang mag-order para sa kanya. "Alam mo bang sa bawat araw ay paganda ka ng paganda," wika nito. Matami

    Huling Na-update : 2021-06-07
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty

    KUMUNOT ang noo ni Jillian pagkababa niya ng sasakyan, inihatid kasi siya ni Mark Wayne. Pakiramdam niya kasi ay may mga matang nagmamasid sa kanya kaya luminga-linga siya sa paligid. Nang wala naman siyang makitang nakatingin sa kanya, nagkibit na lang siya ng balikat. Malamang napa-paranoid lang siya. Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas-lakas pa rin ng kabog ng kanyang dibdib. Nang magsulat siya ng paranormal ay hindi na rin naging normal ang pakiramdam niya. May mga pagkakataon kasing bigla na lamang niyang kinakabahan at sa huli'y malalaman niyang may dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Maaaring may mapapahamak at sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y siya ang mapapahamak. "Okay ka lang ba?" Hindi niya inaasahan na may magsasalita sa kanyang harapan kaya naman napatili siya. Nakayuko pa siya habang mabilis na naglalakad kaya naman bumalibag siya sa matigas na bagay. Mabuti na lang ay bago pa man siya tumals

    Huling Na-update : 2021-06-10
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty One

    "NICE meeting you," matabang na sabi ni Jillian sa babaeng nagpakilalang Bianca Francisco. Kahit kasi nakangiti ito sa kanya ay hindi pa rin makuhang makampante ng kanyang kalooban. Pakiwari niya kasi ay may kung anong gagawin ito. Gayunman, hindi naman siya duwag kaya kahit na matalim na matalim ang tingin nito sa kanya ngayon ay hindi rin siya nagbaba ng tingin. "Sana nga maging nice tayo palagi sa isa't isa." Nakaingos na sabi nito sa kanya tapos tinaasan pa siya ng kilay. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit naman parang may pagbabanta akong naaaninag sa boses mo?" matapang niyang tanong dito Ang naglalarong ngiti sa labi ni Bianca Francisco ay biglang naglaho. Sigurado siyang hindi nito inasahan na magtatanong siya ng ganoon. Sa palagay niya kasi ay ito ang tipo ng taong palagi na ipinapadama sa iba kung gaano kalaki ang lamang nito at hindi rin naman siya ang tipo ng tao na nagpapatakot sa kung sino lalo na't wala naman siyang masaman

    Huling Na-update : 2021-06-13
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty-Two

    FEW minutes ago... Wala man ginagawang masama si Jillian, pero, bumilis ng husto ang tibok ng puso niya sanhi ng sobrang kaba. Sa talim ng tingin kanina ng babaeng nagngangalang Bianca Francisco, siguradong hindi ito papayag na makaganti sa kanya, kahit wala naman siyang ginagawang kasalanan dito. Talaga kasing naniniwala ito na isa siyang malaking banta sa relasyon nito kay Lance kahit sabihin pa niyang mayroon na siyang asawa. Sa tingin kasi niya, ang tipo nito ay yaong walang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili. "Jillian..." Narinig man niya ang nag-aalalang pagtawag sa kanya ni Lance, hindi niya ito agad nilingon. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya, sobrang kaba ang kanyang nararamdaman kaya gusto niyang makaramdam ng takot. Pakiramdam niya kasi'y may panganib na darating. "Jillian...talk to me." nakikiusap na sabi sa kanya ni Lance. Kahit narini

    Huling Na-update : 2021-07-10
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty Three

    MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Malaki ang tiwala niya kay Jillian, alam niyang hindi siya nito kailanman pagtataksilan. Kaya lang, ang pangamba sa puso niya ay hindi niya magawang palisin. Alam niya kasing minsan ay minahal nito si Lance at maaaring dumating ang oras na ma-realize nitong hindi pa rin nawawala ang pag-ibig nito sa ex-boyfriend. Minahal ka rin naman niya, sabi niya sa sarili. Nang pumasok iyon sa kanyang isipan, hindi rin niya napigilan ang mapamura ng sunud-sunod. Hindi niya napigilan ang magalit sa kanyang sarili dahil pinawalan niya ang pagkakataon na makuha lang ang pag-ibig ni Jillian ng buong-buo. Ngunit, ginawa lang niya iyon dahil gusto niyang bigyan ng pagkakataon si Jillian na makahanap ng ibang lalaki na makakapagpaligaya rito. Well, nangyari naman iyon kaya lang hindi rin nagkaroon ng happy ending si Jillian dahil natuklasan ng matalik na kaibigan na niloko lang ito ni Lance. Pinaibig nito a

    Huling Na-update : 2021-07-11
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twenty Four

    DAPAT ay masiyahan si Mark Wayne dahil sa paglalambing na ginagawa sa kanya ni Jillian. Para kasing hindi ito nahihiyang ipakita sa iba kung gaano ito ka-sweet pero paano niya magagawa iyon kung sa paglingon niya ay makita niya si Lance. Sinadya lang ba ni Jillian na maglambing sa kanya dahil gusto ng asawa niyang magselos ang ex-boyfriend nito? Sinaway niya ang sariling isipin iyon. Hindi naman kasi ganoon kababaw si Jiliian saka talaga namang malambing si Jillian. Kaya nga siya na-in love ng todo rito. Walam niya kasing wala ng babae na magmamahal ng ganoon sa kanya. Saka, tiyak niyang wala ng babaeng tatanggap sa kanya ng buung-buo kundi si Jillian lang. Kahit naman alam niyang si Lance Madrigal ang mahal ni Jillian bago sila nagpakasal, masakit pa rin ang puso iyon kahit na palaging kayo ang magkasama. Gayunman, wala siyang karapatang magalit dahil sa simula pa lang ay alam na niya ang sitwasyon. Saka, hindi rin naman niya nagagawa ang katungkulan niya bila

    Huling Na-update : 2021-07-12

Pinakabagong kabanata

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty One 

    "MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty

    MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Nine 

    "BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Eight 

    "WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Seven 

    ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Six 

    "BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Five 

    "ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Four 

    GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Three

    "KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama

DMCA.com Protection Status