"ARE you sure about this?"
Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis.
May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple.
Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, siyempre, hindi niya gugustuhing umatras sa usapan nila ni Lance lalo na't si Mark Wayne ang labis na maaapektuhan.
"Huwag ka na mag-alala, kaya kong sarili ko. Saka, hindi ako susugod sa laban. Interview lang ang pupuntahan ko. Hindi lang pala interview dahil kailangang maging employee niya ako ng isang buwan. Saka, siguradong magiging busy ako dahil pagsusulatin niya ako ng script." Nakangiting sabi ni Jillian. Gusto kasi niyang i-assure talaga ang kanyang mister na wala itong dapat na alalahanin.
Wala nga ba? gusto rin niyang itanong sa sarili. Para kasing hindi makasagot ang kanyang puso na alam niyang sobrang nataranta nu'ng magtama ang tingin nila nila ni Lance. At alam niyang hindi lang iyon dahil sa kaba dahil nakaharap din ni Lance si Apple. Ganoong-ganoon din naman kasi ang tibok ng kanyang puso ng tinanggap niya si Lance sa kanyang buhay.
"Wala akong tiwala kay Lance," mariing sabi ni Mark Wayne. Lalo tuloy lumiit ang mga mata nito dahil sa galit. "Pakiramdam ko'y may kalokohan na naman siyang gagawin."
"Hindi na ako magpapaloko sa kanya. Kaya kung talagang ganoon ang plano niya, ipapamukha ko sa kanyang hindi niya ako makukuha," mariing sabi niya sa determinadong boses. Iyon nga lang, habang sinasabi niya ang mga salitang iyon, hindi siya makatingin ng diretso kay Mark Wayne. Kung sabagay, inaasyos din naman niya ang necktie nito dahil ayaw niyang may maipipintas dito ang kahit na sino.
"Sigurado ka?"
Doon na siya tumingin kay Mark Wayne.
"Nagtatanong lang ako," mabilis na sabi ni Mark Wayne. Tiyak niyang alam na nitong napipikon na siya sa banat nito. Para kasing ipinagsasampalan pa nito sa kanya ang kanyang naging katangahan noon.
"Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon," inis niyang sabi kay Mark Wayne. "Saka, iba ang sitwasyon noon at sa sitwasyon natin ngayon. Kasal na tayo at hinding-hindi iyon mabubura sa isip ko."
Alam niyang ang gusto lang ni Mark Wayne ay maprotektahan siya sa lahat ng pagkakataon kaya kung maaari lang ay pigilin siya nito sa kanyang desisyon. Ngunit, alam niyang mas makatutulong siya sa kanyang asawa kung susundin niya ang gusto ni Lance. Saka wala naman siyang masamang gagawin at hindi rin niya hahayaan na may masamang gawin sa kanya si Lance.
"Siguro naman ay may tiwala ka sa akin?" tanong niya rito nang mapansin niyang titig na titig ito sa kanya. Parang binabasa nito nang maigi ang laman ng kanyang utak pati na rin ang nararamdaman niya.
"Of course."
"Then, trust me. Hinding-hindi ko dudungisan ang pangalan mo. Kailangan lang nating gumawa ng kontrata na hindi kukunin ng biglaan ni Lance ang pera niya ng biglaan kapalit ng interview ko. Mahirap na kasi ang magtiwala lang tayo sa salita. Kailangan din siyempreng may pinanghahawakan tayo. Mahirap naman kasi 'yung asang asa tayong di maloloko iyon pala joke lang lahat." Ang tungkol sa negosyo nila ang sinasabi niya Mark Wayne pero sa likod ng isip niya ay bigla niyang naisip ang naging relasyon nila ni Lance at dahil doon ay may eksena na namang sumuot sa kanyang isipan.
"Are you sure about this?" nananantiyang tanong sa kanya ni Lance habang nasa ibabaw sila ng kama at magkayakap. Nagsi-celebrate sila ng monthsary nila sa condo nito nang mauwi sa mainit na halikan at yakapan ang masaya nilang pagkain.
"Ayaw mo ba?" nanunudyo niyang tanong dahil alam niyang kung gaano pa ito nagpipigil ngayon.
Sabi niya sa sarili, ang tanging lalaking aangkin lang sa kanya ay ang magiging asawa niya. Hindi pa nga sila kasal ni Lance pero natitiyak na niyang ito ang gugustuhin niyang makasama sa habambuhay kaya naman gusto niya itong patunayan ngayon iyon sa kanyang kasintahan. Sa palagay din kasi niya'y anumang insecurity na nararamdaman ni Lance para kay Mark Wayne ay maglalaho kapag naging isa na sila.
"Siyempre gusto," wika nito.
"Kaya, huwag ka ng magsalita pa," wika niya bago niya inagkin muli ang labi nito. Sa pagkakataon ding iyon ay mas naging agresibo na ang kanyang kamay dahil ayaw na niyang magbago pa ang isip nito. Talaga rin naman kasi niyang kailangan niya ito. Nais niya kasing maging tunay na siyang babae na labis na nagmamahal.
"Galit ka ba, Mommy?" tanong sa kanya ni Apple.
"Of course not," mabilis niyang sabi. Alam niyang narinig ni Apple ang marahas niyang pagbuntunghininga na ginagawa lang niya kapag nagagalit siya. Ngayon kasi'y kailangan niyang pigilan ang matinding emosyon na naramdaman niya sa pagkakaharap nilang muli ni Lance.
Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya pagkaraan. Kung bakit ba naman kasi nanumbalik na naman ang sakit na naramdaman niya gayung dapat ay nakapag-move on na rin siya.
Malalim na buntunghininga ang pinawalan niya pagkaraan. Napakahirap naman kasing makapag-move on kung sobra kang nasaktan ng taong minahal mo at labis na pinagkatiwalaan. Sa sobrang sakit na naramdaman niya noon ay naisip niyang baka nga sinadya pa ni Lance na buntisin siya para mas masaktan nito si Mark Wayne.
Nakaramdam tuloy siya nang galit ng maisip niyang kung sinabi niya kay Lance na buntis siya'y saka nito sasabihin na 'joke' lang ang lahat. Na hindi siya nito talaga mahal at pinaibig lang siya nito para may mapatunayan sa sarili. Higit na kay Mark Wayne. Kahit kasi mag-iwasan sila noon ni Mark Wayne, alam ni Lance na mahalaga pa rin siya kay Mark Wayne.
"But, why are you crying?" nagtatakang tanong ng kanyang anak. Nasa mga mata rin ang matinding pag-aalala.
Sa kagustuhan kasi niyang huwag ipakita kay Mark Wayne ay yumuko siya. Hindi naman niya inasahan na sa kanyang pagyuko ay si Apple naman ang makapapansin sa damdaming nais niyang itago.
Hindi niya nakuhang sagutin ito dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya ay hindi siya makahinga sa sobrang sakit.
"Hindi mo na gagawin ang kalokohang 'yan, Jillian," mariing sabi ni Mark Wayne nang hawakan nito ang baba niya at itinangala para siya'y mapagmasdan. Tapos kinabig siya nito para yakapin at dahil kailangan talaga niya ng karamay ng mga sandaling iyon, gumanti siya ng yakap sa asawa. Talagang kahit kailan si Mark Wayne lang ang nagiging karamay niya. Kaya naman ngayon ito naman ang nangangailangan ng tulong ay hinding-hindi niya ito pababayaan. Mag-bestfriends sila kaya nararapat lamang na magdamayan sila.
Sabi niya sa sarili ay huminto na siya sa kanyang pag-iyak ngunit hindi niya magawa dahil maraming eksena ang pumapasok sa kanyang isipan. Naramdaman din iyang parang piniga na naman ang kanyang puso dahil kahit na nagmakaawa sa kanya si Lance na ito ang piliin niya, nagagawa na nitong makipagtawanan sa ibang mga babae nu'ng sumunod na araw. Parang sinasabi nito sa kanya na hindi naman ito apektado sa relasyon nila ni Mark Wayne at nagawa na rin nitong makapag-move on sa kanyang 'pagtataksil'.
"Kahit hindi mo sabihin, alam kong mahihirapan ka lang sa sitwasyon kaya makabubuti pang huwag na nating pilitin pa ang lalaking iyon. Hindi na baleng..."
Kahit na nasa boses nito ang tigas ay alam naman niyang sobra rin itong nag-aalala sa kanya. Hindi rin nito magawang ipagkaila ang pagkaawa sa kanya. Alam niyang kahit palagi niyang sinasabi kay Mark Wayne ang 'I love you', alam niyang hindi niya nagawang ibigay dito ang pag-ibig na nagawa niya noong ialay kay Lance.
"Sa tingin mo, maaawat mo pa ako?" putol niya sa sasabihin nito tapos ay kumalas siya sa pagkakayakap dito.
"Jillian..."
"Alam mo namang kapag nagdesisyon na ako ay final na. Tulad nga ng sabi ko sa'yo kanina, pagkatiwalaan mo ako dahil hindi ako papayag na magtagumpay si Lance sa anumang kalokohang naiisip niya. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman kalilimutan na sa'yo ako kasal.," wika niyang biglang natigilan nang ma-realize niya ang kanyang nasabi.
"Are you fighting?" naiiyak na tanong ni Apple.
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan dahil nakalimutan niyang nasa harapan nga pala nila si Apple. At sa lahat ng ayaw ng kanilang anak ay iyong makikitang nag-aaway kami ng Daddy niya.
"No," sabay din nilang sabi ni Mark Wayne.
"Basta huwag mo na kontrahin ang napagdesisyunan ko na. Okay lang ako. Ang kailangan lang natin isipin ay ang magandang idudulot nito sa ating pamilya," sabi na lang niya. Nginitian niya si Mark Wayne pero hindi iyon umaabot sa kanyang mga mata. Ayaw niya kasi ang ideya na awatin siya nito sa kanyang desisyon na para bang hindi siya nito pinagkakatiwalaan.
Kung may natitira man siyang pagmamahal pa kay Lance, hindi sapat na dahilan iyon para sirain niya ang kanyang pamilya. Alam din niyang ang pagsasama nila ni Lance ay magiging dahilan para tuluyan siyang makapag-move on.
"Masyado ka na naming naistorbo ni Apple. Aalis na kami," wika na lang niya. Sa tingin niya ay iyon na lang ang paraan para makaiwas siya sa gustong mangyari ni Mark Wayne.
"Hindi kayo aalis...ng hindi ako kasama."
Tinaasan niya ng kilay si Mark Wayne. "Sinasabi ko sa'yo, hindi mo na mababago pa ang desisyon ko."
"Alright. Asawa kita kaya pagkakatiwalaan kita na kaya mong i-handle ang sitwasyon. But I want you to know, sobrang laki ang tiwala ko sa'yo na tiyak kong hindi mo sisirain. Kaya lang, wala akong tiwala kay Lance na di ko talaga alam ang tumatakbo sa utak." Galit nitong sabi na tumalim pa ang mga mata.
Tumango siya. Alam naman kasi niya kung bakit ganoon ang pag-aalala ni Mark Wayne dahil alam nitong laging nagpaplano si Lance na maagaw ang mga bagay na makakapagpaligaya sa kanyang asawa. Kaya, nga siguro nag-deposit ito sa kanila ng milyon milyon para kapag dumating ang araw na muli silang magkikita-kita ay may dahilan na naman si Lance para masaktan si Mark Wayne.
"Mas maigi na rin sigurong malaman niya na hindi ako nagkamali ng desisyon sa buhay," mahina niyang sabi ngunit alam niyang malinaw iyong nakarating kay Mark Wayne. Nang tingnan nga niya ito ay nakangiti ito pero hindi umaabot sa mga mata ang kasiyahan. Ayaw niyang nakikita niyang nalulungkot si Mark Wayne kaya naman inabot niya ang mukha nito at hinaplos iyon.
"Uuwi na tayo, Mommy, Daddy." tanong ni Apple pagkaraan. Nanghahaba pa ang nguso nito.
"Yes," wika niya. "Para kang si Donald Duck kapag nanghahaba ang nguso mo."
"Mom, babae ako. Si Daisy Duck ang kamukha ko."
Napahagal pak sila ng tawa ni Mark Wayne sa banat nito.
"Manang-mana ka talaga sa Mommy mo kapag nagsimula na mangatwiran," natatawang sabi ni Mark Wayne.
Nakurot niya tuloy ito. "Ako na naman ang nakita mo."
"Sa'yo Daddy, anong namana ko?" biglang tanong ni Apple.
"Ang pagiging makulit," mabilis na sabi ni Mark Wayne.
"Saka galing sa pagbi-video games," wika pa ni Apple.
Nang tumingin sa kanya sa Mark Wayne ay hindi niya napigilan ang mag-thank you rito ng walang sound. Talaga naman kasing mahirap sa kanyang sagutin ang tanong ni Apple dahil ang laging papasok sa isip niya ay si Lance, kaya, alam niyang tanggap na tanggap na ni Mark Wayne si Apple bilang tunay na anak.
"Gusto mo munang mamasyal?" tanong naman ni Mark Wayne. Pilit pa nitong pinasigla ang tinig. Alam niya kasing ayaw nitong magpakita ng negatibong emosyon sa kanya, lalo na sa harap ni Apple.
"Sakay tayo sa ferris wheel," patiling sabi ni Apple sabay palakpak.
Napailing lang siya dahil alam niya kung ano ang namana ni Apple sa tunay nitong ama. Tulad ni Lance, hindi tumitigil si Apple hanggang hindi nakukuha ang bagay na naisipan nito. Mula kasi ng makuwento nilang na-trap sila ni Mark Wayne sa ferris wheel ay lagi na nitong binabanggit na gusto rin nitong sumakay sa ferris wheel.
"Oh no!" sigaw ni Mark Wayne sa pa-OA na paraan. Ang inis tuloy na naramdaman niya kanina sa kanyang asawa ay tuluyan ng naglaho. Paano ba naman kasi, nakita niya kung paano itong napalunok na para bang nai-imagine na nitong nasa harap na nito ang ferris wheel. Ngunit, habang naiisip niya kung gaanong katakot si Mark Wayne sa ferris wheel ay may isa ring alaala na bumalik sa kanyang alaala.
"SI Mark Wayne naman pala ang takot sumakay sa ferris wheel, bakit ayaw mong sumakay na kasama ako?" nagdaramdam na tanong sa kanya ni Lance. Dinala kasi siya ni Lance sa Kingdom of Fun nang makuwento niya ritong gustong-gusto niyang nagpupunta sa amusement park.
Ayaw niyang nagtatampo sa kanya ang boyfriend dahil ang bigat-bigat sa pakiramdam. Dama niya kasing sobra na niya itong mahal kaya hangga't maaari ay ayaw niyang nagtatampo ito kahit pakiramdam niya'y nawawalan na siya ng oras kay Mark Wayne.
Nang mga bata pa kasi sila ni Mark Wayne ay sumumpa sila sa isa't isa na kahit anong mangyari ay mangingibabaw ang kanilang pagkakaibigan. Kaya nga lang, parang ang hirap nitong gawin ngayon. Alam naman kasi niyang pinagseselosan ni Lance si Mark Wayne at hindi naman niya ito masisisi. Alam naman kasi ng boyfriend niya na buong buhay niya'y wala siyang minahal kundi si Mark Wayne.
"Kasi..."
"Kasi, mahal mo siya."
"Matalik ko siyang kaibigan."
"Minahal mo siya."
Hindi siya kumibo dahil wala namang saysay. Totoo naman kasi ang sinabi ni Lance. Kaya nga lang, hindi niya magawang sabihin dito na ang pagmamahal na naramdaman niya kay Mark Wayne ay walang-wala sa nararamdaman niya ngayon kay Lance. Siyempre, ayaw din naman niyang masyadong lumaki ang ulo nito kaya hinayaan na lang niya itong kahit papaano ay makaramdam ng selos.
"Kung ayaw mong sumakay --."
"Okay, fine."
"Sasakay tayo sa ferris wheel?" naniniguradong tanong nito.
Malalim na buntunghininga muna ang kanyang pinawalan. "Yes."
Ang lapad ng ngiti nito ngayon kaya hindi rin niya napigilan ang mapangiti. Para kasing may masusuyong kamay na humahaplos sa kanyang puso.
"Tulad nga ng sabi mo, si Mark Wayne ang may phobia, hindi ako."
"Very good."
Napahinto siya sa pag-usog sa pila marinig niya ang sinabi nito. "Para saan ang reaction na 'yan."
"Hindi mo na kasi tinatawag na My Wayne ang bestfriend mo."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Dapat bang tawagin ko siya uling..."
"No. Pero, gusto kong marinig ang endearment mo sa akin," nakangising sabi nito pero nasa tingin ang talim.
"Its my Lance," bulong niya rito pero ngiting ngiti.
Nang hapitin siya nito sa baywang ay hindi niya napigilan ang sumandal sa dibdib nito. Para kasing protektadung-protektado siya kapag nasa paligid lang ito.
"Ang sweet naman ng mahal ko."
"Kaya, kailangan ay lagi mo akong aalagaan."
"Ginagawa ko naman, hindi ba?"
Hindi niya nasagot ang tanong ni Lance dahil totoo naman ang sinabi nito. Palagi talaga nitong ipinararamdam sa kanya kung gaano nga ba siya nito kamahal. Kaya naman sa palagay niya ay wala ng lalaking karapat-dapat sa kanya kundi si Lance lang.
"Lahat naman ng lalaki ay sweet sa simula."
"Huwag mo akong itulad sa ibang lalaki," mariing sabi nito. Pakiramdam niya tuloy ay malaki ang kasalanang nagawa niya rito dahil sobrang talim ng tingin nito sa kanya. "Lahat ng sabihin ko ay kaya kong panindigan."
Oh, wika niya ng kunin nito ang kanyang palad. "Dahil mula ng mahalin kita ay wala na akong ibang gustong makasama at makausap kundi ikaw. Kaya, kung mayroon man siyang takot sa ferris wheel tulad ni Mark Wayne ay tuluyan nang naalis dahil sa hawak na ginagawa sa kanya ni Lance.
"ANO ba ang iniisip mo?" wika ni Mark Wayne bago niya hinagilap ang palad ng kanyang asawa.
Asawa, nakangiti niyang sabi pero mapait na mapait ang kanyang nararamdaman. Kahit naman kasal sila ni Jillian ay hindi niya tuluyang masabi na asawa nga niya itong talaga dahil hindi naman niya ito kayang angkinin tulad ng isang tunay na asawa. At kung sakali ngang normal siyang lalaki, hindi pa rin siya nakakasiguro kung magagawa nga ba niyang kunin ang karapatan niya gayung alam naman niya kung sino ba talaga ang may karapatan kay Jillian.
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto kasi niyang itaboy ang ideya na si Lance ang dapat na kasama ni Jillian ngayon dahil ito ang talagang mahal ng matalik niyang kaibigan at tunay na ama ni Apple ngunit hindi niya magawa lalo na at nakita niya kung gaanong naapektuhan si Jillian sa presensiya ni Lance.
"F-ferris wheel."
"Naalala mo ba nu'ng magkasama tayong na-trap sa ferris wheel?"
Hindi ito agad kumibo kaya nagduda siya kung siya nga ba ang kasama ni Jillian ng maisip nito ang tungkol sa ferris wheel. Nang sulyapan niya ito ay nag-iwas ito ng tingin kaya nakasisiguro siyang hindi siya ang pumasok sa isip nito.
"O-oo," wika nito.
Pinisil niya ang palad ni Jillian. "Mahal kita. Mahal na mahal."
"Mahal din kita."
Ngumiti siya at itinikom na lang niya ang bibig. Alam niyang dapat siyang masiyahan dahil mahal siya ni Jillian pero may palagay siyang ang 'mahal kita' nito para sa kanya ay hindi tulad ng pagmamahal nito kay Lance. Maaaring ang 'mahal kita' ay para lang sa pagiging magkaibigan nila.
Masakit iyon sa kanya pero kaya naman niyang indahin. Ang importante lang naman sa kanya ay siya ang kasama ni Jillian ngayon at sa susunod na mga araw.
"Alam ko," wika niya. "Kaya nga, gusto kong ibigay sa'yo ang lahat ng makakapagpasaya sa'yo dahil kahit mawala na ako sa mundong ito, wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang."
"Ano ba ang sinasabi mo?" gilalas nitong sabi.
"Basta lagi mong tatandaan na mahal kita," wika niya saka itinutok na sa pagmamaneho ang atensyon.
HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina. Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino. Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. "Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne. Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi si
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan. O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili. Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso. "Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wh
"LANCE..." "What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa. "I love you," wika nito. "I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba. Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito. Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit
YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. Pero, hindi nito ginawa. Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Fra
"FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne. Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito. "Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapa
JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay roman
"SO, anong gagawin ko rito?" nakahalukipkip na tanong ni Jillian kay Lance na wala yatang gagawin maghapon kundi ang titigan siya. Paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat maapektuhan sa ginagawa nito sa kanya pero parang may sariling utak ang kanyang pakiramdam. Sobra siyang naapektuhan sa titig nito kahit sa ibang direksyon naman ang kanyang tingin. "Look at me," marahang sabi nito. Ayaw sana niya itong tingnan pero parang napakahirap gawin noon lalo pa't nakikiusap ang boses nito. At nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang mapasinghap dahil hindi niya akalain na nasa likod na pala siya nito halos. Hindi lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa mabilis nitong pagkilos. Kunsabagay, talagang magiging mabilis ang pagkilos nito dahil nakaupo ito sa swivel chair. "Bakit ba kailangan pa kitang tingnan?" naiinis niyang tanong. Kahit tuloy gusto niyang makita ang magaganda nitong mga mata, matangos na ilong, mapupulang
AKALA ni Jillian ay tutunganga lang siya sa unang araw ng pag-i-stay niya sa Channel 26 pero alas-diez emedya ay nagpatawag ng meeting si Lance kasama ang Creative Department nito para mapagplanuhan daw ang nobela na kanyang isusulat. Game naman siya palagi basta pagsusulat kaya kahit pakiramdam niya'y binubuwisit siya ni Lance dahil wala siyang ginagawa ay ngumiti na lang siya. Ipinakita pa nga niya ritong nagiging excited siya. "Oh," bulalas niya pagpasok niya sa Conference Room. Hindi dahil sa nandoon na ang mga ka-meeting nila kundi dahil sa mga pagkain na nakahain. Buffet style iyon kaya naman biglang kumalam ang kanyang sikmura. Paano banab kasi, ang mga nakahain doon ay mga paborito niya -- kare-kare, lumpiyang shanghai, fried chicken, inihaw na isda at liempo. Mayroon pang kanin at fried rice. Ang inumin naman ay iced tea at coke. "Kumain muna tayo," wika naman ni Lance. Humakbang na ito palap
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama