HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon.
Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne.
But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gustong maging ama sa kanyang anak. Kung maaari nga lang ay hindi rin niya gusto ipaako kay Mark Wayne ang kanyang dinadala dahil sa wala naman itong pananagutan sa kanya pero kailangan din daw siya nito.
Alam daw kasi ni Mark Wayne na labis ding nag-aalala ang mga magulang nito na tumanda na lang itong binata o kaya ay mag-asawa lang ng babaeng hindi makakayang tanggapin ang kapansanan nito at ipangalandakan lang iyon sa iba, kaya, minabuti na nitong siya ang alukin nito ng kasal. Bukod sa talaga naman daw na mahal siya'y gagawin nito ang lahat para maging matagumpay ang kanilang pagsasama.
Sa tingin din naman niya ay wala na siyang lalaking gugustuhing makasama sa habambuhay kundi si Mark Wayne. Hindi man iyon dahil sa pag-ibig, pero, tiyak niyang dahil iyon sa tiwala at respeto na ibinibigay nila sa isa't isa. Saka, may pagmamahal din naman siyang nararamdaman dito kaya't alam niyang sapat na iyon para magsama sila ng masaya habang buhay.
Saka sabi naman ng mag-asawang naging kapitbahay nila sa New York, ang sexual na attraction ay kumukupas pagdating ng panahon. Maging ang pag-ibig ay nawawala kapag hindi nagkasundo ang dalawang nagsumpaan na magsasama habambuhay ngunit ang samahang tumibay dahil haba ng panahong kanilang pinagsamahan ay hindi na mabubuway kahit na bagyuhin pa ng katakut-takot pagsubok.
Hindi tuloy niya napigilan ang mangiti. Alam niyang ganoon ang relasyon nila ni Mark Wayne. Kahit na anong mangyari, hindi sila mag-iiwanan. Mga bata pa lang sila ay iyon na ang kanilang sumpaan.
"Bestfriend's forever," mariing sabi nila ni Mark Wayne sa isa't isa saka magpi-pinky swear.
"Where are we going Mommy?" excited na tanong ni Apple ng sabihin niya ritong maligo at magbihis. Kahit naman hindi magsalita si Apple ay alam niyang naiinip na rin itong nakakulong sa kuwarto at naglalaro ng video games mag-isa. Tiyak niya kasing nag-e-enjoy lang ito kapag kasamang naglalari si Mark Wayne.
"To your Daddy," nakangiti niyang sabi pero ang matamis niyang ngiti ay dagling naglaho. Kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili ay napamura siya. Kung bakit ba naman kasi ng sabihin niya ang mga salitang 'to your Daddy' ay mukha ni Lance ang rumehistro sa kanyang utak at hindi dapat iyon. Kailan ba kasi siya magkaka-amnesia para magawa na niyang makalimutan na si Lance ang tunay na ama ni Apple.
"Sa office po niya?" excited na tanong ni Apple sabay palakpak.
"Yes," sabi niya. Gusto niya kasing laging ipadama sa kanyang mister ang kanyang pagmamahal at alam niyang magagawa lang niya iyon kung palagi niyang ipinapadama dito na walang importante sa buhay nilang mag-ina kundi ito lang. "Kaya, sabihin mo sa Yaya mo na tulungan ka na niyang magayak."
Kung noong nasa America sila ay sinikap niyang walang asahan sa pag-aalaga ng kanyang anak, ngayong nandito sila sa Pilipinas ay gusto niyang may magbantay sa kanyang anak. Bilang misis at manunulat ay hindi niya magagawang ituon palagi kay Apple ang kanyang pansin at kailangang laging may bantay ang kanyang anak lalo pa't nasa paligid lang ang tunay nitong ama.
"I can take a bath alone," mayabang nitong sabi.
"Kailangan pa ring timplahin ang pampaligo mo. Saka, kailangang ihanda ang gusto mong damit."
Apat na taon na lang si Apple pero tinuruan na nila itong maging independent. Kahit na mayroon pa rin naman itong yaya ay kaya na rin nitong asikasuhin ang sarili. At dahil sa sinabi niya ay namilog ng husto ang mga mata nito at nagningning ng husto ang mga mata kaya bigla siyang natigilan.
Kahit naman kasi sinasabi niya na carbon copy niya si Apple, may mga ekspresyon si Lance na nakuha ni Apple. Masyado kasing ekspressive ang mga mata ni Apple kaya kitang-kita niya roon ang kasiyahan nito. Bigla rin tuloy niyang naalala ang mapupungay na mga mata ni Lance kapag tumitig sa kanya.
Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa kaisipang kaya hindi niya nagawang tanggihan noon si Lance dahil sa nahihipnotismo siya palagi sa mga mata nito. Sa tingin kasi niya'y hindi lang pagnanasa ang nakikita niya roon kundi pati pag-ibig.
"So, go."
Isang linggo na sila sa Pilipinas pero parang hindi pa rin siya sanay na hindi na niya nakikita ang bahay ni Mark Wayne kapag dudungaw siya sa bintana. Sa halip, ang bahay na nila ang natatanaw niya dahil sa bahay na siya ni Mark Wayne nakatira.
Siya naman ay ginayak na rin ang mga dadalhin kay Mark Wayne. Gusto niya kasing dalhan ito ng lunch para hindi na na nito kailanganin pang magpa-order pa. Kaya para masiguro niyang makakakain ito ng husto ay pinagluto niya ito ng mga paborito nito, bistek tagalog saka pritong bangus with toyo at suka na may dinurog na siling labuyo. Dinamihan niya iyon dahil gusto niyang makasabay din itong kumain.
Nitong mga nakalipas na araw ay hindi na nila nagagawang magsabay halos kumain dahil maagang-maaga itong aalis dahil marami raw kailangang papeles na dapat na basahin at pag-aralan. Pagdating naman ng gabi ay hindi ito nakakauwi agad dahil may mga meetings itong kailangang puntahan.
Pagkatapos niyang maihanda ang mga dadalhin ay mabilis din siyang naggayak. Gusto kasi niyang maihatid kay Mark Wayne ang mga pagkain na mainit pa.
"I'm ready, Mommy."
"Good," wika niyang ngiting-ngiti. Napalis na naman iyon nang mapagmasdan niya ang kislap ng mga mata ni Apple at ang malapad nitong ngiti na alam niyang kuhang-kuha kay Lance. Naisip tuloy niya na baka kapag nakita ito ni Lance ay baka magka-ideya ang ex-boyfriend niya na ito ang ama ng kanyang anak.
No way! nahihintatakutang sabi niya sa kanyang sarili. Ewan niya kung ano bang sumagi sa utak niya at naisip niya iyon pero hindi tamang magkaideya man lang si Lance tungkol sa tunay na pagkatao ni Apple kung ayaw niyang magkagulo-gulo ang kanilang buhay.
"Mommy, let's go."
"Yah. Let's go."
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang pumasok sa opisina niya ang kanyang mortal na kaaway. Tiyak niyang hindi naman siya makakaiwas sa presensiya nito kahit na gustuhin niya kaya wala siyang magawa kundi ang harapin ito.
"Siguro naman ay alam mo na kung anong dahilan kung bakit ako nandito." Parang walang anumang tanong nito saka dumikuwatro ng upo.
Sumandal siya sa swivel chair saka kunot noong pinakatitigan ito. Kahit na siya ang CEO ng Mabuhay Bank, pakiramdam niya'y gusto pa rin nitong ipamukha sa kanya na mas makapangyarihan pa rin ito kaysa sa kanya.
Napabuntunghininga na naman siya dahil totoo naman iyon. Kaya nga, nang makita niya kung gaanong kalaking naka-deposit sa kanilang banko na pag-aari ni Lance ay parang gustong manlambot ng kanyang tuhod. Alam niya kasing gagamitin nito iyon para makapaghiganti sa kanya.
"Balak mo na bang i-pull out ang perang nilagak mo sa Mabuhay Bank?" walang anumang tanong niya pero kinabahan siya. Nito kasing nakalipas na taon ay hindi maganda ang takbo ng kanilang negosyo dahil sa iskandalong kinasangkutan ng endorser na kinuha ng kanyang Papa na gustong makatipid.
May lahi kasing Chinese ang kanyang Papa kaya may mga pagkakataon na umiiral ang kakuriputan nito. Dahil tuloy doon ay maraming kliyente ang nag-pull out sa kanilang banko. Tapos ang mga natira namang depositor sa kanila ay may malalaking interes dahil nagkaroon sila ng promo noon na kung sinong magdedeposit sa anniversary ng kanilang banko ay mabibigyan ng malaking interes.
"At anong sa palagay mo ang mangyayari kung ipu-pull out ko lahat ng pera ko dito sa banko mo?" nakangising tanong nito.
Napamura siya dahil parang enjoy na enjoy ngayon si Lance na nakikita ang takot sa kanyang mukha.
Damn, hindi niya kasi mapigilan.
Alam kasi niyang kapag nangyari iyon ay tuluyang babagsak ang kanilang negosyo.
Kung mangyayari iyon, sigurado niyang masasaktan ng labis ang kanyang mga magulang na ang buong panahon ay ibinuhos sa Mabuhay Bank. Kaya, nga hindi naiwasan ng ama niyang kabahan dahil marami na ring banko ang nagsulputan na higit na malaki dahil nga binuo iyon ng 'corporation' samantalang ang Mabuhay Bank ay sole proprietorship.
"Kaya, nga nandito ako para hindi ko gawin ang sinasabi mong alam kong kinatatakutan mo rin naman. Well, hindi ka magaling magtago ng tunay mong nararamdaman. Amoy na amoy ko ang takot mo kaya easy. Hindi ko gagawin ang sinasabi mo kaso may kapalit." Nakangising sabi nito na parang nai-enjoy makita ang takot na kanyang nararamdaman.
Napailing siya. Hindi na bago ang salitang iyon sa kanya. Saka lahat naman talaga ng bagay sa mundong ito ay may kapalit. Hindi ka dapat umasa na kapag gumawa ka ng kabutihan sa'yong kapwa ay laging libre.
"Anong kapalit?"
"Ang asawa mo," parang walang anumang sabi nito na talaga namang nagpamura sa kanya.
ANG lakas nang tawa ni Lance nang bigla siyang pagmumurahin ni Lance. Hindi pa ito nakuntento at kinuwelyuhan siya nang para itong toro na sumugod sa kanya. Mapakurap-kurap lang siya dahil ang utak niya ay biglang nanumbalik sa nakaraan. Iyon nga lang siya ang sumusugod kapag may nagtatangkang bumastos o umaway kay Jillian.
Minsan kasi'y may nagtangkang mang-away kay Jillian dahil palagi silang nakikitang magkasama. May mga babae kasi sa kanilang campus na nagiging bully dahil lang sa maraming pera ang mga magulang kaya't pakiramdam ay kayang bumili ng pagkatao pero dahil hindi naman ang tipo ni Jillian ang nagpapatalo ay lumaban ito.
"Lance is mine. Akin lang siya," wika ng babaeng halos ibandera na sa campus ang dibdib.
"Nabili mo?" sarkastikong tanong ni Jillian.
Kahit tuloy gusto na niyang lumapit para hindi na humaba pa pag-i-ilusyon ng babaeng iyon ay mas ginusto muna niyang panoorin kung anong gagawin ni Jillian.
"Layuan mo si Lance."
"Bakit ko lalayuan ang boyfriend ko?"
Boyfriend ko, ulit niya sa isip. Parang pumalakpak ang tenga niya nang sabihin ni Jillian ang mga salitang iyon ng may pagmamalaki. Pakiramdam tuloy niya'y tunay na boyfriend na ang turing nito sa kanya kahit na tinanggap lang naman nito ang alok niyang magpanggap na may relasyon sila para lang pagselosin si Mark Wayne.
"Sinungaling ka!" wika nitong pasugod kay Jillian.
Kahit na alam na alam naman niyang kayang-kaya ni Jillian na ipagtanggol ang sarili'y hindi niya maatim na manood na lang kaya naman ng akma nitong sasampalin si Jillian ay hinuli niya ang kamay nito.
Kahit na hindi naman siya ang tipo na nanakit ng babae, parang gusto niyang pilipitin ang kamay nito pero sa halip na gawin ang naisip ay hindi na lang niya pinawalan ang kamay nito sabay sabing. "Kung ayaw mong sirain kong buhay mo at ng pamilya mo, huwag na huwag mong sasaktan ang girlfriend ko. Alam kong gawain ng pamilya ninyo. So, stay away from us," mariin niyang sabi.
Kaya naman ngayong parang pinagdududahan siya ni Mark Wayne na binabastos niya si Jillian sa salita niya'y parang gusto niya itong sabihan ng 'stupid'. Kahit kasi sa sarili niya'y puprotektahan niya si Jillian. Hindi siya gagawa ng anuman para masaktan ito. Talaga lang hindi niya maiwasang tudyuhin si Mark Wayne.
"Relax, wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko. Hindi ko aagawin sa'yo ang asawa mo dahil naging akin na siya." Nakangising sabi niya rito. Mas nakaramdam pa siya ng kasiyahan dahil nakita niya ang sakit sa mga mata ni Mark Wayne at alam niya ang ibig sabihin noon. Alam na alam nitong siya ang nakauna sa misis nito.
Ngunit, kahit na iyon ang palaging sinasabi niya sa kanyang sarili. Na siya naman ang naka-devirginized kay Jillian Cordova ay hindi pa rin sapat iyon para masiyahan siya sapagkat hindi niya tuluyang naangkin ang puso ng bestfriend ng kanyang kaharap. Kung talaga kasing minahal siya ni Jillian tulad ng pagmamahal niya rito, siya sana ang kasama nito ngayon.
Sa sinabi niya ay nakita na naman niyang naningkit ang mga mata ni Mark Wayne. Para ngang gusto na siya nitong suntukin pero dahil kliyente siya nito ay hindi magawa ang iniisip. Mortal niya itong kaaway noon pa man kaya alam na alam ni Mark Wayne kung ano ang kaya niyang gawin kapag tuluyan siyang napikon dito.
Ngunit, hindi naman siya ganoon kasama para gustuhin niyang mawala ang lahat ng mayroon ang pamilya nito. Kapag kasi ganoon ang ginawa niya, alam niyang pati si Jillian ay madadamay.
"Hindi na ako interesado sa asawa mo pero kailangan ko siya. Sa negosyo ko," mariing sabi niya sa tatlong huling katagang iyon kaya naman tinapik niya ang kamay nito para alisin na sa pagkakahawak sa kanya.
"What do you mean?"
"Interview kay Jillian sa aming Midnight show at dahil manunulat siya sa America, hindi naman siguro masama kung gugustuhin ko ring magsulat siya ng teleserye sa Channel 26. Siguro naman, sapat na 'yan para hindi mo pagdudahan ang intensyon ko. Again. Uulitin ko. Hindi na ako interesado sa asawa mo," mariin niyang sabi dahil iyon din naman ang gusto niyang ipaalala sa kanyang sarili.
Paano pa siya magkakainteres sa taong itinapon ang lahat ng pagmamahal niya para sa matalik nitong kaibigan? Ni hindi man lang lumipas ang isang taon mula ng makipaghiwalay si Jillian sa kanya tapos nagpakasal na ito sa bestfriend nito?
Pero, pera nga lang ba talaga ang dahilan kaya gusto niyang maging bahagi pa rin si Jillian ng kanyang buhay? sarkastiko niyang tanong sa sarili.
Kung 'oo' kasi ang sagot niya'y hindi na dapat siya makakaramdam ng pananabik na isang araw ay muli niya itong makakaharap.
"Magtatrabaho si Jillian sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Mark Wayme.
"Magtatrabaho siya sa akin para sa'yo," mariing sabi niya sa dalawang huling kataga dahil nais niyang ipaalala dito ang sitwasyon.
"At kung hindi ako pumayag?"
"Eh, di wala ng Mabuhay Bank. Ilalagak na sa sementeryo," nang-iinis niyang sabi rito.
Nang makita niyang natigilan si Mark Wayne, hindi niya napigilan ang mapangisi. Alam niyang kahit na gustung-gusto nitong tanggihan siya'y wala itong magagawa. Talagang siya na lang ang pag-asa nito.
KAHIT naman matagal silang nawala sa Pilipinas, marami pa ring empleyado ang Mabuhay Bank na kilala siya. Madalas din naman kasi siyang isama doon ni Mark Wayne kaya ang tingin din ng marami sa kanya ay girlfriend ni Mark Wayne.
Hindi naman niya nakakakuwentuhan ang mga ito para masabi niyang mag-bestfriends lang sila ni Mark Wayne tapos panay pa ang sabi ng Tito Denmark niya sa lahat na siya ang gusto nitong maging manugang. At sa palagay niya'y iyon din ang rason kung bakit nangarap din siya noon na si Mark wayne ang kanyang makakatuluyan.
Magiging madali lang sa kanya ang mag-adjust dahil magkaibigang matalik ang kanilang mga magulang. At dahil nga travel agency ang negosyo ng kanyang mga magulang ay mas naging close ang mga ito kapag nagkakasundo-sundo silang magbakasyon kung saan. Kaya naman, hindi naging mahirap sa kanya na umalis ng bansa noong panahong durog na durog ang kanyang puso.
Kung hindi pa kasi siya lalayo noon kay Lance, sigurado siyang makakagawa na siya ng desisyong pagsisisihan niya lalo pa't sobra-sobra na siyang nanungulila kay Lance. Mabuti na lang at sa huli'y pinili pa rin niyang pakinggan ang sinasabi ng kanyang isip. At iyon ay ang panindigan ang relasyon nila ni Mark Wayne dahil kung hindi'y sigurado siyang mas masasaktan lang siya.
Para naman kasing hindi naman naapektuhan si Lance ng 'paghihiwalay' nila. Sabi nga ni Franco ay may bago ng nililigawan si Lance. Ang totoo nga daw, matagal na itong gusto ni Lance pero hindi itinuloy ang panliligaw dahil sa kanya. Hindi man direktang sinabi sa kanya ni Franco pero para na rin nitong kinumpirma ang panloloko sa kanya ni Lance.
At ayaw na niyang magtanong pa dahil alam naman niyang masasaktan lang siya at ang pag-alis ang pinakamabisang solusyon ng paglimot. Blessing in disguise din namang nalaman niyang buntis siya nu'ng nasa America na siya.
"Ang ganda naman ng opis ni Daddy," wika ni Apple habang nililibot ang tingin sa paligid. Dahil likas kay Apple ang pagiging palakaibigan na sa palagay niya'y namana nito kay Lance. Siya kasi'y kontento ng si Mark Wayne ang kaibigan.
Ang Mabuhay Bank ay may dalawang palapag at ang opisina ni Mark Wayne ay nasa second floor kaya iginiya na niya roon si Apple matapos itong magpaalam sa mga tauhan na cute na cute dito.
Hindi rin kasi siya kumportableng iharap sa ibang tao si Apple lalo na't may kaugnayan kay Mark Wayne o kay Lance. Kahit kasi siya ang kamukha ni Apple natatakot pa rin siyang may makapuna na wala itong nakuha kay Mark Wayne at may mannerism itong tulad ng kay Lance.Kapag kasi nagkagannon, hindi niya alam kung ano ba ang kanyang isasagot. Ngayon pa nga lang ay sobra-sobra na siyang kinakabahan.
Wala sa upuan ang sekretarya ni Mark Wayne nang dumating sila ni Apple kaya naman nagpasya si Jillian na dumiretso niya sa opisina ni Mark Wayne. Ngunit, nag-warning knock muna siya. Bubuksan pa lang ni Jillian ang CEO office, sumigaw na si Apple ng Daddy kaya naman natigilan siya nang mapagtanto niyang hindi nag-iisa si Mark Wayne sa silid nito.
At sobra siyang nanggilalas nang makilala kung sino ang kasama ni Mark Wayne sa opisina nito -- si Ysmael Lance MAdrigal.
Nang magkatitigan siya ay parang bumalik sa kanyang isipan ang sinumpaan nilang kahit na anong mangyari ay hindi sila maghihiwalay. Ngunit, hindi iyon nagkaroon ng katuparan dahil iba naman ang intensyon nito sa kanya.
WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi
"ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis. May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple. Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si
HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina. Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino. Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. "Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne. Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi si
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan. O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili. Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso. "Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wh
"LANCE..." "What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa. "I love you," wika nito. "I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba. Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito. Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit
YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. Pero, hindi nito ginawa. Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Fra
"FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne. Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito. "Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapa
JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay roman
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama