"HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr.
Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt.
Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala namang dahilan para mangyari iyon kaya't kailangan niyang pagdaanan ang sakit na naramdaman niya ilang taon na ang lumipas.
Si Ysmael Lance Madrigal, iyon ang pinakamalaking problema na kinakaharap nila ngayon. Hindi dahil sa dati niya itong karelasyon kundi dahil sa banta ito sa kanilang kabuhayan. Alam kasi nilang nais nitong paghigantihan sila ni Mark Wayne dahil sa 'panloloko' nila rito. Mas pinili kasi niyang palabasin kay Lance na na-realize niyang hanggang sa huling sandali ay si Mark Wayne pa rin ang kanyang mahal.
Hindi na kailangan pang malaman ng kanyang ex-boyfriend na ang puso niya'y walang ibang itinitibok kundi ang pangalang Lance.
"Tang Ina!" narinig niyang sigaw ni Mark Wayne sa banyo kaya nakumpirma nga niyang may problema ito sa unang araw ng pagiging CEO nito. At pakiramdam niya'y may kinalaman doon si Lance. Mahinahon si Mark Wayne kahit na nakakaramdam na ito ng galit pero ngayon ay parang hindi na nito kontrol ang sariling emosyon.
Gusto sana niyang hayaan niya lang muna si Mark Wayne sa banyo hanggang sa hindi naglalaho kung anuman ang ikinaiinit ng ulo nito ngunit parang hindi niya kayang balewalain ang inaakto nito dahil sa ilang ulit nitong pagsigaw at narinig pa niya ang mga pagsuntok ni Mark Wayne sa pader. Hindi na siya nakatiis at kinatok na niya ito.
"Mas maganda kung sasabihin mo sa akin ang problema, My Wayne," wika niya sa tonong sobrang nanunuyo. Kahit tiyak naman niyang wala siyang nagawang anumang kasalanan, kailangan pa rin ng asawa niya niya ng karamay sa kung anuman ang pinagdaraanan nito. "Please, hon...mag-usap naman tayo."
Hindi ito sumagot pero maya-maya ay bumukas ang pintuan. Napa-'omg' siya nang makita ito. Namumula ang mata na halatang galing sa pag-iyak. Gulu-gulo ang buhok na para bang napakamiserable ng buhay nito ngayon at may dugo sa kamao. Kahit gustung-gusto na niyang malaman kung ano bang problema nito, minabuti muna niyang kumuha ng first aid kit para magamot niya ang sugat nito.
"Anong bang nangyayari sa'yo?" nag-aalala niyang tanong dito habang ginagamot ang sugat nito. Mahirap ng baka maimpeksyon pa iyon. Napangiti lang siya dahil kahit na binuhusan pa niya ng alcohol ang sugat nito at diniinan ang bulak sa sugat nito ay parang hindi nito alintana ang sakit kaya't alam niyang may katapangan itong talaga.
Kung takot ito sa ferris wheel, ni minsan ay hindi niya itong nakitang umiyak kapag nasusugatan. Kapag tinatanong niya ito noon kung bakit hindi ito umiiyak kapag nasusugatan ang laging sinasabi nito'y sanay na raw kasi itong masaktan habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Nang maging mag-asawa sila ay ikinumpisal nito sa kanya na sobra itong nasasaktan kapag nakikita silang magkasama ni Lance. Mga bata pa lang daw sila ay minahal na siya nito pero hindi nito magawang sabihin dahil natatakot itong masira ang kanilang pagiging matalik na kaibigan. At nang handa na raw itong magtapat sa kanya ay saka naman nito nalaman ang 'kapansanan' nito kaya nagdakawang isip itong magtapat sa kanya.
Kahit gusto niyang magdamdam dito dahil 'sex' agad ang inisip nitong batayan para magkaroon ng masayang pagsasama ang dalawang taong nagmamahalan, hindi rin naman niya ito magawang sisihin. Talaga lang kasing kapag pinamamahayan ng takot ang dibdib ay nagiging duwag ang taong harapin ang katotohanan.
Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito.
Kumunot naman ang noo niya. Mas nag-aalala kasi siya sa kinikilos nito dahil dati naman ay napakadali lang para rito na sabihin ang pinu-problema. Matalik silang magkaibigan kaya noon pa man ay hindi sila dapat na nagtataguan ng sikreto. Kahit nga noong sabihin niya sa sarili na hindi na nito dapat pang malaman ang kanyang nararamdaman dito ay hindi pa rin niya nagawang awatin ang sarili na ibulalas ang kanyang damdamin nu'ng magkaroon na ng pagkakataon.
"Unang araw mo pa lang sa Mabuhay Bank pero para ka ng pinatay, ah," biro niya habang ginagamot ang sugat nito. "Nagiging okay din ang lahat."
"Kung negosyo lang ang problema madaling solusyunan," anitong parang hindi naman sa kanya sinasabi ang mga salitang iyon kundi sa sarili.
"A-anong problema?" kinakabahang tanong niya kahit may ideya na siya. Iisang tao lang naman ang naman ang nakakapagpagalit ng husto kay Mark Wayne at kahit na kitang-kita niya ang problema sa mukha nito ay hindi naman nito magawang ipagkaila ang galit na nakikita niya sa mga mata nito kaya parang unti-unti'y bumabangon na ang kaba sa kanyang dibdib.
Hindi pa rin ito kumibo.
"Mark Wayne..." napipikon na niyang sabi. Sa lahat ng ayaw niya kasi ay ang pinaghihintay at alam din ni Mark Wayne na mainipin siya.
"Si Ysmael Lance MAdrigal," inis nitong sabi na nagpatulala sa kanya.
Kahit alam niyang mababanggit ni Mark Wayne ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend, pakiramdam niya ay huminto pa rin sa pagtibok ang kanyang puso. Ang lakas nga ng kanyang naging pagsinghap dahil talagang naapektuhan pa rin siya kapag naririnig niya ang pangalang iyon lalo na kung buung-buo niyang naririnig ang pangalang Ysmael Lance Madrigal.
Ngunit, ayaw niyang isipin na kaya ganoon ang reaksyon niya palagi ay dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ang ex-boyfriend. Tiyak niya kasing malaki na ang nabawas sa pagmamahal niya rito. Sa palagay nga niya kaya na lang siya naaapektuhan ay dahil sa kay Apple. Siyempre, hindi pa rin niya maiwasan isipin na anak ito ng dati niyang boyfriend. Gayunpaman ay nagpapasalamat siya na sa sobrang lakas ng kanyang genes ay walang nakuhang features ni Lance ang anak dahil kamukhang-kamukha niya ito kaya alam niyang wala ring magdududa na hindi tunay na anak ni Mark Wayne si Apple.
"N-nagkita na kayo?" kinakabahan tanong niya.
"Nakasalubong ko kanina sa lobby ng Mabuhay Bank," anitong nakatingin sa kanya na para bang inaabangan ang kanyang reaksyon.
Ano nga ba ang dapat niyang maramdaman? tanong niya sa sarili.
Wala! singhal pa niya.
Pinigilan lang niya ang sariling tanungin ito ng, kamusta na siya? Ano na hitsura niya? May pamilya na ba siya?
Nang rumehistro sa lanyang isipan ang katanungang iyon, pakirandam niya'y may malaking kamay na namang lumapirot sa kanyang puso. Limang taon na rin naman ang lumipas kaya malaki talaga ang posibilidad na may asawa na si Lance at mayroon na ring anak o mga anak pero parang may kumurot pa rin sa kanyang puso.
Minsan kasi'y pinangarap niya na makasama niya si Lance bawat araw. Na makasama niya itong tumanda pero ang mga iyon pala ay hanggang pangarap lang niya. Imposibleng magkaroon iyon ng katuparan.
Muli'y rumehistro sa kanyang utak ang sinabi ni Lance noon na pakakasalan lang siya nito kapag pumuti na ang uwak. Ibig sabihin, imposible siyang pakasalan nito. Kaya kahit na malaman niyang may pamilya ito'y hindi siya dapat maapektuhan. Kaya't sinaway niya ang kanyang sarili.
Napabuntunghininga siya. Nasisiguro naman niyang hindi iyon dahil sa selos. Di naman niya ito karelasyon para maramdaman iyon. Mas gusto niyang isipin na kaya bumigat ang nararamdaman niya dahil sobrang naaapektuhan ngayon si Mark Wayne. Hindi rin nga magawang ipagkaila ng asawa niya ang takot na nararamdaman nito. KItang-kita niya iyon sa mga mata ni Mark Wayne.
"At...?"tanong niya kay Mark Wayne. Batid niya kasing mayroon itong gustong sabihin at ibig niya rin siyempreng Malaman kung ano iyon. Sinaway lang niya ang sarili niya nang ma-realize niyang nagmumukha siyang teenager na nasasabik na malaman ang anumang impormasyon sa kanyang crush.
Hindi iyon dahil kay Lance, naiinis niyang sabi sa sarili. Kailanga niya kasing itaktak ng paulit-ulit sa kanyang sarili na kay Mark Wayne dapat ang kanyang loyalty. Kaya't masasabi pa ring nagkakasala siya sa kanyang asawa kung sa isip niya'y rumerehistro ang pangalan ni Ysmael Lance Madrigal.
Napamura rito.
Kinabahan tuloy siya. Bigla tuloy niyang nalaglag ang hawak niyang first aid kit. Pakiwai niya kasi'y kaya nagmura si Mark Wayne dahil nabasa nitong iniisip pa niya ang ex-boyfriend. Huli na nang maisip niyang wala naman psychic ability si Mark Wayne para mabasa na iniisip niya si Lance. Kaya, sa katarantahan niyang magkahinala ito sa kanyang iniisip at nadarama ay taranta niyang kinuha ang first aid kid para itapon sa basurahan.
"Bakit sa basurahan mo inilagay?" nagtatakang tanong nito.
"M-malapit na kasing mag-expired," nahagilap niyang sabihin. Napangiwi lang siya dahil sa pagsisinungaling niya. Ngunit sabi niya sa sarili, mas maigi na iyon kaysa naman masaktan si Mark Wayne kapag nalaman ang kanyang iniisip.
Hindi naman kumibo si Mark Wayne ngunit nang lingunin niya ito ay nakita niyang titig na titig sa kanya. Marahil dala ng guilt, hindi niya napigilang isinghal ito ang katagang 'what?'. Pakiramdam kasi niya'y nagsisimula na itong magduda sa kanyang katapatan.
Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang umiyak. Hinding-hindi naman kasi niya makakayang pagtaksilan si Mark Wayne.
Matiim muna siya nitong tinitigan bago nagsalita. "Hindi pa rin daw niya nakakalimutan ang nangyari at pinaparating niya sa'yo na kailangan mo raw bumawi sa kanya kung hindi..." Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito sa halip na ipagpatuloy ang sasabihin. Ngunit, maya-maya ay muli itong nagsalita. "Babagsak ang Mabuhay Bank."
"Ano?" gilalas niyang sabi.
"Iwi-withdraw niya ang lahat ng pera niya sa banko at kukunin din niya ang interes."
Para siyang pinanlamigan ng katawan sa sinabing iyon ni Mark Wayne. Alam din niya kung gaano kalaki ang pagnanais ni Lance na matalo lagi si Mark Wayne kaya kung gagawin talaga nito ang banta ay sigurado ngang magkakandahirap-hirap sila at alam niyang siya ang dapat sisihin kapag nangyari iyon. Kung hindi naman kasi siya nag-alsa balutan papuntang America ay hindi siya maiisipang samahan ni Mark Wayne.
Sabi nga nito, responsibilidad nito bilang bestfriend na damayan siya sa mga sandaling sobrang naghihirap ang kanyang kalooban. At sa sobrang pagdamay nito ay naisipan pa siyang pakasalan.
Ayaw naman talaga niyang ipaako kay Mark Wayne ang anak niya kay Lance ngunit mapilit si Mark Wayne. Laya, naisipan pa nitong i-blackmail siya na sasabihin kay Lance ang katotohanan.
Kahit naman ang puso niya ay humihiyaw na baka may pag-asa ngang magkaroon sila ng forever ni Lance, hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Paano kung sa halip na panagutan siya nito ay pagtawanan lang siya nito? Paano kung insultuhin lang sila ni Lance?
Inakala niyang mahal na mahal siya ni Lance ngunit iyon pala ay pinaglaruan lang nito ang kanyang damdamin para makaganti kay Mark Wayne. Dahil sa ayaw niyang umasa na sa pagmamahal ni Lance ay gusto na niyang burahin sa isipan niya ang ibinigay sa kanyang rason ni Lance kung bakit lagi nitong pinagtitripan noon si Mark Wayne.
Naisip niya kasing baka naman kasinungalingan lang ang sinabi ni Lance na gusto lang nitong magpapansin sa kanya palaging inaaway si Mark Wayne at itinuturing na mortal na kaaway. Pupuwede naman kasi talagang kaya ganoon ang sinasabi ni Lance ay dahil gusto lang nitong kunin ang kanyang loob.
"Damn him!"
Kahit na nasaktan siya ni Lance ay hindi pa rin niya gustong makarinig ng anumang masamang salita patungkol dito ngunit hindi niya nagawang ibukas man lang ang kanyang bibig para pagsabihan si Mark Wayne. Alam niya kasing kapag ginawa niya iyon ay ito naman ang magdaramdam sa kanya at hindi niya gustong masaktan si Marl Wayne dahil sa kanya.
Lahat ng paraan ay ginawa nito para siya'y maprotektahan kaya dapat naman na panindigan din niya ang pagiging mag-asawa nila. Kahit na ano ang sitwasyon, dapat ay palagi siyang nasa panig ni Mark Wayne. Saka, alam din naman niyang ang asawa niya ang higit na naaagrabyado.
Alam niyang hindi lang mahusay magbanta si Lance dahil kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ay talagang ginagawa nito para magtagumpay ito. Kaya naman mas lalo siyang kinabahan dahil baka kapag nalaman nito ang kanyang sikreto ay bigla na lang din nitong kunin sa kanya ang kanilang anak.
At hindi niya kakayanin kung mangyayari iyon kaya naman hindi niya napigilan ang mapaluha.
"Shit!" bulalas ni Mark Wayne.
"Natatakot ako." Hindi niya napigilang sabihin kay Mark Wayne na baka sa pagbabalik ni Lance sa kanilang buhay ay malaman nito ang kanilang sikreto.
"Nandito lang ako."
Sa tingin niya ay dapat siyang makampante sa pangakong binitawan ni Mark Wayne dahil kahit kailan naman ay hindi ito sumira sa pangako. Kaya naman, ang higpit higpit ng yakap niya rito. Pakiramdam niya kasi, kapag nakakawala siya sa mga bisig nito ay matatangay lang siya ng alon at hindi na makababalik pa sa piling nito.
Mahal niya si Mark Wayne. Maaaring hindi kasing tindi ng pag-ibig na naramdaman niya kay Lance pero hindi niya gugustuhing mawala ito sa kanyang buhay. Ngunit, kailanga muna niyang titigan si Mark Wayne para malam din nitong natatakot siya sa pagganting gagawin ni Lance.
"Paano kung malaman niyang.." hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil talagang kinakabahan siya. Kinagat na lang niya ng mariing-mariin ang kanyang labi hanggang sa malasahan niya ang pagdugo non.
Tiyak niyang alam na alam ni Mark Wayne kung ano ang kanyang kinakatakutan kaya bigla siya nitong niyakap at kailangan niya talaga ng masasandalan ng mga sandaling iyon kaya naman hindi niya na napigilan ang kanyang sarili. Niyakap niya ito at saka siya humagulgol. Talaga kasing natatakot siyang magulo ng nakaraan ang kanilang buhay. Kapag kasi nangyari iyon, si Apple ang higit na maaapektuhan.
"Hindi ko hahayaan na mangyari ang kinatatakutan mo. Maaaring magulo ni Lance ang negosyo natin pero hindi ko hahayaang pati ang pamilya natin ay masiya ng dahil sa kanya. Anak ko si Apple. Kasal tayo kaya sa atin ang lahat ng karapatan," mariing sabi ni Mark Wayne sa mga salitang binitawan. Kaya naman, gusto niyang makampante sa mga salita ni Mark Wayne pati na rin sa uri ng yakap na ibinibigay sa kanya.
Kahit alam niyang lahat ng paraan ay gagawin ni Mark Wayne para protektahan silang mag-ina, hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng takot, lalo na at muling nanumbalik sa kanyang isipan ang galit na nasa mga mata ni Lance nu'ng araw na sabihin niyang si Mark Wayne talaga ang mahal niya. Hindi man siya nito nagawang saktan at pagsalitaan ng masasakit na salita, alam niyang labis siya nitong kinamuhian. Kaya, hindi na siya magtataka kung lahat ng paraan ng paghihigati gagawin nito para lang makabawi.
Iilang buwan lang naman niya ito nakasama kaya hindi siya sigurado sa kung anong kaya nitong gawin. Nang magdesisyon kasi siyang paniwalaan ang lahat ng sinasabi nito sa kanya ay sobra siyang nasaktan pagkaraan. Paano'y lahat pal ng ipinaramdam nito sa kanya ay puro pagkukunwari lang.
Kahit kasi todo-todo ang pagmamakaawa nito sa kanya na huwag niya itong iwanan ng araw na iyon ay hindi niya ito pinakinggan. Maisipniya kasing bahagi pa rin ng 'palabas' nito ang ipinakikitang sakit sa kanya. Basta, ipinamukha niya rito na nagkamali lang siya ng akala ng sabihin niya rito na mahal niya ito dahil kahit anong gawin niya ay si Mark Wayne pa rin talaga ang nasa kanyang puso.
Ayaw rin kasi niya maniwala na talaga ngang sakit ang nakita niya sa mga mata nito nu'ng makipaghiwalay siya rito dahil plano lang naman talaga ni Lance na patunayan kay Mark Wayne na kahit ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan ay napagtagumpayan nitong agawin.
Ngunit, hindi na nito kailangan pang malaman na habang sinasaktan niya si Lance ay mas matindi ang sakit na naramdaman niya dahil kailangan niyang talikuran ang lalaking nilalaman ng kanyang puso para lang huwag masaktan ang kanyang matalik na kaibigan.
KAHIT naman alam ni Mark Wayne na hindi siya iiwanan ni Jillian para kay Ysmael Lance Madrigal ay hindi pa rin niya gusto ang emosyon na nakikita sa magandang mukha ng kanyang asawa nu'ng una niyang mabanggit si Lance -- pag-ibig at pananabik.
Kaya naman nang makita niya kanina si Lance ay talagang kinabahan siya. Ang pumasok sa kanyang isip, anong magiging reaksyon ni Jillian kapag nakita nito ang dating nobyo? Ngayon pa lang ay may sakit na siyang naramdaman nang maisip niyang baka kapag nakita nito si Lance ay magkaroon na ng ningning ang mga mata nito. Kahit kasi magkasama sila ni Jillian at sinasabi nitong masaya ito ay wala siyang nakikitang ilaw sa mga mata nito kaya talagang hindi siya makapaniwala na masaya ito sa kanilang pagsasama. Kahit kailan kasi'y hindi niya nakita sa mga mata at ngiti ni Jillian ang sayang nasa mukha nito noong si Lance ang karelasyon nito.
Kung sabagay, nang magpakasal naman sila ni Jillian ay hindi pag-ibig ang dahilan. Ang nais lang niya ay may kilalaning ama ang anak ni Jillian at siyempre, para magkaroon siya ng karapatan sa mag-ina na hindi naman kanya.
Well, mahal niya si Jillian. Minsan na niyang tinangkang pawalan ito kaya hindi na niya iyon uulitin dahil matinding sakit lang naman ang naramdaman niya pagkatapos. Kaya, ngayon, habang kaya pa ay hindi siya bibitiw. Sukdulang angkinin niya ang mga taong alam naman niyang pag-aari ng iba.
KAHIT na marami siyang trabaho sa Channel 26 na dapat niyang pagtuunan ng pansin, pinili pa rin ni Lance na dumaan sa Mabuhay Bank. Alam niya kasing first day of work ni Mark Wayne kaya gusto niyang magpakita rito. Nais niya kasing ipadama rito na walang makakapagsalba sa kabuhayan nito kundi siya. Kaya, nararapat lang na lahat ng gusto niya ay susundin nito. Ewan nga lang niya kung anong magiging reaksyon ni Mark Wayne kung ang hihilingin niyang kapalit ay si Jillian.
HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon. Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne. But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust
WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi
"ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis. May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple. Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si
HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina. Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino. Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. "Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne. Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi si
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan. O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili. Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso. "Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wh
"LANCE..." "What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa. "I love you," wika nito. "I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba. Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito. Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit
YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. Pero, hindi nito ginawa. Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Fra
"FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne. Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito. "Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapa
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama