Share

Chapter Four

last update Huling Na-update: 2021-05-21 14:52:36

MASAKIT na masakit na ang ulo ni Jillian sa kakaiyak pero hindi pa rin niya magawang huminto hangga’t hindi nauubos ang lahat ng tubig sa kanyang katawan. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung panay naman ang painom ng tubig sa kanya ni Mark Wayne? Talagang kahit kailan ay para itong super hero na maaasahan.

Agad itong dumating ng tawagan niya. Sobra nga itong nataranta nang makitang umiiyak siya tapos agad pa niya itong niyakap nang lapitan siya ng tanungin siya kung anong nangyari. Siyempre, hindi niya ito nasagot agad dahil ang sikip-sikip ng dibdib niya. Hindi niya talaga inakala na lolokohin lang siya ng kauna-unahang lalaking minahal niya. 

Masyado kasi siyang nadala sa mga I love you nito, sa sobra nitong ka-sweet-an. Sa maiinit at mahihigpit nitong mga yakap na dama niyang unti-unting naglalaho habang tumatagal. At ngayon ay nasagot na ang katanungang iyon. Pinagpaplanuhan na nitong makipagkalas sa kanya dahil nagwagi na ito kay Mark Wayne. Hindi lang puso niya ang nakuha ni Lance, pati na rin ang buo niyang pagkatao. 

Imagine, handa niyang kalimutan ang kanyang pangarap dahil sa pag-ibig niya kay Lance. Ang dahilan, ito na ang kanyang pinapangarap. Tapos ngayon ay ipagsasampalan sa kanya na peke lang ang pagmamahal na ipinakita at ipinadama nito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy nang mga oras na iyon ay tinu-torture siya. Pakiramdam niya, lahat ng pangarap niya ay biglang naglaho at na-realize din niyang hindi na iyon magkakaroon pa ng katuparan. 

Kung alam lang niya na ganito kasakit ang mabigo sa pag-ibig, hindi na lang sana siya nakipagrelasyon. Hindi na lang sana siya nagtiwala sa mortal na kaaway ng kanyang bestfriend.  Sana ay mas inuna na lang niyang tuparin ang kanyang pangarap kaysa ‘nagpagamit’ sa lalaking dumurog lang sa kanyang puso. 

Ngayon niya lubos na naintindihan kung bakit bigla na lang siyang inalok ni Lance na maging boyfriend nito gayung hindi naman sila close. Siya naman ay pumayag. Bakit nga ba hindi muna siya nag-isip? Ah, kasi'y gusto rin niyang makitang magselos si Mark Wayne. Kaya lang, hindi niya namamalayan na wala na sa matalik na kaibigan niya ang kanyang atensyon. Paano ba naman kasi, nadadala siya sa mga ginagawa ni Lance sa kanilang relasyon. 

Kapag hindi sila magkasama ni Lance ay panay ang text nito sa kanya. Kapag hindi siya agad nakapag-reply ay tatawag na ito. Aalamin kung ano ba ang kanyang ginagawa. At dahil nga sa magkaklase sila, alam ni Lance kapag may kailangan siyang gawin project kaya lagi rin itong nasa kanila at tinutulungan siya. Kaya naman lalo siyang nahulog dito. Paano ba naman kasi, hindi lang knight in shining armour ang tingin niya rito kundi Prince Charming pa. 

Alam na lam niyang marami ang naiinggit sa kanya dahil buong IAS (Institute of Arts and Science) ay crush na crush si Ysmael Lance Madrigal. Hindi lang kasi ito guwapo, mayaman pa. Sa paningin tuloy ng lahat ay mistulan itong prinsipe at naniwala siyang siya ang prinsesa nito. Kaya, hindi lingid sa kanya na marami ang naiinggit sa kanya. May mga babae rin na humihinto pa sa harap niya para lang siya'y ingusan. Siguro ay iyon ang paraan ng mga babae na iyon para sabihin sa kanyang 'mas maganda ako sa'yo.'

Marahil nga ay wala naman itong naging girlfriend dahil hindi naman ini-entertain ni Lance ang mga nagkakagusto rito. Alam niya kasing mabigat din ang magiging responsibilidad nito sa kumpanyang pag-aari ng pamilya nito kaya't kailangang doon nito ituon ang atensyon. Gayunman, nagawa pa rin ipakita ni Lance sa kanya kung gaano siya nito pinahahalagahan. Kaya, talagang hindi niya naisip na ginamit lang siya ni Lance para lang malamang si Mark Wayne. 

“Okay ka na ba?” marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne habang panay ang hagod sa kanyang likod. 

Alam niyang ang nais lang naman ni Mark Wayne ay mapayapa siya pero paano naman magiging okay ang kanyang pakiramdam kung kahit na masama ang loob niya kay Lance ay nakapaskil pa rin ang kaguwapuhan nito sa kanyang isipan. 

Buong katarayan niya itong sinagot. “Siyempre, hindi. Ang sakit kaya. Akala ko, nakatagpo na ako ng prinsepe. Iyon pala, nagkatawang halimaw lang. Ang tanga-tanga ko kasi. Hindi man lang ako nagduda sa intensyon niya. Tinanggap ko pa ang alok niyang maging magkarelasyon kami para pagselosin ka." 

“What?” gilalas niyang bulalas. Parang hindi mapaniwalaan ang narinig. "Anong sinasabi mo?"

Napalabi siya. Wala na naman talaga siyang balak na sabihin pa kay Mark Wayne na minsan ay minahal niya ito. Ayaw na rin naman kasing masira pa ang kanilang pagkakaibigan. Saka, umasa siya na magkakaroon sila ng happy ending ni Lance 'yon pala pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Ngunit, nang mga oras na ito ay alam niyang hindi titigil si Mark Wayne hangga't hindi nito nalalaman ang lahat. Kaya, umamin na siya. 

"Minahal kita, okay." Ngunit, makaraan ang ilang sandali ay tinanong niya ang sarili, talaga nga bang minahal niya si Mark Wayne?

Gusto sana niyang sabihing oo pero parang gusto niyang kuwestiyunin ang kanyang sarili. Para kasing hindi naman nangalahati ang nadama niya kay Mark Wayne kung iyon ay ikukumpara sa damdamin niya ngayin kay Lance. Ngunit pagkaraan, siya na rin ang sumagot. Masyadong malalim ang ugnayan nila ni Lance samantalang mag-bestfriend lang talaga ang naging turingan nila ni Mark Wayne. 

"As in nagkagusto ka sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong nito. 

Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ganoon ka ba talaga kamanhid para hindi mo maramdaman o nagmamaang-maangan ka lang para hindi ako masyadong mapahiya?" sarkastikong tanong niya rito. 

Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne pagkaraan kaya nakasiguro siyang nagpanggap lang itong hindi nalaman na nagkagusto siya rito. Napakaimposible naman kasi nu'n dahil talagang lahat ng atensyon niya ay gusto niyang ibigay kay Mark Wayne. Kaya nga panay ang tawag niya rito ng My Wayne dahil gusto niyang itaktak sa isip nito na hindi lang niya ito minamahal bilang bestfriend. 

Marahan siyang tumango. "Kaya nagseselos ako kapag may kasama kang babae tapos hinahalikan mo pa at nakita iyon ni Lance kaya nag-offer siyang magkunwari kaming magkarelasyon. Para raw ma-realize mong mahal mo ako."

Hindi ito kumibo. Sa halip tinitigan lang siya. Pakiwari niya'y [inag-aaralan nito ng husto ang kanyang sinabi. “Sa simula pa lang ay niloko ka na ni Lance. Gusto ko talagang bugbugin ang lalaking iyon. Masyado siyang nag-take advantage sa’yo. Kung alam ko lang na masyado kang nagpagamit sa lalaking iyon, binatukan na kita. Bakasakaling natauhan ka.”

Hindi niya napigilan ang mapahagikgik sa sinabi nito. 

“Ngayon naman bubungisngis ka. Ano, tatawag na ba ako sa Mental?” sarkastikong tanong nito sa kanya. 

Kahit hanggang sa kasalukuyan ay sobra pa rin siyang nasasaktan, hindi naman niya napigilan ang mangiti. “Masyado ko lang na-miss ang usapan nating ganito. Parang ang tagal nating hindi nakapagkuwentuhan man lang.”

Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan nito bago nagsalita.“Masyado ka kasing naging busy kay Lance mo.”

Nang pumasok sa kanyang isipan si Lance para gusto na naman niyang ngumawa. Ang hirap kasi talagang tanggapin na nagkunwari “Sus, ikaw nga itong sa tuwing makikita ko sa campus ay may kahalikan.”

Tumawa ito. 

“Dinededma mo lang kasi ako nu'ng mga panahon na iyon.”

“Alam ko kasing kahit na sabihin ko sa’yong mahal kita, hindi kita mapapaligaya,” malungkot na sabi nito. 

Alam niyang may mabigat  itong  problemang pinagdaraanan kaya hindi siya tumigil sa kakakulit dito hanggang hindi nito ikinukumpisal sa kanya ang problema nito. Tutal alam din naman nito ang sakit na pinagdaraanan niya ngayon.

“Oh my God!” bulalas niya nang sabihin  nitong  nangyari nu’ng naaksidente ito sa Baguio.

Napalunok siya dahil kasama siya nito nung maaksidente ito, nahulog sa kabayo at natadyakan ng bisiro ang pagkalalaki nito. Ilang beses na raw itong nagpa-check up pero iisa lang ang sinasabi ng doktor. Wala itong kakayahang makipagtalik dahil hindi na iyon gumagana. 

“Iyan ang dahilan kaya ayokong malaman mo na mahal kita,” marahan sabi nito sa mga katagang binitawan. 

“Pero, sinabi mo pa rin.”

“Dahil alam kong wala ng katugon. Iba na ang mahal mo. Anong plano mo ngayon?” tanong nito. Sa tingin niya ay ayaw na nitong ituon ang usapan nila sa kung anong nararamdaman nito at sa aksidenteng nangyari rito. 

Nang sunduin siya kanina ni Mark Wayne sa isang coffee shop na malapit sa condo ni Lance, ay sinabi niya ritong gusto niyang magpunta sa Tagaytay at ngayon nga’y naka-check in na sila sa isang deluxe cottage. Nasa bakasyon din ang kanyang mga magulang kaya naman sa mga katulong na lang siya nagsabi na hindi siya makakauwi. Naisip niyang baka tumawag ang mga magulang niya at hanapin siya. Kailangan naman ay may maisagot ang mga katulong para hindi na mag-alala ang kanyang mga magulang.

Hindi na niya kailangan pang sabihin sa mga ito na si Mark Wayne ang kanyang kasama at hindi na rin naman nagtanong si Catalina. Siguro ay iniisip nitong si Lance ang kanyang kasama.

Ang pagsasama sa isang kuwarto ay natural lang sa kanila ni Mark Wayne. Marami ngang pagkakataon na nag-u-overnight sila sa kuwarto ng isa’t isa. Ngunit ni minsan ay hindi niya naramdaman kay Mark Wayne 'yung nararamdaman niya kapag si Lance ang kanyang kasama sa iisang kama. Pakiramdam niya kasi'y parang may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura.

“Makikipag-break. Kahit gaano ko siya kamahal, hindi ako magpapagamit sa kanya. Saka, hindi ko na rin siya mapapatawad. Niloko niya ako,” mariin niyang sabi at desidido talaga siyang gawin iyon. Kaya nga lang, habang winiwika niya iyon ay para ring sinasaksak ang kanyang puso. Sobra kasing sakit ang nararamdaman niya kaya hindi na siya magtataka kung maya-maya lang ay mapupugto na rin ang kanyang hininga. 

Hindi naman siya natiis ni Mark Wayne kaya kinabig siya nito para yakapin. Talagang kailangan niya ng balikat na maiiyakan ng mga sandaling iyon kaya naman niyakap rin niya ito. Kaya nga lang, sa sulok ng kanyang puso'y hindi niya maiwasang hilingin na sana ay si Lance ang kayakap niya. 

Forget him! naiinis na sabi ng kanyang utak. Para kasing kinakalimutan niyang si Lance ang dahilan kaya siya umiiyak. 

Nag-ring ang kanyang cellphone kaya bigla siyang napalayo kay Mark Wayne. Naningkit ang mga mata niya nang mabasa niya kung sino ang caller -- It’s my Lance.

Sa pagkakatitig niya sa screen ng kanyang cellphone ay pumasok sa isipan niya ang eksena kung saan sabihin niya kay Lance kung ano ang endearment niya rito. Siyempre, tuwang-tuwa si Lance sa It’s my Lance dahil damang-dama daw nito na mahal na mahal niya ito. At dahil gusto yata siya nitong tapatan ay My Love, My Destiny ang endearment nito sa kanya pero dahil madalas nitong makalimutan iyon, Jillian lang ang lagi nitong natatawag sa kanya. 

Ngayon ay may ideya na siya kung bakit. Mas plano ni Lance na agawin siya kay Mark Wayne kaysa mahalin siya talaga. Kaya naman pala mula ng may mangyari sa kanila ay naramdaman na niyang bigla itong nanlamig. Parang lumilipad sa kung saan palagi ang utak nito at parang hindi na ito nakakaramdam ng selos kapag nakikita nitong may kausap siyang lalaki, Samantalang dati'y todo-todo ang pagbakod nito sa kanya. 

Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya nang maisip niyang mayroon palang  expiration date ang kanilang relasyon at alam niyang kapag ito ang nakipaghiwalay sa kanya ay higit siyang masasaktan kaya makabubuting siya na humiwalay habang kontrol pa niya ang kanyang emosyon. 

“Hindi mo ba sasagutin?”

“Hayaan mo muna.”

“Gusto mo bang ako ang sumagot?” nakangising tanong nito. Alam niyang may kung anong naglalaro sa isip ni Mark Wayne para 'magantihan' si Lance sa kasalanan nito. Hindi rin naman kasi ang tipo ni Mark Wayne ang gugustuhing makipag-away. 

“Sige,”sabi niya kahit hindi siya sigurado kung kaya niyang saktan si Lance.

“Hi Lance. Nagsa-shower si Jillian, eh. Sabihin ko na lang na tumawag ka. Nasaan kami? Secret. Oh, Monday pa nga pala ang balik namin ni Jillian. Naka-check in kasi kami. Yes, magkasama kami sa iisang kuwarto.” Pagkaraan ay bigla itong humalakhak. Nang tanungin niya kung bakit ay sinabi nitong pinagmumura raw ito ni Lance. 

Nang ma-imagine niya kung gaanong nasaktan si Lance sa sinabi ni Mark Wayne, parang gusto niyang umiyak. Mahal niya kasi ito kaya't ayaw niyang masaktan ito sa anumang paraan. Kaya lang, sasaktan din naman siya nito kaya't maigi pang unahan na niya ito. Para naman hindi siya magmukhang walang pakinabang na basahan kapag dinispatsa na siya nito. 

“OKAY ka lang?” nag-aalalang tanong ni Mark Wayne sa kanya nung nasa tapat na sila ng kanilang bahay. 

“Yes,” mahina niyang sabi. Limang taon na kasi ang lumipas pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang araw na nagpasya siyang tuldukan ang  relasyon nila ni Lance. 

Nu’ng dumating sila ni Mark Wayne galing Tagaytay, mistulang pulubi si Lance na nakasalampak sa gutter. Marungis at halatang problemado. Nang mga oras na iyon ay parang gustong magbago ng isip niya na makipagkalas dito kundi lang niya natanong ang sarili, nakasisiguro ba siyang hindi darating ang araw na di siya iiwanan  ni Lance?

“Kaya mo ba?” tanong sa kanya ni Mark Wayne. 

Nang makita niya ang matalik na kaibigan ay bumalik din sa isip niya ang kanilang mga pinagsamahan kaya hindi niya hahayaan na masaktan ito. Kahit pa ng taong buong puso na niyang iniibig. 

Si Lance o si Mark Wayne?

Isa lang ang dapat niyang piliin. At alam niyang kapag si Lance ang pinili niya, maaaring sa huli ay matalo lang siya dahil hindi na siya nakasisigurado kung talaga nga bang mahal siya nito. Maaari kasing lahat ng sinabi nito sa kanya ay pawang mga pambobola lang. Marahil gusto lang talaga nitong kunin ang loob niya para madali  ritong agawin siya kay Mark Wayne.

“Naalala mo ba ang breakup scene ninyo?” bulong sa kanya ni Mark Wayne. 

Sa halip sagutin niya ang tanong nito, humilig siya sa dibdib nito. “Wala akong ibang gustong alalahanin kundi ang kabataan natin,” sabi niya kahit muli na namang rumehistro ang masasakit na salitang ibinato niya kay Lance. ‘I’m sorry Lance pero na-realize kong hindi pala kita mahal kaya tinatapos ko na ang relasyon natin.”

                                                                     

NAGKAGULO ang pamilya Cordova at Toledo nang makita silang pababa ng taxi. “Bakit hindi man lang kayo nagsabi ng uuwi kayo?” tanong ng kanyang Mama. Hillary ang pangalan nito. Tulad ng dati'y para itong aatakihin sa puso kapa nagsasalita dahil hindi ito humihinga hangga't hindi natatapos ang sasabihin. 

Ngumiti si Jillian bago sinagot ang ina. “Gusto naming masorpresa kayo.”

Pinanlakihan siya nito ng mata. “Wala ka ng ginawa kundi ang biglain kami.”

Marahang tawa ang pinawalan niya. Alam niyang hindi lang ang biglaang pagdating nila ang tinutukoy nito kundi ang mga desisyong ginawa niya sa buhay. Ang pakikipagbreak niya kay Lance at ang pakikipagrelasyon kay Mark Wayne. Ang pagsama niya kay Mark Wayne sa America at ang biglaang pagpapakasal nila ni Mark Wayne sa Las Vegas. 

“Ang mahalaga, nandito na ang mag-anak,” wika naman ng kanyang Papa. Robertito nama ang pangalan nito. Sobrang hinahon naman nitong magsalita at kahit kailan ay hindi ito nagalit. Maski na marami siyang kalokohang nagagawa. 

Mag-anak. 

Hindi napigilan ni Jillian ang mangiti sa sinabing iyon ng ama. Para kasing ang sarap-sarap pakinggan. 

Minsan naman talaga niyang pinangarap na magiging asawa niya si Mark Wayne at hindi niya akalain na magkakaroon ng katuparan iyon. Napabuntunghininga lang siya sa katotohanang hindi pag-ibig ang dahilan kaya nangyari iyon. Bahagya siyang umiling iling para iwaksi sa isipan niya ang dahilan kaya lang parang napakahirap gawin dahil pagbaligtad-baligtarin man ang mundo'y hindi maitatago ang katotohanan. 

“How’s your biyahe, apo?” malambing na tanong ng Mommy Divine, ang kanyang mabait na biyenan. Bata pa lang siya ay palagi na nitong sinasabi sa kanya na gusto siya nitong maging manugang. Sa palagay niya kasi'y tumino sa kanyang isipan ang madalas nitong sabihin noon kaya na-excite din siyang ikasal kay Mark Wayne. 

“Fine, Lola. Si Daddy takot sa airplane,” nang-aasar na sabi ni Apple, nakangisi.  Kahit ipinanganak ito at lumaki sa America ay siniguro nila ni Mark Wayne na marunong itng magtagalog kaya kapag nasa bahay sila ay tagalog ang kanilang usapan. 

Napuno ng tawanan ang paligid. Nayakap tuloy niya si Mark Wayne dahil mapulang-mapula ang mukha nito sa sobrang kahihiyan. Bilang butihing misis, gusto niyang iparamdam kay Mark Wayne na kahit anong mangyari, kakampi siya nito. 

Bestfriends forever and ever, iyon ang sinumpaan nila ni Mark Wayne nu'ng ten years old sila at dahil mag-asawa na sila ay tinitiyak niyang mapapanindigan niya ang mga salitang iyon kahit na anong mangyari. 

“Takot kasi sa mataas na lugar ang Daddy mo. Nagka-phobia ‘yan ng ma-trap sila ng Mommy mo sa tuktok ng ferris wheel,” nang-aasar din sabi ng kanyang Daddy Denmark. Carbon copy ito ni Mark Wayne kaya may ideya na siya kung anong hitsura ni Mark Wayne pagtanda. 

“Ferris wheel? Iyong malaking bilog na umiikot?” sabik na tanong ni Apple pagkunwa’y binalingan ang ama. “Sakay tayo sa ferris wheel, Daddy.”

“Hindi pwede!” pasigaw na sabi ni Mark Wayne. Halata kasing dinapuan na naman ito ng takot. Lumambot lang ang ekspresyon nito nang makitang maiiyak si Apple sa pagtataas niya ng boses. “Hindi galit si Daddy. Masyado mo naman kasi akong binigla. Huwag ka kasing magyayaya sa ferris wheel dahil awtomatiko talagang tumataas ang boses ko. Saka, masyado ka pang bata para sumakay sa ferris wheel.”

Hindi niya napigilan ang mangiti habang pinagmamasdan ang dalawa. Halata kasing mahal na mahal ni Mark Wayne si Apple kahit si Ysmael Lance Madrigal ang tunay na ama ni Apple. 

"WHAT'S wrong?" 

Hindi nakuhang sagutin ni Jillian ang nag-aalalang tanong na iyon ni Mark Wayne dahil parang walang anumang katagang gustong lumabas sa kanyang boses. Hindi rin kasi niya alam kung paano sasabihin ang kanyang natuklasan pero hindi naman niya iyon puwedeng itago. 

"Mark Wayne..."

"Bakit ka ba suka nang suka?" nag-aalalang tanong nito. Nasa boses din ang panic. 

"Kasi ano eh..."

"May sakit ka ba?" biglang tanong nito. 

Bigla siyang umiling. 

"I don't believe..."

"Buntis ako," hindi na niya napigilang sabihin.  Kasabay noon ay bigla siyang umiyak. 

Ang gusto sana niya ay kasama niya si Lance pero natatakot naman siyang hindi siya paniwalaan ng kanyang ex-boyfriend.  

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang malaman niya ang dahilan ni Lance kaya siya nito pinaibig at hindi na niya ito kinumpronta tungkol doon. Natatakot din kasi siyang makumpirma ang kanyang narinig. Alam niyang mas masasaktan lang siya kaya naisip niyang mas maigi pa sigurong maniwala na lang siya na minahal talaga siya ni Lance. Tutal naramdaman din naman niya ang pagmamahal nito.

   

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
nakakasad naman para kay mark wayne.. pero mas doble ung sad para kay lance...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Five

    MAAARI ngang ang limang taon ay napakatagal na panahon na para sa marami ngunit para kay Ysmael Lance Madrigal ay hindi sapat ang panahon na iyon para paghilumin ang sugat na nasa kanyang puso mula ng araw na talikuran siya ni Jillian Cordova para sa bestfriend nitong si Mark Wayne Toledo. Hindi niya kasi talaga inasahan na magagawa pa iyon sa kanya ni Jillian dahil damang-dama naman niya ang pag-ibig nito. Nakikita niya ang ningning sa mga mata nito kapag siya'y tinititigan. Ganoon din kasi ang tingin niya rito. Parang may nakatambay na stars sa kanyang mga matakapag kasama niya ito't kausap.Ngunit, kahit na alam niyang may pagtingin na sa kanya si Jillian, parang hindi pa rin nabubura sa isipan nito na si Mark Wayne ang una nitong minahal. Pero, mahal din naman siya ni Jillian. Iyon ang gusto niyang paniwalaan. Nang araw kasing sabihin sa kanya ni Jillian na mahal siya nito'y umasa siya na tuluyan na niyang natalo s

    Huling Na-update : 2021-05-22
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Six

    MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang malaman niya sa kanyang ama ang tunay na dahilan kung bakit pinabalik sila nito sa Pilipinas -- si Lance. Naglagak ito ng 200 milyon sa Mabuhay Bank at ngayon ay gusto na sana nitong kunin kung di lang nakiusap ang kanyang ama. Kahit na gusto sana niyang magalit sa kanyang ama dahil hindi muna nito kinunsulta sa kanya ang tungkol sa pagbibigay ng mataas na interes sa bawat depositor ay wala na siyang magagawa pa. "Pasensiya ka na sa kapalpakan ko, anak?" nahihiyang sabi ng kanyang ama. Bahagyang sulyap na lang ang ibinigay niya kay Denmark Toledo dahil ang isip niya ngayon ay nakatuon na sa kung anong binabalak na gawin ni Lance. Alam niyang masyadong nasaktan ang pride nito dahil tinalikuran ito ni Jillian at nagawa niyang manalo sa laban na ginawa nito. Ngunit, talaga nga bang nanalo siya? Sarili lang niya ang kanyang lolokohin kung sasabihin niyang oo dahil talaga na

    Huling Na-update : 2021-05-23
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seven

    "HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr. Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt. Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala naman

    Huling Na-update : 2021-05-24
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eight

    HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon. Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne. But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • My Bestfriend's Enemy    Chapter Nine

    WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi

    Huling Na-update : 2021-05-26
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Ten

    "ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis. May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple. Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si

    Huling Na-update : 2021-05-27
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eleven

    HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina. Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino. Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. "Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne. Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi si

    Huling Na-update : 2021-05-28
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Twelve

    MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jillian nang pasukin muli ang Kingdom of Fun. Parang kailan lang kasi, magkahawak kamay silang pumasok doon ni Lance. Super sweet at parang walang ibang nakikita kundi ang isa't isa. Kaya't hindi niya inakala na magkakaroon din ng ending ang kanilang pagmamahalan. O baka naman siya lang ang talagang nagmahal, mapait niyang sabi sa sarili. Ayaw na kasi niyang tanungin noon si Lance kung minahal ba siya nitong talaga o nagpanggap lang na mahal siya. Ah, hindi na niya kayang makumpirma na ginamit lang siya nito She's so in love back then. Akala niya'y natagpuan na niya ang kanyang forever sa piling ni Ysmael Lance Madrigal pero nagkamali lang pala siya. Umasa lang siya at nabigo. At hanggang ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso. "Akala ko ba ako ang may phobia sa ferris wheel?" tanong sa kanya ni Mark Wayne. Nasa boses ang panunudyo. Talaga kasing hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang ferris wh

    Huling Na-update : 2021-05-29

Pinakabagong kabanata

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty One 

    "MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty

    MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Nine 

    "BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Eight 

    "WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Seven 

    ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Six 

    "BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Five 

    "ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Four 

    GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Three

    "KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status